Followers

Saturday, April 1, 2023

Mga Payo ng Doktor sa Tamang Pag-inom ng Tubig


    
        Wala naman sigurong hindi nakaaalam sa benepisyo ng tubig sa ating katawan, subalit tiyak na mangilan-ngilan lang ang nakaaalam ng tamang pag-inom nito. Kaya naman may mga payo ang mga doktor tungkol sa wastong pag-inom ng tubig.

 

Una, uminom ng 8-10 basong tubig bawat araw, subalit huwag lalampas sa 16 basong tubig sa loob ng isang araw dahil maaaring maging dahilan ito ng sobrang paglabnaw ng ating dugo. Sa katunayan, 65% ng ating katawan ay gawa sa tubig. Samantala, pinapayuhang uminom ng 4 o 5 basong tubig lamang kung may edad na o mahina ang puso.

 

Sa pag-inom ng tubig, maisasaayos nito ang timbang ng body fluids. Makakatulong sa pagtunaw ng pagkain; nakakapagbalanse ng temperatura; pagsipsip ng sustansiya, sirkulasyon ng dugo; paglikha ng laway; at paghahatid ng mga sustansiya sa katawan.

 

Pangalawa, iwasan ang biglang pag-inom ng 2 basong tubig lalo na kung may edad na dahil baka malunod ang inyong puso. Gawing dahan-dahan o pakonti-konti lang ang pag-inom ng tubig—mga 3 o 4 na lagok lang. Makabubuti rin itong panlaban sa pangangasim ng sikmura dahil ang unti-unting pag-inom ng tubig ay nakakalinis ng asido sa tiyan.

 

Pangatlo, ugaliing uminom ng isang basong tubig pagkagising sa umaga para mawala ang dehydration. Malaking tulong din ito sa paglilinis ng kidney at pantog.

 

Ang tubig sa katawan ang nagdadala ng dumi palabas at papasok sa ating selula. Ang pinakalason sa katawan ay tinatawag na blood urea nitrogen. Ito ay tubig din na dumadaan sa ating kidney at nailalabas bilang ihi. Maaaring magkaroon ng urine concentration kapag hindi sapat ang tubig, o kaya ay may makulay at may amoy ang ihi. Ang ating bato ay may kakaibang trabaho. Nililinis nito ang ating katawan sa mga lason kapag may sapat na tubig. Kung may lahi ng kidney stones, o iyong bato sa bato, dapat na uminom ng tubig bago matulog sa gabi, para hindi magbuo ang kidney stones sa gabi.

 

Pang-apat, kailangang uminom ng mas maraming tubig kapag nag-eehersisyo. Kapag malakas magpawis, uminom ng isang basong tubig bawat 30 minuto, gayundin kapag may sipon o ubo para lumabnaw at mailabas ang plema; kapag nagbi-breastfeeding para sa inyong sanggol.

 

Ang pag-inom ng tubig ay nagpapaganda at nakakapagpakinis ng kutis at nakakaiwas sa dehydration na nagdudulot ng panunuyo at pagkulubot sa balat. Ito ay may malaking tulong sa gastrointestinal tract (panunaw) at nakakapagpanormal ng pagdumi. Nakatutulong din ito sa pagkontrol ng calories.

 

Panlima, huwag hayaang mawala ang fluid sa ating katawan. Kailangang mapalitan ng fluid ang nawala sa katawan, dulot ng pawis; paghinga; at maging sa pagdumi para hindi ito humantong sa dehydration. 

 

At pang-anim, uminom ng First Vita Plus Natural Health Drink dahil mayroon itong complete sources of nutrients, gaya ng Vitamins, Minerals, Micronutrients, Antioxidants, Fibers, at Phytochemicals.

 

`Ika nga, “Water is life.” Tama naman. Pero kung ang tubig na iinumin ay nilahukan ng gulay, siguradong may long life dahil palalakasin nito ang ating Immune System. Kaya, magtiwala na sa mga payo ng mga doktor. Magtiwala sa First Vita Plus products!

 

              Dahil sa sobrang init sa Pilipinas, madalas tayong makaramdam ng matinding pagkauhaw, lalo na kapag panahon ng tag-araw. Totoong napapawi ng tubig ang uhaw, pero huwag lang basta pawiin ang uhaw, gawing mas healthy ang katawan. Ang tubig ay buhay kaya kapag ito ay sinamahan mo ng limang gulay sigurado hahaba ang iyong buhay.

No comments:

Post a Comment

Paano Sumulat ng Lathalain? #2

 Madali lang. Para ka lang nagbilang ng isa hanggang siyam.   Una, isulat mo ang unang talata. Ang unang talata ay tinatawag na ‘The Lea...