Followers

Friday, April 14, 2023

Hindi na Natuto (Tula)

 Ikaw na nagmahal nang todo,

Walang pinakamaganda sa mundo

Kundi ang ex mong nanakit sa `yo.

 

Ikaw na nasaktan nang husto

Pero may mapagmahal na puso

Ay mananatiling tapat sa pangako.

 

Ikaw na iniwan pero nanatiling buo

At naniniwalang hindi ka niya niloko

Ay maghihintay hanggang sa dulo.

 

Ikaw na pinagpalit niya sa maling tao

Pero umaasa pa ring magiging kayo--

Ikaw ay talagang hindi na natuto.

No comments:

Post a Comment

Elias Maticas 8

Elias Maticas 8      Naging usap-usapan sa buong barangay ng Mapulot, lalo na sa Sitio Burabod ang tungkol sa kakayahan ni Elias na kausap...