Huwag kang matakot magkape sapagkat may sampung dahilan kung bakit kailangan mo ito.
Una. Nakatutulong ito sa
pagtunaw ng mga taba sa katawan. O, narinig mo? Magiging seksi ka. Ang iba, coffee
diet lang, sapat na.
Pangalawa. Nakapagpapataas
ito ng performance level. So, kung may gawain o trabaho, magkape
ka. Matagal kang malo-lowbat.
Pangatlo. Nagbibigay ito ng
enerhiya. Sa umaga, tanghali, o hapon, kailangan mo ang kape para maghapon kang
active.
Pang-apat. Pinoprotektahan
nito ang atay mo. Ayon sa mga researchers, ang coffee drinkers ay
21% less na prone sa liver problems.
Panglima. Nagbibigay ito ng mga
essential nutrients. Ang kape ay may Vitamin B2 at B3, Niacin,
Magnesium, Potassium, at iba pa.
Pang-anim. Pinabababa nito
ang panganib sa sakit. Kaya nitong pigilan ang Parkinson's disease,
Type 2 diabetes, liver
cancer, heart attack, at stroke.
Pampito. Nagbibigay rin ito
ng mga antioxidants. Tinatanggal ng antioxidants ang mga
mapaminsalang substance sa katawan mo upang hindi ka magkasakit.
Pangwalo. Pinahahaba nito ang
buhay mo. Dahil maraming sakit ang natutulungan nito, literal na hindi ka
magkakasakit, kaya hahaba ang buhay mo.
Pansiyam. Pinasasaya ka nito.
Kahit sino naman, hindi lang ikaw, ay napasaya ng kape. Aroma pa lang nito,
mapapangiti ka na.
At pansampu. Pinatatalino ka
ng kape. Hindi ko na kailangang ipaliwanag ito, dahil umiinom ka naman ng kape.
Gumagana na ang central nervous system mo.
Hayan, sampu na! Naniniwala
ka na ba?
Magkape ka lang, kahit three
times a day, ikaw ay magiging healthy, disease-free, and happy!
No comments:
Post a Comment