Maria: Pedro, Pedro, napanood mo ba si Hudas sa Pinoy Lolo Metong Glass House?
Pedro: Ano 'yon? Hindi ako nanonood ng mga balita sa tv. Nai-stress ako.
Maria: Hindi naman balita 'yon. Reality show.
Pedro: Kahit na. Nakokornihan ako sa mga ganyan. Scripted.
Maria: Grabe ka naman! Ano ba ang pinanonood mo?
Pedro: Korean series.
Maria: Heto na nga! Nasa tv lang pala si Hudas, ang angkol mo. Hindi ka ba natutuwa?
Pedro: Matutuwa ako kung uuwi na siya.
Maria: Ano ka ba? May premyo 'yon. Kailangang ma-survive at makayanan niya ang lahat ng tasks ni Lolo Metong para manatili siya sa Glass House.
Pedro: Anong premyo?
Maria: One hundred square meters na garden, dalawang milyong piso, at one-year contract sa Lolo Metong Films. O, 'di ba, bigatin ang papremyo? Kaya hayaan na natin ang angkol mo sa Glass House.
Pedro: Ikaw, talaga... kapag pera at materyal na bagay ang pinag-uusapan, kumikinang ang mga mata mo.
Maria: Sa hirap ng buhay ngayon, bibihira na lang ang hindi materialistic. Ang iba riyan, napakahipokrito. Kunwari hindi mukhang pera, pero talo pa si Hudas. O, sige na, uwi na ako. Manood ka mamaya, ha?
Pedro: Ewan!
No comments:
Post a Comment