Pedro: Wala ka ba talagang alam sa kinaroroonan ni Angkol Hudas?
Maria: Wala nga! Pareho lang tayong nag-aalala, Pedro. Kahit ako, gustong-gusto ko na siyang makita.
Pedro: Baka may sinabi siya sa `yo bago siya umakyat o pumasok sa bahay ng iba. Aalalahanin mo.
Maria: Huling kuwentuhan namin, natanong niya ako sa mga plano ko sa buhay. Sabi ko, gusto kong tapusin ang pag-aaral ko kasi na-inspire mo ako.
Pedro: Totoo ba? E, parang kailan lang, sinabihan mo ako ng mayabang dahil gragradweyt na ako.
Maria: Sorry. Andami ko nang nasaktan dahil sa masamang ugali ko. Ambisyosa. Pretentious. Sorry talaga. Sa tingin ko, ako ang dahilan kaya gumawa ng masama si Hudas.
Pedro: Paano mo nasabi? E, dati pa namang ganyan si Angkol, unless matagal na kayong magkarelasyon.
Maria: Bago lang kami. Nahulog ako sa kaniya nang husto kasi gusto niya akong tulungang makapagtapos ng kolehiyo nang walang kapalit. Sabi niya, magtratrabaho siya para sa akin.
Pedro: So, ikaw nga ang dahilan, Maria! Kasalanan mo `to.
Maria: Pedro, hanapin natin siya. Please huwag ka munang magalit sa akin.
Pedro: Umalis ka na!
No comments:
Post a Comment