Pangalan mo, pangalan nating lahat ay Pangngalan
Gaya ng mga bayan bagay, hayop, at halaman.
Kapag ang mga ito'y pinalitan, Panghalip ang katawagan
Ikaw, ako, siya, tayo-- tayong lahat ay magmahalan.
Pang-uri ang katangian ng mga bagay at nilalang.
Tayo'y magaganda sa mata ng Diyos na makapangyarihan.
Ang Pandiwa ay mga kilos ng mga bagay at ninoman
Tayo'y ngumiti, magsaya, magsayawan, at mag-awitan.
Ang Pang-abay, sa lugar, kilos, at galaw ay naglalarawan.
Sa mundo ngayon, mamuhay tayo nang may kasiyahan.
Ang Pangatnig ay tagapag-ugnay ang ginagampanan
Kaya maghawak-kamay at tayo ay magtulungan.
Sa Pang-ukol, ang gawa, kilos, layon, at pag-aari ang pinag -uukulan
Para sa ating bansa o tungkol sa ating Inang Bayan
Sa Pang-angkop, mga salita'y dumudulas at gumagaan,
sapagkat dapat na pinag-iisipang mabuti ang pahayag na bibitawan.
Sa unahan ng Pangngalan at Panghalip, ang Pantukoy ay matatagpuan
Kaya si Maria at ang mga kapatid niya'y pupunta kay Lolo Juan.
Sa pagtukoy ng ayos ng pangungusap, ang Pangawing ay pagkakakilanlan
sapagkat ang mga batang masipag mag-aral ay maraming natututuhan.
No comments:
Post a Comment