Followers

Friday, September 1, 2023

Makata O Thoughts -- Hayaan

Kung may naiinggit sa 'yo, 

hayaan mo.

Kung may naninira sa 'yo, 

hayaan mo. 

Kung may nagmamaliit sa 'yo, 

hayaan mo. 

Kung may nanlalaglag sa 'yo, 

hayaan mo. 


Bakit? 


Hayaan mo lang sila 

kasi kung naiinggit sila sa 'yo 

Ibig sabihin, may kainggit-inggit sa 'yo, 

Kung sinisiraan ka nila, 

kasi buong-buo ka pa 

Kung minamaliit ka nila, 

mas malaki ka kaysa sa kanila 

Kung nilalaglag ka nila, 

nasa itaas ka, nasa ibaba sila.


Kaya, hayaan mo sila.


No comments:

Post a Comment

Ang Aking Journal -- Hulyo 2026

Hulyo 1, 2026 Muntik na akong ma-late dahil sa bus na nasakyan ko. Panay ang hinto at pick-up niyon ng mga pasahero. Hindi ko na tuloy naa...