Followers

Friday, September 8, 2023

Makata O. Thoughts -- Salabat

Salabat para sa boses na malat,
Masakit na lalamuna't napatid na ugat
Mabuting disiplina ang hangad
Ngunit nabigong matupad.
Pagalit, sermon ay hindi sapat
Malakas na sigaw ay nararapat
Subalit heto ang naging bayad.
Masakit, parang binabanat.
Mabuting pag-uugali ay salat
Kaya anomang sigaw, `di tatalab.
Mananatili na lang itong pabigat
Hindi lang sa akin, kundi sa lahat.

No comments:

Post a Comment

Ang Aking Journal -- Hulyo 2026

Hulyo 1, 2026 Muntik na akong ma-late dahil sa bus na nasakyan ko. Panay ang hinto at pick-up niyon ng mga pasahero. Hindi ko na tuloy naa...