Agosto 1, 2023
Alas-nuwebe na ako nagising. Ang sarap matulog, e! Nagkape at kumain lang ako ng cracklets kasi hindi nag-o-on ang induction cooker namin. Hindi makapagprito ng itlog.
Andaming hassle ngayong araw. Buko sa induction cooker, wala ring wifi ang laptop ko. Connected naman ang phone ko at ang isang laptop. Hindi ko tuloy maituloy ang paglagay ng voiceover sa PPT ko ng prostate cancer. Gumagamit kasi ako ng TTS Free na website. Gayunpaman, nag-encode na lang ako.
At past 10, huminto ako kasi kailangan uli ng internet sa ini-encode ko. May dati na kasi akong article sa Wattpad. Hindi ko na uuliting i-type.
Sa halip mag-encode, gumawa na lang ako sa hardin. Hindi muna ako nagpintura. Nag-ayos muna ako ng mga halaman. Ipinuwesto ko ang mga potted plants para maluwag. Pagkatapos, isinako ko ang mga nabubulok nang dahon, na tinabas ko noong makaraang linggo. Nangangamoy na ang mga iyon. Nakasusulasok pala ang mga dahong hindi natuyo sa araw.
At dahil umambon, itinigil ko na muna ang paggawa sa hardin. Bandang 11:30 iyon. Almost done na rin naman ako.
Pagbalik ko sa kuwarto, inayos ko ang internet connection. Ni-forget ko at ni-connect uli. After 20 minutes yata iyon nang maikonekta ko. Hayun, nakapaglagay na ako ng VO sa vlog ko.
Past 2:30 ko na nai-upload ang vlog ko tungkol sa prostate cancer.
Pagkatapos niyon, panonood naman ng 'Mouse' ang inatupag ko. Umidlip din muna ako at itinuloy ko ang panonood hanggang 6:30. Lumabas kasi ako para magpa-cash in sa 7Eleven.
Naglakad lang ako papunta at pabalik. Mga 7:30 na ako nakauwi. Namili pa kasi ako nang kaunti.
Pagkatapos manood ng BQ, ang 'Mouse' uli ang pinanood ko. Kaabang-abang kasi ang bawat episode.
Twelve na ako nag-off ng laptop at wifi.
Agosto 2, 2023
Dahil masarap matulog, almost 9 na ako bumangon. Natagalan ako sa paghanda ng almusal dahil sa rice cooker ako nagprito ng itlog. Ayaw pa ring ma-on ang induction cooker. Isa pa, nagpatay pa ako ng mga langaw. Nagpasukan sila sa may jalousy sa kusina.
Magti-ten o' clock na ako nag-almusal.
After mag-almusal, nagpalit ako ng mga tubig sa fish tank ko.
At dahil may araw na, nagpintura ako ng gate. Mag-live ako sa FB. Pero, wala pang 20 minutes, umulan na. Nakakainis talaga!
Umakyat na lang ako at nag-encode ng journal na. Nasa November 24, 2008 na ako nang mapagod ang likod at kamay ko. Kaya, nanood muna ako ng 'Mouse.'
Past 1 na ako kami nag-lunch. Bumalik ako sa panonood pagkatapos kumain.
Past 2, after maligo, inantok ako kaya pinagbigyan ko.
Nakapagpintura pa ako ng metal plant rack bandang 5 pm kasi wala nang ulan at tuyo naman ang bakal.
Nakakaadik na ang 'Mouse' kaya hindi muna ako lumabas para bumili ng food. Binigyan ko na lang ng pera ang mag-ina para sila naman ang bumili.
Before 12, nagpatay na ako ng laptop. Grabe! Nasa Episode 12 na ako. Puyat kung puyat.
Agosto 3, 2023
Past 8 nang nagising ako. Ang gaganda ng mga panaginip ko. Napanaginipan ko ang kapitbahay ko, tungkol sa tae sa kalsada. Kaya pala, ganon kasi may hugot pala. Narinig kong naglalabas ng sama ng loob tunfkol sa mga pusa. Alam kong isa ang pusa ko sa tinutukoy niya. Narinig ko pa ang mga salitang 'bubong ng banyo.' Baka doon tumatae ang mga pusa. Ahaha. Natawa talaga ako kasi noong bagong lipat pa lamang kami rito, problema rin namin ang tae ng mga pusa niya. Sa lote ko pa talaga tumatae. Nahawakan ko pa nga isang beses nang naghahalaman ako dahil akala ko lupa. Ngayon, siya naman ang problemado.
Pagkatapos mag-almusal, nagpintura na ako ng metal plant rack. Habang nagpapatuyo, tinapos ko namang pinturahan ang gate. Actually, kulang ang pintura. Pinagkasya ko na lang sa gate. Hindi ko na napinturahan ang parts na hindi naman nakikita.
Then, naglinis ako sa garden. Maraming lupa akong na-harvest mula sa pinabulok kong mga kahoy (paleta). Ang kaso, walang mapaglagyan, kaya hindi ko pa natapos. Isa pa, umulan na naman.
Naglaba na lang ako. Parang wala akong kapaguran.
Mga 11 am, tapos na ako. Nagpahinga muna ako sa kuwarto. Habang nagpapahinga, gumawa muna ako ng Reel, bago nag-encode ng journal.
Saka ko naman nabasa ang chat ni Hanna. Sa August 7 na ang pasukan nila. Nanghihingi na siya ng allowance. Sinend din niya ang schedule niya. BEEd ang course niya.
Agad akong nag-compute nang sinabi niya kung magkano ang pamasahe niya back and forth-- P130. Wala pa roon ang pagkain niya since maghapon siya sa school.
Napabuntonghininga ako. Pero, alam kung kaya kong magpaaral. Habang tina-tupe ko nga ang journal ko noong 2008, bumabalik ako sa alaala kung paano ko nalampasan ang pag-aaral ko ng Educ units. Twenty pesos lang ang baon ko araw-araw.
Alam ko, kakayanin ko ito!
Pagkatapos maligo, nagpaantok muna ako. Then, umidlip ako. Paggising, 'Mouse' pa rin ang pinapanood ko.
Nag-encode muli ako ng journal. Nasa November 26 na ako kung kailan malungkot ako at hindi makatulog dahil miserable noon ang kalagayan ng mag-iina ko. Gusto nang umalis ng dati kong partner sa puder ng mga magulang niya dahil sobra na itong nahihirapan, pero wala naman akong magagawa.
Six-thirty, bumaba ako para manood ng tv. Ang lungkot kasi ng bahay kung walang tao sa sala. Namalengke si Emily. Si Ion, nasa kuwarto.
Habang nanonood ng balita, nag-eencode ako ng journal. Tinapos ko doon ang November 2008 at agad ding pinost pagkatapos kong mag-dinner.
Bago mag-alas-9, nasa kuwarto na ako- nanonood ng Mouse.
Agosto 4, 2023
Wala pang 7 o' clock gising na ako. Hindi na rin ako nagtagal sa higaan. Bumaba na agad ako para marami akong magawa ngayong araw, since binalita sa tv na maghapong maaraw.
Pagkatapos kong maglaga ng saging, nag-almusal na ako. Then, sinimiulan ko na ang paglilinis at pagliligpit sa garden. Nagawa kong paluwagin ang hardin. Naipuwesto ko na ang mga halaman. Kung natapos ko na sanang pinturahan ang plant rack, mas maayos at maluwag pa sana.
Past 10, pagkatapos maligo, umalis ako para bumili ng pintura, brush, at induction cooker.
Sa Abenson-Puregold ako pumunta. Bago ako bumili, nag-canvass muna ako ng laptop.
Past 12, nasa bahay na ako. Infrared stove ang nabili ko. Latest innovation daw ito. Maganda naman. Mas mahal nga lang.
After dinner, nagpokus na ako sa panonood ng 'Mouse.' maghapon kong ginawa iyon. Nakaka-hook na kasi. Isa pa, kailangan ko na ring tapusin dahil ako na lang yata ang hindi pa gumagawa ng eIPCRF. Nag-post na ang MT namin sa GC ng mga nagpasa na. Plano kong pumunta sa school sa Monday para doon ko gawin.
Alas-siyete na ako bumaba pavra manood ng tv. Last episode na lang ang panonoorin ko.
Habang nanonood ng valita, nag-encode ako ng journal entries ko noong December 2008. Natapos ko hanggang 6 bago ako umakyat.
Past 9, pinanood ko na ang finale ng 'Mouse.' Bago mag-10:45, natapos ko nang panoorin. Worth watching!
Agosto 5, 2023
Alas-8 nang magising ako. Bumangon naman agad ako kahit napuyat ako kagabi dahil sa dalawang rason. Una, ang init-init. Pangalawa, sobrang nag-aalala ako kay Herming. Isang araw na siyang hindi umuuwi. Pinakiramdaman ko siya kagabi. Pinakinggan. Akala ko nga, siya ang ngumingiyaw sa bubong. Ibang pusa pala. Napabangon pa ako.
Akala ko, hindi ko na talaga siya nakikita. Pero, natuwa ako nang biglang sumulpot nang naglilinis ako sa labas. Hindi nga lang siya pumasok sa bahay kahit pinasusunod ko na sa akin. Nagatataka ako kung paano siya kumakain. Halos 40 hours siyang wala. Tsk-tsk!
Habang nagkakape, nasa garden na ako. At dahil si Emily ang naghanda ng almusal, nasimulan ko kaagad ang pagpipintura.
Natapos ko na bandang alas-diyes ang sa labas -- gate at bakod, gayundin metal plant rack. Nagpahinga ako pagkatapos sa kuwarto. Hindi nga actually pahinga dahil nag-encode ako. Nasa December 18 na ako pagkatapos kong mag-lunch.
Kahit mainit, umidlip ako para makabawi ng puyat. Paggising ko, ni-finalize ko na sa garden ang newly-painted na metal plant rack. Ang ganda na ng garden namin.
Pagkatapos niyon, kinontak ko na si Taiwan. Sinabi kong pupunta kami ng mga anak ko bukas. Then, pinursige ko ang paglalagay ng mga images at YT link sa mga Wattpad articles ko.
Andami kong nagawa ngayong araw. Nakagawa rin ako ng tatlong Tiktok contents, gagamitin ko rin sa Reels.
Agosto 6, 2023
Naalimpungatan ako sa ingay ng mga kabataan sa tapat namin bandang 2:30 ng madaling araw. Akala ko kung ano, kaya bumangon ako. Mga lasing yata at pauwi na.
Pagbalik ko sa higaan, hindi na ako dinalaw ng antok. Three-thirty pa dapat ako gigising. Sayang pa ang isang oras. Three hours lang tuloy ang tulog ko.
Nag-Google na lang ako tungkol sa laptop na bibilhin ko. Ayaw ko kasing magsisi ako, at gusto kong quality naman ang gagamitin nina Hanna sa kanilang pag-aaral upang mas matagal nilang magamit.
Umalis ako sa bahay bandang 4:30. Bago mag-6, nasa PITX na ako. Desidido na akong bumili ng laptop bago pumunta kina Taiwan.
Ang usapan namin ni Hanna kagabi ay magkikita-kita kina Flor dahil sasabay na kami kay Taiwan. Doon kasi siya mamimili ng mga lulutuin. At sa hapon, aalis na agad kaming mag-aama para makapunta kami sa isang mall sa Antipolo para bumili ng laptop.
Naisip kong mali ang sistema. Since, maisasabay naman ni Taiwan ang mga anak ko, okey lang na mahuli ako ng dating basta pagdating ko ay bitbit ko ma ang laptop. Hassle kasi kung hapon o gabi pa kami bibili. Walang kasiguraduhan iyon. Isa pa, mas magiging masaya ang dalawa habang naroon kami kina Taiwan kapag hawak ba nila ang laptop. Mararamdaman din ni Mama na masaya ang mga anak ko.
Wala pang 8 am, nasa Gilmore na ako. Napaaga ako nang husto. Nine-thirty pa ang bukas ng mga laptop store. Okey lang naman. Nag-almusal na lang muna ako. Pagkatapos, nagsulat ako nito.
Nainis lang ako sa isang fixer. (Fixer ba o usher.) Nasa food chain pa lang ako, sinisenyas n siya. Alam niyang bibili ako ng laptop. Paglabas ko, sinundan pa niya ako. May alam daw siyang bukas na. Ten pa raw kasi ang bukas ng iba. Hindi ko siya ni-entertain. Tumambay ako sa isang ligtas at komportableng lugar, malapit sa mga tindahan. Then, nagmatyag ako. Mas mainam ang maging alerto.
Pagkatapos kong magsulat, maglakad-lakad ako. Alam ko kasing marami roon ang laptop store, kaya hinanap ko. Nag-Google din ako, at nakita ko ang Laptop Factory. Mas mura yata roon.
Nahanap ko naman iyon, pero nang inaalam ko sa FB page nito ang store hours, nadismaya ako. Sunday pala ngayon, kaya 12 pa sila magbubukas. Hindi na ko kayang maghintay. Kaya hayun, bumalik ako sa dati.
Kinausap ko na ang usher at hinatid ako sa store nila. Nakita kong maayos naman ang salesman at ang puwesto nila, kaya hindi na ako nagpaligoy-ligoy pa. Sinabi kong bigyan niya ako mga samples ng latest laptop. A er, Asus, at Lenovo ang binigay niya. At ang Asus talaga ang choice ko, kaya lahit pricey, kinuha ko. Nakatawad ako ng P1500, kaya P37,500 na lang ang binayad ko. Whoah! Ito ang ipinagpalit ni Hanna sa debut party niya sana.
Mabilis lang ang naging proseso kaya nakabiyahe na agad ako papuntang Morong. Mga past 11:30, nasundo na ako ni Taiwan. Natagalan lang ako sa pila ng UV Express sa Cubao. At soyempre, naglakad pa ako sa Antipolo Bayan, pagbaba sa van. Naghanap alo ng Res Ribbon shop para bumili ng cake.
Pagdating sa bahay ni Taiwan, mas masasaya pa akong sinalubong nina Arya ay Dani kaysa sa mga anak ko. Malulungkot talaga sila palagi. Si Hanna, kahit iniabot ko na ang laptop ay parang hindi masaya. Haist! Parang katulad ko rin sila dati. Sobrang mahiyain.
Kaya nga habang naroon ako, wala halos kaming naging kuwentuhan. Kumain lang. Umidlip.
Okey lang naman. Sanay na ako. Ang mahalaga, nadalaw namin si Mama, na ayon sa kanya ay napasaya namin. Malamang kasi, matatagalan na naman bago uli kami magkita-kita, lalo na't simula na ang klase ni Hanna bukas. Simula na ito ng aking bagong responsibilidad bilang magulang. Dagdag sa budget, pero sisikapin kong ma-provide. God is good all the time.
Mga 5, hinatid na ni Taiwan sina Hanna at Zildjian. Ako naman, nagtraysikel na lang palabas. Twenty-five pesos pala ang isa. Bale apat na pasahero ang sakay. Okey na rin kasi malayo-layo rin ang highway at may mga malubak na parte ng kalsada.
Hindi muna ako sumakay patungong Antipolo. Naglakad-lakad ako. Gusto ko kasing mag-sight-seeing at maka-capture ng mga photos at videos. Disappointed ako kasi puro naman mg residential at commercial ang nadaanan ko. Parang siyudad na rin ang Teresa. Isang lumang simbahan lang ang nakuhaan ko, kaya sumakay na ako ng dyip at bumaba sa Antipolo.
Kahit sa Antipolo, wala na rin akong makitang spot, na puwedeng maging Reels. Nalito ako sa lugar na binabaan ko. Hindi ako nakarating sa simbahan. Mabuti nakadaan ako kanina roon.
Mga seven, sumakay na ako sa dyip. Ang tagal ng biyahe kaya pasado alas-8 na ako nakarating sa Shaw. Nagugutom na ako, kaya kumain muna ako sa isang Chinese food chain. Mga 9 na iyon.
Dahil naglakad pa ako mula sa Star Mall hanggang Ortigas LRT Station, 11:30 na ako nakauwi. Naka-padlock na ang gate, kaya kinailangan ko pang sumampa sa gate.para makatok ko ang pinto ng bahay. Hindi kasi ako nakapag-chat dahil na-drain ang phone ko.
Before 12, natulog na ako.
Agosto 8, 2023
Nakatulog naman ako ng mahimbing-himbing kaya kahit past 7:45 lang ako nagising, okey na rin.
Nag-cell phone muna ako bago bumangon. Nagpakain ako ng mga fish, kasama na ang pitong guppy fry na bigay sa akin ni Taiwan kahapon. Saka ako nag-almusal at naligo para pumunta sa school.
Bago mag-9:30, lumabas na ako ng bahay para bumiyahe.
Nakarating ako sa school bandang 11. Natagpuan ko sina Ma'am Edith at Sir Erwin sa Guidance. Naroon din ang iba naming kaguro. At siyempre, inaasahan ko nang naroon si Sir Jess, kaya tinanong ko kaagad kung okey na ang COT ko. Iyon kasi ang pakay ko.
After ako kumain, naibigay na niya sa akin ang COTs ko. Pagkatapos kong kumain, hinarap ko na ang e-IPCRF. Hindi ko nga lang ma-finalize ang Part 4 dahil may mismatch daw. Sinimulan ko na lang ang paghahanda ng MOVs. Kahit paano, bago ako umuwi ay may natapos ako.
Sa PITX, nagmeryenda muna ako ng pares. Ang ganda ng food court doon. Aesthetic. Pero ang presyo ng mga pagkain ay affordable.
Pagdating ko sa bahay, hindi ako kaagad nakapag-dinner. Patapos na ang BQ saka ako kumain. Pinilit kong maghapunan kasi baka magtampo ang misis ko. Nagluto pa naman siya ng gulay.
Agosto 8, 2023
Habang nagkakape, sinimulan ko na ang pagtatanggal ng mga halaman sa pangalawang metal plant rack, na pipinturahan ko.
Nag-almusal muna ako bago nagsimulang magkaskas ng kalawang. At habang ipinapahinga ang kamay, dahil nakakangawit at nakakasugat din, gumawa ako ng eIPCRF.
Nagsabi ako sa GC namin tungkol sa problema ng template. Payo ni Ma'am Ivy na download uli ako at magpanibago. Sinunod ko naman kahit mabigat sa loob ko na magpalit, kasi ang hirap ng Part 4. Pero, natuwa ako dahil effective. Nakapagpasa ako bandang 10 am kay Sir Jess. Pinatataasan nga niya. Gawin ko raw 4 ang rate. Kako, okey na iyon kasi hindi ko deserve ang 4. Kinuha niya sa akin ang password. Papalitan niya raw..
Umidlip ako sa sofa bandang 2 pm. Hanggang 4 pm ako humiga. Nakatulog din siguro ako.
Almost done ko na ang pagpipintura. Kailangan lang ng brush para maglagyan ang mga singit at kanto. Roller kasi ang ginamit ko. At ang paint brush na dati ay buhaghag na. Hindi na maayos ang resulta lalo na't culinary brush iyon.
Before 7, pumasok na ako sa bahay para maghugas. Nag-stay ako sa kuwarto para magpahinga. Nanood ako ng balita at BQ. Nakagawa rin ako ng mga pang-post sa aking FB profile and pages, gamit ang aking mga original quotes.
Nanood din ako ng suiseki videos pagkatapos ng BQ.
Agosto 9, 2023
Maaga akong bumaba para makapaghanda ako ng almusal.
Pagkatapos mag-almusal, itinuloy ko na ang pagpipintura. Itinigil ko lang nang tumunog ang alarm. Inaabangan ko kasi ang workshop sa illustration ng kuwentong pambata, na inihanda ng DepEd.
Hindi naman agad nakapagsimula kaya nakagawa pa ako ng ibang bagay, specifically digital illustration ng rabbit. Past 9:30 na nagsimula, pero worth it naman. Andami kong natutuhan.
Itinuloy ko ang pagpipintura habang hinihintay uli abg ikalawang session. At dahil may faculty online meeting kami bandang 1:30, nahinto ako sa panonood ng live workshop. Nakaidlip nga rin ako habang may nagsasalita sa meeting.
Past 3 na natapos ang meeting. Agad ko ring pinanood ang live. Andami ko ring natutuhan sa dalawa pang sessions, lalo na sa ikatlo. Si Bebang Siy ba naman ang resource speaker.
After meryenda, tinapos ko na ang pagpipintura. Bukas, maaayos ko na ang garden.
Bago gumabi, naipasa ko na ang output ko sa workshop.
Gabi, nag-encode ako ng journal ko, gumawa ng Tiktok at Reel video, at nag-design ng quotes.
Agosto 10, 2023
Siguro, mahaba-haba rin ang tulog ko kasi andami kong panaginip. Ang gaganda! Parang totoo. Nakakapagod nga lang ang iba kasi andaming lakad. Medyo maaksiyon.
Mga past 8 na ako bumaba para magkape. Habang nagkakape, naglilinis na ako sa garden. Pagkatapos magkape, nag-almusal na ako ng egg sandwich. Then, back to garden. Nag-tootbrush lang ako, then tuloy-tuloy na ang paglilinivs kong hanggang makaramdam ako ng init. Alas--onse na.
Habang nagpapahinga, nag-encode ako ng journal. Tinapos ko lang ang December 2008, saka ako naligo.
Gusto ko sanang manood na lang muna ng series o movie, pero hindi ako mapakali. Past 1, nasa garden uli ako-- nagba-brush ng kalawang sa pangatlong metal plant rack.
Medyo mabilis ko lang natapos, nakapagpintura na ako agad. Pero hindi ko rin natapos kasi sobrang kaunti na lang ng pintura-- sapin-sapin na lang sa lata. Okey lang din kasi pagod na ako.
Past 3, nasa kuwarto na ako-- nanonood ng K-series.
Gabi, gumawa ako ng mga design ng original quotes ko. Nag-post na rin ako.
Nakapagpalit din ako ng tubig sa tatlong fish tanks ko.
Then, habang patalastas ng BQ, gumawa ako ng Tiktok at Reel video.
Marami akong nagawa ngayong araw. Medyo nagmamadali na nga ako kasi sa Lunes, back to school na, since simula na ng Brigada Eskwela.
Agosto 11, 2023
Parang kulang ako sa tulog kasi ang init kagabi. Tapos, wala pang 8, gising na ako.
Bandang 8:30, pagkataos kong magkape, umalis ako para bumili ng pintura. Bumili na rin ako ng mga pagkain at iba pang grocery. Halos maubos ang P1,000. Haist! Napakababa na talaga purchasing power ng peso.
Pagdating ko, past 9 na, saka lamang kami nag-almusal. Agad ko ring sinimulan ang pagpipintura. Sinikap kong matapos at magkasya ang hal liter na pintura sa 4-layer metal plant rack.
Past 11:30, tapos na ako. Ang pahinga ko ay encoding ng journal. Natapos ko na ang isang notebook. Nasa January 7, 2009 na ako. Not bad. Pasasaan ba't matatapos ko ring ma-encode lahat. At mahahanap ko ang (mga) nawawalang journal ko.
After maligo, nag-stay na muna ako sa kuwarto ko. Binuksan ko ang sliding window para makapasok ang hangin. Hayun, nakatulog ako sa pagitan ng panonood ng 'Wrath of Becky.'
Past 5, bumaba ako para magmeryenda. Sa garden na ako kumain at nagkape, habang gumagawa na.
Hindi ko natapos ang paglilinis kasi nagdilig pa ako ng mga halaman, pero sigurado akong matatapos ko na bukas. Tiyak kong masarap na ulit tambayan ang garden namin.
Ininit ko na lang ang mga ulam para sa aming hapunan. Nagprito rin ako ng okra at naggayat ng pipino. Solb naman ako!
Gabi, gumawa ako ng designs ng mga quotes ko. Nag-post din ako. After manood ng BQ, gumawa ako ng TikTok video at Reels.
Then, nanood ako ng movie sa MyFlixer.
Agosto 22, 2023
Kulang na naman ang oras ng tulog ko kasi bukod sa 12 mn na ako nag-off ng internet, maagang istorbo ang tulog ko ng ingay na pagkiskis ng yero. Akala ko si Herming kata bumangon ako. Ang kapitbahay pala namin. Ang ingay! Sinubukang kong matulog uli kasi past 6 pa lang. Eight na ako bumangon.
Sa garden na ako nagkape at kumain ng cookies. Tinamad magluto si Emily. Nanood lang siya ng Tiktok videos pagkagising. Haist!
Hindi na kang ako nagsalita. Nag-enjoy na lang ako sa paglilinis sa garden.
Andami kong plastic pots na inalisan ng lupa. Gusto kong maging maaliwalas ang garden ko kaya mas pinili kong hindi maglagay ng maraming halaman. Nakakapanghinayang ang mga halamang pinutol at binunot ko, pero pikit-mata na lang. Tutal, may mga supling naman. Tiyak, darami pa uli at lalago.
Mga eleven, in past 10, pumasok na ako sa bahay. Sa halip na magpahinga na, nagpalit pa ako ng tubig sa guppy fish tank ko. Naglinis na rin ako nang kaunti sa kuwarto ko.
At habang nagpapahinga para sa pagligo, nag-encode muna ako ng journal ko. Natapos ko hanggang January 12, 2009 bago ako naligo at kumain.
Nanood ako ng movie bago ako umidlip. Then, past 3, nasa garden na ako. Tinapos ko na ang paglilinis doon. Ang ganda ng output.
Nagdilig na rin ako ng mga halaman, kaya past 5 na ako nakapagmeryenda.
After meryenda, nagpahinga na ako. Nanood uli ako ng movie. Gabi na ako bumalik sa garden. Kay sarap talagang tumambay roon. Maliwanag na kasi minimalist na, saka hindi na masyadong marami ang mga lamok. Naubos ko nga yatang mapatay, gamit ang mosquito racket.
Alas-dose na yata ako nakatulog kasi nagpatay pa ako ng mga lamok sa kuwarto. Maghapong nakabukas ang sliding window, kaya nagsipasukan ang mga lamok. Napakainit naman kasi kung sarado.
Agosto 13, 2023
Parang hindi ako natutulog dahil sa mga panaaginip ko. May panaginip nga ako na parang natutulog at nananaginip din. Ibang klase! At parang pagod na pagod ako. Ang init pa naman.
Maaga akong bumaba para maglaba. Binanlawan ko muna ang naiwang mga damit ni Emily sa machine. Mabilis ko lang natapos, kaya bandang 9:45, magpapalit na ako ng tubig sa isa pang fish tank. Pinagpalit-palit ko rin ng tangke ang mga betta fish upang maranasan nilang tumira sa garapon at sa mas malaking aquarium.
Bagomaligo at habang nagpapahinga, naglinis ako nang kaunti sa garden table. Ang sarap nang tumambay roon. Sana makapag-wood carving na ako next week.
Pagkatapos maligo, kumain ako ng fish cracker with cucumber-onion salad. Then, nag-encode ako ng journal. Medyo mahahaba ang entry ko per day, kaya bago ako nag-lunch ay nasa January 18 pa lang ako.
Nalulungkot lang ako kasi sa panahong iyon, krisis kami, tapos sakitin pa ang mga anak ko. In fact, nalagyan ng dextrose si Zj dahil nagsuka-tae na naman. Kailangan ko pa ng pera para makapag-file sa LET. Haist! Ang pagsubok namin noon, terible!
Pagkatapos mananghalian, nag-encode uli ako. Natapos ko hanggang January 20. Nahiga naman ako para matulog, pero dahil hindi pa ako inaantok, nag-browse muna ako sa myFlixer ng mga pelikula. Naubos lang ang oras ko sa kakapili. Nasimulan ko pa nga ang iba, pero wala akong natapos.
Nakaidlip ako kahit paano bago ako bumaba para magmeryenda. Nagsulat naman ako ng article tungkol sa sakit ng tiyan at mga sanhi nito para magawa kong vlog. Nang maisulat ko iyon, agad ko ring sinimulan ang paggawa ng PPT. Nagdilig naman ako ng mga halaman bandang 6 at nagpatay ng mga lamok, gamit ang raketa.
Gabi, habang gumagawa ng PPT, bandang 8 pm, nawala ang signal ng internet. Natigil ako sa paggawa ng PPT. Hindi rin ako nakagawa ng designs ng quotes. Mabuti na lang nakapag-post na ako sa mga FB Pages ko. Wala pa akong Reels. Buwisit!
Alas-diyes na nang bumalik ang internet. At dahil late na bumalik, late na rin akong natulog.
Past 12:30, gising pa ako kasi kumatok si Herming sa pinto. At bandang ala-una, lumabas din. Nag-decide akong hindi pumunta sa school nang maaga. Hindi bale na ang service credit. Volunteerism naman ang Brigada Eskwela. May SC o wala, obligasyon kong maglinis ng classroom.
Agosto 14, 2023
Kahit paano, nakatulog ako ng humigit-kumulang limang oras. Past 7, bumangon na ako para magpa-deliver ng bigas at maghanda ng agahan.
Mga 9:30, umalis na ako sa bahay. Nakatayo ako sa bus, mula sa Tejero hanggang PITX. Hindi tuloy ako nakapagsulat agad para sa Wattpad.
Ang malas ko sa bus. Nakaupo na sana ako mula sa Umboy, pero nasiraan pagdating sa Tejero. Kaya, pinalipat kami sa ibang bus. Sabi ng konduktor, matagal pa raw ang kasunod nila. Although, alam kong scam lang, sumakay pa rin ako. Aguy! Pinuno nang pinuno ng pasahero. May mga bumaba naman pero mga babae ang pumapalit sa upuan. No choice kundi magtiis. Gusto ko ring makarating sa school bago mag-12 para may kasabay akong kumain.
Nakapagsulat naman ako nang kaunti habang nasa dyip ako. Na-inspire ako sa komento ng isang Wattpad reader ko. Kailangan ko talagang mag-update.
Quarter to 12, nasa school na ako. Nakasabay ko sina Marekoy at Ma'am Ivy sa pagkain. Then, nagkuwentuhan kami hanggang 1 pm, bago kami nagkanya-kanya linis sa kanya-kanya naming classroom.
Andami ko palang gamit sa school. Mahahalaga naman ang mga iyon kaya hindi ko maitapon-tapon. Ang iba nga, iuuwi ko para magamit. Ang iba naman, ibinenta namin ni Mareng Lorie, lalo na ang mga puting papel. Nakatig-P400 kami. Not bad! Bawi ko na ang gastos ko ngayong araw.
Past 4, marami na akong nagawa. Naigitna ko na ang mga gamit namin kasi sa Friday, may magpipintura sa classroom namin.
Quarter to 5, umalis na ako sa school. Nakapag-serve na ako ng mahigit apat na oras kaya may 0.5 service credit na ako.
Sa biyahe pauwi, mahaba-haba ang nairugtong ko sa Chapter 59. Baka bukas matatapos ko na iyon at maipo-post sa Wattpad
Before 7, nasa bahay na ako. Antok man, pero hindi ako natulog. Nagkape ako pagkatapos magpakain sa mga isda. Then, gumawa ako ng quote design at nag-post ng mga ito. Nang magawa ko ang mga ito, Batang Quiapo na, kaya nanood na ako.
Habang nagpapaantok, suiseki videos naman ang pinanood ko. Nagawa ko na rin pala ang MOVs para sa service credits ng Brigada Eskwela. Mas okey na ang araw-araw gawin para hindi matambakan at tamarin.
Agosto 15, 2023
Nine-thirty uli ako nakaalis sa bahay, pero almost 12 na ako nakarating sa school. Nagsulat pa kasi ako sa PITX. Okey lang kasi nakapag-upload ako ng Chapter 59 sa Wattpad. Suwerte ako ngayon sa bus. Nakaupo ako.
Pagdating sa school, nakisalo ako kina Ms. Krizzy at Cinderella sa lunch.
Wala pang ala-una, naglilinis na ako sa classroom. Inuna kong linisan ang dalawang ceiling fan. Isinunod ko ang sahig. Maaga akong natapos kaya nakapagkalkal pa ako. Nahanap ko ang ilang mga documents na ilalagay ko sa RPMS.
Past 7:30 na ako dumating sa bahay. Agad akong nanood mg balita kasi kasunod na niyon ang Batang Quiapo.
Nang matapos ang BQ, gumawa ako ng quote designs at nag-post sa mga FB pages ko. Then, gumawa ako ng Reels about sa batong ibibigay ko sa estudyante ko.
Sunod, nanood ako ng K-Series na 'Blind.' Nasimulan ko na ito kagabi.
Agosto 16, 2023
Kahit hindi naman ako pupunta sa school, maaga pa rin akong bumangon. Hindi na rin kasi ako makatulog.
Mga past 9 na ako nag-almusal kasi nagdilig muna ako ng mga halaman.
Pag-alis ni Emily, humarap na ako sa laptop. Maghapon akong gumamit nito. Andami halos lahat ang mga ginagawa o trabaho, gaya ng BE MOVs, quotes design, Powerpoint, at Wattpad.
Maghapon, marami akong nagawa. Isa na rito ang isang video para sa YT. Nakagawa rin ako ng tatlo yatang Reels-- isa para sa FB ko, isa para sa Zilyonaryo's Gard3n, at isa para sa Makata O. Not bad! Sulit na ang araw ko. Nakapanood pa ako ng 'Blind.'
Agosto 17, 2023
Past 9, umalis na ako sa bahay. Hindi na muna ako nagdilig ng mga halaman. Pero, nakagawa ako ng Tiktok video.
Sa biyahe, nakapagsulat ako. Medyo mahaba rin ang nairugtong ko. Inspired kasi akong magsulat.
Past 11 ako nakarating sa school. Nagsimula agad akong maglinis. Nagpunas ako ng mga upuan.
Nakisalo ako sa lunch sa mga ka-Tupa ko. Nagkuwentuhan din kami.
Ala-una, ipinagpatuloy ko ang paglilinis. Kahit naroon ang mga Grade 3, naglinis lang ako nang naglinis. Nang nakauwi na ang lahat, umidlip muna ako. Kahit paano, naibsan ang grabeng antok ko.
Bago ako umuwi-- pasado alas-5, nagmeryenda muna ako.
Sa PITX, nagsulat muna ako saglit bago ako bumiyahe. Past 7:30 na ako nakauwi kasi nagpa-cash in pa ako at nag-grocery nang kaunti.
Nanood muna ako ng BQ, bago gumawa ng quote designs at video for Tiktok at Reels. Then, nanood na ako ng 'Blind.'
Agosto18, 2023
At five, ginising na ako ng nakakainis na tunog. Nasa kasagsagan pa naman ako ng panaginip, na parang totoo. Si Tiya Letty ang napanaginipan ko. After two minutes, bumangon na ako. Kailangan kong makarating sa school nang maaga kasi darating ang PEZA para magpintura sa classroom namin.
Past 6, umalis na ako sa bahay. Nakarating ako sa school before 8. Nakapagsulat ako nang kaunti habang nasa biyahe.
Naglinis agad ako sa classroom habang hinihintay ang volunteers ng PEZA. Mga 8:30 sila dumating. Pinababa o pinapunta ang lahat sa bulwagan para sa opening program. Isang oras din ang mga kaganapan bago nakaakyat ang mga volunteers. Nag-almusal pa kasi sila. Meron din ang mga teachers.
Nang nasa action na ang 20 katao sa classroom namin, bumaba na ako. Nakakahiya na kasing mag-picture-picture doon habang gumagawa sila. Saka mabaho ang pintura. Nag-stay ako sa classroom ni Ma'am Edith. Sinubukan kong umidlip dahil antok na antok ako, pero nabigo ako. Nagsulat na lang ako hanggang sa magyaya na si Ma'am Edith para mag-lunch kami.
Alam kong may libreng lunch uli kaya hinintay ko. Meron nga! Sobrang nakatipid ako ngayong araw sa pagkain. May meryenda pa nga.
Wala pang 5, nag-awarding of certificates na. Natuwa ako sa resulta ng volunteerism. Malaki ang naitulong ng Philippine Economic Zone Authority. Napinturahan ang mga upuan, pinto, at walls namin. May bago kaming ceiling fan at firs extinguisher.
Medyo messy lang sila. Maraming tulo o patak ng pintura na dapat akong tanggalin, lalo na ang nasa borders ng whiteboard.
Past 5 na ako lumabas sa school. Naka-8 hours ako ngayon.
Sa PITX, inabutan ako ng paghilab ng tiyan, kaya pinagbigyan ko bago ako bumiyahe. Andami ko rin kasing nakain ngayong araw. Thanks, God!
Nakaidlip ako sa bus. Sarap matulog sa biyahe. Mabuti, hindi ako nakalampas.
Seven-thirty na nang dumating ako. Agad akong umakyat para manood ng balita at BQ. Habang naghihintay kay Tanggol, gumawa muna ako ng quote designs at nag-post sa mga FB pages ko.
Pagkatapos ng BQ, saka ako nag-dinner. Marami pa rin akong nakain kahit medyo busog pa ako. May sabaw kasi ang ulam.
After BQ, nanood ako ng 'Blind.' Hindi ko nga lang mapokusan kasi nagdi-delete ako ng mga pictures sa phone ko. Five percent na lang kasi ang capacity kanina. Sinend ko muna siyempre sa Messenger ko para may kopya ako, at magamit ko pa.
Bago ako natulog, humingi ako ng tulong at senyales sa Diyos. Gusto kong makatulong sa SPTA President namin, na may Stage 4 cervical cancer. Mabuti siyang tao kaya deserve niyang mabuhay nang matagal. Hiniling ko sa Diyos na bigyan siya ng lakas ng katawan at loob kahit may tinaningan na siya ng doktor. Naisip ko kaagad ang First Vita Plus. Gusto ko siyang painumin ng Guyabano Gold. At sa pagnanasang mabasa niya, nag-post ako tungkol dito. Kapag ni-like niya, saka ko siya ia-approach.
"Lord, biyayaan mo ako para mai-share ko sa mga nangangailangang gaya ni Mrs. Juvy Bernardo. Thank you! Amen."
Agosto 19, 2023
Sa kasarapan ng aking panaginip, nagising ako. Wala pang alas-6 iyon. Kahit gusto ko pang matulog, pinilit kong bumangon. Marami pa akong aayusin sa classroom.
Habang nagkakape, nagdilig ako ng mga halaman. May nagawa rin akong video para sa TikTok at Reels. Then, nakapag-video pa ako ng mga suso ko para sa next video.
Alas-8, umapis na ako sa bahay. Maikuwento ko kay Emily ang tungkol sa cervical cancer ng SPTA President namin. Sana maiparating niya sa mga taong may kakayahang tumulong.
Sa biyahe, nagsulat ako. Kailangang wala akong sasayanging sandali.
Makarating ako sa school bandang 10:20. Katatapos lang din ng closing program ng Brigada Eskwela. Kaya, naglinis agad ako sa classroom ko. Katulong ko naman si Marekoy sa paglilinis. Medyo amoy-pintura pa ang classroom, pero kinaya naman.
Past 1, nagsalo-salo kaming mga guro dahil may birthday blowout ang kaguro naming si Ma'am Sherry. Birthday ng anak niyang si Avy. Ang sasarap ng food. Busog na busog akong bumalik sa paglilinis. Kaya, before 4, almost ready na ang classroom. Kaunting walis na lang. Wala pa nga palang laman ang bulletin board ko.
Past 4, nagpapahinga na ako sa classroom kasi umuwi na si Marekoy.
Before five, chinat ako ni Ma'am Venus. Mag-karaoke raw kami sa baba.
Agad alpng bumaba. Naroon sina Sir Joel at Sir Hermie. Naggkakantahan at nag-iinuman. Agad nila akong binigyan ng baso.
Ang saya namin! Naka-join namin ang husband ni Ma'am Sherry at ang hubby ni Ma'am Luzel. Napakanta din namin si Ma'am Pau bago umuwi. Nagsayawan din kami. Nagpa-games pa si Ma'am Elvie. And the rest is history.
Isinabay na ako nina Sir Joel sa pag-uwi hanggang sa Gen Tri. Sa biyahe, nagkuwentuhan kami nina Ma'am Leah. Andami kong nalaman mula sa kanila. May mga na-share din ako.
At 10:30, nag-commute na mula PasCam hanggang Tejero. Past 11 na ako nakarating sa bahay. Hindi alam ng aking mag-ina na lasing ako--lasing pero hindi sumuka.
Agosto 20, 2023
Wala akong hang-over paggising ko, at nakatulog ako nang mahaba-haba.
Mga 9:30, pagkaatapos maligo at mag-almusal, umalyat na ako sa kuwarto para gumawa ng Reels, mag-post, at gumawa ng Brkgada Eskwela Individual Accomplishment Report. Nagawa ko ang mga ito bago mag-11 am.
After lunch, umalis ang mag-ina ko para mag-First Vita Plus. Nasolo ko ang bahay maghapon. Marami akong nagawa. Umidlip. Nanonood. Nagsulat. At kung ano-ano pa. Gabi, nagpalit ako ng tubig sa dalawang aquarium.
Past 7 na dumating ang mag-ina ako. Nakapag-encode naman ako ng journal pagkatapos mag-dinner.
Maaga akong natulog. Mga past 10:30.
Agosto 21, 2023
Maaga akong nakapagsimulang maglaba, kaya maaga rin akong nakapagsampay. Isinunod ko na ang mga gawain ko sa laptop at cell phone. Pero, siyempre, nagpahinga muna ako, saka naligo at nagpagupit. Kailangang presentable ako sa pagharap sa mga magulang sa assembly sa Aug. 23.
Maghapon, marami akong accomplishment. Nagkapag-encode ng journal. Nakagawa ng quote design. Nakagawa ng Reels. Nakapanood ng 'Blind." Nakaidlip sa hapon. Nasimulan ko ang TipakLong Story. Nakagawa ako ng cartoons ng mukha ko.
Agosto 22, 2023
Wala pang 7, gising na ako. Bumaba rin ako pagkalipas nang 30 minutos para maghanda ng almusal. Nakapag-isip pa ako ng idea para sa TipakLong Story, bago ako umalis sa bahay bandang alas-9.
Sa biyahe, nagsulat ako ng pamg-update sa Wattpad. Natagalan lang ako sa kahihintay ng bus na may bakanteng upuan. Ayaw kong tumayo kasi hindi ako makakapagsulat.
At 11:45, nasa school na ako. Naki-join na ako kay ate Bel. Siya ang Officer of the Day - AM Session, na nasa front desk ng enrollment. Ako naman ang PM.
Past 2, nag-meeting kaming Grade 4. Wala nga lang sina Sir Hermie at Sir Joel. Past 3, nakabalik na ako sa enrollment task ko.
Past 5, niyaya ako ni Ma'am Mel sa kaniyang MA graduation treat. Kasama namin ang Grade 5 teachers-- maliban kina Sir Ren at Sir Rey.
Masarap ang lugaw na kinain namin. Masarap ang lechong kawaling inilahok doon. Sulit!
Past 8, nakauwin na ako. Agad akong nanood ng BQ. Late na ako nag-dinner. Late na rin ako nakagawa ng Reels at Tiktok video. At dahil sa ulan, sandaling nawala ang internet, kaya late na tuloy akong nakapag-upload.
Agosto 23, 2023
Wala pang 7, gising na ako. Nag-open lang ako ng FB ko, at nagbasa at nagkomento, saka ako bumaba para magkape at mag-almusal. Namalantsa muna ako, saka ako naghanda ng video na pang-Reels. Siyempre, itutuloy-tuloy ko ang TipakLong Story. Kaya nga bago ako naligo, nakagawa na ako ng TikTok video na ida-download ko para maging Reels.
Wala pang 9:30, umalis na ako sa bahay. Before 12 ako nakarating sa school. Siyempre, nakapagsulat ako habang nasa biyahe.
Nakasalo ko sina Ma'am Edith, Sir Erwin, at Sir Jess sa lunch, sa Guidance. Nanlibre pa ng mais si Ma'am.
After niyon, nag-digital illustrate ako ng 'Tula ng mga Hayop." Nakatapos ako ng dalawa.
Past 1:30, nagsimula na ang General Parents' Assembly. Successful naman, pero nakakalungkot kasi kakaunti lang ang dumalo. Sa akin, wala pang 20. Haist! Kung financial assistance iyon, malamang kompleto sila.
Pagkatapos ng assembly, umakyat na ako para maglinis. Hinintay ko lang makaalilis si Marekoy sa classroom namin para makabuwelo at makagawa ako nang malaya. Nakapag-print ako ng isang RPMS MOV at dalawang tarpapel para sa bulletin board. Nakigamit ako ng printer ng Grade 3. Natapos ako, bandang quarter to six. Nakalabas ako sa school bago dumilim. Ako na lang yata ang teacher doon.
Past 8 na ako dumating sa bahay. Nanood agad ako ng BQ bago kumain. Nanood din ako ng 'Blind' bago matulog.
Bandang two-thirty ng hapon, nag-post ako tungkol sa pagkaka-belong ko sa isang anthology. Hindi ko mapigilang mag-brag. Gusto ko rin kasing makapag-inspire. Gusto kong isipin na lahat ng efforts ay maaaring magbunga.
Agosto 24, 2023
Wala pang six, gising na ako. Pagkatapos kong mag-reply, mag-comment back, at mag-comment sa ilang Reels ng kapwa ko, bumaba na ako para maghanda ng almusal. Na-video muna ako sa mga tipaklong sa garden para sa aking next TipakLong Story.
Pagkatapos mag-almusal, nag-encode na ako ng journal ko. Tinapos ko lang ang January 2009. Isinunod ko ang paggawa ng TipakLong Story video. Nang matapos, naglinis ako sa kuwarto. Nagpalit ako ng tubig sa isang aquarium. Pinagpalit-palit ko rin ng tank ang mga betta fish. Ni-reorganize ko ang mga suiseki stones ko. At naglinis ako ng electric. Alas-1:30, nakaligo na ako. Siyempre, nagpahinga naman ako.
Bago at pagkatapos kumain, nag-illustrate ako ng mga hayop. Nakaapat ako, saka ako nanood ng series para antukin. Past 3, gising na ako. Ipinagpatuloy ko ang panonood.
Natapos ang Episode 16 o ang last episode ng Blind, bago mag-8. Kailangan kong tapusin kasi hindi ako makababa dahil may bisita si Emily sa baba. Hinatiran na nga lang ako ng meryenda ni Ion.
Nakagawa rin ako ng isa pang Tipaklong Story video para may pang-post ako bukas.
Bago ako nanood ng BQ, bumaba na ako kahit may bisita pa. Then, habang patalastas, gumagawa ako ng mga quote design.
Nang wala na ang bisita, at tapos na rin ang BQ, nag-video taking ako ng mga tipaklong sa garden. Apat na sila. Madadagdan na ng karakter ang Tipaklong Story ko. Kailangan maisip ko kung ano ang name niya at kung ano ang gender niya.
Agosto 25, 2023
Grabe ang sakit ng pantog ko tuwing madaling araw. Apektado ang lower back ko kaya halos hindi ako makatulog nang maayos. May problema na naman marahil ang kidney ko. Dapat umiwas na ako sa mga bawal na inumin at pagkain. Iiwas na rin siguro ako sa pag-inom ng maraming tubig bago matulog.
Bago mag-eight, bumangon na ako. Hindi ako kaagad nakapag-almusal kasi late na nagising ang reyna at prinsipe ko. Gumawa na lang ako ng videos ng TipakLong Story. Nakadalawa ako bago ako umalis sa bahay para sa faculty team building slash GAD seminar. Mga past 10 na iyon.
Kumain muna ako sa PITX bago bumiyahe patungong school, kaya mga 12:30 na ako nakarating doon.
Past one, nasa venue na kami.
Sponsor ni former Councilor Tino Santos ang venue. May paalak pa. Ang ganda ng lugar na iyon. Parang bar. Nagbayad pa siya ng talent para kantahan kami.
Ang saya-saya ng team building namin. Mas masaya ito kaysa noong nag-team building kami sa The Farm, under Ma'am L administration. Andami naming tawa at learning. Magsayawan, kaninan, at inuman kami roon hanggang 7 pm.
Nanalo nga pala ang group po sa best head gear. Second nga lang. Nakatanggap kami ng P500 cash prize. Tig-P70 kaming pito. Not bad.
Mga past 9, nasa bahay na ako. Pagkatapos, mag-dinner, tumambay muna ako sa garden para bisitahin ang mga tipaklong. Nakapag-video rin ako roon. May bago akong pet-- dambuhalang bull frog. Ngayon lang talaga ako nakakita ng ganoon kalaking palaka. Nakakatakot nang hawakan.
Pagkatapos kong gumawa ng tipaklong video, nanood na ako ng BQ.
Siyanga pala, habang nasa biyahe ako kanina patungong school, nabasa ko ang email ng 8Letters, isang indie publishing house. Last August 9 pa ang email na iyon. Sayang! Late ko na nalamang natanggap ang lahok ko sa Happy Ever After anthology. Masaya na malungkot ako. Masaya kasi magkakaroon na uli ako ng royalty. Pero, malungkot ako kasi almost two weeks na akong hindi nakapag-comply. May dapat akong ipasa. Dapat kong pirmahan ang contract. Nakakahiya. Baka isipin nilang paimportante ako.
Bukas, gagawin ko ito nang maaga. Nakapagsulat na ako kanina ng logline kaya kaunti na lang ang ihahanda ko.
Thanks, God, sa blessing na ito.
Past 12 na ako natulog.
Agosto 26, 2023
Past 8 na ako bumangon. Kahit paano, nakatulog ako nang sapat.
Habang naghihintay ng almusal, dumalaw ako sa garden. Hinanap ko ang dambuhalang palakang na-videohan ko kagabi. Binisita ko rin ang mga tipaklong at ang malapit nang mag-bloom na bulaklak mg cacti.
Habang nagkakape, ginawa ko na ang hinihingi ng 8Letters Bookstore & Publishing. Nahirapan akong i-save as PDF ang word docx ng contract. Ayaw ma-save ang logo at pirma ko, kaya sumatotal, ipinasa ko ang contract na sa word file. Nagpasa rin ako ng author's photo at shipping details, gayundin ng story logline.
Sana makapagsimula na sa printing ang 8Letters. Excited na ako. Gustong-gusto kong i-post ang achievement ko, pero bawal. Isa pa, ayaw ko na ring i-brag ang mga success ko.
Mga past 10, after mag-send ng email sa 8Letters, ginawan ko ng kunwaring balita ang bull frog kagabi.
Sunod ay nag-encode ako ng February 2009 journal. Gumawa rin uli ako ng TipakLong Story video.
Mga 12:30, pagkataos kumain, nag-illustrate ako. Niyaya nga ako ni Bernard na tumambay sa kanila, pero hindi ko na sasayangin ang mga oras ko, gayong nalalapit na ang pasukan.
Nakatapos ako ng dalawang illustrations ng hayop bandang 1:20 bago ako nahiga para umidlip.
Past 3 pm na yata ako inantok. Pinagbigyan ko naman. Kahit paano ay nakatulog naman ako.
Bandang 5:30, nakatapos pa ako ng digital illustrations ng usa at leon. Isinunod ko naman ang pagsusulat ng article tungkol sa vertigo. Ginawan ko agad iyon ng PPT para maging vlog. Kagawa pa ako ng isang TipakLong Story bago ako nahiga. Ipo-post ko iyon paggising ko.
Agosto 27, 2023
Grabe! Ang lakas ang hangin at ulan nang magising ako. Parang ayaw ng Diyos na magdiwang ang mga taga-Tanza ng pista. Bisperas na ngayon. Gaya last year, maulan din ang pista. Malulungkot ang mga deboto ni Tata Usteng o St. Agustin.
Ako na ang naghanda ng almusal dahil tulog pa ang mag-ina ko. Past nine na ako nakapag-almusal. Nag-cell phone pa kasi ako.
Pagkatapos mag-almusal, humarap na ako sa laptop. Kailangang marami akong magawa ngayong maulang araw.
Past 10, nakatapos na ako ng isang digital illustration ng tigre.
After 30 minutes, nakagawa naman ako ng TipakLong Story video. Posted na rin sa Tiktok.
Agad ko ring sinimulan ang encoding ng journal ko noong February 2009.
Nakagawa pa ako ng digital illustration ng ahas bandang 12:30. Nai-post ko na rin, pati ang tigre.
Bandang alas-dos, nakapag-post ako sa Tiktok at Reels ng Balitang Kahayupan, featuring Bullie Crawford.
Pag-alis ng aking mag-ina para mamili ng mga school supplies at uniform, sinubukan kong umidlip. Subalit, hindi ako nakatulog dahil na rin siguro sa dami ng aking gustong gawin.
Bandang 5 pm, almost done na sana ang vlog ko tungkol aa vertigo, kaya lang nahinto dahil naubos na ang free trial sa ginagamit kong text-to-speech site. Bukas ko naman puwedeng gamitin. Sayang, dalawang slides na lang sana.
Nakagawa pa ako ng isang video para sa Tiktok at Reels bago ako gumawa ng one-page comics.
Mga past 8:30 na kami naghapunan. Grabe si Emily! Ayaw nang magluto, panay bili ng ready-to-eat.
Nanood naman ako bandang 9:30 pm ng K-Series sa Viu kasi pagod na ang kamay ko sa kaka-laptop maghapon.
Agosto 28, 2023
Past 7 ako nagising. At pagkatapos mag-cell phone, bumaba ako at bumisita sa garden. Ready na ang almusal. Maagang nagising ang wifey ko. May lagnat yata siya.
Pagkatapos kong mag-almusal, bandang 8:30, inayos ko ang printer. Kailangan kong mag-print ng DLL. Paulit-ulit akong nag-nozzle check, nag-head cleaning, at nag-flushing, pero hindi pa rin okey. Hindi presentable ang printout. Sayang din kasi ang ink kung hindi ko na gagamitin at pagtitiyagan. Readable naman kaya nag-print na ako ng lesson plans.
Habang ginagawa ko ang mga ito, nakapag-upload na ako ng vlog, na ginawa ko kahapon. Isinunod ko na ang pagpalit ng tubig sa aquarium, na sa baba.
Bago ako naglaba, bandang past 10:30, naligo na muna ako. It's safer.
Pagkatapos kong maglaba, gumawa ako ng video ng Balitang Kahayupan, featuring Tipaklong Mejia.
Past 1:30, nag-encode ako ng journal.
Alas-dos ng hapon, nag-digital illustrate naman ako ng mga larawan ng hayop. Bago mag-2:30, nagawa ko ang oso at pugita. Ipinahinga ko ang likod, mga mata, at kamay ko pagkatapos niyon. Nanood ako ng K-Series-- ang 'Tell Me What You Saw.' Mas nagustuhan ko ang story nito kaysa sa 'The Veil.'
Pagkatapos.magmeryenda, nagpokus na ako sa paggawa ng video at quote design.
Namalantsa na rin ako after dinner. Then, nanood ako ng BQ. Inihanda ko na rin ang backpack ko. Nagpalit na ako. Mabuti, hindi ko pa naitapon ang dati kong bag. Hindi pa masyadong used. May tinahi lang akong patch sa bag ko upang matakpan ang hindi matanggal na gum.
Masasabi kong ready na ako bukas. Good thing, hindi tuloy ang online seminar namin. Naurong ito sa September 19-20.
Agosto 29, 2023
Alas-sais y medya, gising na ako. Pagkalipas ng ilang minutong pagsi-cell phone, bumaba na ako. Siyempre napakain ko na ang mga fish ko.
Nag-video muna ako sa garden habang magpapainit ng tubig. Then, gumawa ako ng vlog tungkol sa first day of school.
Dahil panghapon na si Zillion at may lakad si Emily, bumangon na rin ang huli para maghanda ng almusal. Nauna pa nga itong umalis sa akin. Ako, alas-8:30 na umalis.
Past 9:30, nasa PITX na ako. Nagsulat muna ako roon. Sa biyahe, nagsulat din ako kasi nakaupo ako.
Wala pang 11, nasa school na ako. Tumambay muna ako sa Guidance at gumawa ng vlog-related na gawain habang naghihintay ng makakasalo sa lunch. Si Ma'am Mel ang nakasalo ko.
Past 12:10, start na ang bakbakan. Mukhang mahihirapan ako sa Buko ngayon. Mas marami ang boys ko kaysa girls.
Maiingay sila, pero kinaya ko ang first day. Kahit paano ay na-orient ko sila at nasukat ang mga kakayahan sa pamamagitan ng mga assessment practices ko. Napagsalita ko sila at nagpasulat. Mahina lang sila sa pakikinig. Bukas ang pagbabasa naman ang susukatin ko.
Umalis agad ako sa school after kong ma-dismiss ang klase ko. Gusto ko nang makauwi agad para makapagpahinga o makagawa ng attendance sheet ng Buko. Nais ko ring makapag-record ng mga activities nila.
Past 8 na ako nakauwi. Agad akong naghapunan para makanood ng BQ.
Pagkatapos ng BQ, gumawa ako ng TipakLong Story video. Ginaganahan ako kasi may mga viewers ako ng pakulo ko. Sana magtuloy-tuloy at hindi ako maubusan ng ideya at oras.
Agosto 30, 2023
Maagang umalis si Emily kaya nabalahaw ang tulog ko. Okey lang, marami naman akong nagawa bago pumasok sa iskul. Nakapag-video ako ng tipaklong at nakagawa ng video. May ilang quote designs din akong na-layout. Sayang wala akong nasimulan tungkol sa IV-Buko. Nagdala pa naman ako kagabi ng mga papel na irerekord. Ako kasi ang naghanda ng almusal.
Past 8:30, bumiyahe na ako patungong school. Nakaupo ako sa bus kaya nakapagsulat ako.
Past 11 nasa school na ako. Bago at pagkatapos naming nag-lunch, nakapag-record ako ng mga activities ng Buko, pagkatapos kong mag-encode ng names nila.
Seconde day of school. Medyo mahirap nang i-handle ang Buko. Unti-unti nang lumalabas ang masasamang ugali nila. Hindi nila talaga magawang disiplinahin ang sarili.
Habang pinaggrugrupo ko sila dumating si Mrs. Elfa, ang dating HRPTA President ng Grade 3-Andromeda, IV- Buko na ngayon.
Sinabi niya ang mga pangyayari at katanungan sa kanilang GC. E, di sinabi kong ayaw ko nang mag GC. Nasabi ko rin ang sama ng loob ko sa kanila dahil hindi sila nagpakita noong BE at assembly. Nagkasundo kaming isang parent lang ang dapat kong kausap. Ang siya lang ang mag-rerelay ng mga messages ko dahil sapat na ang mga bata. Makikinig lang sila at magsusulat sa Preas Release notebook.
Nagpapabasa ako habang nagpapa-activity. Hidndi madali. Maiingay sila.
Uwian, na-highblood na ako. Nakababa na nga kami, nagpasaway pa ang boys, kaya pinabalik ko sila sa taas upang gawing tahimik ang pagbaba. Kung hindi lang ako nagmamadali pahihirapan ko silang umakyat-baba.
Eight-thirty na ako nakauwi.
Pagkatapos kumain, nanood na ako ng BQ. Habang nagpapatalastas, nag-upload ako ng mga quotes at gumawa pa para malagyan ko ang mga FB pages ko. Gumawa rin ako ng video para sa Tiktok. Nasimulan ko na iyon kaninang umaga, kaya kaunting edit na lang ang ginawa ko.
Then, nanood ako ng K-Series upang antukin ako. Wala na akong Vitamin C, e. Past 11, inantok na ako. Hindi ko na natapos ang Ep. 5 ng pinanonood ko.
Agosto 31, 2023
Alas-siyete nang manulat ako, malakas pa rin ang ulan. Wala sa hinagap ko na mag-sususpend agad si Mayora.
Malungkot na masaya ako. Malungkot kasi walang kita sa juice. Masaya kasi makakapagpahinga ako at makagagawa ng mga gusto kong gawin sa bahay.
Habang nagkakape, nagpalit muna ako ng tubig sa dalawang maliit na garapon ng betta fish ko. Mga 9:30, nakapag-almusal na kami. Agad kong sinimulan ang pag-illustrate ng alimango. Nakapag-anunsiyo na rin ako sa GC ng Buko. Mai iniwan akong mga gagawin para sa aking MOV.
Past 11, natapos ko na ang digital illustration ng zebra. Sunod, ipinahinga ko muna ang kamay ko. Nagbasa naman ako ng outputs ng Buko kahapon.
Bago ako nag-lunch, gumawa ako ng digital illustration ni Jose Mari Chan. Mukha ko ang nilagay ko. Maganda naman ang kinalabasan. Kaya ko palang maging digital artist, lolz.
Sa kalagitnaan ng isang episode, inantok ako, kaya pinagbigyan ko. Alas-3 na ako nagising.
May diarrhea ako ngayon, kaya hindi ako makapokus sa mga gusto kong gawin.
Alas-4, gumawa ako ng Tipaklong Story video. Past 5:30 ko na ito nai-upload sa YT. Bukas ko naman ipo-post sa Reels.
Isinunod ko na ang pag-encode ng journal ko. Nasa February 5, 2009 na ako.
Past 6, nag-eedit ako ng novel ko sa Wattpad. May reader kasing nakapansin sa pagkakapalit ng character name.
Hindi ko rin alam kung matutuwa ako sa reader na iyon kasi sa bawat chapter na nabasa o binabasa niya ay nag-iiwan siya ng komento at reaction. Disppointed daw siya kasi hindi natutupad ang gusto niyang kasunod. Natutuwa lang ako kasi kahit ayaw niya na raw basahin, pero palayo siya nang palayo. Malapit na siyang matapos sa Book 1.
Marami akong na-accomplish ngayong araw. Nakagawa ako ng vlog mula sa mga Reels ko ng tipaklong. Worth it ang suspension. Bukas, wala ulit klase. Maagang nag-suspend ang pangulo.
No comments:
Post a Comment