Juan: Ipagdasal na lang natin na okey ang angkol mo.
Pedro: Pero, Ninong, siya na lang po ang kasama ko sa buhay. Si Daddy, kahit malamang niyang nawawala si Angkol Hudas, hindi iyon uuwi.
Juan: Tama ka, pero nandito naman ako. Bukas ang tahanan namin ng kinakapatid mong si Lucas para sa `yo.
Pedro: Salamat po, pero mas gusto kong tumira sa bahay namin ni Angkol Hudas. Kahit ganoon ang ugali n'on, mahal ko `yon.
Juan: Oo, tama ka. Mabuting tao ang angkol mo. Matagal ko nang kasama `yon. May pagkahudas nga lang talaga, pero malambot ang puso niyon.
Pedro: Kung kailan pa nawala ang tao, este ang tipaklong, saka pa natin siya naa-appreciate.
Juan: Gano'n talaga... Kaya umasa tayong babalik siya... Nakumpirma naman ninyo ni Maria na hindi naman siya ang nahuli kanina ng wangwang. Ibang magnanakaw pala ang dumale sa bahay ni Kap.
Pedro: Kaya nga po, e. Pero, nakakapagtaka lang po kasi hanggang ngayon, hindi pa siya umuuwi. Mag-uumaga na po, o. Hindi rin natin siya matawagan kasi iniwan niya ang cell phone niya.
Juan: Huwag tayong mawalan ng pag-asa, Pedro. Sige na, pasok na. Mahamog at malamig na. Uuwi na rin ako.
Pedro: Sige po. Ingat po.
No comments:
Post a Comment