Followers

Sunday, September 10, 2023

TipakLong Story Ep.2 -- Voluntary Exit

 


Hudas: Bakit ka pumasok dito, Maria? Gusto ko na ngang mag-voluntary exit, ikaw naman pumasok pa.

Maria: Pasenisya ka na, Hudas. Simula nang maulila ako, wala na akong hinangad kundi ang kumita ng pera para sa sarili ko. Andami kong pangarap na hindi ko pa natutupad. At sa tingin ko, ito ang isa sa mga paraan para matupad ko ang mga iyon,

Hudas: Nagkakamali ka, Maria. Hindi ka rito nababagay. Pag-uusapan ka lang nila sa labas. At paglabas, ano? Kaya mo ba silang harapin? Kaya mo bang ipaliwanag sa kanila ang side mo?

Maria: Wala naman akong obligasyong magpaliwanag sa mga mapanghusga. Buhay ko naman ito. Kung ano man ang pinili kong buhay, irespeto nila. Hindi ko naman sila inaapakan, e.

Hudas: Oo nandoon na tayo, pero hindi mo maaalis sa kanila ang panghuhusga. Masasaktan ka lang.

Maria: Hayaan mo sila, Hudas. Masaya ako't naging bahagi ako ng Pinoy Lolo Metong Glass House Tipaklong Edition, kaya ipapakita ko sa kanila ang totoong ako. 

Hudas: Maria, pakiusap, ako na lang ang mananatili rito. Para sa `yo naman itong ginagawa ko.

Maria: I'm sorry, Hudas. Buo na ang loob ko.




No comments:

Post a Comment

Ang Pinakamasamang Kuya

  Pinagalitan ni Arnel ang kaniyang nakababatang kapatid na si Carmela dahil sa sinasabi niyang katamaran nito kaya hindi siya nito kinikibo...