Followers

Wednesday, March 21, 2018

Luntiang Pilipinas

LUNTIANG PILIPINAS


Halina’t silipin ang araw sa kanyang    bukang-liwayway,
Na sa bawat nilalang, ngumingiti’t tumatanglaw;
At ang mga fauna at flora sa mga kagubatan,
Na siyang nagbibigay ng kulay sa sanlibutan.

Halina’t pakinggan ang lagaslas ng alon sa mga dalampasigan,
Na nagsasabing may buhay sa ilalim ng karagatan;
At ang sariwang hanging nagbubunyi at umaalingawngaw,
Na sa mga tao, puno, halaman, at hayop ay nagbibigay-buhay.

Halina’t kilalanin ang mga anyong-lupa at anyong-tubig,
Na may ambag sa pamumuhay ng sandaigdig;
At ang mga magagandang tanawin sa Pilipinas,
Na sa buong mundo at maipagmamalaki at maipamamalas.

Halina’t pangalagaan natin ang ating kapaligiran
Upang ang global warming ay tuluyang matuldukan;
At ang pagmamahal sa ating Inang Bayan
Ang dapat manguna sa ating mga kaibuturan.

Halina’t mamuhay sa luntiang mundo at mayamang kalikasan,
Tikman ang tamis ng mga bunga ng kaginhawaan,
Maligo sa lawa at ilog na sariwa at may buhay
At akyatin ang mga bundok nang hindi napapagal.

Halina’t tuklasin ang gamot sa mga polusyon,
Isulong ang 3Rs, Clean and Green, at Green Revolution,
Itigil ang illegal logging at ang mining na mapaminsala,
At sumunod sa mga nakabubuting batas na itinakda.

Halina’t kulayang muli ang umitim na mundo,
Sa ating mga kapabayaan, tayo’y matuto,
At mga maling gawain, iwaksi na at tigilan

Sapagkat ang kinabukasan nati’y nasa kalikasan.

Friday, March 2, 2018

Ang Aking Journal -- Marso, 2018

Marso 1, 2018 Na-highblood ako kaninang umaga sa dahil sa ugali ng mga nakakataas sa akin. Una, nalaman ko ang mga nangyari sa pagitan ng intern ko at principal, nang tsinek niya ang lesson plan. Kung ano-anong nakakasakit sa damdaming salita ang pinagsasabi na animo'y balewala ang pagme-mentor ko. Kesyo naituro na niya lahat ang subjects kaya walang karapatan si Ma'am Jade na magrason. In the first place, wala siyang karapatang kutohan ang LP ng intern ko dahil ipinagkatiwala na niya sa akin ang pagiging resource teacher. Next time siguro, siya na ang mag-mentor. Sa opisina niya pag-demo-hin. Huwag nilang gamitin ang klase ko. Ikalawa, late ng isang oras si Milagros-- ang matandang professor at ang dating principal sa Pasay. Walang professionalism. Nang dumating pa, akala mo kung sinong artista. Gusto pa niyang salubungin siya. Hindi ko nga pinansin. Pinatawag niya ako twice pero hindi ako nagpakita. Baka kasi hindi ko mapigilan ang sarili ko, mapagsalitaan ko siya. Dahil sa kanya, naaway ko rin ang dalawang security guards nang pinabalik nila ang pupils na nasa baba para umihi. Bawal daw dumaan doon, which is not good kasi iyon ang pinakamabilis na daanan papunta sa comfort room. Isa pa, hindi sila nakakagala kapag doon dumaan. Nang nag-subside ang galit ko, bumaba uli ako at nag-apologize. Nalaman kong kagustuhan ng principal na padaanin ang mga bata sa mga classroom na may klase. Walang logic, kaya nakakainis. Kami ang nahihirapan. Naging matagumpay ang demo ni Ma'am Jade. Alam kong nakahinga na siya nang maluwag. Sureball na ang graduation niya. After class, tumabay ako kina Ms Kris. Nakakuwentuhan ko doon siya at sina Ma'am Bel at Ma'am Vi habang naghihintay ng alas-4. Niyaya kasi nila akong dumalo sa 7th birthday ng pupil nila sa La Verti. Marami kaming napagkuwentuhan lalo na tungkol sa mga issue sa school. Kumukulo lang lalo ang dugo ko sa mga traydor sa grupo. Marso 2, 2018 Nagturo na ako sa Filipino, kaya lang pagkatapos iyon ng miting de avance ng SPG. Movie review ang topic namin. After class, nagkaroon ng miting kaming mga GES Faculty Officers. Sumunod naman ang BOD Board meeting. Pagkatapos niyon, kaming 1000+ group at nag-late lunch sa KFC. Inabutan kami roon ng 5 o' clock dahil sa kuwentuhan, tawanan, planning, at brainstorming. Andami na namang issue sa school. Marso 3, 2018 Halos tamang-tama ang dating ko sa CUP. Magsisimula pa lang ang reporter. Nakinig ako nang husto at nag-participate kaya naman naka-flat one (1.0) at 1.25 ako sa seatwork (insights). Pinuri pa ako ni Dr. Pagulayan. After ng first period class ko, pumunta ako sa HP. Nag-windowshop lang ako sa SM saka tumambay na. Nang magutom ako, nag-lunch ako sa Chowking. Gusto ko sanang mag-stay doon dahil malamig, kaya lang sumakit na naman ang ulo ko, gaya last week. Naisipan ko na lang pumunta sa GES. Doon ako umidlip hanggang 4. Past 6:30 na kami pinauwi sa last period class ko. Nagpanuod pa kami ng inspiring videos at nagkuwentuhan. Malapit na kasi ang finals. Past 8:30 ako nakarating sa bahay. Nagkape ako habang kumakain ng dinner. Kahit paano naibsan ang sakit ng ulo ko. Naisip kong dahil hindi ako nakapagkape kaninang umaga at kaninang hapon kaya sumakit ang ulo ko. Ganoon din kasi ang nangyari last Saturday. Marso 4, 2018 Maaga akong nagsimulang maglinis. Gaya nang dati, inuna ko muna ang sala, kusina, at banyo, bago ang kuwarto ko. At, habang kinukusot ni Nanay Mila ang binabad kong mga damit, nagmasilya naman ako sa kuwarto ko. After lunch na ako nakapagbanlaw at nakapagsampay. Umidlip lang ako bago ako nag-grocery. Pagdating ko, nagluto ako ng pansit canton para may meryenda kami. Saka ko naman naayos ang kabinet ko. Kahit paano ay na-organize ko na. Madali nang hanapin ang mga gusto kong isuot. Nang dumating si Emily, mula sa review, namublema ako sa sinabi niya. Magkakasabay kasi kaming aalis sa March 16. Siya sa Las Pinas. Overnight doon hanggang March 17. Paano ang bahay, ang mga halaman, at ang tuta? Bahala na! Marso 5, 2018 After ng klase, umuwi agad ako oara umidlip at mag-ipon ng lakas para sa biyahe namin ni Papang papunta sa Mangaldan. Mabuti na lang, nakatulog ako sa kabila ng init ng panahon. Dumating pa si Marekoy, kaya medyo naistorbo pa. Past 8, umalis na ako sa bahay. Hindi ko na naabutan ang LRT kaya nag-dyip na lang ako papunta kina Papang. Marso 6, 2018 Dahil hindi kami nakabiyahe nang bandang 1:00 am, alas-10 na kami nakarating sa Dagupan. Kung alam lang namin na hanggang 11 pm lang ang biyahe ng Victory Liner sana inagahan namin. Na-late pa naman ako ng dating sa condo nina Papang. Eleven, nagkita-kita na kami nina Mamu sa school nila. Napatunayan ko rin na naikukuwento niya ako sa mga estudyante niya, kaya may ilang babaeng estudyante roon na bumati sa akin hindi lang bilang wattpad writer kundi sa akong penname. Sinabi pa nila ang mga novel na kanilang inaabangan. Nakakatuwa! Nagpa-picture pa sila kasama ako bago kami umalis sa school nila. Ganoon pala ang feeling ng may fans. Dahil malayo ang bahay ni Mamu mula sa school at dahil biglaan daw ang punta namin, napilitan siyang mag-halfday. Isinama niya kami sa bahay ng kaibigan niya. Doon niya kami pinakain ng lunch. Doon na rin itinuloy ang aming kuwentuhan. Pagkatapos, pinuntahan namin ang school ni Donya Ineng. Saglit lang kami roon. Nagtagal kami sa bahay ni Mamu. Doon na kami nagkuwentuhan, nagtawanan, at nagbiruan nang husto. Past 4 na kami pumunta sa beach para maligo. Hindi ko masyado na-appreciate ang dagat dahil maalon sa oras na iyon. Isa pa, biglang dumami ang mga dikya kaya napaahon kami. Gayunpaman, na-stress down kaming tatlo, kasama ang anak ni Mamu. Dinner time. Kina Donya Ineng kami. Isang masaganang hapunan ang inihanda nila sa amin. Sobrang busog ko. Past 8, hinatid na kami sa sakayan ng dyip. Past 9, nasa bus na kami. At past 12 midnight, nasa condo na kami. Hindi na ako umuwi sa Cavite para makapasok ako nang maaga. Sayang ang oras at pamasahe kapag uuwi pa ako. Mabuti na lang, nakatulog ako kahit paano. Marso 7, 2018 Natulog agad kami pagdating sa condo nina Papang. Kahit paano masarap ang tulog ko. Past 4 nang bumangon siya. Four-thirty niya ako ginising. Before 6, nasa school na ako. Nag-start na ang periodic test. Sinamantala ko naman ang chance para umidlip. Kaya lang, maingay sila. Walang humpay na pagsaway ang ginagawa ng iba. Gayunpaman, nakaidlip ako. Nabawasan ang bigat ng ulo ko. Kaya lang, na-high blood na naman ako nang hindi agad pinalabas ang pupil ko na inutusan kong magpapalit ng P1500 dahil ibabalik ko sa parents ang graduation donation nila. Sa inis ko, nag-post ako sa group namin. Lalo naman akong nagpuyos nang sumagot pa ng pabalang ang principal. Imbes na sagutin niya ang tanong ko, ako pa ang inutusang basahin ang mensahe ko. E, nagpatawag siya ng emergency meeting. At, siya ang nag-ungkat. Hayon, binalitaktakan ko na naman siya gaya dati, sa harap ng mga Grade Six teachers at MTs. Akala niya siguro, uurong ang dila ko. Naipahayag ko na hindi niya dapat ipinagbabawal ang pag-utos namin sa mga bata. Paliwanagan niya ang mga sikyu na pahayagan ang mga inuutusang bata lalo na kapag kailangan. Mas marami kasi ang maiiwanang bata sa silid kapag ang guro pa ang bababa o lalabas. Para talagang wala siyang puso para sa mga teachers. Kapakanan lang (kunwari) ng mga bata ang nasa isip niya, pero ang totoo, pinipersonal niya ang guro. Ayaw makinig sa kanyang mga tauhan. Ang kanya ay kanya. Hindi naman puwede iyon. Ang nakakainis lang, ayaw magsalita ng mga kaguro ko. Ako at ako na lang ang laging naglalabas ng saloobin. Haist! Past 4 na ako nakauwi. Agad akong umidlip. Past 6 na ako nagising at bumangon. Ang sarap sa pakiramdam! Marso 8, 2018 Walang test kanina. Hindi nakapag-Riso. Kaya naman, tumambay lang ang mga pupils ko. Kami namang Grade 6 teachers ay nag-meeting lang. Kinausap din namin ang principal tungkol sa graduation. Ako naman, maaga pa lang naihanda at naipasa ko na ang mga listahan ng achievements ng mga honor pupils. After class, nagkuwentuhan pa kami habang kumakain ng mangga. Past 2 umuwi na ako. Gaya kahapon, umidlip ako. Hindi nga lang ako nakatulog nang husto. Mas maaga rin akong nakapagdilig ng mga halaman. Marso 9, 2018 Science lang ang na-test ng pupils ko kanina. Kaya naman, naipa-present ko sa kanila ang final performance nila sa radio broadcasting. Natuwa ako sa kanilang outputs. Kaya, after ng kanilang pagbabalita, nagsalita ako sa harap. Pinuri ko sila. Nagbigay ako ng inspirasyon. Hinikayat ko silang ipagpatuloy at gamitin sa high school ang mga natutuhan nila sa akin. Pagkatapos niyon, pinasulat ko sila ng sanaysay tungkol sa karanasan nila sa isang buong school year naming pagsasama. Gusto ko kasing marinig mula sa kanila ang kanilang mga damdamin. Nais kong malaman kung natuto ba sila at nag-enjoy. Bago nag-uwian, halos mapaluha ako sa mga sinulat nila. Nakakataba ng puso. Ramdam ko ang kanilang sinseridad. Natutuw ako sa kanilang mga salita. Napakatatas na nilang manalita. Ramdam ko rin ang kanilang kalungkutan dahil magtatapos na ang kakulitan nila nang sama-sama. Before 2, pumunta kami ni Janelyn sa DO-Accounting Office para pirmahan ng payroll ng Provident Loan. Umuwi din ako agad. After kong umidlip, ginawa ko ang report cards ng mga outstanding pupils ko. After magdilig, ang visual aids ko naman sa report ko bukas ang hinarap ko. After dinner ko naman iyon napag-aralan. Marso 10, 2018 Nahiya ako sa herpes ko. Sugat na naman kasi ang lower lip ko dahil dito. Napansin tuloy ni Dr. Pagulayan na tahimik ako at ayaw mag-recite. Later part na ako nag-participate. Afterwards, tumambay ako sa CUP. Nag-charge ng cp, nagbasa ng report, nagsaulo ng SWP, at umidlip. Bago ako nag-window shopping sa may ukay-ukay store at Novo. Tumambay uli ako bago mag alas-3. Matagal akong naghintay ng mga kaklase. Kaunti lang ang dumating. Wala rin si Dr. Estuche, pero nag-report ako. Sumunod ang dalawa pa, na hindi naman talaga nag-report. Para lang makauwi na kami. Past 6:30, nasa bahay na ako. Nauna pa ako kay Emily. Natuwa ako sa biglang paglaki ni Angelo. Hindi na siya puppy. Malapit na siyang maging aso. Parang kailan lang. Pero, sana lang ay gumaling na ang galis niya at magkabalahibo na uli siya. Marso 11, 2018 Sinimulan ko nang maaga ang paglilinis. Kaya lang, sa kalagitnaan niyon, biglang nawala ang tulo ng tubig. Nahinto ang ginagawa ko. Mabuti na lang at nakapagbabad na ako. Past 11:30 na bumalik ang tulo. Fulfilled ako ngayong araw. Hindi nga lang ako nakapag-grocery dahil naglaba pa ako. Ikalawang batch na iyon. Hindi rin ako nakaidlip nang maayos dahil maingay sa kabilang bakuran, gawa ng birthday party. Nagluto na lang ako ng pasta. Nakapag-update din ako ng novel ko sa watty. May mga readers akong nagmamadali kaya sinikap kong magdugtong ng isang.chapter. Marso 12, 2018 Maaga pa lang, inayos ko na ang pagpasa ng ranking of honors. Kaya, bago natapos ang recess ng mga pupils, natapos ko na. Sana maaprubahan agad ng superintendent para mai-schedule naman ang deliberation. Nagkaroon din ako ng time para basahin sa harapan ang mga sanaysay nila tungkol sa pagtatapos at sa mga karanasan nila sa Topaz. Nakakatuwa talaga ang mga sinulat nila. Nakakataba ng puso. Masasabi ko ngang naging mabuti akong guro, tatay, at kaibigan sa kanila. Hindi ko lang sila naturuang magsulat at napatuto, napasaya ko pa sila. Past 10:30 nagsimula na ang unang graduation rehearsal. Inabutan kami ng 12:40 pm sa baba. Kaya naman, late na ang lunch namin. Past 2:30 na ako nakauwi dahil tumulong pa ako sa paggupit ng patterns para sa styro letter cuttings. Kinausap rin ako nina Sir Hermie at Archie tungkol sa administration ng aming punungguro. Kinumpirma ko ang aking pakikiisa sa kanilang mga plano. Hapon, nagkuwentuhan kami ni Emily. Halos dalawang buwan din kaming hindi nakapagkuwentuhan nang ganoon. Siguro dahil nakauwi na kanina si Nanay. Nagplano kami tungkol sa ipapagawa nating dirty kitchen at laundry area. Marso 13, 2018 Ikalawang araw ng graduation practice. May kanya-kanya nang upuan ang mga graduates. May action na ang doxology. Napraktis na rin ang pagtanggap ng diploma. After class, nagpintura kami ng letter boxes para sa stage. Natuwa kami kasi maganda ang outcome. Nakatulong ang gold na glitters. Natuwa rin ako dahil pumayag si Chealsey, ang pupil na may high honors, na kausapin ang mommy niya para mag-blowout. May pumunta kasing caterers para sa affordable na packed lunch. Siguro ay natuwa rin dahil nominated ko siya as Respect Awardee ng East-West Bank at Batang Matibay Award ng Bear Brand. Maliit na halaga lang naman iyong ipapakain niya kumpara sa natamo niya sa school. Five na ako nakauwi. Natuwa ako sa nabiling washing machine ni Emily. Tuwang-tuwa rin siya. Nakapaglaba na nga siya. Marso 14, 2018 Maaga pa lang, nakontak ko na si Epr. Nakumpirma ko ang pagdating nila ni Judilyn sa bahay ngayong araw. Halos magkasunuran lang kami nang dating. Mga 5 pm na ako dumating. Gabi na nang nabigyan namin sila ng mga instructions dahil pareho kaming aalis ni Emily nang maaga. Maiiwan sa kanila si Ion. Sila na ang mag-aasikaso sa pagpasok nito. Marso 15, 2018 Maaga kaming nagpauwi nang klase. Shortened naman talaga dahil periodic test. Kaya naman, natuloy kaming Grade Six teachers na kumain sa Tramway Buffet. Past 2 na kami lumabas. Dalawang oras din kaming kumain at nagkuwentuhan. Pagkatapos niyon, tumuloy ako sa Pag-IBIG para palitan ang temporary number. Wala pang isang oras, tapos na ako. Bumalik ako sa GES. Nakasalubong ko naman sina Ms. Kris at Ma'am Bel. Papunta na sila sa Shakey's para hintayin sina Papang, Macky, at Mj. Birthday ni Mj bukas. Nagkuwentuhan kami doon ni Ms. Kris habang nasa bangko si Ma'am Bel. Marami kaming napagkuwentuhan bago kami nakompleto. Isa na namang masayang bonding ang nangyari. Past 6:30 na kami natapos kumain. Past 8:30 na ako nakauwi. Dahil dito, nagdesisyon akong hindi na lang pumasok. Kailangan ko pang maghanda ng mga damit ko. Marso 16, 2018 Mga 10 ng umaga, nasa biyahe na ako papunta sa Pasay para sa trip to Davao ko. First time ko roon. First time ko ring bumiyahe nang libre. Hindi ko man first time humarap sa mga tao para mag-emcee, first time ko namang mag-host ng book signing event. Hindi ko first time kong maka-meet ng mga sikat na writers, pero first time kong ma-introduce sila at makasalamuha sa loob ng dalawang araw. Twelve, nasa NAIA Terminal 3 na ako. Na-meet ko roon sina Greenlime8, Blue_Maiden, at Sic Santos. Although, may gap sa gitna namin, hindi naipakita ko naman naipakita ang aking fanaticism, gaya ng iba. Hindi ko naman talaga sila kilala. At, hindi ko binasa o nabasa ang mga akda nila, maliban sa akda ni Cris Ibarra. Ako ang nag-asikaso ng pagpapa-baggage counter ng bagahe ni Tina Lata aka Blue_Maiden. Ako na rin ang nagbantay sa conveyor. Masaya ako dahil sa mga first-times ko, kaya lang nagutom ako sa dahil na-delay ang flight. Madilim na nang makalabas kami sa airport. Past 8 na nang makapag-dinner kami. Gayunpaman, masaya ako dahil naging bahagi ako ng event na iyon. Na-meet ko na si Ms. Heaven, ang sales manager ng F&A Bookshop. Sa Jack's Ridge kami nag-dinner. Maganda ang lugar. Dinarayo siguro iyon ng mga turista at kahit local eople. Nagkataon pang Araw ng Dabaw ngayon, kaya dagsaan talaga ang mga diners. Masarap naman ang mga pagkain. Sulit ang pagkagutom ko. Kung makakabalik ako, babalikan ko ang lugar na iyon. Overlooking kasi iyon ng Davao City. Ang ganda! Habang kumakain, nakapagkuwentuhan kami ni Ms. Heaven. Naikuwento niya ang mga naging problema niya sa pag-organize ng event. Niyaya niya rin akong mag-host uli ng event sa May 5-9. Hindi ako nag-commit. Sabi ko lang, "Bahala na." Gusto ko munang magustuhan niya ang hosting skill ko. Pagkatapos kumain, pumunta kami sa Matina Town Square. Para lang siyang venue para sa enjoyment. May mga bars, restos, coffee shops, at iba pa. Dahil fiesta nga nila, may mga bandang tumutugtog. Hindi nga lang ako nakapanuod maigi dahil mabigat ang bag ko. Inabutan kami roon ng mga halos hatinggabi. Plakda talaga ako pagdating sa hotel. Okay lang naman dahil si AkosiIbarra pa ang nagyaya sa akin na sa kuwarto na niya ako matulog. Siguro doon naman talaga ako, wala lang nagsabi sa akin. Kasama rin namin si Sic. Marso 17, 2018 Hindi naman ako excited sa hosting engagement ko, pero maaga akong nagising at nakaligo. In fact, kinakabahan nga ako. First time ko sa isang very public na event. Nakatulong pa ako sa registration at sa pagbenta ng merchandise bago nagsimula ang DMBS. Grabe! Nakakakaba talaga ang humarap sa humigit kumulang 400 persons, sa Davao pa. Gayunpaman, na-overcome ko kaagad ang stage fright ko. Nagulat ako sa sarili ko. Mabuti na lang, game ang mga millenial readers o mga fans ng millennial writers, kaya napakanta at napa-spoken word poetry ko sila, as entertainment habang ang book signing is on-going. Nakilala ko pa ang sikat na group performers ng Davao-- ang The Center Stage. Nag-goosebumps ako. Ang gagaling nila! Naging vocal ako sa pagpapasalamat at pagpuri sa kanila. Kaya naman, may kumuha pa ng FB account ko. Need ko rin sila sa future engagement ko. Sobrang pagod ko bago ako nakatulog, pero worth it naman. Another experience to treasure and to tell. Naka-meet pa ako ng mga bagong kakilala at kaibigan. Hindi man ako nakapag-selfie kasama ang mga sikat na writers, nakasama ko naman sila. Alam ko, maa-identify nila ako sa susunod na pagkikita o kahit sa FB. Marso 18, 2018 Late na kaming nag-breakfast. Actually brunch na iyon. Ten na, e. Ipinatawag pa nga ako ni Ms. Heaven para marinig ang usapan nila ni Cris Ibarra. Natuwa naman ako dahil naging bahagi ako ng F&A Bookshop, na talaga namang gumagawa ng pangalan. Past 2 na rin kami nag-lunch. Namili pa kasi kami ng pasalubongs sa Lola Abon's. Sulit naman ang ipinambili ko dahil expense-paid na nga ang airplane tickets ko at hotel accommodation. After niyon, nag-crocodile ice cream lang kami sa Davao Crocodile Park. Okay lang naman. Para lang naman kasing zoo iyon. Nakarating na ako noon sa branch nila sa Pasay. Then, bago kami inihatid sa airport, pumunta muna kami sa Gap Farning Resort. Very supportive ang husband ni Ms. Heaven dahil may dala pa siyang drone para kuhaan kami ng larawan at video sa magandang pasyalang iyon. Nature, history, farming, at culture in one. Worth it ang pagbaba at pag-akyat sa burol! Nalungkot lang ako dahil nalimutan yata ni Ms. Heaven ang anthology books ng VI-Topaz. Naunawaan ko naman dahil mahirap talagang mag-organize ng event. Hindi pa nga niya kami nabayaran ng PF namin. I hope hindi niya malimutan ang pangako mga niya. Past eleven o'clock, nasa NAIA 3 na ako. Hindi na ako umuwi sa bahay. Sinubukan kong makatulog sa upuan doon. Marso 19, 2018 Hindi ako nakatulog nang maayos dahil sobrang lamig ng upuan sa airport. Maingay pa ang mga biyahero at mga tagasundo. Four, bumiyahe na ako papunta sa school. Sobrang aga ko pa kaya nahiga ako sa sofa, na nasa canteen. Mabuti na lang at nakaidlip ako. Energetic at active pa rin ako habang may rehearsal ang mga bata. Nakapamigay pa ako ng mga pasalubong sa mga piling kasamahan. Shortened ang klase dahil may meeting ang faculty with Sir Villacorta about Brigada Eskwela. Past na na ako nakabiyahe pauwi. Good thing is nakaidlup ako sa biyahe at gayundin pagdating ko. Bawi ko na ang pagod at puyat. Marso 20, 2018 Maaga kaming nagpraktis ng graduation rite, kaya maaga ring natapos. Natapos kong gawin ang mga cards nila, maliban sa 'number of days present.' Sa hapon, sinimulan ko na ang pagkopya ng mga details from Form 138-E to Form 137-E. Past five na ako nakatapos ng original copies. May mangilan-ngilang problema pero magagawan ko iyon ng paraan bago mag-checking sa Huwebes. Kaninang tanghali, dumating si Ma'am Jade. Nagpapirma siya ng form. Binigyan niya rin ako ng regalo. Isang poetry book ang laman niyon. Although, English ang language, natuwa ako dahil pareho kaming mahilig sa poetry. Isang spoken word poetry collection iyon. Aniya sa kanyang letter, na nakaipit sa book, iyon daw ang nakapag-inspire sa kanya para pasukin ang mundo ng SWP. Chinat ko naman si Ms. Heaven bandang hapon. Tinanong ko kung aabot sa graduation ng mga pupils ko ang anthology books na pina-print ko sa kanya. Oo raw. Sana nga. Puro na lang kasi siya pangako. Kino-consider ko ang ka-busy-han niya, pero sana i-consider niya rin ang pinag-usapan namin. Marso 21, 2018 Maaga pa rin akong pumasok kahit may baccalaureate mass ang mga graduating pupils. Wala pa ang mga kasamahan ko, kaya nakapag-send pa ako ng entry sa DENR-EMB Poetry Writing Contest. Nakapag-layout rin ako ng certificates na ipapamigay ko sa April 3, sa classroom recognition. Past 7:30 na nagsimula ang recollection, kaya late na natapos ang baccalaureate mass. Hindi naman ako nainip. Nag-enjoy ako sa activities at film showing sa recollection. Marami akong natutuhan. Pagkatapos, inilibre kami ng lunch ng parent ng pupil ni Marekoy. Sa Tramway niya kami pinapunta. Isa na namang masaganang kainan ang nangyari. Before 2:30, nasa school na kami para gawin naman ang mga forms namin. Hindi ko natapos, pero bukas kayang-kaya na. May problema lang sa isang estudyante dahil dalawa ang kanyang LRN. Five-thirty na ako umuwi. Hinintay ko pa sina Papang at Mj. Kaya naman, 8 na aki dumating sa bahay. Pagod ako, pero masaya. Marso 22, 2018 Nalungkot ako kanina kasi nagkomento si Marekoy sa post ko. Hindi ko maintindihan. Bisaya kasi. Pakiramdam ko, na-gets niua ang mensahe ng shared post kong quotation. Ayaw ko namang mag-away kami. Gusto ko lang namang malaman niyang galit ako sa pagiging palapuna niya sa iba, samantalang hindi niya nakikita ang mali niya. Iniwasan ko siya. Pero, nang wala na ang mga estudyante, nakipagkuwentuhan na siya sa akin. Nagkamali lang siguro ako. Or sana nagkaroon ng realization. Pinilit kong tapusin ang mga school forms. Inabot akong alas-3. May isa pa akong aayusin dahil wala siyang duplicate copy. Haist! Five-thirty na ako nakalabas sa school dahil tinulungan ko pa sina Ma'am Dang at Sir Joel sa kanilang paghahanda ng report. Past 7 na ako nakauwi. Marso 23, 2018 Bago magsimula ang Gawad Parangal 2018, nasa school na ako. Confident ako sa suot kong pink pong sleeves polo at men's blazer, gamit ang aking grey skinny jeans. Para nga raw akong magdyi-JS prom. Kaya lang, napakiusapan ako ni Ma'am Ana na maging photographer. Okay lang naman. dahil I love capturing moments. Nainitan at pinagpawisan nga lang ako. Successful ang recognition day. Masaya kaming lahat. Panay din ang biruan, kahit inabot ng ala-una. Itinuloy din naming 1000 group ang bonding sa Century Park Hotel dahil invited kami ni Mj sa 7th birthday ng kanyang pamangkin. Kompleto kami, kaya buo ang saya at tawanan. Wala rin humpay ang groufie. Past 8:30 na kami umalis at past 10:30 na ako nakauwi sa bahay. Sobrang antok ko na, pero ayos lang. Marso 24, 2018 Maaga akong nakarating sa school, kaya nakapag-almusal pa ako. Nauna rin ako kay Dr. Felipa M. Pagulayan sa pagpasok sa classroom. Nagulat ako nang sabihin ng prof ko na, "Froilan, we missed last time." Speechless ako. Tumimo pala ako sa isip at puso niya. Nakatulong ang mga insights ko. After ng klase, tumambay ako sa Harrison Plaza. Nag-window shopping muna ako sa mga ukay-ukay store at SM Department Store para maghanap ng long sleeves polo at amerikana, nasusuutin ko sa graduation. Bago ako nag-lunch, nakabili na ako ng kakailangan ko. Natuwa ako kasi for less than P1000, may coat na, may dalawang pagpipiliang polo. Pantalon at neck/bowtie na lang ang kailangan kong bilhin sa susunod na araw. Hindi naman nagklase kay Dr. Estuche. Nagkainan lang ng pizza. Mabuti nagpa-late ako. Hindi naman pala magtuturo o magre-report. Nag-bonding lang sila. Past 6:30, bumiyahe na ako pauwi. Sobrang traffic, kaya magna-9 na yata nang dumating ako. Nasa Manila na si Emily. Nag-hotel siya, kasama ang mga naging kaibigan niya sa Carl Balita Review Center, para sa LET nila bukas. I hope, hindi lang siya makapasa, mag-topnotcher pa. Marso 25, 2018 Maaga akong nagising. Okay lang naman dahil marami akong gustong gawin. Naglinis ako sa kuwarto, kusina, at sala. Naglaba rin ako ng mga napamili kong damit sa ukay-ukay. Ako rin ang naghanda ng mga pagkain namin. Kahit paano, naipatikim ko sa mag-asawang Epr at Judy ang aking mga lutuin. Hapon, umidlip ako habang nanunuod ng tv. Sulit na ang isang araw na bakasyon, lalo na't nakapagsulat pa ako ng update sa novel ko. Past 8 na dumating si Emily. Tiwala akong makakapasa siya. Marso 26, 2018 Kalahati lang ng klase ko ang pumasok gayundin ang ibang section. Ang iba nga, wala pang 20. Kaya naman, wala munang rehearsal. Pinag-decorate ko na lang sila para sa aming classroom recognition. Hindi naman ako nakapag-enter ng average sa LIS. Ang hina ng system. Nakakainis! Andami kasing pakulo ng DepEd. Maghapon ako sa school. Twelve hours na ako, pero ni isang pupil ay hindi ko na-update ang status. Nakakaantok maghintay. Marso 28, 2018 Nakatulog ako nang mahaba-haba. Past 5 na ako nagising. Kahit paano, nakabawi ako ng ilang araw na puyat. Kaya naman, napaka-energetic ko kanina sa general rehearsal. After general rehearsal, nagbigayan ng toga, ribbons, at programme. Ipinaiwan ko ang mga parents ng mga pupils na may honors. Binasa ko sa kanila ang kanilang average at siyempre, binati ko sila. Binigyan ko rin ng word of encouragement para ipagpatuloy nila ang kanilang nasimulan. After ng parents, ang mga estudyanteng nagpaiwan naman ang binasahan ko ng spoken word poetry ko. Matagal nilang inabangan iyon. Kaya naman, naging matagumpay ako para mapaiyak ko sila. Walang humpay ang iyakan at yakapan ng mga pupils ko. Nakakatuwa! Nakita ko kung paano nila pinahalagahan ang mga memories at friendship nila. After niyon, nakipag-meeting ako with coop board members. Later, ang 1000 group with Lester ay nag-lunch sa KFC. Inabutan kami doon ng alas-3. Marami kaming napagkuwentuhan. Sulit ang araw na ito. Marso 29, 2018 Nakapag-usap kami ni Mama. Nalaman ko ang mga plano niya tungkol sa kanyang pagtira mag-isa sa isang bahay, kapag na-demolish ang bahay niya roon at kapag nagdesisyon ang lahat na ibenta ang lupa sa Polot. Siyempre, ayaw naming pareho na maibenta sa murang halaga ang lupa. Gusto niya ring maoperahan na ang kanyang cornea. Kahit sinabi niyang matatanggap niya kapag hindi na, ramdam kong mas nais niya ang nakakakita. Kaya naman, binigyan ko siya ng pera para makapunta sila ni Taiwan sa EAMC. Ipinakukumpirma ko sa doktor kung kailan siya ooperahan. May pera na para sa kanila, kaya sana i-schedule na siya. At kung ayaw talaga, sana bigyan na lang siya ng referral sa ibang doktor. Before 10:30, umuwi na ako. Masaya akong makita si Mama. Hindi man niya ako makita, alam kong ramdam niya ang kagustuhan kong makakita siya. Mag-isa man siya roon, alam kong hindi siya pinababayaan ng Diyos. Past one, dumating ako sa bahay. Umidlip ako bandang alas-dos at nagising pasado alas-4. Ang sarap sa pakiramdam nang nakapahinga. Gabi, dahil Holy Thursday naman, ipinanuod ko kina Emily, Zillion, Judy, at Epr ang "Every Child is Special." Nagustuhan din nila ang pelikula. Marso 30, 2018 Nag-grocery ako bandang alas-9 ng umaga. Mabuti na lang bukas ang Puregold. Pagdating ko, naghanda ako ng lunch namin. Pork burger with malunggay, sauteed chicharo in oyster sauce, at fried galunggong daing angbulam namin. Busog much! Nagustuhan ni Ion ang chicharo. Sayang isang balot lang ang nabili ko. Hapon, nanuod lang kami ng tv hanggang gabi. Worth it ang holiday! Nakapagsulat at nagkapag-edit din ako. Marso 31, 2018 Napuyat ako kagabi dahil sa pagbuhos ng malakas na ulan. Akala ko nga may bagyo. Kawawa si Angelo dahil naulanan siya at natulog sa basang sahig. Naawa ako pagkakita ko. Nanginginig siya. Nanuod lang kami ng tv maghapon. Pahinga talaga. Nagluto rin ako ng pasta para sa aming meryenda. Gabi. Nagpagupit ako. Sa Monday na kasi ang graduation.

Thursday, February 1, 2018

Ang Aking Journal - Pebrero, 2018

Pebrero 1, 2018 Hindi ako masyadong nagsalita sa mga klase ko kanina kasi video viewing ang technique ko. Effective naman sa iba, pero sa iba, hindi. Kahit ano pa kasi ang style ko, wala silang pakialam. Hindi mahalaga sa kanila ang learning. U, na nakakainis lang. Kailangan ko pa ring magsermon. After class, may LAC session kaming AM teachers with the principal. Past 3 na kami natapos. Past five na ako nakauwi. Nagkape lang ako, saka ako nagdilig at naglinis sa labas kung saan natutulog si Angelo. Ang kulit at ang harot niya. Hyper. Nakakatuwa rin kahit paano kasi alam kong mapapalaki namin siya at magiging bantay ng aming tahanan. Pebrero 2, 2018 Hindi ako lumipat sa.ibang klase. Para kasing ayaw rin nilang lumipat sa advisory class ko. Okay lang naman. Nasolo ko ang oras sa kanila. Marami silang natutuhan sa akin. Naaliw rin ako sa mga outputs at performances nila. After class, ginawa ko na ang action research ni Papang. Kaya lang, inantok ako bandang alas-dos. Past three na ako bumaba kina Ms. Kris para maghintay kina Papang. Magbi-birthday treat siya. Sa Shakeys- Harrison Plaza niya kami dinala. Buo na naman ang 1000 plus 1. Past 9 na ako nakauwi. Sobrang traffic at nasiraan pa ang bus na sinakyan ko. Kulang na naman ako sa tulog. Pebrero 3, 2018 Kahit kulang sa tulog, sinikap kong makapasok nang maaga sa unang period ko sa masteral. Hindi ako na-late. Nakapag-almusal pa nga ako. Nag-stay ako sa school (GES) after class. Nag-research ako tungkol sa 'Motivation.' Ako ang mag-rereport next Saturday. Sinimulan ko na ang powerpoint presentation. Sa school, kinausap ko si Ma'am Laarni tungkol sa Tambuli. Kinumpirma ko kung aabot ba ang printing bago ang graduation. Aniya, aabot daw. Dapat lang! Ayaw kong masayang ang efforts namin. Past 3, umalis na ako sa GES para i-claim sa Palawan ang padala ni Epr as kabayaran sa nahiram niya. Before 4, nasa CUP na ako. More than an hour akong naghintay para sa last period. Five na nagsimula. After an hour, uwian na. Masakit ang ulo ko nang nasa biyahe ako hanggang sa makauwi ako. Wala tuloy ako sa mood para sa family bonding. Nagpahinga ako agad. Pebrero 4, 2018 Maghapon akong active. Naglinis. Nagpaligo sa tuta. Naglaba. Nag-gardening. Naghanda ng IMs. Nag-grocery. Pero, kahit paano, nakaidlip ako bago umalis. Hindi na nga ako nakipag-meeting sa SULAT Pilipinas admins at hindi na rin ako dumalo sa HOA's assembly. Okay lang naman. Mas gusto kong mag-stay at gumawa sa bahay kaysa maglakwatsa. Pebrero 5, 2018 Walang palitan ng klase kasi absent si Ma'am Milo. Prorated naman ang mga estudyante niya. Nasa akin ang apat. Gayunpaman, nagbigay ako ng summative test sa AP at nagturo ako sa Filipino at ESP. Na-enjoy naman nila ang bawat activity. Kinausap ako ni Ma'am Laarni. Aniya, dapat daw ay sumali kami sa school paper contest sa NCR. Next year daw, hindi na niya ako bibigyan ng anumang trabaho maliban sa SPA. Maaga pa lang daw ay magsimula na akong mag-develop ng journalists. After class, nag-picture-taking kaming faculty members. Agad naman akong umuwi pagkatapos. Antok na antok kasi ako. Nakaidlip naman ako kahit paano pagdating ko. Saka lang ako naghanda ng instructional materials, paggising ko. Kahapon pa ako walang internet connection. Nakakainis! Ubos na agad ang P1000 load. Hindi pa umabot ng dalawang linggo. Kailangan ko ng unlimited. Pebrero 6, 2018 Sa Filipino 6, binigyan ko ng isang masayang karanasan ang VI-Topaz nang talakayin ko ang kaibahan ng 'Opinyon at Katotohanan.' Sa una, pagpa-game ako. Sa ikalawa, nagpasulat ako ng tiglilimang katotohanang napag-aralan nila sa Araling Panlipunan 6, gayundin ng opinyon. Ikatlo, nagasulat ako sa papel ng tigsasampung katotohanan tungkol sa kanilang sarili. Halimbawa, "Pinapapak ko ang Magic Sarap." Pagkatapos, pinahulaan ko sa kanila kung sino iyon. Tawa kami nang tawa. Pero, mas na-enjoy namin ang last part. Nagpasulat uli ako ng tig-iisang katotohanan sa kanilang sarili. This time, mas revealing at interesting ang isusulat. Sumali ako. Pina-raffle ko at pinahulaan ulit isa-isa. Inabangan talaga nila ang bawat bubunuting katotohanan. Umuwi agad ako pagkatapos ng klase. Alas-3 nasa bahay na ako. Umidlip ako't nagpahinga bago nagdilig ng halaman at gumawa ng instructional materials. Ang karera ko ay paulit-ulit, pero hindi nakakasawa. Hangga't may batang natututo at nasisiyahan, magtuturo pa rin ako. Pebrero 7, 2018 Si Sir Vic lang ang pumasok sa klase ko, maliban sa akin. Mabilis lang naman kaya hindi halos nabawasan ang time ko. Sa Filipino time namin, nagturo ako ng "Paggamit ng Pang-angkop." Binasahan ko sila ng kuwento. Binasa ko ang unang dalawang kabanata ng "Idolo." Napaiyak ko ang halos buong klase. Grabe ang ngungoy nina Xian at Janna. Kahit umiiyak halos kami, tawa kami nang tawa dahil sa kanilang pag-iyak. Hindi talaga ako binibigo ng kuwentong iyon. Tuwing binabasa ko, lagi akong umiiyak. Gusto pa nga nilang ituloy ko ang pagbabasa. Kaya lang, may group activity pa kami. Past two na kami ni Ms. Kris nakalabas sa school. Nakipagkuwentuhan pa kami sa Grade 1 teachers. Paat 4 na ako nakauwi. Agad naman akong gumawa ng IMs. Nakapagbasa at nakapag-judge na rin ako ng 12 entries sa writing contest ng ITW. Pebrero 8, 2018 Nagturo si Ma'am Jade ng Filipino 6 sa klase ko, gayundin si Sir Vic. Kaya, halos kaunting oras lang akong napagod sa kanila. Actually, masaya ako kanina kasi napansin kong panay ang patawa ko sa kanila. Panay ang hugot ko kagaya kahapon. Bago mag-uwian ang mga bata, nag-meeting kami tungkol sa graduation. Gumawa kami ng plano at budget proposal na ihaharap namin sa principal. Past 1:30, humarap na kami sa kanya. Past 3 na kami natapos. Hindi naman ako agad na umuwi dahil tinapos ko pa ang PowerPoint presentation ng report ko sa masteral class sa Sabado. Past 5:30 na ako nakabiyahe pauwi. Pagdating ko, natuwa ako sa bago naming kitchen cabinet. Worth it naman ang binayad ko. Pebrero 9, 2018 Sinimulan ko ang araw ko nang masayang mood. Naging kenkoy ako sa buong klase ko kahit nag-iiyakan ang mga estudyante ko, gawa ng makakaiyak nilang graduation songs. Para akong si Mr. Bean. Gusto-gustong nila iyon. Alam ko, babauin nila iyon sa kanilang journey. Nag-enjoy rin ang mga estudyanteng naki-sit in. Gayunpaman, nagturo ako sa AP at Filipino. May groupworks pa rin sila. Pinaka-enjoy lang sila sa mga antics ko. Grabe! I can't believe na magagawa kong maging komikero. Pinaka-funny acts ko so far. Ginagawa ko naman iyon dati, pero iba ang kanina. Para akong timang. Pero, hindi corny at OA. After class, nakipaghuntahan muna ako kay Ms. Kris at sa dalawa sa makakasama ko sa pagpunta sa burol ng biyenan ng kasamahan namin. Past three na kami nakarating doon. Five na kami umalis. Nagkuwentuhan pa kasi kami. Past 7, nasa bahay na ako. Tired, pero masaya. Feeling accomplished ako ngayong araw. Pebrero 10, 2018 Hindi ako naka-report kasi may seminar sa school. Hindi naman ako um-attend. Sa halip, pumunta ako sa GES at tumambay ako sa classroom ni Ms. Kris, habang may issuance of report card. Matagal din kaming nagkuwentuhan about marriage life namin. Past 12, kaming 1000 group ay nag-lunch sa KFC- Harrison Square. Nagtagal din kami roon. Past 2 na kami natapos sa kuwentuhan at tawanan. Nauna si Ms. Kris sa pag-uwi. Kaming apat (Kasama si Makki) ay pumunta sa HP. Binilhan ni Papang ang anak niya ng rubber shoes. Bago mag-3, papunta na ako sa CUP. Naghintay lang ako ng halos isang oras, in-announce na wala na kaming pasok. Pagod daw ang prof namin. Tuwang-tuwa ako dahil makakauwi ako nang maaga. Pebrero 11, 2018 Maaga akong bumangon dahil marami akong gagawin. Alam ko rin na aalis si Emily, for LET review, at si Nanay, para dumalo sa birthday sa Bacoor. Naglinis agad ako sa kulungan ng tuta bago nag-almusal. Sinunod ko na ang paglilinis sa kuwarto, kusina, at sala. Nakapag-gardening pa ako, bago ako nag-print ng mga DLLs para bukas. Bago nakaalis si Nanay, umalis muna ako para bumili ng dog food at dog soap. Nang kami na lang ni Zillion, saka na lang ako nakapagpahinga. Hindi nga lang ako nakaidlip nang matagal dahil sa kaluskos at sound ng TV. Hindi rin siya nakatulog dahil nagbasa raw aiya at nag-drawing. Pero, ang pinakamabuti kong nagawa ay nang napabasa ko siya ng children's book na English. Pagkatapos, binasahan ko siya, with translation. Storytelling kumbaga at may question and answer pa. Nasagot naman niya lahat kahit in Filipino. Past six na dumating sina Emily at Nanay galing sa party. Andami nilang dalang food. Pebrero 12, 2018 Napuyat ako kagabi dahil sa hika ni Zillion. Panay ang nebulize sa kanya ng ina, kaya halos gising pa kami kahit hatinggabi na. Apektado tuloy ang mood ko sa harap ng klase. Umuwi rin ako agad pagkatapos ng klase. Akala ko kasi nakapagsimula na ang karpintero sa paggawa ng lalabo at hagdan namin. Pinostponed pala ni Emily dahil nagsusuka ang anak namin. Okay lang naman. Mas mahalaga ang health. Kahit paano, nakaidlip ako pagdating ko. Past 5 na ako bumangon para magmeryenda. Pebrero 13, 2018 Halos wala nang pormal ang klase. Excited na ang mga bata sa graduation. Busy naman ang mga guro sa Valentines' Day celebration. In fact, ginawan ko ng script ang dalawang pupils ko para sa kanilang pag-e-emcee bukas. Nagpakanta rin akong mga graduation songs at nagpadula-dulaan. Hindi naman ako nakapili ng magpre-present. Kulang pa sila sa emosyon. After class, nakigulo ako sa Grade 1 teachers bago ako umuwi. As support ko iyon sa kanila. Past 4, nasa bahay na ako. Natuwa ako dahil may natapos na ang karpintero. Worth it ang pera ko. Pebrero 14, 2018 Nagdiwang ng Valentine's Day ang GES ngayon. Tinawag nila itong Love Fest. Hindi man ako nanalong sa Mr. Valentine, kahit runner-up, masaya naman ako dahil sa maraming rason. After ng klase, nag-TQC kaming Grade 6 teachers, kasama ang aming MT. Past 3 na kami natapos. Past 5, nakauwi na ako. Halos tapos na ang lababo. Nasimulan na rin ang hagdanan. Ilang araw na lang, makikita ko na ang resulta ng aking pinagkagastusan. Pebrero 15, 2018 Nagpa-groupwork ako nang nagpa-groupwork sa advisory class ko. Natuto sila sa sarili nilang kakayahan at pagsisikap. Effective. After class, nagkaroon ng meeting ang mga parents at teachers ng graduating class. Pinag-usapan na ang graduation. Nag-classroom meeting din pagkatapos para sa bigayan ng card. Mabilis ko lang inihayag ang mga agenda. Past 5, na-meet ko si Reagan. Ang kaklase dati ng kapatid ko sa Polot, na pumupunta sa bahay tuwing lunch para doon kumain ng kanyang baon. Barkada niya rin si Epr. Binigyan niya ako ng tuta. Babaeng tuta. Tinaggap ko na kahit babae at posibleng dumami dahil kulay puti ang mabalahibong katawan at may itim sa magkabilang pisngi. Ang cute niya. Mas cute siya kay Angelo. Past 7 na ako nakauwi sa bahay. Pebrero 16, 2018 Chinese New Year ngayon, kaya non-working holiday. Kaya lang, hindi naman talaga rest day. Mas marami pa nga ang trabaho sa bahay. Okay lang naman. Napaliguan ko ang dalawang tuta. Mabuti na lang dahil natanggalan ko sila ng mga pulgas, ba siyang dahilan ng kanilang pangangati at pagsusugat. Nakapaglaba rin ako at walang katapusang paglinis. May time rin ako para umidlip, kaya lang mainit. Hindi ako nakahimbing. Dumating pa sina Marekoy para kausapin ang karpintero. Almost done na ang hagdan namin. Bukas, pipinturahan na lang niya. Pebrero 17, 2018 Sa wakas, nakapag-report na ako sa 'Psycho-Social Foundation of Education." it's about motivation. Motivated silang mag-participate dahil may reward ako. Sa bawat sasagot, binibigyan ko ng kapirasong papel. Then, ini-raffle ko after discussion. Binigyan ko ng anthology book na 'Ang Buhay ay Isang Tula.' Na-appreciate nila ang book at report ko. After class, tumambay ako nang napakatagal para sa second period. Past 8:30 na ako nakauwi. Pebrero 18, 2018 Bumangon ako nang maaga para maglinis, maglaba, magdilig, at magpaligo ng mga tuta. Isang nakaka-energize na umaga ang nangyari. Para akong walang kapaguran. Sulit ang Sunday. Umidlip ako after lunch pero bumangon din agad at nagpatuloy sa paglilinis at paglaba. Gabi na ako nakapag-print ng DLLs. Okay lang naman dahil masaya kong ginampanan ang mga tungkulin ko since nasa review si Wifey. Pebrero 19, 2018 Halos wala nang pormal ang klase, pero sige pa rin ang pagpupunyagi naming matuto ang mga estudyante. Nagpa-groupwork pa rin ako at nakipagpalitan ng klase. Umuwi naman agad ako after ng klase dahil gusto kong paliguan ang tuta. Kaya lang, nang napaliguan ko, saka naman naglayas. Hindi na ito bumalik. Mabuti na lang, nahanap ni Emily ang babaeng tuta. Ipinasok na lang namin siya sa loob ng bahay para hindi na lumayas. Hindi ko na rin siya ipamimigay. Naistorbo ang tulog ko nang dumating ang mukhang perang service driver ni Zillion. Hininto lang namin ang serbisyo niya, kung ano-ano pa ang sinabi. Kesyo may utang na loob kami sa kanya at hindi siya maka-vale sa amin. Sinungaling na matanda! Samantalang kami nga ang dapat magalit sa kanya dahil nagpapabayad pa siya tuwing magpapahatid o magpapasundo si Ion kapag Sabado para sa school activities. Hindi raw niya trabaho. E, kabayaran naman iyon sa mga araw na absent ang bata. Ang gago pa, naningil pa ng P500. Binigyan ko na lang para matigil na. Sana may customer pa siyang makuha. Hay, ang tao nga naman! Nag-iiba ang ugali pagdating sa pera. Pebrero 20, 2018 Busy kanina masyado. May seminar ang ilang Grade 6 pupils with Manila Tytana Colleges, kaya nabawasan ang estudyante ko sa classroom. Idagdag pa ang pagdating ng Bethany Baptist Church at mangilan-ngilang magulang para magbayad. Gayunpaman, nakapagturo ako't nakapagpa-activity sa klase ko. Naisingit ko rin ang pag-fill up ng application forms ng mga bata sa isang high school at ang paghanda ng nomination form ng "Ang Batang Matibay Awards 2018" para kay Chealsey. Hapon, nagkaroon ng LAC session ang GED faculty with our district supervisor. Past 3 na kami natapos. Past 6 na ako nakauwi. Natuwa ako sa finish product ng karpintero. Wortg it ang P7500. Bumalik na rin ang tuta naming si Angelo. Kaya lang, parang tumanda siya dahil patuloy pa rin siyang nangangamot. Halos lagas na ang balahibo niya. Nakakaawa siya, pero malaki ang tiwala kong mapapagaling ko siya. Bukas, ibibigay ko na kay Mrs. Ecija si Angela --ang dating Lazada. Pebrero 21, 2018 Naging maingay at magulo ang klase ko dahil kay Angela. Aliw na aliw sila sa makulit na tuta habang hinihintay ang mag-aampon sa kanya. Nang dumating para kunin na, may umiyak pa. Grabe! OA pero kahit ako ay nalungkot. Kahit paano, napamahal na sa akin ang pet na iyon. Gayunpaman, kampante akong magiging mabuti ang kalagayan niya sa bago niyang tahanan. Nagpatulong ako kay Ma'am Jade para i-conduct ang post test ng Phil-IRI habang may ginagawa ang mga bata. After class, umuwi agad ako. Pagdating, umidlip agad ako. Nagising ako sa pagdating ni Marekoy. Pasado alas-kuwatro na iyon. Pebrero 22, 2018 Hindi natuloy ang 3D film showing, kaya nagpa-groupwork na lang ako. Kahit paano, na-occupy ang mga bata. After class, nag-stay ako sa classroom para hintayin sina Papang at Mj. Pagkatapos ng klase nila, saka kami pumunta kay Ms. Kris. Hindi siya nakapasok noong Lunes pa dahil nagka-Bell's Palsy siya. Gayunpaman, masaya pa rin ang aming bonding. Past 7 na kami nakaalis sa kanila. Past 8:00 naman ako nakauwi. Pebrero 23, 2018 Sa kasamaang-palad, isang aksidente ang kinasangkutan ko, papasok pa lamang ako. Nabangga ng helmet ang kaliwang tuhod ko. Buwiset kasing motorista iyon, nasa manibela ang kanyang helmet, na sa halip ay nasa ulo niya. Nabangga niya tuloy ako. Samantalang nakaupo lang ako sa likod ng drayber. Tapos, imbes na tanungin ako kung okay ako, siya pa ang may ganang magtapang-tapangan. Inireklamo niya ang driver ng traysikel na sinakyan ko. Sabi ko nga, "Sige na. Ihatid niyo na ako sa kanto." Anong sige, anito. Sabi ko naman, "Ako na nga ang nasaktan..." Iniwan ko sila--- mga walang balak panagutan ang ginawa nila sa akin. Kung hindi lang mahalagang makapasok ako, pareho ko silang irereklamo. Pareho silang mali. Ininda ko ang sakit habang nasa biyahe ako. Pagdating naman sa school, inaplyan ko ng cold compress pagkatapos kong mag-chat kay Papang. Kahit paano, naibsan ang sakit at pamamaga nito. Naging busy ang mga estudyante ko. Nag-radio broadcasting. Nag-GAD ang mga babae. At, nanuod ng 3D movie. Natapos ang buong araw. Umuwi rin agad ako para palagyan ng Emily ng mayana ang maga kong tuhod. Then, umidlip ako hanggang 5 pm. Ang sarap daw ng tulog ko. Pebrero 24, 2018 Sa first period ng masteral class ko, nanuod kami ng "Every Child is Special." Grabe ang iyak namin. Nakaka-inspire! Napanuod ko na iyon, pero ang ganda pa rin. Before 12, binisita ko sa JRES ang mga scouts ng Gotamco. Sumali sila sa 11 th Councilwide Jamboree. Nag-stay ako roon hanggang 2:30. Sobrang sakit ng ulo ko. Hanggang sa makauwi ako, ramdam ko pa rin. Nag-shake ako ng Indian mango, kaya kahit paano ay naibsan ang sakit. Pebrero 25, 2018 Maaga akong bumangon para maaga akong makagawa ng mga gawaing-bahay. Pagkaalis lang ni Emily papunta sa kanyang review, nagsimula na akong maglinis sa sala at kusina. Isinunod ko naman ang garden. At, habang nakababad ang mga damit, nagpintura naman ako ng kuwarto ko. Hindi nga lang natapos ang isang side dahil tira lang iyon sa ginamit sa hagdan at TV rack. Napaliguan ko na rin si Angelo at nakapag-print ng mga DLLs. Pagkatapos kung umidlip, bandang alas-dos y medya, nag-grocery naman ako. Nagkasunuran lang kami ni Emily ng dating. Worth it ang maghapon ko. Gabi, naikuwento ko kay Emily na ihahatid ni Taiwan si Mama dahil mauubos ng road widening ang bahay niya. Medyo namoblema siya, pero later natanggap na niya dahil uuwi na rin sa March 12 si Nanay. Kailangan ng kasama ni Zillion. Pebrero 26, 2018 Na-late ako ng pasok sa school. Hindi kasi ako kaagad nakasakay ng bus. Okay lang naman dahil hindi tumakas ang mga estudyante ko. Naghintay sila sa akin habang naka-Indian sit. Binabantayan sila ni Ma'am Jade. Nakapagturo ako ng dalawang subjects sa advisory class ko kahit hindi nagpalitan ng klase. Nakapagplano rin kami nina Ma'am Jade at Sir Rence para sa kanilang demo teaching sa Huwebes. After class, kinausap ko ang mga parents ng na-involved sa hubaran act last Friday. Tatlong estudyante ang nagtulong-tulong para hubaran ang kaklase nilang lalaki. Isa namang kaklase ang kumuha ng picture at nag-post sa GC, kaya nakita ko. Kasalukuyan akong kumukuha ng larawan sa Gender and Development seminar ng mga babae nilang kaklase tungkol sa sexual harassment. Napaka-ironic! Pebrero 27, 2018 Naging abala ako sa paglilinis sa aking classroom habang nagtuturo ang aking intern. Medyo naayos ko naman nang kaunti. Naibalik ko sa steel drawer ang mga kapapelan. Then, natanggal ko ang mga alikabok sa shelves. At, naiayos ko ang table at desktop ko. Nagpalinis din ako sa mga estudyanta after class. Nag-mop sila ng sahig. Past 1:30, nagkaroon ng meeting kaming Grade 6 teachers at parents-officers ng graduating class. Pagkatapos, nag-apply kami ng provident loan sa DO nina Marekoy at Sir Joel. Inabutan kami ng alas-5 doon. Mabuti naipasa namin. Nakuha ko na rin ang appointment paper ko as Teacher 3. Past 7, nakauwi na ako. Nainis ako sa aking mag-ina. Ang wife ko, hindi chinarge ang solar panel. Sayang ang araw. Ang son ko, may sakit na naman. Hindi nakapasok. Nasasayang lang ang binabayad ko sa service. Lagi na lang absent. Ayaw pa namang gamutin ng ina, gamit ang oregano at honey. Gusto niyang laging gamitin ang nebulizer. Nakakainis talaga! Pebrero 28, 2018 Nagkaroon kami ng election of graduating class officers pagkatapos ng flag ceremony. Hindi rin naman ako nakapagturo dahil nagturo ang dalawang practice teachers sa advisory class ko. Alam kong ready na sila. Tinulungan ko pa nga silang mag-ayos at maglinis ng classroom. Hindi ako agad na umuwi dahil nag-edit ako ng Tambuli. Ipapa-print na ni Ma'am. May nakita pa siyang errors. Mabuti na lang.

Wednesday, January 24, 2018

Ang Alamat ng Parang 3: Si Linda Linta


Kabanata 3: Si Linda Linta
Natagpuan ni Linda Linta sa lubluban ni Calla Kalabaw ang kaniyang dalawang kapatid.
"Mga kapatid, bakit malungkot kayo?" tanong ni Linda Linta sa dalawang nakababatang kapatid.
"Ate, gutom na kami," sabi ng babaeng linta.
"Oo, Ate, sabi nina Nanay at Tatay, patay na raw si Calla Kalabaw. Paano na tayo ngayon?" tanong naman ng isa.
"Nasaan ba sila?" tanong ni Linda Linta.
"Umalis sila. May mga tao raw pong naghahanap sa atin." Hindi naitago ng pangalawang linta ang kaniyang takot. Pinilit niyang paliitin ang sarili.
"Ha? Bakit daw?" Kalmado pa rin si Linda Linta.
"Tayo raw kasi ang gamot sa mga karamdaman nila. Ipasisipsip daw nila ang maruming dugo nila para mawala ang kanilang sakit," paliwanag ng bunsong lalaki. "Kaya, nandoon sila. Baka sakali raw na maibsan ang uhaw nila sa dugo." Nalulungkot pa rin siya.
Inakbayan ni Linda Linta ang mga kapatid. "Huwag kayong mag-alala. Makabubuti para sa kanila ang kanilang ginawa."
Naramdaman ng pangalawang kapatid ang pumipintog na tiyan ni Linda Linta. "Mabuti ka pa, Ate, busog na. Kami, uhaw at gutom na."
"Halikayo." Niyakag ni Linda Linta ang mga kapatid. Umahon sila sa lubluban. "Kailangang makita tayo ng mga tao. Balita ko, masarap din daw ang dugo nila. Gusto niyo rin bang matikman?"
Namilog ang mga mata ng bunso. "Ako, Ate, gusto ko! Paano?"
Natawa si Linda Linta. Napilitan rin siyang ngumiti. "Ganito..." Isa-isang binulungan ni Linda Linta ang kanyang mga kapatid.
"Sige, Ate, salamat sa payo mo!" masayang wika ng bunso.
"Ikaw, Ate, saan ka?" tanong naman ng pangalawa.
"Babalik ako sa lubluban. Magpapahinga muna. Mabigat na ang tiyan ko. Hindi ko na kayo masasamahan," paliwanag ni Linda Linta habang hinihimas-himas ang tiyan.
"Okay lang, Ate. Kapag busog na kami, babalik kami rito," sabi ng pangalawa.
"Hala, sige. Alis na kayo. Enjoy kayo sa pagsipsip! Kita-kits!" masayang paalam ni Linda Linta.
Sa sobrang kabusugan ni Linda Linta, hindi na niya nakayanan ang antok. Isang mahimbing na pagtulog ang nangyari. Hindi na nga niya namalayang may dumaang tatlong tao. Ang isa ay may hawak na garapon. Ang isa, patpat ang hawak. Magnifying glass naman ang dala-dala ng isa pa.
"Linda Linta, Linda Linta!" malakas na sigaw ng inang linta, habang kinakalampag ang garapong may malapot na tubig. "Ama, ang anak natin, hindi tayo marinig. Nanganganib din ang buhay niya."
Tahimik na pinagmasdan ng amang linta ang natutulog na anak. "Ligtas na siya, Ina," kalmadong sabi ng ama nang makalayo na ang mga tao sa lubluban.
Nagulat si Linda Linta sa tawanan ng mga tao, ngunit hindi niya iyon pinansin. Muli siyang natulog.
Mahaba-haba rin ang pagkahimbing ni Linda Linta bago niya naisipang umahon sa lubluban at hanapin ang pamilya. Palubog na noon ang araw.
Sa kaniyang dinaraanan, nakita niya ang bulong-bulungan ng mga insekto. Hindi niya na lamang iyon pinansin. Matagal na niyang alam na kinaiinggitan siya ng mga ito. Simula kasi nang mapalapit siya kay Calla Kalabaw, kung ano-ano na inisip nila sa kaniya. Pero, sa lahat ng mga narinig niyang puna, pasaring, at payo, ang kay Jack Tagak ang nagustuhan niya.
"Lumayo ka kay Calla Kalabaw. Huwag mo siyang gamitin para mabuhay ka. Maraming paraan para malamnan mo ang iyong sikmura. Hindi mo ba nakikita at nararamdaman ang mga mapanuring mata ng mga kahayupan at mga kainsektuhan dito sa parang?" litanya ni Jack Tagak noong minsang nagkita sila.
"Hindi ko alam na naiinggit sila sa akin," nakataas ang kilay na sagot ni Linda Linta.
"Hindi ka nila kinaiinggitan. Kinaiinisan ka nila't kinakaawaan."
Kumurbang muli ang mga kilay ni Linda Linta.
"Iyan ang dapat mong alamin. Pakiramdaman mo sila. Makisama ka sa lahat, hindi lang sa iisa. Kapag kay Calla Kalabaw ka lang kumakapit, wala nang ibang magtatanggol sa 'yo kapag nawala siya."
Hindi man niya pinahalagahan ang sinabi ng tagak, subalit naging malaki ang kurot niyon sa puso niya.
Nagpatuloy sa paggapang si Linda Linta. Medyo mabilis na siya dahil nabawasan na ang enerhiya niya sa layo ng kaniyang narating.
Halos lumiit na ang tiyan ni Linda Linta nang matanaw niya mga batang tila may hinanap.
Bago pa nakita at narinig ni Linda Linta ang sigaw ng kaniyang kapatid, na nakatusok sa pinatulis na patpat, gumapang siya sa posibleng dadaanan ng dalawang batang lalaki. Nais niyang makapunta sa taong may sakit upang makatikim siya ng dugo ng tao.
"Carlo, ang laking linta, o!" bulalas ng maitim na bata.
Agad na natuwa si Linda Linta. Uminat-inat pa siya para lalong matuwa ang mga bata.
"Oo nga! Sige na, hulihin mo na," utos ng batang mataba.
Pumikit pa si Linda Linta upang namnamin ang unti-unti niyang pag-angat mula sa lupa. Alam niyang napakasarap sa pakiramdam ang nakaangat at tinitingala.
"Huwag!" magkapanabayang sigaw ng mga kapatid ni LindaLinta.
"Ate, Ate, lumayo ka na!" sigaw pa ng bunso.
Pagdilat ni Linda Linta, naramdaman niyang parang mahahati ang katawan niya. "Mga kapatid ko, ano'ng nangyari?" tanong niya. Halos magkakadikit na sila. Kagaya niya, tinusok din ang dalawa. Hindi makapagsalita ang magkapatid dahil puspos na sila ng luha.
Kumawag-kawag si Linda Linta, subalit walang nangyari. Pinilit niyang pakawalan ang dalawang kapatid, pero balewala.
"Ano ang mangyayari sa atin, Ate?" mangiyak-ngiyak na tanong ng bunso.
"Kasalanan mo ang lahat, Ate! Kung hindi mo sinabing makabubuti sa amin ang pagsipsip ng dugo ng tao, hindi sana kami mahuhuli!" bulyaw ng pangalawa.

"Patawad, mga kapatid... Hindi ko alam." Lumuha na si Linda Linta.
Tuwang-tuwang pinagmasdan ni Chrys Ahas ang mga kaibigan habang papalayo at habang namimilipit sa sakit ng pagkakatusok sa kanilang katawan. "Ako pa rin ang reyna ng parang!" hiyaw niya.
Halos lumawlaw ang mga dila ng magkakapatid sa pagpupumilit nilang makaalpas. Nang mapagod, niyakap na lang nila ang isa't isa.
Ilang minuto pa ang lumipas, nagtawanan ang mga bata habang pinakakawalan ang magkakapatid sa lupa.
"Gapang, mga kapatid!" utos ni Linda Linta.
Subalit bago sila nakalayo, ibinuhos sa kanila ang likidong mabango ngunit masakit naman sa mata. Kaya, lalo silang namilipit sa sakit. Sobrang hapdi.
Nagtawanan pa ang mga bata.
"Mga kapatid ko, lumaban kayo! Lumaban kayo!" ani LindaLinta. Subalit, nakita niyang sumuko na ang mga kapatid niya, habang unti-unting lumalabo ang kanyang panIngin.
Bago, tuluyang mangitim ang paligid, narinig niya ang isang bata. "Ang galing! Sumayaw pa ang pinakamalaking linta!"

mali

Huwag mong ipaglaban ang mali,
bagkus itama at linisan ang budhi.

Saturday, January 20, 2018

ID Holder

ID Holder

Estudyante: Miss, may ID holder po ba kayo?
Tindera: Meron. Ito, trenta. Ito naman, eighteen lang.
Estudyante: Ano po ang kaibahan nila?
Tindera: Double ang isa. Single ang isa. Ano?
Estudyante: Single na lang. Sanay naman akong mag-isa.
Tindera: ]:

Thursday, January 18, 2018

Ang Alamat ng Parang 1: Si Calla Kalabaw


Kabanata 1: Si Calla Kalabaw

Sa isang malawak na parang, tanging unga lamang ni Calla Kalabaw ang kinatatakutan. Sa tuwing umuunga at naglalakad siya, nagsisitago ang maliliit na hayop at mga insekto.
Isang araw, galing si Calla Kalabaw sa ilog, pagkatapos sumabsab ng damo. Gusto na niyang magpahinga. "Ungaaa!" mahabang sigaw niya habang binabagtas niya ang malilim na puno sa gitna ng parang.
Gaya ng dati, nagpulasan ang mga insekto, nagtakbuhan ang mga hayop, at nagliparan ang mga ibon.
Tawa siya nang tawa sa kaniyang nakikita. "Habang ako ang reyna ng parang, susundin at katatakutan ninyo ako," bulong niya bago nahiga sa ilalim ng puno.
Nang makatulog si Calla Kalabaw, nagbulong-bulungan ang mga insekto. Kinaiinisan nila ang pagiging palautos, tamad, at masamang ugali ni Calla Kalabaw.
"Jack Tagak, suplada si Calla Kalabaw, 'no? Hindi namamansin. Akala mo kung sino," nakangiwing sumbong ni Daniel Daga."
"Oo nga! Pero, sa akin, hindi siya makaastang ganiyan. Tutukain ko siya!" pagalit na biro ni Jack Tagak. Nagtawanan na lang ang mga hayop.
Samantala, matamang nakikinig sa kanila si Gela Langaw. Naisip niyang kaibiganin si Calla Kalabaw. Nais niyang maranasan maging kaibigan ang itinuturing na reyna ng parang. Patutunayan niyang nagkakamali sila sa akala kay Calla Kalabaw. Sa tingin niya, makakasundo niya ito.
Lumipad siya sa kinaroroonan ni Calla Kalabaw. Inikot-ikutan niya ito upang magising. Subalit, ni hindi niya ito natinag.
Mayamaya, natanaw ni Gela Langaw ang maliit na sugat sa likod ni Calla Kalabaw. Dumapo siya roon at agad na kinagat upang mapansin siya nito.
"Aray!" sigaw si Gela Langaw. Nahampas kasi siya ng buntot ni Calla Kalabaw.
Sa halip na matakot, inulit pa niya ang pagkagat sa sugat, pero naging mas maingat siya. Isang hampas uli ang ginawa ni Calla Kalabaw, ngunit agad na nakaiwas si Gela Langaw.
Sa ikatlong beses, dumilat na si Calla Kalabaw. Nakita agad niya si Gela Langaw, na nasa sa may ilong niya.
"Magandang tanghali, Calla Kalabaw!" masayang bati ni Gela Langaw.
"Umalis ka sa ilong ko! Nakikiliti ako," galit na umiling-iling si Calla Kalabaw upang umalis si Gela Langaw sa kaniyang ilong.
Lumipat si Gela Langaw sa sungay ni Calla Kalabaw. "Alam mo ba, Calla Kalabaw? Sabi nila, masungit ka raw. Masama raw ang ugali mo. Hindi ako naniniwala sa kanila."
"Kaya ka ba nangungulit?" Tumayo na si Calla Kalabaw.
"Oo. Naniniwala akong mabuti kang kaibigan." Lumipad si Gela Langaw. Dumaan siya sa mga mata ni Calla Kalabaw bago dumapo sa likod nito. Hindi siya makapaniwalang nakatuntong na siya roon nang hindi natatakot na mahampas ng buntot. Para siyang nasa langit.
"Hindi ka ba natatakot sa akin, gaya ng iba?" Tiningnan ni Calla Kalabaw si Gela Langaw, bago niya binugaw ng kaniyang buntot.
Bahagyang nagulat si Gela Langaw sa ginawa ni Calla Kalabaw. "H-hindi! Hindi ako natatakot sa 'yo kasi wala namang akong ginagawang masama sa 'yo. Ang totoo nga n'yan... " Lumipat siya sa sungay. "...kaya kong gawin anuman ang iyong ipagawa. Basta hayaan mo lang akong nakaapak sa likod mo."
"Talaga? Gagawin mo ang lahat para sa akin?"
"Oo! Sasabihin ko pa sa 'yo ang mga tsismis na ibinabato sa 'yo ng mga hayop at insekto."
Tumango-tango si Calla Kalabaw habang nag-iisip at nakatingin sa malayo.
Ilang sandali ang lumipas, nagsalita na si Calla Kalabaw. "Sige, sabihin mo sa akin kung sino-sino ang kumakalaban sa akin."
Kagyat na lumipad si Gela Langaw patungo sa tainga ni Calla Kalabaw. Binulungan niya ito.
Nang matapos si Gela Langaw sa pagbulong, animo'y nagbuga ng usok ang ilong ni Calla Kalabaw. "Sige, mamaya lang, pupuntahan ko sila isa-isa sa kanilang lungga."
Tuwang-tuwang dumapo si Gela Langaw sa likod ni Calla Kalabaw. "Natupad ko na ang pangarap ko. I'm on the top the world! Yahooo!" tahimik niyang pagbubunyi. "Tama ako! Uto-uto si Kalabaw. Kailangang makita ako ng mga kasamahan ko. Darating ang panahon, titingalain na nila ako. Hindi na nila ako masasaktan." Tumawa pa siya habang lumilipad palayo.
Hinanap ni Gela Langaw ang kaniyang mga kasamahan upang ibalita ang kaniyang tagumpay. Gusto niyang ipakitang hindi na siya natatakot umapak sa likod ni Calla Kalabaw.
Pagbalik niya, kasama na niya ang kaniyang kapwa-langaw. Pero, hindi agad sila nakalapit dahil kausap ni Calla Kalabaw si Linda Linta. Pinaurong niya ang mga kasama at nagtago siya sa likod ng damo.
"Sa ibang lugar, hinuhuli kami ng mga tao upang manggamot. Kaya maniwala ka, kaya kong gamutin ang sugat mo," sabi ni Linda Linta. Gusto na niyang umakyat kay Calla Kalabaw.
"Teka!" Napaurong si Calla Kalabaw. "Naninipsip ka ng dugo? Paano ako maniniwala sa 'yo?"
"Subukan mo muna para malaman mo. Kapag hindi mo nagustuhan, hampasin mo ako ng buntot mo at apakan mo ako hanggang sa madurog ako."
Saglit na napaisip si Calla Kalabaw. Tiningnan niya rin si Linda Linta. "Sige, subukan ko." Humiga siya at hinayaang gumapang si Linda Linta.
Mayamaya pa, isang nakagiginhawang pakiramdam ang muling nagpaantok sa kanya.
Napangisi si Linta sa nakita niya.
"Hindi ba't tama ako?" sabi ni Linta, na agad na tumaba ang katawan.
"Oo! Ang sarap nga!" Halos mapapikit siya sa sarap at antok.
Kahit inis na inis si Gela Langaw sa kaniyang nakita, nakaisip siya ng ideya. Kaya, palihim niyang sinundan si Linda Linta.
Walang nakakita kay Gela Langaw nang makauwi si Linda Linta. Kitang-kita at dinig na dinig naman niya ang usapan ng magpapamilya.
Agad na nagdesisyong bumalik sa kinaroroonan ni Gela Langaw.
"Kailangang malaman ni Calla Kalabaw ang baho ni Linda Linta," bulong ni Gela Langaw habang siya ay mabilis na lumilipad.
Sa kaitaasan, tanaw niya rin sina Chayong Tipaklong at Amparo Paruparo na nakatulay sa bulaklak at damo.
Nahulaan agad niyang may pinag-uusapan ang dalawa, kaya bumalik siya at palihim siyang nagtago sa ilalim.
"Hmm, may isusumbong uli ako kay Calla Kalabaw. Matutuwa na siya akin," sabi ni Gela Langaw sa sarili habang palihim na lumayo sa dalawa.
"Calla Kalabaw, Calla Kalabaw!" maingay na tawag ni Gela Langaw sa sumasabsab na kalabaw.
"Bakit? May balita ka?"
"Opo!" Agad na tumuntong si Gela Langaw sa likod ni Calla Kalabaw. Nawala ang pagod niya dahil naroon siya sa tugatog ng tinitingalang hayop sa parang.
Napahinto si Calla Kalabaw sa pagngasab. Napangisi siya. "Ano ang ibabalita mo, Gela Langaw?"
"Sabi ni Chayong Tipaklong, inuubos mo raw ang damo sa parang. Wala na siyang makain. Ang siba mo raw," kuwento ni Gela Langaw.
Tumaas lang ang kilay ni Calla Kalabaw. "Ano pa?"
"Sabi naman ni Amparo Paruparo, wala ka raw silbi sa parang na ito. Puro ka kabig. Hindi ka naman ang nagpaparami ng puno at halaman," mabilis na sagot ni Gela Langaw.
Natawa lang si Calla Kalabaw. "Iyon lang?"
"Meron pa. Ito ang matindi." Lumipat si Gela Langaw sa may sungay ni Calla Kalabaw.
"Ano?" Napalunok si Calla Kalabaw. Ang totoo, nasasaktan na siya. Ayaw niya lang ipahalata kay Gela Langaw.
"Uto-uto ka raw. Hindi ka naman daw bagay maging reyna dahil naiisahan ka."
"A, ganoon ba? Okay!" Hindi niya pinaniwalaan ang tungkol kay Linda Linta. Inisip niyang naiinggit at nagseselos lang si Langaw.
Lumipat si Gela Langaw sa likod ni Calla Kalabaw, na sumabsab namang muli ng damo.
Natahimik silang pareho. Matagal.
"Utusan kita, Gela Langaw. Ihanap mo naman ako ng gamot sa sugat ko," ani Calla Kalabaw.
"Parang walang narinig na lumipad palayo si Gela Langaw. Masamang-masama ang loob niya.
Nalungkot naman si Calla Kalabaw nang hindi na marinig si Gela Langaw. "Tama sila. Tama sila," bulong niya. Pagkatapos, tiningnan niya ang kaniyang sugat. "Kailangang gumaling ito. Hindi nila dapat makitang nasusugatan ako at nasasaktan. Kailangan ko sina Linda Linta at Gela Langaw. Mag-away na sila, kung mag-away. Basta ako, makukuha ko ang gusto ko." Pagkatapos, isang malakas na unga ang pinakawalan niya. Inilibot niya ang paningin sa parang.
Walang ingay. Walang hayop o insektong natinag at natakot. Walang nagtago. Walang nagulat. Walang lumipad. Walang tumakbo.
Napahiga si Calla Kalabaw. Natatakot siya, na baka isang araw ay wala nang nagigimbal at rumespeto sa kaniya.
Tumulo ang mga luha niya.
Sa ‘di-kalayuan, tanaw ni Bella Palaka ang pagluha ni Calla Kalabaw. Para sa kaniya, isang kakaibang pangitain iyon.

Friday, January 12, 2018

Kay Sarap Maging Bata

Kay Sarap Maging Bata

Kay gandang pakinggan ng kanilang tawa!
Sa simpleng bagay sila ay mapapasaya,
Kahit barya sa kanila ay kay laking halaga,
Kahit ang mga kuting lang ang kalaro nila,
Kahit dungis at pawis, hindi alintana.
Kay sarap maging katulad nila!


Kay sarap nga talagang maging bata!
Inggit sa puso at galit sa mundo'y wala.
Hinagpis at bigat sa dibdib, wala rin sila,
Kulay at ganda ng mundo kanilang nakikita,
Pangarap nila'y katulad ng ibang bata---
matayog at punong-puno ng pag-asa.

Ang Alamat ng Parang 2: Si Gela Langaw


Kabanata 2: Si Gela Langaw
Isang araw, nagtataka si Calla Kalabaw kung bakit hindi siya dinalaw ng kaibigang langaw.
"Nakita mo ba siya, Linda Linta? tanong ni Calla Kalabaw sa kararating pa lamang na linta, na tila uhaw na uhaw sa dugo.
Hindi iyon narinig ng namumutlang linta. Agad siyang dumikit kay Calla Kalabaw at sumipsip sa may sugat niya.
Nang inulit ni Calla Kalabaw ang kaniyang tanong, saka lamang sumagot si Linda Linta.
"Hindi ko siya nakita. Wala akong pakialam sa kaniya," mataray na sagot ni Linda Linta. Medyo naibsan na ang kaniyang uhaw at namula na rin ang kaniyang balat.
"Kailangan ko pa naman siya ngayon," nanghihinayang niyang tugon, saka siya lumublob sa tubig.
Hindi niya alam na nakamasid sa malayo si Gela Langaw. Masama ang loob niya dahil nagseselos siya kay Linda Linta. Madalas kasi niyang makitang magkasama at nagtatawanan ang dalawa.
Ayaw niya kay Linda Linta dahil bukod sa matakaw ito at mataray, masyado pa siyang abusado. Lahat ng gusto niya, nakukuha niya at ibinibigay ni Calla Kalabaw.
"Simula nang dumating siya, hindi na ako ang paborito ni Calla Kalabaw. Siya at ang mga kaibigan na lang ni Linda Linta ang isinasama niya sa kaniyang lakad. Isama man nila ako, para naman nila akong nilalayuan," pabulong na pagmamaktol ni Gela Langaw.
"Gela Langaw, Gela Langaw!" maingay na tawag ni Jack Tagak nang makita siyang nakadapo sa likod ng damo. 
"Ano'ng ginagawa mo riyan?"
Napabalikwas si Calla Kalabaw nang marinig ang pangalan ni Gela Langaw kay Jack Tagak.
Napilitan namang sumama si Gela Langaw kay Jack Tagak palapit kay Calla Kalabaw.
"Gela Langaw, saan ka ba nagsususuot? Halika, may iuutos ako sa 'yo," yaya ni Calla Kalabaw sa nakasimangot na si Gela Langaw.
"May pupuntahan ako, Calla Kalabaw. Kay Linda Linta mo na lang iutos." Agad na lumipad palayo si Gela Langaw, pero nakita niyang tinaasan siya ng kilay ni Linda Linta.
"Naku, ikaw na nga lang, Linda Linta, ang utusan ko," baling ni Calla Kalabaw sa lintang busog na busog na sa kaniyang dugo.
Kaagad na kumalas si Linda Linta sa sugat ni Calla Kalabaw. "Hindi ako puwede ngayon. May lakad kami ng pamilya ko. Ayan si Jack Tagak ang utusan mo. Mataas naman ang lipad niya. Mabilis siyang makakarating saan mo man siya utusan." Muling kumurba ang mga kilay niya at humaba ang nguso, saka gumapang palayo sa kaniya.
Nagtinginan lang sina Calla Kalabaw at Jack Tagak.
Nalungkot si Calla Kalabaw sa inasal ng dalawa niyang kaibigan.’
"Jack Tagak, bakit sila ganoon?" tanong ni Calla Kalabaw.
Tumawa muna si Jack Tagak bago nagsalita. "Alam mo, Call Kalabaw, si Gela Langaw, kahit maingay at may kayabangan, siya ang tunay mong maaasahan, laging nariyan para sa 'yo. Kaya lang, napansin ko, simula nang makilala mo 'yang si Linda Linta, nagbago ang trato mo sa kaniya. Ginagamit ka lang naman niyan. Sipsip siya nang sipsip."
Napatingin si Calla Kalabaw sa kaniyang mga sugat na gawa ni Linda Linta at ng kaniyang mga kamag-anak. Napansin niyang lumalaki na ang mga iyon nang husto.
"Hayon, tingnan mo! Lumayo na sa 'yo!" turo ni Jack Tagak kay Linda Linta. "Bundat na. Nakuha na niya ang gusto niya sa 'yo. O, hayan, lumaki lalo ang sugat mo. Nabawasan pa ang dugo mo."
Nalungkot lalo si Calla Kalabaw.
"Paalam na, Calla Kalabaw. Ingat ka sa mga maninipsip. Hindi ka naman talaga nila natutulungan," sigaw pa ni Jack Tagak habang lumilipad palayo.
Nag-isip si Call Kalabaw nang makalayo na si Jack Tagak.
"Tama si Jack Tagak, manggagamit lang si Linda Linta. Inuubos niya lang ang dugo ko. Palaki siya nang palaki. Dati-rati, mas malaki lang siya kay Gela Langaw, pero ngayon, kaya na niyang kainin ang kaibigan," bulong niya sa sarili. Pagkatapos, umahon siya sa ilog at tumungo sa pampang. 
"Uunga!" tawag niya kay Gela Langaw.
Tatlong malalakas at mahahaba pang pag-unga ang ginawa ni Calla Kalabaw, pero walang langaw na dumating.
Lumipas ang maghapon.
Gumabi.
Unga nang unga si Calla Kalabaw, ngunit walang dumating na langaw. Kaya, mapagod siya.
Kinabukasan, nagkasakit si Calla Kalabaw. Hinang-hina siya. Noon niya lamang napagtanto ang halaga ni Gela Langaw. Hinahanap-hanap niya ang ingay at pagpapatawa nito.
Nagtagal pa ang sakit ni Calla Kalabaw. Ininda na rin niya ang kirot ng kaniyang mga sugat. Nawalan siya ng ganang kumain ng damo, kaya tuluyan na siyang bumagsak.
Ilang araw ang lumipas, naamoy ni Gela Langaw ang masangsang na amoy. Tuwang-tuwa niyang hinanap ang kinaroroonan niyon.
"Calla Kalabaw?" gulat na gulat na dumapo si Gela Langaw sa inuuod at nilalangaw na katawan ng dati niyang kaibigan. "Dala ko na sana ang gamot para sa mga sugat mo."
Nalungkot si Gela Langaw. Sinubukan niyang paalisin ang mga uod at langaw, ngunit hindi siya pinakinggan.
"Kain na tayo, Gela Langaw," yaya ni Barack Uwak, na kararating lang.
Inisip niya ang kaniyang sarili. Gutom na gutom na siya dahil sa ilang araw na paghahanap ng gamot. Kailangan niyang kumain, kaya agad siyang nakisalo.
Nang busog na si Gela Langaw, nagpahinga siya sa damo. Nakatulog siya.
Mayamaya, naramdaman naman niyang nasa loob na siya ng madilim at madulas na kuweba.

"Kokak!" natutuwang sigaw ng palaka.

Ang Aking Journal -- Hulyo 2026

Hulyo 1, 2026 Muntik na akong ma-late dahil sa bus na nasakyan ko. Panay ang hinto at pick-up niyon ng mga pasahero. Hindi ko na tuloy naa...