Followers

Monday, November 4, 2019

Ang Aking Journal -- Nobyembre 2019

Nobyembre 1, 2019 
 
Hindi muna ako nag-gardening ngayong araw dahil masama ang panahon. Umulan kagabi. Umulan din ngayon. Humarap na lang ako sa laptop at printer. Nagprint ako ng thesis ko, na dapat ko nang ipasa sa Lunes. Naubos nga lang ang bond paper kaya mahigit isang set lang ang naprint ko. Mahigit tatlong sets ang dapat kong maiprint.Nang matapos ako sa printing, ang aquarium naman ang hinarap ko. Gusto ko ring gumawa ng vlog para sa pagset up ng tank, ng kaso, wala pa akong isda. Isa pa, maliit lang ang tanke ko. Ang lalaki pa naman ng batong nais kong ipandekorasyon. Gayunpaman nagawa ko iyon bago ako umidlip. Excited na akong magkaroon ng pet fish. Gabi, nakagawa ako ng vlog, gamit ang akda ko. Audio lang at isang gif ang ginamit ko. 

 Nobyembre 2, 2019 Pagkatapos kong mag-gardening, naglaba naman ako. Tulong ko na ang iyon kay Emily kasi nagkakasakit siya kapag naglalaba, lalo na kapag sunod-sunod. Akin lang naman ang lalabhan ko. May ilan din silang damit, pero mas marami ang sa akin.Tapos na akong maglaba nang dumating ang mag-ina ko, galing sa grocery. Nakapagsaing na rin ako. Pagkatapos kong gumawa ng vlog, nag-print naman ako. Nagpabili na ako ng bond paper. Isang set uli ang natapos ko bago ko ipinahinga ang printer. Hapon na uli ako nagprint ng ikatlong set. Dalawa pa. Kayang-kaya na iyon bukas.Gabi, nag-layout naman ako ng NAT reviewer. Plano kong gawing booklet ang 100-item reviewer ko sa Filipino 6. Isinalin ko sa publisher. Lalagyan ko ng makapal na cover. Sumakit na ang mata ko, kaya huminto na muna ako. Nanuod ako, kasama ng mag-ina ko, ng 'Maalaala Mo Kaya.'Bago ako natulog, nagrekord ko ng boses ko, habang binabasa ang isa kong sanaysay tungkol sa epekto ng cellphone sa mga estudyante. Kung magagawa ko pang vlog iyon bukas, sisikapin ko. 

 Nobyembre 3, 2019 
 Hindi pa ako nag-aalmusal, agad ko nang sinimulan ang pagpiprint ng thesis ko. Mabilis ko lang namang natapos ng dalawang sets, kaya after breakfast, ang pag-finalize naman ng NAT reviewer ang hinarap ko. Maghapon kong ginawa iyon. Nakadalawang print ako ng draft bago ko na-perfect. Past seven na iyon, kasi nag-gardening pa ako bandang alas-singko ng hapon. Maaga pa kanina, nakapaghanda na rin ako ng DLL. Nasimulan ko rin ngayon ang paggawa ng vlog. Bukas, sisikapin kong matapos iyon bago matapos ang klase. Bukas, magpaasa ako ng 5 copies ng chapters 1-3 ng thesis ko. Then, legs workout. Next day na ako bibili ng isda para sa aquarium ko. Baka gahulin na ako sa oras, since bibili pa ako ng folder bukas para sa thesis. 


 Nobyembre 4, 2019 Kahit kulang ako sa tulog, pinilit ko pa ring pumasok nang maaga. Nagawa ko namang makarating sa school bago ako maipit sa traffic. Wala si Ma'am Madz kaya irregular ang palitan namin ng klase. Gayunpaman, napasukan kong lahat ang apat na sections. Ang isang section ay prorated. Sumakit ang sikmura ko kanina. Matagal akong nag-suffer. Siguro, pagkatapos kong bumili ng folder at clamp, saka lang nawala. Past 3:30, naipasa ko na sa CUP ang 5 copies ng chapters 1-3 ng thesis ko. Pinababalik ako sa Sabado para sa update. Past 4, nag-legs at biceps workout ako. After dinner, hinarap ko ang final editing ng reviewer. Nag-print na rin ako ng dalawang kopya. Grabe! Ilang beses ko nang inedit, marami pa ring errors. Anyways, okay lang naman. Napansin ko nang maaga bago pa nabasa ng iba. 

Nobyembre 13, 2019 
 Dahil hindi ako pumasok, nakatulog ako nang mahaba-haba. Past 7:30 na ako nagising. Ang sarap sa pakiramdam. Ngayong araw, feeling accomplished ako. Nagawa ko na ang powerpoint slides para sa oral defense ko sa Sabado. Naihanda ko na rin ang susuotin ko. Then, tinapos ko na ang zine at nagprint na ako. Nakagawa rin ako ng dalawang vlogs. Okay lang kahit hindi ako nakapag-gardening. Naihanda ko naman ng DLL para bukas. 

 Nobyembre 14, 2019 May ibinigay na field student/practice teacher sa akin, si Sir Ramel, bandang alas-7 ng umaga. Palipat na ako nang klase no'n. Then, dahil wala ang VI-Charity, may time akong mainterview at maorient siya. Binigyan ko siya ng clue tungkol sa mga reyalidad sa DepEd at sa school. Sana maging komportable siya sa klase ko. Nine, nagkaroon ng simultaneous earthquake drill. Pagkatapos niyon, naging busy na ako. Ginawa ko ang research proposal ni Papang, against my will or after naglabas ako ng sama ng loob at nakapagbitiw ako ng mga salita. Gayunpaman, ginawa ko pa rin iyon. Natapos ko bago kami bumiyahe ni Ma'am Joann patungo sa St. Matthew's Publishing para sa seminar. Nahuli kami ng 18 minutes dahil sa traffic. Nailigaw pa kami ng taxi driver. Mabuti na lang, kasisimula pa lang. Nainspired ako sa mga topic. Sa tingin ko, magagawa ko nang magsimulang bumuo ng ebook. Ang galing ng seminar na iyon. Advocacy and at the same time, capacity building. Past 5 na natapos ang seminar, kaya past 10 na ako nakauwi. Ayos lang. Fulfilled naman. 

Nobyembre 15, 2019 Dahil Biyernes, NAT review day kami. Naging masigla akong nagturo at nagreview sa Love. Alam kong natutuwa sila sa mga patawa ko, kahit pasingit-singit ang sermon. Pumasok din ako sa Charity. May nakahalong Faith doon kaya masigla rin ako. Pagkatapos ng recess, nagreview uli ako sa Love. Naenjoy nilang lalo ang mga sandali nang nag-Tiktok ako habang may ginagawa sia. Kasama sila sa video. After class, punta ako sa CUP para magbayad ng colloquim fee at magbigay ng P2000 para sa pagkain. Mabilis lang ako roon, kaya nakapag-workout ako bandang 2:30. Nakauwi ako pasado alas-singko. Umuwi talaga ako nang maaga dahil umalis si Emily. Darating si Zillion mula sa school. Isa pa, maghahanda pa ako para sa oral defense. 

 Nobyembre 16, 2019 Muntik na akong ma-late sa colloquim dahil sa Umboy pa lang, natrapik na ako. Mabagal pang magpatakbo ang bus driver at pick up nang pick up nang pasahero. Ang nakakainis pa, namali pa ako ng sakay sa dyip, kaya nagtaksi na lang ako. Gayunpaman, nakarating ako bago mag-alas-7:30. Naihanda ko pa ang sarili ko at ilang mga bagay. Nakakaba, pero sinikap kong kumalma. Natatakot akong humarap sa mga doktor ng edukasyon dahil hindi naman ako bihasa sa second language. Naipaliwanag ko naman nang maayos kahit nauutal ako. Nakakatuwa lang dahil positive ang study ko para sa chairman. Hangang-hanga siya sa tapang kong sabihin na may mali sa Phil-IRI. Nagustuhan din nila ang opening prayer ko. May mga babaguhin, idadagdag, at eenhance lang ako. Sumatotal, gumastos ako kanina ng mahigit walong libong piso. Umabot na ng sampung libong piso ang gastos ko, simula nang nag-thesis writing ako. Maliban pa ang pama-pamasahe at sa pagkain ko. Anyways, sulit naman dahil naconquer ko ang takot kong magdefense. Binati nila ako pagkatapos ng defense ko. Alam kong nagustuhan nila ang kabuuan niyon. Past 10:30, bumiyahe na ako patungong PITX. Pagkatapos akong kausapin ni Dr. Rivas, ang aking adviser. Sa PITX, umidlip ako, bago kumain at habang naghihintay ng reply ni Emily. Hindi ko nadala ang susi. Baka wala sila sa bahay, hindi ko maabutan. Ayaw ko namang maghintay sa labas. Nainis ko kasi malapit na ako sa bahay, saka lamang siya nag-reply. Alas-4 na ako nakauwi. Pagod na pagod na ako at antok na antok. Hindi ko nga siya pinansin nang dumating ako. Sabi ko, huwag niya akong kausapin. Hapon, nagchat ang kaklase ko sa masteral. Nag-defense din siya kanina, pero ayon sa kanya, negatibo ang feedback. Marami siyang aayusin. Sabi nga ng isang panel member, complete overhaul. Grabe! May nakakatanggap pa rin pala ng ganoong feedback. Pasalamat na lang ako, hindi ko naranasan iyon. Pinayuhan ko siya at pinalakas ang loob. Kailangang matapos din niya ng thesis. 

 Nobyembre 17, 2019 Tahimik ako maghapon. Maaga pa lang, aloof na ako. Gumawa at nagprint ako ng DLL, grading sheet, at bulletin board display. Then, tinulungan ko si Emily sa pagsasampay. Nang nasa labas na ako, naggardening na ako at nagpaligo sa aso. Gumawa ako ng apat na vlogs ngayong araw. Ang dalawa roon ay aralin sa Filipino subject. Ang isa ay prayer. Iyon ang sinulat at ginamit sa oral defense, na nagustuhan ng panel. At ang isa ay moss terrarium. First time kong gumawa niyon. Nakakatuwa! Siguradong maaadik ako sa terrarium. Nagbasa rin ako ng mga corrections sa thesis ko, pero hindi muna ako nag-edit. Siguro sa Friday na. 

 Nobyembre 18, 2019 Dahil kulang ako sa tulog, wala ako sa mood magpatawa sa klase ko. Kaya nga nang nagpasaway ng Charity, tumigil ako sa pagtuturo at binigyan ko agad sila ng activity. After class, gumawa ako ng moss terrarium sa silid ko. Nakakuha ako ng mga lumot sa likod ng office. Siyempre, ginawan ko iyon ng vlog. Pagkatapos, umidlip muna ako, habang naghihintay kong ma-upload ang video. Pag-alis ko, bandang quarter to four, hindi pa rin uploaded. Ipinagpatuloy ko na lang iyon sa PITX. Five o' clock na ako nakapag-bicep workout. Sa bahay, pagkatapos kumain, sinimulan ko ang bagong vlog. Adik na adik na ako. Gusto ko nang mag-Christmas break para mas marami akong magawa. 

 Nobyembre 19, 2019 Nagturo ako nang masigla sa mga estudyante. Napag-groupwork ko rin sila. Unfortunately, hindi ko naturuan ang ibang klase dahil may Values Education from Bethany at may dental check-up. Nagalit lang ako sa Love after recess kasi ang baho ng silid. Nag-inarte na naman sa pagkain ng itlog. Nagsuka na naman ng iba. Tapos, andami na namang asin para sa dalandan. Nagpuputik na ang classroom dahil nagbabatuhan sila ng asin. Itinatago pa ang kalat sa ilalim ng upuan. Sinong guro ang hindi mahahighblood?! After class, nag-edit ako ng thesis ko. Kaunti lang naman ang corrections. Ang isang member ng panel, wala halos nakitang correction. Ang adviser ko, hindi ko naman maintindihan ang sulat. Hindi bale, magigets ko rin iyon sa susunod na araw. Past four na ako umalis sa school. Then, nag-stay ako sa PITX para mag-internet at manuod ng youtube videos. Nakakainspire ang mga vlogs na napanuod ko. Nakakawala ng pagod ang moss terrarium ko. Buhay na buhay na iyon. In fact, malapit nang mag-bloom ang bulaklak ng clover sa loob niyon. 

 Nobyembre 20, 2019 Nagpa-summative test lang ako kanina, since nadiscuss ko na ang nasa DLL ko. May bisita pa naman. Nahighblood lang ako sa kahinaan sa pakikinig ng VI-Peace. Nagalit ako kasi katatapos ko ang mag-explain, nagtanong pa kung ano ang gagawin. Nakakapagod! Nakapagmura rin ako sa Love dahil ang iingay nila. Kasasabi lang na may darating na bisita, sila naman panay ng daldal at pasaway. Nakakawalang gana talaga silang mahalin. After class, nakapagpahinga ako. Umidlip ako sandali at naghanap ng mga materyales para sa terrarium. Nakagawa ako ng isa pa. Nagawa ko ang vlog sa PITX. Naipost ko iyon sa bahay. 

 Nobyembre 21, 2019 Nagturo ako ng pagsulat ng tula. Interesado lang ang iilan, kaya nagalit na naman ako. Okay lang sana kung ayaw nilang matuto, ang kaso nadidisturb ako at ang iba. Higit lalo kong napagalitan ang Charity. Nasermunan ko rin uli ang Love. Ang Faith naman, ganoon pa rin. Sila pa rin ang nakapagpapasaya sa akin. Pagkatapos ng klase, hinarap ko thesis. Medyo nabawasan lang ako ng oras sa pagagawa dahil nakipagkuwentuhan pa ako kay Ms. Krizzy at nakipag-usap ako kay Mareng Lorie. At least, okay na kami. Gayunpaman, kahit paano, umusad ang nirirevise kong thesis. Before four, nakasabay ko sina Mareng Lorie at Yohan. Close na close sa akin ang bata. Tuwang-tuwa siya dahil magkakasabay kaming bumiyahe patungo sa PITX. Before 7, nasa bahay na ako. Nakagawa ako ng vlog, pero hindi pa nai-upload sa youtube. 

 Nobyembre 22, 2019 Nag-review kami sa NAT. Walang pirmal na klase. Andami kasing obstruction, such as report, meetings, class discipline, at iba pa. Maghapon akong naapektuhan ng issue ng guro na na-TV at nademoralize dahil kay Tulfo. Sobrang nakakababa ng pagkatao. Kaya naman lahat halos ng guro ay nagliyab sa galit. Nang nabalitaan naming nagkabati na, parang lalo kaming nagpuyos sa galit. Gusto naming mabigyan ng sanction si Tulfo at ang programa niya. Nakita ko ang potensiyal ng pagkakaisa ng mga guro. May boses sana kami, wala lang kaming leaders na matino Kahit nang nag-leg workout ako, wala pa rin ako sa mood dahil sa nangyari. Grabe ang epekto niyon sa kaguruan. Parang wala na nga kaming karapatang magdisiplina sa ng estudyante. Past 8 ako nakauwi dahil walang minibus sa PITX. Kinailangan kong pumila sa aircon bus. 

 Nobyembre 23, 2019 Bago ako bumangon para magkape, nagbasa muna ako ng mga tula ng mga estudyante ko. Pinili ko ang mga magaganda at pasadong akda. Past nine na ako nakapag-almusal kasi late na nagising si Emily. Nakapagdilig na nga ako ng halaman at nakapaglinis ng doghouse. Ten, umalis ang mag-ina ko para mamili. Nagpabili ako ng induction cooker. Ako naman, gumawa at ng vlog ng terrarium. Nagamit ko na ang bago kong tripod. Hapon, tinapos ko na ang revision ng thesis ko. Ready-to-print na ito. Gabi, nakapagpost ako ng tula ng mga bata. Nakagawa pa ako ng ASMR vlog. Ginamit ko ng buhangin at bato para makagawa ng tingles. Ang tagal lang mag-upload. Inabot ako ng lampas hatinggabi. 


 Nobyembre 24, 2019 Past 8, gising na ako, pero hindi ako agad bumangon, nakakatamad kasi. Nang bumangon naman ako at makapag-almusal, tuloy-tuloy na ang trabaho. Walang pahinga at walang idlip. Ngayong araw, marami akong nagawa sa garden. Nalinis ko rin ang kulungan ng aso. Natulungan ko si Emily sa pagsasampay. Nakapagprint ako ng DLL at IMs. Nakapag-edit ako ng thesis. Naiprint ko na rin. At ang pinakamahalaga, nakagawa ako ng vlog. Nagamit ko ang bago kong tripod para sa reading aloud. Binasa ko ang 'Ang Mahiwagang Refrigerator.' Naiinis lang ako dahil wala nang internet. Napakaaga nitong maubos. Gusto ko na talagang kumita sa vlogging para makapag-avail ako ng mas mabilis at unlimited na internet. Gabi, nag-encode ako ng mga akda ng pupils. Andami pa sanang ieencode, kaya lang masakit na ang mga mata ko. Ayaw ko namang lumabo ito. Nararamdaman ko na nga ang panlalabo. Minsan, hindi ko na mabasa nang malayuan ang mga numbers o letters. Kailangan ko ang lapitan at titigan. 


 Nobyembre 25, 2019 Nagturo ako ng 'Pagbibigay ng solusyon sa suliranin sa paligid.' Gaya ng mga nakaraang araw, nagsermon ako, pero mas may hugot ngayon dahil binanggit ko ang kalapastangan ni Tulfo sa mga guro. Nais ko lang kasing malaman nila na mali ang gagawin nila kung sakaling lumapit din sila sa maling tao. Past 11, nagpaobserve ako kay Ma'am Rose. Sa VI-Faith ako. Mabuti't cooperative ang klaseng iyon kaya hindi ako kinabahan. Wala lang... Parang normal class lang. After class, umidlip ako. Naistorbo lang dahil sa tawag ni Sir Erwin. Nag-coop board meeting kami. After meeting, pumunta ako sa CUP para ipasa kay Dr. Rivas ng revision ng thesis ko. Kaya lang, mali pala na kay Dr. Rivas ko ipasa. Ayon ito sa clerk. Dapat panel daw kasi pipirma sila kung talagang binago ko ang corrections nila. Nagdesiyong akong bumalik bukas dahil naiwan ko ang copies na may corrections nila. Ang kay Dr. Rivas lang kasi ang dinala ko. Okay lang. Hanggang Wednesday pa naman ang palugit ko. Kaya lang, may meeting ako bukas. Sana may oras pa bukas. Past 4, nag-bicep at chest workout ako. Past seven, nakauwi na ako. 


 Nobyembre 26, 2019 Maaga pa rin akong nakarating sa school kahit 4:00 na ako bumangon. Six-thirty pa naman ang start ng klase namin dahil sa DST. Good thing naman kasi nakipagkuwentuhan pa ako sa canteen helpers at kay Sir Hermie habang nagkakape roon. Dahil may meeting ako, nag-iwan muna ako ng group activity sa mga bata pagkatapos kong magturo. Mabuti dumating agad ang FS ko kaya nahabilinan ko siya. Iproprorate sana ang VI-Love. Sa seminar ng Faculty Federation officers, natuto ako ng mga leadership skills. Tungkol sa motivation ang tema. Agad din akong nabigyan ng task ng isang officer. Ako ang part ng Commitment. Ikalawang beses ko na iyon gagawin, kaya pumayag ako. Iniba ko lang ang ibang linya. Namangha ang mga co-leaders ko nang binigkas ko na iyon nang malinaw. Sabi ni Sir Ren, grabe raw ang mga words ko. Past five, bumiyahe na ako pauwi. Nabadtrip lang ako sa chat ni Emily. Nagpatuob daw siya kasi napasma raw. Nagutuman at nagplantsa. Diyos ko! Hindi ko talaga napigilan ang sarili ko. Andaming good news na sasabihin, iyon. Ayaw na ayaw ko pa naman ng chat tapos bad news lang. Hindi na lang ako hintaying makauwi. Sana matuto na siya. Nakakawala ng ganang umuwi kapag problema ang isasalubong sa akin. 


 Nobyembre 27, 2019 Nainis ako pagpasok ko kasi may mga magulang na pumunta para kumuha ng card. Nag-announce ako kahapon na hindi ako mag-iissue dahil may seminar ako. Hindi ko magagawa sa araw na iyon. Hayun, nasermunan ko pa tuloy ang mga magulang. Later, naging kalmado na ako. Nakapag-almusal na kasi. At eight, nagkaroon ng Recognition Day ng mga AM classes. May dalawa akong honors. Alam kong nalungkot ang isang nalaglag, pero sana maging challenge iyon sa kanya. Nakita ko naman ang kaligayahan ni Andrea nang matanggap niya ang sertipiko. After class, naghintay ako ng Recognition Day ng PM classes. Kinuha rin kasi nila ako para mag-closing remarks. Sa mga talk ko, nasabi ko ang disiplina at respeto. Sa pang-umaga, inaddess ko iyon sa mga magulang. Kako, "Walang pinagbago ang noon at ngayon, ang nag-iba lang ay ang kurikulum at sistema. Huwag sanang magbago at mawla ang inyong respeto sa mga guro at pamunuan ng paaralan." Iyan ang pinakanatatandaan ko. Sa mga panghapon, sabi ko, "Alam naman po siguro ninyo, mga magulang ang issue about Tulfo... Hindi po nagbago ang edukasyon. Supportive pa rin kayo. Kami naman ay dedicated. Sana lang hindi mawala ang respeto at disiplina. Mga bata, may disiplina pa ba kayo? (Opo!) Parang wala na... Nasa inyo pa rin ba ang disiplina? (Opo!) Tandaan, hindi lahat ng matalino at disiplinado, pero lahat ng disiplinado ay matalino." Alam kung matatandaan iyon ng mga nakinig. Umalis agad ako sa school pagkatapos niyon para ipasa at papirmahan ang form na katibayan na nirevise ko ang thesis ko ayon saga kagustuhan ng panel. Bumili muna ako ng macaroons sa Goldilocks para ipamigay sa kanila. At bumili rin ako ng tubig sa schoool canteen. Hinanap ko na panel ko. Nakadalawa akong akyat baba. Sa ikatlong akyat ko, nakita ko na si Dr. Llamas. Agad niya akong inentertain. May mga nakita pa siyang errors at ilang hindi ko nabago. Yet, satisfied siya sa gawa ko. Si Dr. Bal'Oro naman ang nakita ko. Nagtsek siya ng mga changes, pero hindi pa siya pumirma. Sabay na lang daw sila ni Dr. Ramos sa December 3. Nasa Baguio pa kasi. Babalik na naman ako. Dagdag-gastos na naman. Haist! Okay lang, pero sana aprubahan na nila. Sa PITX, umidlip ako after kong magmeryenda. Then, nag-internet ako bago nag-forearm at tricep workout. Past 7:30 na ako nakauwi. Pagod ako, pero fulfilled kahit paano.


 Nobyembre 28, 2019 Hindi na ako nagturo sa klase ko kasi 7:00 am, nagsimula na ang 'Pagtatalaga sa mga Batang Iskawts, kung saan ako ang mananalangin. Hindi na nga ako nakapag-almusal nang maayos. Past 10 na natapos. Iyon lang din ang time na nakapag-almusal ako. Nag-announce muna ako ng tungkol sa claim ng financial assistance at kuhaan ng card. After ng investiture, hinarap ko ang klase ko para bawiin ang announcement ko. Hindi ako makakapag-issue ng card sa Sabado kasi may seminar ako sa Lampara. Okay naman sa kanila na sila na lang ang kukuha sa December 3. Ang kaso, walang pasok mula December 2 hanggang 6. Natuwa kami sa one week na bakasyon. Past 1, nagmeeting kami sa SBM tungkol sa SMEA at SBM. Nagulat ako kasi isinali ako roon nang hindi ko nalalaman. Gayunpaman, dumalo ako. Nagpahayag lang ako ng saloobin ko. Isa roon ang pagpasa ko ng action research proposal, na hindi pa pinipirmahan. Kako, "Kapag kailangan ng tulong, tumutulong ako. Pero kapag pirma nila ang kailangan ko, ipagkakait pa. Huwag gano'n. Nakakatamad tuloy gumawa at tumulong kapag ganyan." Past 4 na kami natapos sa meeting. Sa PITX, sinubukan kong umidlip bago ako umuwi, pero nabigo ako. Umuwi na lang ako bandang alas-sais. 


 Nobyembre 29, 2019 Pagkatapos mag-almusal, pinagsama-sama namin ang iilang Grade Six na pumasok para magawa namin ang mga gawain namin. Nagpagawa kami ng crafts para sa pinaplano naming stage decoration. Hindi na nga ako nakatulong sa day camp. Past 1, nagmiting kami tungkol sa DepEd memo na walang pasok ang GES mula December 2 hanggang 6 dahil sa SEA Games. Muntikan pang bawiin ni Dr. Torrecampo. Naasar lang kami sa kanya. But then, hindi naman nangyari. Nagpamiting din ako tungkol sa Christmas party. Naisingit din nila ang tungkol sa birthday ni Ma'am Laarni. Bibigyan na lang namin siya ng cake at bouquet sa December 13-- Christmas party ng faculty members. Okay na iyon. Nasimulan na namin ang pagdecorate. Tinulungan kami ni Sir Joel G na gumawa ng belen. Nagpabili naman kami ng black paint kay Mang Bernie. Si Kuya Teng naman ang nagpintura. Hindi ko lang nasimulan ng ibang design kasi late na nabili ang materials. Nagdatingan na ang mga scouts na dadalo sa overnight camping. Photographer at videographer ang role ko sa camping. Double purpose. Gagawin kong vlog. Enjoy naman ang camping, kahit maiingay ang mga scouts. Hindi ako nakatulog agad, kaya sumali na lang ako sa inuman nina Sir Joel G, Sir Ren, at Kuya Teng.l, bago ako nahiga sa Kinder room. Mga 2 am na siguro iyon. 


 Nobyembre 30, 2019 Before 5, gising na ako dahil maiingay na ang mga scouts. Kahit paano, may mahigit dalawang oras akong tulog. Past six, nagsimula na ang closing ng camping. Nakapag-almusal na ako sa mga oras na iyon, kaya nagawa ko pang makipagzumba sa mga scouts at scouters. Past seven, bumiyahe kami ni Ma'am Joann patungo sa Precious Pages para sa seminar-- Kuwentuhan. Hindi kami natraffic, kay may kaunting oras pa kami para sa kuwentuhan. Natutuwa kami dahil naging bahagi kami ng isa na namang writing seminar-workshop. Paggawa ng kahanga-hangang tauhan ang topic nito. Bago sa akin, kaya nakakaexcite. Si Al Santos ang speaker. Mahusay siya. Down-to-earth, kahit mataas ng profile niya as writer. Andami kong natutuhan sa kanya. Bagong-bago na naman ang topic. Ibamg-iba sa dati kong kaalaman. Kaya naman, naibida ko ang kuwento ng tsinelas. Past 5, umuwi na kami ni Ma'am Joann. Pagod na pagod at antok na antok ako. Mabuti, nakasakay ako agad. Past 8 na ako nakauwi. Umakyat agad ako at nahiga. Plano ko lang umidlip bago kumain, pero mas pinili kong ituloy ang pagtulog.

Friday, October 11, 2019

Ang Aking Journal -- Oktubre 2019

Oktubre 1, 2019 Maaga akong nakarating sa school, kaya nakapag-almusal ako bago nag-akyatan ang mga estudyante ko. Nagpa-written work ako sa VI-Love habang nagdyi-general rehearsal. Then, gumawa kami ng pandekorasyon sa entablado. Hindi kasi kumilos ng mga committee sa stage decoration. Baga mag-uwian ang nga estudyante, nasa entablado na ako--nagkakabit ng mga tela. Past two na namin natapos ang decoration.Nakapag-lunch naman kami ni Ma'am Vi. Enjoy naman ako kahit kami-kami lang. Napakaganda naman kasi ng output.Dahil pinaghintay ako ng principal-- may meeting daw, umidlip ako sa classroom. Hindi nagtagal, bumangon na ako para umuwi. Dumating si Ma'am nang nakababa na ako, pero hindi na raw tuloy ang meeting tungkol sa SBM. Late na tuloy akong nakapag-workout. Biceps ngayon ang tinira ko. May ilang legs din. Hindi nga umabot ng isang oras. Pagod na ako.Eight na yata ako nakauwi. Hindi na ako nakapag-thesis writing. Okay lang naman. Babawi ako sa mga susunod na araw. Oktubre 2, 2019 Naging successful ang pagdiriwang ng Teachers' Day namin sa school. Alam kong naligayahan lahat ang mga guro lalo na sa harana part. Nakatanggap sila ng personalized gift, na may hugot.At sana na-touch ko ang mga puso nila sa aking closing remarks, na patula.Bitin man ang kasiyahan, itinuloy namin iyon sa Cuneta Astrodome para sa Division Teachers' Day. Nag-enjoy naman kami sa mga performances. Pero, hindi na naman kami halos nanalo sa mga pa-raffles. Minor prizes lang ang natanggap ng tatlo naming kasamahan. Inabot kami roon ng alas-7 sa kahihintay na mabunot ang pangalan. Wala talaga akong suwerte sa mga ganyan.Past nine na ako nakauwi sa bahay. Pagod at antok na ako. Wala na akong ganang kumain, kaya uminom na lang ako ng fresh milk. Oktubre 3, 2019 Wala kaming palitan ng klase, wala kasi si Ma'am Madz. Okay lang naman. Kaya lang, hindi ako komportable na may nakahalong ibang section sa klase ko. Hindi ako makabuwelo. Mas nadoble pa yata ang pagpasasaway ng advisory class ko. Kahit tinambakan ko sila ng gawain, ayaw pa ring magsitigil sa kadadaldal. Kaya naman, halos kalahati ng klase ang hindi agad nakauwi. Ang iba, wala talagang ginawa. Ang iba, hindi tapos. Nakita ko talaga kung sino-sino ang matiyaga at sino-sino ang tamad. Kung hindi nga lang ako nagmamadaling umuwi dahil sa thesis, pinagbigyan ko sila hanggang maghapon.Past 3:45 na ako nakapag-gym, umidlip pa kasi ako sa waiting area sa PITX. Triceps at legs ang binanatan ko. Past 6:30 na ako nakauwi. Sobrang traffic talaga. Nakakainis! Kailan kaya natatapos ng paggawa sa tulay sa Tejero? Nakakaabala kasi. Andaming napeperwisyo. Pagdating ko, agad akong nagbukas ng laptop. Gumawa agad ako. Kahit paano nadagdagan ang thesis ko. Oktubre 4, 2019 Hindi kami nagpalitan ng klase dahil tigkakaunti lang ang estudyante namin. Siguro dahil nabalitaan nilang walang pasok ang ibang schools at ibang dibisyon. Okay lang naman sa akin. Tinatamad pa rin naman akong magturo. Ang hindi lang okay ay ang disiplina ang advisory class ko. Kahit kaunti lang sila, doble pa rin ang ingay. Nagsipasok ang mababait.Nagpasulat lang ako ng liham pangangalakal pagkatapos kong isulat sa pisara ang lecture. Alam kong alam na nila iyon.Nag-almusal kaming advisers bilang celebration ng Teachers' Day. Nakapagkuwentuhan din kami kahit paano.Binisita ko nina Mary-Joy at Summer bago ang uwian. Nakatulong pa sila sa pag-cut out ng ididikit sa stage. May mga bisita sa Lunes. Umidlip ako pagkatapos pero hindi nagtagal, naistorbo iyon dahil sa tawag ni Ma'am Milo. Ibinalita niya ang pagkapanalo ko sa pahabol na raffle sa Division Teachers' Day. Hindi na ako na-excite kasi si Ma'am Laarni mismo ang nag-forward sa akin ng notice. Sa Monday pa maki-claim ang P500.Past two, umalis na ako sa school. Natagalan ako sa paghihintay ng bus patungong PITX, kaya 3:35 na ako nakapag-workout. Six-thirty na ako nakauwi. Past 7, nanuod kami ng 'The Croods.' Ang ganda ng movie na iyon. Tawa kami nang tawa. May moral lesson din. Oktubre 5, 2019 Ako na naman ang pinakamaagang dumating sa klase. Nang dumating ang isa kong kaklase, napilitan akong samahan siya sa faculty office para makausap ang prof namin, mukha kasing hindi na siya aakyat doon.Nakausap namin siya. Maayos naman aiyang kausap. Naibigay ko na sa kanya ng questionnaire na pina-fill up kay Ma'am Edith. Then, naitanong ko kung approve na ang request kong maging adviser siya. Hindi pa raw, kaya pumunta na ako sa school para maglinis.Sa school, nagpintura muna ako. Then, naglinis at nag-organize ng mga gamit. Past ten, natigil ang paggawa ko dahil sa pagdating ni Ma'am Vi. Marami siyang pinamiling halaman, kaya nag-gardening kami. May libreng lunch para sa mga gurong pumasok. Isang masarap at nakabubusog na tanghalian ang hinanda para sa amin. Kakau ti man kami, alam kong natuwa si Ma'am sa suporta namin sa kanya. Ipinagpatuloy ko ang paglilinis sa kuwarto. Hindi ko na naharap ang thesis at ang narrative report. Okay lang. At least, mas maganda na ngayon ang classroom ko.Before 5, umuwi na ko. Napagdesiyunan kong hindi na muna mag-workout. Pagod na kasi ako. Past 7:30 na ako nakauwi dahil na traffic. Before and after dinner, ginawa ko ng narrative report. Hindi ko man natapos, at least, nadagdagan ko. Gusto ko pa sanang manuod ng movie after ng MMK, kaya lang sobrang antok ko na. Hindi ko na kaya. Oktubre 6, 2019 Kahit paano, nakabawi ako ng ilang araw na puyat. Before 7, gising na ako. Masigla ang katawan ko. Kumbaga, nasa kondisyon akong magtrabaho. Kaya naman, after kong mag-almusal, naglaba ako. Nagawa ko iyon sa loob ng dalawang oras. Naisingit ko pa ang pagga-garden at paglilinis ng doghouse.Then, nag-thesis naman ako at naghanda ng DLL at pang-bulletin board display. Naipagpatuloy ko rin ang paggawa ng WTD narrative report. Sa buong maghapon, halos matapos ko na ng thesis at narrative report ng Teachers' Day. Kapag hinanap na sa akin ni Ma'am, may ipapakita naman ako kahit paano. Matagal lang gawin kasi ginagandahan ko talaga. Oktubre 7, 2019 Dahil nag-diarrhea ako bago ako naligo, nagdalawang-isip ako kung papasok ako o hindi. Nanghihinayang ako, pero ayaw ko namang maabutan sa sasakyan. Kaya, tinantiya ko ang sarili. Nagdesisyon akong sumakay sa minibus para sa PITX ako bumaba. Ang kaso, hindi agad ako nakasakay. Ang sumatotal, nahuli ako dahil naabutan na ako ng traffic. May banggaan pa sa Zeus.Past 6 nasa PITX pa lang ako. Nag-decide akong mag-research na lang sa National Library. Siyempre, nag-almusal muna ako sa faatfood chain. Wala na akong naramdamang pag-aalburuto sa sikmura ko. Kaya naman, nang nakapasok na ako na Pambansang Aklatan, okay naman. First time ko roon. Online na ang paghahanap ng references. Nagmali-mali man ako, pero kaagad kong nagamay. Marami akong nakalap na data sa loob ng apat na oras. Past 1, na-claim ko na ang winnings ko sa raffle noong Division Teachers' Day. P500 din iyon. Nabawi ko ang gastos ko sa pagkain at pamasahe. Before 5 nakauwi na ako. Ginusto kong umidlip pero hindi ko nagawa. Sa halip, ginawa ko ang thesis. Nang matapos, ang narrative report naman ang hinarap ko. Almost done na pareho iyon. Sooner or later maipapasa ko na ang mga iyon. Oktubre 8, 2019 Tatlo lang kaming advisers kanina kasi absent ang isa, ang isa ay nasa journalism... Sumatotal, walang palitan ng klase. Pero, gumawa kami ni Ma'am Vi sa bulletin board.Nagalit na naman ako sa VI-Love kasi nagtapon soup ang babaeng estudyante ko kasi inasar daw siya ng naki-sit in na estudyante. Pinagalitan ko nga at pinaglinis. After class, umidlip ako pero naistorbo dahil s tawag ngbguard. Alam kong si Ma'am ang nagpapatwag, pero hindi ako sumagot. Naputol ang tulog ko, kaya gumawa na lang ako ng youtube video at nagpost. Then. nag-research ako ng mga kailangan ko sa thesis. Marami akong nakalap.Before 4:30, nakausap ko si Ma'am about sa field trip. Ako ang ginawa niyang overall coordinator. Hindi na ang mga MTs. My pleasure naman, kaya tinanggap ko. Need daw kasing magpasa ng narrative report after ng tour. Saka gusto niyang ma-avail ang libre bus ride from the marketer. Before 7, nas bahay na ako. Hindi ako masyadong na-traffic. Natapos ko tuloy ang NTD narrative report. Nakapagdugtong pa ako sa thesis. San makatulog na ako nang mahimbing ngayong gabi. Two nights na akong halos walang tulog, e. Hindi ko na kakayanin kapag hindi pa rin ako makatulog ngayong gabi. Hindi man masakit ang ulo ko, pero mainit naman ang ulo ko at naging mas bugnutin ako. Oktubre 9, 2019N agpalitan na kami ng klase. Kompleto na kasi kami. Kaya lang, ayaw pa yatang matuto ang ibang section, especially Charity. Nagalit pa ako sa kanila at hindi na iyinuloy ang discussion. Pinag-group activity ko na lang sila. At gaya ng expected ko, hindi nila nagawa nang maayos. Mabuti na lang, nabawi ng Faith ang disappoinment ko, sila lang ang madalas magpangiti sa akin. After class, sinubukan kong umidlip, pero hindi nagtagal, bumangon na ako para umuwi. Pero pagbaba ko, hinintay ko pa ang mga katupa ko. Nagmiting sila. Past 3:00 na kami nakalabas sa school. Bandang 3:45, nasa AF na ako. Biceps at legs ng winork-out ko ngayon. Pagdating ko, hinanda ko ang mga succulents na ibibigay ko kay Papang. Then, humarap na ako sa laptop. Natapos ko nang i-edit ang narrative report, base sa tsinek ni Ma'am. At, nadugtungan ko uli ang thesis ko. Malapit nang mabuo ang Chapters 1-3. Soon, ang questionnaire naman ang gagawin ko. October 10, 2019 Sa tatlong section lang ako nakapaturo dahil sila lang ang nabola ko. Ang Love, hindi ko pa rin nakikitaan ng pagbabago, kaya patuloy ko silang pinarurusahan. Ang Charity, pinakitaan ko ng pananahimik. Pinaskil ko lang ang IM ko, pinakopya ko, at pina-written work sila. Palabas na ako nang nagsalita ako. I hope matuto na silang rumespeto sa nagsasalita sa harapan. Matuto na sana silang makinig at magpahalaga sa edukasyon.Sa Faith, na-enjoy ko ang araw ko. Sila lang talaga ang nakakapagpangiti sa akin. Natutuwa rin naman sila kapag ako ang guro nila. After class, umidlip ako. Pagkatapos, thesis at periodic test construction naman ang inasikaso ko. Past 4 na ako lumabas sa school. Natagalan naman ako sa Buendia. Walang masakyang bus. Oktubre 11, 2019 Hindi ko na pinapasok sa classroom ang VI-Love dahil bukod sa 21 lang sila, mas marami ang Peace, na siya pang maiiwanan ng adviser, gawa ng Science contest, sila pa ang pinakamarami, ay nadiskubre kong hindi pala sila nagda-diary. Hindi rin halos nila pinabasa ang libro sa FORTY Reading Program ko. Nakakainis! Pati ang naturingang with honors na estudyante, ganoon din. Binantayan ko sila sa labas hanggang sa umalis na ang Science teacher. Prinorate ko ang VI-Love. At ako ang nagbantay sa Peace. Nagpalitan din kami ng klase. Nagturo muna ako sa Faith kung saan naroon ang mga boys. Hiniwalay ko sila ng upuan para maramdaman nilang hindi sila belong sa story reading ko. Gusto kong ma-realize nilang nagkamali sila at masakit pala ang binabalewala. Na-enjoy ko naman ang Peace. Nang ginusto nilang maglaro after recess, pinagbigyan ko. Mgab30 minutes din silang nagkanya-kanya ng laro. May nag-Chinese garter. May nagsipa. May nag-jackstone. Then, nagturo ako. Pina-spelling ko sila ng mga salitang maririnig sa babasahing kuwento. Then, binasahan ko muna sila ng reverse poetry ko, na para sana sa Love. Pagkatapos niyon, ang kuwento na ng kambal. Nakapagpasa naman sila ng written work, kaya nag-film showing na kami hanggang uwian. Hindi man natapos ang pelikula, naligayahan naman kami. Natuto ang lahat. After class, umidlip ako. Then, gumawa ng thesis. Past 4 na ako lumabas sa classroom ko. Nakasabay ko pa ang ilang Grade 1 teachers sa paglabas sa school. Sa AF, nag-legs at back workout ako. Napagod agad ako wala pang isang oras, kaya umuwi na ako. Past 8, nasa bahay na ako-- pagod at gutom, yet fulfilled. After dinner, nanuod kami ng Coco. Ang ganda ng concept ng movie. Naiyak ako sa dulo. Sayang hindi natapos ng mag-ina ko dahil umakyat na sila para matulog. Oktubre 12, 2019 Gustuhin ko mang matulog hanggang eight, hindi ko kinaya. Maingay na ang paligid, alas-sais pa lang ng umaga. Kaya, napilitan akong bumangon. Nauna pa akong lumabas kina Emily at Zillion, na aalis para sa school affair (film showing) sa Robinson's. Nagga-gardening na ako bago sila umalis. Past nine na ako pumasok. Nagpahinga lang ako nang kaunti, ang thesis naman ang hinarap ko. Nagprint na ako ng thesis ko for editing. Mas maganda kasing i-edit ang hard copy kaysa sa soft copy. Aksayado nga ang sa ink at bond paper. Pero, hindi na bale. Gusto kong masigurong tama ang ginagawa ko at may quality. Past 3, umidlip ako. Mag-aalas-singko na ako bumangon. Past 7, nanuod kaming mag-anak ng movie. 'Charlotte's Web' ang pinanuod namin. Pero bago iyon, pinanuod muna namin ang tatlong spoken word poetry. Nag-umigting na naman tuloy ang desire kong mag-spoken. Haist! Oktubre 13, 2019 Nag-gardening muna ako bago kami nag-put up ng Christmas tree. Hindi lang basta kami nagkabit, nag-video ako. Kinuhaan ko ng mga video si Ion para sa vlog ko. Game naman siya. Medyo awkward pa siya magsalita, pero alam kong nagustuhan niya ang kanyang ginawa. Then, nang gagawa ako ng blue ternatea cucumber juice, naisipan kong mag-vlog uli. Si Emily naman ang nagpakuha ng videos. Natuwa ako dahil unti-unti ko nang nagagawa ang pagba-vlog. Katuwang ko ang mag-ina ko, kaya naniniwala akong magiging successful ito. Nawa. Hindi ko nga lang nabuo ang video kasi ayaw tanggapin ng Kine Master ang format ng videos ko. Magda-download pa ako ng bagong video editor. Oktubre 14, 2019 Absent si Ma'am Vi, pero nagpalitan kami ng klase. Nag-overtime lang ako sa Love kasi wala pa rin silang diary. Ang iba, June pa lang. Napakairesponsable nila talaga. King hindi lang darating ang NCR evaluators ng Brigada Eskuwela, hindi ko sila pinapasok. Ginamit ko ang maikling kuwento kong 'Ang Kambal' para maituro ko ang layunin kong 'Nabibigyang-kahulugan ang usapan sa kuwentong napakinggang.' I know, nagustuha. nila ang kuwento. Napa-group activity ko rin sila. Nainis nga lang ako sa literal, walang latoy, at mahinang boses nilang presentasyon. After class, umidlip ako. Past two na ako bumangon para harapin ang thesis ko. Past 4 na ako lumabas sa school. Past 5, nasa AF na ako. Nag-triceps at shoulders workout ako. On the way, na-edit ko ang vlog ni Ion na ia-upload ko sa youtube. Natuwa nga ang mag-ina ko nang mapanuod nila. Pangarap na nga naming tatlo na maging vloggers. Sana magtuloy-tuloy na ang paggawa namin ng video. Excited na ako. Oktubre 15, 2019 Pinapasok ko na agad ang mga estudyante ko. Nakaplano na ang aking sermon. Kaya lang, kakaunti ang pumasok. Takot na silang pumasok dahil hinahanapan ko diary at libro. Tahimik silang nakinig sa sermon ko. Binanatan ko sila nang husto. Alam kung nanliit sila. Sana lang mag-penetrate sa puso nila. Naubos ang buong period sa pagalit kong mahinahon. "Wala na akong pakialam sa inyo!" Iyan ang isa sa mga binitawan kong pahayag. Dahil dito, pati sa Charity, nagsermon ako. Hindi ako nagpa-group activity lasi nainis ako sa kabagalan nila. Halos ayaw sumagot sa mga taning ko, samantalang madadaldal sila. Pagbibigay lang ng opinyon ang aralin namin, hindi pa makapagsalita. Hayun. pinasulat ko na lang. Kailangang magpasa lahat para tanggapin ko. Nagawa naman nila. Sa Peace, masaya na akong nagturo, gayundin aa Faith, na talagang inabangan ang pagtuturo ko. Kahit mag-overtime ako sa kanila, gustong-gusto nila. I hope palagi nila akong napapasaya. Oktubre 16, 2019 Parang nakalimot na naman ang VI-Love. Maiingay at magugulo na naman sila kanina. Pero, wala silang narinig na salita sa akin. Tinitingnan ko lang nang matalim ang mga nagpapasaway. Tumitigil naman sila. Nagturo ako sa lahat ng section, maliban sa kanila. Alam na naman kasi nila ang gagawin. Paggamit ng wastong pandiwa lang naman ang aralin. Pinasulat ko sila ng diyalogo. After class, nag-research ako sa google para sa thesis ko. Kaya lang, nabalitaan ko mula sa janitress na darating ang bagong SDS, kaya lumabas na ako kaagad sa school baka mautusan pa ako ng principal dahil nangangarag na ng mga Front Runners. At ang masaklap, baka maabutan pa ako ng SDS. Nag-arms and back workout ako sa AF. Isang oras lang, pagod at ngawit na ako. Okay lang naman ang ganoon, kailangan ko na kasing makauwi agad para makapaghanda ng learning materials para bukas. Magpapalaro ako bukas habang natututo sila ng lesson ko. Gusto ko namang masaya ang mga estudyante. Lagi na lang akong nagagalit sa kanila. Lately, nagiging bugnutin ako. Kaunting kilos at kamalian, nagagalit na ako. Ayaw ko na nang hindi sila nagre-recite. Nakapag-edit at nakapagdagdag pa ako sa thesis ko, pagkatapos kong maghanda ng IMs. Thanks, God! Oktubre 17, 2019 Inspired sana akong nagturo kasi may maganda akong instructional materials, ang kaso lang, binigyan ako ng trabaho ng principal. Ipinamigay ko ang permit ng field trip sa bawat grade. Pati sa hapon, ginawa ko iyon. Okay lang naman. Napagawa ko naman ang karamihan ng mga estudyante habang busy ako. After class, umidlip muna ako. Past two na ako gumawa ng thesis. Almost done na iyon. Naisip kong mag-print uli pagdating ko sa bahay. Isa pang editing ang gagawin ko, then ipapasa ko na. Sa biyahe, chinat ako ni Mrs. Vilbar. Nagpapatulong na naman siya sa kanyang demo/report. Inako ko naman kasi nasanay na akong tulungan siya at nasanay na siyang humingi ng tulong. It's my pleasure naman kasi ako ang napili niyang hingian ng tulong. Before nine, nakapagprint na ako ng thesis (1-3) at zines na gagamitin ko sa lesson at ibebenta bukas. Sana mag-enjoy ang mga klase ko bukas. Oktubre 18, 2019 Nagulantang ako sa balitang namatay na ang pamangkin ni Ma'am Vi. Noong Monday lang, isinugod ito sa hospital, kaya absent siya. Grabe pala ang pneumonia! Silent killer. Apektado ang palitan namin ng klase. Pero, nagturo ako sa dalawang section. Nakausap ko rin sina Ma'am Joan at lady guard tungkol sa reklamo ng magulang dahil sa hindi pagapapasok sa kanya at pagtatanong kung bakit hindi nakauniporme ang anak. Nakapangulekta pa ako ng boluntaryong abuloy para sa mga naulila. Problema ko pa kung paano iaabot kay Ma'am Vi. Sana samahan ako ng mga kasamahan ko. Past 10, may meeting ang mga grade leaders at MTs, kasama ako. Tungkol iyon sa INSET sa Lunes. Kaming Grade Six at Kinder ang in-charge sa unang araw. Kami ang sa decoration, program, at attendance. Kaya, after class, nagmiting kami. Then, agad din naming sinimulan ang pag-decorate. Inabot kami ng alas-otso ng gabi bago natapos. Alas-onse na ako nakauwi sa bahay. Sa sobrang antok, nakalampas pa ako sa Umboy. Oktubre 19, 2019 Gusto ko sanang matulog nang mahaba-haba, kaya lang past 6 mulat na ang mga mata ko. Hindi talaga ako sanay matulog nang mahimbing at mahaba. Anyways, naging productive naman ako maghapon dahil nabisita ko ang garden ko, bago ako nag-thesis. For printing na lang ito. Kailangan kong bumili ng short bond paper. Then, nag-vlog kami ni Zillion. Kinuhaan ko siya ng mga videos habang nagsasalita at nagpapakita ng mga koleksiyon niyang laruan. Game na game naman ang bata. Kaya lang kailangan pa ng improvement sa modulation, sa expression, at sa lahat ng anggulo ng pagiging vlogger. Anyways, ikalawang vlog pa lang naman niya iyon. Nakapag-edit din ako ng mga videos. Gusto ko na ngang maipost sa youtube ang iba. Nakalimutan ko nga lang ang mga pinagagawa sa akin ni Mrs. Vibar. Bukas, gagawin ko ang isa. Past five, umalis ako para iabot kay Ma'am Vi o sa mga naulila ng kanyang pamangkin ang voluntary contributions ng GES Faculty. Gusto ko nga sanang sa Lunes na para makasama ang mga kaguro ko sa Grade Six, kaya lang baka hindi na naman sila makasama. Natagalan ako sa SM Bacoor sa kahihintay ng bus, o kaya sa kaka-google map ng St. Peter, Salawag, at sa kakapila sa dyip.Then, sa SM Molina, natagalan din ako kasi nag-dinner pa ako at nagmasid kung paano mararating ang chapel. Lumampas ako nang dalawang beses--papunta at pabalik, kasi wala palang karatula ang St. Peter. Nakalimutan din ng mga drivers. Past 10 na ako dumating doon. Nagkuwentuhan kami ni Ma'am Vi sa loob ng mahigit isang oras. Past 11 na ako nakapagpaalam. Ala-una naman ako nakauwi. Naistorbo ko pa ang tulog ni Emily, naiwan ko kasi ang susi. Oktubre 20, 2019 Nag-gardening muna at nagpaligo ako ng aso bago ako humarap sa laptop upang gumawa ng youtube content. Hindi na ako mapakali. Gusto ko talagang maging full-pledged vlogger. Tamang-tama naman, nakapanuod kaming mag-anak ng palabas sa GMA tungkol sa vlog -- ang 'Pinaka.' Tinalakay rito ang mga pinaka-trending na vlog content. Nagkaroon tuloy ako ng idea. Na-inspire din ang mag-ina ko. Gabi, nag-bonding kami sa panunuod ng TV. Hindi na bale kung may training pa bukas, basta masaya. Oktubre 21, 2019 Naging matagumpay naman ang unang araw ng INSET. Alam kong maganda ang feedback mula sa mga kaguro at principal namin. Natuwa sila sa photo booth na ginawa namin. Hindi nga lang ako interesado masyado sa topic-- ang paggamit ng Adobe Animate. Siguro dahil hindi ako na-install-an ng app ang laptop ko. Gayunpaman, nakagawa ako ng youtube vlog. Nagamit ko ang lyrics ng Teachers Blues, gamit ang tono ng Estudyante Blues. Natapos ko iyon habang may discussion at workshop. Past 4 na kami umuwi. Antok na antok na ako. Tapos, ang tagal ko pa nakasakay. Past 5 na tuloy akong nakapag-leg workout. Pag-uwi ko, good news mula kay Emily ang natanggap ko. Napalitan na ng bagong antenna ang internet namin. Kaya pala tumigil na. Mabuti na lang naaksyunan nila. Makakapagbisnes na uli siya. Saka ang vlog namin, mas mabilis magagawa at mapopost. Oktubre 22, 2019 Muntik na akong ma-late kanina kasi hindi ko narinig ang alarm. Past five na ako nagising. Mabuti na lang 7:40, nasa school na ako. Second day ng INSET. Mental Awareness ang topic. Medyo boring. Inantok ako. Hindi rin ako nakagawa ng vlog. Ako pa naman ang photographer. Past 4:30 na kami nakalabas sa school. May ginawa pa kasi si Papang. Maaga-aga pa ako nakauwi kaya nakapagprint pa ako ng chapters 1-3 para maipasa ko na bukas. May dumating namang Vita-Plus dealer, na kinontak ni Emily, kaya nag-stay ako sa taas. Nakapaglinis tuloy ako nang hindi oras. Ayos lang naman dahil parang lumuwag ang kuwarto ko. Maiaakyat ko pa ang study table ko. Past ten na ako nakahiga. Nawala na ang antok ko. Oktubre 23, 2019 Past nine, tumakas ako sa INSET para makakuha ako ng baptismal certificate ni Ion, na kailangan niya sa first communion. Pagdating ko sa Our Lady of Sorrows Parish Church, kailangan pala ng ID. Nabuwisit ako. Daming arte. Kinailangan ko pa tuloy bumalik sa school. Doble pa ang pamasahe ko. Nakuha ko naman sa ikalawang balik ko. Mabilis-bilis din naman natapos. Nakabalik ako sa GES nang walang nakapansin sa aking pag-alis, maliban sa mga guard. Nakipaglaro ako kay Yohan, anak ni Mareng Lorie. Bahagi iyon ng pagre-reach out ko sa kanila. Gustong-gusto naman akong kalaro ni Yohan. Panay ang tawa. Ang maganda sa kanya, nakikinig siya sa mga payo at mga sinasabi ko. Naaliw ako sa kanya. Past 12:00 pumunta ako sa CUP para ipasa ang chapters 1-3. Naghintay ako ng mga bente minutos kay Dr. Ramos. Kausap niya pala ang kaklase ko. Third edition na ang chapters 1-3 niya. Hindi ako natakot. Confident ako sa gawa ko. I know, hindi masyadong ookrayin ang gawa ko. Nakabalik ako sa school bago nagsimula ang PM session. Mga #10000 lang ang nakakaalam ng pagpasa ko niyon. Mga 5 na yata kami nakauwi. Nag-OT si Ma'am Laarni sa talk niya. Nag-biceps at chests workout ako ngayon. Pagtitiyagaan ko ito. Kahit mabagal ang development, still development pa rin. Oktubre 24, 2019 Late akong dumating sa school, pero hindi pa naman ako late sa INSET. Nakalaro ko si Yohan ang anak ni Lorie. Natutuwa ako sa kanya kasi bibo siya. Tuwang-tuwa rin siya sa akin kasi ipinadarama ko sa kanya ang aking pagkagiliw. Kahit nga hindi na ako nakakapagpokus sa sinasabi ng speaker, okay lang, mapatawa ko lang siya. Nagpaalam ako kay Ma'am Laarni na eexit ako nang maaga para sa meeting ko kay Dr. Ramos, ang thesis professor ko. Pumayag naman siya. Exactly four, nasa CUP na ako. Wala akong kaba nang humarap ako sa kanya, kasi alam kong may edge ang chapters 1-3 ko. Hindi nga ako nagkamali. Nagustuhan niya ang gawa ko. Aniya, napansin niyang against ako sa Phil-IRI dahil hindi nito nasusukat nang tama ng reading proficiency ng bata. Bukod tangi raw ako sa mga thesis writer. Lalo akong naging confident. Naramdaman kong gusto niya akong makapasa sa colloquium at makagradweyt. Marami akong dapat baguhin, pero balewala iyon dahil alam kong maipagtatanggol niya sa da defense kapag pinahirapam ako ng ibang panelist. Ang nakatuwa, siya ang chairman. Ayaw niya akong maging advisee. Ibinigay niya ako kay Dr. Rivas, which is better sa tingin niya. Umuwi akong masaya at punong-puno ng pag-asa. Oktubre 25, 2019 Nakipagkuwentuhan ako kina Ma'am Vi at Ma'am Madz. Pero, hindi masyadong nakisali ng huli. Tamang-tama, gusto kong mag-privilege talk bago matapos ang INSET. Maipapahayag ko ang mga saloobin at hinaing ng faculty. Nakipaglaro uli ako kay Yohan. Tuwang-tuwa siya. Aliw na aliw rin ako. Then, nakapag-video pa kami para sa youtube vlog ko. Nag-Walang Kukurap Challenge kami. Nag-Walang Tatawa, Walang Lilingon, at Walang magsasalita Challenge. Past two, natapos ang closing program ng INSET. Nagtagumpay ako. Hindi ko man nasabing lahat, pero naipahayag ko ang pinakaimportante. Past 4, nag-bonding kaming #10000 sa KFC. Nanalo kasi si Ms. Krizzy sa raffle ng P500. Oktubre 26, 2019 Maaga akong bumangon kasi hindi na ako nakatulog pagkatapos kong magbanyo. Nag-revise na lang ako ng thesis proposal ko. After more than an hour, saka ako nag-almusal. Isinunod ko ang gardening. Then, bumalik ako sa paggawa pagkatapos magtanim. Ngayong araw, nakapag-upload ko ng tatlong videos sa youtube. Ang dalawa roon ay ang challenge namin ni Yohan kahapon--bawal kumurap at bawal tumawa. Umalis ang mag-ina ko bandang alas-singko. Pupunta sila sa pinsan ni Emily na galing sa Aklan. Natuwa ako kasi makakapagpokus ko sa gawain ko. In fact, natapos ko na ang bagong survey questionnaire. Oktubre 27, 2019 Nag-gardening muna ako bago ako humarap sa laptop para gawin ang revision ng thesis ko. Okay naman ang pagga-gardening ko. Nalinis ko ang harapan dahil walang mga tsismoso/tsisimosang kapitbahay. Nag-print ako ng ilang mga kakailanganin sa thesis ko. Nanghinayang din ako sa ikalawang questionnaire na ginawa ko. Nakahanap ako ng mas maganda. Gabi ko na iyon na-conceptualize, kaya hindi ko natapos at naiprint. Baka sa October 30 pa ako makapagpasa ng 2nd revision ko. Dumating ang mag-ina ko ng mga past 12. Tamang-tama, may dala silang ulam. Hindi pa naman ako diniliberan ng chinat ko sa SPV online tindahan. Past 2, umidlip ako. Nasira nga lang ang tulog ko nang pumasok si Emily sa kuwarto. Okay lang naman kasi kailangan ko nang madaliin ang paggawa ng thesis. Oktubre 28, 2019 Wala ako sa mood magturo kanina. Nagpaka-busy ako sa utos sa akin ng principal --ang pag-retrieve ng field trip permits. Mabuti na lang, hindi na naglipatan ang ibang advisers. Ipinagpatuloy ko rin ang paggawa ng thesis. Nag-draft akong questionnaire at written interview. Wala pa ring pagbabago ang VI-Love. Manhid pa rin sila. Hindi nga siguro sila magbabago. Ang tindi ng ingay at pagpapasaway nila. Kaunting kibot at salita ng isa, magiging sanhi ng away at iringan. Nakakasuya! Hindi ko na lamang sila pinagsalitaan. Tinititigan ko na lang sila. Kaya lang, waepek! Kay bagal pa bg oras. Nabagot ako sa kahihintay. Nakagawa tuloy ako ng youtube video. After class, nag-workout ako. Shoulders at triceps workout ang ginawa ko. Past 5, nasa bahay na ako. Agad kong hinarap ang thesis ko. Ast 8, nakapag-print na ako. Bukas, kapag nailagay ko na sa ring folder, ipaasa ko na kay Dr. Ramos. Excited na akong mag-colloquim. Bago ako natulog, nakagawa pa ako ng video tungkol sa ASMR. Printing ang content. Naipost ko kaagad ito sa youtube. I hope, magawa pa ako ng maraming videos kahit hectic ang schedule ko. Oktubre 29, 2019 Nagsimula na ang 2nd grading test kanina. Sa halip na mapahinga ako sa pangungunsumi, ganoon pa rin pala. Nakapagsalita tuloy ako. Sabi ko, hindi ko tatanggapin ang mga nilista ko o ako ang aabsent bukas. Nakakainis kasi. Nagte-test sila pero nagkukuwentuhan. Hindi ko nga tinanggap ang mga papel nila. After class, umidlip ako. Inantok ako habang nanunuod ng youtube videos at habang naghihintay ng meeting with the principal. Tungkol sa NAT ang meeting. Dagdag trabaho na naman. Nakakainis! Gayunpaman, nagpakita ako ng willingness to help. Maganda naman kasi ang approach at intention ni Ma'am. May paburger pa siya. Past 2:45 na natapos ng meeting. Bumili muna ako ng tinapay sa Red Ribbon at pineapple drink sa Shopwise para ipasalubong kina Dr. Ramos at Dr. Rivas, mga advisers ko sa thesis. Matagal-tagal din akong naghintay na matapos siya sa kanyang pakikipag-usap sa kaklase ko. Mas matagal pa ang paghihintay ko kaysa sa pag-uusap namin. Tiningnan niya lang ang revision ko. Binuklat-buklat. Sabi niya, "igo-Go ko na ito. Ready ka na sa 9?" Humindi ako. Alanganin. Wala pang pera. Hindi ako nagtanong kung bakit nagbago. Dapat November 23 pa ako. Sa November 16 na lang niya ako iniskedyul. Tinanggap ko na. Excited na ako, e. Sinamahan niya ako sa clerk. Sinabihan niya na isama ako sa defense sa November 16. Binigyan din ako ng instruction-- about slides, payment, at iba pa. Natuwa naman ako sa mabilis na resulta ng aking effort. Nag-chest at biceps workout ako sa AF bago umuwi. Nabad-trip lang ako sa sumbong ni Emily tungkol kay Ion. Mas problemado pa siya kaysa sa akin. Ako nga, hindi nagsusumbong sa kanya sa problema ko sa 40 pupils ko. Ang kanya, isa ang. Anak naman niya. After dinner, nag-ready ako ng request letter na papipirmahan ko sa dean o kaya sa president ng school. Oktubre 30, 2019 Kaunti lang ang mga estudyante ko. Hindi nga pumasok ang ilang nilista ko kahapon. Hindi kasi nila siniseryoso ang test, kaya dapat lang na huwag na silang magtest. Nagawa ko silang patahimikin kanina. Hindi tulad kahapon, late ko nang nagawa. Pero, may mga nilista pa rin ako. Sila ang pinaglinis ko ng classroom. Pinapunasan ko ang bintana at pinag-mop ko ng sahig. After dismissal, nag-organize ako ng mga gamit ko. Hindi ko man natapos, at least may nagawa ako bago ako nag-leg workout. Hindi na muna ako pumunta sa CUP. Ayon kasi kay Ma'am Edith, after colloquim na ako magpapapirma ng request letter. Kailangan munang maaprub ang questionnaire ko. Past 6:30, nakauwi na ako. After dinner, sinimulan ko ang paggawa ng NAT reviewer sa Filipino. Walang pasok bukas. Gusto ko pa sanang magpuyat, kaso antok na ako. Oktubre 31, 2019 Nagbabad ako sa higaan. Ang sarap talagang matulog. Nakaka-recharge. After breakfast, lumabas ako para mag-gardening. Tinabas ko na ang mga sanga ng blue ternatea ko, pero hindi ko nilahat. Nanghinayang ako sa mga ibibigay pa nitong bulaklak at bunga. Nag-video ako para sa vlog. Tinulungan ako ni Zillion. Then, naglinis ako ng doghouse at ng aquarium tank. Pinaliguan ko na rin si Angelo. Tanghali na nang harapin ko ang laptop para ituloy ang NAT reviewer. Pero bago iyon, gumawa muna ako ng draft ng school paper, na ipakikita ko kay Ma'am Laarni. Gusto kong matulungan niya ako sa pag-distunguish ng mga articles na ilalaman ko. Mahihikayat niya rin ang mga guro na tulungan ako. Past 2:30, umalis ang mag-ina ko. Sinamantala ko naman iyon para matulog. Past 4 na ako bumangon para magmeryenda. Pagkatapos, nag-edit na ako ng video. Hindi nagtagal, naipost ko na sa youtube ng 'Blue Ternatea Rice.' After dinner, nanunod kami ng 'Stolen Princess.' Isang magandang animation. Nanuod din ako ng Play or Die, nang umakayat na ang mag-ina ko. Hindi ko nga lang natapos dahil inantok na ako.

Saturday, October 5, 2019

1. Yosi-Kadiri

Ikaw, yosi-kadiri, yosi ka nang yosi. Hithit ka nang hithit. Buga ka nang buga! Hindi ka naman siguro tanga para hindi mo malamang nakasasama sa kalusugan ang usok ng sigarilyo. Alam mo rin siguro na mas  delikado ang secondhand smoke o usok. Kaya sa bawat pagbuga mo, marami ang naaapektuhan. Sana kung gusto mong patayin sa sakit sa baga ang sarili mo, sarilinin mo na lang ang usok. Huwag mo nang ibuga. Lunukin mo. Huwag ka nang mandamay pa ng kapwa. Gusto naming mamuhay nang matagal at maligaya. 

Sige, yosi pa. Gusto mo `yan, e. Bili ka na lang ng TV Plus o magpakabit ka ng cable para sa TB mo. 



2. Palamura

Ikaw, bata ka. Bakit ba mura ka nang mura? Maganda bang pakinggan ang "putang ina ka"? Hindi naman, `di ba? 

O, bakit ka mura nang mura kahit wala ka na namang kaaway? Style mo lang? Nakasanayan mo lang? O baka naman iyan ang paikakain sa `yo ng mga magulang mo. Sana hindi...

Sigurado ako, hindi mo sa paaralan iyan natutuhan. 



3. Pagdadaldal sa klase

Hoy, bakit ang daldal mo?

Para kang palaka. Kokak nang kokak. Para ka ring manok, putak nang putak. Tingnan mo ang bunganga mo, mukha nang puwet ng manok.

Nakakarindi kasi ang ingay at daldal mo. Wala namang kapararakan ang mga sinasabi mo. Nadadamay mo pa ang mga kaklase mong gustong matuto.

Sana huwag ka na lang pumasok. Doon ka sa inyo, dumaldal. O kaya sa kalye, kasama ang mga tsismosa mong kabarangay.

Kapag tinanong mo, hindi makasagot. Makasagot man, ang hindi ng boses. Talo pa ng ipis.

Ano? Daldal pa? Kala mo naman kikita ka sa kakadaldal mo. Hindi ka naman sina Kris Aquino at Boy Abunda, na may sense ang mga salita.

Kapag hindi ka pa tumigil, ipapakain kita sa pating. 

Saturday, September 28, 2019

Hindi Ko Kayo Mahal

Hindi ko kayo mahal
Huwag kayong maniwala na
Mahalaga kayo sa akin
Tandaan ninyo
Mga estudyante ko lamang kayo
Hindi tayo magkakadugo
Hindi ko kayo kapamilya
Huwag ninyong isiping
Mahal ko kayo.
Hindi totoo iyan
Pumapasok lang kayo
Mag-aaral ko lamang kayo
Kapag wala kayo, wala ako
Mga estudyante ko lang kayo
Grades lang ang maibibigay ko sa inyo
Guro lang ako
Huwag ninyong isipin na
Mananatili kayo sa puso ko
Mamahalin at ituturing na mga anak
Kasi ang nararapat sa inyo'y
Pagagalitan
Mumurahin
Sasaktan
Ibabagsak
Hindi
Ko kayo
Iingatan
Dadamayan
Maniwala kayo
Iyan ang katotohanan
kaya ko kayong tiisin
Hindi naman totoong
Nalulungkot ako
Nagtatampo ako
Nasasaktan ako
Iniyakan ko kayo
Ang totoo
Wala na akong pakialam sa inyo
Hindi totoong
Mahal ko talaga kayo
Ang totoo niyan
Wala kayong kuwenta
Kaya huwag ninyong isipin na
Mahal ko kayo
Mga estudyante



------
*Reverse Poetry
(Read upward)

Friday, September 27, 2019

Pasalamat sa Araw ng mga Guro

Pasasalamat sa Araw ng mga Guro


Kay sarap maging guro
kung ang mga bata ay hindi lang bibo,
kundi mga disiplinado.

Kay sarap maging guro,
kung ang mga mag-aaral ay may respeto.
at hindi nananakit ng kapwa-tao.

Kay sarap magturo
kung mga estudyante'y determinado
at nakapokus sa pagkatuto.

Kay sarap magturo
kung ang edukasyo'y pinahahalagahan ninyo
at sa bawat gawai'y nilalagyan ng puso.

Kay sarap maging guro,
kung ang mga mag-aaral ko'y ganito--
mga matatalino at talentado.

Maraming salamat sa inyo!
Kayo ang dahilan ng aking pagkaguro.
Magkakaiba man, tanggap ko kayo.

Kay gandang maging guro
lalo na't ang mga magulang ay narito--
sumusuporta't nakikiisa sa Gotamco.

Kay gandang maging guro
kung ang mga katulad ninyo
ay may pang-unawa sa mga guro.

Kay gandang maging guro
dahil katuwang namin kayo
sa pagpapabuti ng mga kabataang ito.

Kay gandang maging guro
sapagkat kayo'y maaasaha't aktibo,
lalo na sa mga sandaling ito.

Kay gandang maging guro,
kapag kayo'y laging positibo
na mga bata'y, sa landas `di liliko.

Maraming salamat sa inyo!
Kayo ang kauna-unahang guro
ng mga batang nais matuto.

Kay sayang maging guro
kapag may masayang grupo
at mga masayahing kaguro.

Kay sayang maging guro
dahil may samahang buong-buo,
at dahil kayo ang pamilya ko.

Kay sayang maging guro
kung walang lamangan, alitan, at gulo,
sa kaunting gusot, agad nagkakasundo.

Kay sayang maging guro,
sapagkat nagtutulungan tayo,
kaya mga asset tayo ng gobyerno.

Kay sayang maging guro
lalo na't wala pader na namumuo,
kaya ang lahat ay nakakahalubilo.

Maraming salamat sa inyo!
Kayo ang rason kung bakit narito ako--
determinadong maging produktibo.

Kay rangal maging guro
dahil may isang mabuti punungguro,
isang pinunong matatawag na idolo.

Kay rangal maging guro
lalo na't kayo'y may mabuting motibo
na mabuti ang paaralang ito.

Kay rangal maging guro
`pagkat kayo'y balanse at totoo,
at may hangaring makatao.

Kay rangal maging guro
lalo na't may maaasahang pinuno
malalapita't makikinig sa `yo.

Kay rangal maging guro
dahil sa paggabay at suporta ninyo
sa bawat naming perspektibo.

Maraming salamat sa inyo!
Kayo ang dahilan ng pagkakaisa rito
at patuloy na magandang pagbabago. 

Maraming sa lahat ng mga narito!
Naging memorable ang Araw ng mga Guro
dahil sa pakikiisa at pagdalo ninyo.









Negative O. -- Bigkas at Baybay

Kung ano ang bigkas, siya ring baybay.

Hindi rin!

Ang salitang 'lalaki' ay hindi naman binibigkas gaya ng pagkakabaybay. Binibigkas ito ng ganito: 'lalake.'

Naisip ko nga, baka ito ang dahilan kaya may mga lalaking tigasin ang panlabas na kaanyuan, pero malambot pala.

Just saying.

Saturday, September 21, 2019

Numero Lang Iyan

"Halika nga rito, Uno!" galit na tawag ng ina. Kararating pa lamang nito mula sa paaralan. Hawak-hawak nito ang card ng anak.

"Dos, dito ka muna, ha? Maglalaro uli tayo mamaya," sabi ni Uno sa nakababatang kapatid. Pagkatapos, nakayuko siyang lumapit sa ina. "Bakit po?"

"Ano ka ba naman, Uno? Bakit ang bababa ng grades mo? Line of seven lahat. Blangko ka pa sa English at Mathematics. Diyos ko, saan ba ako nagkulang?"

Hindi makatingin si Uno sa kanyang ina. 

"Mag-aral ka namang mabuti, Uno. Nagtratrabaho kami ng Papa mo para mapag-aral kang mabuti at mabigyan kayong magkapatid ng magandang kinabukasan. Sana ikaw rin. Maging masipag ka at magsikap sa pag-aaral. Kahit matataas na grades na lang, masaya na ako... Noong nag-aaral ako, hindi ganito ang mga grado ko."

Nagsisimula nang tumulo ang mga luha ni Uno.

"Mahalaga ang grado, Uno. Huwag mo namang sayangin ang pinangpapaaral ko sa `yo. Naunawaan mo ba?" Dumukwang ang ina kay Uno at itinangala nito ang kanyang baba. 

Noon lamang nagtagpo ang mga mata nilang mag-ina.

"Opo," nahihiyang sagot ni Uno. Nagpunas din aiya ng luha.

"Anong opo? Opo lang ba?"

"Mag-aaral na po ako nang mabuti."

"Sige, tama na ang laro. Magbasa ka. Hayaan mo na ang kapatid mo. Doon ka sa kuwarto."

Mabilis na tumalikod si Uno at tumakbo patungo sa kuwarto.

Nilapitan ng ina ang bunsong anak. 
"Dos, laro ka lang dito, ha?! Si Kuya Uno, nasa kuwarto lang."

Tumango lang ang anak.

Naupo ang ina sa sofa at pinagmasdan ang card ni Uno. Gusto niyang maiyak dahil sa kabiguan, pero naalala niya ang mga sandaling nagkukuwento sa kanya si Uno.

"Mama, bertdey po ng kaklase ko bukas. Magbaon po ako ng maraming kanin at dalawang itlog. Bibigyan ko po siya para masaya po siya."

Napangiti ang ina sa alaalang iyon. Makulit ang kanyang anak, pero naisip niyang napakabuti ng kalooban nito.

"Mama, alam mo po ba? Ang kaklase ko, kawawa kasi wala siyang baon," sabi ni Uno.

"O, ano ang ginawa mo?"

"E, `di ba po, may baon akong sandwich at binigyan mo pa po ako ng beynte? Binigyan ko po siya ng limang piso para makabili siya ng soup."

Napangiting muli ang ina sa kanyang naalala.

"Mama, ang kaklase ko po... laging masakit ang kamay," kuwento ni Uno.

"Bakit daw?"

"Ewan ko po. Basta po, pinagsusulat ko po siya para gumaling na po ang kamay niya at para hindi pagalitan ni Ma'am."

Napangiting muli ang ina.

"Mama, paglaki ko, bibilhan kita ng kotse. Ayaw ko po kasing nahihirapan ka sa amin ni Dos kapag umaalis tayo," sabi ni Uno.

Nagpahid ng luha ang ina ni Uno dahil sa alaalang iyon.

"Mama, maglaba ka lang po riyan. Ako na po ang bahala kay Dos. Maglalaro lang po kami para hindi po siya umiyak," sabi ni Uno.

Muling pumatak ang luha ng ina dahil sa pagiging responsableng anak at kuya ni Uno.

"Mama, mag-iipon na po ko para makasal na kayo ni Papa sa simbahan," sabi ni Uno.

Yumugyog ang mga balikat ng ina dahil sa mataas at malawak na pag-iisip ni Uno. Natutuwa siya dahil parang matanda na nagkatawang-bata lang ang kanyang anak. 

Naalala tuloy niya ang kanyang lolo.

"Wow, Daisy, ang tataas ng grades mo!" bulalas ng lolo niya nang ipakita niya ang kanyang card. "Siguradong aakyat na naman sa entablado ang Mama mo."

"Siyempre po. Nag-aral po kasi ako nang mabuti."

"Mahusay! Pero, Daisy, tandaan mong ang grado ay numero lang. Ang mahalaga, may natututuhan ka sa paaralan na magagamit mo sa buhay."

"Opo, Lolo!"

Muli niyang tiningnan ang mga grades ni Uno sa card. Nagsisi siya sa pagpapagalit niya sa anak.

Nang umiyak si Dos, saka lamang natigil ang ina sa pagluha.

"Bakit, Dos? Gutom ka na ba? Halika."

Inasikaso ng ina ang bunsong anak. Pagkatapos, naghanda na siya ng hapunan. Hindi pa rin mawala sa isip niya ng mga salitang binitiwan niya sa anak. Gusto niyang bawiin ang mga iyon.

Kinabukasan, Sabado iyon, pinuntahan ng ina si Uno.

"Uno, gising ka na ba?" 

"Opo! Good morning, Mama!" bati ni Uno.

"Good morning! Kumusta ka na, Anak? Nakatulog ka ba nang mahimbing?" Nakatago sa likuran ng ina ang card ni Uno.

"Opo."

"Mabuti naman kung ganoon."

Mama, alam mo ba naiiyak ako kagabi habang nagdarasal ako," kuwento ni Uno sa ina.

"Ha, bakit naman?" 

"Sabi ko po kasi Papa Jesus, sana tumalino na ako para hindi na nagagalit sa akin si Mama. Ang bobo ko po kasi, e. Marunong naman po akong magbasa... kaunti, pero mababa pa rin grades ko."

Noon lamang inilabas ng ina ang card. Hindi na rin niya naitago ang kanyang luha.

"Anak, numero lang ang mga ito."

"Po?" Bumangon si Uno at tiningnan ang kanyang card.

"Sorry, Anak, kung lagi kitang napapagalitan. Gusto ko lang namang lumaki kang matalino at may magagandang ugali."

"Opo, Mama."

"Kaya, okay lang kahit hindi mataas ang grades mo basta maging mabuting bata ka lang. Masaya ako kasi mabait ka sa mga kaklase mo at sa amin, na pamilya mo. Proud na proud ako sa `yo, Uno." Niyakap niya nang mahigpit ng anak. "Salamat, Anak!"

"Salamat po, Mama!"

Friday, September 13, 2019

Ang Kambal

Tuwing nagsisimba ang buong pamilya, parehong-pareho ang suot na bestida nina Fiona at Riona.

"Wow, ang kambal, magkaterno na naman!" bati sa kanila ni Aling Guada.

"Tinahi po ito ni Mama," sagot ni Fiona.

"Ito namang laso namin, binili ni Papa," sabi ni Riona.

"Ay, talaga!? Ang gaganda niyo talaga at ang saya ng inyong pamilya," sabi ng matanda.

Tuwing papasok sina Fiona at Riona sa eskuwela, magkamukhang-magmukha sila.

Parehong mapuputi ang kanilang mga blusa. Magkasinghaba ang kanilang mga palda. Magkasingkintab ang mga sapatos nila. Parehong puting-puti ang mga medyas nila. Pareho ang kulay ng mga laso nila. Pareho rin ang mga bag nila.

"Babay, Mama! Babay, Papa!" paalam ng dalawa. Kakaway pa sila bago pumasok sa paaralan nila.

"Magandang umaga, Kambal!" bati ng guwardiya.

"Magandang umaga, Kuya!" sabay na bati ng dalawa.

"Hindi ko na naman kayo makilala. Ikaw si Fiona? Ikaw si Riona?"

Natawa muna ang dalawa.

"Hindi po," sagot ni Riona.

"Ako po si Fiona."

Araw-araw, hinuhulaan ng guwardiya kung sino si Fiona at kung sino si Riona. Madalas, mali ang hula nito, kaya madalas natatawa na lamang sila.

Sa silid-aralan, madalas ding mapagkamalan si Fiona na si Riona. Minsan, si Riona ay nagiging si Fiona.

"Riona... Fiona, paano ko ba kayo makikilala?" tanong ni Binibining Pamela.

"Ako po si Fiona."

"Ako naman po si Riona."

Tiningnan ni Binibining Pamela ang kambal na magkamukha talaga, pero kumunot lang ang noo niya. "Sige na, upo na. Pagdating ng araw, saka ko kayo makikilala."

Pinagmasdan ng guro sina Fiona at Riona habang may kinokopya. Parehong kanang kamay ang ginagamit sa pagsulat ng dalawa. Magkapareho ang mga kilos nila. Gayunpaman, hindi nawalan ng pag-asa si Binibining Pamela. Sa mga susunod na araw, makikilala rin nito ang dalawa.

Sa bahay, sabay na nag-aaral sina Fiona at Riona. Nagtutulungan silang sagutan ang mga takdang-aralin nila. Pagkatapos, kukuha sila ng tig-isang libro at sila'y magbabasa.

Sa mga gawaing-bahay, ang paghuhugas ng mga plato ang paborito nila. Tuwang-tuwa kasi sila sa bula. Mas hilig ni Fiona ang pagwawalis sa sala. Si Riona naman ay wiling-wili sa pagwawalis sa hardin nila. Minsan, tumutulong sila sa kanilang ina sa paglalaba. Minsan din, nanonood sila sa niluluto ng kanilang ama.

Sa hapag-kainan, pasalit-salit sa pagdarasal sina Fiona at Riona. Hindi rin nila nakalilimutang maghugas ng mga kamay nila.

Bago matulog, sabay silang maghuhugas ng mga katawan nila, magsipilyo ng mga ngipin nila, at magpapalit ng mga pantulog nila. At siyempre, magdarasal muna sila bago mahiga.

"Panginoon, salamat po sa mga natanggap naming biyaya," simula ni Fiona.

"Salamat po sa pagmamahal ng aming ina at ama," pagpapatuloy ni Riona.

"Lagi mo po silang gagabayan."

"Lagi mo po silang iingatan."

"Mahal na mahal namin sila," sabi ni Fiona.

"Patawarin mo kami sa aming mga kasalanan," sabi ni Riona.

"Amen," sabay silang dalawa.

Paggising, hindi nila nakakalimutang magligpit ng mga unan at kumot nila. Sabay silang iinat-iinat. Sabay silang hihikab-hikab. Sabay silang magpapasalamat sa Diyos at sabay na magmumumog.

"Good morning, Mama!" sabay nilang bati sa kanilang ina.

"Good morning, Fiona at Riona!"

"Mama, bakit malungkot ka?" tanong ni Fiona.

"Saan po si Papa?" tanong ni Riona.

Humagulgol ang kanilang ina, pagkatapos ay niyakap silang dalawa.

Linggo ng umaga, tatlo na lang silang nagsimba.

"Wow, ang gaganda naman nitong anak mo, Leona!" bati ni Aling Guada.

"Opo! Salamat po! Magsisimba po kami at magdarasal sa Ama."

"Nasaan si Lino? Bakit hindi ninyo kasama?"

"Umalis po," sagot ni Leona. "Dito na po kami, Aling Guada."

"Babay, Fiona at Riona! Ipagdasal ninyo ako, ha?"

"Opo!" sagot nina Fiona at Riona.

Pagkatapos, mabilis silang hinila palayo ng kanilang ina.

Lumipas ang mga araw, marami ang nakapansin sa hindi madalas na magkasama sina Fiona at Riona.

"O, nasaan ang kapatid mo?" nagtatakang tanong ni Aling Guada nang bumili si Fiona ng mantika.

"Kasama po si Papa."

"Nasaan ba sila?"

"Ewan ko po," sagot ni Fiona.

"Ha?" Nagtataka pa rin si Aling Guada.

Lumipas pa ang mga araw, tuluyan nang hindi lumalabas ng bahay si Fiona. Naaalala niya si Riona. Miss na miss na niya ang kakambal niya. Gusto na niyang maglaro sila ng manika. Gusto na niyang magbasa sila. Gusto na niyang magkasabay sila sa pagligo, sa pagtulog, at sa pagpapakain ng mga alaga nilang isda.

Isang araw, nagkasakit si Fiona. Isinugod siya ng ina sa hospital.

"Mama, pupunta ba rito sina Papa at Riona?" tanong niya.

Kumibit lang ang balikat ng ina.

"Alam kaya ni Riona na may sakit ako?"

Umiling lang ang ina.

"Mama, sabay ba kaming magkasakit ni Riona?"

"Mama, kailan kaya uli tayo magsisimba?

"Mama, mahal mo pa ba si Papa?"

Sunod-sunod ang tanong ni Fiona, pero pagluha lang ang naging sagot ng kaniyang ina.

Bago natulog si Fiona nang gabing iyon, nagdasal siya. "Panginoon, salamat po sa mga natanggap naming biyaya. Salamat po sa pagmamahal ng aking ina, ama, at kapatid. Lagi mo po silang gagabayan. Lagi mo po silang iingatan. Mahal na mahal ko po sila. Sana magkakasama na po uli kaming apat. Patawarin mo kami sa aming mga kasalanan. Amen."

"Good morning po sa inyo!" bati ng nars sa mag-ina. "May bisita po kayong dalawa."

Nang sumungaw sa pinto ang bisita, halos mapalukso si Fiona sa kama. "Papa, Riona!"

Niyakap ng mag-ama si Fiona.

"Kumusta ka na?" tanong ng ama.

"Mabuti na po... Mabuti po, bumalik na po kayo ni Riona."

Tiningnan ng ama sina Riona at Leona. Miss na miss nila ang isa't isa. "Oo, Fiona. Sorry, nagkaproblema lang kami ng Mama mo," sagot ng ama.

"Paano na po kami ni Riona?" 

Saglit na nag-isip si Lino. Tiningnan nito isa-isa ang mga anak at asawa. "Sa Linggo, buong pamilya tayong magsisimba. Fiona at Riona, lagi na kayong magkakasama at hinding-hindi na magkakahiwalay pa."

"Yehey!" sabay na sigaw nina Fiona at Riona.

Naluha sa tuwa si Leona. Lumakas bigla si Fiona.

Hinila naman ni Riona ang ama at ina para magyakap-yakap sila. 



Thursday, September 12, 2019

Hindi Na

Hindi na ako magagalit

Kapag ayaw mong tumahimik.


Hindi na ako sisigaw

Upang patigilan ka sa paghiyaw.


Hindi na lang ako kikibo

Kapag pagdadaldal ang gusto mo.


Hindi na rin ako magtatampo

Kung ayaw mong makinig at matuto.


Hindi na lang ako iimik

Kapag ayaw mong manahimik.


Hindi na ako malulungkot

Kahit ugali mo ay nakayayamot.


Hinding-hindi ako iiyak

Kung ang mga grado mo ay bagsak.


Hindi na ako magmamalasakit

Dahil sa sarili mo nga ito'y ipinagkakait.


Wednesday, September 4, 2019

Ang Aking Journal -- Setyembre 2019

Setyembre 1, 2019 Nag-gardening uli ako pagkatapos mag-almusal. Marami akong nagawa. Nag-transplant. Nagtanim. Nagdagdag ng lupa. Naglipat ng mga paso. Ibinilad ko rin ang mga halaman ko sa kuwarto.Pagkatapos mag-gardening, binalak kong mag-print ng zines. Kaya lang, nagkaproblema ang printer ko. Hindi kinakain ng machine ang bond paper. Nakailang testing ako, pero ayaw talaga. Ngayon pa talaga nag-malfunction. Nakakainis!Nag-color na lang ako sa Mandala book. Pero, naabala rin dahil sa sakit ni Emily. Masakit daw ang dibdib niya at hindi siya makahinga. Inasikaso ko muna. Hinilot. Nilagaan ng luya. At iba pa.Ako ang nangusina ngayong araw. Hindi na naman ako halos nakagawa ng mga gusto ko, like pagsulat. Gayunpaman, nagawa ko pa ring sumulat ng isang sanaysay. Iyon ay nang okay-okay na siya. Nakapag-journaling na rin ako, bandang gabi. Setyembre 2, 2019 Nasa training na naman ako ngayong buong araw. Sa JRES naman kami. Inantok lang ako, pero hindi naman gaanong nakaidlip dahil kinailangan kong tumulong sa pagti-train. Hindi rin ako nakapagsulat. Past 4 na ako nakabalik sa school, kasama ang mga trainees.Past 5, saka lang ako nakapag-workout. Back and shoulder ang tinira ko. Hindi ko masyadong nakagalaw dahil parang andaming tao. Nahihiya ako. Lahat halos may personal trainer. Ako lang ang wala.Past 8:30, nasa bahay na ako. Setyembre 3, 2019 Laban na ng group categories, sports writing, at photojournalism. Walong bata ang dala namin nina Ma'am Irika at Ma'am Karen sa JRES. Napaaga kami roon. Matagal pa bago nagsimula. Pero, okay lang, kahit paano naaliw naman kami sa paghihintay.Nakakainip at nakakapagod lang ang sobrang tagal na paghihintay. Past 4 na natapos ang collab. Saka lamang kami nakauwi. Quarter to five na ako nakapag-gym. Past eight na tuloy ako nakauwi.Masama na naman ang pakiramdam ni Emily, kaya inasikaso ko pa bago ako nakapagplantsa at nakapaghanda ng instructional material. Bumuti-buti naman ang pakiramdam niya pagkatapos kong ipasingaw sa kanya ang usok ng pinakuluang lemon. Setyembre 4, 2019 Nagturo na ako kanina, maliban sa advisory class ko. Naiinis kasi ako sa kanila. Andaming sumbong tungkol sa kanilang pagpapasaway nang wala ako. Hindi ko sila kinibo. Mabuti na lang, nagpalitan kami ng mga klase. After class, nag-lunch agad ako, then umuwi. Naawa kasi ako sa kalagayan ni Emily. Before 4, nakauwi na ako. Okay naman siya. Need niya lang magpa-check up. Nakapag-print na ako ng DLL, IMs, at zines ko. Naayos ko rin sa wakas ang printer. Kaya lang, may dotted lines ng printouts. Gayunpaman, itinuloy ko pa rin ang printing para nakabenta ako ng zine. Dumating si Epr bago mag-five. Setyembre 5, 2019 Sa JRES ginanap ang 40th Pasay City Schools Press Conference and Contests. Before eight, nandoon na kami. Antagal naming naghintay sa pagsisimula. At nang magsimula na ang individual contests, isang mahabang paghihintay na naman ang naganap. Nagutuman na nga ako. Mabuti na lang may burger. Pero, para akong tratrangkasuhin. Masakit ang katawan ko. Past one na kami nakabiyahe pabalik sa school. Wala na akong ganang kumain. Mabuti na lang, nakasabay ko Sina ma'am Vi at Ma'am Madz. Kakain sila. Sumabay na ako. After niyon, kahit masama na ang pakiramdam ko, nag-gym pa rin ako. Binigyan ako ng libreng PT. Biceps at back ang tinira niya sa akin. Kahit paano naibsan ang sakit ng kalamnan ko. Wala na si Epr nang dumating ako. Kumuha lang pala ng barangay clearance. Akala ko titira na uli sa amin, hindi pala. Setyembre 6, 2019 Confirmed, may trangkaso nga ako. Nilamig ako nang makahawak ako nang tubig. Hindi ako naligo, pero pumasok pa rin ako bilang school paper adviser. Kailangan ako sa awarding ceremony ng journalism. Wala ako sa mood makipag-usap. Wala rin akong ganang kumain. Hindi ko nga naubusan ang ikalawang nilagang saging. Then, dahil masakit ang likod ko, nahiga ako. Mabuti, nasa ibang room ang iilang estudyante ko. Napaaga pa kami ng punta ng JRES. antagal bago nagsimula. Kaya naman, anatagal ko ring nag-suffer sa sakit ng katawan. Gustuhin ko mang mahiga, hindi maaari. Past 12 na natapos, ang awarding. Sa Jollibee, after kung kumain ng macaroni soup, nahiga ako. Kahit paano gumaan ang pakiramdam ko. Inasikaso ako ni Ma'am Irika. Binilhan ako ng Biogesic, sterilized milk, at tubig. Pagkatapos, bumiyahe na ako pauwi. Nakauwi naman ako nang ligtas. Mabuti na lang nakauwi ako kaagad kasi nag-diarrhea ako nang twice. Kaya pala humihilab ang tiyan ko kanina pa. Nagpahinga ako. Masakit ang ulo ko. Masakit din ang mga biceps ko. Hindi ko alam kung bahagi ito ng workout o talagang nasobrahan. Ang masaklap, may trankaso rin si Emily. Katatapos lang lagnatin ni Zillion kahapon, tapos kami na naman. Ano ba ito? Setyembre 7, 2019 Kulang ako sa tulog dahil sa trangkaso. Nilamig at nanginig pa nga ako sa kalagitnaan ng madaling araw. Maghapon din akong nag-suffer sa pananakit ng ulo ko. Wala naman akong lagnat, pero ang bigat ng pakiramdam ko. Ginusto ko namang tumayo para makagawa ng mga gawaing-bahay, hindi ko naman nagawa lahat. Naghihintay na sa akin ang mga halaman. Mabuti na lang, medyo gumanda na ang pakiramdam ni Emily. Masakit lang ang kanyang likod. Kailangan niyang magpahilot. Gayunpaman, nangangamba akong baka hindi ako makapasok sa Lunes. Hindi na naman nga ako ngayon nakapasok sa masteral class ko. Naisip ko tuloy na huwag ko na lang ituloy, since wala pa akong budget para sa thesis. Setyembre 8, 2019 Wala akong tulog kagabi, hindi lang dahil sa matinding sakit at kirot ng ulo ko, kundi pati ang ingay ng mga lalaking kapitbahay na nag-iinuman at naghahalakhakan magdamag. Idagdag pa ang tahol ng mga aso dahil sa kanila at sa pabalik-pabalik o pagmomotor nila. Gayunpaman, bumangon ako at natulog uli sa baba. Kahit paano nakaidlip ako. Pagkatapos mag-almusal, naisipan kong kumilos para hindi ko maramdaman ng sakit ng ulo ko. Hindi ko nga naramdaman habang nagga-gardening ako. Naglaba rin ako maghapon dahil hindi pa puwede si Emily. Wala na kaming susuutin ni Ion. Napagod ako pero hindi ko naramdamang bumalik ang trangkaso ko. Tuluyan nang nawala ang bigat ng ulo ko. Unti-unti ko na ring naiuunat ang mga braso ko. Thanks, God! Setyembre 9, 2019 Pumasok ako kahit hindi pa ako gaanong magaling para masamahan ko ang kalahok ko sa 'Iispel Mo,' pansangay na patimpalak sa pagbabaybay. May meeting din ako sa SDO. At ang pinakamahalaga, pinatawag ako at si Ma'am Joann sa LRC para sa revision ng manuscripts namin. Past 8, nagsimula na ang patimpalak. Bumilib ako sa husay ni Bench. Dalawa ang mali niya sa easy round, gayundin sa average round. Kaya lang, humina siya sa difficult round. Magaling siya, pero mas magaling ang nanalo. Halos wala itong mali. Hindi naman kami ang kulilat, kaya masaya pa rin ako. Kumain muna kami bago bumalik sa school. Nagkakagulo ang VI-Love ko at halos lahat ng section dahil naniwala sila sa biruan namin ni Ma'am Vi, na lilipat na ako ng ibang school. Nag-iiyakan na ang iba. Yumayakap na rin ang iba. Nakakatuwa, pero naiinis ako sa ingay at gulo nila. Past 1:30, nasa LRC na kami ni Ma'am Joann. Natutuwa akong malaman, na dumaan sa judging ang aming mga entries. Hindi pala basta pinili lang. At napakasaya ko dahil nakuhang lahat ang mga kuwento namin. Inihanda namin ang iba pang requirements para maipasa na iyon sa regional office bukas. Mabuti, pumayag si Ma'am Laarni na hindi na ako dumalo sa meeting. Nakausap pa namin ang isa sa mga nag-judge-- si Dr. E. Ramos. Hindi matatawaran ang kaalaman niya sa wika. Past 6 na kami natapos sa LRC. Nakakapagod pero feeling fulfilled. Past nine ako nakauwi sa bahay. Setyembre 10, 2019 Umasa akong suspended ang klase dahil sa ulan, pero hindi. Nakarating ako sa school bago ang time. Kakaunti ang estudyante. Kahit disppointed humarap pa rin ako sa lahat ng klase. Nagpasulat ako ng sanaysay tungkol sa mga guro, gamit ang pang-uri. Hindi ko naman masyadong pinapansin ang advisory class ko. Hindi naman nila ipinakikita ng pagbabago nila. Akala ko totoong nalulungkot at naiiyak sila nang malaman nilang lilipat na ako sa ibang school, paimbabaw lang pala. Kagaya rin sila ng mga pupils ko last school year. After lunch, umalis agad ako sa school. Nag-leg workout ako sa AF. Wala pang isang oras, umuwi na ako, para naman magawa ko ang activity proposal ng Teachers' Month, na ipinagagawa sa akin ni Ma'am. Na-traffic lang ako, late na ako nakapagsimula. Hindi ko masyadong pinansin si Emily. Sana na-gets niya ang sinabi ko kanina sa chat. Kako, "Sa susunod kong sahod, ibibigay ko na sa 'yo lahat, ha. Hihingi na lang ako ng allowance ko, araw-araw." Hindi siya nag-reply. Hirap na hirap na ako sa pagba-budget at pabibiyahe araw-araw, pero madalas siya pa ang may sakit. Noong Linggo, kahit may sakit ako, naglaba ako. Kinaya ko naman... Naaawa nga ako kay Mama. Hindi ko na siya mabisita dahil kapos na talaga sa budget. Sa amin palang, ubos na. Setyembre 11, 2019 Iritable ako sa klase ko habang nagtuturo ako, kaya behave ang mga estudyante. Napag-groupwork ko sila. Ang pagiging iritable ko ay sanhi ng kakapusan sa pera. Hindi aabot ang budget ko hanggang sa susunod na sahod. Past 9, pinatawag ako ni Ma'am. Nag-one on one meeting kami. Inisa-isa niya ang nasa minutes of the meeting naming faculty officers. Hindi naman iyon awkward. Sounds like a defense, pero naunawaan ko naman ang ilan niyang punto. Kaya lang, nang ni-relay ko iyon sa mga kasamahan ko, nega sila. Okay lang namn. Hindi ko naman sila masisisi. Basta ang hiling ko lang, hayaan nila akong maging balance. Ako ang kanilang tulay. After class, pinatawag naman ang mga MTs, GLs, at ako para sa meeting with the principal. Napag-usapan namin tungkol sa Teachers' Month celebration. Ako at si Ma'am Vi ang mga in-charge. Past 4 na ako nakapag-workout sa AF. Triceps naman ang tinira ko. Past 7 na ako nakauwi. Antok na antok ako, pero nakapagpabasa pa ako ng mga akda ng estudyante tungkol sa guro. May mga napili na ako para sa zine. Setyembre 12, 2019 Muntik na akong ma-late kanina. Na-lowbat kasi ang cellphone ko. Nagastusan pa tuloy ako dahil sumakay ako sa UV Express. Tahimik pa rin ako sa advisory class ko. Hindi ko talaga sila feel. Sobrang dadaldal nila. Hindi na sila masarap harapin, turuan, at mahalin. Naging abala ako kanina. Una, nagmiting kaming Grade Six advisers tungkol sa nakatokang gawain sa amin--ang selebrasyon ng Teachers' Month. Agad naming pinagplanuhan. Naisip ni Sir Joel na magturo ng folk dance. Ako naman, naisip kong magturo ng sabayang pagbigkas. Nag-draft na ako ng piece. Past nine, miniting ako ng principal at ang GPTA President. Tungkol sa Teachers' Month at sa 'Mr. and Ms.Gotamco' ang agenda. Nagkabit din kami ng tarpaulin pagkatapos ng miting. Then, nagsimula na kaming magturo ng sabayang pagbigkas at spoken prayer. Kahit paano, may natapos na kami. One, miniting na naman kaming AM teachers. Tungkol sa nabukulan kong estudyante. Wala akong reaksiyon. Pasaway kasi talaga. Naglaro ng tubig sa CR, kaya siya nadulas. Karma! Ang masaklap, kasalanan pa ng mga guro. After meeting, ginawa ko ang solicitation letter na pinagagawa ng principal. Nag-type din ako ng ilang akda ng bata, bago ako bumiyahe pauwi. Gabi, ipinagpatuloy ko ang encoding. Then, sinimulan kong isulat ang kuwento tungkol sa kambal. Almost done na iyon. Setyembre 13, 2019 Kahapon, inis na inis ako sa VI-Love lalo na sa isang partikular na estudyante dahil siya ang dahilan kung bakit special mention na naman ako sa meeting ng mga pang-umagang guro at principal. Parang kasalanan ko pa kung bakit nagkabukol siya. Kaya naman, sinermunan ko sila kaninang umaga. Sinabi kong naubos na ang pasensiya ko at ang amor ko sa kanila. Dineklara ko nang walang Christmas party at hindi ako dadalo sa graduation nila. Sinabihan ko sila ng 'manhid.' Maghapon, kahit paano nakita ko ang kaunting pagbabago. Pero, hindi pa ako kumbinsido. Madali silang makalimot. Paulit-ulit nga silang nag-iingay. Kahit pilitin kong maging masaya, hindi ko pa rin magawa sa harapan ng mga estudyante. Gayunpaman, hindi ako high blood sa ibang section. In fact, napasulat ko sila after kung magturo. Wala muna kaming practice ngayong araw. Na-offend kasi kami kahapon sa pamiting ng principal. Andaming may mas mabigat na kasalanan kaysa sa amin, pero kami lagi ang napapansin. May guro ngang hindi nagtuturo at pumasok sa klase, pero hindi man lang niya i-special mention kapag may meeting. Napaka-unfair. Dahil dito, masama rin ang loob ni Ma'am Vi. Nagpabili tuloy siya ng ice cream after class. Umidlip ako after naming mag-bonding sa harapan ng ice cream. Then, pumunta na ako sa AF. Hindi ko talaga alam ang gagawin. Patigil-tigil ako para tingnan sa screeshots ang mga exercises para sa chest. Sana tama ang ginagawa ko. Past seven na ako nakauwi. Sobrang traffic sa Tejero. Antagal ko roon. Setyembre 14, 2019 Maaga akong nakarating sa CUP para sana sa masteral class ko. Nakapag-almusal pa ako. Kaya lang, walanraw si Dr. Ramos. Nag-attendance lang kami. Nagpasa rin ako ng thesis titles. Sayang, matatagalan pa akong makapagsimula. Gayunpaman, hindi nasayang ang pagluwas ko. Tumulong ako kay Papang sa SBM. Nakasalamuha ko roon si Bes. Awkward man, pinilit kong gumawa nang relax. Past two na kami natapos ni Papang. Alas-tres, nasa AF ako. After one hour, umuwi na ako. Maaga pa sana akong nakauwi kundi lang ako na-traffic. Sobra! Nakakaburyong! Naglaba ako after kong magpahinga. May sakit pa rin si Emily. Nakakainis na nga. Antagal niyang gumaling. Naaantala rin ang mga gawain ko dahil sa kanya. Past 11 na ako nakahiga para matulog. Setyembre 15, 2019 Past 8:30 na ako bumangon. Kahit paano, nakabawi ako ng puyat. Kaya lang, malungkot ako. Kagagawan ko naman ang kalungkutan. Hindi ko pa kasi binabati ang asawa kong may sakit. Hindi ko rin maintindihan ang sarili ko. Ayaw na ayaw ko kasi talagang nagkakasakit siya. Feeling ko, pabigat siya sa akin kapag ganoon. Nag-gardening ako pagkatapos mag-almusal. Then, siningit-singit ko ang paglagay ng grades sa card at ang mga gawaing-bahay. Gusto ko nang batiin si Emily. Sa tingin ko kasi, iyon na lang ang kulang para gumaling siya. Kaya lang, hindi ko pa kaya. Naaawa rin ako sa kanya, pero sana kaawaan niya rin ako. Hindi siya dapat nagkakasakit. Hindi ako sanay ng nag-aalaga. Hindi rin ako sanay ng inaalagaan kapag may sakit. Kaya nga nang nagkasakit ako, pinilit kong gumaling. Setyembre 16, 2019 Hindi ako pumasok kasi malakas ng ulan. Alam kong hindi naman magsu-suspend ng klase ang mayor. Gusto ko lang umabsent kasi may sakit si Emily. Natulungan ko naman siyang maibsan ang dinaramdam niya. Nilagaan ko siya ng malunggay, na mainam para sa ubo. Pinag-almusal ko siya ng lugaw. Ako naman siyempre ang gumawa ng mga gawain niya. Hindi nga ako nakaidlip. Ayos lang naman. At least, nakapagpahinga ako sa klase. Hapon. Gumawa ako ng zine. Anthology iyon ng mga salaysay ng mga estudyante ko. Tungkol iyon sa mga paborito nilang guro. Sana walang pasok bukas. Nakakatamad bumiyahe kapag umuulan. Setyembre 17, 2019 Nasa Baclaran na ako nang malaman kong suspended na ang klase sa Pasay. Nainis ko! Late na naman ng announcement ng mayor. Sayang ang effort at pamasahe ko. Gusto ko pa namang matulog na lang. Gayunpaman, nakabalik ako sa bahay bandang alas-otso. Hindi pa rin okay si Emily. Inasikaso ko pa rin siya. Nilutuan ng sabaw. Past 1, nagsisigaw siya dahil hindi yata makahinga. Pero nakatulong yata iyon para umokay siya. Nakapag-gardening pala ako ngayong araw. Kahit paano, nainitan ang mga halaman ko. Ngayong araw, tumaas ang kagustuhan kong mag-vlog. Maraming nakapag-inspire sa akin. Kaya lang, hindi ko pa alam kung paano o anong content ang gagawin ko. Sana makaisip ako. Setyembre 18, 2019 May pasok na. Napakaaga ko ngang dumating sa school. Umidlip muna ako. Hindi na ako nag-flag ceremony. Sa VI-Love, hindi ako nagsalita. Hindi pa rin sila nagbabago. Lugi tuloy sila. Hindi kasi ako nagtuturo. Activity agad. Naaawa ako sa kanila, pero wala naman silang awa sa akin. Prinaktis ko ang sabayang pagbigkas ng mga Grade Six. Nalalapit na kasi ang program. Excited na rin daw ang mga kasali. Panay ang tanong kung kailan ang praktis noong wala ako. Pagkatapos, tinapos ko ang paggawa ng card. Ready na sa distribution. Then, nag-workout ako. Biceps at chest ang tinira ko. Hindi pa rin magaling si Emily. Ako pa rin tuloy ang gumawa ng mga gawaing-bahay. Haist! Hindi ko alam kung ano na ang sakit niya. Lagi raw masakit ang ulo. Inuubo pa. Ang hula ko, may plema lang siya. Hindi makalabas kaya sumasakit ang ulo at dibdib niya. Sana, gumaling na siya. Kapag may pera, ipapatingin ko siya sa doktor. X-ray na siguro, baka may tama rin ang baga. Setyembre 19, 2019 Nagturo na ako sa VI-Love. Binasahan ko sila ng kuwento at pinag-groupwork. Sa ibang sections, masigla rin akong nagturo. Hindi ko lang naturuan ang VI-Peace kasi may meeting kami with the principal. Tungkol sa first quarter recognition day at field trip ang meeting. After class, nag-practice kami ng sabayang pagbigkas sa stage. Tinapos na namin ang buong tula. Pupuliduhin na lang sa mga susubid na araw. Three-forty na ako nakapag-workout. Dahil na naman sa traffic, idagdag pa ang malakas na ulan, past six-thirty na ako nakauwi. Medyo okay na si Emily. Dumating kasi si Kuya Emer kanina. Hinilot daw siya. Sana maging okay na siya bukas. Kinontak ko si Sir Genaro kasi nagpapahanap si Ma'am Mina ng resource person sa pinaplanong story writing workshop. Ang mahal ng PF niya--P13k per day. Kinontak ko rin si Sir Rhandee Garlitos, kaya lang nagtatanong kung kailan. Hindi niya pa na-reply-an ang tanong ko kung magkano ang rate niya. Setyembre 20, 2019 Nagpasulat ako ng kuwento sa VI-Love habang nag-iikot ako ng koleksiyon sa death aid na para sa yumaong ama ni Sir Erwin. Eight, nagsimula na ang 'Parangal sa Unang Markahan.' Ang gulo at ingay ng mga estudyante. Hindi siguro sila maka-relate sa mga pangyayari. Ako pa naman ang nag-closing remarks. Kahit ginandahan ko ang talumpati ko, alam kung hindi lahat nakinig. Haist! Discipline problem sa Pinas. After program, recess naman at kaunting ikot-ikot uli. Isinunod ko naman ang practice ng sabayang pagbigkas. Hindi pa nga tapos, may mga dumating nang parents. Sa HRPTA meeting, nagsumbong ako sa mga magulang tungkol sa mga ugali ng kanilang anak. May mga napuri rin naman ako. Then, hinikayat ko silang tulungan akong magdisiplina. Naging interesado rin sila sa field trip sa November 12. Past 1, dumalo naman ako sa 'Parangal sa Unang Markahan' ng mga panghapong klase. Closing remarks uli ang papel ko at bilang Faculty President, kaya nasa entablado ako kasama ang principal at MT teacher. Past two, tapos na ang programa. Umalis agad ako para makapag-workout ako. Three: twenty-five, nasa AF na ako. Triceps at legs ang tinira ko. Past six-thirty, nasa bahay na ako. Masaya ako dahil mesyo malakas na si Emily. Soon, gagaling na siya nang tuluyan. Kaunting unawa pa. Setyembre 21, 2019 Kasama ko si Ion nang lumabas ako..Inihatid ko siya sa may school nila. Nangamba lang ako kasi parang nanibago siya. Muntik nang masagasaan nang bumalik o sumunod sa akin sa pagtawid para sabihing hindi doon ang school niya. Palibhasa, first time niyang mag-commute. Nasanay na may service. Hindi pa siya nakadaan sa highway, kaya hindi niya alam na naroon nga ang school niya. Chinat ko si Emily. Tama naman ako. Tama ang lugar, kung saan ko ibinaba si Ion. Then, nag-usap kami tungkol sa pangangailangan niya. Kailangan niyang maging street smart habang bata pa. Napaaga ako sa pagpasok sa klase ko. Worth it naman dahil pasado na ang isa sa tatlo kong thesis title. Namublema lang ako kasi nakapagsimula na ang iba sa Chapters 1 to 3, ako, title pa lang. Tapos, hindi ko pa alam kung ano ang gagawin. Anong uri ng research ba iyon at kung may questionnaire pa akong gagamitin, since test results ng Phil-IRI ang gagamitin ko. Past 11, tapos na ang klase. Pinapupunta na ako ni Ms. Krizzy sa kanila para sa house blessings nila. Kaya lang, mas ginusto kong malakad-lakad sa Baclaran para hindi ako ma-out of place sa bahay nila. Gusto kong makasabay sina Ma'am Edith at Ma'am Bel. Tumambay muna ako sa mall doon--mall na may aircon. Nakaidlip pa nga ako. Before one na ako pumunta roon. Nandoon na si Ma'am Edith. Ang sasarap ng pagkain, lalo na ang mga kakainin. Nabusog ako. Late na dumating sina Ma'am Bel at Ma'am Divine, kaya nakisabay uli kami sa pagkain. Inabutan kami roon hanggang past five. Nagkape at cake pa kami roon at nag-salad. Past 7:30 nang nakauwi ako. Hindi ako agad nakakain, kasi kinailangan kong tulungan ang parent ng dati kong estudyante, na na-inspire mag-aral ng Education. Nangako akong gagawan ko siya ng report at ihahanda ang kanyang demo sa Araling Panlipunan. Naglaba rin ako, habang nakikipagtagisan ng tula sa mga kasamahan ko sa ITW. Ang topic ay 'Pabor ka ba o hindi pabor sa No Homework Policy?' Past 11:45 na ako nakaakyat para matulog. Bukas, maglalaba uli ako. Gusto ko ring mag-gardening. At siyempre, sisimulan ko na rin ang SOP ng thesis ko. Setyembre 22, 2019 Naglaba agad ako pagkatapos mag-almusal.. Isiningit ko na rin ang garden works at paglilinis ng dog house. Pagkatapos, tinapos ko na ang lesson plan at lecture ni Mrs. Vibar. After lunch, umidlip ako. Hindi naman yata ako nakatulog. Okay lang naman. Pagkatapos ko namang maligo, gumawa ako sa garden. Iniba ko ang ayos niyon. Tinanggal ko ang tatlong malalaking Agave plants. Umaliwalas ang harapan namin at hindi na straight ang entrance sa pinto namin. Gabi na ako nakapaghanda ng DLL at IMs ko. Hindi rin ako masyadong nakapag-research para sa thesis ko. Gayunpaman, may nasimulan na ako. Setyembre 23, 2019 Balagtasan ang springboard ko kaninang umaga. Nainis lang ako sa VI-Charity kasi nagtuturuan nang magpi-present na. Ang hihina pa ng boses. Nainis din ako sa VI-Peace. Nagpakita sila ng pagiging hindi interesado. Mabuti na lang sinabihan ako ni Ma'am Vi na magpraktis na ng sabayang pagbigkas. So far, gumaganda na ang sabayang pagbigkas. Nadagdagan at napahaba ko pa iyon. Nilagyan ko ng actions ang ibang bahagi. Katatapos lang ng practice nang dumating si Mrs. Vibar. Inabutan kami ng pasadio alas-dos para sa discussion ng report at demo niya. Hindi tuloy ako nakapag-lunch agad. Okay lang naman. It's my pleasure to help. Very thankful nga siya. Sa Baclaran na ako nag-lunch bago ako nag-gym. Shoulders ang tinira ko ngayon. May kaunti ring calf. Past 7 na ako nakauwi. Sobrang traffic sa Tejero. Nakakabuwisit! Nakakatamad pa namang bumaba roon at maglakad. Anyways, nagawa ko namang mag-print ng IMs after dinner, kaya okay lang. Si Emily na ang nagplantsa ng uniform ko. Setyembre 24, 2019 Pagsunod sa Panuto' ang lesson ko ngayong araw. In-integrate ko ang paggawa ng greeting cards para sa Teachers' Day. Kahit hindi announced, nakagawa pa rin sila. Hindi nga lang masyadong magaganda. Gayunpaman, mayroon na akong panglagay sa narrative report. Nagalit ako sa VI-Love dahil mas maingay sila nang pumasok si Ma'am Vi. Nakita na tuloy ng mga VI-Peace, na naki-sit in sa amin, ang pagbasag ko ng mug. Gayunpaman, natahimik ang lahat. Nang lumabas kami ni Ma'am Vi. Tumahimik sila, nagpatay ng ilaw, at, ang iba, tumalungko sa armchair. Nagawa kong magpapraktis ng sabayang pagbigkas pagkatapos niyon. Umalis agad ako sa school after lunch. Umidlip ako sa PITX bago ako nag-workout. Antok na antok kasi ako. Maaga-aga akong nakauwi. Past 5 nasa bahay na ako. Nakapagmeryenda pa ako, nakapaghanda ng learning material, nakapagdagdag sa thesis ko, at nadiskubre ko ang Powtoon bilang kapalit sa powerpoint o bilang video maker. Interesado akong matutuhan ito. Sa tingin ko, maganda itong materyal para sa blog. Sana marami akong time para pag-aralan ito. Setyembre 25, 2019 Hindi na naman ako nakapagturo ng inihanda kong lesson. Andami kasing walang guro. Apat lang kami sa limang klase. Kakaunti rin ang bata dahil nasa Division Palaro. Gayunpaman, naging abala ako sa paggawa ng souvenir items, na ipapamigay sa guro sa October 2. Tinulangan ako ni Sir Joel at Ma'am Vi. Naging maayos naman ang lahat ng klase. Walang anumang negatibong insidente. Nakatulong naman ang pagkaklase ni Sir Hermie. Pinaghalo pa nga niya ang dalawang klase. Siya na lang yata kasi ang eager at inspired magturo. Sana all. After class, nag-lunch agad ako. Umidlip ako pagkatapos niyon. Then, gumawa ako ng visual aids para bukas. Gusto ko pa sanang mag-research para sa thesis, kaya lang mahina ang internet. Umuwi na lang ako. Past 5 nasa bahay na ako. Nakapagdilig pa ako ng mga halaman. Then, gabi, nadugtungan ko ang thesis ko. Kahit paano, nagkaroon na ng laman at direksiyon. Sana makapunta na ako sa National Library para mas marami akong makalap na datos. Setyembre 26, 2019 Grabeng traffic sa Gahak hanggang Zeus, kaya na-late ako. Nainis tuloy ako sa mga estudyante ko. Nagsiuwian sila. Ang iba, saka lang pumasok nang makita ako. Actually, five minutes late lang akong late. Hindi pa rin nila maalalang sinabi kong hindi ako absenero. Hindi rin naman ako laging late. Once in a blue moon nga lang. Dahil sa inis ko, hindi ko sila pinapasok sa classroom. Prinorate ko sila, since ang VI-Peace sang ang ipo-prorate dahil aalis si Ma'am Madz. Sabi ko, ako na lang ang magbabantay sa klase niya. Pumayag naman siya. Nagpaskil at nag-discuss ko ng 'Pokus ng Pandiwa's kanila. Then, tinapos namin ang souvenir items para sa Teachers' Day celebration. Sobrang busy ko kanina. Pati ang pagpapaikot ng memo at paghingi ng abuloy para sa namatay na guro sa BES, ginawa ko. Kaya naman, sa sobrang pagod at gutom, umidlip ako bago pumunta sa AF. Sa AF, triceps at back ang tinira ko. Nababagal na ako sa improvement ko. Hindi ko alam kung tama ng ginagawa ko. Basta nag-download ako ng app sa Playstore--Fitvate ang tawag. Sinusundan ko lang naman. Five o'clock, nasa bahay na ako. Nagdilig ako agad kasi parang nalanta na ang ibang halaman. Pagkatapos niyon, hinarap ko ang paggawa ngn thesis. Nae-enjoy ko na siya. May lumalalim na ang pag-aaral ko. I hope mabuo ko agad ang Chapters 1-3 para maipatsek ko na kay Dr. Ramos. Setyembre 27, 2019 Dahil six to ten lang ang klase, wala siyempreng palitan. Kaya, nag-individual activity lang ako sa klase ko habang may ginagawa ako about sa program sa October 2. Nakaraos naman kaya lang na-highblood ako last one minute na lang bago ang uwian. Pinapasok ko ang VI-Love habang nakapila. Wala kasi silang pakiramdam. Nasa unahan pa ako. Ayaw magsipila. Hayun, nahalungkat ko tuloy kung sino ang mga gumawa. Pinauwi ko na. Naiwan ang 2/3. Buwisit! Andami pala talagang tamad. Kung wala lang meeting, talagang magtatagal sila sa classroom. Na-bad trip din ako sa mga performers ng sabayang pagbigkas. Andaming absent. Hindi ko tuloy ituloy ang practice. Ten-thirty, nagsimula ang meeting. Tungkol iyon sa Workplace by Facebook. Kailangan naming mag-sign up. Then, may other matters na sinabi si Ma'am Laarni. Past 1:30 PM, pumunta kami sa JRES nina Ma'am Laarni, Ma'am Amy, at Ma'am Joan para sa 2019 Loyalty Awards. Naroon ako bilang Faculty President. Sana hindi na rin ako sumama gaya kay Ma'am Vi. Nainitan lang ako sa labas ng venue hall. Crowded sa loob, kaya nasa labas lang ang mga Faculty President. Gayunpaman. Thankful ako dahil nakakuwentuhan ko sina Ma'am Amy at Ma'am Joan nang pauwi na kami. Gamit ang car nina Ma'am Amy, binaba niya kami ni Ma'am Joan sa Imus. Mahaba-haba ring kuwentuhan ang nagawa. Marami akong natutuhan at nalaman. Past 8 ako dumating. Gutom na gutom ako, mabuti na lang may mainit na sabaw na nakahain o naihanda si Emily. After dinner, nanuod kami ng 'Hello, Love, Goodbye.' Maganda ngaang movie. Setyembre 28, 2019 Nakipagkuwentuhan ako sa mga kaklase ko bago dumating si Dr. Ramos. Nagpapasa na siya ng schedule ng colloquim namin. November 23 ang pinili ko. Siya rin ang isinulat ko bilang adviser ko. Pero, ayon sa kanya, ipapa-approve niya pa iyon kay Dr. Estuche. Sana mapili niya ako. Gusto ko siyang maging adviser kasi magaling at istrikta siya. Mapapahiya ka kapag mahina ka, pero at least ikakatuto mo. Nagpauwi si Dr. Ramos bandang alas-diyes. Puwede na rin daw na huwag munang pumasok. Kailangan niya lang ang Chapters 1-3. Nag-workout ako bandang alas-10:41 ng umaga. Kakaunti lang ang clients doon, kaya malaya akong nakagalaw. Past 1:30 na ako nakauwi at nakapag-lunch. Hindi ako kaagad nakapaggawa para sa thesis. Nang namalengke si Emily saka ako nakakilos. Nagdilig muna ako ng mga halaman. Past 9:30 na ako huminto sa pagtapos ng thesis. Marami-rami rin akong naidugtong. Setyembre 29, 2019 Napakaproduktibo ko ngayong araw. Paggising ko pa lang at habang nagpapakulo ng tubig para sa kape, nagsalang na ako ng mga labahin sa washing machine. Pagkatapos maglaba, nag-gardening naman ako at naglinis ng doghouse. Then, hinarap ko ang thesis ko. Nakakaadik na ito. Parang ayaw ko nang umalis sa harapan ng computer. Kundi nga ang ako inantok badang alas-2:30, hindi ako titigil. Pagkatapos kong umidlip, nag-gardening uli ako. Then, hinarap ko na uli ang thesis. Ang hula ko, maaga kong maipapasa ang Chapters 1-3. Sana nga... Maaga pa lang, declared na ni Mayor Rubiano na walang pasok bukas dahil sa transport strike. Natuwa ako at nalungkot. Natuwa, dahil makakapag-thesis writing ako. Nalulungkot kasi inaaalala ko ang Teachers' Day sa October 2. Gagahulin kami sa preparasyon. Wala pang stage decoration. Hindi pa rin kasado ang mga presentations ng mga bata. Before 12 na ako umakyat para matulog, nanuod kasi ako at nagpost ng videos sa youtube. Setyembre 30, 2019 Hindi ako nakatulog nang maayos. Six o' clock, gising na ako. Pinilit kong makatulog uli, pero hindi ko nagawa. Kaya, bumangon na lang ako at naghanda ng almusal. Pagkatapos mag-almusal, nag-gardening ako. Gumawa ng vegetable nurseries, gamit ang sakop ng semento. Nakaubos ko ang sawdust at garden soil. Ayos lang naman. Gusto ko naman kasing makapagpatubo ng mga organic na gulay. Then, nilaan ko ang buong araw ko sa paggawa ng thesis. May mga pahinga naman. Hindi nga lang ako nakatulog, kahit umidlip ako. So far, 40+ pages na ang thesis ko. Lalampas pa ito kasi hindi ko pa naisaayos ang spacing. Excited na akong magpasa!

Baon sa Puso

 Baon sa Puso     Mga guro’t estudyante, uwian na noon, Sa mga gawain sa umaga ay nagutom Pagkapananghali ay babalik sa hapon.  ...