Followers
Friday, July 17, 2020
Mga Palatandaan na Naghihirap na ang Isang Pamilya
Saturday, June 27, 2020
Panayam
Panayam sa Isang Guro
Randolf: Magandang araw po sa inyo, Gng. Gomez! Kumusta po kayo?
Gng. Gomez: Magandang umaga rin sa iyo! Mabuti naman ako.
Randolf: Ilang taon na po kayong nagtuturo?
Gng. Gomez: Siyam na taon na akong nagtuturo.
Randolf: Ano po ang mga bagay na nag-udyok sa inyo para maging isang guro at magbigay-serbisyo sa mga kabataan?
Gng. Gomez: Pinag-aral ako ng tiyo ko ng Education pagkatapos niyang makita ang potential kong maging guro. Mahilig kasi akong magturong magbasa sa mga pamangkin ko.
Randolf: Sa pagiging isang guro, ano po ang mga magagandang karanasang inyong nadaanan?
Gng. Gomez: Bawat araw ng isang guro ay magandang karanasan, pero ilan sa hindi ko makakalimutang karanasan ay noong nakita kong marami akong nabigyan ng inspirasyon para mag-aral at nahipo ko ang mga puso nila na mag-aral nang mabuti.
Randolf: Nagkaroon po ba kayo ng mga suliranin o problema sa inyong piniling propesyon?
Gng. Gomez: Opo! Minsan, gusto ko nang sumuko at magpalit ng bagong propesyon dahil sa kawalang-disiplina ng mga estudyante. Nakakapagod! Ngunit, heto pa rin ako—patuloy na umaaasang mapagbabago ko ang mga kabataang daraan sa buhay ko.
Randolf: Para maging isang mabuting guro, ano po ang mga katangiang dapat taglayin?
Gng. Gomez: Lahat ng mabubuting katangian ng tao ay dapat taglayin ng isang guro, subalit may isang mabuting katangian ang hindi dapat mawala sa kanya. Ito ay pagkakaroon ng puso sa kanyang ginagawa. Ang pagtuturo ay hindi lamang pagsasalin ng kaalaman kundi pagsasalin ng magandang buhay. Magagawa lamang iyon kapag ang guro ay may puso sa kanyang mga mag-aaral.
Randolf: Nais ninyo pa po bang manatili sa ganitong propesyon hanggang pagtanda ninyo? Ano po ang mga nagpapalakas ng loob ninyo para ipagpatuloy ang pagbibigay-kaalaman sa kabataan?
Gng. Gomez: Opo! Ito na ang propesyon ko hanggang sa aking pagtanda. Pinalalakas ang loob kong magbigay-kaalaman ng kagustuhan ng mga mag-aaral na matuto sila sa asignatura at sa mga praktikal na pamumuhay na aking itinuturo. Kapag hindi ko na makita ang kanilang interes, hihinto na ako.
Randolf: bilang isang guro, ano po ang inyong mga tungkulin sa bayan?
Gng. Gomez: Bilang guro, tungkulin kong dalhin ang bawat kabataan sa buhay na maginhawa at matagumpay. Magagawa ko lamang iyon kapag naturuan ko sila ng mga kaalaman, kagandahang-asal, at kasanayan.
Randolf: Bago po matapos ang ating panayam, ano po ang gusto ninyong imensahe sa mga kabataan?
Gng. Gomez: Sa mga kabataan, patuloy nilang pangarapin ang maningning na bukas. Piliin nila ang mabubuting gawain. Mag-aral nang mabuti. Magkaroon ng respeto at disiplina.
Randolf: Maraming salamat po, Gng. Gomez, sa pagpapaunlak ninyo sa panayam na ito! Marami po akong natutuhan at tiyak akong marami pang magkakaroon ng inspirasyon dahil sa inyo at dahil dito.
Gng. Gomez: Walang anuman!
Friday, June 26, 2020
Mga Bulaklak para kay Quennie
Alagang-alaga ni Lolo Tasyo ang
mga halaman niya sa kanyang hardin. Umaga at hapon, binibisita at dinidiligan
niya ang mga ito. Kaya naman, halos wala nang mapaminsalang insekto ang
nakakapanira ang mga dahon at bulaklak. Tanging mga bubuyog at makukulay na
paruparo ang bumibisita rito.
Madalas ding kinakausap ni Lolo
Tasyo ang mga ito. Gayunpaman, lahat ng mga kapitbahay ay humahanga sa ganda ng
hardin niya.
Isang hapon, nakadungaw si Lolo
Tasyo sa bintana. Tinatanaw niya ang masasayang bulaklak sa kanyang hardin.
Hindi nagtagal, may mga batang
babae ang pumitas ng mga bulaklak. Gusto sana niyang sawayin sina Mimay,
Joy-joy, Laleng, Manilyn, at isa pa.
Noon niya lamang nakita ang
batang iyon. Siya ang pinakamaliit sa lima. Ang buhok niya ang pinakakaiba.
Malungkot ang kanyang mga mata.
"Ayan, Quennie, ang
ganda-ganda mo na!" bulalas ni Manilyn nang mailagay nito ang bulaklak sa
tainga ng bata.
"Quennie pala ang pangalan
niya," bulong ni Lolo Tasyo. "Kay ganda ng pangalan niya. Bagay na
bagay sa kanya." Nawala ang inis niya nang ngumiti na si Quennie.
Inayos-ayos pa nina Mimay at
Joy-joy ang buhok ni Quennie. Si Laleng naman, nilagyan pa ng cosmos sa buhok
nito.
Naglagay din ang apat sa kanilang
buhok, kaya lalong lumapad ang ngiti ni Quennie. Hindi nila namalayan na
nasisiyahang nakamasid sa kanila si Lolo Tasyo.
Araw-araw, inaabangan ni Lolo
Tasyo ang mga batang babae. Araw-araw nga nilang ginagawa iyon. Minsan, rosas
at gumamela ang inilalagay nila sa kanilang buhok. Minsan naman, zinnia at
sampaguita.
Lalo tuloy nawiling magtanim si
Lolo Tasyo. Sinisikap niyang laging namumukadkad ang mga bulaklak sa hardin
upang may mapitas ang mga batang babae.
Isang umaga, nasa hardin si Lolo
Tasyo.
"Lolo Tasyo, puwede po ba
kaming humingi ng bulaklak?" tanong ni Mimay, kasama niya si Quennie.
Ngitian muna niya ang dalawa.
"Sige, sige, mga apo! Mamili na kayo."
"Salamat po!" Agad na
namili si Mimay.
Nakatayo lang si Quennie.
Malungkot siya at malumbay.
"Ayan! Ang ganda-ganda mo
na, Quennie!" puri ni Mimay.
"Oo nga, Quennie, lalo na
kung ngingiti ka pa," sang-ayon ni Lolo Tasyo.
Pilit na ngiti ang ipinasilay ni
Quennie kina Lolo Tasyo at Mimay.
"Lagi kang ngingiti,
Quennie, ha? Tingnan mo si Mimay."
Ngumiti si Mimay saka umakbay kay
Quennie. "Salamat po uli sa bulaklak!"
Maligaya na naman si Lolo Tasyo
kasi napaligaya niya ang mga bata.
Araw-araw, humihingi ang mga
batang babae ng bulaklak. Kung hindi si Joy-joy ang kasama ni Quennie, si
Manilyn. Kung hindi si Manilyn, si Laleng. Madalas, lahat silang apat ang
kasama ni Quennie. Lahat sila, pinasasaya nila ang kalaro.
Isang araw, nagtataka si Lolo
Tasyo dahil wala ni isa sa kanila ang humingi ng bulaklak. Nalungkot siya at
nanghina. Inaalala na lamang niya ang maamong mukha ni Quennie. Naalala kasi
niya ang kanyang apo tuwing nakikita si Quennie.
Kinabukasan, nakadungaw lang si
Lolo Tasyo sa bintana, habang pinagmamasdan ang mga halaman at bulaklak sa
kanyang hardin.
"Lolo Tasyo, Lolo
Tasyo!" humahangos na tawag ni Laleng. Kasama niya si Manilyn.
"O, mga apo, bakit natataranta
kayo? Nasaan si Quennie?" nagtatakang tanong ni Lolo Tasyo.
"Pahingi po ng bulaklak para
kay Quennie," sabi ni Manilyn.
"Sige, sige, mga apo!
Pumitas na kayo."
Pinagmasdan ni Lolo Tasyo ang
pamimitas ng dalawang bata. Nagtaka siya dahil marami silang pinitas, pero
hindi siya nagalit.
"Salamat po, Lolo Tasyo!
Matutuwa po nito si Quennie," sabi ni Laleng.
"Walang anuman! Balik kayo,
kasama si Quennie," pasigaw niyang sagot dahil nakalayo na ang dalawa.
"Wala na po si
Quennie," tugon ni Manilyn.
Hindi agad naunawaan ni Lolo
Tasyo ag sagot ni Manilyn, pero nang makuha niya ang kahulugan, bigla na lang
tumulo ang mga luha niya.
Agad siyang bumaba at tumungo sa
hardin. Namitas siya ng mga bulaklak. Pagkatapos, hinanap niya ang bahay ni
Quennie.
"Mga bulaklak para kay
Quennie," sabi ni Lolo Tasyo sa mga magulang nito habang palapit siya sa
kabaong ng bata.
Nalaman niyang binawian na ng
buhay si Quennie dahil sa sakit na cancer. Muling tumulo ang mga luha ni Lolo
Tasyo.
Sunday, June 21, 2020
Pakikinig at Pagbabasa
Alam Mo Ba?
Ang pakikinig at pagbabasa ay dalawa sa napakahalagang kasanayang dapat malinang ng bawat mag-aaral.
Ang pakikinig ang unang kasanayang itinuturo sa mga mag-aaral, pagtuntong pa lamang nila sa paaralan sapagkat ito ang simula upang sila ay makabasa. Mahirap matuto ang isang bata kapag siya hindi nakikinig.
Ang kakayahang magbasa ay madalas na pagkunan ng marka ng mga guro mula sa kanilang mga mag-aral. Kapag hindi angkop ang kakayahang magbasa ng isang mag-aaral sa kanyang edad o baitang, siya ay isinasali sa remedial reading intervention.
Ang pagbabasa ay gawaing dapat bigyang-halaga ng bawat mag-aaral. Maraming mahahalaga at magagandang bagay ang nakukuha rito. Isa na rito ang kakayahang masagot ang mga tanong tungkol sa mga napakinggan o nabasang seleksiyon.
Ang pagsagot sa mga tanong tungkol sa mga kuwento o tekstong pang-impormasyon ay nagpapatunay na naunawaan mo ang iyong binasa o pinakinggan. Anomang antas ng tanong ay masasagot ninoman kung siya ay nagbasa at nakinig nang mabuti.
Friday, June 19, 2020
May Pera sa Pagsusulat
Wednesday, June 17, 2020
Ang Panlapi
Bakit Kailangan Natin ang First Vita Plus?
Working from Home Tips
Sunday, June 14, 2020
Kape: Pampahaba ng Buhay
Saturday, June 13, 2020
Isulong ang Bagong Edukasyon
Wastong Paglulunas sa Ulcer
Ang Aking Journal -- Hulyo 2026
Hulyo 1, 2026 Muntik na akong ma-late dahil sa bus na nasakyan ko. Panay ang hinto at pick-up niyon ng mga pasahero. Hindi ko na tuloy naa...
-
Ano ang Kolum (Column)? Paano ito isinusulat? Ang kolum o pitak ay regular na lathalain o serye ng mga artikulo sa pahayagan, magasi...
-
Si Baltog Noong unang panahon, may isang maginoo at makisig na binata—si Baltog. Anak siya ng datu sa tribu ng Botaera ...