Hindi naman nakamamatay ang sakit na ulcer, pero mahirap ito para sa pasyente dahil nagdudulot ito ng matinding pagkabalisa. Ang sakit sa tiyan ay hindi nakatutuwang pakiramdam.
Mabuti na lang, maaari itong makontrol at mapagaling nang mabilis lalo na kung sasabayan ng pagbabago sa lifestyle at diet.
May mga antibiotics naman na nirereseta ang mga doktor kung ang sanhi ng ulcer ay Helicobacter pylori (H. pylori) bacteria. Sa bawat sanhi ng ulcer ay may angkop na gamot. Kailangan lang magpatingin sa doktor upang masuri nang husto ang ulcer.
Habang nagpapagaling, narito ang mga dapat iwasan.
Iwasan ang paninigarilyo at pag-inom ng alak. Ang usok ng yosi ay may kemikal na nagpapatagal sa proseso ng paggaling sa ulcer. Ang alak naman ay nagpaparami ng stomach acid, na nakakairita sa mga sugat sa tiyan.
Iwasan ang maaanghang na pagkain. Kahit hindi totoong nagdudulot ng ulcer ang spicy food, nagpapalala naman ito ng sintomas. Maaaring tumindi ang sakit sa tiyan dahil naiirita nito ang mga sugat na dala ng ulcer. Mas mainam ang mga pagkaing mataas sa fiber.
Iwasan din ang mga pagkaing masyadong matataba at mamantika. Naiirita ng mga ito ang tiyan, kaya lalong sumasakit ang ulcer.
Iwasan ang aspirin at mga over-the-counter pain relievers, gaya ng ibuprofen at naproxen sodium. Nakapagpapalala ang mga ito ng sakit ng tiyan.
Heto naman ang mga dapat gawin.
Kumain ng lima o anim na small meals. Huwag hayaang magutom ka nang husto. Panatilihing may laman ang tiyan upang hindi maramdaman ang sakit. Huwag lang kalimutang kontrolin ang dami ng kakainin. Kapag naparami, magdudulot naman ng high blood at obesity.
Matutong mag-relax. Ang stress ay nagpapalala ng sakit sa tiyan. Payapain ang kalooban at pag-iisip. Maaaring makinig ng soft music at mag-meditate. Puwede ring sumabak sa mga ehersisyong hindi gaanong nakakapagod.
Kung H. pylori bacteria ang sanhi ng ulcer, patuloy na inumin ang gamot na nireseta ng doktor hanggang sa ito ay maubos, kahit tila nawala na ang sakit sa tiyan. Maaaring manumbalik ang sakit kapag hindi napatay ang bakterya, at hindi ito basta-basta napupuksa. Inumin ang gamot sa takdang oras hanggang sa ikaw ay gumaling.
Isabay ang pag-inom First Vita Plus Melon Variant. Makakatulong ito para sa mabilis na paggaling ng ulcer dahil sa 5 power herbs. Pinalalakas nito ang immune system ng tao. Kapag malakas ang immune system ng isang tao, mabilis siyang gumaling. Kaya mas mabisa pa ito kaysa sa gamot. Ang immune system ang pinakamagaling na doktor ng ating katawan.
Wala nang rason upang mag-suffer ka sa ulcer. Sundin lang ang mga nabanggit na tips.
No comments:
Post a Comment