Followers

Friday, April 30, 2021

Ang Aking Journal -- Abril 2021

Abril 1, 2021
Past 9 na ako bumangon para mag-almusal. Alam ko kasi na may magluluto ng almusal-- si Kuya Emer. Tama naman ako. Naka-ready na iyon pagbaba ko.

After breakfast, nag-gardening lang ako nang kaunti, then nagsulat na ako para sa next vlog ko.

After lunch, nanonood ako ng series aa Youtube. Hindi ako inantok sa pinanonood ko.

Past 5:30 na ako bumaba para magmeryenda. Nakaalis na noon si Kuya Emer.

Gabi, ipinagpatuloy ko ang pagsusulat. Natapos ko naman iyon, sa wakas.

Huwebes Santo ngayon. Ikalawang taon nang ganito. Nakaka-miss ang gumala. Pero, mas gusto ko ang ganito kasi tipid.



Abril 2, 2021
Malinaw na malinaw sa akin ang panaginip ko sa madaling araw. Tungkol iyon sa malaking bahay na nakatayo sa lupa namin sa Polot. Nakapagara niyo. Although, hindi pa tapos, pero kakikitaan na ng karangyaan.

Hindi ko inakalang ang panaginip pala iyon ay tungkol sa pag-chat ni Gie bandang 9:30 am kanina. May buyer na raw siya niyon. Worth P600k ang alok niya. Kaya lang, gusto ng bibili na i-settle muna ang sanla kay Bolodoy, na pinsan ko. Napag-alaman ko na magkakaproblema kami dahil nagtayo na ng konkretong bahay roon. Nakakagalit! Sangla lang naman iyon.

Na-realize kong may koneksiyon ang panaginip ko sa reyalidad.

Gusto ko rin namang maibenta na iyon nang magamit na, lalo na ni Mama. Kung ipapaopera sa mata niya, okay lang. Kung ibibili ng lote, okay lang din.

Sabi ko nga kay Gie, walang problema sa akin as long as na magamit nang tama ang pinagbentahan.

Ngayong araw, tinapos ko ang vlog tungkol sa First Vita Plus. Natagalan ako sa pag-save kasi twice kong ginawa. May nakita akong mali sa unang file. Gabi ko na iyon nai-upload sa youtube channel ko. Worth it naman.

Nakapanood din ako ng pelikula sa TV habang naghihintay na lumamig sa kuwarto. Nagustuhan ko iyon-- Gladiator.



Abril 3, 2021
Black Saturday ngayon. Hindi pa rin ako makalabas para mag-bike although puwede naman. Kaya lang, nakakatakot din. May mga checkpoint kasi, baka maharang pa ako. Mas pinili ko na lang na mag-stay sa garden.

Maghapon akong nagsulat ng update sa wattpad. Minadali ko na nang matapos ng Book 1 ng nobela ko. Gabi, nakapag-post ako ng isang chapter.



Abril 4, 2021
Linggo ng Pagkabuhay. Maaga akong nagising dahil sa ingay sa paligid, pero hindi naman agad ako lumabas sa kuwarto. Nag-body weight workout ako. Na-inspire ako sa Twitter friend ko.

Past 9:30 na ako nakapag-almusal.

Pagkatapos niyon, nagdilig ako. Isinunod ko ang pagsusulat ng isa pang chapter ng nobela ko.

Nakadalawang chapter ako ngayon. Mula umaga hanggang gabi ba naman akong nagsusulat.

Bukas, balik online class na naman. Sana may tsetsekan na akong modules. Sana dalhan uli ako ni Ma'am Vi. Lolz.




Abril 5, 2021
Gumising ako nang maaga para s aonline class. Nagsimula na ako sa Quarter 3 kahit wala pang hawak na modules ang mga estudyante. Gayunpaman, naging maayos ang aming discussion.

Sa ikalawang araw, nag-home work out uli ako. Dinagdagan ko ng reps ang mga ginawa ko kahapon. Nagdagdag din akong isa pang routine.

After, exercise saka lang ako nag-almusal. Then, nagsulat naman ako. Nakapag-post ako bago ako nag-biking at 3 PM.

Hapon, dumating si Ma'am Jenny. Kinausap niya ako tungkol sa First Vita Plus. Humingi siya ng permiso sa pag-i-speaker o pag-share ni Zillion sa webinar. Pumayag ako siyempre. Gusto kong mahasa ang anak ko sa pagsasalita.

Nagsulat uli ang ng pang-update sa wattpad. Halos matapos ko ang isang chapter kung hindi lamang sa mga abala ng mga nag-chachat



Abril 6, 2021
Ikalawang araw ng onlimne class na walang modules. Naging maayos naman. Medyo nahirapan nga lang akong pumasok sa Google Meet, kaya nag-extend ako ng limang minuto.

After class, nagluto ako. Hinintay ko pa silang magising para makabili ng itlog. Haist! Gising-mayaman ang mag-ina ko.

After breakfast, nagpahinga lang ako..Then, nag-home workout uli ako. Dinagdagan ko na naman ng reps ang ibang routine at isa pang routine. Kaya naman, inabot ako ng 11 am bago ako nakapagdilig ng mga halaman. Okay lang naman dahil ramdam ko ang development sa katawan ko. Masasakit ang calf ko, ang hita ko, at abdomen ko.

Hapon na ako nakapag-post ng isa pang chapter ng nobela ko sa wattpad. Pagkatapos niyon, nag-isip na naman ako ng gagawin ko. Sayang kasi ang mga oras na wala akong modules na tsinitsekan.

Naisip kong isulat para sa vlog ang tungkol sa hypersalivation dahil noong isang araw may nagtanong nito sa vlog ko. Nagkainteres ako.

Before 10 pm, naisulat ko na ang draft. Bukas ay gagawan ko ma ito ng video.




Abril 7, 2008
After class, umalis ako para mag-withdraw ng clothing allowance. Wala pa akong almusal niyon kasi kababangon lang ni Emily. Nagsasaing pa. Nakakainis talaga! Gayunpaman, nanahimik pa rin ako.

Past 10:30 na ako nakauwi kasi nag-grocery pa ako. Iyon din ang oras kung kailan ako nakapag-brunch.

Ngayong araw, natapos ko na ang powerpoint presentation ng gagawin kong vlog. Nasimulan na ko rin ang last chaoter ng nobela ko sa wattpad. Napakintab ko rin ang mga dahon ng aking mga halaman, gamit ang egg whites. Hindi nga lang ako nakaidlip.




Abril 8, 2021
Pagkatapos ng klase, agad akong nag-home workout. Mga past 9 na ako natapos at nakapag-almusal.

Pagkatapos ko namang magdilig, hinarap ko ang pag-record ng audio para sa aking vlog. Past 12 ko na iyon natapos. After lunch, sala ko iyon na-uoload sa youtube at sa FB page ko.

Umidlip ako pagkatapos niyon, pero hindi naman ganoon katagal, nag-usap kasi kami ni Ma'am Vi tungkol sa school uniform at sa plano naming research, na sisimulan namin sa Monday.

Gabi, nagsulat ako ng wakas ng nobela ko sa wattpad. Past 8:30, nai-post ko na iyon. Excited na ako sa Book 2 niyon.




Abril 9, 2021
Dahil holiday ngayon, late akong bumangon. Past na rin akong nag-almusal. Hindi kasi ako naka-schedule para mag-home workout.

After breakfast, nag-gardening ako. Na-miss kong magtanim at mag-repot. Andami ko ring na propagate.

Past 11, dumating ang air pump kaya nag-set up ako ng inflatable pool.

Past 2:00 tapos na kaming maligo. Umidlip naman ako. Hindi nga lang nahimbing dahil sa ingay ni Zillion.


Seven, umattend ako sa webinar ng Toktok. Interesado sana ako kaya lang ayaw ni Emily. What is P17,888 kung lifetime business naman.



Abril 10, 2021
Napuyat ako sa ingay ng delivery jeepney sa kapitbahay, kaya nahirapan akong bumalik sa pagtulog bandang 2 am. Pero kailamgan kong bumangonq nang maaga dahil umalis si Emily. Ipinagluto ko ng almusal.

Then, tinapos ko ang paglilinis sa garden upang magkasya ang inflatable pool at maging maluwag ang daanan.

Bago ako nag-workout, na-set up ko na ang pool at nilagyan ko na ng tubig.

Hinayaan kong maligo si ZillIon. Naabutan nga siya ni Emily. Ako naman, nasa Zoom webinar ng Unified Products and Services. Past 2 na ako nakaligo.

Past 6, may webinar uli. Interesado ako pero parang ayaw kong maglabas ng puhunan, lalo na't walang interes si Emily.




Abril 11, 2021
Late na ako bumangon dahil inuna ko muna ang workout.

Nakaka-refresh ng sarili ang pag-eehersisyo. Kahit wala akong equipment, body weight lang, pinagpapawisan pa rin at ramdam ko ang magandang dulot sa aking katawan. 

Nag-videoke rin ako pagkatapos mag-almusal.

Maghapon, nagsulat ako ng unang chapter ng book 2 ng nobela ko sa wattpad. Nagbabad din ako sa inflatable fool mula past 12 hanggang past 2. Then, umidlip ako. 

Gabi, hindi ko agad natapos ang chapter 1 dahil ginamit ni Zillion sa Zoom webinar. Isa siyang sharer ng First Vita Plus. Kahanga-hanga siya dahil sa edad na 10 ay nakapag-share niya siya. Siya na marahil ang pinakabatang sharer sa history ng FVP.

Past 11 ko na nai-post ang Chapter 1. Natulog agad ako pagkatapos.



Abril 12, 2021
Maaga akong nagising dahil sa isang panaginip. Palaging palaisipan sa akin ang mga panaginip ko. Noong Sunday, nagbunot ako ng sirang ngipin ko. Kamatayan ang kahulugan niyon. Humingi ako sa Diyos ng awa. Sabi ko, huwag naman sa pamilya ko. Mabuti na lang dahil wala naman. 

Bago ako nag-almusal, nag-home workout muna ako. Then, mag-videoke ako. Masaya ako Kaya nang inutusan akong maglaba ni Emily, wala akong negativity. Sinumulan ko iyon bandang past 12. Natapos ko after 2 hours. Naisampay ko. 

Past 3 na ako nakaligo at nakaidlip. Past 5 naman ako bumangon para magmeryenda. Then, nag-videoke ako hanggang 7:30. Tumigil ako para magsulat naman ng Chapter 2. 

Nainis lang ako kay Emily dahil hindi na naman nagluto ng ulam. Jjampong lang inihanda niya. Sabi ko, "Dapat may pritong isda kapag may ganito. Paurong tayo, ah... Bumabalik sa kahirapan." Gusto ko siyang awayin, pero magiging balewala. Wala talaga siyang pakiramdam. Hindi siya marunong mag-alaga ng asawa. Ever since, hindi niya ako napataba. 

Sobrang kabaliwan sa First Vita Plus, maghapong may kausap. Nakaupo, nakahiga. Ni paghugas ng mga plato, hindi na nagawa. Haist! 

Nakakalungkot ang buhay ko. Mabuti pamg wala akong asawa. Parang wala naman akong kasama. Mas tanggap ko pang gumawa mag-isa. 



Abril 13, 2021
Pagkatapos ng online class, naghanda ako ng breakfast. Akala ni Emily may lagnat ako. Sabi ko, "Ako pa ngayon ang may lagnat?" Joke lang daw.

Nag-home workout ako bandang 9. Matagal kong natapos kasi pahinto-hinto ako. Umalis kasi ang mag-ina ko para magpalit ng First Vita Plus checks.

Past 11:30, dumating sila. Nabigo silang ipalit iyon. Ayaw papasukin si Zillion. Nakakabuwisit ang Security Bank sa Gen Tri. Bobo! May discrimination. Pirma lang ang kailangan, kaya naroom, hindi pa pinagbigyan. Gusto pang ideposit bago ma-claim. E, ayaw ngang papasukin. Mas matagal ang process niyon. Gago talaga!Nalungkot tuloy si Ion. Pambili pa naman sana niya iyon ng cake at ice cream para sa birthday ng Tito Emer niya. 

Umidlip ako after maligo hanggang 3. Paggising ko, walang internet. Past 8:30 na dumating. 

Naka-chat ko si Jano. Malapit nang makuha ang bayad sa lupa namin sa Polot. Naibenta ng P600. Nasa banko na. Three days pa bago makuha. 

Hinati iyon sa apat-- kay Mama, kay Jano, kay Taiwan, at sa akin. Okay na rin iyon. Makakabili rin ako niyon ng lupa kahit maliit.



Abril 14, 2021
Nag-home workout ako right after ng online class. Late na ang breakfast ko. Then, isinunod ko ang gardening. 

Past 10:30, nagluto ako ng chicken adobo. Na-miss kong bigla ito, gayundin ang pagluto.

Then, nagsulat ako ng wattpad update. Nai-post ko iyon bago ako naligo. 

Hapon, nanood lang ako ng series aa youtube. 

From 8 to 10:30 pm, nasa webinar ako ng Rotary Club about CoViD-19. Essential sana, pero hindi ako interesado. Gayunpaman, naka-in lang ako. Kahit paano ay may napapakinggan ako. 




Abril 15, 2021
Kagaya kahapon, late na ako nag-almusal dahil inuna ko muna ang home workout pagkatapos ng klase. Pero, mas maaga akong nakatapos kasi wala akong ka-chat. 

After, breakfast natanggap ko na ang balita mula kay Jano na may tseke na ako, as kaparte ko sa lupang ibinenta.

Ngayong araw, marami akong na-accomplish. Nakapagsulat ako ng isang chapter ng nobela. Nakapag-biking. At  nakapag-gardening. Dumating na kasi ang plant rack na pinagawa ko kay Kuya Boy. Mas organisado na ang mga halaman ko.

Wala pang one hour ang biking ko at hindi ako lumayo kasi flat tire ang bike ko. Wala akong dalang pera upang makapagpahangin ako.

Gabi, nag-print ako ng mga Special Power of Attorney na dadalhin ko kina Jano bukas. Makikigulo muna ako sa school bago ako bumiyahe pa-Antipolo.



Abril 16, 2021
Past 7:30, nakaalis na ako sa bahay. Tinulungan ako ni Emily na makabili ng long bond paper upang mai-print ko ang iba pang dokumento. Nagpabili rin ako ng battery kay Zillion dahil nagloloko ang mouse ko.

Past 9 nasa school na ako. Naroon na rin sina Sir Hermie at Ma'am Vi. Tinulungan ko silang mag-assort ng summative tests.

May pa-free lunch si Ma'am Vi. Then, nagkainan din kaming Tupa group bandang 1 PM. After 4 months, nagkasama-sama uli kami. 

Before 2, bumiyahe na ako patungong Antipolo. Mabilis lang ang biyahe, kaya nakarating ako kina Jano bandang 4 pm. 

After naming pumirma sa mga dokumento, nagkuwentuhan na kami. Matagal-tagal kaming nagkuwentuhan. Sinabi niya sa akin na gusto na niyang magkaroon ng sariling bahay. Gusto ko man, pero hindi sapat ang pera. 

Sa unang pagkakataon, nag-stay ako kina Jano. Nagyaya kasi siyang mag-swimming. Gusto ko rin naman makaligo sa ilog. 



Abril 17, 2021
Past 4 am, gising na ako. Hindi na ako nakatulog kasi sobrang lamig. Bumangon naman ako bandang past 7.

Disappointed ako kay Jano kasi hindi naman siya nagpursigeng maligo. Gusto kasi niya, ako ang gagastos. Hay naku talaga!

Pagkatapos pumirma ni Taiwan, umuwi na ako. Bandang past 10 na iyon.

Nakasakay ko si Auntie Lida sa dyip. Nagpaabot ako ng P1k para kay Ate Diyang. Nagpasaring kasi noon si Auntie Helen na kailangan ni Ate Diyang ng gamot para sa mental illness nito. 

Past 1 na ako nakakain. Pares na lang ng kinain ko kasi sarado ng mga fast food chain, na gusto kong kainan.

Past 3, nakauwi na ako. Sobrang antok ko, pero hindi naman ako nakatulog. Okay lang naman. At least, safe ako. 

Naka-chat ko si Lizbeth, live-in partner ni Taiwan dahil sa pinost nitong farm lotnfor sale. Ang mura sana ng per square meter, pero buo palang ibinibenta. Bawal ang tingi. Sana mahanapan niya ako. 



Abril 18, 2021
Kahit paano ay nakabawi ako ng ilang araw na puyat kasi 7:30 na ako nagising. 

Bago ako bumaba, nakapag-home workout na ako. Dalawang araw ding may gap. Every Friday, wala akong workout. Kahapon lang ako nakapag-miss. Di bale...

After breakfast, hinarap ko ang paggawa ng powerpoint presentation tungkol sa panitikan ng Mindanao. Tulong ko ito sa kaibigan kong si Michael. Magagamit ko rin ito sa aking youtube. 

Past 5:30 ko na iyon natapos. Saka ako nagdilig ng mga halaman. 

Gabi, nainis ako kay Emily. Gusto na namn niyang maglabas ako ng pera sa First Vita Plus. Puro na lang ako kapital. Ako na ang walang mainom. Haist! Sana naman kapag kumita siya, ipunin niya. Huwag puro padala. Kawawa naman ang bulsa ko. Kahit sana ibili niya ng iinumin niya, makabawas man lang sa gastusin ko. Lahat na lang ba sa akin?

Ang puhunan sa mga halaman at paso, nawala na. Aruy! Nakakabanas na talaga. 



Abril 19, 2021
Nagsimula na ang unmerged online classes namin. Ikalawang week na ito ng comparative study namin kung alin ba ang mas maganda-- ang merged or unmerged.

Nakadalawang klase ako. Ang dalawang sections ay walang pumasok. Tumambay lang ako. Habang nakatambay, nag-home workout ako. 

After class, gumawa ako ng DLL para sa COT. Natapos ko naman iyon bago mag-lunch.

Hapon, gumawa ako ng vlogs. Nakatatlong vlogs ako ngayong araw.

Nakapanood din ako ng youtube series. Nakapag-gardening din. Hindi nga lang ako nakaidlip dahil sa sobrang init. 



Abril 20, 2021
Umalis si Emily ngayong araw. Naging tahimik kami ni Zillion. 

Ngayong araw, dumating na ang tseke ko mula sa Google Adsense. Nakakatuwa! Youtube salary is real! Sana magtuloy-tuloy na. 

Naging abala ko maghapon. Gumawa ako ng vlog tungkol sa aking cheque. Nag-entertain ako kay Sir Hermie at kay Ma'am Wylene. Nauna si Sir. Naghatid si Ma'am Wylene ng modules na kinarga ko sa kotse niya noong Friday. Binayaran ko siya ng maraming plants. Tuwang-tuwa naman siya.

Then, nag-inuman at nagkantahan kami ni Sir Hermie. Past nine na kami natapos. Inabutan na kami nina Emily at Kuya Emer. 

Dahil hindi ako nakainom ng First Vita Plus, nasuka ako bago ako natulog. Nakalimang grande kasi kami. Tindi!




Abril 21, 2021
After class, nag-exercise ako. Hindi ko natapos kasi nag-set up ako ng inflatable pool. Um-attend din ako ng meeting. Gabi ko na itinuloy ang workout.

Ngayong araw, nag-check ako ng summative tests. Kakaunti lang ang nagpasa kaya mabilis kong natapos. Nairekord ko na rin. 

Past 2, nagbabad ako sa pool. Kahit paano ay napreskuhan ako. At sa gabi, bago ako natulog at pagkatapos kong makagawa ng isang summative test sa ESP 6, nagbabad uli ako sa pool. Malamig nga lang, kaya mabilis lang ako.



Abril 22, 2021
Nainis ako kay Emily dahil past 8:30 na ay wala pa ring almusal. Mas inuna pa niya ang pakikipag-meeting. Haist! Nasira ang mood ko. Kaya naman after ng online class at home workout, nagdilig ako ng mga halaman at naglinis ng inflatable pool. Gusto kong mawala ang stress ko. Past 1:00, nagbabad ako.

Sinimulan kong gumawa ng vlog kaninang umaga, pero hindi ko natapos dahil sobrang ingay sa paligid.

Past 3, nadiskubre kong may chat at email sa akin si Ma'am Nhanie. May idagdag daw ako sa module. Nalungkot ako, pero ginawa ko pa rin dahil binayaran na ako. Sana lang may tatanggapin pa akong bayad kasi natanggap uli ang modules ko. Ang iba, hindi. 

Nai-submit ko na ang karagdagang pages bandang alas-nuwebe. Then, nagbabad ako sa pool bago natulog. 




Abril 23, 2021
After ng online class, bumiyahe ako patungong Pasay upang ideposito ng mga cheque ko na mula sa pinagbentahan ng lupa namin sa Polot, First Vita Plus, at Google Adsense. 

Before 12, nasa PNB na ako. Bigo akong maideposito ng kinita ko sa youtube kasi kailangan ng dollar account. Nalungkot din ako kasi ang balance kong P2,000+ ay napunta lang sa charge. Hindi ko pala na-meet ang maintaining balance n P5k.

Bago ako nag-lunch, naghanap muna ako ng CitiBank. Sa tulong ni Michael, nagpahanap ako sa Google. Sa US Embassy, meron sana, kaya lang, nahiya akong pumasok. Ang sumatotal, hindi ko naipa-encash. Okay lang naman. Six months naman ang expiry ng mga tseke.

Nakauwi ako bandang 4 PM. Nag-search ako kung paano maging pera ang tseke ko sa youtube. Nasagot din ng isang vlogger. Kaya, nakahinga na ako nang maluwag.

Nag-chat naman ako kay Jano tungkol sa ipinakita niyang lupang binibenta. Interesado na ako. Kailangan ko na lang makita iyon. 

After meryenda, nag-gardening ako. Gustong-gusto ko nang mawala ang mga paleta sa garden ko. Nakapagpapasikip kasi. Kung dati, gandang-ganda ako, ngayon parang hindi na bagay sa garden ko. Babawasan ko na. Sobrang dami kasi, e. 




Abril 24, 2021
Maaga akong bumangon para maglinis sa garden. Inuna kong linisan ang labas ng bakuran. Isinunod ko ang loob. Natagalan ako nang husto dahil sa mga paleta. Pinagtatanggal ko na. Inipon ako ang mga kahoy upang pabulukin at panlagay sa halaman.

Halos wala akong pahinga. Mabuti na lang, ako lang mag-isa sa bahay, mula ala-una, kasi nasa BDF kina Ma'am Jenny ang mag-ina ko.

Gabi, nagpahinga na ako. Sobrang pagod ko pero worth it naman. 

Past 6:30, dumating ang mga uplines namin sa First Vita Plus, na sina Sir Aries, Sir Elvis. Ma'am Nita, etc. 

Nakita pa nila ang kaguluhan sa garden ko, pero ayos lang. Nabigyan ko naman ng halaman sina Ma'am Nita at asawa ni sir Aries.




Abril 25, 2021
Maaga ulit akong bumangon upang tapusin ang ginagawa ko sa garden.

Past nine, nagawa ko naman agad. Nai-set up ko na rin ang inflatable pool. At habang naglalagay ng tubig, naglinis naman ako sa sala. Pagkatapos, naglinis naman ako sa kuwarto. Isinunod ko na ang paglalaba. Nagwa-washing ako habang nagbababad sa pool.

Power talaga!

Past 5, dumating na si Boboy, kasama ang mag-ina niya, mommy niya, at bayaw. 

Sumunod na pangyayari, agad naming nakita kung paano atakehin ng sakit si Ate Jennilyn.   Hindi na kami nagpatumpik-tumpik pa. Ang First Vita Plus kaagad ang idinulot namin sa kaniya..

Pagkatapos niyon, nag-sales talk na kami. Hindi pa nagtatagal, nag-decide na siyang maging dealer. Power! Good thing is may webinar kaya nakapanood at nakapakinig sila.

Bago kami natulog, nagbigay na siya ng pera para sa powerpack. Wow! Sana all ng bisita ay open-minded. 



Abril 26, 2021
Gumising ako ng alas-3 upang ipagluto ng almusal ang mga bisita ko na aalis bandang 4 am para pumila kay Nick Banayo, isang faith healer. 

Mga 4:30 umalis na sila. Natulog uli ako hanggang 6:30 para sa online class. Kaya lang. Hiningi ni Ma'am Vi ang time ko sa VI-Charity upang matapos niya ajg lesson niya. Natulog uli ako hanggang 9. 

After breakfast, nagbanlaw ako ng mga winashing ko kahapon. Nagpatulong ako sa pag-hanger.

Dahil sa puyat, natulog ako bandang past 1:30 hanggang 5. Iyon na ang pinakamahabang idlip ko sa hapon. Nakatulong marahil ang First Vita Plus By Bye Old Self na ininom ko before lunch. 

Gabi, nagkadiskusyunan na naman kami ni Emily tungkol sa plantsa na hinihiram niya sa kapitbahay. Hindi niya makuha ang punto ko. Judgmental daw ako at No mam is an island. Kako, walang kabuluhan iyan sa akin. Pinahihiya niya ako sa kapitbahay. Ano na lang ang sasabihin. Plantsa lang, hindi pa makabili. Kami nga, ayaw nang hinihiraman ng gamit. Ganoon din ang ibang tao. Saka sabi ko, mabubuhay tayo kahit walang plantsa.

Hay, naku! Matigas pa rin siya. Mayabang! Ayaw makinig. Sabi ko nga, kapag may income siya bumili siya. Bibili raw siya after magbayad ng utang E, 'di, good! Basta ayaw ko nang nanghihiram ng gamit sa kapitbahay, at ayaw kong kalat-kalat lang sa bahay dahil ako ang naglilinis at nag-aayos, hindi siya. 

Nakakasira ng mood! 



Abril 27, 2021
Umalis si Emily bandang 8:30. Patungo siya sa First Vita Plus office. Pero bago siya umalis, nakapaglinis na ako sa kuwarto. At pag-alis naman niya, natapos ko ang home workout ko. Naituloy ko na rin ang paggawa ng vlog. 

Tahimik kami ni Zillion maghapon. Nakaidlip pa nga ako. 

Past 4, dumating si Sir Hermie. Hinatid niya ang pinabili kong halaman. Inimbitahan niya rin ako sa birthday celebration niya bukas. Pinagluluto niya ako ng tofu-mushroom sisig.

Pag-alis niya, nagtanim ako. Andami kong naitanim at nai-repot. Naabutan pa ako ni Emily. 

Gabi ko na nai-upload ang vlog na ginawa ko maghapon. 



Abril 28, 2021
Hindi na ako nakapag-home workout dahil pagkatapos ng online class, namili na ako ng ingredients para sa tofu-mushroom sisig na request ni Sir Hermie. Nagluto agad ako pagdating ko kasi maaga niya akong susunduin. 

Eleven, nasa bahay na ako nina Sir. Marami siyang handa, pero walang dumating na ibang bisita. 

Past 2, nag-inuman at nagkantahan na kami. San Mig Light ang ininom namin, kaya nanibago ako. Tinamaan agad ako. Bloated ako kaya halos hindi na iyon tinatanggap ng sikmura ko. Gayunpaman, masaya ang birthday celebrant dahil sa mga kinanta ko. 

Past 11 na kami natulog. Hindi naman kami masyadong lasing. Bloated lang.



Abril 29, 2021
Maaga akong nagising, pero kahit paano ay nakatulog ako. Hindi tulad noong una kong sleepover kina Sir Hermie, na kulang ako sa tulog.

After breakfast, hinatid niya na ako sa bahay. Dumaan muna kami sa bilihan ng halaman. Bumili ako ng white bougainvillea. 

Pagdating ko, nagdilig agad ako. 

Hapon, gumawa ako ng summative sa ESP 6 Quarter 3. Isiningit ko rin ang panonood sa Youtube. Hindi ko naman itinuloy ang paggawa ng ESP 6 module para sa Q4. Napagod na ako. 



Abril 30, 2021
After online class, nag-home workout ako. Isiningit-singit ko ang paglilinis sa kuwarto.

Habang naghahanda si Emily sa pag-alis, sinimulan kong gawin ang isang vlog. Ang tabal niya, alas-11:30 na siya nakaalis. Sinundo siya ni Kuya Emer. Late na rin kaming nag-lunch ni Ion kasi hindi agad nakapagsaing. Okay lang naman...

Hapon, hindi ako umidlip. Tinapos ko talaga ang paggawa ng vlog. Past 4 ko na iyon nai-save. Five PM ko naman nai-upload. 

Gabi, sinimulan ko naman ang paggawa ng ESP 6 module. Nakagawa na ako ng story bilang spring board. Nakapag-stay rin ako makatapos ako ng dalawang pahina. Thirteen pages more to go. 

















 
























Thursday, April 22, 2021

Best Country to Live In

Nanonood ng balita ang mag-inang sina Camille at Mama Glenda. Pagkatapos nilang mapanood ang isang balita tungkol sa isang masalimuot na buhay ng isang overseas Filipino worker o OFW, pinatay ni Camille ang telebisyon. Camille: Nalulungkot po ako para kay Papa. Mama Glenda: Bakit naman, Anak? Maayos naman ang kalagayan ni Papa mo sa Dubai. Camille: Hindi po tayo nakakasiguro. Malay po natin, baka naglilihim lang po siya sa atin. Ayaw niya po na mag-alala tayo sa kaniya. Mama Glenda: E, madalas naman natin siyang nakakausap at nakikita sa video call. Maayos naman siya. Masaya siya. Malusog. Camille: Kahit na po… Gusto ko pa ring makauwi na lang siya rito sa Pilipinas. O kaya po, lumipat po siya ng ibang bansa. Mama Glenda: Naku, mahirap pa ngayong lumipat ng ibang bansa. May pandemya pa, Anak. Camille: Sabagay po… Mama Glenda: E, saang bansa mo ba gustong lumipat si Papa mo? Camille: Sa Norway po o kaya sa Switzerland at Australia. Mama Glenda: Ha? Bakit doon? Camille: May nabasa po kasi ako sa Google. Ang Norway, Switzerland, at Australia ay kasama sa top ten best countries to live. Mama Glenda: To live naman pala,e . Hindi naman paninirahan ang sadya ng papa mo sa ibang bansa, kundi trabaho. Camille: Ganoon din po iyon. Ibig pong sabihin, maganda ring magtrabaho roon. Saka po, malay po natin, dalhin tayo roon ni Papa. Doon na tayo tumira. Mama Glenda: Bakit ayaw mo na ba sa Pilipinas? Camille: Gusto naman po, kaya lang po isa po yata ang Pilipinas sa worst country to live in. Mama Glenda: (Natawa) Sinabi mo pa. Sa araw-araw nating panonood ng balita, puro negative ang mga naririnig at nakikita natin, gaya ng traffic, polusyon, krisis sa ekonomiya, korupsiyon, basura, kalamidad, krimen, at kahirapan, kaya pati prostitusyon ay talamak na rin. Camille: Bihira na nga lang po ibalita ang tungkol sa malinis na kapaligiran, katahimikan, matatapat na pinuno, pagkakaisa, at kapayapaan. Mama Glenda: Wala kasing matibay na bungkos ang ating mga pinuno. Kung katulad lang sana sila sa walis tingting, sana ang mga Pilipino ay hindi nakakaranas ang paghihirap, ang bansa sana natin ay maunlad, at ang gobyerno sana natin ay maipagmamalaki sa ibang bansa. Camille: Tama ka po, Mama. Mas humahanga pa nga po ako sa mga pansibikong organisasyong sumusulong para sa kabutihan at karapatan ng mga Pilipino kaysa sa mga politikong walang ibang gumawa kundi ang mangampanya at magpayaman. Sila ang mga grupo na tunay na nagmamalasakit sa kapakanan ng mamamayan. Mama Glenda: (Napapalakpak sa tuwa) Naku! Puwede nang sumali sa Miss Universe-Phillipines ang anak ko! Ang husay-husay! Camille: Hindi po iyong ang pangarap ko, Mama. Ang gusto ko lang po ay tumira sa isang bansang payapa, maunlad, at masaya. Mama Glenda: Hayaan mo, Anak… Baka sa 2030, matupad na ang pangarap mo. Hindi naman imposibleng maging best country to live in ang Pilipinas. Camille: Sana nga po, Mama. Muling binuhay ni Camille ang telebisyon at nanood uli silang mag-ina.

Thursday, April 8, 2021

Labis na Paglalaway: Sanhi, Sintomas, Epekto, at Lunas

Alam ba ninyo na ang laway ay mahalagang likido sa bibig ng tao? Ang laway ay binubuo ng 98% na tubig at mga electrolytes, mucus, white blood cells, epithelial cells, enzymes, antimicrobial agents at lysozymes. At ang 2% ay binubuo naman ng organic at inorganic substances. Ang enzymes na matatagpuan sa laway ay mahalaga sa pagproseso ng pantunaw ng mga dietary starches at fats. Ang mga ito rin ang mga tumutunaw sa mga tinga, kaya naiiwasan ang pagkabulok ng ngipin. Binabasa-basa rin ng laway ang mga pagkain upang madali itong malunok. At pinananatili nitong basa ang oral mucosa. Ang oral mucosa ay malambot na balat sa paligid ng dila. Kahit sa mga hayop, mahalaga ang laway. May mga iba’t ibang uri ng ibon na gumagamit ng laway upang gumawa ng pugad. Sa Pilipinas, nakilala ang Nido soup, kung saan ginagamitan ito ng pugad ng ibon, na yari sa kanilang laway. Ang mga cobra at iba pang uri ng ahas ay nagha-hunting ng pagkain gamit ang kanilang mga laway na may lason na nakaabang sa mga pangil. Laway din ng cobra o kamandag (venom) ang mabisang antiserum para sa mga snakebites. May ilang uod (caterpillar) din na gumagawa ng sutlang hibla (silk fiber) mula sa mga laway nila. Idagdag ko pa ang isang mabisang kagamutan ng laway sa mga tao. Kapag nagkakasugat o nagkakagasgas tayo, laway ang ipinanggagamot natin. Naaampat nito ang pagdurugo, ‘di ba? Ang isang malusog na tao ay gumagawa ng 0.75 hanggang 1.5 litro ng laway bawat araw. Tumataas ang produksyon ng laway kapag ang isang tao ay kumakain. At nasa pinakamababang antas naman kapag natutulog. Talagang mahalaga ang laway. Pero, teka… paano kaya kung sobra-sobra ang paglalaway ng isang tao? Healthy pa rin ba ito? Ang labis na paglalaway o hypersalivation ay tinatawag na sialorrhea o ptyalism. Masasabing ang isang tao ay may ganitong kondisyon kapag labis ang laway sa kaniyang bibig, kaya tumutulo at lumalabas na ito nang kusa. Ito ay maaaring tuloy-tuloy o pahinto-hinto. Maaari ring pansamantala o pangmatagalan. Gayunpaman, maaari itong magdulot ng depresyon sa taong nakararanas nito, kaya dapat itong bigyan ng agarang lunas. Hindi naman sakit ang hypersalivation, kundi sintomas ng isang karamdaman. Ang hypersalivation ay maaaring sanhi ng morning sickness ng mga buntis, impeksiyon sa sinus, throat, o peritonsillar, kagat ng makamandag na hayop at insekto, maling paggamit o pagkabit ng pustiso, ulcer, pamamaga o pananakit sa bibig, hindi wastong pangangalaga sa ngipin, dila, at bibig, rabies , tuberculosis (TB), heartburn, at jaw fractures or dislocation. Nakararanas din ng hypersalivation o hirap sa paglunok o pagtanggal ng laway sa bibig ang mga taong may Down Syndrome, autism, stroke, and Parkinson’s disease. Kapag ang isang tao rin ay may sensory dysfunction, hindi niya nararamdaman na tumutulo na pala ang kaniyang laway. Ang taong may cerebral palsy naman ay walang kakayahang isara ang bibig, kaya kusang tumutulo ang laway nito. Ang kahirapan sa pagpapanatili ng laway sa bibig naman ay maaaring dahil sa hindi wastong kontrol sa ulo at mga labi, palaging bukas na bibig, paglaki ng dila, sungki-sungking ngipin, at baradong ilong. Minsan naman, ang labis na paglalaway ay dulot ng pagtingin, pag-amoy o pagtikim ng pagkain at kahit pag-iisip lamang nito. Naglalaway tayo kapag may kumakain ng kamias o anomang maasim na pagkain o prutas. Ang excitement at anxiety ay nakapagdudulot din ng hypersalivation. Pero, teka… paano natin masasabing nakararanas tayo ng hypersalivation? Siyempre, umaagos ang laway, dura nang dura, at sobrang paglunok ng laway. Ang taong may ganitong kondisyon ay maaaring may bitak-bitak na labi, may malambot at sugat sa paligid ng mga labi, may impeksiyon sa bibig, may mabahong hininga, dehydrated, may speech disturbance, may pneumonia, at may mahina o hindi wastong panlasa. Ang sinomang may hypersalivation ay nakararanas ng sikolohikal na komplikasyon, social anxiety, at suliranin sa pagkain at pagsasalita. Maaari rin itong magdulot ng aspiration pneumonia dahil nadadala niya ang mga pagkain at tubig sa kaniyang baga. Nangyayari ito kapag nagkakaproblema sa pag-ubo at pagpigil sa ubo. Mahalagang masuri ang pinag-uugatan ng hypersalivation dahil baka mas malala pala ang pinagmumulan nito. Masusuri ng mahusay na espesyalista ang puno’t dulo nito dahil iisa-isahin niya ang bawat anggulo—mula pisikal, medikal at mental na kondisyon, at iba pa. Kung walang badyet sa pagpapa-checkup, may mga home remedies naman upang mapahinto ang labis na paglalaway. Alin man sa mga sumusunod ay maaaring umepekto: Magdikdik ng coffee beens (kape) at ilagay sa ilalim ng dila. Kumuha ng lemon wedge at sipsipin ito. Ang mga tsaa o salabat ay may kakayahang patuyuin ang bibig. Maaari ring ngumuya ng luya. Sumubo ng ice cube. Magsipilyo nang madalas. Umiwas sa matatamis na inumin at pagkain. At dahil, legit and authorized dealer ako ng First Vita Plus, inirerekomenda ko sa inyo ang pag-inom ng First Vita Plus Natural Health Drink. Makatutulong ito upang palakasin ang immune system ninyo, na siyang pipigil sa pagkakaroon ng mga karamdamang nagdudulot ng labis na paglalaway. Ang laway ay mahalaga, pero kapag sumobra, tiyak tayo ay may problema. Kaya, huwag na tayong magpatumpik-tumpik pa. Kilos na! .

Friday, April 2, 2021

Mga Dapat Malaman Tungkol sa First Vita Plus

Great morning sa inyong lahat! Marahil ay nagtataka kayo kung bakit ‘morning’ ang bati ko sa inyo. Dito kasi sa First Vita Plus, laging umaga. Ang umaga ay simbolo ng bagong pag-asa. Kaya dito sa First Vita Plus, magkakaroon kayo ng maliwanag at bagong pag-asa. Sa umagang ito, pag-uusapan natin ang negosyong First Vita Plus. Marami kayong dapat malaman tungkol sa kompanyang ito. Ang main office ng First Vita Plus Marketing Corporation ay matatagpuan sa Second Floor, Suntree Tower, No. 13 Meralco Avenue, Ortigas Center, Pasig City 1605, Metro Manila. Maaaring tawagan ang Hotline numbers na +63 2 4708482 at magpadala ng electronic mail sa www.firstvitaplus.net. Ano nga ba ng First Vita Plus Marketing Corporation? Paano ito nagsimula at sino-sino ang nagsimula nito? Ang First Vita Plus Marketing Corporation ay itinatag noong 2002 ng power duo at mag-asawang sina Socrates at Rhodora “Doyee” Tumpalan. Noong 2005, ipinakilala ng kompanya ang First Vita Plus Natural Health Drink in Dalandan. Ito ang pinakamalaki at pinaka-phenomenal na produkto hanggang ngayon. Layunin ng First Vita Plus na ipakilala ang mga produktong 100% gawang-Pinoy, na tinatawag na innovative nutraceutical products. Mula health care, nag-expand ito hanggang sa skin and beauty care, gaya ng Herbal Blessings, The Soap Factory, at iba pang nutricosmetics line of products. Kilalanin naman natin ang Power Duo ng First Vita Plus Marketing Corporation. Si Socrates “Soc” Tumpalan ang Chairman ng First Vita Plus Marketing Corporation. Siya ay nagtapos sa Ateneo de Manila University sa kursong BA Interdisciplinary Studies Major in Business Management. Naging General Manager siya ng LBC International sa loob ng limang taon. Mahusay siya sa information technology, lalo na strategic IT, na may malaking papel na ginagampanan sa negosyong ito. Si Rhodora “Doyee” Tumpalan ang President and CEO ng First Vita Plus Marketing Corporation. Nagtapos siya sa Maryknoll College, na ngayon ay Miriam College, sa kursong Bachelor of Arts in Communications. Sa edad na 19, naging General Manager siya ng kanilang family-owned business, na D. Tactacan Shoe Factory, na sinimulan ng kaniyang lolo sa tuhod na si Don Laureano Guevarra, na tinaguriang “Father of Philippine Shoe Industry.” Si Ma’am Doyee ay sinanay ng mga Italian masters at bumalik sa Pilipinas upang isakatuparan ang global innovations in technology. Marami ang judgmental pagdating sa First Vita Plus, kaya bago pa kayo maging kabilang sa mga huhusga, alamin muna ninyo ang mga ito. Ang First Vita Plus Marketing Corporation ay may sinasabi. Isa sa mga vision ni Ma’am Doyee ay bigyan ng kabuhayan ang mga Pilipino at magkaroon ng pag-asa at paniniwala na anomang hadlang sa buhay ay malalampasan sa pamamagitan ng deteminasyon, dedikasyon, at tamang pagpapasya. Nais niyang ipagpatuloy ang Filipino First policy. Kung natatandaan ninyo ang First Quadrant Philippines, Incorporated, ito ay katulad ng First Vita Plus Marketing Corporation na naglalayong ang business associates at dealers ay maging maunlad at maligaya sa pakikipagtulungan habang gumiginhawa ang pamumuhay. Ang kompanyang ito ay sinubok na ng panahon, kaya isa na ito sa mga kinikilala sa loob at labas ng bansa. Sa katunayan, si Ma’am Doyee ay ang kauna-unahan at tanging president and CEO ng multi-level marketing na pinarangalan at kinilala ng Philippine Center for Entrepreneurship (PCE), na napabilang sa 50 most inspiring entrepreneurial stories ng mga multi-millionaires. Kasama niya ang iba pang kilala at matatagumpay na milyonaryo sa Pilipinas ngayon. Mababasa ang kaniyang success story sa Go Negosyo book. Ang maihanay ka sa ganito ay isa nang patunay na hindi biro ang negosyo at kompanyang ito. Siya ay inihanay sa mayayamang negosyante sa Pilipinas, gaya nina Henry Sy, Lucio Tan, Tony Tan Caktiong, Manny Pangilinan, Eugenio Lopez, Jr., Felipe Gozon, Jamie Zobel de Ayala, John Gokongwei, Jr, at iba pa. Ang First Vita Plus Marketing Corporation ay kinilala rin ng International Association of Business Communication (IABC) Philippines CEO Excel Award noong 2010. Hindi lang iyan! Ang First Vita Plus Marketing Corporation ay grand slam awardee. Ibig sabihin, sunod-sunod. Mula 2006 hanggang 2014. Narito ang ilan sa mga awards at recognitions na natanggap ng kompanya: 2006 – Outstanding Herbal Juice Drink Brand 2007 – Outstanding Health Drink Brand, People Choice Awards Outstanding Herbal Juice Drink Brand, at Annual Global Brand Awards 2008 – Outstanding Health and Wellness Products at Consumers Choice Awards 2009 – Outstanding Herbal Juice Drink 2010 – National Consumers Awards 2011 – Consumers Quality Awards 2012 -- Dangal ng Bayan Award 2013 – Best Innovative Health Drink Brand 2014 – Asia Pacific Entrepreneurship Awards Most Promising Category And counting…. Nakakalula, ‘di ba? Ang First Vita Plus Marketing Corporation ay nagbibigay ng lifestyle improvement and business opportunity sa pamamagitan ng Health and Wealth Program nito. Opo! Health and Wealth po. Subalit sa umagang ito, nais kong bigyang-diin ang Health Program. Lilinawin ko lang. Hindi ako doktor, pero dahil sa pagdalo ko sa mga seminars and training sa kompanyang ito, lumawak ang aking kaalaman. Nagtataka rin ba kayo kung bakit sa bilis ng paglago ng mga makabagong teknolohiya at pamamaraan, at dumaraming medical practioners, mataas pa rin ang bilang ng mga nagkakasakit? Naisip niyo rin bang baka nasa tao na ang problema? Hmm. Alamin natin… Alam niyo ba? Mas mahaba ang buhay ng mga babae kaysa sa mga lalaki. Ayon ito sa tala ng Department of Health (DOH). Ang mga babae ay may average life span na 60-65 years old. Samantalang ang mga lalaki ay 50-55 years old lang. Bakit kaya? Maaaring dahil sa lifestyle, bisyo, at trabaho ng mga lalaki. Siyempre, hindi papayag ang bawat isa, na maiksi ang buhay. Kailangan nating maging healthy. Ayon naman sa Philippine General Hospital (PGH), ang highblood, stroke, at heart attack ay walang pinipiling edad. Ayon sa kanila, ang 3 years old na bata ay maaaring magkaroon ng high blood. Ang pinakabatang pasyente ng heart attack ay 9 years old. Grabe! Nakakatakot talaga ang heart attack. Samantalang ang 17 years old na tao ay maaari nang ma-stroke. Kaya, ingatan natin ang ating mga puso at dugo. Ayon sa World Health Organization (WHO), ang heart disease, cancer, at diabetes ay 70% causes ng premature death o maagang pagkamatay ng tao. Wew! Naagapan pa ang mga sakit na ito. Naiiwasan din sana ito kung alam lang natin kung paano. Alam mo bang ang sakit o kamatayan ng tao ay dulot ng free radicals? Ano ba ang free radicals? Ito lang naman ang libre na ayaw nating tanggapin. Ang free radicals ay katulad ng mga magnanakaw. Ninanakaw nila ang mga enerhiya at nutrisyon natin upang palakasin nila ang kanilang sarili. Ang free radicals ay hindi natin kayang iwasan, gaya ng pollution, radiation, drugs and chemicals, unhealthy lifestyle, at stress. Paglabas pa lamang natin sa bahay, malalanghap na natin ang mga usok ng mga sasakyan o ang mga basura o mabahong kanal. Hindi natin ito matatakasan, magsuot ka man ng makakapal na PPE. Lalo na’t walang disiplina at pakundangan ang mga tao sa pagdumi sa ating kapaligiran. Dahil lahat tayo ay may gadget, hindi tayo ligtas sa radiation. Kung gaano katagal ang exposure natin sa gadget, ganoon din kalala ang epekto nito sa ating katawan, lalo na sa mga bata at buntis. Hindi rin naman natin kayang mamuhay ng walang gadget, hindi ba? Maiiwasan ba natin ang kemikal? Hindi! Ang bawat iniinom at kinakain natin sa panahong ito ay may kemikal, gayundin sa mga ginagamit natin sa ating katawan, gaya ng lipstick, spray, deodorants, shampoo, hair color, lotion, at marami pang iba. Kahit ang mga gamot na iniinom natin ay nagdudulot rin ng komplikasyon sa ating kalusugan. Ayaw pa naman natin ng mga natural na pamamaraan. Ang lifestyle natin ay isa ring free radical. Ang mga bisyo, pagtulog, pag-eehersisyo, at labis na pag-iisip ay nagdudulot sa atin ng sakit. Ang mga bisyo natin sa alak, droga, sigarilyo, at pagkain ay hindi natin minsan maiwasan, kaya heto tayo, nangongolekta ng sakit. Hindi naman natin maiiwasan ang stress dahil kakambal na ito ng buhay natin, maging sino man o ano man tayo. Kung estudyante, stress sa pag-aaral. Kung professional at trabahador, stress sa mga boss. Kung maybahay, stress pa rin sa mga gawaing-bahay at sa pamilya. Sa mga bayarin. Sa mga tsismosang kapitbahay. Sa mga utang. Haist! Nakaka-stress, ‘di ba? Tapos, kulang pa tayo sa tulog. Habang tumatanda ang tao, umiiksi ang panahon para sa pagtulog, where in fact, dapat mas mahaba ang ilalaan nating oras sa pagtulog. Gayunpaman, hindi natin magawang matulog dahil stress nga tayo. Kaya naman, apektado ang kalusugan natin. Nakapagdudulot ito ng aksidente. Nakapagpapahina ng utak at memorya. Nakawawala ito ng sexual drive. Nakapagdudulot ng depression. Nakaaapekto sa timbang. Nakapagpapakulubot ng balat. Nakapagdudulot ng iba’t ibang sakit sa dugo at puso. At huwag naman sana, sanhi ito minsan ng kamatayan. Ayaw pa naman nating mag-rest in peace, ‘di ba? Hindi pa naman tayo mahilig mag-ehersisyo. Tamad tayo o sadyang wala lang panahon. Sana nga kung gaano tayo kasipag kumain, ganoon din tayo kasipag mag-exercise. Pero, hindi… Hindi natin magawa. Sobrang lucky ng ilan na nagagawa pang mag-Zumba, mag-jogging, mag-biking, at iba pa. Kudos to you! Idagdag pa ang eating lifestyle natin. Mas gusto nating kumain sa mga fast food chain. Mas gusto nating kainin ang mga matataba, maaalat, at prinosesong pagkain. French fries, hamburger, hotdog, chicken joy, ice cream, cake, doughnut, cola, at iba pa. Masasarap kasi, ‘di ba? Bakit kasi lahat ng masarap ay bawal? Pero kapag usaping gulay, napapa-ew ang iba riyan! Parang pinapatay kapag gulay ang nakahain sa mesa. Alam niyo ba? Ayon sa World Health Organization, kailangan ng bawat tao ng 100 kilong gulay kada taon o 8 hanggang 9 na kilo kada buwan o 5 hanggang 6 na servings kada araw. Kaya ba natin? Oo! Ay, hindi pala! Hindi natin kaya. Aminin man natin o hindi, hindi tayo madalas kumain ng gulay. At kung kumain man tayo ng gulay, 10% na lang ang natitirang sustansiya dahil niluto natin nang husto. Gusto pa naman natin ang lutong-luto. Ayaw natin ng half-cooked. Alam niyo bang ang gulay na dumaan sa init o apoy ay nawawalan ng 90% na nutrients. Ang 90% na iyon ay nagiging acid na lamang. Kaya nga, karamihan sa atin ngayon ay acidic. Kaya, aminin na natin… Hindi natin kayang ma-attain ang vegetable intake requirement ng WHO. Kilala ba ninyo si Hippocrates of Kos? Siya ang tinatawag na ‘Father of Medicine.’ Ayon sa kaniya, ‘Nature is the healer of our disease.’ Self-explanatory. Kumbaga, nasa kapaligiran lang natin ang gamot. Sabi pa niya, ‘Our medicine should be our food, and our food should be our medicine.’ Ganiyan ang misyon at isang programa ng First Vita Plus Marketing Corporation. Katulad ni Hipoocrates, naniniwala ang kompanyang ito na ang katawan natin ay may kakayahang pagalingin ang ating sarili. Pero, ano nga ba ang First Vita Plus? Ang First Vita Plus ay High Quality Herbal Dietary Supplement. Ito ay naglalaman ng Vitamins, Minerals, Fibers, Antioxidant, Phytochemicals, at Micronutrients, na kailangan ng ating katawan. Ito ay tinatawag ding ‘Vegetable in a drink’ dahil naglalaman ito ng 5 power herbs, gaya ng malunggay, dahon ng sili, saluyot, uray/kulitis, at talbos ng kamote. Ito lang ang food supplement in a form of juice. Karamihan ay tabletas o kapsula. Kaya naman, mainam itong ipainom sa mga bata o taong hindi mahilig kumain ng gulay. Take note: Organic ang mga sangkap nito. Ang mga ito ay gawa sa mga sariwang gulay at prutas, na walang chemical preservatives and additives, alinsunod sa Republic Act No. 8423, Article II. Kaya, ito ay Certified 100% Natural! Siyempre! Aprurado at sertipikado ito ng Bureau of Food and Drugs (BFAD), Halal, at U.S. Food and Drug Administration (FDA). Kaya, sa First Vita Plus… ang tao ay may full of life! Ang tanong ng karamihan: sino at anong taon ang puwedeng uminom ng First Vita Plus Natural Health Drink? Ang sagot: Kahit sino! Simula anim na buwang taong gulang na bata, buntis, bata, feeling bata, matanda, ayaw tumanda, may sakit o walang sakit, nagpapataba, at nagpapapayat. Sa mga nagpapataba, inumin lamang ito isang oras bago kumain. Sa mga nagpapapayat, inumin lamang ito pagkatapos kumain. Sa mga nag-aantibiotic, umiinom ng gamot, at nagmi-maintenance, isabay ninyo ito. Dahil ito ay natural, organic, at tinuturing na pagkaing inumin o inuming pagkain, pinalalakas nito ang ating immune system at makatutulong sa pagpapagaling ang ating mga sakit. Wala itong overdose at side effects. Mga gulay at prutas kasi ito. Saan kayo nakakita ng taong kumain ng gulay at prutas na na-overdose at nagkaroon ng side effects? Wala! Sa synthetic na gamot, meron! Kaya, heto na! Huwag na nating patagalin pang i-discuss ang 5 Power Herbs. Nabanggit ko na ito kanina, pero palalawakin natin. Iisa-isahin natin ang mga ito at ang magagandang dulot nito sa ating katawan nang maging buo ang tiwala ninyo sa produkto ng First Vita Plus. Una. Malunggay. Ang malunggay ay may lactagogue. Nursing mother’s bestfriend ito dahil nagpaparami ito ng breastmilk. Miracle tree nga ang tawag dito dahil kaya nitong lunasan ang 300 na karamdaman. Mainam ito bilang antibiotic, anti-anemia, anti-cancer, pampababa ng blood pressure, at pambababa ng blood sugar. Three times ang potassium nito kumpara sa isang saging. Two times ang protina at four times ang Calcuim nito kumpara sa isang basong gatas. Four times ang Vitamin A nito kumpara sa isang piraso ng carrot. At seven times ang Vitamin C nito kumpara sa isang piraso ng orange. Ikalawa. Dahon ng sili. Ito ay mabisang pain reliever, lalo na sa rayuma at arthritis. Mayroon itong Capsaicin, na mainam sa pagpapanatili ng magandang blood circulation at blood detoxifier. May kakayahan itong anti-fatigue. Kaya sa mabilis hingalin, it’s good for you. May aphrodisiac effect para sa malalamig na gabi. Siyempre, mabuti ito sa digestive system natin. Ikatlo. Saluyot. Ang saluyot ay tanyag sa malapot nitong katas kapag naluto na. Kailangan natin iyon bilang lubricant at purgative. Kung wala nito, mahihirapan tayong dumumi. Rich in fiber ito kaya laging may ginhawa ang buhay. May anti-stress din ito, kaya chill-chill lang tayo. Diuretic din ito. Sa mga hindi regular ang pag-ihi, ito ang da best para sa inyo. At, may kakayahan itong tunawin ang tumor sa ating katawan, kung meron man. Ikaapat. Uray/Kulitis. Ito ay mabisa para sa ating respiratory system. Sa mga may hika at problema sa paghinga dahil sa ubo at sipon, nakapagpapaluwag ito. Ito rin ay hemostatic, meaning pinabibilis nito ang paghilom ng ating mga sugat o pag-ampat ng dugo. Kaya rin nitong ipanumbalik ang flawless skin natin na sinira ng psoriasis, eczema o acne. Hindi na natin kailangang magpa-Belo pa. Kutis-artista ka na, nakatipid ka pa. At, hindi lang iyon, may kakayahan din itong pigilan ang diarrhea. At ikalima. Talbos ng kamote. Ito ay mayaman sa Iodine at Iron. Kaya nitong i-boost ang memory natin, kaya hindi natin makalilimutan ang mga taong umutang sa atin. Kaya rin nitong mapigilan ang memory gaps ninyo. Iyon nga lang, hindi ninyo makakalimutan ang pananakit sa inyo ng inyong ex. Pinababa naman nito ang cholesterol at blood pressure natin, kaya makaiiwas tayo sa atake o stroke. See? Sa isang sachet pa lang ng First Vita Plus, para na rin tayong kumain ng sangkaterba. Tingnan ninyo ang platong iyan. Iyan ang recommended servings. Kalahating plato ng gulay. One-fourth na kanin o iba pang katulad nito. At one-fourth ding ulam na may protina. Kaya ba ninyo? Kung hindi… well, no worries dahil mayroon tayong First Vita Plus Natural Health Drink. Solved na ang problema ninyo sa paglunok o kahit sa paghahanda o pagluluto nito. No hassle, pero hindi ka titipirin sa sustansiya. Ang First Vita Plus ay may iba’t ibang variant. Ibig sabihin, hinaluan ng fruit extract o purong katas ng mga sariwa at organikong prutas ng Pilipinas. Nariyan ang Dalandan, na mayaman sa Vitamin C. Kaya nitong paluwagin ang ating paghinga at padaliin ang panunaw. Pinapanatili rin nito ang maayos na gastrointestinal function, blood circulation, at liver function. Nariyan ang Melon, na mayaman sa Vitamin A at C, Carbohydrates, at Manganese. Mababa ito sa Calories. Mahusay itong tumunaw ng taba sa katawan. May antioxidant ito at mahusay magpalinaw ng mata. At, guess what? May kakayahan din itong protektahan ang katawan natin laban sa cancer. Nariyan ang Guyabano, na mayaman sa Vitamins B1 at C at Potassium. Detoxifier ito at 10,000 times na more potent kaysa sa chemotherapy. Yes! You’ve heard it right. Maraming pag-aaral ang ginawa na kaya nitong labanan ang mga cancer cells ng 12 na uri ng cancer. Kung kakalbuhin ka ng pagpapa-chemo, sa guyabano, hindi. Bukod dito, ang guyabano ay nagpapababa ng blood pressure at blood sugar. Pinalalakas nito ang immune system natin, na siyang kumukontra sa mga sakit. Pinatataas nito ang enerhiya natin. Nariyan ang Mangosteen, na may 22 iba pang prutas at gulay. Mayaman ito sa Fiber, Vitamin C, at Potassium. Meron itong antioxidant, na may kakayahang labanan ang Pakinson’s at Alzheimer’s Disease. Pinalalakas nito ang ating immune system. At mabisa rin ito bilang panlunas sa mga rashes, impeksiyon, at sugat. Ang Mangosteen variant ay ang pinakamahal sa lahat ng variant. Isa rin sa mga pinakamabisa dahil naglalaman din ito ng mga sumusunod: red and white grapes, orange, grapefruit, bilberry, papaya, pineapple, strawberry, apple, apricot, cherry, black currant, tomato, carrot, green tea, broccoli, green cabbage, onion, garlic, olive, wheat germ, cucumber, at asparagus. Nariyan din ang Pineapple, na bagong-bago variant. Tinatanggal nito ang mga toxins na nagdudulot ng cancer. Mainam ito sa ating digestive, muscular, at immune system. Sa mga nagpapapayat, da best ito. Sa mga nagpapahilom ng sugat, okay ito. Moving on? Baka puwede na rin ito. Ang First Vita Plus Natural Health Drink ay may Gold Variants. Ano ang kaibahan nito sa Original variant? Simple lang. Ang Gold variants ay katumbas ng tatlong sachet ng Original Variants. Mas mabisa, pero hindi singmahal. Ngayon, tanungin ko kayo. Alin ang mas gusto ninyo? Kumain ng gulay? O uminom ng gulay? Hilaw o hindi niluto, ah! Hmmm. Ako, mas gusto kung uminom ng First Vita Plus Natural Health Drink. Sana kayo rin… Sabi nga ni Thomas Edison, ‘The doctor of the future will no longer treat the human frame with drugs, but rather cure and prevent the disease with nutrition.’ Tama! Kung malusog ang ating katawan, hindi natin kailangan ang synthetic na gamot. Kumain na lang tayo nang sapat at wasto. Kaya nga, ang First Vita Plus Marketing Corporation ay sampung taong pinag-aralan ang mga gulay at prutas na gagamitin hanggang sa makabuo ng mga nabanggit na produkto. Kaya naman, garantisado ang ating wastong nutrisyon at kalusugan. May sariling scientists at researchers ang kompanyang ito upang tiyaking ‘the best’ ang produktong ipapainom sa atin. Sabi nga, Doyee-approved at doctors-approved ang First Vita Plus products. Check na check talaga! Kilalanin naman natin ang mga doktor ng FVP. Si Dr. Richard Custodio. Siya ay nag-aral sa Ateneo de Manila mula elementarya hanggang kolehiyo. Nagtapos siya ng BS Psychology sa Ateneo de Manila at Medisina sa UERM. Nag-internship siya sa PGH at nag-practice bilang ER Physician sa Taal Polymedic Hospital. Noong Agosto 8, 2005, naging bahagi siya ng First Vita Plus. Sa ngayon, siya ay isa sa mga official speakers ng First Vita Plus Health Symposium. Sabi niya, “I became a doctor precisely because I want to touch people’s lives through good health and healing. I was able to do this, in a bigger way, through First Vita Plus.” Si Dr. Harold Tanchanco. Siya ay Valedictorian noong high school. Nagtapos siya sa UP Los Baños. Kumuha siya ng kursong Medisina sa FEU. Pinalad naman siyang makapasa sa board exam noong 1991 bilang Rank 16. Simula 1995 hanggang 1998, siya ay naging resident doctor sa East Avenue Medical Center. Simula 1998 hanggang 1999, naging chief resident siya roon. Sa Calamba Medical Center, naging ENT, Head & Neck surgeon siya. Nagsilbi rin siya sa St. John the Baptist Medical Center at St. Jude Family Hospital. Sa ngayon, official speaker din siya ng First Vita Plus Health Symposium. Sabi nga niya, ““I have the heart for helping others. I have the vision to change the world for the better, and I can do this through First Vita Plus.” Si Dr. Rolan Mendiola. Siya ay nagtapos ng Family Medicine sa St. Jude Hospital, Los Banos, Laguna. Kumuha siya ng MA in Hospital Administration sa FEU Medical Center. Naglingkod siya bilang Municipal Doctor sa Quezon Province. Naging Fellow ng International Academy of Medical Specialist. Siya ay Vice President ng R.A. Mendiola Constructions & Developer at may-ari ng First Vita Plus Product Center sa Lucena, Quezon. Sa ngayon, official speaker din siya ng First Vita Plus Health Symposium. Sabi naman niya, “Whether you are in search of health or wealth, First Vita Plus is the solution.” Bukod sa kanila, parami pa nang parami ang mga doktor na nagtitiwala sa First Vita Plus. Hindi talaga maikakailang napakaganda ng kompanya at mga produkto nito para sa ating kalusugan. Kaya, ano pa ang hinihintay ninyo? Pasko? Ang mga doktor nga, nagtitiwala, kayo pa kaya… Marami na ring health stories and testimonies ang First Vita Plus. Hindi ko na iisa-isahin pa. Kayo na lang ang mag-research. Google is the key. Marami na ang mga taong natulungang gumaling… Kayo? Hihintayin pa ba ninyong lumala ang sakit ninyo? Hihintayin pa ba ninyong mahospital kayo? Sabi nga, “Prevention is better than Hospital Admission and Hospital Bills.” Ang First Vita Plus ay kailangan na natin ngayon, may sakit man tayo o wala. Baka kayo na lang ang hindi pa nagtitiwala sa First Vita Plus. Sa katunayan, kulang ang isang Araneta Coliseum o MOA Arena sa dami ng users at dealers nito. Kayo, kailan magtitiwala? Bago ako magtapos, hayaan ninyong i-retell ko ang isang sikat na anekdota tungkol sa isang pasyente na may dalang isang bag ng pera. May cancer siya. Mayaman, pero tinanggihan siya ng doktor dahil hindi na raw ito mapapagaling. Sa galit at pagkabigo , inihagis nito ang pera sa pasilyo ng hospital at nagsisigaw. “Ano ang silbi ng mga perang ito?!” Totoo. Ano ang silbi ng pera natin kung may sakit na tayo? Tandaan nating hindi natin mabibili ang kalusugan, oras, at buhay. Subalit, kaya nating magkaroon ng magandang buhay at kalusugan habang tayo ay may pera at oras. Mga ka-First Vita Plus, uulitin ko… health is wealth.

Wednesday, March 31, 2021

Ang Aking Journal -- Marso 2021

Marso 1, 2021
Walang modules ang mga estudyante, kaya dapat wala ring online teaching ang mga guro. Nakakainis lang talaga!

Pagkatapos ng aking late breakfast, nagdilig ako ng mga halaman. Then, nag-check ako ng mga modules habang nagsa-soundtrip.

Dahil sa init ng panahon, nakakatamad gumawa ng mga school works. Umidlip na lang ako. At past 4, nag-biking ako. Six na ako nakauwi.

Ang sarap ng hangin doon. Nakaka-relax. Parang ayaw ko nang umuwi.



Marso 2, 2021
Umalis si Emily bandang past 7 patungo kina Edward at sa FVP office. Tahimik ang kabahayan kapag kami lang ni Zillion. Nag-soundtrip ako habang nagdidilig at nagtsetsek ng modules. Mga 7 pm na siya nakauwi. Tahimik pa rin ako. Hindi ko pa rin siya kinikibo dahil sa pag-aaway namin noong Sabado.

Gabi, nag-biking ako. Pampalipas ng oras at para antukin at malamigan. Ang init kasi sa kuwarto kapag maaga akong matutulog.



Marso 3, 2021
Gumising ako nang maaga para magturo, pero dahil may online religion class, walang schedule para sa subjects. Natulog uli ako. Past nine na ako bumangon para mag-almusal.

After breakfast, ginawa ako ang pinagagawa ni Emily-- logo ng First Vita Plus group namin at isang template ng form.

Past 12, nagyaya si Sir Hermie na mag-road trip. Naghanda ako, pero hindi masyadong nag-expect baka kasi prank na naman. Dumating naman siya bandang 1:30. Saka lang ako nagbihis.

Sa Naic, dumaan kami sa simbahan. Then, pumunta kami sa Torres Farm and Resort para sana mag-ocular, kaya lang bawal ang picture. Hindi na lang kami pumasok at nag-inquire. Nainis kami.

Sa Ternate, nag-video ako sa daan para sa aking vlog. Kumain din kami sa isang kainan, na may overlooking view ng bundok at beach. Gusto ko sanang dumiretso sa Kaybiang Tunnel, pero baka hindi kayanin ng gasolina. Wala raw gasolinahan doon, kaya bumaba kami sa Maragondon.

Sa Maragondon, dumaan kami sa simbahan. Then, naghanap kami ng magandang spot. Nadaan lang namin ang isang tulay. Ang ganda ng ilog doon. Gusto ko sanang mahanap ang mababang bahagi niyon, pero hindi kami nakahanap ng daanan. Ang layo na ng narating namin. Na-disappoint kami, kaya umuwi na lang kami. Past 5 na kami nakarating sa bahay.

Pagod man, pero masaya ako. Nawala ang lungkot at stress ko, which is iyon naman ang gusto namin.

Bago ako natulog, nagpatulong si Ms. Krizzy na i-edit ang action research proposal niya. naiinis man ako kay Chula, ginawa ko pa rin bilang suporta sa aking kaibigan.



Marso 4, 2021
Gumising ako nang maaga para magturo. Kaya lang nakipagpalit si Ma'am Madz ng oras, kaya natulog uli ako hanggang past 8. Eight-thirty-five kasi ang schedule ko.

After breakfast, nagdilig ako. Pagkatapos, nagbanlaw ng mga winashing ni Emily kahapon. Nakakapagod din kaya halos maghapon akong humilita upang makabawi ng lakas.

Gabi, nag-biking ako. Naisingit ko rin ang pagsusulat.




Marso 5, 2021
Naging maayos naman ng pagtuturo ko ng pagsulat ng tanaga. Kaya lang, kakaunti lang ang interesado.

Past 10 hanggang 12:45, may meeting kami. Nakakainis lang naman. Pinanood lang kami ng recorded video, pagkatapos ay nag-sum up nang nakapatagal. Andami pang dakdak.

Then, maghapon na kaming nag-meeting dahil kailangan may video presentation kami para sa retirement ni Sir Vic. Nag-compose ako ng lyrics ng Bed or Roses. Gabi, nagpraktis kami.

Past 9:45, nag-biking ako.

Dumating nga pala si Kuya Emer bago magtahalian. Siya uli ang magluto.




Marso 6, 2021
Halos maghapon ako sa kuwarto ko upang magpahinga. Nakaka-stress ang isang linggong may klase, na walang direksiyon dahil walang modules.

Past 4, sinundo ako ni Sir Hermie. Galing siya kina Sir Joel G. Nagdala siya ng binhi at sprinkler. Dapat magkikita kami roon. Mabuti na lang hindi na ako pumunta dahil aalis sila. Niyaya nila kaming pumunta sa Biares Family.

Nag-road trip muna kami bago pumunta sa Biares Family. Nakapag-vlog pa ako.

Past 7, natunton namin ang venue ng party. Birthday pala ng kapatid ni Ma'am Lea May at blowout na rin niya dahil rank number 2 siya sa Teacher 2 slot.

Past 8 na dumating ang magkakaibigang Kinder teachers.

Bago pa nagkainan, nagsimula na ang inuman. Ang saya-saya namin. Malalim ang aming topic. Hindi ko napigilan ang sarili ko na mag-confide. Wala naman kasi akong masabihang iba.




Marso 7, 2021
Alas-4 na ako naihatid ni Sir Hermie. Grabeng lasing ko, kaya naman sobrang sakit ng ulo ko paggising ko. Halos kalahating araw akong may hangover. Mabuti hindi ako sumuka.

Nahiga ako maghapon.

Bandang hapon, okay na ako. Nakapagsulat pa nga ako at nakapag-post sa wattpad.

Iniisip ko pa rin ang mga payo ng aking mga kaguro kagabi. Sa tingin ko, mahihirapan ako.



Marso 8, 2021
Nagturo na ako ng galing sa module kasi distribution na sa Tuesday. Na-observe din ako ng PSDS at bago ako nagpaalam sa mga bata, na-interview pa ako.

After class, nag-check ako ng modules. Sobrang hirap talaga! Nakaka-stress. Kaya naman, bandang hapon, nag-biking ako. Kahit paano, nawala iyobn.

Kaya lang, nag-chat na naman ang ESP supervisor. Kung sino-sino na ang nag-chat sa akin -- Ms. Krizzy, teacher from other school, at si Papang. Alam kong inutusan sila ni Chula, pero unseen silang lahat sa akin. Napaka-unprofessional naman kasi nila. Hindi nila pag-aaari ang oras ko. Gabi na. Mai-stress ako kapag binigyan nila ako ng trabaho. Dapat ginawa nila iyon during hours. Isa pa, hindi man lang sila nagsabi na isasama nila ako sa memo.

Na-stress ako. Kaya past 9, nag-biking ako. Habang nagpapaantok, nagbisikleta ako sa within the subdivision.



Marso 9, 2021
Bago ako mag-online class, ni-reply-an ko na ang ESP visor ko. Ni-like ko na rin ang mga forwarded messages nina Papang at Ms Krizzy.

Past 1:30, nakipagmiting ako sa mga LAS writers at ESP visor namin. Panay ang banggit niya sa akin. Defensive din siya na huwag daw magalit sa kaniya kung pinili ako. Maganda raw kasi ang modules ko.

Maghapon akong nagsulat, nag-sound trip nagtsek ng modules, at nagpahinga. Gabi na ako nag-biking.



Marso 10, 2021
Maaga rin akong nagising dahil maagang bumangon si Emily. Umalis siya bandang 5:30. Nakatulog uli ako hanggang 6:30.

After ng online class, natulog uli ako. Sinabayan ko si Zillion. Past 9:30 na kami nag-almusal.

Nagtsek ako ng modules halos buong araw. Kung wala nga lang meeting tungkol sa ESP Learning Activity Sheets, baka mas marami akong natapos.

Sa meeting, pinuri ako ng ESP visor ko. Na-mention din ako ni Ma'am Mina. Feeling ko, bida ako. Nakakataba rin naman ng puso. Kay sarap talagang maging writer.

Past 3:45 na natapos ang meeting. Hindi pa naman ako makakapag-start dahil wala pa ang mga template at forms.

Past 8:30 na dumating si Emily. Tapos n kaming mag-dinner.

Nakipagmiting pa ako with my grade level at with Sir Erwin, bago ako nakapag-biking. Hanggang past 10 lang ako sa labas.



Marso 11, 2021
After ng online class, na-bad trip ako sa boss namin kasi naghahanap ng program para sa virtual retirement tribute. Naiinis ako kasi hindi nagpasa ang iba ng video greetings.Wala rin naman kasing suporta mula sa kaniya at sa iba.

Past 10, umattend ako sa GAD webinar. Pagkatapos niyon, tinawag ako para magsalita. Hayun, sinabi kong postponed. Ipinaliwanag ko ang mga dahilan. Hinikayat ko silang magpasa dahil event naming lahat iyon. Kahit paano, gumaan ang loob ko.

Sinubukan kong umidlip after lunch, pero dahil sa sobrang init, hindi ako nakatulog.

Wala pang 4, umalis ako upang mag-biking. Na-enjoy ko uli ang sariwang hangin at magagandang views. Past six, nakauwi na ako. Nagdilig agad ako pagdating ko.



Marso 12, 2021
Pagkatapos ng online class, nagbanlaw ako ng mga winashing ni Emily.

Sunod, hinarap ko ang paggawa ng video presentation. Hindi pa nagpasa lahat kaya hindi ko pa na-fonalize.

Siyempre, umidlip din ako. Maganda ang panahon-- malamig-lamig, kaya nakatulog yata ako.

Gabi, gumawa ako ng vlog.

Tahimik pa rin ako. Magdadalawang linggo na. Choice ko lang. Hindi pa kasi ako maka-get over sa away namin ni Emily. Gusto ko siyang matuto. Andami niyang dapat ma-realize. Ayaw ko namang sabihin pa sa kanya isa-isa. Alam na niya iyon. Basta ako, less talk para less mistake.



Marso 13, 2021
Ayaw ko sanang pahiramin si Emily ng pamasahe para makapunta siya sa FVP Office, kaya lang nakonsensiya ako. Sana maging lesson na lang sa kanya ang magtira ng pera. Hindi iyong puro labas at padala sa magulang at anak. Ako na ngang lahat ang gumagastos, ako pa ang uutangan. Anong klaseng business iyan kung hindi man nakakapagpasok ng pera. Puro labas. Mabuti sana kung okay ang trato sa akin. Minsan masama pa ako at nagkukulang pa ako. I can't help but to self-pity.

Tahimik ang bahay maghapon dahil wala siya. Hinayaan ko lang si Ion na gawin ang gusto. Inutusan ko ring bumili ng ilulutong ulam. Areglado ng pagkain namin. Nakapaglinis pa ako sa sala at kusina. At siyempre, nakapag-check ng modules.

Hapon at gabi, sinige ko pa ang pagsusulat. Kaya, nakapag-post ako ng update sa wattpad. 

Ngayon lang ako walang gala. Tahimik si Sir Hermie. Ramdam niya siguro na nagtatampo ako sa kanya. 



Marso 14, 2021
Nag-check ako ng modules habang nagkakape. Gusto ko nang matapos ang week 7 ng Quarter 1. Nakakasawa na. Pero nang napagod ako, nag-gardening ako. Pinunasan ko ang mga dahon ng mga halaman ko. May mga marka kasi ng alikabok o natuyong tubig. Naiinis akong tingnan. Bakit ang mga halaman sa online selling, ang gaganda at ang kikintab? Gusto kong malaman ang sikreto nila.

Past 3, nag-biking ako. Marami akong napuntahan. May nadiskubre na naman akong lusutan. Past 6 na ako nakauwi.

Past 9 to 11, nag-biking uli ako around SPV. 



Marso 15, 2021
After ng online class ko, natulog uli ako. Past nine na ako bumangon. Then, nag-gardening ko kasi may bumili ng  halaman. Nag-order din siya ng Chinese bamboo. So, kinailangan kong mag-propagate. Blessing in disguise din pala iyon kasi nadiskubre ko ang dahilan ng paninilaw ng mga dahon niyon. Puro ugat na pala ang laman ng plastic bag. Hindi ko kasi tinanggal. Basta ko na lang inilagay sa timba. Mabuti na lang!

Then, nag-tsek ako ng modules. Nakinig din ako sa national InSET.

Four PM, nakipagmiting ako sa LAS Team. Naunawaan ko na ang gagawin ko. 

Dumating nga pala si Kuya Emer bandang tanghali at umuwi rin habang natutulog ako. 



March 16, 2021
Hindi ako nakapag-gardening ngayong araw dahil masama ang panahon. Umuulan-ulan. Sa halip, pagkatapos ng online class, nag-tsek ako ng modules at nakinig sa speaker ng national InSET. Nagkainteres ako sa topic nila. Natuto akong mag-video editing gamit ang Filmora.

Sa PM session ng webinar, hindi na ako nanood. Naka-play lang, pero natutulog ako. Nakakaantok kasi. 

Gabi, gumawa naman ako ng Learning Activity Sheets sa ESP6. Nakatapos ako ng isang pahina. Isa na lang ang tatapusin ko.



Marso 17, 2021
Ikatlong araw na ng InSET. Nakinig ako sa lecture tungkol sa Adobe Photoshop. Maganda sana kaya lang, wala naman akong apps. Ayaw ko naman ng trial lang. 

Ngayong araw ay nakapag-gardening ako at nakapag-update sa wattpad. Siyempre, nakapag-biking ako, mula alas-dos hanggang 4:30. May kasama na akong mag-bike. Nakilala ko sa SPV Dahil sa pagba-bike ko tuwing gabi. Day off niya kanina kaya nakasama siya sa akin. Birthday niya rin kahapon kaya binigyan niya ako ng pansit at cake. Sana makasama uli siya next week. 

Dumating pala si Kuya Emer kaninang umaga. Siya na naman ang nagluto ng lunch. Saka lang ako nakakatukim ng lutong bahay kapag dumarating siya. Ang sipag kasi ng wifey ko. Nalaba siya kanina. Nag-deliver. Nagbenta ng FVP. 



Marso 18, 2021
After class, gumawa ako ng report na kailangan ng SBM. Hindi ko na nga napokusan ang InSET. Kaya lang, uminit ang ulo bandang hapon dahil may template daw. Nai-upload ko na ang report, saka nagbago. Inis na inis ako. Gusto kong manapak ng boss. Gayunpaman, binago ko pa rin. 

Sa sobrang init, sa sala ako umidlip. Ang kasi, maingay. Si Zillion, gising na gising, kaya hindi ako makatulog. Uminit lalao ang utak ko, kaya ilang beses kong natarayan si Emily.

Hindi ko talaga magawang magpaka-sweet. May problema ako. May problema kami. Kailangan ko ng break. Kailangan kong mapag-isa para ma-miss ko siya. Hindi na healthy ang pakikisama ko sa kanya. Alam kong nasasaktan ko na siya, pero sa ngayon, wala pa akonh magagawa. Nai-stress ako. Dahil dito, nadadamay siya. Sana, maunawaan na lang niya ako. 




Marso 19, 2021
Thanks, God, it's Friday! Medyo gumaan ang pakiramdam ko after ng online class. Pero, hindi pa agad iyon nawala dahil may meeting pa kami with the principal. Nanermon na naman siya after ng virtual tribute kay Sir Vic.

Gayunpaman, tagumpay ang virtual tribute. Napaiyak namin si Sir Vic. Maayos namang nai-play ang video presentation.

Nagpaluto si Sir Hermie ng meatless sisig. Dumating siya bandang alas-4 kaya maaga kaming nagkantahan at nag-inuman. Past 9:30 siya umuwi. Ayaw niyang maabutan ng curfew.



Marso 20, 2021
Masakit ang ulo ko paggising ko, kaya hindi ako umaasang matutuloy ang lakad namin ni Kuya Natz. Gayunpaman, naghanda ako. Naligo na ako nang maaga. Before 8, sinundo na niya ako.

Sa Pantihan Falls sa Maragondon kami unang pumunta. Ang ganda ng lugar. Hindi kami naligo sa falls, kundi sa irrigation.. Pinaliliguan din talaga iyon. Na-enjoy ko ang bonding-kuwentuhan namin ni Kuya Natz. Siyempre, nakapag-picture-picture ako sa ilog at rock formation. Nakakuha rin ako ng suiseki stone.

Then, past 2, pumunta kami sa Magallanes. Doon kami ng late lunch. Naghalo-halo rin kami. After niyon, dinala niya ako sa Buhay Forest. Ang ganda rin ng view sa taas niyon. Na-enjoy ko kasi mabilis lang kami roon. 

Ang suwerte ko kasi isinama niya ako sa mga iyon. Bagong experiences na naman. 

Past 5 na niya ako naihatid sa bahay. After pahinga, naligo ako. Then, pumunta naman ako kina Sir Hermie. May part 2 ang inuman at kantahan namin. Past 8 na ako nakarating sa kanila. 



Marso 21, 2021
Past 12 am na kami natulog. Mabuti may bagong sofa na sina Sir Hermie kaya doon nila ako pinatulog. Past 5, gising na ako. Halos hindi namam ako nakatulog. Namahay ako.

Past 7, hinatid na ako ni Sir Hermie. Umalis si Emily, kaya kinailangan kong umuwi nang maaga.

Pagkatapos kong mapaalmusal si Zillion, natulog ako. Kahit paano, nakaidlip ako. Gayundin noong hapon. Nahiga lang ako nang nahiga maghapon.

Past 8:30 na dumating sina Emily at Kuya Emer. Nakapag-dinner na kami ni Zillion. 



Marso  22, 2021
Past 8:30, bumiyahe ako patungong Rosario upang mag-withdraw at mag-groecery. Kahit paano, natatakot ako sa lockdown issue kaya kailangan kong mag-panic buying nang kaunti. Past 10:30, nakauwi na ako. 

Ngayong araw, marami akong nagawa. Hindi nga ang ako tumulong sa paglalaba ni Emily. Hindi ko rin siya pinagsabihan kahit naiinis ako. Hindi matapos-tapos ng paglaba niya. Mas marami ang pahinga at ibang gawain. Bukas maglalaba pa rin siya. Ako, isang araw lang na paglalaba. Kinabukasan, tuyo na. 

Haist! Kaya hindi ko na siya kinikibo. Ayaw ko nang magsalita ng masasakit na salita. Okay na sa akin ang pananahimilk.

Hindi ko lang nagawa ang plano kong pagre-redesign ng garden ko. Naha-hassle-lan kasi ako. May mga bike na nakakaabala sa garden. Hindi ko alam kung paano ko sisimulan. Gusto ko nga sanang magpatulong kay Sir Hermie, kaso nahihiya ako. 



Marso 23, 2021
Pagkatapos ng klase, maghapon akong nasa kuwarto. Nag-socmed at nag-sound trip. Kahit gabi, habang nagpapaantok, ganoon pa rin ang ginawa ko. Siyempre, nakipag-meeting ako at nagtsek ng modules. 

Sa ngayon, tahimik pa rin ako. Hindi ko pa rin magawang bumalik sa dating masiyahing ama at asawa. Marami pa rin kasing rason kung bakit ako dapat manahimik.  



Marso 24, 2021
Pagkatapos ng online class, nagtsek ako ng modules. Natutuwa ako kasi kakaunti na lang ang Q1.  Pero, sayang lang kasi wala akong hawak na Q2. Mababakante ang isanf linggo. 

Natapos ko ang LAS sa ESP kaninang umaga. Kaya nang nag-chat ang supervisor, nakapagpasa ako. Approved naman yata kasi hinihingian na lang ako forms, like originality form.

Nagsulat din ako ng update sa wattpad. Nakapag-post ako ng isang chapter ng nobela ko bandang hapon, bago ako nagdilig ng mga halaman.

Sobrang init na ng panahon, hindi na ako makatulog sa hapon. Lagi pa naman akong puyat sa gabi. Sana umulan naman...



Marso 25, 2021
Pagkatapos ng klase, gumawa ako ng vlog. Okay na sana ang mood ko kaya lang biglang nasira dahil nagpabaya na naman si Emily sa lunch namin. Past 12:30 na, wala pang ulam. Ang sumatutal, nagbukas na lang ng tuna in can. Sinermonan ko siya. Panay kasi ang First Vita Plus. Halos umaga hanggang gabi na lang. Araw-araw. Napapabayaan na ang mga routines. 

Nasira talaga ang mood ko! Mabuti na lang natapos ko ang vlog. Maayos naman kahit paano. 

Past 3:30 hamggang 4:40, may faculty meeting kami. Wala akong naunawaan, maliban sa Early Registration. Hindi ko rin maunawaan kung bakit napakaaga pa para mag-enroll. 

Past 5, nag-karaoke ako. Tinanggal nito ang bad mood ko. Sinulit ko ang oras bago at pagkatapos kumain.



Marso 26, 2021
After class, tinapos ko na ang pagtsek ng modules. Wala na akong tsetsekan. Sayang! Sana nakakuha man lang ako sa school bago nag-lockdown.

Pagkatapos, nagsulat ako ng isang chapter ng nobela ko sa wattpad. Hapon ko na iyon natapos. 



Marso 27, 2021
Past 8 na ako nagising. Ang sarap matulog!

After breakfast, nag-biking ako. Napunta ako sa bahay ni Noel. Day off niya. nagkuwentuhan kami. Past 10:30, umuwi na ako. Nag-ayos ako sa garden para kapag nakabili na kami ng inflatable pool ay may mapupuwestuhan iyon.

Medyo nagawa ko namang palawakin ang space, pero hindi ko natapos kasi mainit na. Hapon ko na na-finalize. 

After kong magdilig, nagkaraoke ko. medyo nababanat na ang vocal cords ko, kaya parang may improvement na ang tono ko. Marami-rami na rin akong kantang nakamamaster. 



Marso 28, 2021
Late na ako bumangon para makabawi ako sa ilang araw na maagang paggising. 

After breakfast, sinukat ko ang bakanteng espasyo sa garden upang matantiya ko ang bibilhin kong inflatable pool. Then. umorder na ako sa Lazada. Malaki na ang binili ko. Family size talaga. Sana quality naman ang i-deliver sa akin.

Umidlip ako after maligo, kaya lang, hindi naman ako nakatulog sa ingay ni Emily. May meeting siya with FVP uplines. Nakakaasar man. wala akong nagawa. Past 4:3 na ako umakyat para umidlip uli. Hindi naman aki nakaidlip. 

After mameryenda, nag-karaoke uli ako. Nakakaaliw! Nakakaadik. Kung puwede lang magdamag kumanta, gagawin ko. 

Tumambay uli ako sa garden hanggang past 10:30. Nakakainis lang ang mga lamok.


Marso 29, 2021
Past nine na akong bumangon kahit past 7 ako nagising. Nakakatamad kasi. Tutal wala namang online class, kaya okay lang.

Halos maghapon akong naglinis sa garden. Iniba ko ang ayos ng garden set. Nagbabawas ako ng mga paleta,  nakakapagpasikip kasi. Pero, nag-FB live muna ako habang nag-tritrim ng dahon ng mga bonsai trees ko.

Hindi ko natapos kaya may part 2 pa bukas. Sana dumating na rin ang inflatable pool bukas.




Marso 30, 2021
Itinuloy ko ang pag-aayos sa garden. Tanghali na nang natapos ko iyon. Past 2, dumating naman ang inflatable pool na inorder ko sa Lazada, kaya kahit nakaligo na ako, sinet-up ko pa rin, lalo na't mas excited si Zillion kaysa sa akin.

Alas-3, nagbababad na kami. Noon ko na-realize na masyadong malaki ang nabili ko. Kaya naman, kailangan ko pang mag-ayos sa garden. Magbawas ng mga paleta at magbawas ng mga halaman. 

Before 5, umahon na ako kasi nilalamig na ako. Nakakaantok din pagkatapos magbabad. Kaya lang, hindi naman ako nakatulog dahil sa sobrang init sa kuwarto. 

After dinner, nagsulat ako. Hindi ako nakatapos ng isang chapter kasi nanood muna ako ng series sa Youtube. Okay lang naman. At least mahaba-haba na rin ang naisulat ko bago ako huminto, bandang 9:20. 



Marso 31, 2021
Past 8, bumangon na ako kasi chinat ako ng ESP supervisor para i-check online ang LAS na ginawa ko. Nine AM daw ako papasahan ng Google Meet link.

Naghintay ako until 9:20. 

Okay naman ang validation. For documentation purposes lang naman. Gusto lang nilang sabihin na maganda ang gawa ko. Almost perfect dahil wala silang binago. Nagpicture lang talaga kami, kaya mabilis lang. 

Nag-gardening ako pagkatapos niyon. Inayos kong muli ang garden. Pinalawak ko pa para magkasya ang inflatable pool. Nagtanggal pa ako ng tatlo pang paleta, kaya lumuwag-luwag. 

Hindi ko nakatulog sa hapon dahil sa init at ingay ng mag-ina ko. Gusto kong magalit, pero hindi ko ginawa. Wala silang konsiderasyon sa natutulog. Umakyat ako kuwarto bandang past 4, pero di rin ako nakatulog. Nanood na lang ako sa youtube. 

Past 5:30 na ako nagmeryenda. 

Past 7:30, dumating si Kuya Emer.


Tuesday, March 30, 2021

Pagmamahal sa Diyos

Ang pagmamahal sa Diyos ay hindi lamang sa salita. Kailangan itong ipakita sa gawa. 

Maraming paraan upang maipamalas ito. Ang pagsunod sa sampung utos ng Diyos ay isang paraan ng pagmamahal sa Kaniya. Hindi rin sapat ang pagsunod sa mga utos na ito. Dahil mahirap para sa atin ang masunod o mamemorya man lang ang mga ito, ang pagmamahal na lamang sa kapwa ang ating unahin. 

Ang pagmamahal sa kapwa gaya ng pagmamahal natin sa ating sarili ay ikinalulugod ng Diyos. Kapag mahal natin ang ating kapwa, mahal din natin ang Diyos. Ang lahat ng mabubuting gawain ng tao ay nag-uugat mula sa pagmamahal sa kapwa at Diyos. Kung hindi natin mahal ang ating Diyos, hindi tayo magiging makabayan, makatao, at makakalikasan. Bakit may krimen, korupsyon, giyera, at iba pang kaguluhan? 

Bakit walang kapayapaan, pagkakaisa, kalinisan, at kaunlaran? Isa lang ang sagot sa mga iyan—dahil walang pagmamahal sa kapwa at hindi tunay na nagmamahal sa Diyos. 

Kaya, mahalin natin ang ating kapwa upang maisakilos natin ang pagmamahal sa Diyos.

Pananalig sa Diyos

Ang pananampalataya ay nangangahulugan ng paniniwala o pananalig sa Diyos. Ang pananalig sa Diyos ay may basehan. Hindi basta nananampalataya ang isang tao kung wala siyang naririnig, nakikita, at nalalaman sa mga bagay na pinanampalatayaan niya. Ang bawat isa sa atin ay may kani-kaniyang relihiyon gaya ng Kristiyanismo, Hinduism, Buddhism, Islam, Judaism, Sikhism, Taoism, Shintoism, at Jainism. Ang bawat isang relihiyon ay may iba’t ibang aral o doktrinang pinaniniwalaan o pinanampalatayaan. Magkakaiba man tayo ng pananampalataya, iisa lamang ang ating pananalig sa Diyos. Kasinglakas ng pananalig natin sa Diyos ang kapangyarihan Niya. Kaya, nararapat lamang na magtiwala tayo sa Kaniya at sa mga salita Niya. Maging matiisin tayo sa anomang pagsubok sa buhay. Maging madasalin tayo. At matutong maghintay para sa katuparan ng ating mga kahilingan. Tandaan: Ang pananalig sa Diyos ay hindi lamang sa pag-anib sa isang relihiyon, kundi pati sa pagsunod at pagtitiwala sa mga salita ng Diyos.

Tuesday, March 23, 2021

Ang Tunay na Pagmamahal sa Diyos

Ang pagmamahal sa Diyos, na Siyang lumikha 
Hindi man katumbas ng pagmamahal Niya, 
Ay kaya mong suklian ng mabubuting gawa 
At pagkakaroon ng pagmamahal sa kapwa. 

 Ang paggalang sa mga karapatang-pantao, 
Pagpapatawad sa sinomang nagkasala sa ‘yo 
Pagtulong, pagbabahagi, at pagbibigay, 
Gayundin ang pagmamalasakit at pakikiramay. 
 
Pangangalaga sa kapaligiran at kalikasan, 
Pagmamahal at pagsunod sa mga magulang 
At ang pagiging mabuting mamamayan 
Ay mga paraan ng pagmamahal sa Maykapal.

Ang pagmamahal sa kapwa nang lubos, 
Pagiging moral ang tamang isinakikilos,  
At pagsunod sa Kaniyang mga utos.
Ay ang tunay na pagmamahal sa Diyos.

Monday, March 15, 2021

May Diyos

Isang araw, nagkuwentuhan ang magkaibigang sina Faith at Jude. 

Jude: Alam mo, sa dami ng nangyayari sa mundo at sa bansa natin, parang ayaw ko nang maniwalang may Diyos. 

Faith: Hala! Bakit naman? 

Jude: Kung may Diyos, bakit hinahayaan niyang mangyari ang pandemyang ito? Nawalan ng hanapbuhay si Tatay. Namatay si Lola. Ang dami-dami pang kalamidad na dumarating. Kung may Diyos, bakit hindi niya makontrol ang mga ito? 

Faith: Ang lahat ng mga nangyayari sa atin ay kagustuhan ng Diyos. 

Jude: Bakit hindi niya gustuhin ang kabutihan para sa lahat? Bakit may kailangang maghirap, mapahamak, masaktan, magkasakit o mamatay? 

Faith: Naniniwala ka bang natutupad ang mga panalangin mo? 

Jude: (Saglit na nag-isip) Oo. Natupad ang hiling ko na magkaroon ako ng tablet. 

Faith: Kung gayon, nananalig ka nga sa Diyos... Sabi sa Bibliya, ang pananampalataya ay siyang kapanatagan sa mga bagay na hinihintay, ang katunayan ng mga bagay na hindi nakikita. Alam mo, Jude, magiging maayos din ang lahat. Manalig lang tayo sa Diyos. Alam Niya ang mga nasa puso at isipan natin.

Ngumiti si Jude. Palatandaan iyon na naniniwala siya kay Faith.

Wednesday, March 3, 2021

Sunday, February 28, 2021

Ang Aking Journal -- Pebrero 2021

Pebrero 1, 2021
Maaga akong nagising dahil sa lamok. Bukas pala ang bintana kaya nagsipasukan. Pinapak ako magdamag. Haist!

Gayunpaman, nagturo ako nang masigla. Nagluto din ako ng almusal namin habang vacant period namin.

Paat 10, dumating n si Sir Hermie. At lumarga na kami nina Jay-R patungo sa Silang para mamili ng mga halaman. Siya ang kapitbahay naming plantito na may kilala roon. Mura lang daw.

Mura nga pero halos walang mapagpiliian. Nasa liblib ang lugar. Gayunpaman, bumili pa rin ako bilang tulong na rin sa may-ari.

Ang sarap mamili. Kung hindi nga lang kami nakamotor baka naubos ang P3k ko. Anyways, dream come true dahil nakabili na ako ng juvenile Monstera deliciosa. P500 lang.

Nagutuman kami. Past 3 na kami nakauwi sa bahay. Mabuti na lang may ulam at kami pa. No regrets naman. Sobrang saya! Worth it ang pagod at ang gastos.

Past 4, dumalo ako sa RPMS orientation. Pagkatapos, nag-esit ako ng modules. Past 10:30 ko na iyon na isend sa email ni Ma'am Nhanie. At east, wala na akong ira-rush.

Bukas pupunta ako sa school para sa distribution ng modules.



Pebrero 2, 2021
Three-thirty, bumangon na ako para sa pagpunta sa school. Past 5:30, nasa school na ako. Naroon si Sir Joel G, pero wala pa ang mga kasama ko sa Grade Six. Umakyat n ako sa room pagkatapos magkape. Later dumating na si Ma'am Vi. Nag-online class muna ako. Then, paisa-isa na silang dumating.

Ang mga sumunod na pangyayari ay action para sa bigayan ng modules at siyempre may kulitan at tawanan. Nag-contribute din kami para bigyan ng simpleng celebration sa birthday ni Papang.

Nagplanong umalis gamit ang sasakyan ni Sir Joel G.. Hindi nga lang puwede si Sir Joel K kaya hindi na pursue. Pero nangag-uuwian na, nagkaroon ng biglaang plano. Pupunta na lang sa bahay ng Guillermos. Gusto kasi nilang makapunta roon at mag-stay si Ma'am Madz. Hayun nga! Nangyari ang hindi-plinano. Nakasama si Ma'am Wylene, si Ma'am Venus, at Ma'am Joann.

Nakarating kami sa bahay ni Ma'am Venus.

Isang masayang kainan, kulitan, at tawanan ang naganap doon. Ang saya-saya! Ang dami namin. Almost full force ang Grade Six.

Nine, nagkayayaan nang umuwi. Ayaw nila akong pag-commute-in kaya hinatid ako nina Sir Joel. Nakarating na rin tuloy sa bahay sina Ma'am Madz at Ma'am Joann. Nagkita na silang muli ni Zillion, dati niyang Kinder pupil. Nagkuwentuhan muna kami sandali, bago sila nagpaalam. Nakapag-sales talk pa si Emily ng FVP.

Sa sobrang pagod at puyat, nakatulog agad ako.




Pebrero 3, 2021
Kahit paano, nakatulog ako nang maayos kaya naman naggising ako nang una sa alarm clock.

Nagturo muna ako, then nag-prepare na ako para bumiyahe patungong FVP office.

Nine-thirty dumating si Sir Hermie. Pinuntahan namin si Ma'am Jenny. Agad naman kaming bumiyahe.

Before 12, nasa Suntree na kami. Agad naming inayos at isinagawa ang mga pakay namin. Medyo natagalan lang sa pagpapabago ng name ni Sir Hermie, kaya inabutan kami roon ng past 3:30. Pero okay lang, sulit naman dahil naisama ko si Sir doon.

Nakakatuwa rin dahil P62k pala ang royalty fee ko. Kaya naman, nagplano ako ng surprise para kay Emily. Kinuntsaba ko si Ma'am Jenny. Bibilhan ko siya ng tri-bike at cellphone.

Pagdating namin sa PITX, trineat ko ang dalawa ng meryenda sa Jollibee. Then, bumili kami ng cellphone. Pagdating sa bahay, sinikap kong hindi iyon makita ng mag-ina ko.

Nag-shot muna kami ni Sir ng isang grande bago siya umuwi. Nagkuwentuhan kami nang kaunti kasi kailangan na niyang umuwi.



Pebrero 4, 2021
Maaga akong nagising para mag-poo, kaya naman naibalot ko pa ang brand new cellphone na gagamitin ko para i-prank si Emily, kasabay ng tri-bike. Kaya lang, after class, nakita niya iyon sa likod ng tv, kaya no choice ako kundi isakatuparan na. Mabuti na lang dumating si Ma'am Jenny, na aking accomplice.

Parang totoong-totoo ang prank.

Ang siste kasi ay kunwari may dumating na package. Babalikan daw ang bayad ng nag-deliver kasi tulog pa siya. Nang binuksan, walang laman kaya lalo akong nagalit. Maiyak-iyak na sa takot si Emily. Nang ni-reveal ko, naiyak siya.
Successful ang prank.

Nang napanood ko ang mga videos, nag-decide ako na sa youtube account na lang ni Ma'am Jenny i-upload since siya naman ang may-ari ng videos. Tulong na rin sa kaniyang YT.

Wala nga sa plano ang nangyari dahil dapat ay sabay ang cellphone at tri-bike. Kaya, pasikreto kaming nagko-communicate ni Ma'am Jen para sa 2nd prank.

Before 9PM, dumating na ang delivery. Game na game ang mag-asawang nag-deliver. Nice acting din kami ni Ma'am Jen. Kaya naman, successful uli.

Okay lang kahit gumastos ako ng almost P15k para sa kaniya. Gusto ko lang na mapasaya siya at makapag-start na sa kaniyang mga plano. Wala nang rason para hindi siya kumita sa online selling. May pang-deliver na siya wothin the subdivsion.

Thanks, God sa blessings!




Pebrero 5, 2021
Pagkatapos ng online class, dumating si Ate Emer. Nakisabay siya sa pag-aalmusal namin. Uminom lang siya ng First Vita Plus.

Past nine, nasa biyahe na ako papuntang Antipolo. Nagpadala muna ako ng P6,200 kay Ma'am Nhanie through Cliqq sa kanyang GCash para sa outreach program ng 21st Century Teacher..

Sa Cubao, gumala muna ako sa bilihin ng mga halaman. Ang gaganda! Hanggang tingin na lang ako.

Bago ako bumiyahe uli, nakakain na ako. Past 2, nagkita na kami ni Flor sa Gate 2. Bumili muna kami ng burgers sa Jollibee bilang pasalubong.

Past 3, nakarating na ako kina Jano. Authentic ang kasiyahan ni France nang makita ako. Tuwang-tuwa rin si Mama.

Habang hinihintay si Janno, nagkuwentuhan kami. Si Taiwan ang asawa nito ang ikinuwento niya sa akin. Gusto raw nitong maikasal sa kapatid ko kasi Christian ito at hindi maganda sa paningin ng Diyos. Tama naman!

Marami rin akong naikuwento kay Mama bago nagyaya si Jano na kumain sa labas. Hindi sumama si Mama.

Nang pumunta na kami sa kainan ng pansit batil patong, namalengke pa raw, kaya maghihintay pa kami. Naisipan ni Flor na sunduin ang mga anak ko, since malapit lang naman. Dahil gusto ko ring makita at makasama, pumayag ako.

Niyakap ko sila nang magkita kami. Malaki na ang pagbabago nila. Soon, may dalaga at binata na ako. Kaya lang, masyado silang mahiyain. Marahil ay hindi sila confident sa sarili nila. Gusto kong mawala iyon, lalo na si Zildjian.


Habang naghihintay kami roon, sinamantala ko nang makausap ang magkapatid. Humingi ako ng sorry sa kanila. Matagal ko nang gustong sabihin iyon pero iyon ang tamang panahon kasi nakita kong matured na sila. Alam kong mauunawaan nila ako. Sinabi kong hindi ko ginusto o pinili ang nangyari sa amin. Gayunpaman, sinabi kong bumangon ako para sa kanila. Kung hindi ako babangon, pare-pareho kaming nasa baba. Then, ikinuwento ko sa kanila ang ilan sa mga inspiring stories like royalty fee, module writing na may bayad, travel, house, at iba pa. Ipinangako ko na rin kay Hanna ang kaniyang debut sa 2023. Gusto ko ring makasama sila sa travel ko para magkakilala kami nang husto.

Nagawa ko pang mag-vlog habang nasa sasakyan at habang na restaurant. Ang saya! Walang mapagsidlan ng ligaya ang puso ko. Gusto kong balik-balikan ang mga anak ko.

Mga pasado alas-otso na yata iyon nang maghiwa-hiwalay kami. Sayang naiwan kay Mama ang pera at hoodies na para sa kanila. Pero hindi bale, magandang makita naman sila ni Mama.

Before 12, nasa bahay na ako. Napagod ko sa Cubao. Ang hirap makasakay. Ang layo nang nilakad ko kasi wala nang bus stop. Mabuti may MRT pa.



Pebrero 6, 2021
Kahit hindi ako nakatulog nang 8 hours, kahit paano ay nakabawi ako ng pagod at puyat.

After breakfast, nag-gardening ako. Inayos ko ang parking area ng tri-bike ni Emily. Then, gumawa ko ng vlogs, gamit ang mga pictures at videos kahapon.

Bandang hapon hanggang gabi, gumawa naman ako ng vlogs, gamit ang ginawa kong modules sa Filipino. Nakadalawa ako. Nakaapat akong vlogs ngayong araw. Not bad.



Pebrero 7, 2021
Past 8 na ako bumangon dahil alam kong may magluluto ng almusal namin, si Kuya Emer.

Pagkatapos mag-almusal, nagligpit ako sa garden dahil gagawin ni Kuya Emer ang ramp sa gate para hindi mahirapan ang paglabas at pagpasok ng bike.

Dumating din si Kuya Boy para magsukat sa pinagagawa kong metal plant rack. Humihingi na siya ng P4k para sa material at labor cost. Pero, nang gabi, humirit pa siya ng P500 kasi nakalimutan daw ilista ng gulong. Pinalalagyan ko kasi ng gulong.

Nagsulat ako ng pang-update sa wattpad ko. Hindi ko matapos-tapos pero nadaragdagan ang haba.

Gabi, nagtsek ako ng modules. Nakaka-stress kaya halos hindi ako nakausad.



Pebrero 8, 2021
Unang araw ng INSET. Hindi ko gusto ang mga nangyari. Boring ang topic at andaming gagawin. May modules pang nalalaman. Gayunpaman, nag-screenshot ko ng mg slides habang nakikinig. Pagdating ng hapon, nakatulog ako. Sobrang nakakaantok talaga, lalo na't binasa lang ng speaker ang kaniyang slides.

Pagkatapos ng sessions, nag-brainstorming naman kaming magkakasama sa grade level. Pagkatapos iyon na maglabas kmi ng mga hinaing, komento, at kuro-kuro namin sa mga nangyari at mga pinagagawa sa amin. Nakagaw rin kami ng output na siyang ipapasa namin sa Huwebes.

Gabi na nga ako nakapagdilig. Pero masaya ako dahil magaganda ang tubo ng mga halaman ko. Malapit na rin akong magkaroon ng metal plant rack, na lalong magpapaganda at magpapaluwag sa garden ko.



Pebrero 9, 2021
Nagsulat muna ako ng wattpad update bago ako bumaba at nag-log in sa webinar. Muntikan na akonh ma-late.

Kahit si Sir Erwin ang isa sa mga resource speaker, hindi ko pa rin talaga matanggap ang halaga ng webinar na ipinagpipilitan sa amin ng DepEd. Bukod kasi sa late na, andami pang activity. Nakakatuyot ng utak. Mabuti sana kung umaga lang ang seminar Maghapon. Paano kaya namin magagawa iyon? Essay pa naman.

Gayunpaman, gumawa pa rin ako. Sinikap kong gumawa dahil ayaw ko namang kumopya na lamang sa collaborative output namin kahapon.

Past 2, inantok ako. Pinagbigyan ko. Okay naman kaya lang hindi na ako nakapag-screenshot. Kahit paano may epekto iyon sa mga sagot ko. Kailangan kong labanan ang antok sa susunod.

Pagkatapos ng webinar, ginawa ko ulit ang mga activities. Kahit paano hindi na ako mangangarag sa mga susunod na araw. May ipapasa na ako kung magkabiglaan man.

Ngayong gabi, nakapag-post ako ng update sa wattpad. Pagkatapos, nagsulat uli ako.



Pebrero 10, 2021
Mula umaga hanggang gabi, tutok ako sa computer. Nag-double time ako kasi kinailangan kong gumawa ng summative tests sa ESP 6 Q2 W2 and 6, habang ongoing ang INSET, na nakakaloko..

Gayunpaman, naipasa ko ang summative tests at muling umusad ng LAC Study Notes ko. Naisingit ko rin ang paggawa ng PDS at SALN na due na bukas.

Ang pahinga ko lang ay gardening. Dumating na kasi ang metal plant rack ko. Worth it ang P4,500 na binayad ko.

Gabi, nagkaroon pa kami ng LAC session with our MT. Nakinig lang ako dahil busy ako sa paggawa ng study notes. So far, nasa 75% na ako. Not bad.

Bukas, pumunta ako sa Pasay para kumuha ng cedula at magpasa ng SALN at PDS.




Pebrero 11, 2021
Alas-tres nagising ako at hindi na ako nakatulog muli. Kaya, nagsulat na lang ako ng pang-update sa wattpad. Past 4, bumangon na ako para mag-almusal at maligo.

Before 5, umalis na ako sa bahay. Maaga akong nakarating sa PITX, kaya nagsulat din muna ako roon. Nakapag-upload nga ako bago ako pumunta sa school.

Past 7:30, nasa school na ako. Nakapagsabay ako kay Mang Bernie ng cedula. Hindi na ako nahirapan. Nag-concentrate ako sa pakikinig sa webinar, habang pini-print naman nina Sir Hermie ng PDS at SALN ko.

Nainis lang ako sa principal dahil pinatatawag ako. Mabuti natimbrehan ako ni Sir Hermie, kaya hindi ko bumaba. Isinangkalan pa si Sir Erwin para pumayag lang akong tanggapin ang SPG coordinator. Useless ang trabahong iyan sa panahon ngayon, kaya wala akong balak tanggapin.

Masaya ang naging binding ko kina Sir Erwin, Ma'am Edith, Sir Archie, at Sir Joel habang may webinar.

Past 4 na kami umuwi. Natagalan lang ako sa CCP dahil punuan ang bus.

Past 7:30 na ako nakauwi sa bahay. Pagod man, pero nakapagdilig pa ako ng mga halaman habang may meeting kami kay Sir Erwin tungkol sa LDM2.



Pebrero 12, 2021
Past 8:30 AM ako bumiyahe para sa naka-schedule naming buffet sa Tramway, kasama ang mga kaTupa ko. Hindi naman ako pumunta roon agad. Nagpalamig muna ako sa PITX. Nagsulat na rin.

Past 11:30 am, bumiyahe na ako. Naroon na sila, maliban kina Ma'am Bel at Ma'am Divine.

Masaya kaming nagkainan kahit magkakalayo at kahit kakaunti ang menu, hindi tulad dati. Busog na busog ako.

Nagplano rin kami para sa gala namin sa February 25. Gusto ni Ma'am Bel makarating sa Torres Farm. Rerentahan namin ang L300 ng kapatid ni Ma'am Rapunzel.

Past 3, nasa PITX na ako. Nagyaya si Sir Hermie na pumunta kina Sir Joel G, kaya bumiyahe ako papuntang Imus. Past 4 na ako nakarating sa meeting place namin.

Kami naman ang bumili ng alak at pulutan, kaya bago kami pumunta sa bahay ng Guillermo, may dala na kami. Hindi nga lang nakuntento sa tatlo si Sir Joel, kaya bumili pa siya ng dalawa. Okay lang naman dahil masaya kami. Ang daldal ko na nga.

Past 10 na kami natapos at nagkapag-dinner, pero hindi naman nakauwi kaagad dahil umuulan. Nagkuwentuhan na lang kami nina Ma'am Joann. Andami kong tawa sa kanila ni Sir Hermie.

Past 12 na ako naihatid ni Sir Hermie aa bahay. At hindi rin agad nakatulog. Gayunpaman, masayang-masayang ako.



Pebrero 13, 2021
Maaga akong nagising dahil nagising din si Emily nang maaga. Pupunta sila ni Ma'am Jenny sa FVP office dahil speaker si Sweetie.

Natulog naman uli ako pag-alis niya. Nagising ako mga pasado alas-8. Bago mag-almusal, naglinis muna ako sa sala. Nagpunas ako kasi amoy-daga ang sahig namin. 

Then, hinarap ko na ang LDM2 Portfolio. Natapos ko naman ito kaagad, kaya nasimulan ko ang ESP 6 module. Nakapag-gardening din ako kahit paano. Hapon, natulog ako. Nagising lang ako sa tawag ni Ma'am Vi. Nag-usap kami ng mga kulang-kulang isang oras tungkol sa LDM at iba pang isyu sa school at DepEd. 

Past 9:30, nakaapat na pahina na ako ng modules. Not bad. 



Pebrero 14, 2021
Nag-gardening muna ako sa umaga. Napakasarap sa pakiramdam na makita ang malulusog na halaman. Nakakainis lang tingnan ang mga sinisira ng mga daga. Hinuhukay nila ang ibang halaman. Siguro naghahanap sila ng root crops. Ang resulta, natatapon ang mga lupa. Ang masama, namamatay ang halaman kasi minsan hindi na pala nakatanim sa lupa.

Past 12:00 nasundo na kami ng Guillermo family para dumalo sa first birthday party ng anak ni Ma'am Fatima sa Dasma. Sinundo rin nila ang mag-iinang Biares. 

Nakarating kami sa venue bandang 2:30. 

Nalungkot ako kasi wala akong katawanan, maliban sa nakakausap ko naman si Sir Joel. Pinaasa kasi kami ni Sir Hermie. Hindi siya makakapunta. 

Okay lang din naman na nakasama kami roon dahil nakilala ni Emily ang mga kaguro ko. Naka-bonding niya rin ang mga ito. At nakaranas na naman si Zillion ng pagdalo sa bertdeyhan. 

Past 6:00, umuwi na kami. Hinatid uli kami ng van. Blessings din kasi kailangan nila ng First Vita Plus Dalandan para sa ubo ni Althea. Binigyan ko naman sila ng mga halaman bilang pasasalamat.



Pebrero 15, 2021
After ng online class ko, nag-almusal lang ako at nag-decide na akong maglaba. Pero bago akp nakapagsimula, nagkasagutan kami ni Emily. Nayabangan kasi ako sa kanya. Ipinipilit niyang siya lang ang lahat ng nakapag-inspire kay Ma'am Leah na painumin ng FVP ang anak nito. Haist! Napakaliit an bagay. 

Tahimik kong tinapos ang labahan ko. Napagod man ako pero masaya akong nagtratrabaho para sa pamilya ko. Ayaw ko lang ng hinahanap pa ako ng kakulangan ko... Wala raw akong time. Nang siya ang pinalalaba ko, ayaw naman. 

Nakatulong ako bandang hapon. Naniniwala na talaga ako sa psychology. Kapag malungkot daw, tulog nang tulog. 

Gabi, nagsimula akong gumawa ng vlog. Lalapatan ko na lang ng audio. Nagsulat ako para sa wattpad. Nakapag-post ako. At ipinagpatuloy ko ang ESP6 module. Nakadalawang pahina ako. 

Past 8, pumunta ako sa bahay ni Mareng
Janelyn. Naglayas kasi siya dahil sa problema sa asawa. Nakipagkuwentuhan ako hanggang past 9. Nag-biking din ako hanggang 9:30. Nawala ang stress ko.



Pebrero 16, 2021
After breakfast, nagdilig ako ng mga halaman. Then, hinarap ko na ang module writing.

Habang naghihintay kay Mareng Janelyn umidlip ako. Past 2:30 na siya dumating para makigamit ng wifi. Nag-start agad siya sa kaniyang online tutorial. Ako naman, nagpatuloy sa paggawa ng module, habang pasalit-pasalit ang kuwentuhan.

Matagal kami nagkuwentuhan hanggang sa dumating ang Converge agent. Isinama na niya ang mga ito sa kanilang bahay. Past 7:30 na iyon.

Nagpasalamat siya sa akin. Kahit paano ay naibsan ang stress niya, lalo na't na-reintroduce namin ang First Vita Plus sa kaniya. Pinautang nga siya ng 2 boxes ng Dalandan Gold at isang virginity soap.

Masaya rin ako dahil nakatulong ako kahit sa kaunting paraan. 



Pebrero 17, 2021
Nagkasagutan kami ni Emily habang nagdidilig ako ng halaman kay bad trip ako maghapon. Idagdag pa ang system error ng PRC. Hindi tuloy ako makapag-transact. Kailangan ko nang mag-renew ng license. Hinahanapan na kami sa office.

Halos maubos ng oras ko sa kakasubok. Wala talaga. Mabuti na lang, nakapag-update ako sa Wattpad. 



Pebrero 18, 2021
Pagkatapos ng virtual class, nagdilig ako ng mga halaman. Tapos,  maghapon akong nagkulong sa kuwarto upang tapusin ang ESP 6 module. Nagpapahinga rin ako. Na-stress lang sa PRC renewal of license dahil hindi pa rin ako makausad. Error palagi. Gayunpaman, hindi ko masyadong dinibdib. Makaidlip pa nga ako kahit paano.

Past 4:30, nakatambay ako sa garden. Na-appreciate ko iyon kaya nag-pictorial ako at nag-post sa FB. Marami-rami na agad ang nag-like at nag-comments. 

So far, bago ako matulog, nakatapos na ako ng anim na pahina ng module. Siyam na lang ang gagawin ko. 



Pebrero 19, 2021
Nag-biking ako pagkatapos ng virtual class. Merged ang mga klase kaya isang session lang ang nangyari. Kaya lang, may observer na pumasok kaya nawindang ang mga kasamahan ko habang wala ako.

Anyways, naging masaya naman ang pagbibisikleta ko. Nakakuha ako ng water plants at driftwood.

Maghapon, ginawa ko ang ESP module at inasikaso ko ang PRC license renewal ko. Tinulungan ako ni Ms. Krizzy, kaya nakabayad ako after 48 years. Nakaka-stress ang online. Pero, pasalamat ako at naging okay na ang address details ko. May schedule na ako. Sa June 10 ko kukunin sa PICC. 

Past nine, nag-biking uli ako. Past 10 na ako nakauwi. Nakaka-refresh!



Pebrero 20, 2021
Past 8 na ako bumangon. Ang sarap kasing matulog dahil sobrang lamig. Kung hindi lang aalis sina Emily, hindi ako bumangon agad.

After ko mag-gardening, hinarap ko na ang module writing. Tinapos ko na ngayong araw. Pati ang key to correction ay ready to submit na. 

Hindi ko nakapunta sa Guillermo Family. Niyaya pa naman ni Sir Hermie doon si Sir Vic. Aalis kaso ang mag-ina ko. Hindi puwedeng walang maiiwan sa bahay dahil may plant-.napper. Nanakawan na kami noong isang araw. Tapos kanina, muntikan nang manakaw ang Hawaiian palm namin. Nabunot na sa paso, hindi lang nadala.

Habang wala sila, nag-stay ako sa garden. Nag-sound trip ako.

Paat 8, nag-biking ako. Ten PM na ako umuwi. Ilang minuto ang lumipas, tinawagan ako nina Ma'am Joann at Sir Hermie. Ang kulit na ni Sir. Lasing na lasing na.



Pebrero 21, 2021
Maagang naistorbo ang tulog ko sa maagang pagbangon ni Emily kanina. Pupunta siya sa Montalban para sa First Vita Plus, kasama si Ma'am Jenny. Iwan kami ni Zillion.

Past 8 na ako bumangon pagkatapos niyang umalis. 

After breakfast, nag-biking ako. Past 10 na ako nakauwi. 

Maghapon, wala akong nagawa kundi makipag-chat. Gabi na ako naging produktibo. Nakagawa ako ng vlog at nai-post ko sa YT.

Past 10 na dumating si Emily. 




Pebrero 22, 2021
Kahit wala pang modules na hawak ang mga estudyante, nagklase pa rin kami. Nagturo ako ng pagsulat ng tula. Medyo mahaba kaya hinimay-himay ko. Kakayanin iyon until Friday.

Nag-biking ako past 10, then bumili ng isda. Nagluto ako ng pInangat na sapsap pagdating ko. Ang sarap ng kain ko! Bihira kasing magluto si Emily ng ganoon. Halos araw-araw kaming bili. 



Pebrero 23, 2021
Ngayong araw, nakagawa ako ng isang vlog at nakapag-biking. 

Nakakilala ako ng isa ring biker. Nakipag-join ako sa pag-bike sa kanya, kaya nakarating ako sa highway. Kahit paano ay nawala ang takot ko sa highway. Kaunti na lang ay tuluyan nang mabubuo ang confidence ko sa kalsada.

Sana i-chat ako ni Kym, ang teenager na nakasama ko. Gusto kong makasama sa solo ride niya hanggang Indang.



Pebrero 24, 2021
Past 6:50 na ako nagising. Late na ako sa klase ko. Mabuti na lang nakapasok agad ako at hindi pa tapos si Ma'am Vi sa Charity. Hayun, nakahabol ako.

After class, naglaba ako. Inabot ako ng past 1 bago natapos. Umidlip muna ako bago naligo. Nakapagpahinga naman ako kahit paano, kaya nag-biking ako.  

Sa unang pagkakataon, lumayo ako nang husto. Sa highway ng Gen Tri ako dumaan. Hinanap ko ang bahay ni Sir Joel G pero hindi ko natagpuan. Ibang way yata ang nalusutan ko, kaya nakarating ako sa bayan o sa simbahan-park-city hall ng Gen Tri. Gayunpaman, natuwa ako sa sarili. Kaya ko palang mag-solo ride sa highway. 

Pumunta pa ako sa liblib na lugar bago ako umuwi. Nakakatuwa ang mga nakikita ko. Nakaka-relax!



Pebrero 27, 2021
Mainit ang ulo ni Emily dahil sa mga tae at ihi ng mga daga. Naglinis siya. Tinulungan ko naman na lagyan ng harang ang uwang sa pinto. Kaya lang, meron pa rin siyang nasabi. Dapat daw kahapon ko pa ginawa. Nainis ako. Until nag-away kami dahil sa module o katamaran ni Zillion at sa pagbubunganga niya sa bata. Pinagsalitaan ko siya.

Nagkulong ako sa kuwarto after lunch dahil sa inis.

Past 1:30, tumawag sina Ma'am Madz, Sir Joel, at Ma'am Wylene. Pupunta raw sila sa bahay. Agad akong bumangon para maghanda at magluto.

Nagluto ako ng carbonara at tofu-mushroom sisig at gumawa ako ng fruit salad. 

May dala silang pizza, kaya solb na ang kainan. Nag-karaoke pa sila habang nagluluto ako.

Dinala namin sa Guillermo family ang mga tira at ang bagong lutong sisig. Past 7:30 na kami nakarating doon. 

May kantahan din doon. At siyempre, may masarap na pagkain.

Nasarapan lahat sila sa putahe ko.

Dumating si Sir Vic, pero in-Indian kami ni Hermie. Kaya, bandang 10:30, pinuntahan namin sila. Hinatid kasi kami ni Sir Joel G ng van niya kasi sa bahay matutulog sina Pareng Joel at Ma'am Madz. 

Natatawa ako sa reaksiyon ni Sir Hermie sa pagdating namin. Hindi siya nakabuwelo.

Past 12 na kami nakarating sa bahay. 

Sa sala natulog ang dalawa. Ayaw nila sa kuwarto kahit wala naman ang mag-ina ko. 




Pebrero 28, 2021
Past 6:30, gising na kami. Nagluto ako ng almusal upang busog sina Sir Joel at Ma'am Madz bago umuwi.

Idinaan ko muna sila sa bahay ni Marekoy. Although, wala ng tao roon, at least alam na nila.

Maghapon akong nagpahinga kasi past 3:30 pa dumating ang mag-ina ko.

At alas-4, nag-biking ako. Binalikan ko ang magandang lugar na nadaanan namin ni Sir Hermie noong isang araw. Naniwala na ako sa kakayahan kong pumadyak. Kaya ko pala.

Past 6 na ako nakauwi. Sobrang sarap sa pakiramdam. 

Pinautang ko si Padi Glenn ng P2,000 ngayong araw. Naawa naman ako. Hindi ko man naibigay ang P5,000 na una niyang hinihiram, at least, nakatulong ako. 

Nag-biking pa ko bandang 8:30 hanggang  10 ng gabi. Ang init kasi sa kuwarto kung matutulog agad ako. 


   






Buwaya sa Gobyerno

Guro: Ano ang gusto ninyong trabaho paglaki ninyo? Maria: Maging guro! Guro: Wow! Gusto mo ring magturo sa mga bata? Maria: Opo! Masay...