Hindi ko gugustuhing maging ako,
lalo na kapag pasan ko ang mundo.
Hindi ko nanaising maging ako,
kung ang lahat ay sisisihin ako.
Hindi ko hahangaring maging ako,
kapag ako'y nakararanas ng ganito.
Hindi ko hihilinging maging ako,
kung pang-unawa ay ipagkakait mo.
Hindi ko ikatutuwang maging ako,
dahil nawala na ang tiwala mo.
Hindi ko ikakagalak maging ako,
habang ibinabagsak mo ako.
Hindi ko na iisipin pang maging ako
kung ang ako'y wala nang puso.
Hindi ko ipagmamalaking maging ako
sapagkat nasaktan ako, kahit natuto.
Hindi ko na mamarapating maging ako...
Masakit... sobrang sakit maging ako.
Followers
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
Ang Aking Journal -- Setyembre 2026
Setyembre 1, 2026 Ilang araw din akong nagigising nang late, kaya nang nagising ako bandang 3 am kanina, parang gusto ko pang bumalik s...
-
Ano ang Kolum (Column)? Paano ito isinusulat? Ang kolum o pitak ay regular na lathalain o serye ng mga artikulo sa pahayagan, magasi...
-
Paano nga ba isinusulat ang Lathalaing Pang-agham? Gusto mo ba ng sample ? Walang problema. Talakayin at unawain muna natin ang kahu...
No comments:
Post a Comment