Followers
Wednesday, April 8, 2020
Ang Aking Journal -- Abril 2020
Abril 1, 2020
Dahil sa sala na rin natulog ang mag-ina ko, nahirapan akong matulog nang mahimbing. Mainit at malamok pa. Anyways, kahit paano nakatulog naman ako. Bumangon kami nang late.After breakfast, lumabas ako para magpadala kay Upline Rich through Smart Padala. Bayad ko sa order naming FVP Dalandan Gold, kaya lang sarado ang isa at offline ang isa. Naghintay pa nga ako.Ala-una na ako nakapagpadala.Dumiretso na ako sa ATM para iwithdraw ang clothing allowance at April salary. Naglakad lang ako. Sobrang init. Past 3 na ako nakauwi. Umidlip ako pagdating ko.Ngayong araw, nakapag-update ako sa wattpad, nakapagpost ng vlog, at nakapagsulat ng kuwentong pambata.Nakachat ko rin si Sean Lagahit. Isa siya sa mga estudyante ngayong batch. Hindi ako ang adviser niya, pero thankful siya sa akin.Narito ang convo namin:Sean: Hi po sir.Kamusta napo kayo ingat po kayu lage ah sorry po at naging pasaway ako sayo!Pero sir Mahal na mahal kapo namen Totoo po promise po! Ingat po sir ahh!💖☺️Ako: Mabuti naman ako. Ingat din. Mahal ko rin kayo. SalamatSean: Welcome po sir!😊💘We Love you po!💝Nakakamiss napo yung Line nato!(Ikaw Gusto mo kwento?)Ako: ahaha. Gusto mo kuwento? Sorry. Madalas kitang pagalitanSean: HAHAH!kakatuwa nmn po! Ok lang po yon Tama lang saken yon nagsisilbing leksyon saken yon sir!Ako: Thanks! Baunin mo hanggang high school at college ang mga lesson na iyong natamo mula sa aming mga guro mo sa elementary.Sean: Opo! Welcome po!Babaunin kopa tlga ang mga tinuro mo kase dahil sayo natuto po akong sumulat ng Kuwento at syempre po tula!😢🤍Sean: Sana Po mabuhay ka sa mundo ng 100 years Para po makita at madalaw papo kita!Sana po magkita tayu pag lake ko para magpasalamat na dahil sayu po nagtagumpay ako;Ako: Yes it will happen. May potential ka..nakita ko iyon sau one week pa lang ng klase... Gamitin mo iyan para matupad mo ang mga pangarap mo... Although lately, medyo nawala ka sa focus... But then, kaya mo iyan. Tuloy pang ang pagsulat. Ako katatapos ko lang magsulat... Nakakaadik magsulat..Sean: Hehe! Sir naiiyak po ako hehe!Salamat po!Ako: It's okay! Just be a good and responsible student/son.Sean: Kaya ng po ei nakakaaadik mag sulat Kase napapansin ko Habang naka Home Quarantine po Natututo po ako gumawa ng sariling kuwento at tula!Ako: Great. Pabasa mo sa akin. lf you like, post natin sa KAMAGFIL.Sean: Sge po Bukas po isesend ko sayu medyo madilim po kase At wala po akong load eh.Ako: Sige. Anytime.Sean: Thank you po ulet sir! Love you po!😩💖Ako: welcome. Love you.Sean: Iloveyou too po sir.Hindi ito prank para sa April Fool's Day. Nakatataba ng puso.
Abril 2, 2020
Sobrang init na naman kagabi. Ang hirap pa ring matulog nang mahimbing. Gayunpaman, alas-9 na kami bumangon.Nagsulat ako ng pangwattpad update ngayong araw. Hindi ko nga lang matapos-tapos kasi mainit at may mga gawaing-bahay pa.So far, safe pa rin kami sa CoViD-19. At hindi pa rin ako naboboring.Hapon, lumabas ako para bumili ng ulam. Pagdating ko, naghugas naman agad ako, pero kinagabihan parang sumikip ang dibdib ko at bigla akong nagkaroon ng ubo. Naisipan kong uminom uli ng First Vita Plus Dalandan Gold, kaya nawala ang sakit at ubo ko. Thanks, God!
Abril 3, 2020
Stay home pa rin kami.Sa umaga, nanood kami ng pelikula sa TV, bago ako nagdilig ng mga halaman at nagpaligo sa aso.Sa hapon, nagsiesta kami. Four-thirty na kami bumangon. Nagpadeliver na lang ako ng nilupak na kamoteng-kahoy para sa meryenda.Nakagawa ako ng dalawang vlogs ngayong araw. Hindi pa nga lang naupload kasi wala na akong data. Naituloy ko rin ang wattpad update ko. Hindi pa nga lang matapos-tapos kasi ang hirap magconceptualize.
Abril 4, 2020
Napuyat ako kagabi. Sobrang likot ni Zillion. Habang nagpapaantok, nagconceptualize ako ng kuwentong pambata.Past nine na naman kami nag-almusal. Late na rin akong namalengke. Mabuti may nabili pa akong sariwang karne.Hapon. Nagpagupit ako.
Nakapagpost ako ngayon sa wattpad ng update. Naisulat ko na rin ang kuwentong inisip ko kagabi. Ang hina lang signal ng net kaya hindi ko naipost.
Abril 5, 2020
Nine-thirty na kami bumangon. Ang sarap matulog, e. Sabi nila, tipid daw sa pagkain, pero hindi naman. Nag-almusal pa rin naman kami.Tinanghali rin ako sa kakareply sa comment ni Ma'am Venus sa post ko kahapon na "Panay ang kontra, panay naman ang hangad ng ayuda.' Magclash ang mga views namin. Matagal bago siya tumigil. Hindi ko rin naman ipinakitang talunan ako. May mga co-writers at kasamahan ko pa sa SP, na nagcomments din. Tumigil naman agad nang pinagsalitaan ko na. Sana marealize nilang wala silang punto. Mga kabataan lang silang puro kuda at asa sa gobyerno. Kinakawawa nila ang mga politiko. Kung makapagsalita sila, akala mo'y ang laki ng ambag nila sa bansa.Ang gusto ko lang namang ipinto ay tigilan ang pagrereklamo at pagbabash ngayong panahon ng pandemic. Right daw ng taumbayan ang ipinaglalalban nila, pero meron silang binabatikos. Nakakainis lang talaga!Dumanas din ako ng hirap, pero never kong sinisi ang gobyerno. Pero ang mga kabataan ngayon, iba na. Sinisisi ko ang social media sa paglala ng point of views nila. Hindi na healthy ang mga kaisipan nila. Masyado silang palaban, na wala naman sa hulog.Haist! Poor generation.
Anyways, nasulat ako ng burador ng kuwentong pambata. Hindi ko nga lang nadugtungan ang update sa wattpad.Maghapon akong nag-upload ng vlog. Gabi na natapos, ang hina kasi ng net.
Abril 6, 2020Nine-thirty na naman kami bumangon. Agad akong naghanda ng almusal. Brunch na ang nangyari, kaya naman alas-dos na kami naglunch, na actually ay early snacks na. Irregular na ang kain dahil sa quarantine. Anyways, wala namang problema. Ang problema lang ay ang sobrang init. Masakit sa ulo. Sumakit ang ulo ko nang may bumili ng yelo, bandang alas-4. Ang sarap na sana ng tulog namin.Ngayong araw, natapos ko nang isulat ang "Ang Pamilyang Masagana." Posted na rin ito sa wattpad, blogger, at KAMAGFIL.During lunch, nakagawa ako ng vlog dahil gumamit ng chopsticks si Zillion sa unang pagkakataon. Natutuwa ako sa resulta. Nakatatawa!Gabi. Magdecide kaming bumalik sa kuwarto. Hindi kasi kami makatulog nang mahimbing sa sala. Naglinis at nag-ayos na rin ako sa kuwarto ko at sa sala, kahit masakit ang ulo ko.
Abril 7, 2020
Tinamaan na naman ako ng insomia kagabi. Alas-sais na ako nakatulog. After more than an hour, bumangon na ako kasi mainit at maingay na. Hindi ko alam kung ano ang problema. Namahay pa ako sa sarili kong kuwarto? Nainitan ba? O nastress sa mga pangyayari sa mundo?Kaya naman, si Emily na ang pinamalengke ko. Siya na rin ang nagluto ng ulam.Wala rin naman akong pahinga at tulog maghapon. Okay lang naman dahil nakapagsulat ako ng isa na namang kuwentong pambata.Abril 8, 2020Since masarap na ang tulog ko, naging masaya ang maghapon ko. Nakapagsulat pa ako ng kuwentong pambata at nakagawa ng vlog.
Si Emily pa rin ang namili. Ako lang ang nangusina, at siyempre sa garden.
Abril 9, 2020
Maaga akong bumangon para makapaghanda sa paglabas ko. Pagkatapos naming mag-almusal, nagdilig ako ng mga halaman. Past nine na ako nakalabas para magwithdraw ng pera upang may ipambayad sa internet bill.
Natagalan ako sa pila sa ATM, kaya past 11 na ako nakauwi. Bumili lang ako ng isda sa palengke. First time kong pumunta roon nitong ECQ. Naranasan ko ring pumasok at lumabas sa disinfection booth. Nakasakay din ako sa dyip na 'libreng sakay.'
Hindi ako nakapagsulat ngayong araw. Natulog ako after lunch. Then, nanood kami ng TV. Inabutan din kami ng 11 PM dahil sa panonood ng "The Ten Commandments.'
Hapon, naisingit ko ang paggawa ng vlog. Nakapagdisinfect din ako sa sala, kusina, hagdan, at kuwarto ko pagkatapos ng hapunan.
Sapat na siguro ang mga iyon upang masabi kong 'feeling fulfilled.'
Abril 10, 2020
Biyernes Santo. Nanood kami ng mga palabas. Ang gaganda! Kahit ang 'Ten Commandments' kagabi ay pinagpuyatan namin. Nakakaiyak!
Tanghali. Nanood kami ng 'Siyete Palabras.' Inantok lang ako bandang gitna, pero halos napakinggan kong lahat.
Naging makabuluhan ang araw ko ngayon, gaya last year. Ang kaibahan lang ay kasama ko ngayon ang mag-ina ko. Nasa Bautista ako last year.
Abril 11, 2020
Past seven ako bumangon. Ito ang pinakamaaga since ECQ. Medyo tinatamad nga akong kumilos, kaya nanood lang ako ng TV pagkatapos mag-almusal.
Past 10, naggardening ako. Hinanapan ko rin ng pagkain ang pet frog ko. Kaya lang, nakawala ito bandang hapon, nang pinakakain ko rin. Nalungkot ako. Siya pa naman ang alaga ko dati pa. Nakilala ko ang daliri niyang putol.
Bumalik na ang internet service. Mabuti naman ay sumunod sila sa na huwag munang maningil ng bill. Kaya kahit hindi pa kami bayad, may connection na.
Hapon, nakagawa at nakapag-upload ako ng vlog.
After dinner, nanood kami ng 'Titanic.' Napakaganda talaga ng pelikulang ito. Hindi nakakasawang panoorin. Inabot kami ng eleven, pero ayos lang. Maraming life lessons ang napulot ko.
Abril 12, 2020Nagsulat ako bago bumangon. Dumarami na kasi ang readers ko sa wattpad. Inaabangan nila ang update ko.
Pagkatapos mag-almusal, namalengke ako. Masama ang pakiramdam ni Emily. Hindi na lang ako masyadong naiinis. Gumawa na lang ako ng mga kaya kong gawin. Mas masarap pa rin kasi ang nakakikilos nang malaya at walang sakit.
Hapon, pagkatapos umidlip at magmeryenda, gumawa ako ng vlogs. Nakatatlo ako. May nagcomment nga. Wish niya na makilala rin ako sa YT gaya niya. Wish niya rin na makilala niya. Aguuy! Mukhang foreign ang content niya. Music.
Hindi naman ako nagmamadaling kumita sa YT. Alam kong darating ng araw na kikita rin ako. Sa ngayon, magtatanim muna ako. Hahasain ko muna nang mabuti ang sarili ko.
Abril 13, 2020
Naglaba ako pagkatapos mag-almusal. Then, nagluto na ako. Naisingit-singit ko rin sa mga gawain at pagpapahinga ang pagsulat. Nakapag-update ako sa wattpad.
Bandang hapon, nakagawa ako ng dalawang vlogs. Isa pang vlog ang nagawa ako bandang gabi. Bago kami naghapunan.
Sanay na ako sa quarantine. Parang gusto ko na lang laging ganito. Pero, imposible iyon...
Abril 14, 2020
Ngayon sana nalift ang unang ECQ, pero dahil pinalawig, another two weeks pa ang 'Stay Home.' Okay lang naman. Marami akong gustong gawin sa bahay. Ilan na rin ang pagsusulat, pagbabasa, at pagba-vlog.
Ngayong araw, ako pa rin ng nangusina. Nakagawa ako ng vlogs. Nakapagbasa. Bago matulog, nasimulan kong isulat ang 'Ako si CoViD-19.'
Abril 15, 2020
Umaga pa lang, nakapagpublish na ako ng update sa wattpad. Then, natapos ko na ang 'Ako si CoViD-19.
Walang signal ang TV Plus namin kaya maghapon kaming hindi nakapanood. Okay ang sa akin kasi nagbasa ako at gumawa ng vlogs. Nakarami na naman ako ngayong araw. Kahit gabi na, nagrecord pa rin ako.
Dahil walang TV Plus, nanood na lang kami ng pelikula. Pinanood na namin ang natitira movie sa flash drive ko. Hindi ganoon kaganda. Pampalipas lang ng oras.
Sana makatulog na ako nang mahimbing ngayong gabi. Kagabi, para akong namamaligno o inaasuwang. Madaling araw na ako nakatulog. Kung hindi ko pa binuksan ang ilaw, hindi pa ako nakatulog.
Abril 16, 2020
Maaga akong bumangon para maglaga ng kamote at mag-order ng pagkain sa online. Tinatamad akong lumabas.
Past 9:30 am na naideliver ng mga order ko. Maaga pa naman, kaya nakapag-vlog pa ako, bago nagluto.
Marami-rami na naman akong naivlog ngayon kasi wala pa ring signal ng TV Plus namin. Gusto na yatang magpapalit.
Kahit ang pagluto ko ng latik at biko, nagawan ko ng vlog.
Paulit-ulit ko na ring binabasa ng mga storybooks na nabili ko sa BookSale. Nakakapanghinayang ang mga naibenta namin. Sana pala hindi na kami nagbenta. Ngayon namin kailangan ang mga babasahin.
Gabi. Naedit ko na ang mga thumbsnail ng mga vlogs ko. Nakapagpost din ako sa Booklat ng mga chapters from wattpad.
Abril 17, 2020
Mas naunang bumangon sa akin ang mag-ina ko. May nakahain na sa mesa. Nahiya siguro nang sinabihan ko kagabi na lagi na lang ako ang naghahanda ng almusal, maging lunch and dinner. Natuwa naman ako, pero masyado kasi may kulang. Ako pa ang nagprito ng itlog at talong. Maling lang kasi ang niluto niya.
Ngayong araw, nakagawa uli ako ng vlogs. Ang isa roon, kinailangan ko pang isulat kasi essay.
Wala pa rin kaming TV Plus, kaya parang ramdam namin ang ECQ. Mabuti na lang may internet. Kahit paano, updated kami sa mga nangyayari sa outside world.
Nakapag-update din ako sa wattpad bago ako umakyat. Sana makatulog na kaagad ako. Masakit sa ulo ang puyat. Nalalarot din ang katawan ko sa kakapaling-paling.
Abril 18, 2020
Si Emily ang pinamalengke ko. Tinatamad na akong lumabas. Parang nasanay na tuloy ako sa loob ng bahay.
Kahit nga, wala kaming napapanoorang television, okay pa rin. Nakakapag-vlog pa ako. Nakakapagsulat. May nababasa pa ako. At may garden akong minamantini.
Nakarami uli kong uploaded vlogs sa youtube. Mas nainspire pa ako nang mabasa ko ang post ng FB friend ko na si Mhel. Minesagge na siya ng youtube. Imomonetize na ang account niya.
Mararating ko rin ang narating niya. Tiwala lang. Tiyaga pa.
Abril 19, 2020Pagkatapos mag-almusal, gumawa muna ako ng isang vlog. Then, naglinis ako sa sala. Isinunod ko na ang pag-ayos ng TV Plus. Nadiskubre kong nginatngat pala ng daga, kaya nawalan ng signal. Mabuti na lang, inakyat ko sa kisame. Nahirapan ako. Inilusot kasi sa kisame ang wire. Kinailangan kong lakihan ang butas para makalabas ang dulo. Mabuti na lang din... Hindi na ako nakabili ng bagong unit.
Nakaisang vlog lang ako ngayon. Mahaba-haba kasi ang nasimulan kong isa. Ang isa naman, isinusulat ko pa lang ang sanaysay.
Abril 20, 2020Maaga akong bumangon para maghanda ng almusal at mag-order ng pagkain sa online. Nagawa ko naman iyon agad, kaya before 10, naideliver na.
Kahit kasagsagan ng alinsangan ng panahon, nagkulong ako sa kuwarto para mag-vlog. Kailangan kasing wala masyadong ingay kapag nagrerekord ako ng audio.
Nagawa ko naman iyon bago mag-5. Matagal lang ang uploading kasi more than one hour ng video.
Gabi, habang nagloloko ang signal ng ABS-CBN, nagsulat ako ng kuwentong pambata. Halos matapos kong isulat iyon, kundi lang ako inantok.
Ngayong araw, ang ikalawang taon ng pagtanggap ko, namin, ng working money sa St. Bernadette Publishing. Buhay na buhay pa rin ang alaala kung paano akong kinilig nang mahawakan ko ang unang bayad na natanggap ko dahil sa sinulat kong kuwento.
Sana matapos na rin ang lockdown o ang CoViD-19 para ng royalty fee naman ang matanggap ko.
Abril 21, 2020
Kagabi, nabadtrip ako dahil nagnotify ang PLDT HomeBro na 70% na ang naconsume na data. Nine days pa lang ang nakalipas. Nakakainis!
Ngayong gabi naman, ubos na. Mas nainis ako.
Nakakastress. Paano ang twenty days na walang internet? Nakalockdown pa naman.
Naisip ko tuloy na baka may ibang gumagamit ng net. Baka nahack.
Naisip ko rin, baka dahil sa pag-upload ko ng vlog sa YT. Ngayong lang kasi sobrang agang nabuos ang 50 GB na data. Dati naman 7 days or less.
Kapag nagpaload naman ako ng net, ang hina naman ng signal. Lugi din ako.
After lockdown, kailangan ko na talagang magpakabit ng bagong internet. Iyong unlimited na.
Ngayong gabi rin, pinagalitan ko si Zillion dahil sa walang disiplinang paggamit ng cellphone. Adik na. Napapabayaan na ang sarili at mga gawaing-bahay. First time ko siyang sermonan nang husto.
Pinag-uuninstall ko na rin ang mga games niya sa cellphone ni Emily. Sana maging responsable siyang anak. Gusto kong maging normal ang buhay niya. May mundo sa labas ng cellphone. Gusto kong madiskubre niya iyon. Sana gayahin niya ako. Kung hindi man, kasi may sarili siyang will, sana kapaki-pakinabang na mga gawain ang piliin niya. Marami akong outlet. Pinoprovide ko naman siya ng mga books at laruan. Sana iyon na lang. Pinapagaya ko siya ng mga makabuluhang bagay at gawain, like gardening, writing cooking, vlogging, and reading. Gusto idevelop niya ang hidden talents niya. Gusto kong marami siyang skills. Huwag lang ang offline and online gaming.
Abril 22, 2020
Lumabas ako pagkatapos mag-almusal para i-withdraw ang refund. Nakasakay ako sa libreng sasakyan, pero naglakad naman ako pauwi. Hindi na kasi ako pumila sa palengke. May binili ako sa Umboy. Past 10 nasa bahay na ako. Nakapagdilig pa ako ng mga halaman.
Nagload ako ng internet para mawala ang inis ko kagabi. Gumawa rin ako ng vlog. Hayun, kahit paano natanggap ko na ang nangyari. Siguro kailangan ko na talagang magpalit ng service provider. Kahit mahal ang monthly, basta unlimited.
Abril 23, 2020
Masaya na ako maghapon kahit wala na kaming internet. Nakapagsulat ako at nagawa kong vlog iyon. Nakapagbasa ako ng mga poetry at naging vlogs ang mga iyon. Nakapagsimula rin ako ng bagong chapter ng novel ko sa wattpad. Nakatutuwa nga, e, kasi dumarami ang followers. Dumarami ang reads, likes, and comments. Hinihintay nila palagi ang UD ko. Naku kung puwede nga lang araw-arawin ang update, gagawin ko. Ang kaso, busy rin ako sa ibang bagay. Kailangan magluto at magpahinga.
Abril 24, 2020Hindi ako nakagawa ng vlog kaninang umaga kasi naglinis ako ng sala. Tinulungan ko rin si Emily sa pagsasampay. At nagluto ako. Hapon, bandang alas-dos, lumabas ako para i-withdraw ang PBB ko. Nagawa ko naman agad, pero nagbakasakali akong pumila sa Puregold. Mabuti, wala nang pila. Nakapasok agad ako. Natagalan lang ako sa pamimili kasi parang nagpanic buying ako. Naubos ko nga ang almost P3k. Natagalan na naman ako sa paghihintay ng libreng sasakyan. Pumunta pa ako sa palengke. Pero at the end, wala pang pila kasi bukas pa raw ang market day ng barangay namin. Nasayang ang oras ko sa paghihintay. Naglakad ako hanggang sa sakayan ng tricycle. Ang layo at ang bigat ng dala ko. Gayunpaman, masaya ako pagdating ko kasi nakita ko kung gaano napasaya ng mga pinamili ko ang mag-ina ko. Hindi sila magugutom kahit extended ang ECQ.
Pagkatapos magmeryenda, nakagawa ako ng isang vlog. Okay na iyon kaysa wala. Amg mahalaga, nakapag-update ako sa sikat kong wattpad novel, na may 336,000 reads na at may 132 chapters.
Abril 25, 2020
After gardening, nagsulat akong kuwentong pambata. Natapos ko kaagad iyon kasi noon ko pa gustong isulat iyon. Then, gumawa ako ng isang vlog, na poetry reading. Hindi naman ako nakapag-reading aloud kasi andami pang vlogs na dapat i-upload. Ang bagal ng data.
Hapon, nag-Chubby Bunny challenge kaming mag-anak. Kahit mabilis lang natapos, nakakatuwa pa rin naman.
Hindi ko rin tinantanan ang pagsulat ng update para sa wattpad. Bukas, may ipopost na naman ako.
Siyempre, nagbonding kami sa panonod ng TV. Iyon na lang ang aming libangan. Mabuti na lang, maayos na ang TV Plus namin.
Abril 26, 2020
Nag-gardening ako bago nag-vlog. Pinagsama-sama ko ang mga seedlings ng fruit-bearing trees ko at mga gulay and herbal sa likod-bahay. May maganda pala ang ganoon.
Ngayong araw, nagluto ako ng spaghetti at biko. Birthday raw kasi ni Mhel.
Nakapagsulat din ako ng mga akda. Nakapagpost ng vlogs. Fulfilled! Kaya lang nalulungkot ako kasi hanggang May 31 ba lang ang submission ng Chapter 1-5 ng thesis. Wala akong laptop kaya hindi ko magawa. Kailangan ko na sigurong tanggapin na hindi ako makakasabay sa graduation. Okay lang naman, pero nakakatamad na. Parang ayaw ko na lang tapusin.
Abril 27, 2020
Gardening. Vlogging. Writing. Iyan ang mga ginagawa ko ngayong araw. Siyempre, ako ang nagluto.
Andami kong gustong isulat pero hindi kayang isulat agad-agad kasi kailangang magcharge at magpahinga. Nakakaadik kasi talaga ang magsulat. Isama pa ang vlogging. Kaya lang, ubos na ang data ko kaya andami pang hindi uploaded na videos.
Ngayong gabi, nakasulat pa ako ng kuwentong pambata, na ang tema ay CoViD-19 at birthday. Nakatutuwa!
Abril 28, 2020
Maaga akong bumangon para maghanda ng almusal at para mamalengke.
Past nine, nakabalik na ako. Nilinis ko na ang mga isdang binili ko. Pagkatapos, nag-general cleaning kami sa kanya-kanya naming kuwarto. Ipinalit ko ang brass bed. Ang queen-size na ginagamit ko ay ipinalit ko sa single-size na gamit nila.
Ngayong araw, may aksidente na namang nangyari sa may dating tirahan ni Mama. Mas malala ngayon ang nangyarim Thanks God dahil wala na roon si Mama. Kung hindi, durog siya. Grabe! Wasak talaga.
Napakabuti ng Diyos. Mas hahaba pa ng buhay ni Mama.
Gabi na nang matapos ko ang paglilinis sa kuwarto ko. Hindi ko naman kasi tinuloy-tuloy dahil mainit.
Gabi na ako nakagawa ng vlog. Hindi naman ako nakasulat ng pang-update sa wattpad. Pero okay lang. Still, productive ako ngayong araw.
Abril 29, 2020Nagsulat ako ng update sa wattpad, kaya maaga pa lang ay nakapagpost na ako. Muli ko na namang sinimulan ang isa pang chapter. Maganda ang reception ng mga readers ko sa kuwento. Natutuwa sila.
Ngayong araw, isang vlog lang ang nakagawa ko, pero wala akong naupload kasi wala na akong data.
Hapon. Nanood kami ng 'Money Heist.' Inulit namin. Ikatlong araw na kaming nanonood. Nakapitong series na kami.
Kahit pala inulit, nakakaexcite pa rin. Mas nauunawaan pa nga namin. May mga eksena kasi na namiss namin. Ang iba, nakalimutan na. Ang ganda talaga! Sana magshooting sila sa Pilipinas. Sa Bangko Sentral naman sila. Gabi, chinat ako ng principal. Gumawa raw ako ng digitized na kuwento. Natatawa ako kasi ngayon na lang niya ako pinahalagahan. Gayunpaman, proud ako kasi nag-effort pa siya.
Ipinalam ko sa kanya na wala akong laptop upang hindi siya umaasa. At kahit pa may laptop ako, hindi ako magpapasa sa LR Portal nila.
Abril 30, 2020
Nagkape lang ako, bago ako naglakad patungo sa ATM para mag-withdraw. Walang free ride kaya naglakad din ako pauwi. From 7:30 to 9:00 ang lakad ko. Grabeng pagod! Saka lang ako nag-almusal pagdating ko. Okay lang naman. Worth it!
Nagpag-upload ako ng dalawang vlogs ngayon sa YT. Isa lang ang nagawa kong vlog. Then, dalawang chapter ang naupdate ko sa WP. Not bad!
At siyempre, nakapagdilig ng mga halaman. umaga't hapon. Nakapagtanim ako ng buto ng duhat na napulot ko at buto ng palm tree.
Hapon, sa halip na matulog, nanood kami ng 'La Casa de Papel.' Nakakaexcite pa rin ang mga eksena. Parang bago pa rin sa paningin namin. Kaabang-abang talaga.
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
Paano Sumulat ng Lathalain? #2
Madali lang. Para ka lang nagbilang ng isa hanggang siyam. Una, isulat mo ang unang talata. Ang unang talata ay tinatawag na ‘The Lea...
-
Ayaw na ayaw ni Tommy ang Sabado kasi ito ang araw ng paglilinis. Biglang bunso, gusto lamang niya ang kumain, matulog, manuod ng t...
-
Sa kabila ng hamon sa pagbubukas ng panuruang taon 2020-2021, natuloy pa rin ito noong Oktubre 1. Gayunpaman, mayroon pa ring mga kinahahar...
No comments:
Post a Comment