Followers

Sunday, May 31, 2020

Paano Gumawa ng Zine

Kung interesado kang matutong gumawa ng zine, sundan mo lang ito. Madali lang naman ito. Hindi tulad noong panahon ng quarantine.

Pero, ano nga ba ang zine?

Ang zine ay isang maliit na magasin na ginawa ng isang tao o isang maliit na grupo ng mga tao, at tungkol sa isang paksa na kanilang kinagigiliwan.

Ano-ano ang mga hakbang sa paggawa ng zine?

Pumili ng papel. Maaari kang gumamit ng bond paper, colored papel o anomang uri ng papel. Ang mahalaga, maitutupi mo ito, maba-bind o mai-staple. Ang paggamit ng staple o iba pang binding materials ay nakadepende kung gaano kakapal ang zine mo. Kung isang bond paper lang naman ang itutupi mo, no need to staple.

Ihanda ang tema. Maaaring social issue, personal, political, religious, kahit ano! Anything under the sun ay maaari mong maging topic sa zine. Puwede ang koleksiyon ng tula, sanaysay, kuwento, dagli, quotes o hugot.

Pumili ng disenyo. Puwede kang gumamit ng MS Publisher. Maaari mong lagyan ng mga larawan, ikaw mismo ang kumuha. Puwedeng comics style. Puwede ang collage. Puwede mong lagyan ng sketches, calligraphy, at paintings mo. Ilabas mo ang creative juices mo. It's all yours! Walang mali sa arts.

Buuin mo na ang laman. Mahalaga ang layout sa zine. Ang karaniwang zine ay may 8 pahina. Kung may dalawang bond paper paper ka at tinupi mo at pinagtaklob mo ang mga iyon, magkakaroon ka na ng 8-page zine. Marami ka nang mailalagay roon. Siguraduhin mo lang na magkakasunod-sunod ang pahina o laman. May front at back page. Siyempre, nasa front o cover page (page 1) ang pamagat ng zine at pangalan ng may-akda.

Ilimbag mo na. Ang printing ang pinakahuling hakbang. Ito rin ang madalas na problema. Kung may sariling printer ka, good! Kung wala, ipa-photocopy mo. Puwede itong black and white lang o full colored, depende sa budget o sa ink mo. Basta ang mahalaga rito, maipahayag mo ang nilalaman ng zine mo.

Ang zine ay maituturing na intellectual property mo. Maaari mo rin itong pagkakitaan. Kung ayaw mo naman, koleksiyon lang. Idagdag mo sa laman ng mini-library mo sa bahay ninyo.

So, gets mo na ba?

Sigurado akong pagkatapos nito ay magagawa mo na ang kauna-unahan mong zine.





Saturday, May 30, 2020

Polycystic Kidney Disease


Ang polycystic kidney disease ay isang sakit kung saan ang mga kidney ay tinutubuan ng maraming cyst, na naglalaman ng tubig. Nagiging dahilan ito upang lumaki ang kidney at hindi na ito gumana. Maaaring mauwi sa chronic kidney disease o tuluyang pagkasira ng kidney kung patuloy na dumami ang mga cyst. 

Naiiba ito sa simple renal cyst, kung saan paisa-isa lamang ang cyst sa kidney. Ito ay hindi nakakasira ng kidney at kadalasang hindi kailangang gamutin.

Ang polycystic kidney disease ay maaaring makaapekto sa ibang lamang-loob. Maaaring magkaroon ng mga cysts sa liver, pancreas, ovaries, spleen, at colon. 

Ang sinomang may polycystic kidney disease ay mahigit 50% na prone sa pagkakaroon ng chronic kidney disease pagsapit niya ng 50 taong gulang. 

Ang taong may polycystic kidney disease ay nakararamdam ng pananakit ng likod o tagiliran, paglaki ng tiyan, pagdurugo sa ihi, madalas na pagkakaroon ng UTI, mataas na blood pressure, at paglaki ng kidneys, na nakikita sa ultrasound.

Kadalasang namamana ang polycystic kidney disease. Mayroon din namang mga uri nito na hindi namamana. Kapag nagkaroon ng mutation ng genes ng taong may PKD1 at PKD2, naipapamana ang sakit na ito.

Sa ngayon, wala pang lunas ang polycystic kidney disease, pero may mga nabibiling gamot naman upang pabagalin ang paglaki ng mga cyst.

Sa mga nakararanas ng mga sintomas ng polycystic kidney disease, mahalagang masuri ka ng doktor upang maagapan ang sakit na ito. 

Kapag may reseta ka na, isabay mo ang pag-inom ng kahit na anong variant First Vita Plus Natural Health Drink. Ang inuming ito ay may limang power herbs, na nagtatanggal ng mga hindi kailangan o sobrang bagay sa katawan sa pamamagitan ng pagdumi, pag- ihi, pagdura, at pagpapawis. Ang FVP products din ang pumupuno sa mga kakulangan ng katawan ng tao.

Ang polycystic kidney disease ay problema, ngunit sa FVP may pag-asa ka.

 

Pagsulat ng Talumpati

PAGSULAT NG TALUMPATI

Magandang araw po sa inyong lahat!
Ako sa inyo'y lubos na nagpapasalamat
dahil sa mga sandaling ito, kayo'y mulat
at handang makinig, matuto, at umangat.
Halina't tuklasin natin ang nararapat,
alamin ang talumpati, at kung paano isulat.

Ang talumpati ay nagpapakita ng katatasan at kahusayan. Ang sinomang nagtatalumpati ay may higit na kaalaman kaysa sa nakikinig.

Ang talumpati ay isang kahusayan ng tagapagsalita sa panghihikayat upang paniwalaan ang kanyang paniniwala, pananaw, at pangangatwiran sa isang partikular na paksang pag-uusapan.

Ang pagsulat ng talumpati ang susi sa mabisang pagtatalumpati. Ang mahusay na mananalumpati ay may isinulat na magandang talumpati.

Ang PAGTATALUMPATI ay isang paraan ng pagpapahayag ng ideya o kaisipan sa paraang pasalitang tumatalakay sa isang partikular na paksa. Isinusulat ang talumpati upang bigkasin sa harap ng mga tagapakinig.

Opo, ang pagtatalumpati ay isang proseso ng pagpapahayag ng ideya. Kailangan mo itong paghandaan at pag-aralan, bago mo bigkasin sa madla.

May apat na URI ANG TALUMPATI batay sa paraan ng pagbigkas nito.

Ang una ay ang Biglaang Talumpati (Impromptu). Ito ay ibinibigay nang biglaan o walang paghahanda. Nangyayari ito sa mga programa. Kadalasan, maikli lamang ito. Ang mahusay na mananalumpati ay nabibigyan ito ng epektibong resulta, lalo na ang mga sanay na at ang madalas magtalumpati.

Ang ikalawa ay ang Maluwag na Talumpati (Extemporaneous). Napaghandaan ito, kaya kadalasang mahaba at akma sa tema at sa mga tagapakinig ang nilalaman ng talumpati. Malaya nitong naipapahayag ang kaisipang nais niyang ipahayag sa madla.

Ang ikatlo ay ang Manuskrito. Ginagamit ito sa mga kumbensiyon, seminar, o programa sa pagsasaliksik, kaya pinag-aaralan ito nang mabuti at dapat na nakasulat. Binabasa ito.

Ang ikaapat ay ang Isinaulong Talumpati. Hindi ito binabasa kundi sinasaulo at binibigkas ng tagapagsalita.

Narito naman ang mga Uri ng Talumpati Ayon sa Layunin.

Una. Talumpating Panlibang. Layunin nito na magbigay ng kasiyahan sa mga nakikinig. Kailangang lahukan ito ng mga birong nakatatawa na may kaugnayan sa paksang tinatalakay. Ginagawa ito tuwing salusalo, pagtitipong sosyal, at mga pulong ng mga samahan.

Ikalawa. Talumpating Nagbibigay ng Impormasyon o Kabatiran. Layunin nitong ipabatid sa mga nakikinig ang tungkol sa isang paksa, isyu, o pangyayari. Dapat na maging malinaw at makatotohanan ang paglalahad ng impormasyon, kaya sa pagsulat nito ay kailangang gumamit ng mga dokumentong mapagkakatiwalaan.

Ikatlo. Talumpating Panghikayat. Layunin nitong hikayatin ang mga tagapakinig na tanggapin ang paniniwala ng mananalumpati sa pamamagitan ng pagbibigay-katuwiran at mga patunay.

Ikaapat.Talumpating Pampasigla. Layunin nitong magbigay ng inspirasyon sa mga nakikinig. Sa pagsulat nito, tiyaking makapupukaw at makapagpapasigla sa damdamin at isipan ng mga tao. Karaniwang isinasagawa ang ganitong talumpati sa araw ng pagtatapos sa mga paaralan at pamantasan, at pagdiriwang ng anibersaryo ng mga samahan o organisasyon.

Ikalima. Talumpati ng Papuri. Layunin nitong magbigay ng pagkilala o pagpupugay sa isang tao o samahan. Kabilang sa mga ito ang talumpati ng pagtatalaga sa bagong hirang na opisyal at talumpati para sa taong nagbigay-karangalan.

Ikaanim. Talumpati ng Pagbibigay-galang.
Layunin nitong tanggapin ang bagong kasapi ng samahan o organisasyon. Ginagawa rin ito bilang pagtanggap sa isang bagong opisyal na naitalaga sa isang tungkulin.

May mga dapat isaalang-alang sa Pagsulat ng Talumpati

Una. Uri ng mga Tagapakinig. Dapat alam natin ang kaalaman, pangangailangan, at interes ng ating magiging tagapakinig.

Ang edad o gulang ng mga makikinig ay mahalagang malaman bago isulat ang talumpati dahil dapat akma ang nilalaman ng paksa at wikang gagamitin sa edad ng mga makikinig.

Ang bilang ng mga makikinig ay dapat ding isaalang-alang. Kung marami ang makikinig, marami ring paniniwala at saloobin ang dapat na isaalang-alang ng mananalumpati.

Magkakaiba ang interes, kawilihan, karanasan, at kaalaman ng bawat tao o ng mga kalalakihan at kababaihan. Tiyak magkaiba ang pananaw ng dalawa hinggil sa isang partikular na paksa.

Ang edukasyon ay may malaking kinalaman sa kakayahan ng mga tagapakinig na umunawa sa paksa. Kung ang mga makikinig ay kabilang sa masang pangkat, mahalagang gumamit ng mga salita o halimbawa na akma para sa kanila.

Dapat ding isaalang-alang ang mga saloobin at dati nang alam ng mga nakikinig.

Ikalawa. Tema o Paksang Tatalakayin. Mahalagang matiyak ang tema ng pagdiriwang upang ang bubuoing talumpati ay may kinalaman sa layunin ng pagtitipon.
Ang pananaliksik ay makatutulong sa pagsulat ng talumpati. Ang pagbabasa at pangangalap ng impormasyon sa ensayklopedya, aklat, pahayagan, magasin, dyornal, at Google ay may malaking papel dito. Maaari ring magsagawa ng interbyu sa isang taong eksperto sa paksang tatalakayin.

Ang pagsulat ng talumpati ay katulad sa pagsulat ng sanaysay. Pareho itong may simula, katawan, at konklusiyon.

Ang isang magandang simula ay nakaaakit ng pansin ng mga makikinig. Ang pag-akit sa madla sa pamamagitan ng mapang-akit na simula ay maisasagawa sa iba’t ibang kaparaanan. Maaaring simulan sa isang di-pangkaraniwang pahayag, isang pagtatanong, isang naaangkop na anekdota o isang pagpapatungkol sa okasyon.

Ang katawan ng talumpati ay dapat nagtataglay ng mga mahahalagang kaisipang ninanais ihatid sa madla. Sikapin itong maging makabuluhan at kapani-paniwala. Ito ay dapat magtaglay ng mga paliwanag, paghahambing o pagtutulad, paghahalimbawa, pagbanggit sa mga tunay na pangyayari, estastika, at patotoo.

Ang paggamit ng matatalinghagang pahayag tulad ng pagwawangis, pagtutulad, personipikasyon, at iba pa ay makatutulong sa pagbibigay-bisa sa nilalaman ng talumpati. Ang pag-uulit ay mabisa, hindi lamang sa katawan ng talumpati kundi sa pagwawakas.

Ang wakas o konklusiyon ay mahalaga sapagka’t ito ay tumitiyak kung matatandaan ng madla ang ninanais ng nagtatalumpati na matandaan nila. Sa pamamagitan ng isang mahusay na wakas, ang panggitnang diwa ng talumpati ay iniiwan sa isipan ng nakikinig. Maaaring wakasan ang isang talumpati sa pamamagitan ng paglalayon, pagtatanong, paggamit ng naaangkop na siniping pahayag, at iba pang kaparaanan na makatutulong sa pag-iiwan ng mahahalagang kaisipan, damdamin, at saloobin sa nakikinig.

Tandaan, ang haba ng susulating talumpati ay nakabase sa oras na inilaan para sa pagbigkas o presentasyon nito. Malaking tulong sa pagbuo ng nilalaman nito ang pagtiyak sa nilaang oras.

Ang magandang talumpati ay makakukuha ng masigabong palakpakan mula sa madla.

Wednesday, May 27, 2020

PAANO MAGING FIRST VITA PLUS DEALER?

Magiging totoo ako sa iyo kasi ang isa sa mga puhunan ng business na ito ay 'honesty.' Mababasa mo naman iyan sa post kong ito.

Ganito kasi `yon.

Pinopromote ng First Vita Plus ang Health and Wealth, through business. Hindi mo na itatanong dahil naniniwala akong alam mo ring ang mga produkto nito ay napakaganda. Bukod sa napakarami na ng sakit na napagaling nito, marami na rin ang nagbago ang kabuhayan. Yumaman!

Lilinawin ko, hindi gamot ang First Vita Plus, kundi vitamins-in-a -drink. Pero, bakit ito nakapagpapagaling?

Nakapagpapagaling ang FVP Health Drink dahil sa 5 powerherbs, na masusing pinag-aralan ng mga doktor. Pinagsama-sama nila ang limang gulay (dahon ng sili, saluyot, talbos ng kamote, kulitis, at malunggay) hanggang sa mabuo ang napakagagandang produkto na First Vita Plus Health Drink, na nilahukan pa ng mga extract ng masusustansiyang prutas gaya ng mangosteen, dalandan, pinya, melon, guyabano, at iba pa. Lilinawin ko lang... Extract po ng mga prutas. Hindi flavor.

Tungkol naman sa Business ang pag-uusapan natin. Ang First Vita Plus ay Network Marketing Business! Yes, this is 'Networking,' kung saan ay mag-iinvite ka, may gagawin or tatrabahuin ka. Ang tanong? May business bang hindi ka mag-iinvite, magtratrabaho, o gagawa?

WALA! Lahat ng business ay networking. Lahat ng negosyante ay nagnetworking dahil kung hindi, sino ang mag-aavail ng produkto o serbisyo niya? Samakatuwid, lahat sila ay nagyaya, nagbenta. Nagtrabaho.

Wala pong negosyante na natulog lang at paggising ay mayaman na.

Uulitin ko, sa FVP, kailangan mong magyaya. May gagawin ka. Trabahuin mo ang negosyo. Hindi ako mangangako sa iyo na, "Wala kang gagawin." Hindi ko rin igagarantiya sa `yo na ako na ang bahala sa `yo. Walang gano'n! Kung gusto mong kumita, kumilos ka. Lumapit ka sa mga katulad mong business-minded. Sila ang tutulong sa `yo. Pero, siyempre, nasa likod mo kami para gabayan ka. Alalayan ka.

Bawal ang tamad sa negosyo.

Kaya kung tatamad-tamad ka, huwag mo nang ituloy ito. Makaaabala lang tayo sa isa't isa.

Pasensiya na kung masyado akong harsh. Ganito talaga sa negosyo. Kailangang hindi na nagpapatumpik-tumpik. Mahalaga ang oras. Ayaw kong masayang ang oras nating pareho.

Aaminin ko, gusto kong yumaman. Mahirap nga lang... Pero, sabi nga, mas mahirap ang forever poor. Walang sinoman ang gustong magdildil ng asin hanggang pagtanda.

Kung papipiliin ako, mas pipiliiin ko ang hirap sa pagpapayaman kaysa sa hirap sa pagiging mahirap. Kaya huwag mong idahilan sa akin na mahirap o imposible.

Ganito lang naman iyon... Magdealer ka. Magyaya. Magyaya. Magtrabaho.

Halimbawa, may nagyaya o nang-alok sa iyo ng ganitong negosyo, nang walang kapalit na produkto, papatusin mo ba? Pinangakuan ka lang ng yaman, nagkaroon na ng dollar sign ang mga mata mo.

Scam iyon!

Isa lang ang yumayaman sa scam o pyramiding. Siya! Ang founder.

Ang FVP ay hindi scam o pyramiding dahil bibili ka ng products. Pagbayad mo, bawing-bawi agad ang kapital mo.

Hindi kita papangakuang yayaman ka dahil ikaw ang gagawa ng yaman mo. Ang maipapangako ko lamang sa iyo ay mabibigyan ka ng suporta ng aming team para makamit mo ang pangarap mo. Gagabayan ka hanggang maging katulad mo kaming... NAGBAGO ANG MGA BUHAY dahil sa First Vita Plus. Handa kaming puntahan ang mga prospect mo. Handa kaming magpatotoo, magturo, magpayo, magsales talk, at makinig sa `yo. Handa kaming samahan kang tanggapin ang unang tsekeng matatanggap mo dahil sa negosyo at dahil sa pagsisikap mo. Hindi kami magpapalibre. Lolz.

Handa kaming ituro ang sistema ng negosyo at ang mga tungkol sa produkto at kalusugan, sa mga sakit, at mga lunas nito.

Huwag kang matakot. Kapag sineryoso mo ang FVP at sinunod mo nang tama ang sistema nito, siguradong matutupad lahat kung anoman ang mga pangarap mo sarili at sa pamilya mo.

Trabahuin mo ang 2020 mo.

Huwag kang matakot. Kapag sineryoso mo ang FVP at sinunod mo nang tama ang sistema nito, siguradong matutupad lahat kung anoman ang mga pangarap mo sarili at sa pamilya mo.

Trabahuin mo ang 2020 mo.

Pumil ka sa mga sumusunod na package:

A. Original Variant ( 1 Powerpack - 12 Boxes )

P8,800 Dalandan Original

P8,800 Melon Original

P8,950 Pineapple Original

P9,650 Guyabano Original

P10,450 Fruits and Veggies with Mangosteen

B. Gold Variant ( 1 Powerpack - 12 Boxes)

P9,150 Dalandan Gold

P9,150 Melon Gold

P10,150 Guyabano Gold

C. Platinum Variant ( 1 Powerpack - 6 Boxes)

P13,800 Dalandan Platinum

P14,600 Pineapple Platinum

P15,400 Guyabano Platinum

D. ReVitalized Fizz Tabs Powerpack - 10 Canister

P12999

1 Canister contains 20 Fizz Tabs

4 Dalandan Canister

4 Guyabano Canister

2 Melon Canister

Lahat ng package ay may kasamang products. At ang lahat ay may "10 Ways of Earning."

Tamad lang ang sinoman kung isa sa sampung paraan lang ang gagawin to generate an income.

Tandaan: This is NOT as EASY MONEY SCHEME INVESTMENT nor GET RICH QUICK SCHEME!

Magtakda tayo ng appointment para mapag-usapan ang detalye. Okay lang ba?

"SETTING OF APPOINTMENT IS A MUST." Usapang negosyo kasi ito kaya mahalagang mapag-usapan nang personal.

Puwede ka pa rin namang magsabi ng "NO!" kahit na napresent ko na sa iyo ang kabuuan ng negosyo. It's your right and decision. But, I'm sure babalik ka. Kaya, iiwan ko sa `yo ang format na ito upang kontakin mo ako kapag nakapagdesisyon ka na.

PM me the following:

Full name -

Location -

Contact number -

Background - (Ex: student, employee, plain house wife, manager, etc.)

Maraming salamat po! God bless you!

Sabi nga sa Jeremiah 29:11, "For I know the plans I have for you,” declares the Lord, “plans to prosper you and not to harm you, plans to give you hope and a future."

Hindi kita inalok para lokohin ka, kundi para bigyan ka ng pag-asa at magandang kinabukasan.

Hindi ito nagkataon. Hindi rin ito tsamba lang. Ito na marahil ang pinagdarasal mong pagbabago sa buhay mo. Nagpapadala talaga ng anghel ang Diyos para tulungan tayo. Kailangan mo lang bigyan ng pagkakataon upang makita mo. Sa huli, ikaw pa rin naman ang magdedesisyon.

Health and Wealth ang pangako ng First Vita Plus. Naniwala ka lang.


CREATININE: Ano Ito?

Ang creatinine ay duming nabubuo tuwing nagtatrabaho ang ating mga kalamnan (muscles). Nagkakaroon ng breakdown ng creatine phosphate tuwing gagalaw ang mga ito. Ang isa sa mga produkto ng prosesong ito ay ang creatinine.

Mahalaga ang ating mga kidney sa pagpapanatili ng normal na level ng creatinine sa dugo. Inaalis ng mga ito ang creatinine mula sa dugo. Kaya kung may tama ang mga kidney (bato) mo, tataas ang creatinine mo. Naiipon ito sa ating dugo.

Dahil may test na tinatawag na Serum Creatinine, nasusuri ang ating mga kidney kung may sira ang mga ito. Mura lang at madaling gamitin ang test na ito. Subalit, hindi ito perpekto at hindi masyadong accurate. Hindi kasi lahat ng may matataas ang creatinine ay may sakit sa bato. May mga cases na mataas ang creatinine ng isang tao, pero normal naman ang kidney.

Nangyayari ito kapag malaki ang muscle mass mo, kapag kumakain ka ng maraming karne, kapag tuyot (dehydrated) ka, umiinom ka ng mga gamot gaya ng Trimethoprim Ranitidine, at kapag nagkamali ang laboratory test.

Hindi rin lahat ng may mabababang creatinine ay walang sakit sa bato. Maaaring may sira ang kidney mo kahit mababa ang creatinine mo.

Nangyayari ito kapag payat (malnourished) ka, kapag tumatanda ka na, kapag buntis ka, at kapag may sakit ka sa atay.

Hindi basehan ang pagtaas at pagbaba ng creatinine bilang tanda ng kondisyon ng kidney. Gabay lamang ito bilang basehan ng mga doktor upang maalagaan nang wasto ang ating mga bato.

Kung nakararanas ka ngayon ng ganito, maaaring mataas ang creatinine mo o may sakit ka sa kidney.

Upang maging normal ang creatinine mo,
subukan mo ang First Vita Plus Natural Health Drink dahil ito ay may 5 Power Herbs.

Halos lahat ng sakit ay gumagaling sa super drink na ito. Idagdag pa ang awa at tulong ng Diyos.

Ang FVP Natural Health Drink ay may kakayahang linisin ang dugo. Ginagawa nitong alkaline ang ating dugo o pinatataas nito ang Ph level.

Kaya tayo nagkakaroon ng sari-saring sakit ay dahil tumataas ang acid o dumi sa ating dugo o dahil bumababa ang Ph nito.

Ang First Vita Plus ay napakagandang produkto para i-detoxify ang ating dugo at katawan. Dahil dito, hindi mabubuhay ang cancer cells dahil alkaline na ang ating dugo.


Kuwentong Barbero. Kuwentong FVP

Hindi ko ito orihinal na kuwento. Nais ko lang ibahagi sa inyo. 

Isang araw, nagpagupit ang negosyante. Naikuwento niya ang kanyang negosyo.

Barbero: Sir, alam mo, hindi ako
naniniwalang may kumikita talaga ng ganyang kalaki sa negosyo mo at may mga gumagaling sa mga produkto mo. 

Ako: Bakit naman po, Kuya?

Barbero: Tingin ka sa labas, ang
daming taong may problema especially usapang pera. Kung may kumikita talaga ng ganyang kalaki, e `di, sana lahat nag-join na sa business mo. At sana walang ng mga taong nagpapagamot sa kanilang mga sakit. 

Negosyante: Gano'n po ba? Ako rin po, hindi ako naniniwalang may barbero.

Barbero: Ha!? Bakit naman?

Negosyante: Tingin po kayo sa labas. Kasi
kung may barbero, bakit ang daming
taong mahahaba ang buhok at walang mga gupit?

Barbero: E, hindi ko naman sila
puwedeng piliting magpagupit kung ayaw nila, e.

Negosyante: Ganoon din po sa negosyong ito. Hindi ko naman po puwedeng piliting matulungan at mabigyan ng malupit na opportunity sa buhay kung sila mismo ayaw. Gayundin ang mga taong may karamdaman at wala pang karamdaman. Alukin mo ng First Vita Plus product, marami ang nagdududa kahit may mga sakit na. Samantalang milyon na ang mga natulungan sa bawat karamdaman.

Barbero : (Tahimik)

Minsan, kasi ang tao puro duda, pero gustong kumita para sa pamilya. Puro duda at takot, pero gustong kumita ng extra dahil kinakapos na sa budget para sa pamilya. At kapag nagkasakit na, saka magkukumahog maghanap ng lunas kapag malala na.

Kikita ka nga ba talaga kapag nagduda ka? Matutulungan ka nga bang gumaling kung puro duda ka? Kung hindi mo susubukan, makikilala mo ba ang First Vita Plus?

HINDI!

Tuesday, May 26, 2020

Kumusta ang Crowning Glory Mo?

Naglalagas ba ang buhok mo o nakakalbo ka na?

Ang buhok natin ang ating crowning glory, kaya nararapat lang na panatilihin natin itong malusog dahil ito ay bahagi ng ating katawan.

Magandang balita! Ang First Vita Plus ay lumikha ng shampoo at conditioner upang ang bawat isa ay magkaroon ng makinang na crowning glory.

Ang MORINGA SHAMPOO ay naglilinis, nagproprotekta, at nagpapanatili ng moisture sa buhok. Naglalaman ito ng anti-oxidants at iba pang hair strenghtening vitamins. One hundred percent natural at organic ito, na mas nakalalamang sa iba. Mula ito sa magaganda at purong katas ng Moringa, Aloe Vera, at Ginseng. Sa halagang P200 per 250 ml. bottle, tiyak na mamamangha ka sa resulta.

Ang MORINGA CONDITIONER naman ay nagbibigay ng pambihirang resulta sa buhok. Kaya nitong panatilihing malusog at madulas ang iyong crowning glory, kaya makaiiwas sa pagbubuhol-buhol nito. Dumadaan ito sa prosesong ginamitan ng ADVANCE NANO TECHNOLOGY upang magkaroon ng mas mainam katas ng pinaghalo-halong Moringa, Aloe Vera, Ginseng, gayundin ng Vitamins and Essential Fatty Acids. Sa halagang P220 kada 250 ml. bottle, makasisiguro ka nang malusog ang iyong buhok.

Ang Moringa Shampoo at Conditioner ay nakapagpapanumbalik ng sigla ng buhok. Sa mga kalbo o nakakalbo, dabest ang mga ito. Sa mga may balakubak, mabisa ang mga ito. Sa mga may magaganda nang buhok, mainam ang mga ito bilang maintenance.

Gumamit ng Moringa Shampoo and Conditioner upang walang kumustahan ng crowning glory. Sa halip, mapapa-wow sila sa iyo.


May Sikreto ang mga Banko

Nagse-save ka ba ng pera sa banko? Kung 'Oo,' sumagi na ba sa isipan mo kung ang banko ba ay nagse-save din?

Sa palagay mo ba, ang banko ay nagse-save ng pera sa ibang banko? Saan kaya nila nilalagay ang pera na nilagay mo sa kanila?

Isa sa pinakamalaking sikreto ng mga banko ay hindi sila nagse-save ng pera, kaya mayaman sila.

Nilalagay nila ang pera nila sa mga loans sa ibang tao, investments, at mga negosyo kung saan puwede silang kumita.

Pero, ikaw, gustong-gusto mong makinig sa payo at panghihikayat nila, which in fact, mina-mindset ka lang ng mga banko, na mag-save ka ng pera dahil ginagamit nila ang pera mo sa mga loans nila.

At dahil mas madaling mag-save kaysa magnegosyo, mas pinipili mong magtago ng pera sa banko. Ang totoo, wala ka naman talagang kinikita. Ikaw pa ang talo sa dulo.

Ang nakakatawa pa rito, kapag nag-withdraw ka ng sarili mong pera, may charge pa.

P#$@*€&¥% β©a!

Kung ang plano mo ay mag-save lang ng pera para makapag-retire ka nang may pera, kawawa ka sa bandang huli. Kaya kung gusto mong yumaman maliban sa pag-save mo ng pera, kailangan mong ilagay ang pera mo sa mga investments at negosyo, na may potensiyal na kita.

Kailangan mong mag-invest sa financial education mo para instead na pinagkakakitaan ka lang ng banko ay puwede mo ring pagkakitaan ang banko, hindi lang puro networking.

Kasi ang taong nagse-save ay pinagkakakitaan ng banko at sa pagdating ng panahon ay maghihirap ito. Pero, ang taong pumapasok sa mga negosyo at investment ay siguradong may lamang at mas yayaman sa average na networker.

At kung gusto mong yumaman, kailangan mong mag-isip kung paano nag-iisip ang mga banko.

Magnegosyo ka. Inegosyo mo ang pera mo. Mag-dealer ka ng First Vita Plus. Kikita ka na, makatutulong ka pang ipalaganap ang mga produktong nagpapalaya sa mga karamdaman ng tao.

Sa First Vita Plus, hindi matutulog ang pera mo dahil dito matutulog kang malusog at may income.

Mag-dealer ka na!

Mahal ba Talaga ang First Vita Plus?

"Ang mahal naman kasi!" Iyan ang madalas na sagot ng mga taong inaalok ko upang bumili ng mga produkto ng First Vita Plus.

Patunay lamang iyan na hindi siya magaling sa Matematika. Dahil marami ang namamatay sa maling akala, akala nila nakatipid sila sa mga binibili nilang inumin at pagkain. Akala nila nagiging malusog sila sa mga tini-take nila.

Akala lang nila iyon!

Let's do a simple arithmetic.

Halimbawa, may isang taong sakitin dahil pagod at stress sa trabaho. Ito ang mga bibilhin niya. Nilagyan ko na ng estimated na presyo

Juice                              P10
Multivitamins                P10
Energy drink                  P35
Gulay                              P30     
Anti-stress tab              P12
Fiber                               P15
TOTAL                          P112

One hundred twelve pesos ang gastos mo araw-araw para lang maging healthy ka (sa akala mo). Depende pa iyan kung may bisyo ka pa. Bibili ka pa ng milk tea o kape sa mamahaling coffee shop. Tapos, may bisyo ka pa.

Pero, tingnan mo ang laman ng isang First Vita Plus:

Juice                              
Multivitamins                
Energy booster                  
Gulay                                
Anti-stress             
Fiber                               

Iyan ang siniksik na laman ng FVP Health Drink. May limang power herbs (dahon ng sili, talbos ng kamote, saluyot, malunggay, at kulitis), na nilahukan pa ng extract ng prutas. Ang mga gulay na iyan ang kailangan ng katawan ng bawat tao. 

Iyan din ang mga binili mo. Iba't ibang brand pa. Pero ng FVP Health Drink, isa lang. Sa halagang P44  hanggang P52.25 (depende sa variant), kompleto na. Malusog ka na, makapagtratrabaho ka pa nang maayos. Hindi pa apektado ang kidney at atay mo sa mga kemikal dahil ang mga produktong ito ay natural. Hindi rin ito dumaan sa hot process kaya 100% ang sustansiyang papasok sa katawan mo. 

Kung gagawing bisyo ng pag-inom ng First Vita Plus Health Drink, lalakas ang immune system mo. Makikita mo ang pagbabago. Ang mga dating unhealthy lifestyle ay unti-unting mawawala. 

Mahal magkasakit. Pero sa FVP, hindi ka mamahalin ng sakit. 

Mahal ka ng First Vita Plus, kaya huwag mong sabihing mahal ang mga produktong inaalok namin sa inyo. 

Hindi mahal ang First Vita Plus. Mas mahal ang nakasanayan mong gamot, inumin, at pagkain.







ULCER: Kahulugan, Sintomas, at Lunas

Nakararanas ka ba simpleng sakit ng tiyan o hyperacidity lang, pero paulit-ulit? Baka naman ulcer na iyan. Baka may sugat na sa loob ng tiyan mo.

Ano ba ang ulcer?

Ang ulcer ay sugat sa loob ng tiyan. May dalawang uri ito-- ang gastric ulcer at duodenal ulcer. Ang gastric ulcer ay ulcer sa stomach organ. Ang duodenal ulcer naman ay ulcer sa mataas na parte ng small intestine.

Paano mo malalaman kung may ulcer ka na?

Narito ang mga sintomas ng ulcer sa pangkalahatan. Nananakit ang tiyan mo mula pusod hanggang dibdib at parang humihilab.
Nananakit ang tiyan mo tuwing gabi.
Naglalaho ang pananakit ng tiyan mo kapag kumain ka na. Mas matinding pananakit naman ng tiyan ang nararanasan mo kapag wala ka pang nakain. Pabalik-balik ang pananakit ng tiyan mo. Nagsusuka o nasusuka ka. Puno ng hangin ang tiyan mo.
May acid reflux ka. At nakararamdam ka ng heartburn.

Narito naman ang mga sintomas ng malalang ulcer. Nagsusuka ka ng may dugo.
May dugo o maitim ang dumi mo. Namumutla ka. At nahihilo ka.

Bakit nga ba nagkakaroon ng ulcer ang isang tao? Ano ang mga sanhi nito?

Ito ay dahil sa bakteryang Helicobacter pylori (H. pylori). Kapag may H. pylori ka, numinipis ang 'lining' ng tiyan kaya kapag nadikitan ng asido ang loob ng tiyan mo ay nakararamdam ka ng pananakit. Ang stress ay nagpapalala rin ng ulcer sapagkat lalong dumarami ang napro-produce na asido sa loob ng tiyan. Ang madalas na pag-inom ng kape at alak ay nagiging sanhi rin ng ulcer sapagkat ang mga ito ay may acid. Napababagal naman ng paninigarilyo ang paggaling ng ulcer. Naiirita naman ang tiyan ng mga matatabang pagkain kaya lalong lumalala ang ulcer. At ang pagpapalipas ng gutom ang numero unong nagpapalala ng ulcer.

Paano naman lulunasan o gagamutin ang ulcer?

Kapag umatake ang iyong ulcer, buksan ang butones ng pantalon o luwagan ang sinturon para guminhawa ang pakiramdam dahil kapag masyadong masikip ang iyong suot na pang-ibaba, nagdudulot ito ng pagtaas ng pressure sa tiyan. At uminom ng First Vita Plus Melon dahil may sangkap itong saluyot na nakatutulong sa Digestive System. Kapag inabutan ka ng gutom sa gitna ng daan, maaari mong papakin ang First Vita Plus Melon. Ang First Vita Plus ay gulay kaya siguradong mabubusog ka rito. Wala rin itong side effects sa katawan.

Ngayong alam mo na, huwag mo nang parusahan ang sarili mo. Masakit ang ulcer! Mas masakit pa ito sa break-up.



Monday, May 25, 2020

Mga Katotohanang Tungkol sa mga Kalalakihan na Dapat Malaman ng mga Kababaihan


May mga katotohanang madalas binabalewala, kaya nagiging ugat ng pag-aaway o hindi pagkakasundo ng mag-asawa o magkasintahan.

Narito ang walong katotohanan tungkol sa mga kalalakihan na dapat malaman ng mga kababaihan.

Ang mga lalaki ay hindi kabayo. Hayaan silang tumingin sa iba. Ang pagtingin niya sa iba ay hindi naman laging nangangahulugan ng pangangalunya. Madalas, ito pa ang dahilan ng matibay na relasyon o samahan. 

Ang relasyon ay hindi laging perpekto. Wala naman talagang perpektong relasyon. May mga tinatawag na 'good times' at 'bad times. Dapat malinaw sa magkarelasyon na mararanasan nilang pareho ang mga ito.

Huwag nang magtanong kung ayaw malaman ang totoong sagot. Iyan ang mga dapat matutuhan ng mga kababaihan sapagkat ang mga tunay na lalaki ay prangka at walang panahon sa pambobola.

Kung may nais hingin ang mga kababaihan, sabihin ito kaagad. Huwag nang maging maligoy. Ayaw na ayaw ng mga kalalakihan ng mahabang usapan. Ibibigay naman kung may ibibigay. At kung wala, tanggapin na lang sana. 

Nasa diksyunaryo ng mga kalalakihan ang "Oo" at "Hindi." Ang mga ito rin ang paboritong sagot ng mga lalaki sa tanong ng mga babae. Kapag humirit pa ng paliwanag ang mga kakabihan, tiyak ang isang mainit na bulyawan. 

Kapag nagdesisyon ang mga lalaki, final na iyon. At kapag naghangad pa ng paliwanag ang mga kababaihan, isa itong kalapastanganan. Ayaw ng mga lalaki na pinapangunahan sila. Ayaw nilang sinusubok ang kanilang kaalaman. 

Iwasan ng mga kababaihan ang pagngiwi, pagpapahaba ng nguso, at pagluha para lamang maibigay ng mga kalalakihan ang hiling at gusto nila. Isa itong uri ng blackmail para sa mga lalaki. Bihira sa kanila ang nang-i-spoiled ng babae. 

May buhay ang mga kalalakihan sa labas ng relasyon nila sa babae. Hindi nila oras-oras iisipin at aalalahanin ang kanilang partner. Kapag nagkalimutan sa pag-text, pag-chat o pag-call, huwag agad magtatampo o magagalit. 

Walo lamang iyan sa mga dapat tandaan. Napakadaling makipagrelasyon kung kilala ninyo ang ayaw at gusto ng isa't isa. Nakapadaling lumigaya sa relasyon kung ang bawat isa ay may malawak na pang-unawa. 

Paano Magtagumpay sa Buhay

Napakaraming paraan upang magtagumpay sa buhay. Hindi hadlang ang kahinaan, kakulangan, kabiguan, at kawalan upang makamit ang inaasam.

Maniwala ka sa sarili mo. Ikaw ang gagawa ng tagumpay, hindi ang kapwa mo, kaya pagkatiwalaan mo ang katalinuhan at kakayahan mo. 

Magtakda ka ng prayoridad. Ikaw ang nakaaalam sa mga bagay at kung alin ang mas mahalaga. Iyon ang unahin mo at iwaksi mo ang mga nakaaabala. 

Maging responsable ka sa sarili mo. Ikaw lang ang may obligasyon sa sarili at sa buhay mo. Huwag mong iasa sa pamilya mo. Huwag kang aasa sa iba.

Buuin mo ang kinabukasan mo. Ikaw lang ang may kakayahang gawin iyon, hindi ang suwerte. Kaya mong baguhin ang tadhana kung kikilos ka na ngayon. 

Magpokus ka sa mga mithiin mo. Ikaw ang may gusto niyan, kaya ikaw rin ang aabot. Huwag kang papalit-palit ng landasin sapagkat hindi ka makalalayo at hindi ka makararating. 

Huwag mong hayaang kontrolin ka ng iba. Ikaw ang gagawa ng destinasyon mo. Huwag kang magpapapigil, magpapakontrol, at magpapahadlang sa iba anoman ang mangyari.

Maging malikhain ka. Ikaw ang pinakamatalinong nilalang sa balat ng lupa, kaya alam mo ang diskarte sa buhay. Ang bawat bagay ay may kabuluhan. Tingnan mo ang mga iyon.

Mangarap ka nang mataas. Ikaw ang nakakaalam ng kaya mong abutin, kaya kung nais mong marating ang buwan, hindi iyon magiging imposible sa `yo sapagkat susubukan at gagawin mo.

Konrolin mo ang mga problema. Ikaw ang magpapaikot sa mga stressful na bagay at hindi ikaw ang paiikutin. Mas malaki ka kaysa sa problema kaya huwag kang susuko kapag binabayo ka nito. 

Maging agresibo ka, ngunit mapanuri. Ikaw ang susuong sa lahat ng mga oportunidad, pero dapat mo ring suriin at piliin. Kung ikakabigo at ikakapahamak mo lang din naman, huwag na lang. 

Maging positibo ka. Ikaw lang naman ang gagawa ng paraan upang ang lahat ng gagawin mo ay maging produktibo. Kapag inisip mong magwawagi ka, magwawagi ka. Kaya, lagi mong iisipin ang magandang kahihinatnan. 

Ilista mo ang mga gawain at pangarap mo. Ikaw man ang gagawa niyon, pero kailangan mong maglista upang may tiyak na larawan ka ng mga naaabot at hindi mo pa naaabot. Kapag kinatamaran mo ito, nabigo kang magplano. 

Magtakda ka ng tiyak na naisin at suriin mo ito nang madalas. Ikaw ang susuri sa mithiin mo, hindi ang iba. Lagi mong pagmuni-munian ang ginagawa mong pagkamit sa pangarap mo. 

Maglaan ka ng oras upang mapaunlad ang iyong kaisipan. Ikaw ang magpapakain sa utak mo. Magbasa ka. Mag-reflect ka. Madalas mo ring paunlarin ang kakayahan mong kilalanin ang sarili mo. 

Balikan mo ang mga resulta ng pagsisikap mo. Ikaw rin ang mag-aadjust kung may kulang, sobra, o mali sa effort mo. Lagi mong isaalang-alang ang mga mithiin mo, gayundin ang mga nakamit mo. 

Maging matiisin ka. Ikaw ang yuyuko kapag umiihip ang hangin. Huwag ka kaagad susuko. Maging tulad ka ng kawayan-- yumuyuko, ngunit hindi sumusuko. Maging matatag ka sa mga pagsubok. 

Gawin mo ang bawat bagay nang may pagmamahal. Ikaw ang may puso, hindi ang bagay o gawain, kaya nararapat lamang na gamitin ito. Gustuhin mo nang buong puso ang bawat gagawin mo. 

Huwag kang magagalit. Ikaw ang mas nakauunawa kaya ikaw dapat ang nagpapatawad. Pagdating sa kabiguan, hindi ito dapat kinamumuhian sapagkat ito ang magpapatibay sa `yo bilang isang nilalang. 

Magkaroon ka ng tiwala sa sarili. Ikaw iyan. e! Anoman ang kahinaan at kakulangan mo, huwag kang matakot gawin ang gusto mo. Kaya mo `yan! Mas nakakatakot ang hindi sumusubok ng bagong bagay. Kabiguang maituturing ang hindi sumubok.

Tandaan mong ang lahat ng pinaniniwalaan mo sa buhay ay isang lang ilusyon. Ikaw lang ang gagawa ng paraan upang maging makatotohanan ito. At kung hindi mo man magawa, isipin mo na lang na ang pangarap ay isang panaginip.

Maging matapat ka. Ikaw ang manloloko sa sarili mo kung magsisinungaling o mandaraya ka. Kaya huwag mong itatama ang mali o gagawing mali ang tama. Lagi mong gagawin ang nararapat, makatarungan, at totoo.

Kumilos ka. Ikaw ang gagawa para sa pangarap mo, kahit mayaman ka pa. Hindi naman nabibili o nababayaran ang tagumpay. Lalong hindi ito nakukuha sa magdamag lang. Pagsumikapan mo itong makuha. 

Maniwala kang mabuti ang pera at darating ito sa `yo. Ikaw dapat ang mukha o simbolo ng pera. Hindi ikaw ang dapat magmukhang pera. Hindi kahihiyan ang pagnanais nito, basta pagtrabahuan mo. 

Manalig ka sa Kanya. Ikaw ang lumapit sa Panginoon. Humingi ka't maniwala sa Kanya.  Kapag sinamahan mo pa ng gawa, tiyak na darating sa iyo ang biyaya. Magdasal ka rin at magpasalamat. 

Kapag tinanggap mo ang isang gawain, gawin mo nang masaya. Ikaw ang magpapadali sa bawat gawain o trabaho. Kapag masaya mo itong gagawin, hindi mo mararamdaman ang pagod at pagkabigo.

Maging matatag ka. Ikaw at ang iyong katatagan ang kailangan ng tagumpay na iyong inaasam. Kung susuko ka kaagad sa pagkakadapa, hindi ka na uusad. Maging malakas ka at matapang sa bawat pagsubok.

Ipadama mo sa kapwa mo ang pagmamahal.   Ikaw ang manguna. Kahit hindi ka nila kayang mahalin, mahalin mo pa rin. Kung hindi sila mapagmahal, mahalin mo pa rin. Kung hindi ka nila mahal, mahalin mo pa rin.

Pahalagahan mo ang oras. Ikaw ang may hawak ng oras mo. I-manage mo ito nang husto. Sa bawat minutong naaaksaya mo ay kabawasan sa araw ng pagtatagumpay mo. Kaya kong kaya mong gawin ngayon, gawin mo na. 

Manamit ka nang tama. Ikaw man ang magdadala sa sarili mo, ngunit kailangan mo pa ring isaalang-alang ang iyong kapwa. Ang pananamit mo ay bintana ng iyong pagkatao. Maging presentable at kagalang-galang ka upang umani ka ng respeto.

Matuto kang ipakilala ang iyong sarili. Ikaw ang nakakaalam ng kalakasan at kahinaan mo. Ibenta mo sa iba ang mga kakayahan mo. Palakasin mo ang mga kahinaan mo. Gumawa ka ng paraan upang madiskubre nila ang talino at talento mo. 

Tumigil ka muna kapag napapagod ka. Ikaw ang magsasabi kung kailan ka hihinto upang magpahinga, ngunit huwag kang susuko. Kapag bumalik na ang lakas at determinasyon mo, kumilos ka na ulit. 

Paniwalaan mo ang iyong kaloob-looban. Ikaw ang nakararamdam ng mga bagay-bagay, kaya maniwala ka sa iyong kutob. Huwag kang magdadalawang-isip. Huwag ka ring magpadalos-dalos. Pakinggan mo rin ang iyong puso. 

Kumain nang husto. Ikaw ang kawangis ng kinakain mo. Kapag kumulang ka, hihina ka. Kapag labis naman, ito ay nakasasama sa kalusugan. Kumain ka lang nang sapat. Palusugin mo ang iyong katawan nang makapag-isip at makagawa ka nang tama.

Humingi ka ng tulong sa mga taong may simpatiya sa mithiin mo. Ikaw ang nakakikilala sa iyong kapwa, kung sino sa kanila ang totoo at peke at kung sino ang willing tumulong o hindi. Pahalagahan mo ang tulong nila.

Tumulong ka rin sa iba. Ikaw ang tinulungan noon, ikaw naman ang tumulong. O ikaw ang tutulungan ngayon, ikaw naman sa susunod. Give and take lang iyan. Matuto kang tumanaw ng utang na loob at magbigay. 

Magmuni-muni ka. Ikaw ang kakausap sa sarili mo dahil minsan hindi ka naniniwala sa iba. Minsan, mas pinaniniwalaan mo pa ang bulong ng puso at isip mo. Kausapin mo ang inner self mo. Dalawa ang sagot nito, pero piliin mo ang tama.

Pagtiwalaan mo ang iba at maging mapagkakatiwalaan ka. Ikaw na ang magsimula ng pagbibigay ng tiwala. Trust begets trust. Kung walang magtitiwala, sino? Kapag nagtiwala kayo sa isa't isa, magsasama kayo nang maluwat.

Tandaan mong ang tagumpay ay higit pa sa pera. Ikaw ang nangarap maging matagumpay, kaya huwag mo itong ipagpalit sa pera. Mas masarap damhin ang tagumpay na iyong pinagpawisan. Ang pera ay panandalian lang. 

Maging mabait ka. Ikaw, bilang tao, ay may pusong wangis ng Maykapal. Gawin mo ang lahat ng kabutihan sa mundo sa abot ng iyong makakaya upang ang lahat ay umayon sa kagustuhan mo. Nakahahawa ang kabaitan. 

Maging organisado ka. Ikaw rin naman ang maaapektuhan kapag magulo ang paligid at isip mo, kaya ayusin mo. Literal kang maglinis. Magtanggal ka rin ng mga bagabag, alalahanin, at takot sa iyong isip. 

Huwag ka nang magpatumpik-tumpik pa. Ikaw rin naman ang gagawa ng kinabukasan mo, kaya huwag mo nang aksayahin ang oras mo. Huwag kang matulog sa pansitan. Kumilos ka na habang malakas ka pa. 

Dapat kontrolado mo ang sitwasyon. Ikaw dapat ang piloto ng pangarap mo. Huwag kang aasa sa eroplanong pinalilipad mo. Bawat detalye nito'y kailangan may kontrol ka kung ayaw mong bumagsak kasama nito. 

Manatili kang malusog. Ikaw ang nakararamdam sa kalusugan mo. Kapag may  nararamdaman ka, bigyang-lunas mo ito agad. Panatilihin mong malusog ang iyong katawan at kaisipan dahil ang kalusugan ay tagumpay.

Ibilang mo ang problema bilang oportunidad.  Ikaw lang ba ang may problema? Siyempre hindi. Kaya nga, ituring mo ang iyong problema bilang tuntungan patungo sa tagumpay. Lahat naman ng tagumpay ay may balakid. 

Pag-aralan mo ang trabaho o gawain mo. Ikaw ang magpapadali sa ginagawa mo, kaya sikapin mong matutuhan ito. Kapag kayang-kaya mo na itong gawin, hindi ka na makararamdam ng pagod at para ka na ring nagwagi. 

Huwag kang matakot magtagumpay. Ikaw ay nakadisenyo upang magtagumpay. Huwag mo itong katakutan. Huwag mo itong atrasan. Harapin mo ang laban. Lahat ng hadlang ay kaya mong lampasan kung matapang mo itong susunggaban. 

Maging mapagbigay ka sa kapwa. Ikaw mismo ay biyaya ng Diyos, kaya maging biyaya ka rin sa iba. Kapag nagbigay ka, hindi ka nawalan, bagkus nagkaroon ka pa. Ang mapagbigay raw ang pinakamasayang tao sa mundo. 

Bumagon at kumilos ka na. Ikaw lang ang hinihintay ng tagumpay. Hanapin mo siya. Gawin mo ang lahat upang magkita kayo. Ang pangarap ay mananatiling panaginip kung mananatili kang nakahiga at nakapikit. Bumangon ka na at gumawa. 

Paano ka magtatagumpay kung ni isa sa mga nabanggit ay hindi mo isasabuhay? Paano mo makakamit ang tagumpay kung ang simpleng suhestiyon ay hindi mo kayang   gawin? 

Tandaang ang tagumpay ay nasa iyong mga kamay, gayunpaman kailangan mo pa ring magsikhay. Ito ay mananatiling abot-kamay at abot-tanaw hanggang hindi ka humahakbang.


Sunday, May 17, 2020

Show Me How You Dance and I Will Tell You What You Are

Paano ka ba sumayaw? Show me how you dance and I will tell you what you are.

May sinasabi ang Psychology tungkol sa estilo ng pagsayaw ng isang tao. Sa baylehan o sa disco, pagmasdan mo ang mga nasa dance floor, malalaman mo ang mood at ugali niya.

Ikaw ba ay 'Worshipper'? Nagwi-wave ka na animo'y miyembro ng Born Again Christian Church. Ikaw ay masaya at walang problema sa kasalukuyan. Masayahin ka sa totoong buhay. Parang sinasabi mong kay sarap mabuhay. 

Ikaw ba ay 'Twerker'? Gayang-gaya mo si Miley Cyrus kung i-flaunt mo ang butt mo. Maraming kahulugan ang estilo mo. Confident ka. Wala kang inhibitions. Papansin ka. At gusto mo ang wild na relasyon. 

Ikaw ba ay 'Floor Manager'? Nakatingin ka lang sa dance floor habang sumasayaw. Mahiyain ka. Nainipin ka na. At hindi ka talaga dancer. Mas hilig mo ang ritmo ng tunog. 

Ikaw ba ay 'Repeater'? Magaling at hataw kang sumayaw, minsan hindi, pero paulit-ulit lang. Patented na yata ang dancesteps mo. Hindi ka artistic. Hindi ka imaginative. At sobra kang conscious sa sarili mo. 

Ikaw ba ay 'Finger Lickin' Good'? Mahusay kang mag-click ng mga daliri habang sumasayaw. Pumapalakpak ka rin habang umiindak. Sociable ka. Madali kang pakisamahan. Nais mong magkaroon ng maraming kaibigan. 

Ikaw ba ay 'The Hulk'? Sumasayaw kang nakakuyom ang mga kamay mo. Para kang si Hulk, na galit na galit.  Parang lagi kang may tinatagong bato sa mga palad mo. Defensive ka. Tense ka. At madali kang ma-stress. 

Sorry, mga Tiktokers... Wala kayo sa mga nabanggit. Pero, nakatitiyak akong isa sa mga naturang dance styles ay ang katangian ninyo. 

Saturday, May 16, 2020

Paano Maging Masaya?

Sa panahon ngayon, kailangan nating maging masaya. Dapat palagi tayong may ngiti sa labi.

Magkakaiba tayo ng depinisyon o paraan ng pagiging masaya, kaya mayroon dito, dalawampu't limang tips kung paano maging masaya.

Palitan natin ang kaisipan. Huwag na tayong maging pesimistiko at negatibo. Kailangang lagi tayong punong-puno ng pag-asa anoman ang pinagdaraang problema. Huwag din tayong magkubli sa pagdududa, pagdadalawang-isip, at pag-aalinlangan.

Magsulat sa diary o journal. Ina-absorb kasi nito ang mga hindi mabuting mood, kaisipan, damdamin, at saloobin. Habang sinusulat natin ang mga nasa ating puso, ang lahat ay nagiging positibo. Sabi nga, mga matatagumpay na tao ang nagda-diary at nagdyo-journal.

Humugot tayo ng inspirasyon sa iba. Minsan, ang ibang tao pa ang nagpapamukha sa atin kung bakit hindi tayo masaya. At kapag ganoon ang nangyari, hugutin natin iyon upang maging masaya tayo. Wala namang masama sa panggagaya. Gawin natin silang inspirasyon.

Huwag tayong magpaapekto sa maliliit na bagay. Huwag tayong masyadong maging sensitibo. Huwag nating pansinin ang mga taong walang maidudulot na mabuti sa atin. Malilit na bahagi lamang sila at kayang-kaya nating tirisin.

Gawin na natin ang mga gawaing-bahay na kailangan nang tapusin. Huwag na nating hayaang pati ang mga bagay sa loob ng bahay natin ay kaiinisan natin dahil madalas nating balewalain. Gawin na natin kaagad! Kapag maaliwalas at malinis ang bahay, masaya tayo.

Magpalit tayo ng 'routine.' Isa sa nakapagpapalungkot sa atin ang paulit-ulit na trabaho o gawain. Subukan natin ang iba. Huwag tayong matakot magbago ng landas baka doon pa tayo makatagpo ng mas masayang buhay.

Huwag tayong masanay na may kasama, katulong, katuwang o kapartner. Hindi kalungkutan ang pag-iisa. At hindi lahat ng may lovelife ay masaya. Sikapin nating mamuhay nang malaya, walang sinasandalan at walang hinihingian ng tulong, payo, o awa.

Iwanan natin ang mga walang kuwentang tao o bagay. Kung hindi naman tayo masaya sa isang tao, bagay, o gawain, bakit pa tayo nagtitiyaga? Layuan natin ang mga ito. Hindi natin deserve maging malungkot dahil sa kanila.

Matuto tayong tumanggi. Hindi masama ang pumalag. Hindi kasalanan ang umayaw, kumontra, o lumaban lalo na kung nasa tama naman. Kung sang-ayon lang tayo nang sang-ayon, aba, dinaig pa natin ang trese martires!

Mahalin natin ang partner natin, kahit sino o ano pa sila. Kapag nagawa nating mapasaya sila, masaya na rin tayo. Hindi matutumbasan ang ligaya o kahit simpleng ngiti nila. Lagi nating tatandaan na sila ang ating kakampi sa anomang hamon ng buhay.

Huwag nating pagsawaan ang mga bagay o tao sa paligid natin. Kahit naiinis tayo sa kanila, basta mahalaga pa sila sa buhay natin, sige lang! Pagtiyagaan natin sila hanggang dumating sa punto na makita natin kung gaano talaga sila kahalaga.

Mag-I love you tayo sa mga partner, pamilya, at kaibigan natin. Hindi lang natin napasaya ang ating sarili, lalong napasaya natin sila. Mahirap naman talagang gawin ito para sa ilan, pero maraming paraan. Puwedeng email, chat, text, greeting card, sulat o snailmail, at personal.

Maging 'kaibigang masasandalan' tayo. May mga kaibigang hindi pera ang suliranin. Ang karamihan, gusto lang ng balikat natin upang kanilang maiyakan. Ang mabigyan lang natin sila ng oras, payo, at magagandang salita, sapat na sa kanila upang sila'y muli sumaya.

Kontakin natin ang mga dati nating kaibigan. Hindi na imposible ngayon na mahanap at maka-chat natin kahit ang kaklase natin sa Kinder. Kapag kinumusta natin sila pagkatapos nang mahabang panahon nang hindi pagkikita, sobra nilang ligaya. Kahit tayo rin, `di ba?

Minsan, subukan nating maging 'green-minded.' May mga tanong nasisiyahan kapag ang usapan ay may kalaswaaan. Hindi naman ito masama kung paminsan-minsan lang naman. Basta usapan lang, walang personalan. At siyempre, ilulugar, ita-timing, at pipillin ang mga kausap.

Pumunta tayo sa dagat. Hindi lang ito outing o swimming. Ang iba sa atin, masaya nang maamoy ang simoy ng hangin sa dalampasigan, masaya nang makapagtampisaw at makapag-beachcomb, at masaya nang makapag-selfie. Lahat ng ito ay tunay na nakapagpapasaya.

Gumawa tayo ng likhang-sining. Anomang gawain kapag gusto nating gawin ay nagdudulot ng kasiyahan sa puso natin. Habang gumagawa tayo, nakalilimutan natin ang mga bigat sa ating mga puso at damdamin. Kapag gumagawa tayo ng bagay, may natututuhan at may nauunawaan tayo.

Lumanghap tayo ng sariwang hangin. Ang kalikasan lang ang makapagbibigay nito sa atin. Hiking tayo! O kaya'y magtungo sa parke, sa burol, sa bundok, sa kakahuyan, sa kagubatan, o sa dalampasigan. Kapag nakahihinga tayo at nakalalanghap ng sariwa at preskong hangin, awtomatiko tayong sumasaya.

Maglakad-lakad tayo. Literal ito na huwag na tayong sumakay. Nakatitipid na tayo sa pamasahe, nakababawas pa sa polusyon. Lahat tayo happy! At ang paglakad-lakad kapag mabigat ang puso ay makatanggal ng ating kabagutan at kalungkutan. Nakatanggal din ito ng taba.

Manood tayo ng funny videos at movies. Marami tayong mapagpipilian sa youtube at sa Netflix. Ang iba nga, sa Facebook at sa telebisyon lang. May mga artistang mahuhusay magpatawa. Pansamantala man ang dulot nitong kasiyahan, at least sumaya tayo kahit saglit. May ilan nga, tuluyan nang nagiging masaya. (Baliw na pala sa katatawa.

Mag-ayos tayo ng sala. Kapag nalulungkot at nabubugnot tayo, madalas ang sala ang napagdidiskitahan natin. Hindi natin namamalayan, nakangiti at masaya na pala tayo pagkatapos nating ilipat-lipat ang muwebles, mga appliances, at mga pandisplay.

Mag-isip tayo ng isang goal. Magplano tayo, sa madaling sabi. Magpaka-busy tayo sa pangangarap. Mag-pretend tayong nandoon tayo sa Boracay, sa Paris, o kaya sa England. Kapag abala ang isip at diwa natin, hindi na natin magagawa pang damdamin ang bigat ng dinadala ng puso natin.

Yayain natin sa hapunan ang mga kaibigan natin. Kundi man natin sila mailibre ng dinner sa restaurant o fastfood chain, puwede namang KKB. Makipag-salo-salo tayo sa kanila habang nakikipagkuwentuhan at nakikipagtawanan. Mas maganda nga nito kung sa bahay natin sila imbitahan. Mas malaya tayo.

Ngumiti tayo. Libre lang ito. Ito na ang pinakamadaling paraan upang maging masaya. Pero, para sa iba, napakahirap daw ngumiti kapag malungkot o may problema. Ang totoo, napag-aaralan ang pagngiti. Ang iba nga, makita lang tayong nakangiti, masaya na. Sana, ganoon rin tayo.

At pangitiin natin ang iba. Sabi nga, it's better to give than to receive. Kapag nagbigay tayo, hindi lang tayo nakapagpasaya ng kapwa, kundi pati ang ating sarili. Mas masaya tayo kaysa sa tumanggap. Hindi rin sinusukat ang halaga ng binigay dahil kapag nagbigay tayo, may Diyos, na mas masaya kaysa sa atin.

Sa dami ng mga ito, walang dahilan upang manatili tayong lugmok sa kapighatian. Kaya tayo malungkot ay mas pinili nating maging malungkot. Sabi nga, happiness is a choice.

Thursday, May 14, 2020

Story Ideas: Saan Kukunin?

Hindi naman talaga problema kung saan kukunin ang ideya upang makasulat ng kuwentong pambata. Parang gulay lang iyan sa bahay kubo-- 'sa paligid-ligid' lang. Ang mga story idea ay nagkalat sa paligid. At nasa gunita ng bawat tao-- nasa iyo, nasa akin, pero walang tayo. 

May walong pagkukunan ng ideya ng kuwentong maisusulat mo.

Kumuha ka sa alaala ng iyong pagkabata. Sigurado ako, napakarami mong puwedeng ikuwento. Maaari mong isulat ang mga nakakatuwa o nakakahiyang karanasan. Marami kang hindi makakalimutang karanasan, na maaari mong paghanguan ng istorya. Halimbawa, ang unang beses mong magkaroon ng bagong sapatos dahil madalas pinaglumaan ng kapatid mo ang sinusuot mo. 

Kumuha ka sa kultura at kaugaliang Filipino. Sigurado akong magiging makulay ang kuwentong isusulat mo dahil mayaman ang ating kultura. Bawat rehiyon o bayan ay may natatanging kultura. Bawat pamilya ay may natatanging kaugalian. Ang ating bansa mismo ay hitik sa mga kayamanang ito, na nararapat lang nating ipagmalaki. Halimbawa, ang pagmamano, paggamit ng 'po' at 'opo,' pagdiriwang ng pista. 

Kumuha ka sa mga balita. Sigurado akong samot-saring ideya ang mapupulot mo kung kukuha ka mga pangyayari sa loob ng bansa.  Maraming balita sa radyo, pahayagan, at telebisyon ang maaari mong maging inspirasyon sa pagsusulat. Idagdag pa ang mga trending videos na mapapanood sa social media, na talaga namang tumatabo ng likes, comments, and shares. Halimbawa, ang kuwento ng estudyanteng sinusuong ang panganib, makapasok lamang sa paaralan. 

Kumuha ka sa mga larawan at sining-biswal. Sigurado akong ang bawat larawan ay nagtataglay ng libo-libong kuwento. Sabi nga, 
"A picture paints a thousand words." Gayundin sa larawang pagkukunan mo ng story idea. May patimpalak nga sa Pilipinas sa pagsulat ng kuwentong pambata na kailangang bigyan ng interpretasyon ang isang likhang sining. Sigurado rin akong kapag pumasok ka sa museo na may mga paintings o sculptures, uuwi kang bitbit ang mga pambihirang story ideas. 

Kumuha ka sa mga panitikang-bayan. Sigurado akong alam mo ang mga uri nito, pero ibigay ko pa rin. Alamat. Epiko. Kuwentong-bayan. Bilang manunulat, sumangguni ka sa mga ito at hanguin mo rito ang akdang isusulat mo. Isang mabisang ideya at materyal ang mga panitikang-bayan. Gagamitan mo lang ng makabuluhang 'retelling' upang ang akda ay maging bago. At siyempre, nararapat na kilalanin ang orihinal na may-akda. 

Kumuha ka sa kultura ng mga bata. Sigurado akong ang bawat bata ay may kinalakhang kultura, maliban sa kultura ng bansa. Ang kultura nila ay sila mismo ang gumawa. Halimbawa, ang paggamit ng unan na hindi nilalabhan at kapag nilabhan, magulang ang iiyakan. Isa pang halimbawa ay ang paglalagay ng kulambo sa paa upang makatulog. Ang mga paksaing mula sa mga bata nga raw ang pinakamasayang isulat. Hindi limitado ang materyal ng mga manunulat. Hindi mauubusan ng ideya hanggang may mga bata. 

Kumuha ka sa mga sensitibong paksa. Sigurado akong dapat nang imulat ang mga bata sa mga suliraning panlipunan. Wala namang rason para itago ito sa kanila sapagkat sila rin naman ang madalas na biktima nito. Kaya dapat silang ihanda sa pamamagitan ng mga kuwentong pambata, na may sensitibong paksa. Dahil dito magiging mapanuri sila at matalino. Ang mga halimbawa ng mga sensitibong paksa ay broken family, death, LGBT, drugs, child labor, sexual harassment, at marami pang iba. 

At kumuha ka sa mga sagot sa tanong na 'What If?' Sigurado akong magiging kawili-wili ang kuwentong mabubuo mo kung maglilista ka ng sampung 'what ifs' at pipiliian mo ang dabest. What if lumiit ang mga magulang ko? What if abot-kamay ko ang buwan? What if isang taon ang lockdown? What if hindi na bigas ang staple food ng mga Filipino? What if lumilipad ako? What if computer na ang mga guro? What if ako, bilang bata, ay naging pangulo ng bansa? What if naging ipis ako? What if may kakayahan akong magbasa ng isip ng tao? What if ang bawat hiling ko ay magkatotoo?

Hayan na! Sigurado akong pagkatapos mong basahin ito ay may mabubuo ka nang story idea sa utak mo. Sulat na! 

Tuesday, May 12, 2020

Workshop sa Pagsulat ng Kuwentong Pambata

Paano nga bang magsisimulang magsulat ng kuwentong pambata kung wala kang anomang pormal na edukasyon sa pagsusulat? 

Simple lang! Sa pagdalo sa mga workshop, matututo ka na, online man o pisikal. 

Narito ang walong pagsasanay upang makapagsimula kang magsulat ng kuwentong pambata.

Una. Maglista ka ng mga karanasan at alaala. Magbigay ka ng sampung kinatatakutan (phobia), sampung di-malilimutang alaala ng pagkabata, sampung  halagahan (values) na dapat matutuhan ng isang bata, at sampung isyu na kailangang talakayin para sa mga bata. Kapag may listahan ka na, makakapili ka ng story idea, story sconcept, at tema.

Ikalawa. Tukuyin at iwasan mo ang mga gasgas (cliche) na mga paksain. Narito ang ilan sa mga dapat mong iwasan: kalinisan, takot sa dilim, katamaran sa pagligo at pagsipilyo, pag-ayaw sa ampalaya, at mahiwagang libro. Narito naman ang ilan sa mga dapat isulat: wastong paggamit ng teknolohiya, social media, at internet at kaligtasan ng mga bata sa anumang uri ng karahasan. Kapag natukoy mo ang mga paksaing ito, makakapagsimula ka nang buuin ang una mong kuwento.

Ikatlo. Pumili ng anyo ng kuwentong pambata. May limang anyo ang kuwentong pambata: pre-school books, wordless books, picture books, illustrated story books, at young adult books. Ang pre-school books ay may maiikling pangungusap lamang. Ang wordless books ay mga larawan lamang. Ang picture books ay hindi gaanong detalyado ang pagkukuwento. Ang illustrated story books ay malaya ang pangungusap at palamuti lamang ang illustrations. Ang young adult books ay tumatalakay sa mga suliranin at mga pinagdadaanan ng mga kabataan, gaya ng pag-ibig, pagdadalaga/pagbibinata, sekswalidad, bullying, droga, at iba pa. Kapag nakapili ka na ng anyo ng kuwentong pambata, makakapili ka na rin ng tauhang gagawin mong bida. 

Ikaapat. Gumamit ka ng makulay na wika. Ayaw ng mga batang mambabasa ang labis na paggamit ng pang-uri at pang-abay. Mas gusto nila ang mga pandiwa. Narito ang mga tamad na pangungusap: (1) Masaya ang mga bata. (2) Mabango ang niluluto ni Nanay. Paano mo gagawing interesante ang mga pangungusap? Narito ang aking suhestiyon: (1) Abot-tainga ang ngiti ng mga bata. (2) Nakagugutom ang amoy ng niluluto ni Nanay. Kapag nagawa mong maging makulay ang wikang ginagamit mo, makabubuo ka ng isang magandang kuwento.

Ikalima. Gumamit ka ng onomatopeya (onomatopoeia). Ano ba ito? 
Ito ay paghihimig. Gumagamit ang onomatopeya ng kaugnay ng tunog o himig ng mga salita upang ipahiwatig ang kahulugan. Halimbawa: (1) Nagising siya dahil sa malakas na (potpot) ng kotse. (2) Natutuwa ako sa (twit-twit) ng ibon. Narito naman ang pagsasanay para sa iyo. Maglista ng tigsasampung onomatopeya na likha ng hayop, likha ng tao, likha ng kalikasan, at likha ng mga kasangkapan sa bahay. Kapag nagawa mo ang mga ito, maaari ka nang makabuo ng konsepto ng kuwento na binubuo ng onomatopeya, na isa sa mga gustong-gusto ng mga bata.

Ikaanim. Magbigay ka ng elemento ng pag-asa sa kuwento. May mga kuwentong malungkot. May mga tauhang kaawa-awa. Hindi ito maiiwasan, pero dahil may elemento ng pag-asa, magagawa mong maging masaya ang tauhan sa wakas. Tandaan lang na bawal ang trahedya. Kundi man bawal, iwasan. Narito naman ang pagsasanay para sa iyo. Lagyan ng elemento ng pag-asa ang mga sumusunod: (1) batang biktima ng kalamidad, (2) batang inabuso, (3)  bata nilalayuan o mahiyain, (4) batang may kapansanan, (5) batang naipit sa digmaan. Kapag nagawa mo ang mga ito, handang-handa ka nang magsulat.

Ikapito. Sagutin mo ang mga sumusunod na tanong. Ano ang aral o konsepto ang nais mong ibahagi? Anong pakinabang ng mga bata sa iyong kuwento? Ano ang matututuhan ng mga bata sa iyong kuwento?  At paano mo masasabing hindi masasayang ang effort mo sa pagsusulat ng kuwento? Kapag nasagot mo ang mga katanungang ito, ikaw nga ay nakatakdang maging manunulat ng kuwentong pambata.

Ikawalo. Maghanap ka ng mga paksaing Filipino. Maaaring ang kuwento mo ay epiko, mito, alamat o pabula. Lahukan mo ang kuwento mo ng mga buhay ng mga Filipino. Halimbawa: caravan, balut vendor, jeepney, kalabaw, at iba pa. Maaari mo ring gamitin ang mga pamahiin at paniniwalang Pinoy. Nariyan ang nuno sa punso, agimat, itim na pusa, puno ng balete, at iba pa. Samahan mo palagi ng cultural icons ng Pilipinas, gaya ng  agila, barong, baybayin, bahay kubo, at iba pa. Kapag nagawa mo ito, magiging kahanay ka ng mga premyadong manunulat ng kuwentong pambata sa bansa. 

At bago ka magsulat, magbasa ka muna ng mga isandaang kuwentong pambata. Kapag ginawa mo ito, tama ang ginagawa mo. Ang pagsusulat at pagbabasa ay dapat mong isagawa sa tuwi-tuwina. 

Happy writing!






 

Paano Lumikha ng Hindi Malilimutang Tauhan sa Kuwento

Kilala mo ba si Juan Tamad? Si Pina? Si Harry Potter? Si Alice? Si Pinocchio?

Mabuti kung gano'n. Nangangahulugan lamang na kahanga-hanga ang pagkakalikha sa kanila ng mga manunulat.

Sila ay iilan lamang sa mga tauhan sa kuwentong kinagiliwan nating lahat. Hindi natin sila malilimutan. Nagkintal sila ng pambihirang impact sa puso at isipan natin. At utang natin iyan sa mga manunulat na lumikha sa kanila, gayundin sa mga dibuhista na gumuhit at nagbigay-kulay sa kanila. 

Ang manunulat ang taong may higit na responsiblidad sa paglikha ng tauhang hindi makakalimutan. Isang malaking karangalan para sa manunulat kapag ang tauhang nilikha niya ay sumikat, nanatili sa isip at puso ng tao, at naging inspirasyon ng mga mambabasa. 

Paano nga ba lumikha ng tauhang hindi makakalimutan ng mga mambabasa?

Mag-isip ng magandang pangalan. Ang manunulat ay kailangang umakto bilang magulang na pumipili ng pangalan para sa isisilang na anak. May malaking papel na ginagampanan ang pangalan ng tao sa buhay niya, kaya nararapat lamang na mapili ito nang maigi para sa isang tauhan. Sa kuwentong pambata, patok ang mga palayaw. Ibinabagay rin minsan ang pangalan sa ugali ng tauhan at magkasingtunog. Halimbawa, 'Agot Maramot' at 'Ningning Kambing.' Maaari rin namang banyagang pangalan, pero mas maganda kung Pinoy rin. 

Maganda ba sa pandinig ang pangalan ng tauhan? Kung, oo... maganda ang pangalang napili mo. Catchy! Kung gayon, posibleng maging memorable ang karakter mo. 

Ating tatandaan na ang pagbibigay ng pangalan sa tauhan ay hindi kasingdali sa paggamit ng mga pangalan ng kakilala, kaibigan, kapitbahay, anak, o pamangkin. Maaari rin namang hiramin at gamitin ang mga pangalan nila, ngunit ito ay hindi yata malikhaing paraan. 

Ang ibang manunulat ay gumagamit ng biodata system upang makalikha ng pambihirang tauhan. Mahalagang kilalang-kilala ng manunulat ang tauhan. Edad nito. Pisikal na katangian. Kaarawan. Tirahan. Lahat ng detalyeng nasa biodata! Subalit, hindi naman isasamang lahat ng mga iyon sa kuwento, kundi gabay lamang sa pagsusulat. 

Bukod sa mga detalye sa biodata, kailangan ding alamin ang medical history ng tauhan. Baka may sakit siya. Baka may allergy. Alamin din ang physical features nito. May nunal ba? May mga palatandaan? May mga imperfections? 

Kung nobelang pambata naman ang isusulat, kailangang tukuyin ang family tree ng pangunahing tauhan. 

Isa ring pagsasanay ng ilang manunulat ang pagpapanggap o pag-iimagine sa tauhan na nakasama mo siya sa isang handaan at kasama mo siya sa mesa. Doon ay mapapansin mo ang kanyang kilos, gawi, pananalita, pananamit, at tiwala sa sarili. 

Ang bawat tao o bata ay may lihim. Kaya, mahalagang alam ng manunulat na magamit iyon sa sulatin. 

Magiging malabnaw ang kuwento mo kung hindi mo bibigyan ng motibo at ambisyon ang iyong tauhan. Pangarap ba nitong makarating sa Maynila? Nais ba ng nitong matulad sa butiki na may kakayahang patubuing muli ang buntot? Bigyan mo siya ng aabutin niya. Pahirapan mo siya, pero tulungan mo siyang abutin iyon at maunawan iyon kung bakit hindi niya nakamit. 

Bigyan mo ng suliranin ang tauhan. May dalawang uri ang suliraning kakaharapin nito: internal o sikolohikal at external o sosyolohikal. Kung ang problema ng tauhan ay may kinalaman sa kanyang pisikal na katawan, internal problem iyon. Halimbawa, hindi siya marunong magsinga ng sipon. Kung ang problema ng tauhan ay may kinalaman sa lipunan, extermal problem iyon. Halimbawa, hindi siya makalabas dahil sa lockdown.

Walang perpektong tao, kaya nararapat lang na ang tauhang lilikhain mo ay bigyan mo ng kamalian o kapintasan. Subalit sa bandang huli, itatama niya ang kanyang pagkakamali o tatanggapin niya ang kanyang kapintasan. At siyempre, kailangang ipagdiwang sa kuwento ang mga iyon, maliit o malaking tagumpay man iyon para sa kanila. Para sa mga batang mambabasa, tagumpay nang maituturing kapag natuto silang magtali ng sintas o magbisikleta. 

Mahalaga ring mabigyan mo ng kakayahan o kapangyarihan ang tauhan na lutasin ang suliranin, gaano man ito kadali o kahirap. Hayaan mong ito ang lumutas, hindi ang magulang o guro. Huwag idaan sa panaginip ang solusyon. Iyong tipong natulog lang ang tauhan at paggsing ay solb na ang problema. Gawin mo siyang aktibo. Hayaan mo muna siyang masaktan, mabigo, at matalo bago magtagumpay. Isipin na lang natin si Pilandok. Nilutas niyang mag-isa ang suliranin. 

At ang pinakamahalaga upang makabuo ka ng `di-malilimutang tauhan, magbasa ka ng mga kuwentong pambata, regardless kung foreign o local. Makakukuha ka ng mayaman at samo't saring ideya. 

Nawa'y makilala ko ang tauhang lilikhain mo. Happy writing!

Monday, May 11, 2020

Mga Dapat Gawin habang Nasa Quarantine upang Hindi Ma-Boring

Hindi nakamamatay ang boredom. Mas mamamatay ka sa stress dahil sa kakaisip ng kung ano ang gagawin at sa stress dahil sa kahihintay na matapos ang lockdown.
Pero, mas sigurado ako, mamamatay ka sa virus kapag nagpumilit kang lumabas dahil akala mo pinapatay ka ng quarantine.

Kaya kung gusto mong sumigaw after lockdown ng 'I survived!' gawin mo ang mga ito. Tips lang ang mga ito. Kung ayaw mong gawin, bahala ka sa buhay mo. 

Maglinis ka ng katawan mo. Iyan ang numerong makakapagligtas sa `yo sa virus. Bukod doon, maaaliw ka. Nakaaaliw naman talaga ang pagsisipilyo, pagligo, paghilod, paggupit ng kuko, at pagtanggal ng tutuli, at muta, kulangot. Cleanliness is next to godliness, kaya huwag mo akong i-bash. Or else, isusumbong kita kay Bro. 

Maglaro kayo ng pamilya mo. Hoy, hindi ML o anomang online o offline games! Maglaro kayo ng card or board games, like Uno, Playing cards, Game of the Generals, chess, Boggle, Scrabble, Monopoly, domino, building blocks, etc. Bonding iyon. Tatalas pa ang isip, memorya, at utak niyo. Puwede ring sungka, dart, SOS, unggoy-unggoyan, taguan sa loob ng bahay, Jumanji, Spirit of the Glass, at Bloody Crayons. Basta bawal lumabas. Kapag lumabas ka, huli ka, pero hindi ka kulong. Bawal din maglaro ng apoy. Huwag ka ring maglaro ng damdamin ng iba. Masakit iyon! At huwag makipagtaguan ng feelings. See? Andaming puwedeng gawin. Unlimited. Tinalo pa ang inyong internet. 

Lumikha ka ng artworks. Marami ring uri ng sining, pero subukan mo ang basic o kung ano ang available na materials sa bahay mo. Puwede kang mag-drawing, sketching, painting, at doodling. Puwede kang magkulay sa coloring book. Kung alam mo ang Mandala, okay iyon. Baka hilig mong gumawa ng junk arts o mixed arts, gawin mo. Baka hilig mo ang DIY o ang thread works o mga artworks na ginagamitan ng sinulid. Baka hilig mo ang sculpture, origami, clay molding, at paper mache. Sining din ang pagkanta, pagsayaw, pagtula, pag-arte, GO push! It's your time to shine. Parang Tiktok lang. Sining din ang baking, cooking, and any food preparation. Chef ka! Andami! Andaming arts! Kaya huwag mo akong artehan diyan na nabo-boring ka. Huwag mong ikahiya ang output mo. Gawa mo iyan, e. Ipagmalaki mo. Sabi nga, walang maling arts. Just create. Just express. 

Magbasa ka! Hindi ang pagbabasa ng tweets  o ng fake news o ng mga status update ng FB friends mo. Magbasa ka ng libro. Kahit ano, basta libro. Kapag ginawa mo `yan, daig mo pa ang frontliners na malayang nakakalabas dahil ang pagbabasa ay paglalakbay. O? Hindi mo alam iyon? Hindi ka kasi palabasa. Basa-basa rin kasi `pag may time. Puro ka kasi Netflix. Youtube. Reading is fun. Hindi ka mababagot kapag nagbasa ka kasi aantokin ka. Kapag inantok ka, matutulog ka. Kapag nakatulog ka, hindi ka na maiinip. So, reading is a weapon against the virus. Huwag ka nang kumontra, kundi ipapabaril kita sa Luneta. Huwag mo ring idahilan sa akin na wala kayong libro sa bahay, kundi huhukayin ko si Rizal at isusumbong kita. Imposibleng ni isang libro, wala ka sa bahay. What have you done? Don't tell me, kinain na ng mga bookworm. Haist! Nakakapagod.

Tumulong ka sa mga gawaing-bahay. Magtrabaho ka sa kitchen, sa laundry area, sa dining area, sa lavatory area, sa living room, sa bedroom, sa garden, at sa rooftop. No work, No Pay, este, No Work, No Eat! Huwag mong sabihing wala kang magawa. Hoy, may bahay rin ako. Andaming gagawin. Ang damitan mo nga, magulo, e. Ayusin mo. Ang CR at lababo ninyo, ang dungis... Disinfect mo. Magluto ka. Maglaba ka. Tanggalin mo ang mga agiw sa bahay ninyo. Magpunas ka ng mga bintana para numipis ang alikabok. Magpalit ka ng mga punda at kubre-kama. Amoy-laway na, e. Basta, tumulong ka. Kumilos ka, baka ma-stroke ka sa katamaran, hindi sa boredom. 

Makinig at manood ka ng balita. Balita galing sa mga pinagpipitaganang journalists. Huwag sa balita ng mga tsismoso at tsismosa mong mga kapitbahay. Andaming channel. Oras-oras yata may balita. Kahit sa radyo, marami. Manood ka ng B.A.L.I.T.A. Balita! Huwag puro K-Pop. Huwag puro cartoons. Huwag puro Netflix. Huwag puro YT. Huwag puro teleserye. Mahalagang updated ka sa mga nangyayari sa loob at labas ng bansa. Wala na akong sasabihin pang marami. Basta manood ka! 

Alagaan mo ang pets ninyo. Pakainin mo naman. Paliguan. Kausapin. Kahit paano, maaaliw ka. Minsan, mas masaya pa silang kausap kaysa sa ka-chat mong paulit-ulit lang naman. Binobolo ka lang naman. Mag-bonding kayo ng pet ninyo. Hindi ko sinabing pumasok ka sa aquarium, sa hawla, o sa cage... Mag-bonding kayo! Alam mo na `yon. Animal ka! Ikaw ang isa sa pinakamatalinong hayop sa mundo. Kung may pulgas ang aso ninyo, tanggalan mo. Kung nag-aalaga kayo ng surot sa bahay ninyo... hay, naku! Layuan mo ako. Iba na. `yan. Baka need mo na ng vet, este ng pyschiatrist. Baw! Waw! Aw!

Mag-gardening ka. Huwag kang matakot sa lupa. Diyan ka galing at diyan ka babalik. Magtanim ka ng mga gulay, ng mga puno, ng ornamental plants. Kapag may itinanim, ang kapitbahay mo'y may hihingiin. Naaliw ka na sa pagtatanim, nakatulong ka pa sa kapitbahay mong tamad magtanim. Mag-gardening ka. Ang tunay na bahay ay may hardin. Huwag mong idahilan sa akin na wala kayong bakanteng lote. Hay, naku! Bigyan kita... bigyan kita ng plastic bottles at garden soil... para magtanim ka kahit sa bubong o sa may bintana o sa may gilid. Andaming paraan! Ang scout ay mapamaraan. Magtanim ka, hindi lang dahil boring ka... Magtanim ka dahil kailangan ninyo.  

Makipagkuwentuhan ka. Dahil bawal lumabas, makipagkuwentuhan ka sa pamilya mo. Mag-bonding kayo. Ito ang tamang panahon para mapag-usapan ninyo ang mga pangyayari noon sa buhay ninyo, gayundin ang mga plano ninyo. Puwede rin namang magkuwentuhan kayo. Basahan mo sila ng kuwentong pambata o kaya ng kuwentong kababalaghan at katatakutan. Maraming benepisyo ang kuwento. Kung hindi mo alam iyon, halika... ikukuwento ko sa `yo. Kung ayaw mo namang makipagkuwentuhan nang personal o harapan dahil nahihiya ka, e, `di chat mo sila kahit magkakasama naman kayo sa bahay. O, `di ba, mukhang ka lang tanga?!

Matuto ka ng bago. Napakaraming dapat mong matutuhan. Bago. Kung hindi mo pa nagagawa, iyon ang bago. Hindi siya ex. Dapat matuto ka nang magmahal sa taong mahal ka rin. Iyon ang bago. Seriously, matuto ka ng bago-- bagong skills. Baka hindi ka pa marunong magluto, manahi, mamalantsa, magsulsi, o magsaing. Pag-aralan mo. Trial and error lang iyan. Matututo ka niyan kahit anong mangyari. Kung gusto mong matutong maggitara o tumugtog ng kahit anong instrument, it's better. Kung gusto mong matutong magtipid, mag-diet, mag-exercise, o tumigil sa kaka-Tiktok, puwede rin. Baka gusto mo nang magsimulang mag-vlog, go! Ayos `yan! Lahat ng bago ay maaaring mong pag-aralan basta gusto mo. 

Hay, nakakapagod! Tama na... Siguro naman, hindi ka na mababagot niyan. Andami ko nang ibinigay na tips sa `yo... Kung kulang pa `yan, bumalik ka sa akin... Bibigyan na kita ng lubid. 

Magbugtungan Tayo!

ANO ANG BUGTONG?

Ang bugtong ay isang uri ng palaisipan na binubuo ng dalawang taludtod na may sukat at tugma. Karaniwang naririnig natin ito sa mga batang nagpapalipas ng oras.

SUBUKAN NATIN
Sagutin ang bawat bugtong nang mabilisan.

Tubig na binalot ng laman
Lamang binalot ng buto
Butong binalot ng balahibo.
(NIYOG)

Napaliit nang ihulog
Napalaki nang mabunot.
(LABANOS)

Hindi hayop, hindi tao
Ate ng lahat ng tao.
(ATIS)

Nang maliit ay nakabaro,
Nang lumaki ay naghubo.
(KAWAYAN)

Baboy ko sa Maynila,
Suson-suson ang taba.
(PUNO NG SAGING)

Isang dalagang marikit
Nakaupo sa tinik
(PINYA)

Putukan nang putukan
Hindi nagkakarinigan
(KAMATSILI)

May sunong, may kipkip,
May salakab sa puwet.
(MAIS NA MAY BUNGA)

Gapang nang gapang,
Walang laman ang tiyan.
(KANGKONG)

Sa init ay sumasaya
Sa lamig ay nalalanta.
(AKASYA)

Dalawang magkaibigan,
Unahan nang unahan.
(PAA)

Heto na si Amain
Nagbibili ng hangin.
(MUSIKO)

Magising makatulog
Balutan ay ayaw ihiwalay sa likod
(KUBA)

Malaon nang patay
Di mailibing dahil may buhay ang katawan.
(BULAG)

Dalawang libing,
Laging may hangin.
(ILONG)

Balong malalim,
Puno ng patalim.
(BIBIG)

Isang bayabas,
Pito ang butas.
(MUKHA)

Lingunin man nang lingunin,
Dalawang ito'y `di abutin ng tingin.
(TAINGA)

Isang taong disgrasyada,
Kung tumingin ay dalawa.
(DULING)

Isang palaisdaan,
Iisa ng laman.
(BIBIG AT DILA)

Nang dumating ang bisita ko,
Dumating din sa inyo.
(ARAW)

Dadaan ang hari,
Ang mga tao ay nagtali.
(BAGYO)

Anak ko sa Maynila,
Abot dito ang uha.
(KULOG)

Isang bilyon sa tabing bakod,
`Di mapulot kundi paluhod.
(OSTIYA)

Matibay ang luma,
Kaysa bagong gawa.
(PILAPIL)

Mahal nang binili
At saka pinagbigti
(KURBATA)

Nagtago si Pedro,
Nakalabas ang ulo.
(PAKO)

Lumalakad nang walang hinihila,
Tumatakbo kahit walang paa.
(BANGKA)

Walang paa't nakaalakad
At sa hari'y nakikipag-usap.
(SULAT)

Bahay ng anluwagi,
Iisa ang haligi.
(BAHAY NG KALAPATI)

Marami pang bugtong, pero hanggang dito na lang muna. Sa susunod naman ang iba.

Sana'y naaliw tayo ng mga ito.

Sunday, May 10, 2020

Magbugtungan Tayo!

ANO ANG BUGTONG?

Ang bugtong ay isang uri ng palaisipan na binubuo ng dalawang taludtod na may sukat at tugma. Karaniwang naririnig natin ito sa mga batang nagpapalipas ng oras.

SUBUKAN NATIN
Sagutin ang bawat bugtong nang mabilisan.

Tubig na binalot ng laman
Lamang binalot ng buto
Butong binalot ng balahibo.
(NIYOG)

Napaliit nang ihulog
Napalaki nang mabunot.
(LABANOS)

Hindi hayop, hindi tao
Ate ng lahat ng tao.
(ATIS)

Nang maliit ay nakabaro,
Nang lumaki ay naghubo.
(KAWAYAN)

Baboy ko sa Maynila,
Suson-suson ang taba.
(PUNO NG SAGING)

Isang dalagang marikit
Nakaupo sa tinik
(PINYA)

Putukan nang putukan
Hindi nagkakarinigan
(KAMATSILI)

May sunong, may kipkip,
May salakab sa puwet.
(MAIS NA MAY BUNGA)

Gapang nang gapang,
Walang laman ang tiyan.
(KANGKONG)

Sa init ay sumasaya
Sa lamig ay nalalanta.
(AKASYA)

Dalawang magkaibigan,
Unahan nang unahan.
(PAA)

Heto na si Amain
Nagbibili ng hangin.
(MUSIKO)

Magising makatulog
Balutan ay ayaw ihiwalay sa likod
(KUBA)

Malaon nang patay
Di mailibing dahil may buhay ang katawan.
(BULAG)

Dalawang libing,
Laging may hangin.
(ILONG)

Balong malalim,
Puno ng patalim.
(BIBIG)

Isang bayabas,
Pito ang butas.
(MUKHA)

Lingunin man nang lingunin,
Dalawang ito'y `di abutin ng tingin.
(TAINGA)

Isang taong disgrasyada,
Kung tumingin ay dalawa.
(DULING)

Isang palaisdaan,
Iisa ng laman.
(BIBIG AT DILA)

Nang dumating ang bisita ko,
Dumating din sa inyo.
(ARAW)

Dadaan ang hari,
Ang mga tao ay nagtali.
(BAGYO)

Anak ko sa Maynila,
Abot dito ang uha.
(KULOG)

Isang bilyon sa tabing bakod,
`Di mapulot kundi paluhod.
(OSTIYA)

Matibay ang luma,
Kaysa bagong gawa.
(PILAPIL)

Mahal nang binili
At saka pinagbigti
(KURBATA)

Nagtago si Pedro,
Nakalabas ang ulo.
(PAKO)

Lumalakad nang walang hinihila,
Tumatakbo kahit walang paa.
(BANGKA)

Walang paa't nakaalakad
At sa hari'y nakikipag-usap.
(SULAT)

Bahay ng anluwagi,
Iisa ang haligi.
(BAHAY NG KALAPATI)

Marami pang bugtong, pero hanggang dito na lang muna. Sa susunod naman ang iba.

Sana'y naaliw tayo ng mga ito.

Saturday, May 9, 2020

Junjun 1: Card

Naihanda na ni Junjun ang mga kagamitan niya sa paggawa ng kard. Mayroon na siyang puti at makukulay na papel, pasta, gunting, lapis, ruler, at makukulay na pentel pen.

Sinilip muna niya ang kanyang ate sa kuwarto nito. Natuwa siya kasi nagbabasa ito.

"Hindi alam ni Ate Maymay," bulong niya. Natatawa pa siyang pumasok sa kanyang kuwarto. Nagsara siya ng pinto. Ayaw niyang makita ito ng kanyang kapatid o kahit sinoman.

Sinimulan nang gawin ni Junjun ang kard. Tinupi niya ang puting papel. Gumupit siya ng puso sa pulang papel. Idinikit niya iyon sa harap ng puting papel. Gumupit din siya ng maliliit na bulaklak sa makukulay na papel, gaya ng morado, lila, mabaya, kahel, rosas, kalimbahin, kanaryo, at kunig. Gumupit din siya ng mga dahon mula sa lungtian at esmeraldang papel. Idinikit niya ang mga bulaklak at dahon sa ibaba ng malaking puso.

"Junjun, meryenda na!"

Narinig niya ang tawag ng kanyang ina, kaya agad siyang lumapit sa may pintuan.

"Opo, Mama... Susunod na po ako," tugon ni Junjun. Pilit niyang itinatago sa ina ang kanyang ginagawa.

Bago siya bumaba, tinakpan niya ng diyaryo ang mga kagamitan at ang ginagawa niyang kard. Pagkatapos, masaya siyang bumaba upang magmeryenda.

"Si Ate Maymay, tatawagin ko po muna," sabi ni Junjun.

"Tinawag ko na. Bababa na raw. Pero, sige, puntahan mo siya uli," utos ng ina.

Nang umakyat si Junjun, naabutan niya ang kapatid na nasa tapat ng kuwarto niya.

"Ano'ng ginawa mo sa kuwarto ko, Ate Maymay?" naiinis niyang tanong.

"Wala! Tatawagin sana kita. Nandiyan ka na pala." Tumawa pa si Ate Maymay.

"May nakita ka? Nakita mo?" usig ni Junjun.

"Wala! Wala akong nakita." Tumakbo na pababa si Ate Maymay.

Hinabol naman siya ni Junjun. "Nakakainis ka talaga! Naiinis ako sa `yo!"

"Ano na naman ang pinag-aawayan ninyo, ha?" nakapamaywang na tanong ng kanilang ina.

Nagtinginan sina Junjun at Maymay. "Wala po!" sabay nilang sagot.

"Nagbibiruan lang po kami," sabi ni Ate Maymay.

"Yari ka sa akin mamaya!" banta ni Junjun.

"Bakit mo pinagbabantaan ang ate mo?" pagalit ng ina.

"Po? Hindi po... Biruan lang po namin iyon," palusot ni Junjun.

"Okay! Sige... Kain na kayo." Tumalikod na ang kanilang ina.

Binelatan ni Junjun ang ate niya.

"May nakita ako... Hindi ko sasabihin kung ano," kanta ni Maymay. Tawa pa ito nang tawa.

Lalong nainis si Junjun, kaya tinukso niya nang tinukso ang ate niya. "May rin nakita ako. Tigyawat sa mukha ng ate ko." Kinanta rin niya iyon.

Ngumiti lang si Ate Maymay at ipinagpatuloy ang pagkain.

"Kung sino ang mahuli, siya ang magliligpit," sabi ni Ate Maymay.

Nagmadaling kumain ang magkapatid, pero si Junjun pa rin ang nahuli.

"May nakita ako, batang lalaki. Galit na galit sa kanyang ate," kanta ni Ate Maymay habang lumalayo sa hapag-kainan.

Pagkatapos magligpit, bumalik si Junjun sa kanyang ginagawa.

Tuwang-tuwa siya nang matapos iyon.

"Sigurado ako, matutuwa sa akin si Mama bukas," bulong ni Junjun.

Kinabukasan, naabutan ni Junjun ang kanyang ina, ama, at ate sa hapag-kainan.

"Halika na, Junjun, kakain na," yaya ng ama.

Lumapit muna si Junjun sa ina at inabot ang kard na kanyang ginawa. "Happy Mother's Day po, Mama!" Yumakap at nagbeso pa siya sa ina, saka masayang umupo sa tapat ng upuan ni Ate Maymay.

"Salamat, Junjun! Salamat, Maymay! Napasaya ninyo ako ngayong araw!" sabi ng ina. Hawak nito ang dalawang kard. Ang isa ay gawa ni Junjun. Ang isa naman ay gawa ni Ate Maymay.

Nalungkot si Junjun kasi akala niya, hindi nakagawa ang kanyang ate.

"Welcome po, Mama!" tugon ni Maymay. "Nagustuhan n'yo po ba ang kard ko?"

"Ay, oo, Maymay! Ang ganda, o! Ang galing-galing mo talagang gumuhit at magkulay," sabi ng ina.

Nginitian ni Maymay ang ina. Nginitian din niya si Junjun.

Sa sobrang inis, tumayo siya.

"O, Junjun, saan ka pupunta?" tanong ng ama.

"Magbabanyo po... May tigyawat po kasi."

Tumawa si Maymay. Nagseselos po siya."

"Halika rito, Junjun," yaya ng ina.

Tumayo si Junjun sa tapat ng ina at yumuko.

"Parehong maganda ang inyong mga gawa. Si Ate Maymay mo, mahusay sa pagpipinta, kaya heto ang kanyang obra. Ikaw, mahusay ka pa paggupit, kaya heto ang gawa mo. Hindi ba, Papa, ang gaganda nito?" tanong ng ina.

"Oo naman! Hindi ko nga naisip na gawa pala ninyo iyan. Sa Fathers' Day ba, meron din akong matatanggap niyan?" sabi naman ng ama.

"Siyempre naman po, Papa!" mabilis na sagot ni Maymay.

"O, ikaw, Junjun, bakit ka nagtatampo?" tanong ng ama.

"Kasi po akala ko, ako lang ang may gawa. Ginaya po ako ni Ate. Siya pa ang naunang magbigay... Pagkatapos, siya lang po ang pinuri ninyo kanina," paliwanag ni Junjun.

Nagtawanan ang mga magulang at kapatid niya.

"Ano ka ba, Junjun?! Hindi mahalaga kung sino naunang gumawa at nagbigay. At hindi rin mahalaga kung alin ang mas maganda," sabi ng ina. "Alam mo ba kung ano ang mas mahalaga?" Hinintay ng ina na sumagot si Junjun.

"Mas mahalaga po ang mensahe," sagot ni Junjun.

"Tama!" halos sabay na sagot ng ina at ama.

Binasa ng ina ang mensahe sa kard. "Mama, Mahal na mahal kita. Ikaw ang mabangong bulaklak sa buhay ko."

"Wow! Ang galing naman!" puri ng ama.

"Nakita mo na? Salamat, Junjun! Salamat, Maymay! Salamat, Papa! Salamat sa inyong tatlo dahil kayo ang dahilan kung bakit ako naging ina," maluha-luhang sabi ng ina.

Niyakap muli ni Junjun ang ina. Sumali na rin ang kanyang ate at ama.

"Nagtatampo ka pa ba?" tanong ng ina.

"Hindi na po...muna."

Nagtawanan ang magkakapamilya.

Paano Sumulat ng Lathalain? #2

 Madali lang. Para ka lang nagbilang ng isa hanggang siyam.   Una, isulat mo ang unang talata. Ang unang talata ay tinatawag na ‘The Lea...