Followers

Monday, May 25, 2020

Mga Katotohanang Tungkol sa mga Kalalakihan na Dapat Malaman ng mga Kababaihan


May mga katotohanang madalas binabalewala, kaya nagiging ugat ng pag-aaway o hindi pagkakasundo ng mag-asawa o magkasintahan.

Narito ang walong katotohanan tungkol sa mga kalalakihan na dapat malaman ng mga kababaihan.

Ang mga lalaki ay hindi kabayo. Hayaan silang tumingin sa iba. Ang pagtingin niya sa iba ay hindi naman laging nangangahulugan ng pangangalunya. Madalas, ito pa ang dahilan ng matibay na relasyon o samahan. 

Ang relasyon ay hindi laging perpekto. Wala naman talagang perpektong relasyon. May mga tinatawag na 'good times' at 'bad times. Dapat malinaw sa magkarelasyon na mararanasan nilang pareho ang mga ito.

Huwag nang magtanong kung ayaw malaman ang totoong sagot. Iyan ang mga dapat matutuhan ng mga kababaihan sapagkat ang mga tunay na lalaki ay prangka at walang panahon sa pambobola.

Kung may nais hingin ang mga kababaihan, sabihin ito kaagad. Huwag nang maging maligoy. Ayaw na ayaw ng mga kalalakihan ng mahabang usapan. Ibibigay naman kung may ibibigay. At kung wala, tanggapin na lang sana. 

Nasa diksyunaryo ng mga kalalakihan ang "Oo" at "Hindi." Ang mga ito rin ang paboritong sagot ng mga lalaki sa tanong ng mga babae. Kapag humirit pa ng paliwanag ang mga kakabihan, tiyak ang isang mainit na bulyawan. 

Kapag nagdesisyon ang mga lalaki, final na iyon. At kapag naghangad pa ng paliwanag ang mga kababaihan, isa itong kalapastanganan. Ayaw ng mga lalaki na pinapangunahan sila. Ayaw nilang sinusubok ang kanilang kaalaman. 

Iwasan ng mga kababaihan ang pagngiwi, pagpapahaba ng nguso, at pagluha para lamang maibigay ng mga kalalakihan ang hiling at gusto nila. Isa itong uri ng blackmail para sa mga lalaki. Bihira sa kanila ang nang-i-spoiled ng babae. 

May buhay ang mga kalalakihan sa labas ng relasyon nila sa babae. Hindi nila oras-oras iisipin at aalalahanin ang kanilang partner. Kapag nagkalimutan sa pag-text, pag-chat o pag-call, huwag agad magtatampo o magagalit. 

Walo lamang iyan sa mga dapat tandaan. Napakadaling makipagrelasyon kung kilala ninyo ang ayaw at gusto ng isa't isa. Nakapadaling lumigaya sa relasyon kung ang bawat isa ay may malawak na pang-unawa. 

No comments:

Post a Comment

Ang Pinakamasamang Kuya

  Pinagalitan ni Arnel ang kaniyang nakababatang kapatid na si Carmela dahil sa sinasabi niyang katamaran nito kaya hindi siya nito kinikibo...