Followers

Wednesday, May 6, 2020

Ang Aking Journal -- Mayo 2020

Mayo 1, 2020 Ngayon sana mali-lift ang ECQ. Kaso, ipinatupad naman ang GCQ. Pending na naman ang pagbalik sa normal na buhay. Lumabas ako para bumili ng kangkong, kamote, at load. Nalaman ko, dahil sa pakikinig sa usapan, na hinuhuli ng mga sundalo ang mga hindi nakasuot ng face mask. Mabuti na lang, lagi akong naka-face mask kapag lumalabas. Ngayong araw, naging productive na naman ako. Nakapag-upload ako ng vlogs sa YT. Nakagawa rin ako ng dalawa pang videos. Nakapag-update ko sa WP. Sabi ng ng isa kong avid reader, ang sipag ko raw. Patuloy rin kami sa panonood (muli) ng 'Money Heist.' Gabi. Nakapagsulat ako ng akda. Gusto ko talagang magsulat nang magsulat, kaya lang andaming ko pang ibang gagawin. Hindi puwedeng isang bagay lang ang tatapusin ko. Anyways, thankful ako kasi may quarantine. Nagkaroon ako ng mahaba-habang panahon para sa mga hobbies ko. Mayo 2, 2020 Pagkatapos kong bumili ng pang-ulam. nag-vlog na ako. Gaya kahapon, ganoon din ang mga nangyari ngayon. Mas marami nga lang akong nagawang vlog ngayon. Dumami rin ang YT subcribers ko. So far, 243 na in all. Gabi. Naglaro kaming tatlo ng scrabble. Inabot din kami ng 11 pm. Tuwang-tuwa si Ion. Lumalaban na rin. Mayo 3, 2020 Maaga pa lang, lumabas na ako para bumili ng itlog, saging, at load. Ubos kasi kaagad ang data ko. Grabe! Isang araw lang ang 1G. Sabagay, malakas sa data ang pag-upload ng videos sa youtube. Ngayon ay kapareho ng mga pangyayari kahapon. Ang kaibahan lang, mas takot na akong lumabas dahil may mga nahuli ang mga sundalo dahil lumabas nang walang face mask. Ang kapitbahay nga naming lalaki, sinakay sa patrol. Kitang-kita naman. Kahapon, sinita ako ng sundalo kahit nasa loob ako ng bakuran. Wala pa naman akong face mask noon. Ngayong araw, may nagawa akong vlog. Makapag-update ako sa WP. Nakanood din uli kami ng Money Heist. Mayo 4, 2020 Nagpa-late ako ng bamgon kasi nagsulat pa ako ng pang-update sa wattpad. After breakfast, namalengke ako. Seafoods naman ang binili ko-- pusit at urong. First time kong magluluto at kakain ng urong. Parang hipon at lobster. Ngayong araw, naubos ang data ko, kaya hindi ako nakapag-upload ng vlogs. Gayunpaman, marami akong ginawang videos. Nanood uli kami ng paborito naming series. Nakaapat yata kami. Nakakaadik kasi talaga. Gabi. Gumawa pa rin ako ng vlogs. Ready to upload na ang mga ito. Mayo 5, 2020 Past seven, nasa labas na ako para pumunta sa ATM. Nakasakay ako papunta sa Umboy, pero naglakad ako pabalik. Mga nine, nasa bahay na ako. Hindi muna ko ngayon gumawa ng vlogs na reading aloud. Gayunpaman, nakagawa ako ng ibang videos. Nakapag-upload na rin ako ng mga videos kahapon at ngayon. Sobrang init lang kaya nakakawala sa mood ang mag-vlog, magbasa, at magsulat. Nanood na lang kami ng series. Gabi. Nalungkot kami sa pagpapaalam ng ABS-CBN. Maaga kaming umakyat dahil hindi na namin mapapanood ang mga sinusubaybayan namin. Wrong timing din kasi nasa crisis ngayon ang bansa. I'm sure, hindi lang kami ang nalulungkot. Mayo 6, 2020 Nag-deliver ako ng Virginity soap sa kakilala ni Emily. Bumili na rin ako insect spray at face mask. Hindi kaagad ako umuwi kasi nireplyan ko pa ang dati kong estudyante na nagtatanong at nagpapatulong tungkol sa pagkuha niya ng Education course sa kolehiyo. Natuwa naman ako dahil sa akin siya lumapit. Sa tingin ko, nakatulong naman ako sa kanya. Natutuwa rin ako sa pagbabahagi niya. Nag-matured na siya. Naalala ko, siya ang tinuruan kong magsintas noong Grade Five. Siya rin ang anak ng landlady na tumangging tanggapin ang pakiusap ko na tanggapin kami ni Emily, na buntis noon kay Zillion, kahit one month deposit lang at Huwag nang one month advance. Life is ironic. Hindi muna ako gumawa ng vlogs ngayon. Puro uploading lang ako. Pero nakapag-update ako sa wattpad. Kulang ako sa tulog kasi para akong nasa pugon kagabi. Ang init! Hapon, masakit ang ulo ko. Kaya, bago matulog, nagdesisyon akong matulog sa baba. Parang hindi kasi ako makahinga sa kuwarto. Before 10, nagkakape ako ng First Vita Plus para nakatulog at mawala ang sakit ng ulo ko. Mayo 7, 2020 Nakatulog na sana ako dahil sa kape, pero bigla namang bumuhos ang ulan. Wrong timing ang agua de Mayo. Ang lakas! Kumikidlat at kumukulog pa. Hindi na naman ako nakatulog dahil parang lalong uminit. At nang bumangon ako, baha sa kusina. Naglimas at nagpatuyo pa ako. Gayunpaman, normal pa rin naman ang araw ko. Hindi nga lang ako gumawa ng vologs. Nag-upload lang ako. Then, nagsulat ako ng pang-update sa WP. Ngayon din namin natapos panoorin ang La Casa de Papel sa ikalawang beses. Bitin pa rin. Kailangan naming mapanood ng karugtong niyon soon. Mayo 8, 2020 Ang hirap makabuo ng mahimbing at mahabang tulog dahil sa sobrang init. Kailangan na talaga ng aircon. Namalengke ako after breakfast. Para sa isang araw lang ang binili ko. Hindi naman kailangang mag-panic buying. Andaming supplies. Ngayong araw, gumawa ako ng vlog, nagsulat, at nagbasa. Andami kong gustong isulat, pero hindi naman kaya ng oras at panahon. Nakakatamad lang dahil sa tindi ng init. Mayo 9, 2020 Tinamad akong lumabas sa umaga, kaya nagsulat na lang ako. May ulam pa naman kami. Nakapagsulat ako ng dalawang kuwentong pambata. Ang isa roon ay bahagi ng koleksiyon ko na pinamagatan kong Junjun. Si Junjun ang pangunahing tauhan. Sa bawat kabanata ay may tema, suliranin, at solusyon. Nakapag-update na rin ako sa wattpad. Isang vlog din ang nagawa at nai-upload ko. Fulfilled ako ngayong araw kahit sobrang init ng panahon. Natuwa rin ako sa kuwentong isinulat ni Zillion, kaya tinype ko at ready to post na. May apat pa siyang kuwentong isinulat na babasahin ko pa. May magmamana na sa akin. Mayo 10, 2020 Masaya kong binati si Emily ng 'Happy Mother's Day!' paggising niya. Kaya naman naging masaya ang buong maghapon namin. Bonding and kulitan to the max. Nagpadeliver na lang ako ng mga ulam. Hindi na ako lumabas. Hapon, nagluto kami ng palitaw. Then, nagbasa kami ng Liwayway Magazine. Na-inpsire ko si Zillion na magbasa niyon at magsulat. Nakapagsulat uli siya ng kuwento. Nakapag-vlog ako ngayong araw. Nakagawa rin ako ng update stories. Naituloy ko ang Junjun. Gabi. Nasimulan ko pa ang isang akda na gagawin ko ring vlog. Haist! Kulang ang oras para sa mga gusto kong isulat. Anyways, thankful ako kay God dahil binigyan niya ako writing skill. Mayo 11, 2020 Bumalik na ang service ng wifi namin. Pero, dahil ayaw naming maubos (uli) agad ito, hindi namin ginamit agad. Pinapatay-patay na namin kapag may ginagawa kami. In fact tanghali na nang gumamit ako. Marami kasi akong ginawa. Nag-gardening ako. Nagluto. Ngayong araw, nakapagsulat ako ng dalawang sanaysay. Nagawan ko ng vlog ang isa. Hindi ko nga lang nadugtungan ang 'Junjun.' Wala kasi akong maisip na tema. Gayunpaman, productive ang araw ko ngayon. Nakapagbasa pa ako ng Liwayway. At nakapagluto ng kalamay. Mayo 12, 2020 Kahit kulang sa tulog dahil sa sobrang init, okay lang. Resting is like sleeping naman daw. Ngayong araw, nakapagsulat at nakapag-vlog ako. Andaming ideas na pumasok, hindi nga lang kayang isulat nang sabay-sabay. Gayunpaman, productive pa rin. Mayo 13, 2020 Pagkatapos kong magdilig, lumabas ako para bumili ng ulam at prutas. Wala na kaming First Vita Plus Health Drink, kaya kailangang kumain ng gulay o prutas. Tulad kahapon, nagsulat at nag-vlog uli ako. Natagalan lang dahil nakipag-chat ako sa mga dati kong estudyante na Bungkol. Bumuo ng GC ang isa. Gusto kasi nilang magkaroon ng reunion. Hapon, nag-gardening ako. Nakabili kasi ako ng garden soil kaninang umaga. Nakaka-miss magtanim. Matagal-tagal din bago ako nakahawak ng lupa kasi naubusan ako ng garden soil. Kulang din ako sa paso at space. Mayo 14, 2020 Lumabas ako para bumili ng ulam at prutas. Melon ang nabili kong prutas. Nag-shake kami. Naglaga lang din ako talbos ng sili na may sibuyas, malunggay, tinapa, at kamatis. Solb na ang lunch. Maghapon akong nagsulat at nagbasa. Hindi ako nakagawa ng vlog. Okay lang. Nadagdagan naman ng subscribers ko kasi pinost ko ang link sa GC ng Bungkol Fam. Malayo pa sa 1000 pero not bad. Wala pa namang one year. Dahil may bagyo, nag-stay lang kami sa bahay. Hindi ako nakapag-gardening pero nagdilig pa ako ng mga halaman sa umaga. Naawa ako sa mga tinamaan ng Ambo. Lockdown na nga, binayo pa ng ulan at hangin. Mayo 15, 2020 Ngayon sana matatapos ang ECQ, pero extended pa rin dahil sa patuloy na pagtaas ng CoViD-19 cases. Kaya naman, hindi na ako lumabas. Isa pa, may bagyo. Nagpa-deliver na lang ako ng mga isda, saging, camote, niyog, gata, at pinya. Ang galing talaga ng online selling! Nakakatipid ng energy at time. Nakapag-upload ako ng isang vlog ngayon at nakapagsulat ako ng dalawang akda. Na-update ko na rin ang sikat kong nobela sa WP. Malakas ang hangin at ulang maghapon kaya sa loob ng dalawang buwan, nakatikim kami ng malamig na pakiramdam. Hindi na kailangan pang mag-electric fan. Mayo 16, 2020 Sumikat na ang araw pagkatapos ng isang araw na pananalasa ng bagyo. Ito na rin ang simula ng GCQ at MECQ. Lumabas ako bandang past 8:30 para mag-withdraw. Naglakad lang ako patungo roon. Wala nang free ride pero may biyahe na ang mga tricycle. Mahal nga lang ang pamasahe. Special rate. Natagalan ako dahil sa kapipila. Past 10 na ako nakapindot. Sumakay na lang ako pauwi. Sayang, pero mabilis naman. Iwas na lang sa paglabas-labas. Mamimili na lang ako sa talipapa. Ngayong araw, nakagawa ako ng isang vlog. Nakapag-update sa wattpad. Wala akong naisulat na akda. Hapon, nag-gardening na ako. Kay sarap talaga magtanim. Kundi nga lang malamok kapag hapon na. Mayo 17, 2020 Pagkatapos kong mamili ng ulam, prutas, at gulay, naglinis kami sa sala. Binuksan na namin ang main door. Then, naisipan naming mapakabit ng canopy at screen door. Mainit at malangaw kasi. Kailangan may hangin kahit sarado ang mga bintana. Hindi ako nakapagsulat para sa vlog ngayon, pero nakagawa ako ng tatlong vlogs. Nakapag-update din ako sa wattpad. Bukas, gagawin na ang canopy. Busy na naman ang kabahayan. Mayo 18, 2020 Busy kami maghapon dahil sa pagpapagawa namin ng canopy sa harap ng bahay. Ayos lang naman dahil para naman iyon sa ikagaganda at ikagiginhawa namin. Hindi nga lang ako nakapagsulat at nakapag-vlog. Ngayong araw, nag-decide kami ni Emily na ipa-dealer na sa FVP si Rosa, ang bff ni Emily bilang tulong sa kanya upang makapagsimula na rin ito. Pinadala ko na ang P9150 para sa Dalandan Gold Power Pack, na ide-deliver naman bukas sa amin. Past five na natapos ng canopy. Naikabit na rin ang screen ng main door. Tuwang-tuwang kaming mag-anak sa resulta. Magagaling sila gumawa. Gabi na ako nakapag-update sa WP ko. Gumawa rin ako ng vlog bago natulog. Mayo 19, 2020 Napuyat ako kagabi dahil sa bumisitang ipis. Nang hindi ako nakatulog, uminom ako ng gatas. Tapos, sa baba na ako nahiga. Nakatulog naman ako, pero kulang. Gayunpaman, aktibo ako maghapon. Inayos ko ang garden. Inilapat namin ni Emily ang kulungan ng aso. Hapon na ako natapos. May pahinga naman iyon, kaya matagal bago natapos. Hindi na ako nakapagsulat, pero nakapag-vlog ako. Tatlong videos ang nai-upload ko. Gabi. Chinat ako ni Jano. Patay na raw si Kuya Tantan. Hindi na raw kasi makaihi. Nalungkot ako at naawa. Wala siyang asawa at anak. Buong buhay niya kasi ay inubos sa pagsusugal. Siningil na siya ng tadhana. Mayo 20, 2020 Hindi ako nakapagsulat nang maayos ngayong araw dahil sa maraming rason. Lumabas ako para bumili ng ulam. Nag-gardening. Bumili ng halaman. Nakipag-chat sa nagtitinda ng halaman. Nag-gardening. Pumunta sa Smart Padala nang dalawang beses kasi mali ang reference number sa una. Nagpaligo sa aso. Nagluto. Haist! Gayunpaman, napakaproduktibo ng araw ko. Kahit paano nakatapos ako ng isang chapter bago matulog. Hindi nga lang ako nakapag-vlog. Mayo 21, 2020 Late na kami nag-almusal kasi late na rin kaming bumangon. Napuyat kami. Ang init sa kuwarto ko, kaya sa sala ako natulog bandang alas-3 ng umaga pagkatapos kong uminom ng gatas. Si Emily naman, napuyat dahil sa amoy ng sinunog na plastic sa kabilang barangay. Gabi-gabi na lang daw iyon. Past 10 na ako lumabas kasi naghihintay kami ng naglalako ng isda. Walang dumaan. Late ko na rin nabasa ang chat ni Ma'am Nhanie i-check na namin ang pera sa banko dahil pinasok na roon ang royalty fee namin. Agad akong umalis. Nadismaya ako sa natanggap ko. Hindi iyon ang inaasahan namin ni Ma'am Joann na matatanggap namin. Nahulog tuloy bigla ang kasiyahan ko. Ang mga plano ko, biglang naglaho. Hindi ko na maipapaopera ang mata ni Mama. Hindi ko na mapapa-slab ang kusina namin. Hindi na ako makakakuha ng pasalo na bahay at lupa. Mahirap at masakit pala talagang mag-assume. Gayunpaman, masaya pa rin ako pag-uwi ko. Pera pa rin naman ang natanggap ko. Blessed na ako kumpara sa iba. At least, nakapagkakitaan ko na ang pagsusulat. Paid off! Sana lang mas marami pang projects at books ang ma-published. Mayo 22, 2020 Past 8, pagkatapos kong magluto at kumain ng almusal, naglakad ako patungong banko upang kunin pa ang tirang pera sa royalty fee. Naglakad uli ako pabalik para nakatipid. Naabutan ko pa si Ma'am Jenny na nag-deliver ng FVP Powerpack namin. Ngayon araw, halos wala akong naisulat. Naituloy ko lang ang vlog ko kagabi. Pakiramdam ko, wala akong nagawa ngayong araw. Tinatamad ako habang papalapit ang June 1, kung kailan nakatakda ang pasukan namin. Mayo 23, 2020 Maaga akong nakabangon dahil sa maagang delivery ng online order naming chicken longganisa. Okay lang naman dahil marami akong nakaplanong gawin. Naglinis ako ng ceiling sa ground floor dahil plano kong pinturahan. Tinulungan ako ni Emily. Past one, lumabas ako para bumili ng pintura. Hindi ko nakabili. Wala. Sa halip, kumuha ko na ang order kong ornamental bamboo. Nagtanim na lang ako pagdating ko kasi umorder din ako ng garden soil at clay pots. Mayo 24, 2020 Gusto ko pa sanang matulog nang matagal kaya lang naistorbo ako ng ingay na hindi ko alam kung saan nanggaling. Basta na lang parang umuugong ang salamin ng bintana. Hindi naman tunog ng barena. Nakakainis! Bad trip tuloy ako maghapon. Hindi man ako nagalit sa mag-ina ko, pero tahimik ako maghapon. Nagsulat lang ako. Nag-gardening. Namalengke. Nagluto. Nag-alaga ng sisiw ng ibon na napulot ko sa kalsada. Idagdag pa sa inis ko ang maaga na namang pagkaubos ng data ng internet. Hindi na talaga ako naniniwalang kayang maubos ng 50 Gig sa loob ng wala pang 15 days. Kung kaya man, isinisisi ko iyon sa pag-uupload ko ng videos sa youtube, na hindi naman umaabot ng 30 mins. bawat video. Nakakadalawa hanggang tatlong video lang naman ako bawat araw. Tinipid na nga namin. Pinapatay-patay kapag hindi ginagamit. Nakaka-depress kapag walang internet. Gusto kong mag-research para sa mga sinusulat ko, pero hindi ko na magawa. Pending ang trabaho. Mayo 25, 2020 Pagkatapos kong maghanda ng almusal at kumain, bumili ako ng pintura. Naglakad lang ako, forth and back. Mabilis lang akong nakabalik. Agad ko namang sinimulan ang pagpipintura. Past 3, tapos na ako. Hindi nga lang natapos kasi kulang sa pintura. Isang gallon lang ang binili ko. Sobrang baho ng amoy ng pintura kaya nakatatlong sachet ako ng First Vita Plus. Kailangan kong magkaroon ng pananggalaan sa tubercolosis. Kahit ang mag-ina ko ay pinainom ko rin nang pinainom. Apektado rin sila. Mayo 26, 2020 Nahirapan kaming matulog dahil sa singaw ng amoy ng pintura. Amoy pa namin kahit sa kuwarto. Maghapon naming nalanghap ang amoy, gayunpaman alam naming protektado kami ng First Vita Plus. Tigtatatlong sachet ang nainom namin maghapon, kaya naman hindi sumakit ang dibdib namin. Nakapag-vlog at nakapagsulat ako ngayong araw. Very active din ako sa umaga dahil pagkatapos kong mag-gardening ay naglinis ako sa kuwarto, sa hagdanan, at sa banyo. Gabi. Naka-chat ko ang kaklase ko sa thesis writing. Hinihikayat niya akong tapusin ang thesis ko. Bumili na raw ako ng laptop ko. Tinatamad ako, pero gusto kong maka-graduate. Kaya, ngayong gabi, hihingi ako ng guidance from above. Bigyan Niya sana ako ng sign kung itutuloy ko pa o hindi. Mayo 27, 2020 Nakagawa ako ng vlogs tungkol sa First Vita Plus ngayong araw. Naisulat ko na ang iba roon noon. At dahil nagkaroon ng signal ang wifi, nakapag-upload ako. Dumami na naman ang subscribers ko nang i-send ko ang link sa FVP GC. Pinagpaliban ko ang pagbili ng laptop. Hindi ko naman talaga kakayanin ang due date ng submission. First week ng June na. Mahigit isang linggo na lang. Hassle! Hindi talaga ako makaka-graduate kaagad. Okay lang naman. Wala naman kasing katiyakan kung kailan matatapos ng quarantine. Gabi. Wala na namang internet. Nahinto ang paggawa ko ng vlogs. Hindi ko kasi mai-download ang mga pictures na kailangan ko. Mayo 28, 2020 Nakapag-vlog ako ngayong araw dahil bumalik ang signal ng internet. Past nine, nakabili ako ng sariwang isda, pero sobrang mahal. Mas mahal pa sa karne. P350 ang kilo. Hindi bale na, minsan lang naman. Tahimik ako ngayong araw pagkatapos kong pagalitan si Zillion. Sumasama ang tabas ng dila. Iba na ang pananalita at kung sumagot. Nagagaya niya ang mga characters sa 'The Luau House.' Sabi ko nga nang nanananghalian kami, "Mas mabuti pang mag-alaga ako ng hayop kaysa magpalaki ng anak na masama ang ugali." Isa pang kinaiinisan ko (na naman) ay ang sakit ni Emily. Haru! Diyos ko. Nagba-Vita Plus na nga, tinatablan pa. Tatlong sachets na araw-araw. Dinahilan pa ang amoy ng pintura. Bakit ako? Mas mahina nga ang baga ko kaysa sa kanya. Mahinang klase... Tsk! Nai-stress ako kapag nakikita kong panay ang banyos ng kung ano-ano sa katawan. At halos hindi na makapagsuklay. Wala nang maghugas ng mga plato. Haist! Pasalamat naman ako dahil healthy ako, pero sana siya rin. Pare-pareho naman kami ng kinakain. Mas prone nga ako sa virus kasi ako ang lumalabas para bumili ng pagkain. Mayo 29, 2020 Hindi ako lumabas upang bumili ng ulam. Pinabili ko na lang si Emily ng lutong ulam. Nakipag-meeting kasi ako sa faculty through Google Meet. Inabot ng lampas alas-dose. Kung hindi pa na-drain ang cellphone ko, hindi pa ako nakatakas. Gabi na tuloy natapos ang vlog ko. Isa lang ang nagawa ko dahil mahaba at mahirap. Andami kong dinownload na pictures. Mayo 30, 2020 Namalengke ako nang maaga dahil gusto kong makapananghalian nang maaga. Nakaplano na ang papunta ko sa mall para bumili ng laptop. Kaya lang, nabasa ko FB na hindi pinapasok ang taga-ibang bayan. Kung taga-GenTri, taga-GenTri lang. Parang may discrimination. Wala pa namang mall sa Tanza. Ayaw ko namang masayang ang effort at pamasahe ko, kaya hindi na ako umalis. Nag-gardening na lang ako. Nag-vlog ako sa garden habang nagtatanim ng cactus sa egg shells. Past 3, nakipagmiting ako sa ESP supervisor at module writers. Namroblema ako pagkatapos kasi kailangan talagang may laptop ako. At June 20 na ang deadline. Haist! Naghanap namn ako ng nagde-deliver, wala naman. Ayaw ko namang maloko at magkamali ng bili. Wait ko ang June 1 baka puwede nang lumabas. Nag-comply naman ako, e. Mayo 31, 2020 Maghapon akong gumawa ng vlog. Natutuwa ako kasi araw-araw may nadadagdag sa subscirbers ko. Isa o dalawang dagdag kada araw, masaya na ako. Hindi na masama. Ngayong araw, may 317 subscribers na ako. Mabagal pero kaya ko pang maghintay. Pasasaan ba't aanihin ko ang itinanim ko. Huwag lang sana akong magsawa at mapagod.

No comments:

Post a Comment

Ang Pinakamasamang Kuya

  Pinagalitan ni Arnel ang kaniyang nakababatang kapatid na si Carmela dahil sa sinasabi niyang katamaran nito kaya hindi siya nito kinikibo...