Followers

Monday, May 11, 2020

Mga Dapat Gawin habang Nasa Quarantine upang Hindi Ma-Boring

Hindi nakamamatay ang boredom. Mas mamamatay ka sa stress dahil sa kakaisip ng kung ano ang gagawin at sa stress dahil sa kahihintay na matapos ang lockdown.
Pero, mas sigurado ako, mamamatay ka sa virus kapag nagpumilit kang lumabas dahil akala mo pinapatay ka ng quarantine.

Kaya kung gusto mong sumigaw after lockdown ng 'I survived!' gawin mo ang mga ito. Tips lang ang mga ito. Kung ayaw mong gawin, bahala ka sa buhay mo. 

Maglinis ka ng katawan mo. Iyan ang numerong makakapagligtas sa `yo sa virus. Bukod doon, maaaliw ka. Nakaaaliw naman talaga ang pagsisipilyo, pagligo, paghilod, paggupit ng kuko, at pagtanggal ng tutuli, at muta, kulangot. Cleanliness is next to godliness, kaya huwag mo akong i-bash. Or else, isusumbong kita kay Bro. 

Maglaro kayo ng pamilya mo. Hoy, hindi ML o anomang online o offline games! Maglaro kayo ng card or board games, like Uno, Playing cards, Game of the Generals, chess, Boggle, Scrabble, Monopoly, domino, building blocks, etc. Bonding iyon. Tatalas pa ang isip, memorya, at utak niyo. Puwede ring sungka, dart, SOS, unggoy-unggoyan, taguan sa loob ng bahay, Jumanji, Spirit of the Glass, at Bloody Crayons. Basta bawal lumabas. Kapag lumabas ka, huli ka, pero hindi ka kulong. Bawal din maglaro ng apoy. Huwag ka ring maglaro ng damdamin ng iba. Masakit iyon! At huwag makipagtaguan ng feelings. See? Andaming puwedeng gawin. Unlimited. Tinalo pa ang inyong internet. 

Lumikha ka ng artworks. Marami ring uri ng sining, pero subukan mo ang basic o kung ano ang available na materials sa bahay mo. Puwede kang mag-drawing, sketching, painting, at doodling. Puwede kang magkulay sa coloring book. Kung alam mo ang Mandala, okay iyon. Baka hilig mong gumawa ng junk arts o mixed arts, gawin mo. Baka hilig mo ang DIY o ang thread works o mga artworks na ginagamitan ng sinulid. Baka hilig mo ang sculpture, origami, clay molding, at paper mache. Sining din ang pagkanta, pagsayaw, pagtula, pag-arte, GO push! It's your time to shine. Parang Tiktok lang. Sining din ang baking, cooking, and any food preparation. Chef ka! Andami! Andaming arts! Kaya huwag mo akong artehan diyan na nabo-boring ka. Huwag mong ikahiya ang output mo. Gawa mo iyan, e. Ipagmalaki mo. Sabi nga, walang maling arts. Just create. Just express. 

Magbasa ka! Hindi ang pagbabasa ng tweets  o ng fake news o ng mga status update ng FB friends mo. Magbasa ka ng libro. Kahit ano, basta libro. Kapag ginawa mo `yan, daig mo pa ang frontliners na malayang nakakalabas dahil ang pagbabasa ay paglalakbay. O? Hindi mo alam iyon? Hindi ka kasi palabasa. Basa-basa rin kasi `pag may time. Puro ka kasi Netflix. Youtube. Reading is fun. Hindi ka mababagot kapag nagbasa ka kasi aantokin ka. Kapag inantok ka, matutulog ka. Kapag nakatulog ka, hindi ka na maiinip. So, reading is a weapon against the virus. Huwag ka nang kumontra, kundi ipapabaril kita sa Luneta. Huwag mo ring idahilan sa akin na wala kayong libro sa bahay, kundi huhukayin ko si Rizal at isusumbong kita. Imposibleng ni isang libro, wala ka sa bahay. What have you done? Don't tell me, kinain na ng mga bookworm. Haist! Nakakapagod.

Tumulong ka sa mga gawaing-bahay. Magtrabaho ka sa kitchen, sa laundry area, sa dining area, sa lavatory area, sa living room, sa bedroom, sa garden, at sa rooftop. No work, No Pay, este, No Work, No Eat! Huwag mong sabihing wala kang magawa. Hoy, may bahay rin ako. Andaming gagawin. Ang damitan mo nga, magulo, e. Ayusin mo. Ang CR at lababo ninyo, ang dungis... Disinfect mo. Magluto ka. Maglaba ka. Tanggalin mo ang mga agiw sa bahay ninyo. Magpunas ka ng mga bintana para numipis ang alikabok. Magpalit ka ng mga punda at kubre-kama. Amoy-laway na, e. Basta, tumulong ka. Kumilos ka, baka ma-stroke ka sa katamaran, hindi sa boredom. 

Makinig at manood ka ng balita. Balita galing sa mga pinagpipitaganang journalists. Huwag sa balita ng mga tsismoso at tsismosa mong mga kapitbahay. Andaming channel. Oras-oras yata may balita. Kahit sa radyo, marami. Manood ka ng B.A.L.I.T.A. Balita! Huwag puro K-Pop. Huwag puro cartoons. Huwag puro Netflix. Huwag puro YT. Huwag puro teleserye. Mahalagang updated ka sa mga nangyayari sa loob at labas ng bansa. Wala na akong sasabihin pang marami. Basta manood ka! 

Alagaan mo ang pets ninyo. Pakainin mo naman. Paliguan. Kausapin. Kahit paano, maaaliw ka. Minsan, mas masaya pa silang kausap kaysa sa ka-chat mong paulit-ulit lang naman. Binobolo ka lang naman. Mag-bonding kayo ng pet ninyo. Hindi ko sinabing pumasok ka sa aquarium, sa hawla, o sa cage... Mag-bonding kayo! Alam mo na `yon. Animal ka! Ikaw ang isa sa pinakamatalinong hayop sa mundo. Kung may pulgas ang aso ninyo, tanggalan mo. Kung nag-aalaga kayo ng surot sa bahay ninyo... hay, naku! Layuan mo ako. Iba na. `yan. Baka need mo na ng vet, este ng pyschiatrist. Baw! Waw! Aw!

Mag-gardening ka. Huwag kang matakot sa lupa. Diyan ka galing at diyan ka babalik. Magtanim ka ng mga gulay, ng mga puno, ng ornamental plants. Kapag may itinanim, ang kapitbahay mo'y may hihingiin. Naaliw ka na sa pagtatanim, nakatulong ka pa sa kapitbahay mong tamad magtanim. Mag-gardening ka. Ang tunay na bahay ay may hardin. Huwag mong idahilan sa akin na wala kayong bakanteng lote. Hay, naku! Bigyan kita... bigyan kita ng plastic bottles at garden soil... para magtanim ka kahit sa bubong o sa may bintana o sa may gilid. Andaming paraan! Ang scout ay mapamaraan. Magtanim ka, hindi lang dahil boring ka... Magtanim ka dahil kailangan ninyo.  

Makipagkuwentuhan ka. Dahil bawal lumabas, makipagkuwentuhan ka sa pamilya mo. Mag-bonding kayo. Ito ang tamang panahon para mapag-usapan ninyo ang mga pangyayari noon sa buhay ninyo, gayundin ang mga plano ninyo. Puwede rin namang magkuwentuhan kayo. Basahan mo sila ng kuwentong pambata o kaya ng kuwentong kababalaghan at katatakutan. Maraming benepisyo ang kuwento. Kung hindi mo alam iyon, halika... ikukuwento ko sa `yo. Kung ayaw mo namang makipagkuwentuhan nang personal o harapan dahil nahihiya ka, e, `di chat mo sila kahit magkakasama naman kayo sa bahay. O, `di ba, mukhang ka lang tanga?!

Matuto ka ng bago. Napakaraming dapat mong matutuhan. Bago. Kung hindi mo pa nagagawa, iyon ang bago. Hindi siya ex. Dapat matuto ka nang magmahal sa taong mahal ka rin. Iyon ang bago. Seriously, matuto ka ng bago-- bagong skills. Baka hindi ka pa marunong magluto, manahi, mamalantsa, magsulsi, o magsaing. Pag-aralan mo. Trial and error lang iyan. Matututo ka niyan kahit anong mangyari. Kung gusto mong matutong maggitara o tumugtog ng kahit anong instrument, it's better. Kung gusto mong matutong magtipid, mag-diet, mag-exercise, o tumigil sa kaka-Tiktok, puwede rin. Baka gusto mo nang magsimulang mag-vlog, go! Ayos `yan! Lahat ng bago ay maaaring mong pag-aralan basta gusto mo. 

Hay, nakakapagod! Tama na... Siguro naman, hindi ka na mababagot niyan. Andami ko nang ibinigay na tips sa `yo... Kung kulang pa `yan, bumalik ka sa akin... Bibigyan na kita ng lubid. 

No comments:

Post a Comment

Ang Pinakamasamang Kuya

  Pinagalitan ni Arnel ang kaniyang nakababatang kapatid na si Carmela dahil sa sinasabi niyang katamaran nito kaya hindi siya nito kinikibo...