Followers

Sunday, May 10, 2020

Magbugtungan Tayo!

ANO ANG BUGTONG?

Ang bugtong ay isang uri ng palaisipan na binubuo ng dalawang taludtod na may sukat at tugma. Karaniwang naririnig natin ito sa mga batang nagpapalipas ng oras.

SUBUKAN NATIN
Sagutin ang bawat bugtong nang mabilisan.

Tubig na binalot ng laman
Lamang binalot ng buto
Butong binalot ng balahibo.
(NIYOG)

Napaliit nang ihulog
Napalaki nang mabunot.
(LABANOS)

Hindi hayop, hindi tao
Ate ng lahat ng tao.
(ATIS)

Nang maliit ay nakabaro,
Nang lumaki ay naghubo.
(KAWAYAN)

Baboy ko sa Maynila,
Suson-suson ang taba.
(PUNO NG SAGING)

Isang dalagang marikit
Nakaupo sa tinik
(PINYA)

Putukan nang putukan
Hindi nagkakarinigan
(KAMATSILI)

May sunong, may kipkip,
May salakab sa puwet.
(MAIS NA MAY BUNGA)

Gapang nang gapang,
Walang laman ang tiyan.
(KANGKONG)

Sa init ay sumasaya
Sa lamig ay nalalanta.
(AKASYA)

Dalawang magkaibigan,
Unahan nang unahan.
(PAA)

Heto na si Amain
Nagbibili ng hangin.
(MUSIKO)

Magising makatulog
Balutan ay ayaw ihiwalay sa likod
(KUBA)

Malaon nang patay
Di mailibing dahil may buhay ang katawan.
(BULAG)

Dalawang libing,
Laging may hangin.
(ILONG)

Balong malalim,
Puno ng patalim.
(BIBIG)

Isang bayabas,
Pito ang butas.
(MUKHA)

Lingunin man nang lingunin,
Dalawang ito'y `di abutin ng tingin.
(TAINGA)

Isang taong disgrasyada,
Kung tumingin ay dalawa.
(DULING)

Isang palaisdaan,
Iisa ng laman.
(BIBIG AT DILA)

Nang dumating ang bisita ko,
Dumating din sa inyo.
(ARAW)

Dadaan ang hari,
Ang mga tao ay nagtali.
(BAGYO)

Anak ko sa Maynila,
Abot dito ang uha.
(KULOG)

Isang bilyon sa tabing bakod,
`Di mapulot kundi paluhod.
(OSTIYA)

Matibay ang luma,
Kaysa bagong gawa.
(PILAPIL)

Mahal nang binili
At saka pinagbigti
(KURBATA)

Nagtago si Pedro,
Nakalabas ang ulo.
(PAKO)

Lumalakad nang walang hinihila,
Tumatakbo kahit walang paa.
(BANGKA)

Walang paa't nakaalakad
At sa hari'y nakikipag-usap.
(SULAT)

Bahay ng anluwagi,
Iisa ang haligi.
(BAHAY NG KALAPATI)

Marami pang bugtong, pero hanggang dito na lang muna. Sa susunod naman ang iba.

Sana'y naaliw tayo ng mga ito.

No comments:

Post a Comment

Paano Sumulat ng Lathalain? #2

 Madali lang. Para ka lang nagbilang ng isa hanggang siyam.   Una, isulat mo ang unang talata. Ang unang talata ay tinatawag na ‘The Lea...