Followers

Friday, May 8, 2020

Pilikitot

"Pilikitot, pilikitot," paulit-ulit na kanta ni Tito Pipot. Napangiti niya ang pamangking sanggol habang sila ay nasa kubol. 

"Pilikitot, pilikitot," sabi pa ni Tito Pipot. Tumawa si Nognog nang may tunog 

"Pilikitot, pilikitot," panghaharot ni Tito Pipot. Gustong-gusto iyon ni Nognog, kaya tuwang-tuwa siya, na parang inaalog. 

"Pilikitot, pilikitot," marahang awit ni Tito Pipot. Si Nognog kasi'y kanyang pinatutulog.

"Ang galing mo! Napatulog mo," sabi ni Nanay Aiko.

"Siyempre, tito ako. At kinakantahan ko."

"Naririnig ko nga. Talagang kahanga-hanga!"

Mabilis lumaki si Nognog, palibhasa'y mahilig matulog. 

"Pilikitot, pilikitot," awit ni Tito Pipot. Pinaliliguan niya si Nognog na noo'y kanyang binusog.

"Pilikitot, pilikitot," awit ulit ni Tito Pipot. Binibihisan na niya si Nognog. Tapos na rin niyang pulbusan ang dibdib at likod. 

"Ang bango-bango na ng Nognog ko! Pa-kiss nga ako," sabi ni Nanay Aiko. 

Idinampi ni Nanay Aiko ang mga labi niya sa pisngi ng anak. "Tsup!"

"Sige na, maglaro muna kayo ni Tito. Mamaya kakain na tayo," sabi ni Nanay Aiko.

"Pilikitot, pilikitot," kanta ng tito habang nakikipaglaro. 

Tuwang-tuwa si Nognog. Masaya siya kasi iniiba-iba pa ng kanyang tito ang tono at tunog.

"Pilikitot, pilikitot."

Si Nognog ay napapangiti, dahil may kasabay pang pangingiliti.

Sa oras ng pagkain, si Tito Pipot pa rin ang dahilan kaya si Nognog ay maraming nakakain. 

"Pilikitot, pilikitot." Iyan din ang pang-akit ni Tito Pipot upang si Nognog ay kanyang mabusog.

Lumaking masayahin at malusog si Nognog. 

"Pilikitot, pilikitot," sabay na awit ng magtito bago matulog.

"Pilikitot, pilikitot," mahinang awit ni Tito Pipot. Malapit na kasing makatulog si Nognog.

"Pilikitot, pilikitot." Tuloy pa rin ang awit niya kay Nognog habang ito ay natutulog. 

Isang araw, hinanap ni Nognog ang kanyang tiyo. Gusto na niya kasing maligo.

"Umalis ang tito mo. Naghahanap siya ng trabaho."

Nalungkot si Nognog, kaya siya'y pumanaog.

"Halika, ako na ang magpapaligo sa `yo," sabi ni Nanay Aiko.

"Ayaw ko. Gusto ko si Tito."

"Mamaya pa uuwi ang tito mo."

Napilitang sumama si Nognog sa banyo.

"Pilikitot, Nanay," sabi niya.

Napamaang si Nanay Aiko at nagtataka. 

"Pilikitot, pilikitot ni Tito Pipot."

"Ah...kanta? Sige, mamaya... Bago ka matulog," sabi ng ina ni Nognog.

"Hindi! Ngayon na. Pilikitot muna." Iginiya ni Nognog ang ginagawa ng tito niya.

"Ha? Iyan ba ang pilikitot ni Tito Pipot?" 

"Opo! Sarap po."

"Hindi maganda iyan, Nognog!"

"Gusto ko pilikitot, pilikitot." Umiyak nang umiyak si Nognog.

Lumipas pa ang mga araw, hindi pa rin bumabalik si Tito Pipot. 

"Nanay, kailan po babalik si Tito Pipot?" tanong ni Nognog. Siya ay malungkot. "Gusto ko pilikitot."

"Hindi siya babalik dito hanggang hindi natatanggal ang pilikitot sa isip mo," tugon ni Nanay Aiko.

Nalungkot nang husto si Nognog. Siya ay nag-isip at nagmukmok. Gusto niya ang pilikitot. Gusto rin niyang makabalik si Tito Pipot.

Nakita niya ang laruang robot. Ang ulo niyon ay kanyang inikot-ikot. Ang mga kamay at paa ay kanyang binaluktot.

"Pilikitot, pilikitot," malungkot na awit ni Nognog, habang pinasasayaw niya ang robot.

Nakita niya, parang nginitian siya ng robot.

"Pilikitot, pilikitot," muling awit ni Nognog. Hindi na siya nakasimangot.

Pinagsayaw niyang muli ang robot. 

"Pilikitot, pilikitot." 

Simula noon, kasa-kasama na niya ang robot kahit sa pagligo at pagtulog. Kumakanta pa rin siya ng 'Pilikitot, pilikitot,' ngunit hindi niya pinaglalaruan ang kanyang tutot. 

"Pilikitot, pilikitot," awit ni Nognog pagkatapos niyang mabusog. 

"Pilikitot, pilikitot," awit ni Nognog bago siya matulog. 

"Pilikitot, pilikitot," awit ni Tito Pipot. 

"Bumalik ka na, Tito Pipot!"

Niyakap si Nognog ng kanyang tito. "Ako na ang magpapaligo sa `yo."

"Yehey!" Lumukso-lukso pa si Nognog. Pinasayaw-sayaw rin niya ang robot.

"Pilikitot, pilikitot!" sabi ni Nognog.

"Pilikitot, pilikitot!" sabi ni Tito Pipot.

"Pilikitot, pilikitot!" sabay na awit nina Nognog at Tito Pipot.

Natuwa si Nanay Aiko dahil si Nognog ay nagbago. Nakalimutan na nito ang ginagawa sa kanya ni Tito Pipot. Nakatulong talaga ang laruang robot.

"Ate, salamat!" sabi ni Tito Pipot.

"Huwag nang mauulit, ha, kundi makakatikim ka ng kurot." 


No comments:

Post a Comment

Ang Pinakamasamang Kuya

  Pinagalitan ni Arnel ang kaniyang nakababatang kapatid na si Carmela dahil sa sinasabi niyang katamaran nito kaya hindi siya nito kinikibo...