Followers

Saturday, May 2, 2020

3 Katotohanang Magpapamukha sa Atin na Wala Tayong Karapatang Magreklamo sa Buhay

Andami nating reklamo sa buhay. Hindi na natin nakikita ang magagandang bagay dahil lahat ng negatibo ang nakikita natin. Hindi na natin napapansin ang kagandahan ng mundo dahil abala tayo sa pagkamit ng ating mga pangarap. Hindi na tayo marunong magpasalamat sa kaunting biyaya. Kaya, kapag nabigo, nasaktan, at nahirapan, magrereklamo kaagad tayo. 

May tatlong katotohanang magpapamukha sa atin na wala tayong karapatang magreklamo nang magreklamo sa buhay. Oo, wala tayong karapatan! 

Napakaganda ng buhay natin! Napakasayang mabuhay! Nakapasarap mamuhay sa mundo. Hindi katulad ng mga langgam... Trabaho sila nang trabaho, pero wala silang mga pangarap sapagkat hindi sila natutulog.

Tayo? Kulang man sa tulog, pero nakakatulog pa rin. Trabaho tayo nang trabaho dahil may pangarap tayo.

Napakaganda ng buhay natin! Napakasayang mabuhay! Nakapasarap mamuhay sa mundo. Hindi katulad ng mga baboy... Hindi nila alam na may araw at buwan sapagkat hindi sila makatingala. 

Tayo? Kaya nating tumingala sa langit araw man o gabi. Kaya nating tumingala at magpasalamat sa Maykapal, pero madalas nakakalimutan pa natin. 

Napakaganda ng buhay natin! Napakasayang mabuhay! Nakapasarap mamuhay sa mundo. Hindi katulad ng mga paruparo... Hindi sila nagdiriwang ng kaarawan sapagkat hanggang 47 araw lang ang itinatagal na kanilang buhay. 

Tayo? Kaya nating mabuhay nang matagal. Kaya nating tumanda nang mayaman kung ating gugustuhin. Kaya nating maghanda nang enggrande sa ating kaarawan.

Hindi tayo mga langgam, baboy, at paruparo. Mga tao tayo. Ginawa tayo ng Diyos upang pahalagahan, kamtin, at ipagbunyi ang buhay. Huwag na tayong magreklamo.

No comments:

Post a Comment

Ang Pinakamasamang Kuya

  Pinagalitan ni Arnel ang kaniyang nakababatang kapatid na si Carmela dahil sa sinasabi niyang katamaran nito kaya hindi siya nito kinikibo...