Followers

Sunday, May 6, 2018

Ang Daddy Ko, Papa Nila

Isang gabi, nang umuwi si Daddy, may dalawang bata siyang kasama. Noon ko lang sila nakita.


"Malone, sila sina Kuya Daniel at Ate Rihanna," pakilala niya sa dalawa. "Dito na sila titira. May mga kalaro ka na!"


"Yehey!" Masaya ko silang binati isa-isa at niyakap pa. Pagkatapos, kumain kami ng spaghetti, burger, fries, at fried chicken, na kanilang dala. 


"Papa, painom po ako ng tubig," sabi ni Ate Rihanna. 


Nagulat ako sa tawag niya sa aking ama. 


"Ikaw, Daniel, ano ang gusto mo?" tanong ni Daddy kay Kuya.


"Juice po sana, Papa," sagot niya.


Lalo akong nagtaka. Ang Daddy ko ay Papa nila. 


"Daddy, kapatid ko po ba sila?" tanong ko sa aking ama.


Nagtinginan sila nina Kuya Daniel at Ate Rihanna. Tiningnan ko rin si Mommy, na nakatingin lang sa amin kanina pa.


"Opo, Malone, kapatid mo sila. Pasensiya ka na, kung ngayon mo lang sila nakilala. Sina Kuya Daniel at Ate Rihanna mo ang dahilan kung bakit nagsumikap akong magkaroon tayo ng bahay na maganda," paliwanag ni Daddy. Malungkot siya habang may hinahanap sa cellphone niya. "Heto, anak, ang bahay namin noon. Mas malaki lang sa bahay ng aso natin, 'di ba?"


Tumango ako at nakita kong naluluha na ang mga kapatid ko.


"Sina Kuya Daniel at Ate Rihanna mo ay dumanas ng sobrang hirap dahil wala akong permanenteng trabaho noon. Hanggang isang araw, iniwan nila akong mag-iina dahil hindi man lang ako makabili ng gatas nila. Hindi ko na sila nahanap pa." Nagpunas si Daddy ng luha at niyakap niya kami isa-isa. "Pero, isang araw, may narinig akong masamang balita. Kamamatay lang ng kanilang ina, kaya kinuha ko na sila."


Sa sobra kong pagkaawa, nilapitan ko sina Kuya Daniel at Ate Rihanna. "Ate, Kuya, hindi man tayo mayaman, pero alam ko, sa bahay na ito magiging masaya tayo. Dito na kayo tumira, ha?" 


Tumango-tango at ngumiti lang ang mga kapatid kong nahihiya at naluluha.


"Simula ngayon, Daddy na rin ang itawag ninyo kay Papa. Okay ba iyon sa inyo, Ate, Kuya?" masaya kong tanong sa kanila.


"Okay!" sabay na sagot ng dalawa. 


Nakita kong ngumiti na sila kaya masaya na rin ako, lalo na nang makita ko sina Mommy at Daddy, na magkatabi at nakangiti sa isa't isa. 


Simula noon, hindi lang kami may bahay na maganda, may pamilya pa kaming masaya.





Thursday, May 3, 2018

Azur Basurero

"Bukas, ha, huwag kalilimutang magsuot ng mga kasuotan ng propesyon o trabahong nais ninyong gawin o pasukin sa inyong paglaki," paalala ni Binibining Narvaza, bago siya nagpalabas ng mga estudyante niya sa Kindergarten. "Naunawaan ba?"


"Opo!" halos sabay-sabay na sagot ng mga bata.


"Sige na, pumila na nang maayos sa labas," utos ng guro.


Agad namang pumila nang tahimik at maayos ang mga mag-aaral, maliban kay Azur. 


"O, Azur, bakit ayaw mo pang pumila? Halika na. Ihatid ko na kayo."


"Teacher," tawag ni Azur, pero hindi siya narinig ng guro. Kaya, sumunod na siya.


Kinabukasan, kasama ng kani-kanilang magulang, dumating na ang mga estudyante ni Binibining Narvaza. Suot nila ang kani-kanilang mga kasuotan. 


"Magandang umaga, mga bata at mga magulang!" bati ni Binibining Narvaza. 


Halos sabay-sabay din nilang binati ang guro.


"Sisimulan na natin sa ilang sandli ang programa," sabi ng guro. Pagkatapos, napansin niyang bakante ng upuan ni Azur. "Wala pa ba si Azur?"


"Teacher, kapitbahay ko po siya. Hindi po yata siya makakapasok kasi wala raw po siyang costume," sabi ng kaklaseng babae na nakasuot ng kasuotan ng nars.


Nalungkot si Binibining Narvaza, pero hindi niya ipinahalata. Kaagad na lamang niyang sinimulan ang munting programa. 


Bago niya tinawag na niya isa-isa ang mga estudyante, itinuro niya kung paano rumampa at kung saan tatayo pagkatapos rumampa. 


"Sina Mikhail at Khalil ay gustong maging inhinyero."


"Sina Angela, Regina, at Ana ay nais maging guro."


"Si Lyndon ay gustong maging bombero."


"Sina Farrah at Luis ay nais maging doktor."


"Si Garry ay chef."


"Sina Florida at Angelito naman ay nais maging flight attendant at piloto."


"Maging abogado o hukom naman ang gusto ni Miko."


"Maging pintor naman ang gusto ni Thor."


"Sina Alice at Arlina ay mga ballerina."


"Si Margie ay magiging nars."


"Sina Zandro at Lanie ay mga negosyante."


"Pagiging arkitekto naman ang gusto ni Nico."


"Sina Fatima, Cassandra, Leona, at Marco ay nais maging siyentipiko."


"At, si Christopher ang ating photographer."


"Maraming salamat mga bata! Mag-aral kayong mabuti upang matupad ninyo ang inyong mga pangarap. At sa inyo po, mga magulang, suportahan natin ang ating mga anak upang makamit nila ang mg propesyong pinili nila," sabi ni Binibining Narvaza.


Nag-bow ang mga estudyante. Nagpalakpakan naman ang mga magulang.  


Bago nagsiupuan ang mga bata, napansin ni Binibining Narvaza, na sumisilip si Azur sa may pintuan.


"Azur, pumasok ka na." Nilapitan niya ang eatudyante at niyaya paloob. "Gusto mong maging ano paglaki mo?" pabulong at nakangiti niyang tanong.


Ginusot-gusot ni Azur ang nangingitim niyang damit, saka hinipo niya ang marungis niyang mukha. "Ganito po ang trabaho ni Papa. Dahil sa trabaho niya, kumakain kami ng tatlong beses sa isang araw at nakakapag-aral ako."


"Proud ka ba sa kanya?" 


"Opo!"


"O, bakit ka nahihiya sa costume mo at sa trabahong gusto mo?"


"Kasi po baka pagtawanan nila ako. Marumi at mabaho po kasi ang trabahong ito. Baka tawagin po nila akong Azur Basurero," nakayukong paliwanag ni Azur.


"Pero, marangal na trabaho ng gusto mo. Halika na." Hinila niya si Azur papasok. "Si Azur naman ang ating garbage collector. Siya ang mangongolekta ng ating mga basura. Siya rin ang magtuturo sa atin para maghiwalay sa mga basurang nabubulok at hindi nabubulok."


Nawala ang hiya ni Azur nang marinig niya ang pakilala ni Binibining Narvaza. Nagawa niyang rumampa sa harapan ng mg kaklase at mga magulang. 


Pinalakpakan siya ng lahat, kabilang si Binibining Narvaza.






Wednesday, May 2, 2018

Ang Aking Journal -- Mayo 2018

Mayo 1, 2018 Kahit paano, nakatulog kami nang mahaba-haba. Kung hindi ng lang nagwala ang puppy, hindi pa ako babangon. Naabutan ko nga si Epr, na naglilinis ng tae ni Kayla. Nagkalat ang makulit na tuta. Agad din naman akong nagluto ng sauteed brocolli in oyster sauce at fried eggs para sa almusl namin. Nakabawi na ako ng gutom. Nalipasan kasi kami ng gutom kagabi. Nang dumating kami, hindi na kami nakakain dahil sa pagod. Tuloy naman ang trabaho ng mga karpintero. Nagpabili uli ng mga materyales. Worth P8k na naman ang gastos ko. Okay lang. Worth it naman! Nagpaalam ai Epr na uuwi na. Bandang alas-5 na iyon. Galing ako sa pag-idlip. Pinayagan ko naman at binigyan ng P2k para sa magiging baby nila. Mabuti na lang, nakapagmeryenda na kami. Busog silang bibiyahe pabalik sa Pasay. Mayo 2, 2018 Naistorbo ng tulog ko sa pagwawala ni Kayla. Pinalo ko nang pinalo ko ng tsinelas ang bunganga niya para matakot at tumigil. Hindi naman ganoon kalakas, kaya ilang ulit akong bumaba. Nang tumigil na siya, nawala naman na ang antok ko. Gayunpaman, active pa rin ako maghapon. Umaga, bumili ako ng tiles. Tanghali, nagluto. Hapon, pumunta sa Pasay para mag-withdraw ng pambayad sa karpintero. At, gabi, nagluto uli. Sobrang init lang talaga ngayong araw, kaya nakakapagod. Mayo 3, 2018 Maaga pa, na-bad trip na ako sa asawa ko. Late na ngang nagising at nag-almusal na lang paggising, hinayaan pa akong mag-isang maglinis. Nag-Facebook lang habang ako ay nagkandaugaga. Nang inutisan kong dakutin ang tae ng aso namin sa kabilang lote para hindi kami paringgan ng mga tsismosa at tsismosong kapitbahay, hindi niya ako sinunod. Kaya, pinagsalitaan ko siya. Nalaman niyang ayaw ko nang pinaghihintay at binabalewala. Kaya nang magtanghalian at maghapunan, hindi ko siya pinakilos. Ako ang nagluto. Ako ang naghugas. Ako na lahat ng gumawa para sa mga pets namin. Haist! Ang suwerte ko yata sa asawa! Kahit hindi na niya isiping ako na ang gumasta para sa bahay. Isipin na lang sana niya ng ikabubuti naming tatlo. Mayo 4, 2018 Maaga akong nagising dahil na naman kay Kayla. Panay ang atungal. Nagugutom na kasi. Bumangon ako para pakainin siya. Nagluto na rin ako ng almusal. Nakapagbasa ako ng libro ngayong araw. Wala naman kasi akong gagawin, maliban sa pag-antabay sa mga tanong at kailangan ng mga trabahador. Siyempre, dagdag trabaho rin sa akin ang mga aso. Pinaliguan ko. Hindi mawawala ang pagdakot ng popo at pagpunas ng ihi. Masaya naman akong gawin iyon. Naiinis lang ako kapag maingay ang tuta. Hapon, umidlip ako. Mabilis lang dahil maingay. Mayo 5, 2018 Tulad kahapon, maaga akong ginising ng iyak ni Kayla. Si Angelo, tahimik lang. Agad akong bumangon para ipaghanda sila ng dog food. Binabad ko muna sa tubig para lumambot, habang nagpapakulo ako ng tubig na pangkape. Nang mapakain ko at nang makapagkape ako, bumalik ako sa higaan. Hindi naman ako nakatulog kaya nag-FB na lang ako. Si Emily na ang nagluto ng almusal. Pagkakain ko, bumalik ako sa kuwarto. Doon ko na natuklasan na used up na ang data nmin. Sumulwak ang dugo ko. Gusto kong sisihin ng mag-ina dahil sa madalas nilang kakapanuod sa youtube. Grabe! Fifty GB, naubos agad. Wala pang isang buwan. Kakabit lang noong April 11. Nanahimik ako maghapon sa kuwarto ko. Hindi nga ako ang naghanda ng lunch. Iba pala ang pakiramdam ng biglang nauubusan o nawawalan ng internet. Gayunpaman, nakapagdilidili ako. Naisip kong may kasalanan din ako. Malakas din akong gumamit ng internet. Isa pa, bakasyon ngayon. Tatlo pa kming gumagamit. Natural lang na hindi umabot ng isang buwan. Lesson learned. May maganda ring naidulot ang pangyayaring ito dahil nakapagbasa ako ng libro at nakapagsulat ng dalawang kuwentong pambata. Next time, kapas nag-resume ang internet, sisikapin kong sumakto ang 50 GB sa aming tatlo sa loob ng isang buwan. Mayo 6, 2018 Day-off ng mga karpintero, kaya pahinga rin kami sa pagliligpit. Purely sa pag-aalaga ako ng mga aso. Umaga, nakapagsulat pa ako ng isang kuwentong pambata dahil may bumisitang kapitbahay kay Emily. Hapon, nanuod lang ako ng TV kasi nag-load ako ng internet pero mahina at saka tinitipid ko. Okay lang naman. Mayo 7, 2018 Nag-resume uli ang trabaho ni Kuya Boy at ang pamangkin niya. Busy na rin ako sa pagsasaayos ng kabahayan. Si Emily na nga ang inutusan kong mamili ng mga materyales at pagkain namin. Gusto ko nang matapos ng paggawa nila. Miss ko na ang privacy habang bakasyon. Gusto ko na kasing magluto sa bago naming kusina, maibalik ang dating garden, at makapagsulat, makapagbasa, at makapag-encode ng mga akda. Na-miss ko rin ang internet. Hindi ko tuloy mai-post ang mga naisulat kong kuwento. Sa May 11 pa ito magre-resume. Ang tagal pa. Mayo 8, 2018 Gaya kahapon, pareho labg ang mga pangyayari. Naiinip na rin akong matapos nila ang paggawa sa kusina. Gusto ko nang maglinis at magligpit. Although, marami pa ang ipapagawa, pagkatapos, mas okay na rin naman kumpara sa dati. Mas malaki na ang makikilusan namin. Habang nagpapaligo ako ng mga tuta, bumili naman si Emily ng plywood para sa kitchen shelf and cabinet. Naiipunan na ako ng gastos. Gayunpaman, inspired akong gumasta kasi nakikita ko naman ang outcome. Mayo 9, 2018 Naalarma na naman kami kay Angelo. Ang tamlay niya at ayaw kumain. Naisip ko, baka nagtatampo dahil itinali namin siya, gaya ni Kayla. Mabuti na lang, nagawan ko ng paraan. Inilabas ko siya. Pinainitan. In short, napagod. Nang napagod, lumakas-lakas nang kaunti. Ayun, kumain na rin. Na-hooked na ako sa mga aso. Nakakapagod na nakatutuwa silang alagaan. Natapos na ang paglagay ng tiles ngayong araw. Ang sarap nang mangusina. Kaya lang, kailangan pa niyang lagyan ng shelf at cabinet. Sana isang araw na lang niyang magawa. Mayo 10, 2018 Naging hari ng dedma ako ngayong araw. Ito ay nang nagparinig ang kapitbahay kong bakla (yata) o nababakla. Itinuloy ko lang ang ginagawa ko sa garden. Nagtataka pang ako kung bakit ganoon siya. Hindi ko siya pinapansin, papansin naman nang papansin. Ayaw ko lang siyang patulan dahil ayaw kong bumaba ang pagkatao ko. 'Dedma' is the best revenge. Kahit ang karpintero namin, nababaklaan na sa kanya. Anito, kalalaking tao daldalero, ususero. tama siya. Palibhasa, walang trabaho. Haist! Malas ako sa kapitbahay. Gayunpaman, masayang-masaya kaming tatlo dahil tapos na ang trabaho ni Kiya Boy sa kusina. Nakapaglinis na kami. Lumawak ang sala namin. Nalungkot lang ako kasi maghapong hindi kumain si Angelo. Maghapon siyang nakahiga. Kaya naman, tinanggalan ko na lang siya ng tali. Baka iyon ang dahilan. Gabi n aiya tumikim ng pagkain. Buto ng chicken nga lang ang gusto niya. Pero, okay na hindi kaysa walang laman ang tiyan niya. Si Kayla naman. Panay ang iyak. Panay rin ang pakain ko. Naiinis lang ako kasi ayaw na ring kumain ng dog food. Mayo 11, 2018 Napuyat ako kagabi dahil sa baba ako natulog para bantayan si Angelo. May sakit kasi. Sumusuka siya at ayaw niyang kumain. Malamok pa sa baba at maingay sa kabilang bahay. May kainuman si Bukbok. Gayunpaman, naging chill ako maghapon. Umasa akong magiging okay na si Angelo. Pero, hindi pa rin siya kumakain. Nakailang suka na siya ng madilaw na likido. Ang hula ko, marami siyang plema. Naipunan siya noong sa labas pa siya natutulog dati. Awang-awa ako. Sobrang payat na niya. Kanina, umalis si Emily para mag-inquire ng screen door. Pagbalik niya, kasama na niya ang may-ari. Naka-van pa sila. sinukatan na kami. Nabayad na rin kami ng P3500. Sana hindi kmi lokohin. Hindi kasi nag-issue ng resibo kasi naiwan daw. Mayo 12, 2018 Maaga akong bumangon para pakainin ang mga tuta. Nalungkot ako nang sobra dahil ayaw pa ring kumain ni Angelo. Si Kayla naman, pihikan na sa pagkain. Hindi ko na alam kung ano ang gustong kainin. Mabuti na lang, kahit paano ay umiinom ng tubig si Angelo. Alam kong maibabalik ko ang dati niyang sigla. Past eight, bumiyahe ako papunta sa school. Balak kong magligpit doon para sa nalalapit na eleksiyon. Pagdating ko roon, halos malinis na. Kaunting ligpit na lang ang ginawa ko. Hindi na ako inabutan ng isang oras doon. Kaya, nakauwi ako before lunch. After lunch, nag-email ako ng story concept sa Summit Books. Sana mapili nila. Gabi, sobrang tuwa ko nang kumain na si Angelo. Gusto pala niya ang isda. Mabuti, bumili si Emily ng inihaw na tilapia. Mayo 13, 2018 Natuwa ako nang mapansin kong patuloy na ang panunumbalik ng gana ni Angelo. Although, ayaw niyang kumain ng dog food, okay na rin kaysa wala talagang laman ang tiyan niya. Naiinis lang ako sa pangangamot niya. Ang baho tuloy niya dahil sa mga sugat. Haist! Ang hirap niyang alagaan. Mas maselan pa kaysa kay Kayla, na siya pang may lahi. Mothers's Day ngayon. Wala kaming celebration. Nag-bonding lang kami maghapon sa panunuod ng tv Mayo 14, 2018 Naistorbo ang tulog ko dahil sa pag-iinuman ni Bukbok at mga ka-team niya. Ang iingay nila kahit alas-dos na ng madaling araw. Nakakainis! Ang sarap ireklamo. Hindi yata nila alam na may liquor ban. At kahit wala, sana may respeto sila sa kapwa. Gayunpaman, maaga pa rin akong bumangon. Maaga rin kasing humingi ng pagkain ang mga aso. Nilutuan ko pa sila bago napakain. Eleksiyon ngayon. Hindi na ako pumunta sa Antipolo para bumoto. Sayang lang ang pamasahe. Hindi ko na nga rin pinayagan si Emily na bumoto sa Caloocan. Pinag-grocery ko na lang siya. Tuluyan nang bumalik ang gana ni Angelo. Masigla na siya. Mayo 15, 2018 Nagsisi ako kung bakit niyaya ko pang matulog ang mag-ina ko sa sala. Pineste kami ng lamok kahit may electric fan. Napuyat tuloy ako. At naging mainitin ang ulo ko maghapon. Dahil dito, naging tahimik ako maghapon, lalo pa't hindi pa rin dumarating ang mag-i-install ng screen door. Nagkaroon nga kami ng misunderstanding ni Wifey. Feeling ko kasi naloko kami. Porke't full paid na, hindi pa ikinabit. Kaya ko ang maghintay hanggang bukas. Mayo 16, 2018 Hindi ako bumangon agad. Nagtatampo pa rin kasi ako kay Emily. Gusto kong gumawa siya ng paraan para ma-install na ang screen door. Past 8:45 am na ako lumabas sa kuwarto. Inasikaso ko kaagad ang mga alaga naming aso. Maghapon ko silang kinalinga. Nakapag-edit na rin ako ng entries ko sa Palanca. Nasimulan ko na rin ang powerpoint presentation sa talk ko sa Inset. Ang napili kong topic ay "The Power of Positive Relationships." Nabigo talaga ko kay Emily. Hindi talaga niya pinuntahan ang pinagawaan niya ng screen door. Wala siyang kusa. Parang hindi siya nanghihinayang sa pera ko. Three-five din iyon. Hindi puwedeng masayang lang. Isa pa, dadami ang mga taong manloloko at mapanglamang sa mundo. Mayo 17, 2018 Natuwa na aana ako kasi pinuntahan ng asawa ko ang pagawaan ng screen door. Kaya lang, nang bumalik siya, ang sabi, marami pa raw ginagawa ang mga magkakabit. Ang sarap magmura! Hindi na lang ako kumibo. baka kung ano pa ang masabi ko. Gusto ko sanang sabihin sa asawa ko na dapat ay humingu na siya ng resibo. Makapal ang mukha ng may-ari dahil binayaran na namin. Wala nga naman kaming habol. Maghapon akong tahimik na naghintay. hindi ko pa rin kinikibo ang misis ko. Wala. Walang dumating. Isang araw na lang. Susugurin ko na sila. Hindi bale na ang pera, mamura ko lang sila. Mayo 18, 2018 Masama ang lagay ng leeg ko. Ang sakit! Kulang sa warm-up nang nag-exercise ako. Nakalimutan kong uminat-inat. Hindi ko tuloy natapos ang workout ko sa phone apps. Naging tahimik uli ako dahil na rin sa stiffed neck ko. Pero, kinausp ko si Emily about sa screen door. Aniya, wala raw magkakabit. Naghintay ako. Mabuti na lang, dumating ang magkakabit bandang alas-dos. Natuwa ako. Totoo nga talagang busy lang sila. At least, hindi kami niloko. Nagkasala lang ako dahil nagduda ko. Mayo 19, 2018 Past 8, umalis ako. Nagpadala ako ng P1500 kay Sir Bayani para sa printing ng Twenty Seventeen Twenty Eighteen. Sampung kopya lang naman iyon. Nagpagupit na rin ako. Bilang paghahanda ito sa nalalapit na balik-eskuwela. Hindi pa rin ako makagalaw masyado dahil sa stiffed neck. Pero, naalagaan ko pa rin ang mga tuta. Hapon, nakapagdilig at nakapag-gardening pa. Mayo 20, 2018 Naiinip na ako sa bahay. Mabuti na lang um-okay na ng leeg ko. Hindi na masyadong masakit, kaya nakagawa na ako ng mga gawaing-bahay habang nasa grocery ang mag-ina ko at saka pagdating nila. Bukas, start na ng Inset. Simula na rin ng biyahe ko nang maaga. Tapos na nga ang bakasyon. Parang kailan lang. Kailangan ko ring mabisita si Mama at mabigyan ng pera, gayundin sina Hanna at Zildjian para sa kanilang school supplies. Mayo 21, 2018 Before 5, gising na ako. Hindi na naman ako nakatulog nang husto kagabi dahil sa sobrang init. Hindi naman ako excited sa Inset kaya alam kong naalinsanganan lang talaga ako. Maaga rin akong dumating sa school, although may nga nauna sa akin. Nakabisita pa ako sa classroom ko, na ginami sa Brgy. at SK Election, at binalahura ng mga gumamit. Nawala ang table kong may salamin. Ang hula ko, nabasag na kasi may nakita akong basag na salamin sa labas. Ang kaso, wala ang table ko, na may laman pang mahahalagang gamit. Nakakainis! Okay naman ang unang araw ng Inset. Magkakatabi kaming magkaka-Tupa. Wala nga lang si Ms. Kris. Nagbigay si Sir Joel K ng interest sa utang niya sa akin. Paid na ang two months niya. Pero, si Mam Gigi, ni hi, ni hoy, wala. Tatlong buwan na siyang hindi nagbibigay. Nakakadala talaga magpautang. Ako pa ang nahihiyang maningil. Past five na kami nakalabas sa school. Pero dahil wlang mini-bus sa Baclaran, matagal akong nahintay. Past 8 na nang dumating. Very late na tuloy ang dinner ko. Gayunpaman, happy pa rin ako. Nakapaghanda pa nga ako ng activity sheet para sa talk ko bukas sa Inset. Mayo 22, 2018 Naging successful ang talk ko. Nag-participate ang lahat. All ears sa sila. Nakatutuwa! Nasasanay na akong humarap, mag-educate, at mag-entertain ng mga professionals. I hope,mas marami pa akong engagements like this. After ng Inset, nag-bonding kming 10000 group sa Max's sa HP. Antagal namin doon kaya marami kaming kuwentuhan at tawanan. Nakakawala ng stress. Nakauwi ako ng bandang alas-9. Sobrang traffic kasi sa Cavitex. Mayo 23, 2018 Maaga akong nakarating sa school kanina. Nakasakay kasi ako kaagad. Naging maayos na rin ang tulog ko kahit paano. Ito ang ikatlong araw ng Inset. Unang talk pa lang, live na alive na ako. In fact, tatlong beses akong nagbigay ng insights. Ang isa roon ang may naging malaking impact sa kanila. Nalungkot lang akong bigla nang malaman kong hindi pumasa si Emily sa LET. Gayunpaman, hindi ko pinaramdam sa kaniya na isang pagkatalo iyon. I gave her good words instead. Gusto ko pa rin siyang suportahan. Hapon, naging makabuluhan ang bawat minuto dahil sa mga kuwentuhan at tawanan. At ang pinakamagandang nangyari ay nang lumapit sa akin ang ilang co-teachers ko at nagpahayag ng kanilang kagustuhang matutong magsulat. Kaya naman, agad ko silang in-orient. In-inspire ko sila sa pamamagitan ng nagpapakita ng resibo ng natanggap kong working money at ang hard copy ng books. Enjoy na enjoy akong gawin iyon. Ngayon pang kasi nila na-realize na totoong may future sa writing. I hope mas dumami pa ang ma-inspire ko. Maaga-aga akong nakauwi sa bahay ngayon. Niyakap ko si Inday at sinabihang "It's okay!" Nagulat siya. Tuwang-tuwa naman si Zillion dahil sa pasalubong kong ice cream. Mayo 24, 2018 Dahil maaga akong nakarating sa school, nakausap ko uli si Ma'am Irika tungkol sa pagsusulat ng kuwentong pambata. Natutuwa ako dahil sa kanyang ipinakitang interest. Kaya, I made sure na mas marami pa siyang natutuhan sa akin kanina. Nag-take notes pa nga siya. Nang dumating naman si Sir Joel, siya naman ang in-inspire ko. Hibdi ako nabigo sa kanya. Sobra siyang na-inspired. Naging maayos pa rin ang ikaapat na araw ng Inset kanina. Marami akong natutuhan. May naibigay din akong suggestion tungkol sa feeding program. Hapon, nakaramdam ako ng sobrang antok. Nawala lang iyon dahil nakipag-usap ako sa two-year na anak ni Mareng Lorie. Tuwang-tuwa ako sa kanyang kabibuhan. Past seven ako nakarating sa bahay. Pagod, pero masaya dahil natuwa si Zillion sa mga pasalubong ko. May LET reviewer din para kay Emily. Nahiram ko iyon kay Ma'am Nicka. Mayo 25, 2018 Masaya ang umaga ko kanina kasi nakabiruan ko sina Ma'am Vi, Ma'am Nicka, at Ma'am Joann. Kaya naman, masaya rin akong nag-emcee sa culminating program ng Inset. Sayang hindi natuloy ang despidida kay Ma'am Dang. Hindi siya pumasok, e. Past 3, nagkayayaan kami nina Sir Erwin at Ma'am Edith na pumunta sa Harrison Plaza. Tamang-tama kasi bibili ako ng payong para sa akin, kay Emily, at Hanna. Bibili rin sana ako ng Bob Ong book na 56 at Segundo Matias' Moymoy Lulumboy, kaya lang, wala raw. Past 7 ako nakauwi sa bahay. Masaya ang mag-ina ko sa mga dala at pasalubong ko. Mayo 26, 2018 Nagmadali akong makarating sa Antipolo. Past nine o' clock, naroon na ako. Expected na nina Mama at Shimi ang dating ko, kaya medyo nagulat na lang sila. Wala roon sina Hanna at Zildjian. Okay lang. Ang mahalaga, naidala ko ang mga school supplies nila at nakapag-iwan ako ng pera. Bale P7500 ang nawala sa aking pitaka. Okay lang din. Masaya naman ako. Napasaya ko nga rin si Shimi nang abutan ko siya ng limandaan. Wala pang kinse minutos, umalis na rin ako agad. Gustuhin ko man, hindi puwede dahil kailangang kong makabalik para si Emily naman ang makaalis. May ipapadala siya sa Aklan. Pupunta roon sina Kuya Emer at Lorie. Past one, nasa bahay na ako. Sobrang init ng pagbiyahe ko, kaya nang makaalis na si Emily, saka ko naramdaman ang epekto niyon. Sobrang sakit ng ulo ko. Parang binabarena. Ang tagal mawala. Mabuti nga't kahit paano ay nakaidlip ako. Gabi na nang mabawas-bawasan nang kaunti. Nakatulong yata ang pag-inom ko ng kape. Mayo 27, 2018 Bumangon ako nang masaya para maghanda ng almusal. Kaya lang, nainis ako nang matatapos na akong kumain dahil may kapitbahay na gustong magsanla ng ATM at post-dated check. Allergic na ko sa mangungutang kaya hindi ko pinagbigyan. Bahala na siya magalit. Hindi naman kami talaga magkakilala. Mahirap nang magtiwala sa panahon ngayon. Naglinis din ako sa banyo. Bago pa bumangon ang mag-ina, tapos ko na. At, maghapon akong nanunod ng tv. Hindi naman ako nakaidlip dahil sa ingay at init. Mayo 28, 2018 Kick-off ng Brigada Eskuwela kanina. Natuwa ako sa mga nangyari kanina. Una, paisa-isa kaming (1000 group) dumating. Naka-black shirt kami, instead na white. Ito ay hindi ayon sa kagustuhan ng principal namin. Sumisimangot siya tuwing darating ang isa sa amin na nakaitim. At tuwing magpapalit naman kami, natutuwa siya. Ikalawa, nagulantang ang lahat nang magpalit kami ng uniform na kami ang meron. Sa ginawa namin, ipinakita naming kaya naming sumuway sa kagustuhan ng boss. At, solid kami. Nakapaglinis ako ng classroom ko. Hindi nga lang ganoon karami. Nilabas ko lang ang mga upuan. Nagpa-mop ako. Then, inayos ko ang padlock. Tumambay na ako sa baba, kasama ang aking friends. Tumanggap kami ng mga parents na nagpapa-enroll ng kanilang mga anak. Past 4, nagkayayaan kaming maghalo-halo sa Chowking. Natagalan kami roon sa kakakuwentuhan. Past 8 na ako nakauwi sa bahay. Antok na antok na ako. Parang sumasara na naman nga ang talukap ng kanang mata ko. Twice ko nang naranasan ang ganito. Sana wala pa akong eye problem. Mayo 29, 2018 Ako ang pangalawang dumating sa school kanina. Matagal akong naghintay sa mga kaibigan ko para makapag-almusal kami. Nakapagsimula na nga akong maglinis. Tinulangan ako ni Adrian, VI-Topaz 2017-2018, sa pagpasok ng mga upuan. Then, binigyan ko siya ng mga apel na ibebenta niya. Ibinigay ko na sa kanya ang kita. Si Lester Ware naman, pinaurang ko ng P500. Siya ang isa sa mga pinakauna kong estudyante sa GES. Naawa ako sa kanya kaya pinahiram ko siya. Isa pa, makulit. Ayaw ko lang siyang mawalan ng kita araw-araw. Sira raw kasi ang rayos ng pedicab niya. Nag-chat kami nang makauwi n siya. Pinayuhan ko siyang lumayo sa mga bisyo at mga kaibigang nagbibisyo. Sabi naman niya, may pangarap siya sa buhay at isasama niya ako sa panalangin niya. Natutuwa na naman ako sa nangyari sa group ko kanina. Naka-red shirts kami. Then, after lunch, nag-pictorial kami, gamit ang dust pan. Ginawa naming selfie stick, habang may kumukuha sa amin ng larawan. Sabay-sabay kaming umuwi, bandang alas-3. Maaga akong nakauwi. Lumalala ang kanang mata ko. Piniktyuran ko kaya nalaman kong namamaga. Kaya pala, kumikipot. Naisip kong baka nabunutan ng pilikmata, kaya namaga. Ayaw kong mabulag. Sana maging okay na. Mayo 30, 2018 Past 9 ng umaga, pumunta kami ni Ma'am Joann sa Don Carlos Village Elementary School para pirmahan ang joint ownership ng mga akda namin. Nalungkot ako kasi mali ang spelling ng pangalan ko. Kaya, nag-iwan na lang ako ng pirma sa isang blankong papel para hindi na ako pumunta. I-scan na lang nila. Ayaw ko pa naman ng ganoon baka magamit sa ibang bagay ang pirma ko. Sabagay, tiwala ako sa St. Bernadeth Publishing. Gayunpaman, natuwa ako nang malaman kong matatapos na ang initial printing sa June 15. Sana maging pera na sa August. Hindi rin kami nakaalis doon agad. Nagpatulong pa si Ma'am Nhanie sa paglilinis ng classroom niya. Then, nilibre niya kami ng lunch. Past 1:30 na kami nakabalik sa school. Sobrang antok ko pero hindi naman ako nakaidlip doon. Nang nakauwi naman ako bandang alas-4:30, hindi rin ako nakaidlip. Tapos, masakit pa ang mata ko. Nag-hot compress naman ako. Mayo 31, 2018 Maghapon akong nag-assort ng mga kaapelan ko. Andaming dapat itapon, pero nanghinayang ako. Kaya, halos kalahati pa rin ang naitabi ko. Mahahalaga pa rin sila. Ang kalahati naman ay maaari ang ibenta. Alas-singko na ako lumabas sa school. Gabi, pagkatapos mag-dinner, nauyam na naman kami sa kapitbahay naming bukbukin ang mukha. Nakakaasar talaga! Sumigaw ba naman. Ang baho raw. Paano kaya niya naamoy ang kapiranggot na tae ng tuta? Sabi ni Emily, kaninang umaga rin daw, sumigaw-sigaw rin siya ng mabaho nang kinuha ng garbage truck ang mga basura namin. Natural lang namang mabaho ang basura, lalo na't dalawang linggo na iyon. Kulang lang talaga siya sa pansin, pinag-aralan, at kabutihang-asal. Kuang rin siya sa anak. Wala siyang pinagkakaabalahan kundi ang manira ng kapwa at mood ng kapwa. Sana gawin niya pa uli bukas kay Emily para maireklamo na siya sa barangay.

Friday, April 27, 2018

Walong Gabi ng Pag-iisa


Simula nang umalis sina Daddy at Mommy para magbakasyon sa    Baguio, natuto na akong matulog mag-isa sa kuwarto. Pero, pitong gabi akong hindi nakatulog nang husto. 

                 "Good night,     Zillion," sabi ni Tita Judy sa akin. Pagkatapos niya akong kumutan,  pinatay na niya ang ilaw, saka lumabas sa kuwarto. 

                 Mayamaya, bumangon ako para buksan ang ilaw at isara nang maigi ang pinto at mga bintana. Hindi ako nagtalukbong ng kumot, pero hindi ko ipinikit ang aking mga mata.

                 "Zillion?" ang tawag ni Tito Jefferson. "Bakit nakabukas pa ang ilaw?"

                 Agad ko siyang pinagbuksan ng pinto. "Hindi po kasi ako makatulog," paliwanag ko pa. 

Ngumiti ang aking tito at inakbayan niya ako patungo sa kama ko.

Nagkuwento na ako sa aking tito.

"Noong Linggo, nagulat ako sa babaeng nakaputi dahil lumusot siya mula sa kabinet. Lumulutang siya habang siya ay papalapit. Nang binuksan ko ang ilaw, nawala siyang bigla."

"Noong Lunes, nagising ako sa sanggol na umuuha. Nang sinilip ko iyon sa bintana, halos matumba ako sa pagkabigla. Isa palang nakakatakot at mukhang matandang bata ang umiiyak. Mahahaba at matutulis ng ngipin niya. Bumalik ako sa higaan at nagtalukbong ng kumot kong pula."

"Noong Martes, natakot ako sa malaking boses ng higanteng lalaki, na may tatlong mata. Pilit niya akong kinukuha. Mabuti na lang, nakatago ako sa ilalim ng kama."

"Noong Miyerkules, nasilaw ako sa liwanag na nagmula sa kalawakan. Nang sumilip ako sa bintana, mga kakaibang nilalang ang bumababa mula sa hugis mangkok na sasakyan. Mga hugis-tao sila, ngunit kamukha ng mga berdeng palaka. Sumigaw ako nang sumigaw hanggang dumating si Tita."

"Noong Huwebes, dinalaw ako nina Lolo Antonio at Lola Dominga. Mga patay na sila, kaya hindi ako lumapit sa kanila. Nagtakip na lang ako ng unan sa mukha."

"Noong Biyernes, naalimpungatan ako sa huni ng itim na ibon. Para siyang kumakatok sa salamin ng bintana. Nang lapitan ko iyon at pagbuksan, napaurong ako nang nagpalit iyon ng anyo. Iyon ay naging malaking paniki. Kasinglaki ng tao. Sa kabinet, pinagkasya ko ang katawan ko."

"Noong Sabado, natuwa ako sa pagliwanag ng aking kuwarto. Nakapasok kasi ang mga alitaptap. Pero, napasigaw at natawag ko ang mommy at daddy ko dahil ang mga insektong iyon ay naglikha ng apoy. Muntik nang masunog ang kama ko. Mabuti na lang, napaihi ako."

"Kagabi, magdamag akong hindi natulog. Sinara ko nang maigi ang pinto at mga bintana. Binuksan ko ang ilaw. Natalukbong ako ng kumot. Narinig ko ang oras-oras na pagtilaok ng mga manok ng kapitbahay, ngunit wala akong naramdamang kakaiba."

"Nagtataka po ako. Mayroon po ba talagang mga kakaibang nilalang o mga panaginip ko lang sila?" tanong ko kay Tito Jefferson.

Tawa nang tawa si Tito Jefferson.

“Ngayong gabi, sino na naman po kaya o ano na naman kaya ang gagambala sa pagtulog ko?"

"Wala na, Zillion, kapag magdasal ka sa Panginoon. Nag-pray ka na ba?"

Napakamot ako ng ulo. "Hindi pa po. Pitong gabi na rin po pala akong hindi nagdarasal bago matulog."

"Kaya pala. O, sige, bago ka matulog ngayon, magdasal ka. At, bukas, darating na ang mommy at daddy mo."

"Yehey!" Pagkatapos, humiga na ako. 

"Good night, Zillion!" bati ni Tito Jefferson bago niya pinatay ng ilaw.

“Good night din po!" 

Paglabas ni Tito Jefferson, nagdasal ako gaya ng turo sa akin ng mommy at daddy ko. At, nakangiti akong pumikit. Alam kong makakatulog na ako. 

"Good morning, Zillion!" Nagulat ako sa bati ng mga nakangiting magulang ko.

Niyakap ko sila nang mahigpit. "Mommy, Daddy, kaya ko na pong matulog mag-isa sa kuwarto ko."

"Mabuti naman, anak, kung ganoon," sabi ng mommy ko.

"Salamat sa Diyos!" bulalas ni Daddy.

"Opo! Salamat po sa Kaniya dahil Siya pala ang nagbabantay kapag natutulog tayo."












Sunday, April 15, 2018

Kung Mahina Lang Ako

Kung Mahina Lang Ako

Kung mahina lang ako, matagal na akong sumuko,
matagal na sana akong naglaho dito sa malupit na mundo.
Sa kamay ng hayok na barako,
nasira, nawasak ang aking pagkatao.
Daig pa ang napakalakas na bagyo,
kung paanong kamusmusan ko ay binayo.
Wala ngang naging sugat, walang tumulong dugo, pero hindi pa naghihilom ang poot ko.

Kung mahina lang ako, matagal na akong nagpalit ng anyo--
mula sa inosenteng tupa hanggang sa mabangis na toro, na nanunuwag, nanunungkal ng kapwa-tao.
Matagal na sana akong nagbalatkayo upang bawat isa, sa akin ay hihipo, na parang santa o santo at pag-aagawan ang laman ko.


Kung mahina lang ako, matagal nang iba ang pangalan ko-- iba sa umaga, iba sa gabi, habang nag-iiba ang kulay ng mga labi ko.
Ngunit dahil namuo ang pusong mapaghiganti, isa pa rin akong lalaki.
Nawalan man minsan ng dangal, ngunit patuloy na nagmamahal,
patuloy na tumatayo,
nagtatago,
nagpapakasarap,
nagpapanggap,
tumatakas,
umiiwas,
lumalaban,
nasasarapan...
sa mundo ng kapusukan.

Sunday, April 8, 2018

Kumusta ang Childhood Ko?

KUMUSTA ANG CHILDHOOD KO?
Hindi ko na-enjoy ang childhood ko.
Nakakapagod. Nagpalipat-lipat ng tirahan. Nakamulatan kong nasa Bicol kami noon. Nakatira sa isang perpektong halimbawa ng bahay kubo.
Kaya lang, isang gabi, bigla na lang nasunog ang aming tirahan. Narinig kong sinunog iyon ng aking ama. Hindi ko naintindihan kung bakit. Basta nakitira kami sa bahay ng tiyo ko. Sa bodega kami tumira ng ilang buwan.
Sumama ang ama ko sa pangingisda. Noon nagsimula ang pangarap kong maging mangingisda someday dahil  tuwing gabi nag-uuwi ang ama ko at mga kasamahan niya ng iba’t ibang klase ng isda. Ang iba nga ay buhay pa.
Bago ako mag-Grade One, pinatira kami sa dating bahay ng tiyo ng Mama ko. May mga kaibigan naman ako doon, pero hindi ko sila maalala dahil bago pa magtapos ng klase, lumipat kami ng bayan.
Sa isang liblib na bayan, kami napadpad. Pinatira kami sa pahilis na bahay ng kumpare ng Papa ko. Hindi ko alam kung paano kaming nagkasya sa pahilis na bahay-kubong iyon. Lima kami. Basta in-enjoy ko na lang ang kapaligiran doon. Marami kasing mga puno doon na aking naaakyat. Mga ilog na aking nalalangoy at napapaliguan. Mga palayang maraming hito. May mga kalaro rin ako roon, pero hindi ko sila ngayon maalala.
Kababa ko lang sa entablado para kunin ang 5th honors ribbon ko, umalis na kami sa baryong iyon. Patungo kami sa Maynila.
Dumaan lang kami sa kapatid ng Mama ko. Pagkatapos, sa Tarlac ko natagpuan ang pamilya namin. Malungkot lang dahil hindi namin noon kasama ang aming ama. Kung ano man ang dahilan, hindi ko pa alam hanggang ngayon. Basta noong nag-aaral na ako ng Grade 3, wala pa rin si Papa. Si Mama lamang ang gumagawa ng paraan para mabuhay kami roon. Nagtitinda siya ng ice candy sa labas ng paaralan namin. Ikinahihiya ko siya noon sa aking mga kaklase. Ayaw kung malaman nilang siya ang ina ko.  Later, nalaman din nila. Kaya, nakakalapit na ako kapag recess.
Doon ko naranasan ang mamulot ng mga laruan. Magtinda ng mga kendi at kukutin sa mga kaklase para may dagdag baon. Natuto akong mangupit sa tindahan ng tiya ng Mama ko dahil kapos talaga kami sa baon.
Sa gabi, gumagawa kami ng pambalot ng tinapa o balut. Gawa iyon sa telephone directory. Kada 100 na piraso, maibebenta namin iyon ng P2.
Kalagitnaan na ng taon nang dumating ang aking ama. Nakapasok naman siya sa isang aircondition repair shop. Kahit paano, natigil na si Mama sa pagkakayod-kalabaw. Pero, hindi niya itinigil ang pagluluto para sa mga kakilala at kapitbahay na may handaan.
Nakakapagod.
Lumipat na naman kami sa Cainta, bago pa magtapos ang klase. Hindi ko na nga nakuha ang 3rd honors ribbon ko.
Iniwan kami ng kuya ko sa pangangalaga ng kapatid ng Mama ko dahil may trabaho ang mga magulang namin sa garments factory sa Manila. Kasama nila doon ang tatlong taong gulang kong kapatid.
Ang hirap makitira sa kamag-anak. Bukod sa kailangan kong matuto sa mga gawaing bahay, hindi pa ako kailangang magkasakit dahil hindi sila tulad ng aking mga magulang kung mag-alaga.
Okay naman ang pag-aaral ko. Kaya lang, kalagitnaan ng school year, lumipat na naman kami. Bumalik kami sa Bicol. Napunta ako sa last section. Malala ang mga ugali ng mga kaklase ko. Wala akong honors after ng school year. Okay lang. Alam ko namang natuto ako.
Grade Five ako, nakabalik na kami sa dating lupang kinatitirikan ng bahay-kubong sinunog ng aking ama. Pero, bago napatayuan ng mas malaking bahay-kubo, nakitra muna kami sa napakaliit na bahay-kubo ng pinsan ng Mama ko. Mas maliit pa sa pahilis na bahay-kubo. Mabuti na lang, wala pang klase noon.
Nang may klase na, nakalipat na kami sa mas malaking bahay-kubo. Noon ko lang yata na-enjoy ang kabataan ko dahil marami na akong kalaro. Marami na akong nakakalarong pinsan at kapitbahay. Doon ako natutong magbisikleta, lumangoy sa ilog, kahit baha, maghanap ng niyog para ibenta, at kung ano-ano pa.
Tatlong taon kong na-enjoy ang kabataan ko. Pero, pagkatapos niyon, hindi ko na naman na-enjoy ang aking pagbibinata dahil noong first year ako. Naiwan kaming magkakapatid sa pangangalaga ng aming ama dahil nagtrabahong muli ang Mama ko sa Maynila. Unti-unti ngang nasemento ang bahay naming, pero kinailangan kong kalimutan ang pagiging bata dahil naiwan ang tatlong taong gulang na pinsan ko, na inampon ng aking mga magulang. Ako ang tumayong ama’t ina.
Mahirap palang pagsabayin ang pag-aalaga ng bata at pag-aaral. Si Papa ang yaya kapag nasa school ako. Ako naman sa gabi at kapag walang pasok. Lalo akong natuto ako sa lahat ng gawaing-bahay.
Kung nakakapagod ang pagapalit-lipat ng tirahan at kung mahirap ang naging buhay namin sa bawat lugar na aming napuntahan, masalimuot naman ang karanasan ko simula pa noong hindi pa ako nag-aaral.
Masakit. Napakasakit. Pero, napagtagumpayan ko. Naitago ko. Walang nakaalam. Wala akong pinagsabihan.
Ang masama lang, apektado ang pagkatao ko. Natakot ako. Nawalan ng tiwala. Nagduda. Nag-iba ang pananaw. Naging mahalay.
Sa murang edad, natikman ko na ang pang-aabusong seksuwal. Isa. Dalawa. Tatlo. Marami. Paulit-ulit.
Ang mga pangyayaring iyon sa nakaraan ko ay lingid sa mga magulang ko, sa mga kapatid ko, sa mga kamag-anak ko, at sa mga kalaro ko. Kung may magtatanong kung bakit hindi ako nagsumbong, ang sagot ko ay isa ring tanong--- “May maniniwala ba?”
Kung tatanungin ako kung masaya ang childhood ko, ang sagot ko ay ‘Oo. Masaya.’
Masaya ako dahil sa bawat lugar na marating ko, samu’t saring kuwento ang nabuo. Masakit man ang iba, pinatatag naman ako ng mga iyon.

Tuesday, April 3, 2018

Ang Aking Journal -- Abril 2018

Abril 1, 2018 Marami na naman akong napaniwala nang nag-post akong nasa Cebu ako. Hindi talaga ako nabibigo kapag April Fool's Day. Isa na sa mga napaniwala ko ay ang 1000 group, si Roy, at ang mga pupils ko. Ayaw nilang wala ako sa graduation nila. Naalala ko, last year, nag-April Fool's Day post din ako. Akala ng pupils ko ay nasa Davao talaga ako. Nagkatotoo naman this year. Kamakailan lang, nasa Davao nga ako. So it means, baka next year ay makarating na ako sa Cebu. Hopefully. Past 8, nasa school na ako. Nauna pa ako kay Ma'amm Laarni at sa mga kasamahan ko. Kaya naman, nakapagsimula kami bandang alas-diyes na. Okay lang naman dahil may paalmusal si Ma'am. Masaya naman ang stage decoration namin. Marami naman kaming nagtulong-tulong. Past 5, tapos na kami. Kaunting linis at pulido na lang bukas ang gagawin namin.Masakit ang likod ko bago pa kami natapos. Sana mawala na ito bukas.Nakaalis na rin pala sina Epr at Judy. Ayon kay Bro, may lalakarin lang daw siya. Pinayagan ko na. Sana work na ang nilalakad niya. Gusto kong magkaroon uli siya ng trabaho. Manganganak ang misis niya sa June. April 2, 2018 Past 10 pa lang, nasa school na ako. Inayos ko pa kasi ang mga medals at diploma. Hindi naman ako gaano ka-excited. Kailangan lang talaga. Gayunpaman, naging maayos ang daloy ng graduation ceremony. Nagsimula nang late, pero hindi ganoon katagal. Minuterls late lang. Ang problema lang ay sobrang init, lalo na't naka-amerikana ako. Hulas na nga ko pagkatapos. Ang pangit tuloy ng mga pictures ko with my pupils. Okay lang naman. At least, masaya ang mga pupils at parents. Thankful sila sa akin. Sa speech ng may mataas na karangalan, hindi ako maiyak. Kung ang unang gawa niya sana ang binigkas niya, baka naluha ako. Ipinabago kasi ng principal. Maganda naman ang mensahe. Hindi ko nga lang dama. Mas nadama ko siya nang nilapitan niya ako at ng mommy niya habang umiiyak. Alam kong malaki ang nagawa ko sa isang bahagi ng buhay niya. Thankful ako roon. Past 10 na ako nakauwi. Masakit ang ulo ko. Hindi nga ako kaagad nakatulog. Abril 3, 2018 Nahirapan akong sumakay nagkawalan ang mga colorum na bus. Kaya naman mas nauna pang dumating ang mga estudyante ko. Binuksan na nila ang classroom. Okay lang naman. Excited sila sa classroom closing program. Past 9, sinimulan ko ang paggawad ng ribbons, certificates, at medals. Tuwang-tuwa ang mga nakatanggap ng awards.Prinesent ko rin sa kanila ang spoken word poetry ko. Naiyak ako sa part na may kinalaman sa ama. Nag-iyakan din ang iba, lalo na si Althea at Chealsey, na parehong broken ang pamilya. Pagkatapos niyon, selfiehan at kainan. Natuloy ang blowout ni Chealsey para sa mga kaklase at guro. Napakain niya halos lahat nang mga pumasok na guro. Natuwa ako sa mga parents na talagang nag-support sa closing program. May mga take home pa akong ulam at regalo. Kaya naman, tuwang-tuwa ang aking mag-ina sa mga pasalubong ko. Pero, mas natuwa ako sa mga iyakan, paalaman, at yakapan na nangyari kanjna. I'm sure titimo iyon sa puso ng bawat isa. I know naging at mananatili akong part ng buhay nila. Abril 4, 2018 Gustuhin ko mang matulog hanggang 8 am, hindi ko magawa. Kusang dumidilat ang mga mata ko. Nasanay ako sa paggising sa madaling araw. Kaya naman kahit 10 am pa dapat ako makakarating sa school past 8 ay naroon na ako. Okay lang naman kasi may mga dapat pang ayusin. Na-miss ko namang bigla ang VI-Topaz nang pumasok ako sa classroom namin. Nanibago ako. Hinanap ko ang mga ingay nila. Haist! Isang makabuluhang araw ito para sa akin. Nakapagpahinga ako at naka-bonding ko pa ang 1000+ group. Nagkainan kami sa Chowking-HP bandang alas-3:30 ng hapon. Six-thirty na yata iyon nang matapos kami. Eight na ako nakauwi. Abril 5, 2018 Naipasok ko na sa envelope ang kanya-kanyang cards, pictures, at good moral ng estudyante ko pagkatapos ng GES Faculty Meeting at GES Coop General Assembly. Past 3, nagkayayaan naman ang 2000 group na mag-late lunch dahil hotdog at kanin lang ang almusal naming faculty members kanina. Sa Mang Inasal kami pumunta. Nagulat ako sa kakayahan kong kumain. Napakagana ko. Nakatatlong kanin ako. Sa sobra ko ngang busog, inantok ako habang nagkukuwentuhan. Hindi na rin ako halos makakain pag-uwi ko. Tinikman ko lang ang gulay na niluto ni Emily. Sana araw-araw ganoon. Abril 6, 2018 After ng faculty meeting, naghintay kami ng bigayan ng dividend. Nakatanggap ako P4236.88. Nagkayayaan ang 1000+ sa Mang Inasal dahil bitin na naman ang lunch namin. After ng masayang kainan, namili kami sa El Bonita Ukay-Ukay Store. Natuwa ang aking mag-ina sa nabili ko para sa kanila. Natuwa rin ako dahil napangiti ko sila. Abril 7, 2018 Pasado 5:30 ng umaga, nasa schol na ako. Tumulong ako sa paglabas sa mga kasangkapan, props, at pagkaing dadalhin sa 'The Farm Green and Saddle Resort.' Hindi naman agad kami nakaalis dalhin nagkaproblema sa naunang nakontak na van. Mabuti na lang may kilala si Ms. Kris. Okay lang naman dahil kasama ko sa van papunta roon ang 1000+ group. Nakapag-almusal pa kami. Past 9 na kami nakarating sa venue. Halos nandoon na lahat. Na-enjoy naman naming lahat ang mga activities, although ang ilan ay naka-encounter ko na sa isang seminar. Ang mensahe at effect kasi niyon ay mabuti para sa team. Kahit paano ay nakilala namin ang isa't isa. Nabusog ako nang husto sa mga pagkain. Matagal bago ako nakalusong sa pool.Nag-enjoy din ako sa tubig at sa mga mini-games namin doon. All in all, isang masayang team building slash outing ang naganap. Abril 8, 2018 Kahit paano mahaba-haba ang naging tulog ko. May araw na nang bumangon ako. Ang sarap sa pakiramdam ng hindi nagmamadali at hindi kailangang bumiyahe nang maaga. Nag-gardening ako after breakfast. Na-miss ko 'to! Nakapagsulat din ako ng update sa nobela ko. After lunch, umidlip ako sa kuwarto. Kahit mainit, nakatulog ako. Iba talaga kapag nagpupuno ng mga kakulangan sa tulog. Abril 9, 2018 Naging mainitin ang ulo ni Emily dahil naglalaba siya. Ang sarap niyang awayin dahil dito. Gusto kong sabihin sa kanya na "Gumawa ka nang masaya upang pagod ay hindi niya madama," at "Huwag mo kasing ipunin ang mga labahan nang hindi ka matambakan." Nakakainis kasi. Akala mo siya lang ang napapagod. Binilhan na nga ng washing machine, may problema pa rin. Mabuti na lang talaga, marunong pa akong magtimpi. Idinaan ko na lang sa pagsusulat at pagbabasa ang lahat. Abril 10, 2018 Eight-thirty na ako nakarating sa school. Before nine, nag-issue na ako ng cards. Halos nagpunta lahat ang mga parents/guardians ng pupils ko. May mga ilang estudyanteng sumama. Before 11, wala nang kumukuha. Nakapagbayad ako ng P2600 mula sa nakolekta kong bayad sa mga pictures. Ang problema, wala pa ang class pictures at ang mga diploma pahabol. Kaya, babalik pa sila para i-claim. Past 4:30 na ako umalis sa school, kasama sina Papang at Mj dahil saka lang kumulimlim ang langit. Past 6, nasa bahay na ako. Nag-iba ang mood ko nang makumporma kong wala ang mag-ina ko. Sobra ang inis ko dahil hindi na nga nag-text o nag-chat, hindi pa nag-iwan ng note kung saan sila pupunta. Alam ko namang nasa Taguig lang siya, pero karapatan kong malaman. Hindi porke't sinabi kong ayaw kong tinitext niya ako, hindi nangangahulugang hindi na siya magpapaalam. Kawalang respeto iyon. Ipinakikita niya lang na hindi ko rin siya dapat irespeto at pahalagahan. Lalo pa akong naiinis kapag naiisip ko na hawak niya ang P35,000, na para sa pagpapagawa ng dirty kitchen at laundry area namin. Huwag na huwag siyang magkakamali. Maliit na halaga lang iyon. Abril 11, 2018 Nakatulog ako nang mahaba-haba kahit mag-isa lang ako at kahit iniisip ko ang mag-ina ko. Hindi ako pumasok kasi alam kong hindi pa sila makakauwi. Kawawa ang alaga naming aso. Walang magpapakain. Mabuti na lang din dahil dumating ang kinontak kong ahente ng PLDT Home Ultera, na si Ms. Daisy Oncepido, para sa filling out of application form. Kumuha ako ng Plan 1299. Fifty GB na iyon at 10 mbps. Mahal pero mabilis ang net. Past 1, humingi ako ng clearance para makabitan ako ng internet. Past 6 na dumating ang mag-ina ko. Hindi ko nagawang talakan at pagalitan ang asawa ko. May dahilan naman kasi ang pagbisita niya sa kanyang pinsan. Ang mali lang niya ay hindi siya nag-iwan ng note. Next time, magagalit na ako sa kanya. Abril 12, 2018 Past 10:45, nagpa-medical kami ni Ma'am Bel sa Japedia. Nauna na sa amin sina Papang at Mj. Mas nauna lang si Mj kay Papang. Hinintay naman kami ni Papang doon, kaya sabay-sabay kaming lumabas. Nang nasa Japedia ako, nagwo-worry ako sa Pag-ibig Fund monthly premium ko. May tumawag sa akin. Hindi pa raw nakarehistro sa sistema nila. Kaya, kinontak ko si Emily na puntahan niya ang nagbigay sa kanya ng reference number para bayaran ang amortization namin. Mabuti na lang, may load at signal pa ang wifi. Na-confirm ko sa online ng Pag-ibig na nakapasok na ang binayad namin. Litse! Scammer ang hayop na tumawag. Lolokohin pa ako. Tumawag pa siya, mumurahin ko talaga. Agad ko namang tinext si Emily para hindi na siya pumunta sa Pag-Ibig branch sa Robinson's Mall Tejero. Nag-try akong gumawa ng MOVs para sa IPCRF, pero dahil mahina ang net hindi ko mai-download ang mga pictures, na nasa FB ko. Inantok lang ako. Nakaidlip ako sa SBM room, kahit paano. Paggising ko, nagyaya na si Papang na maghalo-halo kami, kasama si Makki at Mj. Hapon, pauwi na ako, may nag-text uli. Sinasabi niyang overdue na ako sa Pag-Ibig. Gago! Akala niya sa akin, bobo?! Ang gamit niyang number ay , which is hindi dapat ganyan. Dapat 4-digit number lang at saka pangalan lang ang mag-a-appear. Itext ko nga ng "SCAMMERS, GET LOST!" Hindi siya nag-reply. Andaming manloloko ngayon. Bakit kaya hindi sila magtrabaho nang patas at legal? Abril 13, 2018 Friday the 13th ngayon. Naging masaya ang araw ko. Naka-bonding ko kasi ang 1000+ group sa pananghalian. Nagluto si Ma'am Bel ng chicken feet. Sobrang sarap ng kain namin. Past 5:30 na kami nakapag-out. Pagod man akong nakauwi sa bahay, masaya pa rin. Nalungkot lang ako nang kumustahin ako ni Emily kung ano ang result ng medical ko. Sabi ko, "May PTB ako." Ramdam ko nga anh paninikip ng kanang dibdib ko. Kailangan kong maging healthy uli ngayong summer. Abril 14, 2018 Hindi na nagbigay si Dr. Felipa Pagulayan ng final exam sa amin. Tinanong niya lang kami kung satisfied na kami sa grade na ibinigay niya. Nagulat pa nga ako nang memorize niya ang mga hindi pa nabigyan. Absent kasi ako last Saturday, gawa ng teambuilding. Pero, mas nagulat ako sa 1.25 na grade ko sa kanya. Very satisfied ako. Nag-pictorial lang kami at nagmeryenda. Nagdala ng lasagna ang kaklase ko. After that, uwian na. Past 10, bumiyahe na ako pauwi. April 15, 2018 Marami akong nagawa ngayong araw. Nagdilig. Nag-gardening. Naglinis sa kuwarto. Nagluto. Nagbasa. Nagsulat. Atbp. Siyempre, hindi mawawala ang panunuod ng telebisyon at siesta. Sabay-sabay kaming natulog at nagising. Abril 16, 2018 Past 9, nasa GES na ako. Si Ma'am Edith lang ang dumating sa mga 1000+ group ko. Nalungkot akong bigla. Isa pa, wala akong nagawa para sa IPCRF. Sarado ang room ni Ms. Kris kung saan naroon ang printer. Gayunpaman, naging produktibo ang araw ko dahil nakasulat ako ng isang spoken word poetry. Natulungan ko rin si Mj, sa pag-sign up sa PRC Online at sa pagkuha ng schedule sa license renewal. Past 5, umuwi na kami. Uminit ang ulo ko pagdating dahil hindi na naman nasagot ni Emily ang tawag mula sa PLDT na magkakabit ng internet. Grabe! Iyon lang, hindi pa magawa. Chinat ko ang ahente na si Mrs. Daisy Oncepido. Sana maipaabot niya ang mga sinabi. Natatakot akong ma-scam. Baka dumating na point na sisingilin nila ako ng comsumption ko dahil nakapirma na ako. Anyways, application form ang pinirmahan ko. At hindi ako magbabayad kapag may bill agad. Abril 17, 2018 Pagdating ko sa school kaninang mga pasado alas-10, naroon na sina Ms. Kris at Mj. Nag-FB lang kami saglit sa office, saka kami sumabak sa paghanda ng IPCRF.Then, isang masagana at masayang lunch ang nangyari. Nahuli ng dating sina Papang at Makki, pero may natira pang mga ulam para sa kanila. Naipasa ko na ang IPCRF ko bago mag-alas-4. At, may good news na dumating mula kay Ma'am Nhanie. Magkakaroon na kami ng contract signing sa publishing house ng kuwentong pambata. Natuwa ako nang husto nang makita ko ang published book ng "Ang Mahiwagang Refrigerator." Napakaganda! Nakakatuwa rin dahil mababayaran na ako ng P10k sa Biyernes at mabibigyan ng 5 complimentary copies. Walang mapagsidlan ang ligaya ko. Paid off ang pagsusumikap kong makapagsulat ng mga akda. Hindi agad kami (1000+ group). Nagmeryenda muna kami sa Carwash and Restaurant. Inabutan kami roon ng past 7:30 ng gabi dahil sa masarap na kainan, kuwentuhan, at tawanan. Abril 18, 2018 Wala sana akong balak pumasok kanina, kaya lang kinailangan kong tingnan ang mga credentials ko para sa curriculum vitae na niri-require sa akin ng publishing. So, past 10 na ako nakarating sa school.Nagkaproblema pa ako sa laptop pagdating doon. Ayaw mag-charge. Mabuti na lang, nagawa ko namang i-send ang CV ko bago magsara ang office. Natuwa ako nang malaman kong nakabitan na kami ng internet. Gabi, nang dumating ako, ni-reveal ko sa GC ng 1000+ na ililibre ko sa ng P699 tour package sa Tagaytay+Batangas Tour. Blowout ko iyon para sa aking matatanggap na working money. Excited na kaming lahat. Hindi ko pa nasabi sa mag-ina ko. Surprise ko na lang. Abril 19, 2018 Hindi ako umalis ng bahay. Supposedly, dapat nasa Pasay ako para dumalo sa event sa CCP, in connection sa speaking engagement ko bukas doon. Pero, mas pinili ko ang mag-stay para mag-relax, magpahinga, at makasama ang mag-ina ko.Worth it naman ang stay ko. Lalo na nang nai-reveal ko sa kanilang dalawa ang plano ng 1000+ group na mag-Tagaytay. Excited na sila. Naibalita ko rin kay Emily ang tungkol sa book signing at sa expected working money at royalty fees ko. Past 3, umidlip kami. Naistorbo lang ang tulog naman dahil sa pagdating ni Marekoy. Nag-iwan siya ng susi. Okay lang naman. Past 4:30 na rin naman, e. Abril 20, 2018 Maaga pa lang ay nasa Gotamco na ako para pirmahan ang application/enrollment form ng estudyante ko. Pagkatapos niyon, isang malaking pasasalamat ang ibinigay sa akin ng magulang. Nakakatuwa! Mayamaya, bago ako pumunta sa CCP para sa AUTHORities: The 9th Philippine Literary Festival ng National Book Deveoplement Board, nakasalo ko ang prinicpal, ang kanyang asawa, ang office clerk, at si Ma'am Julie. Doon, nalaman nila ang tungkol sa contract signing. Napakasaya ko sa araw na ito. Hindi ko ito makalilimutan. Dalawang rason kung bakit.Una, naging speaker ako sa isang nasyonal na event ng NBDB. Cultural Center of the Philippines iyon! Hindi ko lubos maisip kung paano ako napasabak sa gayong engagement. Salamat sa SULAT Pilipinas at Project BASYANG. Halos manginig ako sa kaba nang nasa harap na ako. Hindi ko rin halos nasabi ang mga gusto kong sabihin, pero naipakilala ko ang antohology books ng VI-Topaz, ang Walang Pamagat at Ang Twenty Seventeen Twenty Eighteen. Grabe! Nakaka-proud sa mga estudyante ko kapag naroon sila. Pagkatapos ng forum, may lumapit na kabaro kong guro. Nais niyang magpatulong kung paano mag-publish ng anthology book. Advocacy rin daw niyang mapasulat ang mga estudyante niya.Nakakatuwa pa dahil bago nagsimula ang session, na "From Mema to Memories: Storytelling in Action," dumating sina Papang at Mj para suportahan ako. Great friends! Hindi naman ako naka-bonding sa SP fam ko dahil kinailangan ko namang habulin ang signing of contract sa St. Bernadette Publishing na nasa QC. Hinihintay na ako sa MRT ng apat kong ka-team. Kaya, kahit wala pang kain, sige ako. Walang mapagsidlan ang excitement namin habang nasa train kami. At, lalong walang mapagsidlan ang saya namin nang naroon na kami, nang makita namin ang mga printed books, nang makadaupang palad namin ang mga tao sa likod ng books such as circulation manager, owner, advocates, at illustrators, nang makasama sila sa pictures, nang tanggapin namin ang working money na P10k each book, at nang mag-sign na kami ng kontrata.Sobrang saya! Hindi ko akalaing makatatanggap ako ng ganoon kalaking halaga dahil sa pagsusulat. Dati-rati, ako pa ang gumagastos para sa books ko at bumibili pa ako ng anthology books mula sa self-publishers. Ngayon, ako na ang binayaran, may royalty pa. Ang masarap pa sa tainga, may National Library pa at may planong ilabas sa bansa. Wow! Royalty is real! Dahil sa biyaya, nagkayayaang kaming kumain sa labas. Dinala kami ni Ma'am Nhanie, ang dahilan kung bakit ako nakasama sa team ng "Ang Mga Kuwento ni 21st Century," sa Tong Yang sa Centris.Nainis lang kaming lahat dahil sa napakatagal na paghihintay. Pero, worth it naman dahil nakapagkuwentuhan pa kami at nakapagplano. Nakilala kong ang mga kasamahan ko. Nag-decide kaming magkaroon ng outreach programs tuwing makakatanggap kami ng royalty. Nasabi ko ang proposal kong tie-up with SP. Pumayag naman agad si Ma'am Nhabie.Sobrang busog ako sa shabu-shabu restaurant na iyon. Sulit!All in all, this day is blessed day! Nakauwi ako at 12:30 am. Antok na antok, pero nagawa ko pang magpasalamat kay sa mga kasama ko, kay Ma'am Nhanie, at sa Panginoon. Abril 21, 2018 Naipaliwanag ko kay Emily ang tungkol sa natanggap kong pera. Nakikinig si Zillion. In-inspire ko siyang magsulat at magbasa para siya ang magmana sa aking nasimulan. Pinangukuan ko rin silang dalawa ng trip to Baguio this summer. In fact, ihinigay ko na sa kanya ang budget. Excited silang pareho.Past 8, nasa biyahe na ako papuntang Pasay. Kailangan daw kasing iwanan ang susi ng classroom.Pagdating ko sa school, nagligpit ako nang kaunti. Ayaw ko kasing may mawala sa mga belongings ko.Then, pumunta na ako sa HP para bumili ng cellphone, laptop battery, ink, at SD card. Nagawa ko naman bago mag-12.Nagbigay si Ma'am Milo ng interest sa utang niya. Kaya lang P1700 lang. Delayed siya ng dalawang buwan. Tapos, kulang pa ng P100. Okay lang. At least, nakaalala.Nakipag-brainstorm ako sa SP para sa proposal kong project sa publishing. Interesado na rin silang kumita. Abril 22, 2018 Hindi naman ko masyadong excited, pero alas-dos pa lang ng umaga ay gising na ako. Marahil, dahil iyon sa sobrang init.Bandang alas tres y medya bumangon na ako. Ginising ko naman ang mag-ina bandang alas-3:45 para maghanda na sa pag-alis.Maaga kaming nakaalis, kaya lang naging buwakaw ang driver ng bus. Punong-puno na, nagpasakay pa nang nagpasakay. Kaya naman, hindi na namin nagawang kumain. Nag-take out na lang kami.Hindi naman kami ang late. Nauna si Ms. Kris at sina Papang.Nakarating kami sa Fantasy World ng bandang alas-10. Worth it naman ng layo at entrance fee dahil instagramable ang ganda ng lugar. Para kaming nasa ibang lugar at nasa dating panahon. Ang saya ni Zillion. Na-enjoy ko rin ang moment na kasama silang mag-ina at ang mga kaibigan ko.Next, sa Caleruega Church kami pumunta. Akala ko simbahan lang iyon, hindi pala. Nature din, kaya na-enjoy ko. Sabi nga ng motto ng simbahan, "Closer to God, closer to nature." Tama!Nahiya lang ako dhil kaming tatlo ang pinakahuling dumating sa van. matagal pa silang naghintay sa amin.Sunod, sa Ginger Bread House kami pumunta. Nagustuhan ko ang lugar. Andming puwedeng pagpiktyuran, kaya lang, nagmamadali na ang lahat para sa lunch. Gayunpaman, nag-enjoy ang anak ko.Nag-lunch kami sa Bulalo Point. Sumakit man ang ulo ko bago nakakain, nabusog naman ako nang todo.Sa biyahe na kami nagpababa ng kijain. Nakatulog nga kami bago dumaan sa Digman Halo-Halo, isang historic na kainan.Past 5, naghiwa-hiwalay na kami. We are hoping na sana matuloy ng ipinangako kong Cebu Esacapades kapag nakakuha ako ng malaki-laking royalty. Thankful din sila sa king treat. Siyempre, nagpasalamat din ako kay Papang, na siyang nag-sponsor ng aming lunch. Abril 23, 2018 Past 8, bumiyahe ako patungo kahit masakit ang kanang dibdib ko, na apektado ang likod ko. Kailangan ko kasing bumili ng tent para sa mountain hiking sa isang bundok sa Atimonan, Quezon.Matagal ko nang gustong bumili ng tent at makapag-mountain climbing. Matutupad na. Thanks, God, sa biyaya!Past ten, nasa SM na ako. Sa Ace ako nakabili ng 4-persons tent ng Coleman. Mahal, pero okay lang. Gusto ko ang magandang quality.Then, tumambay ako sa school. Si Ms. Kris lang ang hindi nakapasok dahil may LBM. Sabay-sabay kming nag-lunch sa isang malapit na karinderya.Sobrang init, kaya hindi ko naglinis ng classroom ko. Nag-stay lang ako sa may office hanggang sa magkayayaang umuwi, bandang alas-4.Dapat pupunta ako sa Book Fiesta dahil naroon ang mga SP members. Kaya lang, naisip ko, nanghihingi na naman ng financial aid ang isa. Hindi ako maramot, ayaw ko lang masanay siya sa pamamalimos. Pupunta sa event nang walang pera, it is a no no!Kaya, nagsinungaling na lang ako. Kesyo, inutusan ako ng principal. Ganyan, ganito. Lusot. Hindi ko siya nakonsente.Ginabi ako ng uwi kasi nagpakulay ko ng buhok ko. Ang tagal kong naghintay dahil sa dami ng customers. Okay lang. Worth it naman. Abril 24, 2018 Naglinis ako ng sala, kusina, at kuwarto ko pagkatapos mag-almusal. Kinalaunan, hinarap ko naman ang paggawa ng floor plan para makakuha kami ng major construction permit. Habang wala si Emily, naghanda naman ako ng entries para sa Carlos Palanca Memorial Awards for Literature. Pinasulat ko rin si Zillion sa kanyang diary. Ikatlong araw na niya sa pagsusulat. Natutuwa akong mabasa ang gawa niya. Kahit paano, magsisimula na ang kagustuhan at kakayahan niyang magsulat ng sariling kuwento. Abril 25, 2018 Past 8, nasa biyahe na kami papuntang Baclaran. Namili kami roon ng mga family shirts. Nahirapan lang kami dhil bihira iyon. Kadalasan, couple shirts ang naroon. Gayunpaman, bago kami nananghalian, nakabili na kami ng tatlong sets. Tuwang-tuwa ang mag-ina ko sa aming napamili. Si Zillion, excited na sa pagbakasyon namin sa Baguio. Dalawang araw na lang daw. Abril 26, 2018 Hindi ako nakatulog nang maayos sa sofa. Nagsisi nga ako kung bakit hindi ako natulog sa kutson. Gayunpaman, bumangon ako nang maaga. Past 9:30, dumating si Kuya Boy. Sinukat-sukat niya ang dirty kitchen na gagawin niya at naglista ng mga bibilhing materyales. Gagawa na siya bukas. After lunch, umalis si Emily para bumili. Past 3, na aiya dumating. Gumastos agad kami ng mahigit P16,000 sa materyales sa paglagay ng bubong at pader. Wala pa rito ang mga kakailanganin sa interior. Okay ang naman. Gusto ko namang mayari na ang dirty kitchen at laundry area namin, bago matapos ng tag-init. Ang hirap kasi. Abril 27, 2018 Naideliver na ang mga materyales ng dirty kitchen at laundry area, ilang minuto pagdating ng mga karpintero. Sinimulan din agad nila ang paggawa. Pasado alas-kuwatro ng hapon, dumating naman ang mag-asawang Epr at Judy. Halos paalis na ang mga karpintero. Pero, alam na ni Kuya Boy na sila ang maiiwanan sa bahay. Past 8 ng gabi, bumiyahe n kami patungong Victory Liner. Past 10:30 na kami nakalarga. Abril 28, 2018 Quarter to five nang dumating kami sa terminal ng Victory Liner. Hindi ko na natawagan si Ate Mackie, owner ng transient house na tutuluyan namin, dahil walang mabilhan ng load. Hindi na niya kami nasundo. Okay lang naman. At least, nagising siya sa aming pag-door bell. Pagkatapos niyang ihanda ang aming kuwarto, natulog kaming mag-anak. Tatlong oras din kaming nakatulog. Ang sarap sa pakiramdam. Agad naman kaming umalis para simulan ang aming pamamasyal. Sa Botanical Garden na kami ng-almusal. Halos doon na rin kmi inabutan ng tanghali. Pero, sa Wright Park kami nananghalian. Bago iyon, nilakad namin ang kinaroroonan ng Camp John Hay, pero hindi namin natunton. Okay lang naman dahil nakapag-brisk walk kami. Malamig naman kaya hindi namin ramdam ang pagod. Pagkatapos namin sa Wright Park, sa Burnham Park kami tumambay. Sumakay kami sa swan ride. Nagbisikleta rin kami. Siyempre, nag-food trip. Masaya kaming tatlo. Nakakapagod nga lang. Inantok kami, kaya bumili kami ng panlatag at nahiga-higa kami sa damuhan. Four-thirty, bumalik na kami sa transient house. Umidlip kami pagkatapos ng meryenda. Ang mag-ina ko, natulog na diretso sa sobrang pagod. Nakinuod nman ako ng telebisyon. April 29, 2018 Ang sarap ng tulog namin. Palibhasa pagod kami kahapon. Sa 456 Restaurant na kami nag-almusal. Pagkatapos, umakyat kami sa Baguio Cathedral. Nag-alay lang ng bulaklak doon si Inday. Sa Strawberry Farm kami sumunod na pumunta. Hindi kami nakapag-picking kasi ang mahal. Nag-picture-taking na lang kami roon. Namili na rin kami roon ng mga gulay at iba pang pasalubong. Next destination, namin ay sa Baguio Market. Nag-lunch lang kami roon at nag-ukay-ukay. Bumuhos ng ulan bandang alas-2. Mabuti na lang nagyaya nang umuwi ang mag-ina ko. Natulog ako pagdating. At, alas-sais ng hapon, umalis na naman kami. Gusto ko kasing ma-experience ng mag-ina ko ang night market at para mabilhan din sila ng mga damit. Habang hinihintay ng alas-9, tumambay muna kami sa Burnham Park. Sa mga ihawan. Malapit doon, doon kami nag-dinner. Inihaw na hito at talong ang ulam namin. Ang sarap ng kainan namin. Napasaya ko ang dalawa sa kanilang first time experience. Kaya kahit pagod at antok at magastos, umuwi kaming tatlo, na masaya. April 30, 2018 Nagmadali kaming makapunta sa Good Shepherd Convent para makauwi agad. Bumili lang kami roon ng ube jam. Pagkatapos, nag-breakfast kami sa may Mines View Park. Nag-picture-picture lang kami roon. Mabilis lang. Nagyaya na kasi agad si Inday. Masakit ang kanyang tiyan. Ayos lang naman dahil kailangan naming makausap si Ate Mackie tungkol sa puppy na ibibigay niya sa amin. Past 11, nagpaalam na kami sa kanya. bitbit namin ang puppy, mga napamili, at mga bagong karanasan. Sobrang saya! Ang sarap sa pakiramdam na nagawa kong ipasyal ang mag-ina ko. Sa terminal, nagkaproblema kami kay Kayla, ang puppy. Bawal daw, sabi ng mga guards. Pero, naniniwala akong maitatago namin ang tuta. Matagal kaming naghintay. Napakaraming pasahero pauwi. Past 4pm na kami nakaalis sa Baguio. At, sa sobrang tagal ng biyahe, nalipasan kami ng gutom. Pasaway pa ang puppy. Tumae. Umihi. Haist! Nakakapagod! Ala-1:30 am na kami nakauwi

Ang Aking Journal -- Hulyo 2026

Hulyo 1, 2026 Muntik na akong ma-late dahil sa bus na nasakyan ko. Panay ang hinto at pick-up niyon ng mga pasahero. Hindi ko na tuloy naa...