Followers

Saturday, October 18, 2014

Redondo: It's a Sign

Alas-kuwatro pa lang ay gising na ako para maghanda sa laban ng broadcasting. Pinagluto ako ni Daddy ng almusal. Sinabayan niya na rin akong kumain. Alas-singko ay umalis na ako ng bahay.

Hindi ko nasilayan si Dindee. Nalimutan niyang bumangon. Sabi niya kagabi ay gigising siya para i-goodluck ako.

Di bale, alam ko naman na gusto niyang manalo ang team ko. 

Alas-otso ay nasa venue na kami. Saka ko lang nabuksan ang cellphone ko. 

"Sori, my Red. d aq ngsing. sNa gnsing mkO. d 2lOy kta nKiSs 4 gudlck." Text niya.

"ok lng, Dee. ayw q n strbuhin p ang 2log mo. u kiss me n lng later. he he."

"Ay wLa ng kiss. dpt gudluck kiss.."

"E, pano pg nanalo?"

"E, di my kisS! kya sna galingaN nu!"

"Ok, pra s Kiss..gglingan ko. thnx!"

"Cge n. Gudluck n enJoy!"

Naging inspired akong makipag-compete. Ang sarap pala talaga kapag may mga taong sumusuporta sa laban mo. Nag-text din kasi sina Mommy at Daddy, pati ang mga kaibigan at mag kaklase ko.

Kaya nang actual na, hindi ako nagkamali. Ang ganda ng delivery ko, gayundin ang mga ka-team ko. Baka pag nagkataon, makapasok kami sa national level. Sana..

Hapong-hapo ako pagdating ko. Alas-siyete na ng gabi ako nakarating sa bahay. Sobrang traffic kasi.

Hindi ako natikis ni Dindee, niyakap niya ako habang nagtatanggal ako ng sapatos ko sa kuwarto. 

"I missed you!" sabi pa niya.

"I missed you, too!" bulong ko.

Then, she kissed me on my lips. Wow! Ang sweet niya. Parang nanalo na ako agad.. It's a sign!

Friday, October 17, 2014

Redondo: Music Videos

Bukas na ang laban namin sa radio broadcasting. Kailangan kong ipahinga ang boses ko. Kaya, hindi muna ako sumali sa mga kulitan, gayundin sa mga class discussion. Sabagay, nag-review lang naman kami kanina. 

Si Riz nga, absent. 

Ako tuloy ang kinulit ni Roma. Nakakapikon. Sarap hambalusin ng armchair. Mas maganda pa rin daw si Riz kesa sa girlfriend ko. Chaka daw si Dindee. Maputi lang daw. 

"Mas maganda pa nga ako." sabi pa ng bakla.

"Ah, ganun ba?! E, di ikaw na ang maganda. Halata naman, e. Ilong mo pa lang, ulam na." ganti ko naman.

Hagalpakan ang mga kaklase namin.

"Hoy mga walanghiya! Knows niyo ba na pinayuhan ako ni Belo na i-retain ko daw ang ilong na to dahil maganda na raw. No need for enhancement." Nameywang pa siya.

Natawa ako. "Tinanggihan ka kamo kasi di kaya yan ayusin ni Belo. Masisira ang credibility niya. He he!"

"Ouch! It hurts! Sakit mo naman magsalita, my Red! I hate you na.."

Nagtawanan kami lalo.

"Kaw ang nauna dyan, e. Pintasero ka kasi. Yan ang napala mo.'' si Gio.

"Isa ka pa!" sininghalan niya si Gio. 

Nagtawanan lang kami. 

Pag-uwi ko naman sa bahay..Naggitara lang ako. hindi ako kumanta. Reserved para bukas.

Naabutan ako ni Dindee. Then, nag-Facebook lang kami together. Nanuod then kami ng videos sa Youtube. Music videos, siyempre.

Maaga akong matutulog ngayon. Kailangan maaga rin akong magising.

Thursday, October 16, 2014

Redondo: Sakit ng Ulo

Ang sakit ng ulo ko pagkatapos ng training namin sa broadcasting. Siguro ay dahil sa aircon at init.

Nawala tuloy ako sa mood. Umuwi akong wala sa ulirat. Para akong lumutang lang sa hangin. Hindi ko namalayan na nakasalampak na ako sa kama ko nang hindi nagpalit ng uniporme.

Ang sakit pa rin ng ulo kahit nakatulog na ako. Si Dindee ang gumising sa akin. Alas-sais na daw kasi. Baka daw, hindi na ako dalawin ng antok mamaya.

Gusto ko sanang makipagkulitan kina Daddy at Dindee para marelax naman ako kaya lang di ko talaga kayang tumayo. 

Pinainom ako ni Dindee ng Paracetamol, pagkatapos hipu-hipuin ang leeg at noo ko. Wala naman daw akong lagnat.

"Kulang lang yan sa Kiss-pirin at Yakap-sule." sabi ni Daddy habang nakasungaw sa may pintuan.

Humagikhik si Dindee. "Oo nga po. Baka umeetchus lang itong baby natin. Ikaw, ha.. artistahin ka na naman." Kinurot niya pa ako sa braso.

"Aray! Hindi ako umaarte. Masakit talaga ang ulo ko."

"Mas masakit pag walang ulo. Bumangon ka na nga dyan. Kakain na po tayo, di ba po Tito?"

"Oo. Halika na kayo." Lumabas na si Daddy.

"Narinig mo ang sabi ni Daddy ko?" tanong ko.

"Oo. Bakit?"

"Halikan na daw tayo!"

"Bastos ka. Bungol!" Kinurot niya pa ako ng mas masakit. Napabangon tuloy ako.

Wednesday, October 15, 2014

Hijo de Puta: Ochenta y dos

Pagkatapos naming maghapunan, nag-load ako ng internet para makapag-online si Lianne. Nag-Facebook siya upang makontak ang kanyang tita sa ibang bansa. Gusto niyang humingi ng financial na tulong para sa chemotherapy ng kanyang ama.

Hindi naka-online ang kanyang tiya kaya medyo nalungkot siya. Gayunpaman, umaasa siyang ang iniwan niyang mensahe ay mababasa agad ng kanyang tiyahin sa lalo madaling panahon.

Pinalakas ko ang loob niya. "Hayaan mo, Lianne, ilang araw na lang ay makakabalik na ako sa trabaho. Makakatulong na ako sa'yo."

Bakas sa mga mata ni Lianne ang lungkot nang tumitig siya sa akin habang nagsasalita."Sapat na ang pagkupkop mo sa akin. Kalabisan ng maituturing na iasa ko pa sa iyo ang pang-chemo ni Papa. Salamat, Hector!"

"Masaya akong natutulungan ka." Tinabihan ko siya at ginagap ang kanyang palad. "Huwag mo na akong ituring na iba, Lianne."

"H-hector..?" Ibinaba niya ang tingin. Tiningnan niya ang kamay ko na nakahawak sa kamay niya. Hinawakan pa niya ng isa pa niyang kamay ang kamay ko. "Paano ba ako makakabayad sa'yo?"

"Sapat nang narito ka sa bahay ko.." Halos pabulong kong sagot. "Huwag mo akong iwan, Lianne."

"Oo, hindi ako aalis hanggang hindi ako nakakabayad sa'yo.."

"Hindi naman ako naniningil.."

"Salamat, Hector.." Niyakap niya ako ng mahigpit. Naramdaman ko ang kanyang malulusog na dibdib. Wala siyang bra. Bigla akong nakaramdam ng libog. Pero, hindi ko iyon sinamantala. Kusa siyang bumitaw. 

Hindi ako agad nakatulog. Naisip ko ang tagpong iyon. Pasasaan ba't maangkin ko siya. Gusto kong siya mismo ang magpaparamdam na angkinin ko siya.


Redondo: Overnight

"Sorry, Red..hindi ako makakasabay sa'yo pauwi." sabi ni Dindee nang tumawag siya.

"Bakit?" Medyo nalungkot na ako agad. Gusto ko kasi makasabay uli siya sa hawak-kamay na paglakad pauwi. 

"K-kasi..may group project kami. Tatapusin namin ngayong gabi."

"Saan kayo gagawa?" Mas nalungkot ako kasi kailangang niya palang sumama sa mga kaklase niya.

"Kina Lorraine.. Overnight kami.." Pilit niyang pinasaya ang boses niya. "H-hello, Red? Okay ka lang ba? I mean, okay lang ba sa'yo?"

"Okay lang. Project yan, eh."

"E, bakit parang bitter ka?" Tumawa siya.

"Mami-miss kasi kita." Pilit din akong tumawa. Ang totoo, nalulungkot ako. Gusto ko pa naman siyang kantahan ng bago kong inaral na kanta.

"Mamimiss din kita. Di bale, ilang araw na lang ay sembreak na.."

Ibig ba niyang sbihin ay hindi siya uuwi sa Aklan? 

Hindi ako nagtanong. Ayokong bigyan siya ng idea para umuwi. Gusto kong makasama siya sa sembreak.

"Oo nga, malapit na. Makakapag-relax na ang mga utak natin." sabi ko pa.

"Yes! Korek! O, sige na. Bye na, my Red! Miss you and I love you. Mwuuah!"

"Ilove you, too. Take care." 

Malungkot akong umuwi sa bahay. Gusto ko sanang maggitara kaya lang nawalan ako ng mood. Natulog na lang ako hanggang sa dumating si Daddy. Ipinaalam ko sa kanya ang tungkol sa pag-o-overnight ni Dindee.

"Ok. Kaya pala di maipinta iyang mukha mo." Tinawanan pa ako ni Daddy. 

My Wattpad Lover: Explore

Katakot-takot na paalaman at tanungan ang naganap sa amin ni Daddy. Ayaw niyang pumayag na umalis ako nang di siya kasama.

"I'm a man now, Daddy. Kaya ko na po ang sarili ko."

"No!" mariin niyang sinabi. "Unless, you tell where really you are going and who's with..I'm not gonna permit you.'' Hindi niya ako tinitingnan sa mga mata ko, but I'm looking at him.

Nag-isip ako. Should I tell him or not? Pag sinabi ko na isang babae o isang Wattpad follower ang ka-meet ko, magagalit siya, dahil he likes Gelay for me. He fought for her. Kapag sinabi ko naman na wala, he will not permit me kasi all this time, he's with me, even sa date ko with Angela. At kapag sinabi ko na ang kasama ko ay kaklase ko, magtataka iyon dahil I never go out with my classmate or classmates.

"Dad, I'm not a boy anymore. I just want to unwind. Alone. Yes, alone.. But, don't be afraid. Kaya po talaga ang sarili ko. If you want, ihatid niyo po ako sa mall, then, you fetch me after 3 to 4 hours. I think, it's enough para ma-relieve po ang stress ko." I seriously spoke it up. That time, tiningnan na ako ni Daddy sa mata.

"He's right, Zander!. Payagan mo na. It's time na para maging independent ang anak mo. He's a writer. He needs to explore, to see the real world. Hindi niya maaapreciate ang buhay kung ikukulong mo lang siya in your arms." My Mom was so idiomatic. Yet, she's true. I love her. She understands me.

Tinapik pa ni Mommy ang balikat ni Daddy, saka siya tumalikod palayo. 

"Explore..Your Mom is right. You have to.. Okay, go on. Just be careful.."

I almost jump sa sobrang saya. Salamat kay Mommy. Her words opened up Daddy's mind. Hindi ko na rin kailangang magsinungaling kung sino ang kasama ko kasi hindi na niya ako tinanong. 

"Thank you, Dad!" Lumapit ako sa kanya at kiniss ko ang noo niya. "I'll gotta go, Dad! I will just thank Mommy.."

"Okay. God bless.." He then smiled handsomely at me.



Tuesday, October 14, 2014

Redondo: Like a Prince

Hindi ko pinunit o tinapon ang sketch ni Gio sa amin ni Riz. Inipit ko ito sa journal ko. Ilang beses ko rin itong lihim na binuksan at tinitigan, sabay ng pagtingin ko kay Riz, ang dati kong dreamgirl. Ang lapit niya lang sa akin pero tila napakalayo na namin sa isa't isa. Oo, magkasama kami sa radio broadcasting team, pero hindi iyon sapat. Hindi na kami tulad ng dati. Siguro ay iniingatan niya rin na hindi magselos ang girlfriend ko. O baka, hindi na niya ako gusto. Sabagay, na kay Dindee na kasi ang puso ko. Nami-miss ko lang ang mga text messages niya sa akin, pati ang mga chat namin sa isa't isa. Ngayon, hanggang tinginan at konting pormal na kuwentuhan na lang. Salamat na lang sa mga common friends namin, na siyang nag-uugnay sa aming dalawa.

Kanina nga ay sama-sama kaming lumabas ng school. Isang dyip lang ang sinakyan namin pauwi. Hanggang doon lang iyon. Walang motibo. 

Naisip kong sunduin si Dindee. Bigla ko kasi siyang namiss. Tinext ko siya agad.

Pinaghintay niya ako sa labas ng school nila. Kalahating oras lang yata akong naghintay. 

Ayaw niya pang makauwi agad, kaya nilibre niya muna ako ng float at burger. Tapos, naglakad kami pauwi. 

Proud na proud akong magkahawak kaming naglalakad pauwi, kasama ko kasi ang pinakamagandang babae sa buhay ko, maliban sa Mommy ko. I'm like a prince..

Redondo: Sketch

"Ang ganda mo pala." tumatawang sabi ni Riz sa akin. Nakasabay ko siya kanina sa pagpasok sa gate.

Na-gets ko kaagad ang sinabi niya. "Paano mo nalaman?"


"Kay Roma. Ni-like niya kaya yun."

"Ah..kaya nakita mo? Napagtripan lang ako ng girlfriend ko. Awkward ba?"  Nang tiningnan ko siya sa mata, sumeryoso na siya.

"Ang sweet niyo.. Nakakainggit. Sige, mauna na ako." Lumakad-takbo na siya pagkatapos. Naiwan akong nakatanga. 

Alam kong may nais siyang ipakahulugan sa mga tinuran niya. Naawa ako sa kanya kasi masalimuot ang naranasan niya kay Leandro. 

Kinapa ko ang sugat na dulot sa akin ng dati niyang boyfriend. Hindi na ito masakit. Ilang araw na lang ay peklat na lang ito. Pero, ang peklat na dinulot ni Leandro kay Riz ay hindi agad maglalaho. Ramdam ko ang sakit niyon. Nagsisisi siya ngayon, alam ko. 

Gayunpaman, hindi ako dapat magpaapekto dahil baka maging sanhi pa ng away o hiwalayan namin ni Dindee. 

Nag-review kami maghapon, sa lahat ng subject. Sa Huwebes at Biyernes na kasi ang test namin. Kailangan kong galingan. Mabuti nga at wala kaming training sa broadcasting.

Nakisabay ako kay Gio sa pag-uwi. Miss ko na ang kakulitan niya. Panay ang pagbibida niya sa mga drawings niya. 

Ang galing niyang gumuhit. Ipinakita niya sa akin ang sketch ko at ni Riz na magkayakap. Kuhang-kuha niya ang mukha namin. Kaya lang, ipopost niya daw sa Facebook kaya hinabol ko siya para puminitin ang drawing niya. Aba, matindi! At ang bilis niya pang tumakbo.

Nahuli ko din siya kalaunan at ibinigay sa akin ang sketch.

Sunday, October 12, 2014

Redondo: Kaligayahan

Dahil bati na kami ni Dindee, noong Biyernes pa, niyaya ko siyang mamasyal, kahapon. Sa Quezon City Circle kami nagpunta. Alas-diyes na kami nakarating doon.

Nagdala lang kami ng pangsapin sa damuhan para makahiga-higa kami. 

First time niyang makarating doon kaya manghang-mangha siya sa mga nakikita niya. Vocal niyang sinasabi ang kanyang kasiyahan. Pinasalamatan niya ako sa pagdala ko sa kanya doon. Humingi rin siya ng sorry sa pagtatampo niya. Sabi ko naman ay ayos lang basta huwag na niyang uulitin dahil lagi ko namang iniisip ang aming kaligayahan. Pang-unawa lang ang dapat niyang ibigay sa akin.

Maligayang-maligaya kami kahapon. Andami naming tawanan at kulitan. Nasolo namin ang oras. Parang mag-isa kami sa mundo.

Alas-nuwebe na kami nakauwi dahil sa traffic, pero ayos lang. 

Kanina naman ay nag-stay lang kami sa bahay. Umalis si Daddy kaya kami lang sa bahay. Halos, naging part two ang kulitan namin kahapon ang nangyari kanina. Ang kulit ni Dindee. Pinilit niya akong gawing manika. Binihisan niya ako ng damit niya. Tapos, ni-lipstick-an niya. Ang lakas mang-trip. Piniktyuran pa ako at ini-upload sa Facebook. Andami tuloy comments at likes.

Ang gusto ko lang naman ay maging masaya kami. Nakakalungkot kasi kapag hindi niya ako pinapansin.   

Mahal na mahal ko siya. Araw-araw ay lalo ko siyang minamahal.

Friday, October 10, 2014

Redondo:Gatas

Hindi ako nakatulog kagabi dahil sa nangyari. Hindi rin naman kasi nagsalita si Dindee. Pinagtulakan na niya ako palabas para makapag-isa na siya. Hindi na ako nagpumilit. Nag-text na lang ako sa kanya ng 'Sorry' at "Good night". 

Ramdam ko ang sakit na idinulot ko sa kanya. Hindi ko man sinasadya na mabalewala siya, alam kong nasaktan ko siya ng husto. Kulang nga siya sa pansin. Gusto niyang lagi ko siyang kinukulit. Ayaw niyang hindi kami nagkakausap at nagtatawanan. Hindi nga lang niya ako nauunawaan. Hindi niya alam kung gaano ko sinisikap na makasungkit ko ang pinakamataas na karangalan sa graduation at matalo ko si Riz.

Hindi na si Riz ang dahilan ng kanyang pagtatampo. Oras na ang kanyang pinagseselosan. 

Mahirap pala..

Sinundo ko siya sa school nila. Kaya lang, hindi pa daw siya makakauwi dahil niyaya siya ng kanyang kaklase na si Edna na pumunta sa kanilang bahay. Gusto ko sanang sumama pero hindi ako pinayagan ng kaklase niya. Siguro ay nasenyasan siya ni Dindee.

Wala akong nagawa kundi umuwi at maghintay sa kanya. Panay din ang text ko sa kanya kong nasaan na siya at anong oras siya uuwi. Ngunit, ni isang reply ay wala akong natanggap.

Alas-otso na dumating ang nagtatampo kong girlfriend. Dumiretso na siya sa kanyang kuwarto, pagkatapos bumati kay Daddy. Nahulaan nga agad ni Daddy na may LQ na naman kami. 

Nagbanyo lang siya at tuluyan nang nagkulong sa kuwarto. 

Nag-iisip ako ng paraan para makapasok ako sa kuwarto niya. 

"Dee, pakibukas ang pinto. Kukunin ko lang sa ilalim ng kama ang karton. Kailangan ko."

Binuksan niya.

"Gatas mo. Inumin mo muna bago ka matulog." sabi ko habang inaabot ko ang gatas sa baso.

Inabot naman niya. 

"Pwede ba tayong mag-usap?"

Tiningnan niya ako. Nginitian ko siya. Sinara ko ang pinto.

"Miss na miss kita, Dee..Sorry. Sorry na."

Nilapag niya ang gatas sa ibabaw ng tokador at niyakap niya ako. "Miss na miss na miss din kita. Sorry din."

Mahigpit kaming nagyakap ni Dindee. Matagal.. Hinagkan ko ang kanyang noo, ang pisngi at ang mga labi. At, sabay kaming lumabas ng kuwarto.

Ngumisi sa amin si Daddy. "Kayo talaga.." sabi pa niya.

Thursday, October 9, 2014

Redondo: Insensitive

"Ang suplado mo ngayon, Mr. Campus Personality! Hmp!" Tinalikuran ako ni Dindee pagkatapos niyang tumingin sa ginagawa ko.

Pinansin ko na siya kanina pagdating niya. Actually, sabay pa kaming nagmeryenda. Sinabi ko rin sa kanya na marami pa akong gagawing project. Hindi naman niya ako matutulungan dahil ako lang talaga ang may alam ng mga gagawin ko.

"Uy, sorry." Hinabol ko siya sa kanyang kuwarto. Hindi niya ako hinarap. Kinuha niya ang hair brush niya at nagsimulang hagurin ang kanyang buhok. "Sorry na." Inalog ko ng bahagya ang mga balikat niya at pinilit kong palingunin siya sa akin.

"Ganyan ka ba talaga?" Marahan niyang sinabi.

"Busy lang talaga ako. Gustong-gusto kong makipagkulitan sa'yo..but.."

"Pwede mo naman akong isali sa gingawa mo. Wala ka bang tiwala sa girl friend mo?"

"Meron. Kaya lang.. akala ko marami ka ring ginagawa."

"Akala mo lang yun. Nagpapanggap lang akong busy. The truth is..nasasaktan ako. Ilang araw mo na akong nababale-wala. Napaka-insensitive mo, Red." Humarap na siya sa akin. Nangingilid na ang luha niya.

"Hindi yan totoo, Dee. Alam mo yan."

"Hindi ko alam. Ipaunawa mo. Ang alam ko lang..mahal na mahal kita. At gustong-gusto kong lagi mo akong pinapansin.. Oo, kulang na ako sa pansin." Umupo siya sa gilid ng kama at tinakpan ang kanyang mukha ng kanyang mga palad. Umiiyak siya.

"Mahal na mahal din kita. Walang oras na hindi kita nais na makasama..pero, sana this time, maunawaan mo na estudyante ako na naghahangad na.."

"Pangarap na naman?! Wala na bang.. O, my God.. Red, ginirlfriend mo lang ba ako para saktan?''  Tuluyan na siyang humagulhol.

Niyakap ko siya. Hindi siya tumanggi. "Mahal na mahal kita, Dindee. Hindi kita kayang saktan. Sorry. Sorry dahil nararamdaman mo iyan ng hindi ko sinasadya."

Umiyak siya sa dibdib ko. Hindi na siya nagsalita.

Matagal kami sa ganung posisyon,

Buwaya sa Gobyerno

Guro: Ano ang gusto ninyong trabaho paglaki ninyo? Maria: Maging guro! Guro: Wow! Gusto mo ring magturo sa mga bata? Maria: Opo! Masay...