Followers

Wednesday, October 15, 2014

Redondo: Overnight

"Sorry, Red..hindi ako makakasabay sa'yo pauwi." sabi ni Dindee nang tumawag siya.

"Bakit?" Medyo nalungkot na ako agad. Gusto ko kasi makasabay uli siya sa hawak-kamay na paglakad pauwi. 

"K-kasi..may group project kami. Tatapusin namin ngayong gabi."

"Saan kayo gagawa?" Mas nalungkot ako kasi kailangang niya palang sumama sa mga kaklase niya.

"Kina Lorraine.. Overnight kami.." Pilit niyang pinasaya ang boses niya. "H-hello, Red? Okay ka lang ba? I mean, okay lang ba sa'yo?"

"Okay lang. Project yan, eh."

"E, bakit parang bitter ka?" Tumawa siya.

"Mami-miss kasi kita." Pilit din akong tumawa. Ang totoo, nalulungkot ako. Gusto ko pa naman siyang kantahan ng bago kong inaral na kanta.

"Mamimiss din kita. Di bale, ilang araw na lang ay sembreak na.."

Ibig ba niyang sbihin ay hindi siya uuwi sa Aklan? 

Hindi ako nagtanong. Ayokong bigyan siya ng idea para umuwi. Gusto kong makasama siya sa sembreak.

"Oo nga, malapit na. Makakapag-relax na ang mga utak natin." sabi ko pa.

"Yes! Korek! O, sige na. Bye na, my Red! Miss you and I love you. Mwuuah!"

"Ilove you, too. Take care." 

Malungkot akong umuwi sa bahay. Gusto ko sanang maggitara kaya lang nawalan ako ng mood. Natulog na lang ako hanggang sa dumating si Daddy. Ipinaalam ko sa kanya ang tungkol sa pag-o-overnight ni Dindee.

"Ok. Kaya pala di maipinta iyang mukha mo." Tinawanan pa ako ni Daddy. 

No comments:

Post a Comment

Paano Sumulat ng Lathalain? #2

 Madali lang. Para ka lang nagbilang ng isa hanggang siyam.   Una, isulat mo ang unang talata. Ang unang talata ay tinatawag na ‘The Lea...