Followers

Saturday, October 18, 2014

Redondo: It's a Sign

Alas-kuwatro pa lang ay gising na ako para maghanda sa laban ng broadcasting. Pinagluto ako ni Daddy ng almusal. Sinabayan niya na rin akong kumain. Alas-singko ay umalis na ako ng bahay.

Hindi ko nasilayan si Dindee. Nalimutan niyang bumangon. Sabi niya kagabi ay gigising siya para i-goodluck ako.

Di bale, alam ko naman na gusto niyang manalo ang team ko. 

Alas-otso ay nasa venue na kami. Saka ko lang nabuksan ang cellphone ko. 

"Sori, my Red. d aq ngsing. sNa gnsing mkO. d 2lOy kta nKiSs 4 gudlck." Text niya.

"ok lng, Dee. ayw q n strbuhin p ang 2log mo. u kiss me n lng later. he he."

"Ay wLa ng kiss. dpt gudluck kiss.."

"E, pano pg nanalo?"

"E, di my kisS! kya sna galingaN nu!"

"Ok, pra s Kiss..gglingan ko. thnx!"

"Cge n. Gudluck n enJoy!"

Naging inspired akong makipag-compete. Ang sarap pala talaga kapag may mga taong sumusuporta sa laban mo. Nag-text din kasi sina Mommy at Daddy, pati ang mga kaibigan at mag kaklase ko.

Kaya nang actual na, hindi ako nagkamali. Ang ganda ng delivery ko, gayundin ang mga ka-team ko. Baka pag nagkataon, makapasok kami sa national level. Sana..

Hapong-hapo ako pagdating ko. Alas-siyete na ng gabi ako nakarating sa bahay. Sobrang traffic kasi.

Hindi ako natikis ni Dindee, niyakap niya ako habang nagtatanggal ako ng sapatos ko sa kuwarto. 

"I missed you!" sabi pa niya.

"I missed you, too!" bulong ko.

Then, she kissed me on my lips. Wow! Ang sweet niya. Parang nanalo na ako agad.. It's a sign!

No comments:

Post a Comment

Ang Pinakamasamang Kuya

  Pinagalitan ni Arnel ang kaniyang nakababatang kapatid na si Carmela dahil sa sinasabi niyang katamaran nito kaya hindi siya nito kinikibo...