Bukas na ang laban namin sa radio broadcasting. Kailangan kong ipahinga ang boses ko. Kaya, hindi muna ako sumali sa mga kulitan, gayundin sa mga class discussion. Sabagay, nag-review lang naman kami kanina.
Si Riz nga, absent.
Ako tuloy ang kinulit ni Roma. Nakakapikon. Sarap hambalusin ng armchair. Mas maganda pa rin daw si Riz kesa sa girlfriend ko. Chaka daw si Dindee. Maputi lang daw.
"Mas maganda pa nga ako." sabi pa ng bakla.
"Ah, ganun ba?! E, di ikaw na ang maganda. Halata naman, e. Ilong mo pa lang, ulam na." ganti ko naman.
Hagalpakan ang mga kaklase namin.
"Hoy mga walanghiya! Knows niyo ba na pinayuhan ako ni Belo na i-retain ko daw ang ilong na to dahil maganda na raw. No need for enhancement." Nameywang pa siya.
Natawa ako. "Tinanggihan ka kamo kasi di kaya yan ayusin ni Belo. Masisira ang credibility niya. He he!"
"Ouch! It hurts! Sakit mo naman magsalita, my Red! I hate you na.."
Nagtawanan kami lalo.
"Kaw ang nauna dyan, e. Pintasero ka kasi. Yan ang napala mo.'' si Gio.
"Isa ka pa!" sininghalan niya si Gio.
Nagtawanan lang kami.
Pag-uwi ko naman sa bahay..Naggitara lang ako. hindi ako kumanta. Reserved para bukas.
Naabutan ako ni Dindee. Then, nag-Facebook lang kami together. Nanuod then kami ng videos sa Youtube. Music videos, siyempre.
Maaga akong matutulog ngayon. Kailangan maaga rin akong magising.
No comments:
Post a Comment