"Ang ganda mo pala." tumatawang sabi ni Riz sa akin. Nakasabay ko siya kanina sa pagpasok sa gate.
Na-gets ko kaagad ang sinabi niya. "Paano mo nalaman?"
"Kay Roma. Ni-like niya kaya yun."
"Ah..kaya nakita mo? Napagtripan lang ako ng girlfriend ko. Awkward ba?" Nang tiningnan ko siya sa mata, sumeryoso na siya.
"Ang sweet niyo.. Nakakainggit. Sige, mauna na ako." Lumakad-takbo na siya pagkatapos. Naiwan akong nakatanga.
Alam kong may nais siyang ipakahulugan sa mga tinuran niya. Naawa ako sa kanya kasi masalimuot ang naranasan niya kay Leandro.
Kinapa ko ang sugat na dulot sa akin ng dati niyang boyfriend. Hindi na ito masakit. Ilang araw na lang ay peklat na lang ito. Pero, ang peklat na dinulot ni Leandro kay Riz ay hindi agad maglalaho. Ramdam ko ang sakit niyon. Nagsisisi siya ngayon, alam ko.
Gayunpaman, hindi ako dapat magpaapekto dahil baka maging sanhi pa ng away o hiwalayan namin ni Dindee.
Nag-review kami maghapon, sa lahat ng subject. Sa Huwebes at Biyernes na kasi ang test namin. Kailangan kong galingan. Mabuti nga at wala kaming training sa broadcasting.
Nakisabay ako kay Gio sa pag-uwi. Miss ko na ang kakulitan niya. Panay ang pagbibida niya sa mga drawings niya.
Ang galing niyang gumuhit. Ipinakita niya sa akin ang sketch ko at ni Riz na magkayakap. Kuhang-kuha niya ang mukha namin. Kaya lang, ipopost niya daw sa Facebook kaya hinabol ko siya para puminitin ang drawing niya. Aba, matindi! At ang bilis niya pang tumakbo.
Nahuli ko din siya kalaunan at ibinigay sa akin ang sketch.
No comments:
Post a Comment