Followers

Thursday, October 16, 2014

Redondo: Sakit ng Ulo

Ang sakit ng ulo ko pagkatapos ng training namin sa broadcasting. Siguro ay dahil sa aircon at init.

Nawala tuloy ako sa mood. Umuwi akong wala sa ulirat. Para akong lumutang lang sa hangin. Hindi ko namalayan na nakasalampak na ako sa kama ko nang hindi nagpalit ng uniporme.

Ang sakit pa rin ng ulo kahit nakatulog na ako. Si Dindee ang gumising sa akin. Alas-sais na daw kasi. Baka daw, hindi na ako dalawin ng antok mamaya.

Gusto ko sanang makipagkulitan kina Daddy at Dindee para marelax naman ako kaya lang di ko talaga kayang tumayo. 

Pinainom ako ni Dindee ng Paracetamol, pagkatapos hipu-hipuin ang leeg at noo ko. Wala naman daw akong lagnat.

"Kulang lang yan sa Kiss-pirin at Yakap-sule." sabi ni Daddy habang nakasungaw sa may pintuan.

Humagikhik si Dindee. "Oo nga po. Baka umeetchus lang itong baby natin. Ikaw, ha.. artistahin ka na naman." Kinurot niya pa ako sa braso.

"Aray! Hindi ako umaarte. Masakit talaga ang ulo ko."

"Mas masakit pag walang ulo. Bumangon ka na nga dyan. Kakain na po tayo, di ba po Tito?"

"Oo. Halika na kayo." Lumabas na si Daddy.

"Narinig mo ang sabi ni Daddy ko?" tanong ko.

"Oo. Bakit?"

"Halikan na daw tayo!"

"Bastos ka. Bungol!" Kinurot niya pa ako ng mas masakit. Napabangon tuloy ako.

No comments:

Post a Comment

Paano Sumulat ng Lathalain? #2

 Madali lang. Para ka lang nagbilang ng isa hanggang siyam.   Una, isulat mo ang unang talata. Ang unang talata ay tinatawag na ‘The Lea...