Followers

Tuesday, October 14, 2014

Redondo: Like a Prince

Hindi ko pinunit o tinapon ang sketch ni Gio sa amin ni Riz. Inipit ko ito sa journal ko. Ilang beses ko rin itong lihim na binuksan at tinitigan, sabay ng pagtingin ko kay Riz, ang dati kong dreamgirl. Ang lapit niya lang sa akin pero tila napakalayo na namin sa isa't isa. Oo, magkasama kami sa radio broadcasting team, pero hindi iyon sapat. Hindi na kami tulad ng dati. Siguro ay iniingatan niya rin na hindi magselos ang girlfriend ko. O baka, hindi na niya ako gusto. Sabagay, na kay Dindee na kasi ang puso ko. Nami-miss ko lang ang mga text messages niya sa akin, pati ang mga chat namin sa isa't isa. Ngayon, hanggang tinginan at konting pormal na kuwentuhan na lang. Salamat na lang sa mga common friends namin, na siyang nag-uugnay sa aming dalawa.

Kanina nga ay sama-sama kaming lumabas ng school. Isang dyip lang ang sinakyan namin pauwi. Hanggang doon lang iyon. Walang motibo. 

Naisip kong sunduin si Dindee. Bigla ko kasi siyang namiss. Tinext ko siya agad.

Pinaghintay niya ako sa labas ng school nila. Kalahating oras lang yata akong naghintay. 

Ayaw niya pang makauwi agad, kaya nilibre niya muna ako ng float at burger. Tapos, naglakad kami pauwi. 

Proud na proud akong magkahawak kaming naglalakad pauwi, kasama ko kasi ang pinakamagandang babae sa buhay ko, maliban sa Mommy ko. I'm like a prince..

No comments:

Post a Comment

Paano Sumulat ng Lathalain? #2

 Madali lang. Para ka lang nagbilang ng isa hanggang siyam.   Una, isulat mo ang unang talata. Ang unang talata ay tinatawag na ‘The Lea...