Pagkatapos naming maghapunan, nag-load ako ng internet para
makapag-online si Lianne. Nag-Facebook siya upang makontak ang kanyang tita sa
ibang bansa. Gusto niyang humingi ng financial na tulong para sa chemotherapy
ng kanyang ama.
Hindi naka-online ang kanyang tiya kaya medyo nalungkot siya.
Gayunpaman, umaasa siyang ang iniwan niyang mensahe ay mababasa agad ng kanyang
tiyahin sa lalo madaling panahon.
Pinalakas ko ang loob niya. "Hayaan mo, Lianne, ilang araw na
lang ay makakabalik na ako sa trabaho. Makakatulong na ako sa'yo."
Bakas sa mga mata ni Lianne ang lungkot nang tumitig siya sa akin habang
nagsasalita."Sapat na ang pagkupkop mo sa akin. Kalabisan ng
maituturing na iasa ko pa sa iyo ang pang-chemo ni Papa. Salamat, Hector!"
"Masaya akong natutulungan ka." Tinabihan ko siya
at ginagap ang kanyang palad. "Huwag mo na akong ituring na iba,
Lianne."
"H-hector..?" Ibinaba niya ang tingin. Tiningnan
niya ang kamay ko na nakahawak sa kamay niya. Hinawakan pa niya ng isa pa
niyang kamay ang kamay ko. "Paano ba ako makakabayad sa'yo?"
"Sapat nang narito ka sa bahay ko.." Halos pabulong kong
sagot. "Huwag mo akong iwan, Lianne."
"Oo, hindi ako aalis hanggang hindi ako nakakabayad sa'yo.."
"Hindi naman ako naniningil.."
"Salamat, Hector.." Niyakap niya ako ng mahigpit.
Naramdaman ko ang kanyang malulusog na dibdib. Wala siyang bra. Bigla akong
nakaramdam ng libog. Pero, hindi ko iyon sinamantala. Kusa siyang
bumitaw.
Hindi ako agad nakatulog. Naisip ko ang tagpong iyon. Pasasaan ba't
maangkin ko siya. Gusto kong siya mismo ang magpaparamdam na angkinin ko siya.
No comments:
Post a Comment