Followers

Monday, January 23, 2017

hugot

Binatilyo: Kuya, papalit po...

Tindero: Playboy ka! Papalit-palit ng babae.

Binatilyo: Hala! Kendi lang ang pinalit ko.

Tindero: Ang babae ay parang candy. Sweet. Kaya, huwag na huwag kang papalit-palit.

Binatilyo: (Smiles) Hugot si Kuya, a.

Monday, January 16, 2017

Masarap na Pagkain

Ang pandaraya'y masarap na pagkain.
Mabubusog ka't laging tatakamin.
Masarap naman talagang kumain
Gaya ng mga mapanlinlang na gawain.
Ngunit, tandaan na ang pagkain din
Ang dahilan kung bakit tayo'y sakitin,
Sapagkat 'di lahat ng masarap lasapin
Ay nakakabuti sa kalusugan natin.
Kaya, kapag pandaraya ang kinain,
Kapahamakan ang iyong sasapitin.

Thursday, January 12, 2017

Pagsuko

Pag-ibig mo'y singlakas ng punglo,
na tumarak sa aking pagkatao.
Nagkakulay ang aking mundo
dahil sa higpit ng mga yakap mo.

Buhay ko'y tila protektado
kapag ikaw ang kasama ko
sapagkat may isang sundalo
na tagapagtanggol ko.

Subalit, katulad ng giyera't gulo,
kailangang magwakas na ito.
Ipinaglalaban nati'y 'di totoo,
Pagmamahalan, saan patungo?

Patawad kung ako'y lalayo
at hahayaan kang nagdurugo.
Sugatan rin ang aking puso
nang ako sa'yo ay lumayo.

Hindi ako maaaring mabilanggo
sa pag-ibig mong ipinangako.
Sandata'y magiging luha't dugo,
kapag nagsanib-puwersa tayo.

Salamat sa pagmamahal mo!
Ito'y ramdam ko, kahit magkalayo.
Ngunit, hanggang dito na lang tayo.
Bandera ko'y aking nang isusuko.

Patawad, patawad, irog ko...
Hindi ako nararapat sa iyo.
Ika'y bumalik na sa pamilya mo,
Pagkakamali ko ri'y itatama ko.



Sunday, January 1, 2017

Ang Aking Journal -- Enero 2017

Enero 1, 2017 Sinalubong talaga namin ang bagong taon. Hindi ko nga lang nailabas ang aking kasiyahan dahil nahihiya ako kay Epr. Gusto ko sanang humiyaw, yakapin at i-kiss ang aking mag-ina. Di bale, obvious naman na masaya ang bawat isa sa amin. Past 1 na kami natulog at nine o'clock na kami nagising. Maghapon kaming kumakain ng mga handa namin. May natira pa nga. Haist! Ang hirap ng walang ref. Maghapon lang kaming nanuod ng tv. Enjoy naman. Mami-miss ko ito dahil sa January 3, balik-eskuwela na. Enero 2, 2017 Alas-siyes ng umaga, bumiyahe kaming tatlo papuntang Baclaran. Nauna na si Epr, kaya walang tao sa bahay. Ang mag-ina ko ay pumunta sa Taguig para kunin kina Edward ang mga gifts nila. Ako naman ay pumunta sa Manila, sa workplace ni Kuya Jape, para ibigay naman ang mga gifts ko sa mga pamangkin ko at kay Mama Leling. Nakipagkiwentuhan ako kay Aileen hanggang alas-dos. At, sumabay ako sa kanila hanggang Cubao. Pauwi na sila sa Bulan. Past 4 naman ako nakarating sa Bautista. Nakipagkuwentuhan ako kay Mama. Hindi ako nagkamali. Masaya siya kahit hindi kami magkakasama noong Pasko at Bagong Taon. Naunawaan niya ako. Natagalan ako doon dahil hinintay ko pa sina Flor. Sila ang naghatid ng mga gifts ko kina Jano at sa mga anak ko. Past 6 na kami nakaalis sa Bautista. Sina Emily at Ion naman, nasa bahay na bandang alas-siyete. Pagdating ko sa Francia, andaming commuters na nabalahaw, kaya minabuti kong maglakad hanggang Masinag. Doon ako nakasakay pa-LRT. Siguro, inabutan ako ng hatinggabi doon kung hindi ko ginawa. Gutom na gutom na nga ako nang nasa Recto na ako. Ten, nasa bahay na ako. Hindi na ako nakakain ng kanin. Nakalampas na ang gutom ko. Naggatas na lang ako at kumain ng cookies. Bukas, back to school na. Enero 3, 2017 Hindi ko alam kung bakit hindi ako nakatulog nang malalim kagabi. Sa katunayan, gising na gising na ako bandang alas-3 ng umaga. Naglatag pa nga ako sa baba para makatulog, pero bigo ako. Kaya naman, nagluto na lang ako ng scrambled eggs at nag-almusal ako. Nagising na rin si Emily dahil sa ingay ko. Bago mag-4:30, nasa biyahe na ako. Kaya, madilim pa ay nasa Pasay na ako. Tumambay pa nga ako sa isang waiting shed, bago tumuloy sa school. Ako yata ang pinakamaagang dumating. Okay lang naman. Ayaw ko kasing ma-late. Nakapag-ayos-ayos pa ako sa classroom, bago dumating ang 21 kong pupils. Kakaunti ang mga estudyanteng pumasok. Kaya, walang nagturo. Hindi kami nagpalitan ng klase. Nagkuwentuhan lang kami. Shortened pa ang klase dahil patay ang tatay ni Sir Hermie. Dadalaw kami sa burol bago iuwi ang labi sa Bicol. Past one, hinanap namin ang burol. Kaya lang, mali ang pinuntahan namin. Miscommunication. Hindi na lang kami tumuloy. Instead, pumunta kami sa GSIS. For the first time, nagamit ko ang UMID card ko. Nag-loan ako. Sana ma-approve. Pagkatapos namin sa GSIS, sinama kami ni Mareng Janelyn para i-meet niya sa unang pagkakataon ang kanyang half-brother. Nanlibre pa siya sa KFC. Past 5 na kami natapos. Past 7 naman ako nakauwi sa bahay. Enero 4, 2017 Maaga pa rin akong dumating kanina sa school, kahit past 4:30 na ako nakalabas sa bahay. Okay lang naman. Kahit paano ay may time pa akong umidlip doon. Thirty-one na ang estudyante kong pumasok. Nadagdagan ng sampu. Kaya naman, nagturo na ako sa Filipino at Hekasi. Gayunpaman, wala pa rin kaming palitan. Wala na rin yatang balak magpalitan dahil malapit na kaming mag-review sa NAT at dahil na rin sa hindi nakaka-inspire na admin. Maaga akong nakauwi kahit nagpagupit pa ako. Mabilis ang biyahe. Enero 5, 2017 Unti-unti ko nang nararamdaman ang epekto ng maagang paggising. Kulang ako sa tulog, kaya namumutla ako at namamayat. Kung gaano ako kabagal tumaba, ganoon din kabilis ako pumayat. Grabe! Kailangang masanay ang katawan ko sa maagang pagbiyahe. Sasanayin ko na rin siguro ang mata ko na matulog nang maaga. Nag-meeting kaming Grade Six teachers at grade leaders ng Grade V at IV para sa NAT review. Kaya, as usual, wala pa ring palitan. Nag-award ako ng certificate kanina para sa mga naka-perfect ng attendance noong December. Kapansin-pansin na kumonti na lang sila. Antok na antok tuloy ako. Wala ako sa mood. Grabe ang school year na ito ngayon. Nakakatamad talaga. Kulang sa drive. Hindi nakaka-inspire. Umuwi ako kaagad pagkatapos ng klase. Mabilis din ang biyahe, kaya past 3:45 sy nasa bahay na ako. After meryenda ay umidlip ako. Ang ingay lang ni Zillion at ng mga nagba-basketball sa kalye, kaya hindi mahimbing ang tulog ko. Uuwi na ang mag-ina ko bukas. Ang akala ko ay sa Sabado pa. Okay lang naman. Ang mahalaga ay hindi sila makasabay sa dagsa ng mga pasahero. Sana ay maluwag na ang biyahe. Enero 6, 2017 Hindi kami nakapag-usap nang maayos ni Emily kagabi kasalanan ko. Naging mainit ang ulo ko. Siguro, dahil iyon sa pagod at puyat ko. Marami abg nagsabing pumayat ako nang husto. Napansin at naramdaman ko rin. Grabe! Nakakapayat ang maagang pagbibiyahe. Kulang ako sa pahinga at tulog. Hindi ito dahil sa pagkain. In fact, magana akong kumain. Puyat talaga. Kaya naman halos mawalan na rin akong ng ganang magturo. Kaninang umaga, pag-alis ko, tulog pa ang mag-ina. Nag-text na lang si Emily bandang alas-10:50 na naghihintay na sila na lumarga ang Ceres Bus. Pinag-ingat ko na lang sila sa biyahe. Alas-dose kaming nag-dismiss ng klase dahil may meeting ang mga parents at teachers ng Grade Six pupils tungkol sa NAT review. Nao-awkward-an ako sa chance kong magsalita sa harap nila. Hindi ako ready, lalo na't hindi ako represebtable ngayon. Nakauwi ako pasado alas-singko ng hapon. Mag-isa na naman ako. Hindi na rito titira si Epr. Ang mag-ina ko naman ay sa Marso pa uli babalik. Pero, okay lang. Pasasaan ba't magsama-sama na kami sa aming tahanan. Enero 7, 2017 Nagpuyat ako kagabi. Na-miss ko kasi ang matulog nang late. Nanuod lang ako ng tv. Pero, hindi naman ako nagbabad sa higaan. Maaga akong bumangon. Siguro wala pang 8 ay gising na ako. Excited din akong maglinis at naglaba. After lunch naman, umidlip ako. Past 3:30, umalis ako sa bahay. Unang araw ng masteral class ko ngayong bagong taon. Na-late ako dahil sa traffic, I mean, dahil namik-ap pa ng pasahero ang nasakyan kong bus. Pero, ayos lang. Inulit lang namn ng prof ko ang ang turo niya. Nagdadag lang siya ng dalawang topic. Past 6:30, dinismiss niya na kami. Past 8:30 ay nasa bahay na ako. Hindi pa rin nag-rereply sa text ko si Emily. Nang nag-misscall ako, out of coverage siya. Hindi ko alam kung nakarating na ba sila o ano. Bukas, may event kami sa Nagcarlan. Maaga akong gigising at aalis. Enero 8, 2016 Wala pang alas-singko ng umaga, nasa bus terminal na ako. Naghihintay ako kay Lorna. Iyon ang usapan namin kagabi. Alas-sais na siya nag-reply. Aniya, nalasing siya kagabi kaya hindi na siya makakasama sa Nagcarlan. Na-late tuloy ako sa event. Medyo disappointed ako sa event. Extra na nga lang kami, na-postpone pa ang storytelling. Hindi kami nabigyan ng chance para magbasa ng kuwento. Namigay na lang ng gift si Sir Imma sa mga anak ng drug surrenders, na siyang beneficiaries ng outreach program na iyon. Gayunpaman, ipinakita ko sa kanya na masaya ako. Naki-boodle fight kami sa mga pulis at mga miyembro ng KAPARIZ (Kabataan Para kay Rizal-- Ana Kalang Chapter). Kahit paano ay nasulit ko ang gastos ko sa pamasahe. Wala pang 12 nang matapos ang event. Nabitin kami. Kaya, siguro niyaya ako ni Sir Imma sa Cenaunang Restaurant. Kumain siya ng carbonara. Ako naman ay umorder ng leche flan. Doon ay nagkuwentuhan at nagplano kami. Past 3, pauwi na ako. Past 5 ako nakauwi sa bahay. Tumawag na si Emily ngayong gabi. May naiwan kasi siya-- gift ni Edward kay Kaylee. Haist! Mabuti pa ang gift, naalala. Pero, ang text ko, 'di na-reply-an. Enero 9, 2017 Ang lamig na sa umaga. Ni halos ayaw ko nang bumangon. Gusto ko pang matulog. Kaya lang, naisip ko, malaki ang mawawala sa akin. Pumasok pa rin ako. Maaga pa nga akong nakarating kahit nasiraan pa ang bus na sinakyan ko. Naisip ko tuloy gawing 4:30 am ang gising ko. Masyado kasi akong maaga kapag alas-4. Absent si Mareng Janelyn, kaya na-prorate ang mga pupils niya. Napuno ang classroom ko. Ang iingay nila. Gayunpaman, nagturo ako. Napasulat ko rin sila ng mga akdang pampanitikan. Natanggap ko na pala ang anthology books mula sa Barubal Self-Publishing na 'Amalgamation' at 'Thank You'. Na-disappoint ako nang husto nang hindi ko nakita ang apat kong akda na in-approve nila. Agad akong nag-PM sa kanila at nagbigay ng saloobin. Apologetic naman sila. Ibabalik ko ang book at padadalhan nila ako ng copy nito na kasama ang mga stories ko. Ang isa, okay naman. Nasa first page pa nga ang kuwento ko. Nakapag-withdraw na rin ako ng 35% ng GSIS loan ko. Bukas naman ang iba. Binigyan ako ng idea nina Sir Joel at Mam Gigi na mag-lending nang nangutang sila sa akin ng P5k at P4k, respectively. Nagulat ako na grabe pala kumita ang inuutangan nila. Kinukuha pa ang ATM card, na sabi ko nga ay hindi ko gagawin. Kaya lang, in-insist nila na kailangan kong kunin for security purposes. Since, hindi pa naman ako makakapagpagawa sa bahay, ipupuhunan ko muna sa lending ang pera. Nice idea! Kapag nag-click, ipapasa ko ito kay Emily. Or, baka ako na lang mismo. Maaga akong nakauwi. Three:forty-five ay nasa bahay na ako. Agad akong umidlip. Past five na ako nakapagkape at nakapagdilig ng mga halaman. Enero 10, 2017 Nagturo ako sa Section 1 before lunch. Nagpasulat din ako sa kanila ng kuwento. Sa pakikipagkuwentuhan ko kay Mareng Janelyn, ipinagtapat niya sa akin ang sinabi ng pinuno namin against sa akin. Ang tindi niya. Hindi pa rin maka-move on. Nais pa rin niya akong siraan. Mabuti na lang ay loyal sa akin ang kumare ko. Lalo ko siyang iinisin, hanggang tuluyan siyang makaalis sa school. Mag-reretire siyang may hinanakit sa akin. Kasalanan niya. Plastic siya, e. Hindi naman tama na sabihin niya na ako lang ang matigas sa Grade Six level. Sinabi na nga sa kanya ng grade leader namin na okay ang samahan namin, e. Well, magiging matigas talaga ang puso ko sa kagaya niya. Lalo akong nainis dahil alas-kuwatro na kami nakauwi dahil nagpa-meeting pa siya. Wala namang kabuluhan. Kahit hindi na ako kasama sa meeting. Paulit-ulit na usapin. Ginabi tuloy ako ng uwi. Inabutan pa ako ng ulan. Enero 11, 2017 Sinimulan ko sa klase ko ang NAT review, kaya lang na-delayed dahil nag-practice ang mga bata para sa field demo na gaganapin sa ika-20 ng Enero. Unang beses nilang magpa-practice. Okay naman ang practice. Nakabuo agad. Halos nakabisado na nila ang mga steps. Dumating na ang mga books na "Ang Buhay ay Isang Tula." Tama nga ang publisher. Hindi quality ang pagkagawa nila. Gusto kong maniwala sa iniisip ko na hindi naman talaga naligaw at na-damage ng courier na Xend ang mga books, habang nasa delivery. Hindi rin nila talaga ipinadala at hindi rin nawala at na-recover. Gayunpaman, nangako ang may-ari na magpi-print pa ng 25 pieces na quality na. Nagkasundo naman kami ni Gina na ibebenta namin ang books sa halagang P180 lang lahat. Dahil sa bagong labas na libro namin ni Gina, umandar na naman ang kakitiran ng utak ni Emily. Nag-comment siya ng sticker, na nagpapakita ng galit. Ang nakakasama ng loob, hindi na nga siya nag-congrats, ganoon pa ang ginawa niya. Never naman ako naghangad na batiin niya ako. Sanay na ako sa kanya. Pero, hindi ko talaga kayang palampasin ang kamalian niya. Tinext ko siya. "Anong problema mo sa bagong book namin? Sana hindi ka na lang nagcomment. Nakakawala ng respeto. Hindi ka na nga nakakatulong. Nakakasama ka pa ng loob. Ayusin mo yun or else!!!" "Para kang si Deliarte. Di marunong magpahalaga ng achievement ng iba. Inaayos ko ang buhay ko, ikaw naman minamasama mo. Kahit bali-baliktarin, mali ang ginawa mo." "Pag di mo yan inayos, di ka na makakatuntong dito sa bahay!!!" "Gamitin mo ang Facebook sa tama." Nag-message naman kay Gina. Nagbanta pa Pero, kahit mag-sorry siya, hindi ko pa rin kayang kalimutan ang ginawa niya. Hindi lang ito ang unang beses. Marami na. Paulit-ulit. Hindi siya natututo. Maaari kaming maghiwalay nang tuluyan dahil din sa kagagawan niya. Nakakawsawa na kasi. Hindi na ako masaya sa kanya. Panay ang plano ko para sa magandang kinabukasan namin, siya naman, sinisira niya. Hindi ko alam kung matino pa ba ang utak niya o sira na. Hindi gawain ng matinong tao ang ganoon. Selos nang selos. Pati collaboration namin ay pagseselosan. Hindi muna magtanong o kaya'y makiramdam. Banat nang banat! Enero 12, 2017 Kagabi, hinintay kong mag-sorry si Emily sa akin, ngunit hindi niya ginawa. Ipinabasa naman sa akin ni Gina ang conversation nila. Grabe! Inaway-away niya talaga ang kaibigan ko. Ito na ang pangatlo, kung hindi ako nagkakamali, na pagsalitaan niya ng masasakit na salita ang mga kaibigan kong babae. Una si Mam Ana. Pangalawa si Amy. Hindi ko na siya kayang patawarin. Kaya, nang mag-sorry siya sa akin, pinagsalitaan ko siya. Hindi na pagseselos ang tawag doon sa ginawa niya. Sakit na iyon. Nagkasundo man sila ni Gina, hindi pa rin mawawala sa isip ko ang ginawa at mga sinabi niya. Sinisiraan niya pa ako kay Gina. Imbes na maging apologetic siya sa ginawa niya kagabi, inuungkat niya pa ang nakaraan, na akala mo ay inapi ko siya. God knows, ang laki ng kasalanan niya sa akin. Kung mauwi man ito sa hiwalayan, nakahanda ako. Hindi ko kailangan ang asawang may masamang ugali. Enero 13, 2017 Hindi talaga ako naniniwala na malas ang 'Friday the 13th'. Never pa ako napahamak tuwing sasapit ang araw nabito. Ang totoo, may minalas ako noong January 11 at kahapon. Haist! Hindi pa rin talaga kami magkakabati ni Emily. Pareho kaming may pride. Pero, hanggang kaya kong mag-isa, hindi ako yuyukod sa gusto niya. Kailangan niya munang baguhin ang masamang ugali niya. Okupado ang oras namin dahil sa practice para sa field demo. Malapit na ang third periodic test, pero halos hindi kami makapagpalitan ng klase. Gayunpaman, sinisikap ko na uuwing may natutuhan ang advisory class ko. Tatlo ang subjects ko sa kanila, e. After class, kaming Grade Six advisers at si Sir Erwin at kumain sa Savory Restaurant. Treat ko dahil daw kalo-loan ko lang. It's a culture. Mura lang naman. Naka-P2234 kaming limang. May take home pa ang tatlo. Ako naman ay busog na busog na. Halos hindi na ako makapag-dinner... Enero 14, 2017 Muntik na akong magising nang late. Hindi ko kasi narinig ang alarm. Gayunpaman, nakarating ako sa school ng 6:30. Ako ang pinakaunang dumating. Hindi naman pala 7:00 ang simula ng Enhancement Program o NAT review, kundi 7:30. Hindi ako na-inform. Anyways, okay lang naman. Mineet ni Mam Deliarte ang mga bata, kasama kami. Pinagsalita rin niya kami. Sinuggest ko na mag-uniform o magputing damit ang mga bata next Saturday (January 28). Nakita ko kasi na parang barkadahan at pormahan lang ang ipinunta ng mga estudyante. Kailangan nilang lumabas sa comfort zone nila para maging effective ang review. Sinuporthan naman ako ng mga kasamahan ko. Past 1, nagpadala ako ng books through JRS. Ipinadala ko sa tatay ni Gina ang 30 copies ng book namin at ang isa sa kaibigan niya na nasa Pasay lang. Ibinalik ko rin ang 'Amalgamation' sa Barubal Publication. Sa Wellcome Mall, tumambay ako habang hinihintay ang oras. Alas-singko pa ang masteral class ko. Nag-grocery na rin ako sa Puregold. At, wala pang alas-4, nasa CUP na ako. Nagsulat ako nang kaunti at umidlip ako doon. Tumagal lang ng mahigit isang oras ang klase namin. Pinauwi agad kami ng prof. Nakauwi ako ng past 8. Pagod na pagod ako dahil naglakad ako dahil sa traffic. Kesa naman na mabalahaw ako sa may Tejero. E, ang lahat na lang naman. Wala na si Emily. Tiluyan na siyang nilamon ng kanyang selos. Naniwala talaga siyang may relasyon kami ni Gina. God knows... Hindi ko siya iko-correct. Nais kong siya mismo ang makapagtanto ng pagkakamali niya, habang mamumuhay akong mag-isa. Magpapakabuting tao. Enero 15, 2017 Naglaba ako maghapon. Tambak na labahan. Isang linggo ba naman. Kasama pa ang mga naiwang damit ng mag-ina ko. Pero, napansin ko lang, parang hindi ako napagod. Masaya ko kasing trinabaho, sa kabila ng nangyayari sa buhay ko. It means, okay lang sa akin ang solo living. Komportable na ako. Nakapag-gardening din ako. Bumili pa nga ako ng dalawang variety ng halaman sa kapaitbahay. Gusto ko na kasing maging maginhawa ang pakiramdam ko. Makakatulong ang paghahalaman upang mawala ang stress ko. Makakahinga rin ako nang maluwag. Enero 16, 2017 Muntik na akong ma-late. Mabagal kasi ang bus na nasakyan ko. Hindi tuloy ako nakabili ng almusal sa suki kong karinderya. Ang klase ay ganoon pa rin--self-contained, pero nag-rereview kami sa klase ko. I made sure na may matutuhan sila sa Filipino. Nagpalagumang pagsusulit pa nga ako. Kaya lang, apektado ang klase dahil sa practice para sa field demo. Sa Biyernes na iyon ipi-perform. Nakauwi ako bandang alas-4. Gusto ko sanang magbayad ng electric bill dahil mapuputulan na ako sa January 18. Kaya lang, tuwing Wednesday at Saturday lang sila bukas. Hindi ko maabutan kapag galing pa ako sa school. Malamang sa Sabado pa ako makakabayad. Nakakainis kasi sila. January 14 ko lang nakakuha sa may pintuan ang bill. Sabado iyon ng umaga. Paalis na ako. Kaya, paano ko mababayaran? Humanda sila kapag pinutulan nila ako ng kuryente. Makakatikim sila ng pagalit. Masyado na ngang mahal ang kph nila, ganoon pa ang serbisyo nila. Dapat nga, may Meralco line na ako. Gusto lang talaga nilang kumita sa homeowners nila. Mga gahaman! Enero 17, 2017 Wala na talagang pormal ang klase. Halos wala nang gustong magturo at matuto. Gayunpaman, nagpasagot ako sa NAT reviewer sa Filipino. Kahit paano ay may natutuhan ang mga estudyante ko. Maaga akong nakauwi. Gusto ko kasing mag-garden. Since nakalipat ako, wala akong hinangad kundi ang makauwi nang maaga at mag-stay sa tahanan ko. Hindi pa rin ako nakabayad sa kuryente. Sa Sabado pa ako magbabayad. Enero 18, 2017 Tamang-tama lang ang dating ko sa school. Sakto lang talaga ang gising na 4:30 AM. Ipinatawag ko ang nanay ng pupil ko na si Cheng. Dumating din agad siya, kasama pa ang asawa. Napuno na kasi ako sa kapilyuhan niya. May Grade 4 kasi na nagsumbong. Binully niya raw. Naawa ako sa bata pagkatapos kausapin sa labas ng mga magulang. Umiyak ito. Sinaktan yata ng ama. Pero, sinabi ko sa kanya na napapahiya kasi ang mga magulang kapag ipinatatawag ng guro. Sana maging lesson na iyon sa kanya. Alas-12, nagpauwi na kami ng mga bata dahil may faculty professional meeting kami. Ala-una nagsimula. Naiinis akong makinig sa mga preaches at banat ng lider namin. Naplaplastikan ako. Hindi niya iyon nagawa pero sinasabi niya, as if she has been a good leader. Umuwi ako bandang alas-2. Kailangan ko kasing unahin ang pagbayad ng kuryente. Ayaw ko namang maputulan. Mabuti na lang, may nakausap akong empleyado doon. Anito'y sa Sabado ko na lang bayaran. Hindi naman pala nila ako puputulan ng kuryente. Ang sarap kumain, kahit mag-isa ako. Masarap talaga kapag sariling luto mo ang kinakain mo. Lalo na kapag gusto mo ang mga ulam. Sana tuloy-tuloy na ang pagkakaroon ko ng gana sa pagkain. Ayaw kong magpaapekto sa problema. Enero 19, 2017 Masakit ang lalamunan ko. Pakiramdam ko ay may holen sa loob. Kaya naman, hindi ako nagsalita nang nagsalita. Nagpabasa at nagpasagot lang ako sa libro. Gayunpaman, hindi ko naiwasang hindi magsalita. Masyadong pasaway ang mga estudyante. Kailangan ko silang sawayin. Mabuti na lang, gamay ko na sila. Hindi lumalala ang sakit. Nagkaroon ng last rehearsal ng sayaw kanina bago nag-uwian. Bukas na ang field demo. Nagbayad din ako ng Smart Bro bill at nagpadala sa Barubal Pub ng P540 para sa book na 'Hashtag Walang Forever,' kung saan nakasali ang kuwento kong 'Ang mga Puting Lobo at ang Singsing.' Dalawang book na ang hinihintay ko mula sa kanila. Ang 'Amalgamation' ang isa. Enero 20, 2017 Kahapon na-late ako ng isang minuto. Ngayon naman, dalawang minuto. Medyo bumabagal na yata ang biyahe ko. Ayaw kong mahuli sa pag-time in. Nakakabawas sa self-esteem. Past nine-thirty na nakasayaw ang Grade Six pupils sa field demo. Matagal at maingay ang mga kaganapan bago ang performances nila, pero sa tingin ko, sila ang may pinakamagandang presentation. Malinis at well-coordinated ang galaw ng mga dancers. Nagkita kami ng college classmate ni Gina, na si Sonny para bayaran ang book na inorder niya. Nagpa-autograph na rin siya. Nag-selfie rin kami, kaya lang nakalimutan niyang ipakita ang book. Na-feel ko ang pagiging self-published author. Lol. Alas-onse namin pinauwi ang mga bata. Ako naman ay nakauwi bandang alas-4. Tinakas naming Grade Six teachers ang paggawa ng video greetings para sa birthday ng principal. Hindi namin feel lahat ang maging plastic. Kagabi, humingi ako ng sign sa Diyos. Sabi ko, kapag nag-text at nag-sorry si Emily sa akin bago ang January 21, patatawarin ko na siya. She did! Nag-text siya bandang alas-10 ng umaga. Hindi ko pa nga lang ni-reply-an. Gusto ko siyang sorpresahin. Enero 21, 2017 Dahil walang NAT review, nakapag-stay ako sa bahay nang matagal-tagal. Three o'clock na ako umalis para naman sa masteral class ko. Alas-9 naman ako nakauwi. Sobrang sakit ng sikmura ko nang pauwi na ako mula sa pag-grogrocery. Nawala lang iyon nang makauwi na ako at nang nakapagkape ako. Ngayong araw, naramdaman ko ang pagsisikap ni Emily na magkabati kami. Ngayon ang 7th official wedding anniversary namin. Pero, naisip kong tikisin muna siya dahil nakapagbitiw ako ng salita sa text. Sabi ko, huwag niya muna akong kausapin ngayong buwan. Gusto ko lang din siyang maturuang maging matatag at matiyaga. Kasalanan naman niya ang lahat ng ito, e. Enero 22, 2017 Kahit paano ay na-enjoy ko ang rest day ko. Nanuod. Nagluto. Kumain. Nag-gardening. Nagsulat. Nag-encode. Nag-edit. Nakapaglaba rin ako. Bukas, ipako-confirm ko ang sistema ng pagbili ng stocks sa WWG Publishing. Nag-chat na kami kagabi ni Mrs. Rochell Ortega Javier, founder ng Wattpad Writers Guild. Nabasa ko na rin ang ilang mga info about the shares. Ang gusto ko lang malaman ay kung magkakaroon ba ako ng access sa financial accounts ng business. Mahirap kapag maghihintay lang ako sa dividend, lalo na't hindi kami magkikita in person. Ang mga transactions lang ay online at through courier. Interested din si Gina. Ito ang dream business namin kaya kailangang makasali kami dito. Makakuha man lang ng idea sa management at publishing industry. Enero 23, 2017 Hindi sana ako sasama sa outing slash despidida (retirement) party para kay Mam Deliarte. Ayaw ko kasi ng plastikan. Kaya lang, napilit ako ng mga kasamahan ko sa grade level. Ako lang ang wala, kapag hindi ako sumama. Pasado alas-onse ay nasa Sta. Rosa Heights na kami. Masarap naman ang mga pagkain, kaya lang pinagsalita pa ako para batiin ang mag-reretire. Sabi ko lang ay "Happy retirement po! Goodluck!" All in all, nag-enjoy naman ako. Sumakit lang ang ulo ko habang nasa biyahe ako pauwi. Delayed din ang sahod namin kaya hindi ako nakapagpadala para sa sticks sa WWG Publishing. Enero 24, 2017 Naghain ng proposal sina Sir Joel at Mam Gigi sa akin. Tungkol ito sa lending business na napag-usapan namin noong nakaraang linggo. Ililipat nila sa akin ang utang nila at dodoblehin nila ang utang. Pero, 5% lang ang interest, instead na 10%. Pumayag naman ako. Masarap makatulong sa kapwa. At, magkakaroon din ako ng income. Hindi na nga ako papaawat na mag-invest o kumita ng extra. Need kong makaipon para pampagawa sa bahay. Past 3, nagpadala ako kay Virginia Loreen M. Dominguez ng pera para sa binibili kong stocks sa WWG Publishing. Na-claim niya naman agad, kaya lang ay kailangan kong hintayin ang contract na pipirmahan ko. Ipapadala pa ni Mam Rochel through email. I hope maging successful ang first venture ko sa stocks at publishing house. Sana magtagumpay ang WWG. Tiwala ako sa kanila. Kaya dapat lang na hindi nila iyon masira. Sa bahay, kahit walang signal ang internet ko, na-eenjoy ko pa rin ang laptop ko. Nag-eedit ako ng journal ko, na ipapaprint ko into book. Enero 25, 2017 Nagpalitan kami ni Mam Janelyn ng klase. Aligaga ang lahat dahil may mga dumating na supervisors. Alam ko rin kung bakit--- para sa retirement at birthday celebration ni Mam Deliarte. It's her last day of service today. Naging maayos naman ang klase ng bawat isa. Nasimulan ko pa ngang i-format ang manuscript ng new FB friend ko na nais ding mag-publish. Naaasar ako kay Emily. Panay ang misscall at text. Hindi ba siya makaintindi na kailangan ko munang manahimik? Kailangan niya ring ma-realize ang mali niya. Sa February ko pa siya kakausapin. After class, nag-withdraw ako ng pera para sa lending business. Isinama ko na ang dalawa-- Mam Gigi at Sir Keliste para madala na nila ang pera. Bale P66K ang initial capital ko. Thirty kay Sir. The rest, kay Mam Milo. Past 4, nakauwi na ako. May dala akong almeres, galing sa Romblon at bigay ni Mamah. Pasasalamat nila ito sa akin dahil nagawan ko ng tula ang batch nila na nag-celebrate ng 50 years anniversary. Enero 26, 2017 Na-bad trip ako (kaming Grade Six teachers) kanina sa kadamutan ng principal. Kinuwestiyon pa niya ang ipinapa-riso naming NAT reviewer. Ayaw niya. Ang gusto niya ay gamitin namin ang mga lumang-luma nang mga reviewers. Hindi ko alam kung anong logic niya. E, para naman sa school ang ginagawa namin. Kapakanan ng lahat ng stakeholders ang pagpapa-riso. Tindi niya! Samantalang wala na siyang power. Retired na siya. Effective kahapon. Tama lang talaga ng mawala ang respeto namin sa kanya. Naibigay na sa akin ni Sir Joel ang ATM card niya as collateral. Si Mam Milo bukas pa. Patuloy naman ang pag-text ni Emily sa akin. Humihingi siya ng padala. Ginagamit niya pa ang pangalan ni Zillion. Gayunpaman, balewala iyon sa akin. Iba ang hinihintay kong sabihin niya. Enero 27, 2017 Nagparada kami para i-announce ang Early Enrolment. Mahaba ang nilakad namin. Nakakapagod. Nakaapak pa ako ng tae ng aso. Kainis! Mabuti na lang ay may masaganang almusal pagdating namin. Birthday ni Mareng Janelyn. Naghanda siya at bumili ng pagkain. Solb! Ibinigay na sa akin ni Mam Gigi ang ATM card niya. Tapos, naipa-scan ko sa kanya ang contract ng WWG Publishing para i-send ko naman kay Mam Che. Natutuwa akong makita ang contract. Stockholder na ako! Before 4, nakauwi na ako. Excited akong mag-garden. Kaya lang, na-bad trip ako sa mga nagba-basketball sa harapan ng bahay. Panay ang talbog ng bola nila sa bakuran ko. Ang nakakainis ay natatamaan ang mga halaman ko. May na natumba pa ngang paso. Isa na lang, magagalit na ako sa kanila. Tumalbog ba naman ang bola sa harapan ko. Ni hindi man lang nag-excuse at nag-sorry ang isa. Bastos! Sino ang hindi magagalit? Naiinis pa rin ako kay Emily. Ayaw niya pa ring sumuko. Hindi pa siya umaamin ng pagkakamali niya. Hindi sapat ang sorry niya. Gusto kong mangako siya na hinding-hindi na niya uulitin ang ginawa niya. Pangatlong beses na iyon. Ayaw ko na ng pang-apat. Apektado na si Zillion. Ayon sa text at chat niya, may lagnat ang anak namin. Sana makayanan ko pang matikis sila. Enero 28, 2017 Maaga akong nagising. Ginusto ko pang matulog dahil wala pang alas-7, kaya lang ay nabigo ako. Siguro ay dahil may meet-up kaming SP Actual admins. Kaya, bumangon na ako. Naglaba at nag-gardening. Past 10, nagkita kami ni Au sa may Puregold Tanza. Hindi niya alam ang papuntang MOA, kaya nakisabay siya sa akin. Dumating si Sir Imma after 15 minutes. Then, si Luna ang sumunod. Nag-lunch kami sa Zark's. Hindi na namin nahintay si Lorna. Ang saya ng meet-up namin. Ang cool nila. Kaya kahit nagplaplano kami, nagtatawanan kami. Naging productive iyon. Worth it! Sa wakas, nagkita na kami ni Lorna at Au. Naiabot ko sa kanya ang book na hiningi niya, ang Lola Kalakal. Nag-request pa ng message at signature. Si Luna naman, ibinigay niya sa akin ang watercolor painting niya na pinost niya sa Facebook at kung saan ay nagpasaring ako na gusto ko iyon. Maganda naman talaga. Maliit nga lang. Four by five inches lang. Binati ko na si Emily. Pinatawad ko na siya. Pero, hindi ko pa siya sinisingil sa mga ginawa niya. Saka na lang siguro. Hindi nga rin siya nanghingi ng padala. Nahiya marahil. Nag-apology lang siya. Sabi niya: " Pa we love u....so much.thank you for being a good hubby and father....sNA wag ka magbago...I'm really very sorry pa..." Nakauwi ako bandang alas-8 ng gabi. Pagod at antok na, pero masaya ako. Enero 29, 2017 Hindi na ako pumunta sa Antipolo para bisitahin si Mama. Naawa ako sa kanya, pero kailangan kong tiisin para sa sarili. Kulang na ang panahon ko para sa sarili at bahay. May SULAT Pilipinas pa ako. Kainis lang dahil ang hina pa rin ng signal. Past 9, nagpadala na ako kay Emily. Gayunpaman, hindi ko pa rin nakakalimutan ang ginawa niya. May oras din kami para mag-usap tungkol doon. Then, tumingin ako ng tiles sa isang depot. Nag-canvass na rin ako ng pinto, bago nag-grocery. Gabi, nag-chat kami ni Jano nainis ako dahil inaasa na niya lahat sa akin ang gastusin sa paglalakad ng operasyon ni Mama. Ang akin ay ang operation fee at mga gamot. Pati ba naman pamasahe ay sa akin pa. Understood na 'yun. Alangan namang umuwi pa ako para magbigay ng panggastos nila para sa Wednesday. Dalawang libo o mahigit na naman iyon 'pag nagkataon. Nasabi ko tuloy na ihatid na lang dito si Mama. Ako na ang bahala sa lahat. Nakakaasar! Parang ako lang ang anak. Sana magbigay din sila. Nagigipit din ako. Akala siguro sa akin, banko ako. Sana pumayag si Mama na dito na lang siya. Enero 30, 2017 Twenty-five ang estudyante kong pumasok. Dahil ito sa coronation ng Ms. Universe at naganap na Sto. Nino parade kahapon. Gayunpaman, sinikap kong matuto sila. Nagpa-activity ako at nagpasagot ng NAT reviewer. Hinintay rin namin ang pagdating ni Sir Imma. Past 1 na siya dumating. Inubos namin ang nalalabing minuto para kuwentuhan, i-inspire at hikayatin sila para magsulat. Naging makabuluhan ang sandaling iyon. Past 3:30 na kami nakalabas sa school. Nag-usap pa kami tungkol sa.lakad nila.ni Au bukas sa UP Diliman. Kakausapin nila ang isang tauhan ng UP Press, na maaaring makatulong sa amin at sa advocacy. Hiniram din niya ang mga classroom publications namin. Ipapakita niya ang mga iyon bukas, kasama na ang aklat na "Walang Pamagat", na ibinigay ko sa kanya as token. Pumayag na raw pala si Mama na sa akin na tumira. After nilang pumunta sa EAMC ni Taiwan, ihahatid siya sa akin para sabay na kaming bumiyahe pauwi. Maaalagaan at makakasalo ko na siya sa pagkain, kahit madalas sa hapunan lang. Kahit paano ay magiging kampante ako. Enero 31, 2017 Sa klase ko, nag-review kami para sa NAT at 3rd periodic test. Nagbigay rin ako ng mga sertipiko para sa mga naka-perfect ng attendance. After ng klase, nagpadala ako sa Le Sorelle ng P600 para sa shipping fee at bayad sa limang books na "Mga Kuwentong Pambata." Ipapadala raw nila kapag na-print na. Akala ko naman published na. Grabe talaga ang style nitong LSP! Nakakainis na. Kahit nga ang books namin ni Gina, hindi pa rin dumarating. Naipadala na raw niya. Asus! Kung ano-ano na lang ang paliwanag ng may-ari. Hindi na ako naniniwala. Pagdating ko, mga alas-4, umidlip ako. Dalawang gabi akong puyat, kaya halos ituloy ko na ang pagtulog. Kung hindi ko lang inisip ang pagdidilig ng mga halaman. Isa pa, nagutom ako. Kinailangan kong magmeryenda. Naglaba rin ako ng mga uniporme ko.

Thursday, December 29, 2016

Media Noche

"Honey, overtime kami. Baka ma-late ako sa Media Noche," sabi ni Victor sa kanyang asawa nang tumawag ito.

"Iyon nga rin ang sasabihin ko sa'yo. Mali-late rin ako. So, bukas ng tanghali na tayo mag-celebrate ng Bagong Taon."

"Bakit? Hindi ba plinano na nating magsalubong ng New Year?

"Oo. Pero, may pinapatapos si Boss sa akin. Nakasalalay rin naman dito ang future natin. Besides, mahaba pa ang bagong taon. Puwede tayong mag-start anumang oras o araw na gustuhin natin. Promise, bukas ng tanghali magkasama tayo."

Mahabang sandali na hinintay ni Rona ang sagot ng asawa. Dinig na dinig niya ang buntong-hininga nito.

"Sige! See you tomorrow. I love you, Honey! I promise, magiging maganda ang taong parating para sa atin."

"Thank you! Ingat!"

Ngumiti nang mala-demonyo si Victor. At, tinungo na niya ang kinaroroonan ng mansion ni Mayor Rubio. Ito na ang huling tahanang kaniyang papasukin at lilimasan ng salapi. Alam niyang ang mananakaw niyang pera ay magiging sapat para makapili si Rona kung artificial insemination o surrogation upang magkaanak sila.

Alas-dose ng hatinggabi, nagpuputukan na sa labas. Maingat na inakyat ni Victor ang mataas na pader. Nang nasa loob na siya ng bakuran, biglang nangatog ang puso niya. Ninais niyang umurong.

"Gusto kong magkaroon ng anak," tila narinig niya ang huling birthday wish ni Rona.

"Oo, Rona. Magkakaroon tayo ng anak," aniya. Saka siya sumulong sa pag-akyat sa veranda ng kuwarto ni Mayor.

Ang suwerte ni Victor dahil nasa bakasyon ang mga bodyguards at mga katulong ni Mayor. Agad niyang naakyat ang kuwarto nang walang kahirap-hirap.

Mula sa kanyang bag, inihanda niya ang kakailanganin upang mapatulog si Mayor, gayundin ang pambukas sa nakapinid na pinto.

Nakasindi ang ilaw sa kuwarto. Alam niyang nasa loob si Mayor.

Ang suwerte ni Victor dahil kahit maingay ang kilos niya, hindi pa rin ito dinig sa loob, dahil na rin siguro sa ingay ng mga paputok.

Abot-tainga ang ngiti ni Victor nang mabuksan niya ang pinto.

"Maiisahan din kita, Mayor. Sa laki ng na-corrupt mong pera sa bayan, mapapasaakin ang maliit na halaga nito," aniya sa isip.

Bahagya niyang itinulak ang pinto. Mula sa uwang, nakita niya ang nakaigtad na babae, habang binabayo siya ni Mayor.

"Shit, Rubio! Sige pa. Malapit na!" sigaw ng babae.

"I'm coming, Sweetie. I'm coming!"

Animo'y nasabugan ng illegal fire cracker ang puso ni Victor nang makumpirma niyang ang asawa niya ang kaniig ni Mayor.


Tuesday, December 6, 2016

True Conversation: Balagtasan Mode

Isang hapon…
Rina: Huwag ka ngang daan nang daan sa wall ko. Obvious na ‘yang pagpapapansin mo!
Rina: Nagfocus ka na naman sa camera, tapos ayaw mong titigan kita!
Rina: Saan ba ako sa 'yo titingin, nang 'di magtatama ag ating paningin?
Perry: Sa lupa ka tumingin nang ‘di ito mabaling sa akin.
Rina: Mabuti pa sa camera titig na titig ka, pero sa akin parang napapaso ka.
Rina: Mabuti pa sa camera nakangiti ka, pagdating sa akin nakabusangot ka.
Rina: Camera lang ba ang iyong tititigan? Maaari bang sa akin kumiling ka naman?
Perry: Huwag kang ganyan, baka ako'y kiligin niyan.
Rina: Hindi kita pinapakilig. Sinasabi ko lang ang nilalaman ng aking dibdib?
Rina: Sana camera na lang ako para sa akin lang ang matatamis na ngiti mo.
Rina: Hindi para sa’yo ang mga ‘yan. Gumagawa lang ako ng tugmaan, Isip mo’y ang dumi naman.
Rina: Ayaw kong tumingin sa lupa, baka 'di ko mapansin tayo'y magkabangga.
Perry: Ngunit, hindi ka makakaapak ng tae ng pusa.
Rina: Okay lang kung tae ang maapakan, 'wag lang ang taong aking kinakikiligan
Perry: Wala kang mapapala sa kilig na 'yan dahil siya ay may ibang kinababaliwan.
Rina: Wala akong pakialam diyan! Pasasan ba't makukuha ko rin ‘yan.
Perry: Makukuha mo nga siya, pero siya’y isa nang tira-tira.
Rina: Hindi bale nang tira-tira, kung sa kanya naman ako magiging masaya.
Perry: Hindi ka nga magiging maligaya sa kanya dahil sa pagmamahal, siya'y pagod na.
Perry: At saka, huwag kang kakain ng tira-tira, hindi ka naman kasi isang kahig, isang tuka.
Rina: Kung sa pagmamahal, siya'y pagod na, sa piling ko, sisiguraduhin kong puso niya’y makakapagpahinga.
Rina: Isang kahig isang tuka lang ba kumakain ng tira-tira, sa pagkakaalam ko, ang mga mayayaman iyon din ang tinitira.
Perry: Suko muna ako ngayon sa iyong mga tugma, dahil ako ay nag-aabang ng bus sa kalsada.

Mayamaya….
Perry: Sige, game na. Ako'y nakasakay na.
Perry: Tigil-tigilan mo ako ng mga hugot mo. Hindi ako natutuwa sa mga banat mo!
Perry: Huwag mong sabihing kaya mong magmahal. Hindi mo nga natapos ang una mong kasal.
Rina; Ay, mas matindi banat mo.
Perry: Aalagaan mo kamo siya? Bakit hindi kayo nagtagal ng iyong asawa?
Rina: Di ko sinasabi na ako’y magmamahal muli dahil puso ko'y wala ng puwang sa mga lalaki..
Rina: Hala! Personalan na! Sino ba ang makakatagal sa taong asal ay asong askal?
Perry: Bakit puro pagmamahal ang iyong bukambibig? Hindi ka naman pala iibig.
Rina: Hindi ba puwede iyon sa mga hugot ko? Pati ba iyon ay ipinagbabawal mo?
Perry: Wala akong pakialam sa inyong kasal, lalo na sa kanyang asal. May sarili akong buhay na matiwasay. Ayaw kong sa inyo ay madamay.
Perry: Bawal ang mga hugot mong walang katuturan dahil hindi ko naman pala maaaring paniwalaan.
Rina: Ano ba pinagsasabi mo? Isip ko'y nagugulo. Saan ba patungo ang usapan nating ito?
Perry: Nakakainis ang mga banat mong lumilihis, parang ahas na handang manglingkis!
Rina: So, ngayon naiinis ka na sa mga banat kong hindi naman sa iyo patama?
Perry: Ewan ko sa'yo, katoto. Bakit ka nga ba nakikipagtalo? Ako si Makata O, sanay sa ganitong duwelo. Kaya, sa akin ay hindi ka mananalo.
Perry: Magpakatotoo ka kasi, kaibigan. Kung ano ang usapan, huwag mo sanang ilihis ng daan.
Rina: Hindi kita lilingkisin. Sa mga lintanya mo, ako'y may napapansin. Mga hugot ko'y iyong inaangkin.
Rina: Masyado ka namang kumpiyansa sa sarili mo, na lagi kang mananalo. Porke’t ikaw ay bihasa na dito.
Perry: Hoy, Rina, hindi ko ugaling mang-angkin dahil ako ay mayroon din. Mayroon akong sariling galing, kaya ‘di ko kailangang ikaw ay kopyahin.
Perry: Oo, naman! Ilang beses na ba kita napataob? Sana panghinaan ka na ng loob.

Rina: Ayaw kong panghinaan ng loob. Lalaban at lalaban ako sa mga patutsada mo.
Perry: Magbibilang na ba ako ng isa hanggang sampu upang matigil na ang tunggaliang ito?
Rina: Hindi pa.
Perry: Lumaban ka hanggang kaya mo pa, dahil sinisigurado ko sa'yo, 'di ka makakaisa.
Perry: Isa
Perry: Dalawa
Rina: Hindi ko sinasabing ikaw sa aki'y nangggaya dahil alam ko madunong ka.
Perry: Tatlo
Rina: May sagot n ako, a.
Perry: Salamat naman kung ganoon! Linawin mo ang iyong tugon.
Perry: Isa
Perry: Dalawa
Rina: Iyan ang pagkakaalam mo. Sa iyo, lalaban pa rin ako.
Perry: Tatlo
Perry: Apat
Perry: Lima
Perry: Anim
Perry: Pito
Perry: Walo
Perry: Siyam
Perry: Sampu
Perry: Tapos na ang tunggalian. Ako na muli ang kokoronahan.
Rina: Hala! Nag-hang nga cp ko. Ang daya mo naman. Ayaw lang kasing patalo.
Perry: Wala nang masyadong dahilan. Talo na ka, tapos ang usapan. Ang laurel ng makata ay dapat ko nang makamtan.
Rina: Ang taong madaya ay kokoronahan na.
Perry: Kapag natalo, sasabihin ay nadaya. Kapag nanalo, sasabihin ay tsamba.
Rina: Hindi! Ayaw mo lang kasing patalo.
Perry: Tanggapin mo nang maluwag sa dibdib ang iyong pagkatalo. Iyan ang magpapalaya sa'yo.
Rina: Ayaw ko! Bilis magbilang, e!
Perry: Sige, pagbibigyan kita. Tatanggihan ko muna ang aking korona.
Rina: Yabang talaga. Lumalalim na talaga kayabangan.
Perry: Hindi ako mayabang. Talaga lang na ika'y talunan.
Rina: Hindi ko matatanggap ‘yan! Dahan-dahan sa pagbilang, kaibigan.
Rina: Saan na ba ang  dulo ng ating usapan?
Perry: Sige, umpisahan mo ang ikalawang laban, bago ko pa simulan ang pangalawang pagbilang.
Rina: Mas mabilis pa sa relo ang bilang mo. Saan tayo magsisimula?
Perry: Kasingbagal naman ng isip mo ang pag-type mo.
Rina: Hala, grabe kung manlait! E, sa mahina ako mag-type. Anong magagawa ko?
Perry: Ganyan talaga sa duwelong ito. Kailangang malupit ang dila mo, kung hindi, ika'y matatalo.
Rina: Ganoon ba? Kaya pala pinipersonal mo ako.
Perry: Kaya nga ika'y sawi dahil ganyang ang iyong gawi.
Rina: Ano ba ang aking gawi?
Perry: Ahaha. Tumigil ka! Walang ganyang drama. Sa labang ito, ang matibay ang matitira.

Lumipas ang mahabang sandal…..
Perry: Nahan ka na, Gina? Sabihin mo lang kung ayaw mo na.
Rina: Nag-hang nga ang cp ko. Wait!
Perry: Bibigyan kita ng isang minuto upang magbigay ng sagot mo.
Rina; Hindi ako nagdradrama. Ano naman ang sa aki'y mapapala. Ako pa rin ay nandito, handang makipagtunggali sa’yo.
Perry: O, siya... Atin nang simulan ang ikalawang laban.
Rina: Saan ba tayo magsisimula?
Perry: Para kang manok, putak nang putak. Wala sa oras kung tumilaok.
Rina: Ganoon lang ang akala mo. Panay tulig lang kasi ang alam mo
Rina: Kailangan kang gisingin. Ang panghi mo'y sa akin na'y nakarating.
Perry: Ahaha. Hindi ako apektado sa sinabi mo. Para lang itong utot ng isang bilanggo.
Rina: Ganoon? Nagmamanhid-manhiran ka, katoto, kahit naamoy mo na sarili mo.
Perry: Kasingbaho ng kilikili mo ang mga salita mo. Palitan mo na ang iyong istilo.
Rina: Ahaha! Para namang naamoy mo kilikili ko at laging pinangangalandakan mo.
Perry: Panghi ko nga'y naamoy mo, kaya kilikili mo rin ang tinira ko. Patas lang tayo.
Rina: Okay! Okay! Sige, lusot ka na naman kasi alam kong ayaw mong maging talunan.
Perry: Sige, lumaban ka, hanggang wala ka nang maisasalita.
Rina: Hintayin mo ang paghihiganti ko. Mararamdaman mo ang pagtarak ng punyal sa dibdib mo.
Perry: Sa laban, walang nais maging talunan. Alam ko, isa ka ring nais makoronahan.
Rina: Hindi ako mauubusan ng salita, habang ako'y nabubuhay at humihinga.
Rina: Korona sa ulo mo'y ipot, katulad ng utot mong mabantot.
Perry: Mas nainam na ang koronang ganyan kaysa sa ipuputong kong tinik sa iyong bumbunan.
Rina: Alin ba ang mas matindi-- ipot o tinik sa bumbunan na magiging sanhi ng iyong kamatayan?
Perry: Ang tinik ang mas matindi dahil nilagyan ko ng lason, na sa buhay mo ay pupundi.
Rina: Aking hihintayin ‘yan, na ikaw naman ang maubusan.
Perry: Hindi ako mauubusan ng salita dahil ako mismo ang gumagawa.
Rina: Katulad mo, ako ri’y maraming salita, na puwede sa iyo'y ipanangga. Kaya, huwag kang pakasisiguro na ako'y lagi mong matatalo sa ating duwelo.
Perry: Sige, ipagpalagay na nating mahusay ka. Pero, hanggang kailan ka may ibubuga?
Rina: Habang ako'y nabubuhay pa, patuloy akong bubuga ng sa gayo'y matalo ka.
Perry: Ako'y pababa na. Huwag mong isiping ako’y suko na. Mamaya, may part 3 pa.
Rina: Ha ha ha! Part 3 pa talaga. Saan ba ang lakad mo?
Perry: Galing po ako sa Tanza, Cavite-- naglakad ng mga papeles gaya ng cedula at barangay clearance. Intiendi?
Rina: A,okay. Bakit napaantipatiko mo? Akala mo nama'y kasingguwapo ka ni Piolo?
Perry: Hindi man ako kasingguwapo ni Piolo, ako naman ang nag-iisang ako, may sariling looks, na maipagmamalaki ko.
Rina: Ha ha ha! Lahat naman may sariling looks. Hindi ka lang nag-iisang walang muks.
Perry: Ginabi na ako sa biyahe. Nais ko na sanang magkape
Rina: Six pa lang naman diyan, a.
Perry: Six ay gabi na. Madilim na talaga. Huwag mong sabihing umaga pa. Mamaya, tulugan na.
Rina: Malapit ka na sa boarding house niyo?
Perry: Malayo-layo pa. Tapos, traffic ay kay haba na. Haay! Ako'y kapeng-kape na!
Rina: Pagdating mo’y magkape ka. Ano namang problema? May tea ka pa naman yata!
Rina: A, akala ko ay pababa ka na?
Perry: Bukas, ako'y babalik pa upang lakarin ang koneksiyon ng tubig. Nakakapagod at napakagastos talaga, ngunit kapag natapos ay kaibig-ibig.
Rina: Oo. Malapit ka nang makalipat. Sarap sa pakiramdam ng ganyan. Pag-uwi  ko’y makikita ko rin ang aking pinaghirapan.
Perry: Gusto kong matulog na lang upang bukas paggising ko, pasok na agad.
Rina: E, ‘di matulog ka. Anong problema? Huwag ka nang magkape kaya…
Perry: Problema ko? Inaabala mo ako.

Rina: Hala! Bakit?

Sunday, December 4, 2016

Hijo de Puta: Ciento bente-siyete

Haplos ng kamay sa aking pisngin ang nagpadilat sa akin. “Val?” Nagulat ako nang makita ko siya sa aking harapan, ngunit mas na nagulantang ako nang naramdaman at napansin kong nakaposas ang mga kamay at mga paa ko sa mga poste ng kama.

Agad siyang lumayo sa akin, kaya nakita ko sa kabilang kama, sa aking kaliwa, si Lianne. “Lianne!?” sigaw ko. Gusto kong malaman kung buhay pa siya. Gaya nang ginawa ni Val sa akin, ganoon din ang kanyang kalagayan. Ang tangi lang kaibahan ay ako ay nakahubo’t hubad.

Bigla akong nahiya kay Val, habang nanunuot ang pagkatitig niya sa aking katawan.

“Ano bang ginawa mo kay Lianne?” pasinghal kong tanong.

Ngumisi si Val.

“Ano ba talaga ang gusto mo sa akin. Pawakalan mo ako’t pagbibigyan kita, gago ka!” Gusto ko na siyang patayin.

“Relax, my dear.” Nagboses-bakla siya. “Darating tayo diyan. For the mean time, enjoy the show.” Lumapit siya sa akin. Idinikit niya ang kanyang mga labi sa aking tainga. “Enjoy the show…” bulong niya. Pagkatapos, tinawag niya ang lalaking nagngangalang Howard. “Are you ready?”

“Yes, Doc!” sagot ng matipuno at guwapong lalaki.

May dumagundong sa loob ng katawan ko. Nahulaan ko na ang mangyayari. Nagpumiglas ako, subalit walang nangyari. Pakiramdam ko, nasugatan lang nga mga kamay at paa ko. Pagkuwa’y nakita ko na lang na nakaupo na si Val sa isahang sofa, na nasa harap ng dalawang kama.

Isa-isang tinanggal ni Howard ang kanyang mga saplot, saka nilapitan si Lianne.

Naging balewala ang mga sigaw ko, habang hinimas-himas ni Howard ang katawan ng mahal ko. “Howard, maawa ka kay Lianne. Huwag mo siyang galawin. Val, hindi ba’t ako lang naman ang gusto mo? Ako na lang, please. Huwag na si Lianne.”

Hindi umimik si Val. Alam kong nasisiyahan siya na nakikita akong nagmamakaawa.

Muli akong nagmakaawa, ngunit nagbingi-bingihan lang ang dalawa.

Pumikit na lamang ako. Wala na akong magagawa. Tinanggap ko na, na ang babaeng gusto kong maging ina ng anak ko ay makukuha lang ng lalaking biktima rin ni Val.

Lumaganit ang damit ni Lianne. Tila pinunit rin ang puso ko sa aking narinig. Mayamaya, dinig na dinig ko na ang mga haplos at halik ni Howard sa katawan ni Lianne. Alam kong lantad na lantad na sa kaniya ang buo nitong katawan.

Hindi ko kayang tingnan ang pambababoy niya kay Lianne, pero kaya ko sana siyang ipaglaban kung makakawala lamang siya.

Lalo akong nagpuyos sa galit nang maramdaman kong kinakain na ni Howard ang pagkababae ni Lianne.

“That’s it, Howard. Lick her pussy,” sabi pa ni Val.

Nilakasan pa ni Howard ang paggawa ng ingay. Tila umuungol na rin siya sa sarap.

“Very good, Howard! Now, get her,” utos ni Val.

Dumaloy sa pisngi ko ang mainit-init na luha. Pinanghinaan ako ng loob. Hindi ko nailigtas ang mahal ko. Mura-murahin ko man silang dalawa ay wala nang halaga.

“Harder, Howard, harder!”

Ramdam ko ang pagbayo ni Howard sa pagkababae ni Lianne. Gusto ko na lang sanang isipin na ako na lang ang nasa ibabaw niya, ngunit ni hindi nga tumayo ang manoy ko.

Nang hindi ko na nakayanan ang awa at galit ko, sinilip ko si Lianne at Howard. Wala pa ring mala yang iniibig ko. Si Howard naman ay napatingin sa akin. Umiiyak siya. Ikinagitla ko iyon, kaya pumikit-dumilat ako upang patunayang hindi ako dinadaya ng aking paningin. Kumislap ang gilid ng kanyang mata. Lihim akong nagtaka at natuwa.

Tinuloy ni Howard ang kanyang ginagawa, ngunit hindi naman pala nakapasok ang kanyang ari sa ari ni Lianne. Nagkaroon ako nang pag-asa.

Tiningnan ko si Val. Aliw na aliw ito sa panunuod.

“Ano ba ‘yan, Howard? Isagad mo na para ‘di na mapakinabangan ni Hector.”

Lihim na gumalaw ang kamay ni Howard. May inabot siya sa ilalim ng unan. Ilang sandali lang ang lumipas, sinimulan niyang pekein ang kanyang pag-ulos sa pagkababae ni Lianne. Binilisan niya nang binilasan, kunwari. Naramdaman ko naman ang pagagalaw ng pagkalalaki ko. Noon lamang ito nakaramdam ng libog. Gusto ko ring mapansin iyon ni Val upang hindi mabuko ang binabalak ni Howard.

“O, shit, Howard, harder…” Lumapit si Val sa akin. Pinagapang niya ang kanyang kamay—mula sa aking pisngi hanggang sa aking alaga. Lalo ko namang inisip na si Lianne ang humahawak niyon, kaya nagkumawala ito. Tamang-tama, nakatalikod siya kay Howard at Lianne.

Pumikit ako. Ninamnam ko ang kamay ni Val. Umigtad pa ako nang maramdaman kong idinampi niya ang kanyang mga labi sa nipple ko.

“Bravo, Howard! Good job! Bihis na at ipasok na ditto ang isa pang sorpresa,” ani Val.


Nang dumilat ako, palabas na si Howard. Duguan naman ang puwerta ni Lianne. Isa na lang ang problema ko, pero hindi ko iyon masyadong iindahin. Mas kinabahan ako sa isa pa niyang sorpresa. 

Thursday, December 1, 2016

Ang Aking Journal -- Disyembre, 2016

Disyembre 1, 2016 Maaga akong nagising para hindi ako ang hintayin, kaya lang, Filipino time pa rin. Past 7:30 na nakaalis ang bus. First stop ay sa SM Paranaque. Doon ginanap ang Science show. Next is Camp Aguinaldo. Naroon ang AFP Museum. Nakakamangha ang mga display doon. Nakakainis lang dahil ang bilis. Hindi puwede ang umalis sa pila. Last itinerary is Avilon Zoo sa Montalban, Rizal. Doon ako nag-enjoy nang husto. Ang ganda. Andaming uri ng hayop. First time kong makakita ng giraffe in person. Dapat ang last stop namin ay sa Pasig Rainforest. Hindi na tumuloy dahil alas-siyete na nakarating doon. Napalayo pa tuloy ako. Dapat bumaba na ako sa Masinag, kung nag-decide agad na umuwi na. Past nine ako nakarating sa Bautista. Expected na ni Mama ang pagdating ko. Alam ko, natutuwa siya dahil matutuloy na ang interview sa kanya, para sa schedule ng operasyon. Disyembre 2, 2016 Alas-kuwatro ay gising na ako. Gusto ko pa sanang matulog, kaya lang hindi na ako dalawin ng antok. Naghanda na lang ako ng almusal namin. Kaya naman, maaga rin kaming nakarating sa Sta Lucia Eye Bank, na nasa loob ng PGH. Naghintay kami ng kalahating oras bago na-interview si Mama. Ang bilis lang. Wala pang 10 minutes. Agad naman kaming tumungo sa EAMC para ibigay ang notice na galing sa eye bank. Granted na ang cornea transplant ni Mama for free, kaya lang ay kailangang tumawag ang opthalmologist niya for confirmation. Nagawa naman agad namin dokn ni Mama, medyo matagal-tagal nga lang. Nagpa-xerox pa ako. Masaya ako.dahil natupad ko ang pangako ko kay Mama na sasamahan ko siya. Alam kong mas masaya siya dahil malapit na siyang maoperahan. Kahit nagsabi na ang doktor na maghanda ako ng P8000 para pansundot sa donor, hindi ako pinanghinaan ng loob. Maliit na halaga, kumpara sa ginhawang maidudulot kay Mama at sa aming lahat. Nakauwi kang bandang alas-3. Nahirapan kami dahil umulan, pero ayos lang. Worth it. Disyembre 3, 2016 Wala pang alas-4 ay nakamulat na ako. Hindi na ako nakatulog. Naghanda na ako sa pagbiyahe papuntang Tanza. Hindi naman ako na-late. Bago mag-alas-8:30 ay nandoon na ako sa bahay. Kaya lang, tapos na pala ang wiring. Nagtaka ako kung paano nila nabuksan ang pintuan. Pero, hindi na mahalaga iyon. At least, hindi na ako maghihintay. Nagbayad na ako ng construction bond na P7000. Gusto ko na kasing maikabit agad ang pinagawa kong mga grills. Nagbayad din ako ng P2500 deposit sa sub-meter ng kuryente. Sa December 10 na ako makakabitan. Past 10:30, umuwi na ako sa Pasay. Habang nasa biyahe, pinagplanuhan ko ang mga dapat gawin sa pagkakaroon ng permanent water supply. Need ko na itong simulan sa Lunes para makaabot sa Pasko. Gustong-gusto ko nang lumipat. Nagklase na ako sa master's ko. Na-meet ko na ang prof ko sa Fundamentals of Research Designing. Nagturo na siya kahit apat lang kaming pumasok. Mahusay siya. Andami ko na agad napulot. Nakaka-inspire tuloy mag-thesis. Disyembre 4, 2016 Nalimutan kong magsimba. Palibhasa, nagbanlaw ako ng mga binabad at naglaba ng mga sneakers ko. Hindi ko talaga naalala na Linggo pala ngayon. Gayunpaman, naging makabuluhan naman ang araw ko ngayon. Nakapagsulat ako. Nakapagpahinga. At, nakapaghanda ng visual aid para bukas. Bukas, kukuha ako ng cedula at barangay clearance sa Tanza. Sana hindi na ako pasamahin sa Valenzuela para sa awarding ng RSPC. Disyembre 5, 2016 Hindi pa rin nagpalitan ng klase. Pero, nagturo ako. Nagpa-activity ako nang nagpa-activity habang nagbabasa ng akda nila. Nakapag-type at nakapagpost pa ako ng napili ko. After class, it was 2 PM, pumunta ako sa Tanza. Kumuha ako ng barangay clearance at cedula. Mabuti na lang at naabutan ko pang bukas ang mga halls. Na-traffic pa kasi ako kaya natagalan akong makarating. Kaya lang, ginabi na ako ng uwi. Gutom na gutom ako pagdating ko. Hindi ko na nagawang magmeryenda dahil sa pagmamadali. Gayunpaman, masaya ako dahil na-accomplished ko ang dalawang requirements para sa permanent water connection. Bukas kasi ay sa Malagasang naman ako pupunta. Nakapag-confide ako sa SULAT Heads GC ng tungkol sa mga buhay-buhay ko para mabawasan ang pagkailang ko sa kanila. Kahit paano ay parang naging close ako sa kanila. Sana tuloy-tuloy na akong maka-connect sa kanila. Disyembre 6, 2016 Tulad kahapon, walang palitan. Nagturo ako at nagpa-activity. Nami-maintain ko pa rin ang discipline sa classroom dahil patuloy ang pagsisingil ng piso sa bawat ingay nila. Nakakaipon pa kami ng gagamitin sa Christmas party. After class, pumunta ako sa Imus. Nahanap ko naman agad ang Green Gate Homes. May kaunting kapalpakan, pero mabilis kong natapos. Sa 14 na ikakabit ang linya ng tubig. Nakauwi ako bandang alas-siyete. Pagod na pagod, antok na antok, at gutom na gutom na ako. Gayunpaman, thankful ako dahil natapos ko na ang paglakad ng tubig. Sa bakasyon ko na lakarin amg Meralco. Bukas, kailangan kong bumili ng mga bombilya para sa bahay. Sa 10 na kasi magkakabit ng kuryente. Disyembre 7, 2016 Makikipagpalitan na sana ako ng klase, kaya lang ay biglang naglabasan ang halos kalahati ng VI- Garnet dahil may practice sila ng drum and lyre. Nakiusap pa ang iba na huwag na akong magturo dahil mami-miss nila ang lesson. Hindi nga ako nagturo. Isa pa, maingay ang buong school dahil sa tugtog. Hinayaan ko na lang ang advisory class ko na gumawa ng activity ko para sa kanila. At, nang matapos, hinayaan ko na ring gawin ang gusto nila, basta't tahimik lang. Ayaw na rin naman nila na magturo ako. Nakakatamad tuloy magturo dahil laging walang palitan. Nakakawala ng drive. Turong-turo na ako, tapos hindi maman ako makakalipat ng klase. Sayang ang inihanda ko. After class, pumunta ako sa Harrison Plaza. Kasama ko si Papang. Siya ay titingin ng book na pinabibili ng anak niya. Ako naman ay bibili ng bombilya. Disyembre 8, 2016 Nagturo ako ng 'Denotasyon at Konotasyon'. Sayang! Hindi ko ito naituro sa ibang sections dahil wala na namang palitan. Interesting pa naman ito, para sa akin. Gayunpaman, naging productive ang araw namin. Nagpa-activity ako at nakapagpalit ng kurtina sa classroom. Naka-bonding din silang magkaklase. Excited na silang mag-Christmas party at break. Akala nila, sila lang. Ako rin... Umuwi ako agad pagkatapos kung magpalinis. Antok na antok ako, kaya kahit mainit ay sinubukang kong umidlip. Hindi naman ako nabigo. Nagpa-Baguio si Epr ngayong gabi. Akala ko nga doon siya aabutan ng Pasko. Two days lang pala siya doon. Makakatulong pa rin siya sa paglipat. Disyembre 9, 2016 After kong magpabasa ng isang seleksiyon at magpaliwanag, nagpasagot ako sa mga bata. Then, kaming mga advisers ay nagtulong-tulong na makapagpasa ang accomplishment report. Siyempre, sira na naman ang klase. Gayunpaman, nakaisip ang mga bata ko ng isang makabuluhang bagay. Nag-decorate sila sa classroom para sa Christmas party. Ma-appreciate ko ang efforts at initiative nila. Dapat dadalo ako sa Christmas party ng Filipino Department, kaya lang tinamad ako. Nag-PM na lang ako kay Sir Ren. Ipinasabi ko kay Mam Dang. Hindi yata niya nabasa kaya nag-text at nag-misscall pa rin si Mam. Mabuti na lang din na hindi na ako nakapunta dahil kailangan ko nang mag-empake. Bukas ng gabi ay ipapahakot ko na ang mga gamit ko sa close van ng amo ni Nunuy. Naharap ko ang pag-aayos, kaya halos ready na ako para bukas. Disyembre 10, 2016 Halos wala akong tulog, una, dahil, nag-post ako sa SULAT ng notice ng election for chairman, at pangalawa, dahil sa excitement sa paglipat. Maaga pa akong gumising para pumunta naman sa Tanza. Doon ay nalaman ko na hindi pa tapos ang lahat ng grills na pinagawa ko. Pinto pa lang ang natapos. Ipinakakabit ko na iyon, kaya iniwan ko sa kanya ang susi. May kuryente na rin ang bahay. Nagkabit na ako ng bombilya. Ang masaklap lang ay hindi umiilaw ang nasa CR. Kailangan ko pang i-report iyon sa engineering office. Past nine-thirty ay bumiyahe na ako pabalik sa Pasay. Sa Sea Side na ako tumuloy dahil magbloblowout si Mam De Paz. Naging masaya ng kainan at kantahan namin. Busog na busog rin ako. Uminom din kami ng beer. Past three na ako nakauwi. Hindi naman ako nakaidlip dahil kailangan ko na namang pumasok sa masteral class ko. Pagdating ko naman doon, napag-alaman naming magkaklase na absent ang professor namin. Sayang lang ang pamasahe at effort ko. Sana natulog na lang ako. Disyembre 11, 2016 Alas-dose y medya dumating sina Flor at Nunuy. Isang kalahating oras din kaming nagkarga. Nadala ko na ang lahat ng gamit ko, kaya wala nang babalikan. Hindi na rin ako mag-stay doon kahit hanggang December 22 pa dapat kami. Alas-dos, nadiskarga na namin ang mga gamit ko. Mas mabilis naming naibaba. Saka kami nag-almusal sa isang tapsihan sa Tejero. Nakauwi ako nang mag-aalas- tres na ng umaga. Alas-otso naman ako nagising. Maghapon na akong naglinis. Nabayaran ko na rin ang balance sa grills. Then, bandang alas-4, nagpadala ako ng pera kay Emily. Pamasahe nila iyon ni Ion. Namili na rin ako ng palanggana, timba, tabo, atbp. Andami pang kailangang itamo. Paunti-unti ay mabibili ko rin ang mga iyon. Nakakainis lang, dahil mahina ang signal dito ng SmartBro. Kailangan kong magpalit ng network o mag-upgrade ng wifi. Hindi maaaring wala akong internet connection. Disyembre 12, 2016 Alas-kuwatro ako gumising. Hindi naman ako na-late. Ako nga yata ang pinakamaagang dumating sa school. Tamang-tama lang talaga ang 4 a.m. na bangon. Hindi ako nagturo. Wala na sigurong nagtuturo. Kapansin-pansin ang excitement ng mga bata sa Christmas party. Panay pa rin ang decorate nila sa classroom. Nagkita kami ni Epr sa Baclaran. Unang beses niya labg kasi makakauwi sa bahay. Pasado alas-kuwatro kami nakarating. Pero, bago iyon, naireport ko ang mali sa connection ng kuryente ko. Agad namang dumating ang mga electrician. Naayos agad nila. Disyembre 13, 2016 Kakaunti ang estudyante kong pumasok. Dahil ito sa magdamag na pag-ulan. Suspended nga ang mga klase sa buong Cavite. Akala ko nga ay pati sa Pasay. First naming magsabay ni Epr sa pagbiyahe nang maaga. Hindi naman ako na-late. Ngayong araw, sa classroom, gumawa ako ng kunwaring gifts as Christmas decorations. Hinayaan ko na ring maglaro ang mga bata. Alas-kuwatro, nakauwi na ako. Nagtanim ako ng mga ornamental plants, pagkatapos kong magkape. Ang sarap uwian ang bahay na may garden. Ang oras dito sa bahay ay napakatagal, kaya parang andami-dami kong nagagawa. Nakapagdesisyon na ring ako na hindi na ako sasama sa Pangasinan, kasal nina Mia at Aldrin. Mas mahalaga na maisaayos ko ang mga damit ko bago dumating ang mag-ina ko. Mamimili pa ako ng mga panregalo para sa aking pamilya at pang-prizes sa Christmas party. Disyembre 14, 2016 Marami-marami na ang pumasok, pero nakakatamad na magturo. Ayaw na rin naman nilang magkaroon ng lesson. Mabuti nga't napabasa ko sila, napasagot, at napakanta ng Christmas song (by group). Pagkatapos niyon, wala na. Excited na nga silang mag-ayos ng upuan. Hindi lang ako pumayag. Kanina, nagpasabi ako kay Mam Gigi na hindi na ako sasama sa kasal ni Mia. Nasabi niya iyon kay Sir Joel, na siya namang nagsabi kay Mam Lolit. Aniya, nagtatampo raw sa akin dahil umoo na raw ako noong Sabado. Ngayong gabi naman, chinat niya ako. Sumama na raw ako dahil kasama si Sir Erwin. Mag-usap na sila. Gayunpaman, hindi pa rin ako natinag. Andami ko talagang gagawin. Isa pa, may masteral class akom. Nakabitan na kami ng kuntador ng tubig. Naikabit na rin namin ni Epr ang gripo. Ang saya! Hindi na namin kailangang makiigib sa kabilang bahay. Pagkatapos kung maglinis sa sala, nagbalot ako ng mga regalo. Marami-rami pa ang kulang. Disyembre 15, 2016 Hindi pa rin ako na-late kahit naglakad pa ako, mula Buendia. Kaya lang, nagutom ako. Kaunti lang ang estudyante ko ngayong araw, pero parang marami pa rin. Ang gugulo nila. Naghahanda pa namin kami ng tugtog at steps para sa Christmas dance contest sa party namin. Nabuwisit ako sa kanila. Sana lang ay hindi na sila pumasok bukas, lalo na't wala naman kaming nabuong sayaw. Nabuwisit din ako sa IPCRF. Pinapapasa kami. Hindi pa naman kami ii-evaluate dahil katatapos lang. Alam ko namang kakahuyan lang niya ang mga portfolio namin para sa accomplishment report niya. Nakakainis dahil wala naman siyang suporta, lalo na sa akin tapos, makikinabang siya sa mga accomplishments ko. Nasaan ang hiya niya? Tumakas ako nang alas-dos na. Imbes na mag-stay ako para ibigay ang hinihingi niya, mas gugustuhin ko pang maglinis sa bahay. Nakapaglaba ako pagdating ko. Nakagawa pa ako ng snow flakes, mula sa puting papel. Naidikit ko rin ang mga ito sa sliding window. Disyembre 16, 2016 May pumasok na apat na estudyante. Sila ang mga absent kahapon. Ang isa ay nagbayad lang para sa pagkain sa Christmas party. Dahil dito, nakapag-practice kaming Grade Six teachers ng sayaw. Sa wakas, nabuo na rin. Kaunting pagpupulido na lang. Alas-dos, umalis na ako sa school. Balak ko kasing mamili sa Baclaran. Pumunta at naglibot-libot naman ako doon, kaya lang hindi ako bumili. Natatakot akong madukutan. Isa pa, gusto ko lang magka-idea kung ano-ano ang mga bibilhin ko bukas. Past 4 ako nakauwi. Halos nasanay na ako sa biyahe. Feeling ko, malapit lang ang bahay sa school, kaya parang kay bilis lang ng biyahe. Disyembre 17, 2016 Dahil hindi ako sasama sa pagpunta sa kasal ni Mia sa Pangasinan, marami akong nagawa sa bahay. Nakatulog rin ako pagkatapos mag-lunch. Kaya nga, tinamad na akong pumasok sa masteral ko. Sa Puregold na lang ako pumunta, sa halip na mamili ako sa Baclaran. Nagdesisyon akong bumili na lang ng mga candies at iba pang sweets para sa consolation prizes. Ibibili ko na lang ang pera nilang maipon ng "Walang Pamagat" books-- pangbigay sa mananalo sa mga parlor games. Siguro ay mas magugustuhan nila iyon. Limited nga lang ang mabibigyan. Disyembre 18, 2016 Maaga akong nagising dahil maagang bumangon si Epr. Pero, pagkatapos naming mag-almusal, nahiga uli ako't umidlip. Ang lamig pa kasi. Naglaba naman ako pagbangon ko. Wala namang ibang gagawin. Hapon, umidlip uli ako sa taas. Hindi mainit. Ang layo ng temperarura sa dating boarding house. Past 4, umalis si Epr. Papunta raw siya sa Tuguegarao. Tatlong araw siya doon. Mag-isa na naman akong matutulog dito. Tumawag si Aileen. Nasa Manila na raw sila. Disyembre 19, 2016 May dalawa akong estudyante na pumasok. Nang na-boring, gumawa sila ng paraan para makauwi. Ako naman ay nakapag-join sa practice. Ready na kami sa dance contest bukas. Past twelve, nag-Harrison kaming apat na advisers ng Grade Six. Kumain muna kami saka namili ng pang-exchange gift. Pinapili ko na rin si Mareng Janelyn ng gift ko para sa kanyang anak, na aking inaanak. Isang worth P400 na laruan ang napili ni Trisha. Bibilhan ko na rin sana ang isa ko pang inaanak, na si Thea, kaya lang baka kapusin ako, dahil wala pa ang inaasahan naming pera. Past 2, nagpaalam na ako kay Mam Gigi na mauuna na ako dahil kailangan ko pang bumili ng puting pantalon sa Baclaran. Doon ay nalibot ko na yata ang isang mall sa kahahanap ng puting pantalon, na costume namin sa sayaw. Sumakit ang paa ko sa kakalibot. Past 4 na ako natapos. Madilim na nang makauwi ako. Pagod man, pero masaya pa rin ako, lalo na't may inuuwian na akong sarili. Disyembre 20, 2016 Past 10 na ako nakarating sa school. Na-traffic kasi ako. Pero, okay lang. Hindi naman kasi agad nakapagsimula. Past 12 na yata nang magkainan kami. Pagkakain, saka naman nagsimula ang mga palaro at dance contest. Marami akong natanggap na gifts at prizes. Disappointed naman kami sa place namin. Third placer lang kami sa sayaw. Marami ang nag-react dahil ang nanalo ay hindi raw deserving. Di bale na, alam naman ng lahat na ginalingan namin. Past 7 na ako nakarating sa bahay. Pagod, pero masaya ako. Bukas, Christmas party naman ng mga bata. Bukas na rin ang dating ng aking mag-ina. Disyembre 21, 2016 Maaga akong nakarating sa school. Nagbalot ako ng nga candies pagdating ko. Past 8, nagsimula na ang program sa covered court. Past nine, nagsimula naman ang classroom party. Masaya ako dahil nakita kong nag-enjoy lahat ang mga estudyante ko. Idagdag pa ang mga regalong natanggap ko. Past 12, tapos na ang party. Nakapagpalinis na rin ako. Kaunting ayos na lang sa January 3, pagbalik. Past two, pumunta na ako sa Baclaran Church, kung saan magkikita kami nina Emily at Zillion. Marami akong bitbit, kaya hassle kung pupuntahan ko pa sila sa airport para sunduin. Pinag-taxi ko na lang sila. Past 4:30, nasa bahay na kami. Ramdam ko ang ligaya nilang mag-ina nang makita ang bagong bahay namin. Disyembre 22, 2016 Puyat man, dahil sa pagsakit ng ngipin ni Zillion, ay bumangon kami ng maaga para maghanda ng almusal. Alas-nuwebe, nag-grocery kami sa Puregold. Bumili na rin kami ng tv at tv plus. Naawa ako kay Ion. Sabi niya kasi kahapon, "Walang tv. Nakaka-boring naman." Sobrang saya ko sa araw na ito. Kay sarap palang bumili ng gamit para sa sarili mong tahanan. Disyembre 23, 2016 Past 10, lumuwas kami sa Cavite para mamili sa Baclaran ng mga panregalo. Kulang pa kasi ang mga pinamili ko. Doon ay bumili rin kami ng mga plato at mangkok. Magastos, pero masaya akong makakapagbigay-ligaya sa aking kapwa, pamilya, at kamag-anak. Kung hindi lang sana ako naharap sa gastusan, mas marami sana akong mabibigyan. Mabuti na lang at may mga libro ako. Nakadagdag sa panregalo. Alas-3 na kami nakauwi. Disyembre 24, 2016 Ang bilis ng mga araw. Bisperas na pala ng Pasko. Bigla kong naisip na bumili ng monobloc table. Kaya, bandang alas-dos, pumunta ako sa palengke. First time ko doon. Lahat ay first time. First time akong magluluto ng pang-noche buena. First time naming magse-celebrate ng Pasko together. Namili muna ako ng mga lulutuin ko, bago ako bumili ng table at linoleum. Masaya akong nagluto at naghanda ng mga pagkain --spaghetti, fried chicken, chop suey, fruit salad, at watermelon-apple shake. Disyembre 25, 2016 Nakakapagod din magluto, pero na-enjoy ko. Hindi nga lang ako nakakain nang husto. Bigla na namang umurong ang appetite ko. Hindi bale, alam kong masaya naman sina Emily at Epr, na nakasalo ko sila sa noche buena. Sayang lang dahil nakatulog si Ion. Past one, natulog na kami. Past 7 naman kami nagising. Napag-alaman namin na may hika si Zillion. Kaya, maghapon na naman kaming aligaga sa pag-aalaga at pag-aalala sa kanya. Pinainom ko siya ng oregano extract with honey. Dalawang beses. Tila walang epekto, kaya natataranta na si Emily. Nang maalala ko ang pagpapausok na ginawa sa akin noon ni Mama Leling, ina-apply ko rin iyon sa kanya. Automatic na lumuwag ang kanyang paghinga. Naglabas din siya ng plema. Kaya, natuwa si Emily. Nawala ang kanyang pag-aalala. Sabi ko sa kanya, ang hika ay hindi naman talagang dapat na iniinuman ng commercial na gamot. Nakakaluto lang ng baga ang mga reseta ng doktor. Lihim din aking natuwa. Gusto ko na sanang isipin na may sumpa pa rin ang Pasko sa akin. Disyembre 26, 2016 Magaling na si Zillion nang gumising siya. Maluwag na ang paghinga niya, although may ubo pa siya. Masigla na rin siya at nakakapaglaro na. Ang bagyong Nina ang unang bagyong naranasan namin sa bahay. Salamat sa Diyos dahil mahina lang ito. Disyembre 27, 2016 Ako ang naglaba. Napansin ko kasi na madaling mapagod si Emily. Sumasama ang pakiramdam niya pagkatapos maglaba. Mas maigi pang ako ang mapagod kaysa mag-alaga ako sa maysakit. Naiinis pa rin ako sa hina ng signal ng internet. Pawala-wala. Nakakatamad tuloy magsulat at mag-update sa wattpad. Gayunpaman, nakapag-encode ako ng journal ko. Malapit ko nang matapos ang December 2007. Disyembre 28, 2016 Isa sa mga kagandahan ng may sariling bahay ay ang pagkakaroon ng pagkakataon para magluto. Naeensayo at naibabalik ko pa ang hilig ko pagluluto. Ang tangi ko na lang problema ay ang signal ng internet. Maghapon akong naiinis na nag-aabang. Hindi ako nakapag-encode ng journal ko ngayong araw. Nakakatamad kasing mag-open ng laptop kapag walang internet. Kung hindi ko siguro kasama ang mag-ina ko at wala kaming telebisyon, baka boring na boring ako maghapon. Disyembre 29, 2016 Nakapagsulat ako ngayon ng isang dagli. Kagabi kasi ay may ideyang pumasok sa utak ko. Sana laging ganito. Maganda-ganda ngayon ang signal ng net, kaya naipost ko kaagad ang akda ko. Disyembre 30, 2016 Ang bilis ng araw! Malapit nang matapos ang taong 2016. Ngayong araw, parang may gusto akong gawin at puntahan. Hindi ko rin ginusto na matuloy ang pamilya ni Edward na dalawin kami. Si Emily lang ang excited. Para kasing hassle sa akin. Hindi pa ako handang mag-entertain ng mga bisita. Mabuti na lang at hindi sila natuloy. Natapos ko nang i-encode ang journal ko noong 2007. Editing na lang at finalization para sa publishing purposes. Past one o'clock, nag-grocery ay namalengke ako. Mga prutas lang ang nabili ko para sa Media Noche. Ang mga groceries naman ay pang meryenda lang at pang-almusal. Para kasing ayaw ko nang maghanda nang marami. Napapanis lang at nasasayang, lalo na't wala pa kaming ref. Nadala agad ako noong Pasko. Andaming naitapong pagkain. Ang sabi ko kay Emily, bumili na lang kami bukas ng mga ready-to-eat foods, na sakto lang sa amin. Disyembre 31, 2016 Alas-sais na ng hapon ako umalis para mamili ng pang-media noche. Sa halagang isang libo, may spaghetti, hotdog, grilled liempo, pork barbeque, grilled bangus, chiffon cake, at sliced bread na kaming panghanda. Kasama na rin dito ang pang-dinner. Ito ang unang media noche namin dito sa bahay, kaya masayang-masaya ako. Hindi man ako nakauwi sa Bautista, alam kong masaya rin sina Mama para sa amin. Bago nag-countdown para sa New Year, nawalan na ako ng internet. Asar na asar ako. Kung kailan ako nagbayad ng bill kahapon (sa 7Eleven), saka naman nila pinatay ang service. Kung kailan kailangang-kailangan ng net. Hindi ko tuloy nabati ang mga kamag-anak, mga kaibigan, at mga kapatid ko.

Monday, November 21, 2016

Hijo de Puta: Ciento bente-sais

Hindi na namin narinig ang boses ni Val. Ang hula ko ay pumasok na siya sa kanyang kotse upang umalis na.
                                          
“Kung masusundan lang sana natin siya,” bulong ko kay Lianne. “…kaso… paano?”

“Huwag na, please, Hector. Hayaan na muna natin siya. Uwi muna tayo sa probinsiya niyo… hayaan na natin ang pulisya ang maglutas nito.”

“No, Lianne. May kutob ako. May itinatago siya sa bahay nila.” Napasandal ako sa may unahang gulong ng sasakyang pinatataguan naming. Yakap ko pa rin si Lianne.

Ilang minuto na kaming naghihintay na marinig ang pag-andar ng sasakyan ni Val. Hindi kami agad doon makakatayo at makakaalis dahil tiyak ay makikita niya kami.

Walang ano-ano, tumarak sa braso ko ang syringe, na hawak niya kanina.

Napasigaw na lamang si Lianne. Ako naman ay napatingin na lamang kay Val, habang dinaramdam ang sakit ng biglaang pagtarak niyon sa braso ko.

Hindi na rin nakakilos si Lianne dahil mabilis na naitutok sa amin ang calibre .45, habang unti-unti nang dumidilim ang paningin ko. Bago ako tuluyang nawalan ng malay, naririnig ko ang iyak niya at ang mala-demonyong tawa ni Val.

“Hayaan mo na si Lianne, Val…” pagmamakaawa ko. “Wala siyang kasalanan sa’yo…”

Ang Ice Candy ng Aleng Bulag

"Ice candy! Ice candy, bata. Masarap 'to. May mangga flavor at may melon pa," alok ni Aleng Laleng sa bawat estudyanteng napapadako o napapatingin sa kanya.
"Pabili nga po. Isa. Mangga po." Isang batang babae ang buena-manong bumili sa ale.
"Isa rin po sa akin. Melon po." Bumili rin ang kasama nito.
Mula sa malayo, tanaw na tanaw ni Carlo kung paanong dinagsa ang tinda ni Aling Laleng. Isa nga sa mga bumili ng ice candy ay sina Ruth at Alpha. Sila ang magaganda at mapuputing kaklase niya. Sa tingin niya, anak-mayaman ang mga ito. Naisip niyang masarap siguro ang ice candy.
Gusto niyang kumain ng ice candy, ngunit ayaw niyang lumapit.
"Ang sarap, Ruth, 'no?" tanong ni Alpha sa kaibigan.
"Yes! Masarap. I can't believe it," sang-ayon ni Ruth. Pagkatapos ay umupo sila sa sementadong bench.
Nasa tapat naman si Carlo. Kumakain siya ng kanin at pritong itlog. Sementadong table lang ang nakapagitan sa kanya at sa dalawa niyang bagong kaklase.
"Si Carlo. Hi, Carlo!" bati ni Alpha. Bumati rin si Ruth.
Nahihiyang bumati si Carlo sa dalawa at agad niyang itinago ang kanyang baunan.
"Alam mo, magagalit si Mommy kapag nalaman niyang bumibili ako ng street food." Nalungkot bigla si Ruth.
"Si Mommy rin..." sang-ayon ni Alpha.
"Pero, hindi na niya malalaman."
"Yes! At araw-araw pa rin tayong bibili sa ice candy ni Aling Bulag!" Nakipag-apiran pa si Alpha sa kaibigan.
Hindi namalayan ng magkaibigan na nakalayo na pala si Carlo. Bumalik na siya sa kanilang silid-aralan.
Araw-araw, nagtatago si Carlo sa malayo upang pagmasdan ang mga bumibili ng ice candy. Padami nang padami ang bumibili nito. Nagdagdag na rin ng ice chest si Aling Laleng para makabili ang iba. Mayroon na rin siyang guyabano at avocado flavor.
Isang araw, halos buong kaklase ni Carlo ay may kinakaing ice candy. Napansin ito ni Ginang Gomez, kanilang guro.
"Class, class, you all listen..." tawag ng guro sa mga nag-rerecess na mag-aaral. "Mag-ingat sa mga binibili ninyong pagkain sa labas. You never know kung paano iyon niluto o ginawa. Just like the ice candy..."
Natigilan ang karamihan sa mga kumakain ng ice candy.
"Hindi po, Mam," sabad ni Ruth. "Malinis po at masarap ang ice candy ng aleng bulag. Hindi ba, alpha?"
"Opo, Mam! Araw-araw po kami bumibili, pero hindi po nasira ang tiyan namin..."
Sumang-ayon ang halos lahat ng bumibili at nakabili.
"Basta, nagbigay na ako ng babala sa inyo..."
Natakot si Carlo sa mga narinig. Naipangako niyang hindi-hindi siya lalapit sa nagtitinda ng ice candy. Hindi na rin siya natatakam dito.
Pagkatapos ng recess, nagsimula nang magturo si Gng. Gomez. Sinimulan niya ang kaniyang aralin sa pagtatanong kung ano ang hanapbuhay ng mga magulang ng kanyang mga mag-aaral.
"Simulan natin kay Jesse," sabi ng guro.
Tumayo ang tinawag. "Ang mga magulang ko po ay tindera ng mga gulay sa palengke at seaman po."
Nagsunod-sunod ang pagtawag ni Gng. Gomez.
"Guro po at negosyante."
"Sa bahay lang po si Mama. Si Papa po ay driver."
"My Dad is a doctor. My Mom is a dietitian," sagot ni Alpha.        
Sumunod na si Ruth. "Si daddy works in the city hall. My mommy is a lawyer."
Pinagpawisan si Carlo, habang nakayuko at nananalanging huwag siyang matawag.
"Carlo!" Ikalawang beses na tawag na ni Gng. Gomez.
"Carlo, ikaw na!" Kinalabit pa siya ng katabi.
Hiyang-hiya na tumayo si Carlo. Ayaw niya talagang ipaalam sa lahat ang totoongbtrabaho ng kanyang mga magulang, lalo na ng kanyang ina.
"Carlo, ano ang hanapbuhay ng iyong mga magulang?" pag-uulit ng guro.
"Ang tatay ko po... ay... ay isang... nagtratrabaho sa aircon."
Nagtawanan ang mga kakalase niya. Agad namang sinaway ni Gng. Gomez ang klase.
"You mean, nag-aayos ng aircon?"
"Opo."
"Ang nanay mo naman."
"Ang nanany ko po ay tindera... May I go out po, Mam?"
Nagtawanan uli ang buong klase, na lalo namang ikinalubog ng puso ni Carlo. Nais niya nang tumakbo palabas.
"Wait! Tindera ng ano?" seryosong tanong ng guro.
Nilibot ni Carlo ang paningin niya sa kanyang mga kaklase. Ang lahat ay nag-aabang na sa kanyang sagot.
"Ano?" untag ng guro.
"Ng... ng ice candy po." Agad siyang lumabas sa silid-aralan. Hindi man niya narinig ang tawanan, para naman siyang hinubaran ng kasuotan dahil sa sobrang kahihiyan.
Kinagabihan, hindi dalawin ng antok si Carlo, samantalang ang kuya at bunsong kapatid niya ay himbing na himbing na. Naaalala niya pa rin ang nangyari sa eskuwelahan kanina.     
Bumangon siya at lumabas sa kuwarto. Paghawi niya ng kurtina, nasilip niya ang kanyang ina sa kusina. Nais niyang bumalik sa higaan, ngunit nakita siya ni Aling Laleng.
"O, Carlo, bakit gising ka pa?" malambing na tanong ng ina.
Lumapit si Carlo. "Nay, hindi po ako papasok bukas. Puwede po ba? Biyernes naman po, e."
"Anong kinalaman ng Biyernes sa hindi mo pagpasok?"
Ngumiti si Carlo at kumamot-kamot sa ulo. "E, kasi po, kulang po ako sa tulog... Aantukin lang po ako doon bukas." Tiningnan niya ang kaliwang mata ng ina. Naisip niya na bukas ay tutuksuhin siya ng mga kaklase niya dahil ang kanyang ina ay si Aling Bulag, na nagtitinda ng ice candy.
Napangiti rin si Aling Laleng. "Palusot."
"Hindi po."
"O, siya... sige. Pero, isang beses lang 'to, ha?"
"Opo! Salamat po!"
"Ayaw namin ng tatay mo na mapabayaan niyong magkakapatid ang pag-aaral. Kayamanan ang edukasyon. Kaya nga, nagsusumikap kami na mapag-aral kayong magkakapatid. Heto nga, sinisikap kong kumita sa paggawa ng ice candy."
Parang may kumurot sa puso ni Carlo. Hindi niya dapat ikinahihiya ang kanyang mga magulang, lalo na ang kanyang ina.
"Tulungan ko na po kayo, Nay."
Nagkainteres si Carlo sa ginagawa ng kanyang ina.
"Huwag na, 'nak." Kailangan mo nang matulog. Ang batang kagaya mo ay dapat nakakawalo o higit pang oras ng pagtulog. "Kaya, sige na. Balik na sa kuwarto."
"Sandali lang po. May tanong lang po ako..."
"Ano?"
"Bakit po ba masarap ang ice candy niyo?"
"Masarap ang ice candy ko... dahil para ito sa mga bata at mga anak ko."
Naunawaan ni Carlo ang ibig sabihin ng ina. Nakonsensiya tuloy siya.
"Alam mo ba kung anong magic ingredient ang nilalahok ko dito?" tanong ni Aling Laleng, habang hina-halo ang mga sangkap.
"Ano po?" Namilog ang mga mata ni Carlo.
"Pagmamahal."
"Pagmamahal?" Hindi niya naunawaan ang ina.
"Mahal na mahal ko kayong magkakapatid, kaya kahit alam kong ikinahihiya ninyo ang pagtitinda ko ng ice candy, hindi ako sumuko." Nalungkot si Aling Laleng.
Lumapit si Carlo sa ina at sumiksik siya sa likod ng ina. "Nay, sorry po."
Tumawa muna si Aling Laleng. "Naku, Carlo, huwag mong na ulit ikakahiya si Aling Bulag, ha? Huwag ka nang magtatago sa likod ng puno at sisilip-silip sa akin. Kahit bulag ang isa kong maymta, nakikita kita." Hinarap niya ang anak at nilagyan ng gatas ang ilong.
"Opo! Pangako po, hindi ko nap o kayo ikahihiya at ang hanapbuhay niyo. Gusto ko na rin po kasing kumain ng ice candy niyo."
"O, sige. Ilan ang gusto mo?"
"Kahit isa lang po bawat araw?"
"Isa lang pa, e. Sige, igagawa kita ng ampalaya flavor."
"Si Nanay naman, e!"
Nagtawanan ang mag-ina.

Kinabukasan, kasabay na niya Carla si Aling Laleng sa pagpasok. At nang mag-recess, tinulungan niya pang magtinda ang ina sa pagtitinda ng ice candy.

Ang Aking Journal -- Hulyo 2026

Hulyo 1, 2026 Muntik na akong ma-late dahil sa bus na nasakyan ko. Panay ang hinto at pick-up niyon ng mga pasahero. Hindi ko na tuloy naa...