Nagmamadaling lumabas sa eskuwelahan si
Neneng pagkatapos ng klase. Dala ang bag, tumakbo siya patungo sa kalsada ng
Leveriza.
Nadatnan niyang natutulog sa kuna ang
bunsong kapatid niya.
“`Nay, bakit malungkot ka?” tanong
niya.
“Matumal ang benta, Neneng,” tugon ng
ina.
Nakita nga ni Neneng ang mga paninda
ng ina. Marami pa ang gulaman at tokneneng na hindi pa nabebenta.
Napansin naman ni Neneng na dinadagsa
ng tao ang tokneneng, fish ball, kikiam, at squid ball, na tinda
ng iba. Marami ring bumibili ng calamares,barbeque, takoyaki,
at iba pa sa mga katabi nilang tindahan.
Naawa siya sa kaniyang ina. Tiyak na
pagod na pagod na ito sa maghapong pagtitinda.
“Magligpit na tayo nang makauwi na,”
sabi ng ina.
Pinigilan ni Neneng ang ina, sa halip
ay kumanta siya. Sumayaw rin siya sa saliw ng mga makabagong kanta.
Hindi nagtagal, dumagsa ang mga
bumibili ng tokneneng nila. Kaya, lalo niyang ginalingan ang pagsayaw at pagkanta.
Tuwang-tuwang nagbilang ng benta ang
kaniyang ina.
Magkakasamang umuwi ang mag-iina
pagkatapos bumili ng gamot sa botika at ulam sa karinderya.
Sa bahay, masaya silang sinalubong ng
ama, kahit nahihirapan itong maglakad at magsalita. Masaya nitong tinanggap ang
kwek-kwek na dala ni Neneng.
Hudas: Bakit ka pumasok dito, Maria? Gusto ko na ngang mag-voluntary exit, ikaw naman pumasok pa.
Maria: Pasenisya ka na, Hudas. Simula nang maulila ako, wala na akong hinangad kundi ang kumita ng pera para sa sarili ko. Andami kong pangarap na hindi ko pa natutupad. At sa tingin ko, ito ang isa sa mga paraan para matupad ko ang mga iyon,
Hudas: Nagkakamali ka, Maria. Hindi ka rito nababagay. Pag-uusapan ka lang nila sa labas. At paglabas, ano? Kaya mo ba silang harapin? Kaya mo bang ipaliwanag sa kanila ang side mo?
Maria: Wala naman akong obligasyong magpaliwanag sa mga mapanghusga. Buhay ko naman ito. Kung ano man ang pinili kong buhay, irespeto nila. Hindi ko naman sila inaapakan, e.
Hudas: Oo nandoon na tayo, pero hindi mo maaalis sa kanila ang panghuhusga. Masasaktan ka lang.
Maria: Hayaan mo sila, Hudas. Masaya ako't naging bahagi ako ng Pinoy Lolo Metong Glass House Tipaklong Edition, kaya ipapakita ko sa kanila ang totoong ako.
Hudas: Maria, pakiusap, ako na lang ang mananatili rito. Para sa `yo naman itong ginagawa ko.
Huwag kang matakot magkape
sapagkat may sampung dahilan kung bakit kailangan mo ito.
Una. Nakatutulong ito sa
pagtunaw ng mga taba sa katawan. O, narinig mo? Magiging seksi ka. Ang iba, coffee
diet lang, sapat na.
Pangalawa. Nakapagpapataas
ito ng performance level. So, kung may gawain o trabaho, magkape
ka. Matagal kang malo-lowbat.
Pangatlo. Nagbibigay ito ng
enerhiya. Sa umaga, tanghali, o hapon, kailangan mo ang kape para maghapon kang
active.
Pang-apat. Pinoprotektahan
nito ang atay mo. Ayon sa mga researchers, ang coffee drinkers ay
21% less na prone sa liver problems.
Panglima. Nagbibigay ito ng mga
essential nutrients. Ang kape ay may Vitamin B2 at B3, Niacin,
Magnesium, Potassium, at iba pa.
Pang-anim. Pinabababa nito
ang panganib sa sakit. Kaya nitong pigilan ang Parkinson's disease,
Type 2 diabetes, liver
cancer, heart attack, at stroke.
Pampito. Nagbibigay rin ito
ng mga antioxidants. Tinatanggal ng antioxidants ang mga
mapaminsalang substance sa katawan mo upang hindi ka magkasakit.
Pangwalo. Pinahahaba nito ang
buhay mo. Dahil maraming sakit ang natutulungan nito, literal na hindi ka
magkakasakit, kaya hahaba ang buhay mo.
Pansiyam. Pinasasaya ka nito.
Kahit sino naman, hindi lang ikaw, ay napasaya ng kape. Aroma pa lang nito,
mapapangiti ka na.
At pansampu. Pinatatalino ka
ng kape. Hindi ko na kailangang ipaliwanag ito, dahil umiinom ka naman ng kape.
Gumagana na ang central nervous system mo.
Hayan, sampu na! Naniniwala
ka na ba?
Magkape ka lang, kahit three
times a day, ikaw ay magiging healthy, disease-free, and happy!
Kaugnay sa pagdiriwang ng National Teachers' Month, nag-survey ako sa aking klase. Pinasulat ko sa kanila ang sampung magagandang katangian ng kanilang hinahangaang guro—dati at naging guro nila sa nakaraang panuruang taon. Pinapili at ipinalarawan ko sa kanila ang isang guro.
Narito ang top 10 na katangian ng kahanga-hangang guro:
Top 10. Masayahin.
Gustong-gusto ng mga bata ang gurong palaging masaya. Ayaw nila ang laging naiinis ang guro. Kaya, bukod sa uniporme, sapatos, o make up, tinitingnan din nila ang ngiti ng kanilang guro. Mas gusto nila ang gurong mapagbiro, palatawa, at mahilig magpatawa.
Top 9. Matulungin.
Ang gurong matulungin ay hinahangaan ng mga bata. Nararamdaman at nakikita nila kung paano tumulong sa kapuwa ang kanilang guro—maliit o malaking bagay man ito. Mas lalo nila itong naa-appreciate kung sila mismo ang natutulungan.
Top 8. Mapagbigay.
Dahil may mga estudyanteng kapos din sa buhay, madali nilang magustuhan ang gurong mapagbigay. Kung maalwan man sa buhay ang binibigyan, natutuwa pa rin silang makatanggap ng isang bagay mula sa kanilang guro.
Top 7. Malinis ang kalooban.
Paborito ng mga mag-aaral ang gurong may malinis na kalooban. Gusto nilang maganda ang asal o ugali ng kanilang guro, dahil iyon ang kanilang ginagaya.
Top 6. Matalino.
Kung ang guro ay nais na matalino ang mga mag-aaral, gayundin sila. Nais nilang matalino rin ang kanilang guro. Marahil, mas inspired silang matuto kung matalino o marami silang natututuhan mula sa guro tungkol sa mga aralin o aral sa buhay.
Top 5. Magaling.
Mahusay o magaling na guro ang paborito ng karamihan. Malawak ang kahulugan nito. Pero batay sa kanilang mga sagot, ang mahusay na guro ay magaling magturo, magsulat, magkuwento, mag-drawing, mag-ayos, at magdisiplina.
Top 4. Masipag.
Nakikita ng mga bata kung sino ang gurong masipag. Gusto nilang masipag ang kanilang guro, lalo na sa pagtuturo. Alam nilang obligasyon ng guro na magturo. Nais din nila na ang kanilang guro ay masipag maglinis at mag-ayos sa classroom. Hinahangaan din nila ang gurong nagwawalis.
Top 3. Mabuti.
Malalim ang kahulugan ng mabuti. Ito na yata ang kabuuan ng mga katangiang nabanggit at babanggitin pa lamang. Ang pagiging mabuti ay maaaring nangangahulugan ng panloob at panlabas na katangian ng guro. Ito rin ang hangad ng bawat guro sa lahat ng mag-aaral.
Top 2. Maganda o Pogi.
Hindi maikakaila ng mga bata na tumitingin sila sa panlabas na kaanyuan ng kanilang guro. Pinagmamasdan nila ang pisikal at mga kasuotan ng guro. Marahil ay nakadaragdag ang kagandahan ng guro sa kanilang inspirasyon at motibasyon.
Top 1. Mabait.
Ang pinakagusto ng halos lahat ng estudyante ay ang kabaitan ng kanilang guro. Ito na marahil ang pamantayan nila ng best teacher. Kalakasan nila ang pagkakaroon ng isang mabait na guro. Ayon sa kanila, ayaw nila ng matapang. Hindi nila gusto ang sinasaktan, pinagmamalupitan, sinisigawan, at minumura. Para sa mga mag-aaral, ang masamang guro ay laging naiinis o nagagalit, nangungurot, nanghihila ng anit, nagpapatayo, nagagalit sa mabaho, ayaw sa mababang grado, nananabunot, nanununtok, nangangaltok, nagpapa-Guidance, sobrang sakit magsalita, namimingot, masungit o mataray, hindi nagpapaihi, sinungaling, nambu-bully, namamato ng marker, nangungutang at hindi nagbabayad, walang disiplina, magulang o mandaraya, namamalo, nambabara, namamahiya, tsismosa, bait-baitan, istrikto, at maldita,
Bukod sa sampung katangiang nabanggit, gusto rin ng mga mag-aaral ang gurong istrikto pero mabait, mapagbiro, minsan lang magalit, maalalahanin, mapagmahal, may malasakit, maalaga sa mga bata, sweet, magalang, maunawain, malinis, mahaba ang pasensiya, hindi maingay o tahimik lang, hindi masungit, palabati (nagha-Hi), masikap, laging naglilinis o nag-aayos sa classroom, at hindi nagko-complain.
Malaki ang epekto ng mga katangian ng guro sa mga mag-aaral. Dahil modelo ang turing nila sa bawat guro, nararapat lang na kamtin ang mga katangiang hinahangaan ng mga kabataan, at iwasan naman ang mga asal at gawaing nakakasama sa kaisipan at kalooban nila.
Lolo Metong: Magandang gabi, Pilipinas! Magandang lalaki ako sa lahat! Welcome sa Pinoy Lolo Metong Glass House Tipaklong Edition. Ito ang 3rd nightng pinag-uusapangreality showpara sa mga masasamang tipaklong sa bansa.
Pedro: Grabe talaga ang show na ito! Kakaiba ang concept. BInigyan ng show ang masasamang tipaklong. Well, mukhang interesting naman. Parang kapupulutan naman ng aral.
Lolo Metong: At ngayon, kilalanin natin ang ikatlong glass housemate.
Delia Lima: Hindi naman ako masamang tipaklong. Bakit ako napasama rito? Bakit ninyo ako hinuli at kinulong? Kung talagang may kaso ako, dapat sa presinto niyo ako dinala. Kayo ang masama, kayo! Ilabas niyo ako rito! Ilabas niyo ako.
Lolo Metong: Siya ang official 3rd glass housemate-- si Delia Lima, ang Pros-fake Motivational Speaker ng Cavite.
Pedro: Ahaha! Kaano-ano kaya ni Nonong Juan si Delia Lima? Pareho silang kulang ang paa? Aba, aabangan ko na ito.
Lolo Metong: See you, Pilipinas! See you, mga katipaklong... dito sa Pinoy Lolo Metong Glass House.
Hudas: Ha? Peke ito. Hindi ito ang Confession Room na napapanood ko sa tv. Hindi ikaw si Kuya.
Lolo Metong: Original `to, Hudas. Ako si Lolo Metong. Ito ang Glass House. Iba ito sa akala mo. Kuya siya, lolo naman ako. Gets mo? Isa pa, hindi ako malungkot, pero ikaw, alam kong marami kang itinatagong sikreto na nagpapalungkot sa buhay mo. Kailangan mong i-confess ang mga iyon.
Hudas: Ano ka, hilo? Ayaw ko nga! Para ano? Para maging ebidensiya laban sa akin? No way!
Lolo Metong: Ano bang kinatatakutan mo? May kasalanan ka ba sa kapuwa mo o sa batas?
Hudas: Ha? E... I... O... Tumigil ka, Lolo Metong! Katanda mo na, nangingialam ka pa sa buhay ng iba.
Lolo Metong: Ito ang buhay ko. Ito ang trabaho ko. Dito ako yumayaman. (Tatawa)
Hudas: Basta! Ayaw ko. Ilabas mo na ako rito sa bahay mong puro salamin.
Lolo Metong: Sige, hahanap na lang ako ng ibang gustong mag-confess live sa tv at gustong manalo ng 100 square meters garden, 2 million pesos, at exclusive contract sa Lolo Metong Films.