Followers

Thursday, December 21, 2017

Aswang ang Lola Ko

Aswang ang Lola Ko

Noong unang gabi namin sa bahay ni Lola Pura, hindi ako makatulog. May kakaibang ingay akong naririnig sa labas. Parang may taong sumisilip sa bintana o hayop na nag-aabang sa labas.

Nagsumiksik ako sa tabi ng kapatid ko, pero hindi pa rin ako makatulog. Naiisip kong ang hugis-tao, ngunit parang ibong nasa paligid lang namin.

Kinabukasan, habang naghahain ng almusal si Lola Pura, pinagmasdan ko siya. Gusto ko sanang itanong kong may naririnig siyang kakaibang tunog. Hindi ko na lang siya tinanong dahil matapang siya kung tumitig. Naisip kong baka singhalan niya ako. Hindi siya madalas magsalita. Hindi ko siya kayang tingnan nang matagal. Pakiramdam ko, ayaw niyang makituloy kami pansamantala sa bahay nila.

"Kuya Nono, narinig mo ba kagabi ang ingay sa labas? Parang may tao," tanong ko, nang matapos kaming kumain.

Nasa kuwarto kaming magkapatid.

"Hindi. Nakatulog ako agad. Pagod tayo sa biyahe, e. Ano ba 'yon?"

"A, wala... Baka guniguni ko lang."

"Sige na, maghanap ka na ng damit mo. Ligo na tayo," utos ni Kuya Nono.

Agad akong tumalima.

Mayamaya, nahulog mula sa bulsa ng salawal ko ang piso. Gumulong iyon hanggang lumusot sa uwang ng tablang sahig ng aming higaan. Kitang-kita naming magkapatid kung paanong biglang nawala ang barya.

"Sayang 'yon!" Sumilip ako sa uwang, pero kadiliman lang ang nakita ko. "Kuya, ano kaya ang meron sa ilalim nito?"

Umiling lang si Kuya Nono saka lumabas. Nagpaiwan ako. Gusto ko kasing tuklasin ang sagot sa tanong ko.

Napansin kong hindi nakapako ang isang tabla, kaya inangat ko iyon. Napaurong ako nang isang parang balong malalim ang ilalim ng higaan namin. Naibagsak ko ang tabla.

"Kaya pala kagabi, para akong nakalutang sa hangin," sabi ko sa sarili ko.

Tumakbo ako palabas ng kuwarto. Paghawi ko ng nangingitim na kurtina, lumukso ang puso ko dahil nasa harapan ko na si Lola Pura. Nakalugay ang mahaba at maputi niyang buhok. Makasalubong ang mga kilay niya. Pinandilatan niya ako.

"Ano 'yon?" tanong ni Lola Pura.

"W-wala po." Umiwas ako sa tingin niya, at lumabas na ako pagkatapos.

Sa halip na sa ilog ako makarating para maligo, sa bahay ng aking mga pinsan ako napadpad.

"O, bakit namumutla ka?" tanong ni Ogie, ang panganay.

Tawa naman nang tawa si Buddy. "Nakakita ka ba ng aswang?"

Tumayo ang mga balahibo ko sa tanong ni Buddy. Tama yata ang hinala kong aswang si Lola Pura.

"Kuya Kulas, nakatikim ka na ba ng luto ni Lola?" nakangisi namang tanong ni Herbert, ang bunso.

Sabay-sabay na nagtawanan ang magkakapatid, kaya lalo akong natakot.

"Saan ba ang ilog dito?" Nanginginig ang boses ko.

"Doon," turo ni Buddy sa ibaba ng kanilang bahay.

Gusto ko sanang magpasama sa kanila, kaya lang baka tuksuhin nila akong duwag.

Naligaw ako sa paghahanap ng ilog. Kung saan-saang masusukal na bahagi ng kakahuyan ako nadako. Sigaw ako nang sigaw, pero walang nakakarinig sa akin.

Matindi na ang sikat ng araw nang makita ko ang pampang ng ilog. Pero, sa halip na si Kuya Nono ang naabutan ko, si Lola Pura ang natanaw ko.

Gusto kong mapaurong nang makita kong nakaluhod siya sa may harap ng tubig. Parang may dinudukwang siya. Sa tingin ko, may ginagawa siya sa kanyang mahabang buhok.

Nagulat ako nang bigla siyang luminga sa akin. Nagtama ang mga paningin namin. Nanlilisik ang kanyang mga mata. Parang nagtayuan ang mga buhok niya.

Napatakbo ako palayo. Halos madapa at matumba ako sa pagkaripas ko ng takbo pabalik.

Naisip kong makitira na lang sa mga pinsan ko, habang wala pa ang mga magulang namin ni Kuya Nono.

Hangos akong dumating sa bahay ng mga pinsan ko. Naroon na si Kuya Nono. Bagong ligo na siya.

"Saan ka ba nanggaling? Ano'ng nangyari sa 'yo? Bakit naliligo ka sa pawis?" tanong ng kuya ko.

Halos gusto nang matawa ng mga pinsan namin. Siguro dahil hindi ako agad makapagsalita dahil sa hingal ko.

"Nakakita ka ba ng multo?" nakangiting tanong ni Buddy.

"Hindi multo... As.. Aswang!" Sa wakas, nakapagsalita na ako.

Naghagalpakan ang mga pinsan at kapatid ko.

"Ang aga-aga, may aswang," ani Kuya Nono. Nakipag-apir pa siya kay Buddy.

"Si Lola..." Hindi ko na natapos ang aking sasabihin dahil lalong lumakas ang tawanan nila.

Pagsapit ng tanghali, hindi ako umuwi sa bahay ng lola at lolo namin. Ayaw kong kumain ng luto niya. Naalala ko kasi ang karne ng baboy na inihain niya sa amin ni Kuya Nono kagabi. Ang lambot ng karne. Parang niluto sa malapot na malapot na laway. Nang kinain ko, masarap naman, pero kakaiba ang pagkaluto at hitsura niyon. Ang liliit ng pagkahiwa. Naisip ko tuloy na laman ng tao ang ipinakain sa amin.

Kahit mahapdi na ang sikmura ko, hindi talaga ako umuwi. Nanguha na lang ako ng bayabas sa may tabing ilog.

Inabutan ako doon ng alas-kuwatro ng hapon. Nag-alala ako dahil malapit nang gumabi. Wala akong magagawa kundi ang matulog pa rin sa kuwarto ng mga lolo at lola ko.

Pumunta ako sa sentro ng baryo. Gusto ko kasi sa mga mataong lugar.

"Ikaw ba ang apo ni Lola Pura?" tanong sa akin ng ale. May bitbit siyang malaki-laking isdang tulingan.

"Opo." Tiningnan ko siya. Naisip kong baka may sasabihin siya. Hindi nga ako nagkamali.

"Ang tanda na ng lola mo... Ang lakas pa rin. Parang aswang!" Tinalikuran na niya ako pagkatapos.

Sa umpukan ng mga tatay sa isang sari-sari store, narinig ko ang usapan nila. Tungkol iyon sa naririnig nilang kaluskos sa kanilang bubungan at silong. Naulinigan ko rin ang salitang 'aswang.'

Lalo akong natakot umuwi, kaya lang, mahapdi na ang sikmura ko.

Mabuti nga't pinakain ako ng tiyo at tiyo ko. Tiyempo kasing naghahapunan sila nang dumating ako sa kanila.

Madilim na nang pumasok ako sa bahay ni Lola Pura.

Nasalubong ko siya sa may sala. Hawak niya ang gasera.

Napaurong ako dahil galit na nakatitig sa akin si Lola Pura.

"Saan ka galing, Kulas? Maghapon kang wala," galit niyang tanong.

"Po? Kina Buddy po... Kumain na po ako."

"Aba, kung ganyan ka lagi, baka kainin ka ng aswang diyan sa labas."

Tumayo ang mga balahibo ko sa katawan.

"Dapat bago mag-alas-sais ng gabi, narito ka na." Matigas ang pagkakasabi niyon ni Lola Pura.

"Opo." Agad akong pumasok sa kuwarto. Wala roon si Kuya Nono. Siya siguro ang naririnig kong naghuhugas ng mga plato sa kusina.

Umubo ang lolo ko sa kanilang kuwarto, na katabi lamang ng aming kuwarto. Naisip ko, "Aswang din kaya siya?" Lalong akong natakot pagkatapos.

Pangalawang gabi ko sa bahay ni Lola Pura. Tulad noong unang gabi, hindi rin ako makatulog. Naririnig ko ulit ang mga narinig ko.

Pero, dahil sa pagod, nakatulog rin ako.
Alas-siyete na nga nang bumangon ako.
Binati ako ni Lolo Ben. Kahit wala na siyang ngipin, simpatiko pa rin siya. Hindi siya nakakatakot dahil maamo ang kanyang mukha.

Hinainan niya ako ng almusal --mainit na kapeng barako at nilagang saging.

"Gusto mo nito?" Ipinasilip niya sa akin ang laman ng nangingitim sa uling na kaldero.

Parang akong masusuka nang makita ko ang parang nilawayang karne.

"Hindi na po. Tama na po ito," tanggi ko.

Tahimik kong tinapos ang aking pag-aalmusal. Naisip kong baka nasa ilog si Lola Pura, kaya hindi ko naririnig ang masungit niyang boses.

Sinamantala ko ang pagkakataon na makausap si Lolo Ben. "Totoo po ba ang aswang?" tanong ko.

Napangiti ang lolo ko. "Ewan ko. Hindi pa ako nakakita."

"Si Lola po..."

Noon ko lang narinig ang tawa niya. Ang cute niya!

"Hindi aswang ang lola mo. Marami ang nagsasabi sa baryong ito na aswang nga siya, pero... kanino ka maniniwala, sa akin o sa kanila?"

Parang napahiya ako. "Kasi po..." Sinabi kong lahat-lahat ang mga nakita at naramdaman ko.

Tumawa muna si Lolo Ben, bago nagsalita. "Kuliglig ang tawag sa mga insektong naririnig mo kapag gabi... Mayroon ding kuwago sa paligid. Nakakatakot din ang iyak niya, kaya akala mo'y may aswang... Gerilya ako dati. Ang bahay na ito ay pinalagyan namin ng underground para diyan magtago si Lola Pura mo kapag may paparating na mga Hapones. Diyan din namin iniimbak ang mga pagkain namin dahil kinukuha nila."

Unti-unti na akong nakukumbinsi ng kuwento ni Lolo Ben.

"Ang ulam sa kaldero ay pinalambot nang husto ng lola mo para hindi ako mahirapang ngumuya," patuloy na kuwento ng lolo ko.

Napangiti ako. Ang cute niya kasi.

"Ang nakita mo naman sa ilog, ang lola mo iyon. Ganoon siya maghugas ng ulo at buhok niya. Hindi siya galit. Natural sa kanya ang magkasalubong ang mga kilay at masakit kung tumitig. Ang boses niya ay nakakatakot. Sanay kasi siyang magalit sa mga pinsan mo, lalo na kapag umaakyat at nangunguha ng mga hilaw pang bunga ng mga puno."

Napatango-tango ako.

"Akala rin ng mga tao rito, aswang ang lola mo. Pero, kung aswang ba siya, buhay pa kaya ako ngayon?"

"Hindi na po."

"Ibig sabihin, guniguni at haka-haka lang iyon. Ang tao ay sadyang mapanghusga. Ang panlabas na anyo lamang ang ating nakikita... Mabait ang lola mo. Mahal na mahal niya tayo."

Kumbinsido na akong hindi aswang si Lola Pura.

Si Abdul

Isang umaga, dumating si Abdul at kanyang ina sa silid aralan ng Kinder-Asul.


"Magandang umaga po, Bb. Galang!" bati ng ina. 


Nahihiya ring bumati si Abdul sa guro. Siya ay nakayuko.


"Ililipat ko na po siya sa Marawi dahil lagi po siyang umiiyak kapag umuuwi," sabi ng ina. 


"Naku, Misis, ako na po ang humihingi ng pasensiya. Hindi po siya nagsusumbong sa akin." 


"Kahapon niya lang din po ipinagtapat sa akin."


Hinarap ni Bb. Galang ang kanyang mga mag-aaral. "Totoo ba ang sinasabi ni Abdul? Magtapat kayo."


"Opo. Kakaiba po kasi ang mga ginagawa niya," pag-aamin ni Christian. 


"Hindi po siya kumakain ng mga pagkaing ibinibigay namin sa kanya," sabi naman ni Lita.


"Si Allah raw po ang sinasamba nila at Koran ang kanilang Bibliya," turan ni Andrea.


"Hindi po namin siya maintindihan. Kakaiba po siya, kaya hindi na namin siya pinapansin," sabi ni Lorna.


“May sinasabi rin po siya sa amin. Hindi raw po sila kumakain kapag Ramadan,” kuwento ni Eddie. Eid-al-Fitr 


“Eid-al-Fitr ang tawag doon, Eddie. Ito ang pagtatapos ng pag-aayuno at pananalangin,” paliwanag ng guro.


"Si Abdul ay Muslim. Marami man silang tradisyon at kultura, na iba sa mga katulad nating Kristiyano, siya ay katulad natin-- isang Pilipino.


"Sorry po. Naunawaan na po namin," sabi ni Christian. "Abdul, huwag ka nang lumipat. Dito ka na lang uli mag-aral."


Humingi ng tawad ang mga kaklase ni Abdul. Nakipagkamay siya sa kanila.


Simula noon, kaibigan na ang turing nila kay Abdul.

Si Tommy Tamad

Ayaw na ayaw ni Tommy ang Sabado kasi ito ang araw ng paglilinis.



Biglang bunso, gusto lamang niya ang kumain, matulog, manuod ng telebisyon, at maglaro.



Ayaw niyang munang bumangon dahil natatakot siyang utusan ng kanyang ina, ama, ate, at kuya.



Mayamaya, nanaginip si Tommy.



Sa kusina, naghuhugas ang ina ng mga plato, baso, tinidor, at kutsara.



Sa likod-bahay, nagkukumpuni ang ama ng sirang upuan.



Sa sala, nagwawalis at nag-aayos ang kanyang kuya.



Sa kanilang bakuran, nagwawalis ang kanyang ate.



Nagising si Tommy, ngunit ayaw niya pa ring bumangon. Kaya, muli siyang natulog at nanaginip.



“Ikaw, Tommy, parurusahan kita dahil tamad ka at ayaw tumulong sa mga gawaing-bahay,” sabi ng diwata.



Takot na takot si Tommy nang siya ay magising.



Agad siyang bumangon at lumabas sa silid.



Umiyak si Tommy, habang hinanap ang kaniyang pamilya.



"Nasaan na po kayo? Pangako ko, hindi na akong magiging tamad."



Tawa nang tawa ang kanyang ina, ama, ate, at kuya sa likod ng pinto.



Simula noon, masipag na si Tommy. Siya na ang nagliligpit ng kanyang kama.



Tumutulong na siya sa mga gawaing-bahay. Tinutulungan niya ang kanyang mga magulang at mga kapatid.




Si Anihay, ang Taong-Bahay

"Hindi ka ba talaga sasama sa amin, anak?" tanong ng ina.

"Hindi po. Maglilinis na lang po ako," sagot ni Anihay.

Nakita ni Anihay ang paglabas sa bahay ng kanyang ina, ama, at bunsong kapatid, ngunit natuwa pa siya.

Mas gusto ni Anihay sa maglinis sa bahay kaysa makipaglaro o mamasyal. 

Nagsuot siya ng apron. Kumuha ng basahan, dust pan, at walis. "Ano kaya ang uunahin kong linisan?" 

"Ang mga kuwarto sa taas, na aming tinutulugan?

"Ang sala, na ginagamit palagi, lalo na kapag kami ay nanunuod ng telebisyon o pelikula at kapag kami ay may bisita?"

"Ang kusina, kung saan kami naghahanda ng pagkain at kung saan kami nagsasalo-salo ng agahan, tanghalian, at hapunan?"

"Ang banyo, kung saan kami naliligo at iba pa?"

"O, sa bakuran na siyang harapan ng aming tahanan?"

May naalala si Anihay. Napangiti siya.

"Sabi ni Mama, unahin ko raw lagi ang taas kapag magwawalis ako." 

"At kapag may mga hugasan sa lababo, unahin ko raw ito dahil nakasalalay ang kalusugan namin dito."

Nasa gitna si Anihay ng kanilang bahay. Masaya siya dahil malinis na malinis na ang sala, ang lababo, ang banyo, gayundin ang mga kuwarto.

Pinuri si Anihay ng ina, ama, at kapatid nang makita nilang napakalinis ng kanilang bahay.


Ang Mahiwagang Refrigerator

Laging masarap ang inihahandang pagkain ng ina ni Sophia. Kaya, lagi siyang busog at masaya.

Pero, labis ang kanyang pagtataka kung bakit laging sariwa ang mga pagkaing inihahanda ng ina.

"Mommy, mahiwaga ba ang kabinet na ito?" tanong ni Sophia.

Natawa ang ina at tumigil muna sa paghihiwa ng ampalaya. "Anak, refrigerator ang tawag diyan."

"A, refrigerator!" bulalas ni Sophia. "Mahiwagang refrigerator, gusto ko ng pagkaing masustansiya!"

Lalong natawa ang ina, saka nilapitan si Sophia.

Binuksan nila ang refrigerator na mahiwaga.

"Ang makinang ito ay imbakan ng mga inumin at pagkain upang manatili silang sariwa."

"Sa taas inilalagay ang mga karne ng baboy, baka, at manok, pati isda."

"Sa baba naman ay mga prutas at mga gulay.

"Sa pinto, inilagay ang itlog, keso, o gatas. Dito rin naglalagay ng tubig upang ito ay lumamig.

"Sa gitna naman, inilalagay ang mga tinapay at iba pang mga pagkain."

"Wow! Lahat pala ng mga pagkaing masusustansiya ang nailalagay rito. Kaya pala lagi akong magana."

"Tama ka, Sophia. At, dahil diyan... ipagluluto kita ng ginisang ampalaya!"


Laging magana at masaya si Sophia dahil sa mga niluluto sa kanya ng ina, kahit amplaya pa ang ulam nila.

Ayaw Ko Nang Maging Mangingisda

Sa tuwing aalis si Papa para mangisda, nakikita ko ang lungkot sa kanyang mga mata. May ibinubulong pa siya sa aking ina. Pero, masaya naman siya tuwing darating siya.

Iba't ibang uri ng isda ang nahuhuli niya. May malalaki. May maliliit. May makukulay. May matitingkad. May nakakatakot. May pambihira at kakaiba. Pero, lahat ng inuuwi niya ay aming naiuulam at naibebenta.

"May dala akong kakaibang isda para sa aking mag-ina," masayang bungad ni Papa.

"Wow, parang rainbow!" Manghang-mangha ako sa dala niyang isda.

Minsan naman, malalaking pusit ang inuwi niya. Tuwang-tuwa ako sa mga galamay niyon.

Noong nakaraang buwan, kasinglaki ng batya ni Mama ang dala ni Papa.

"Ano po 'yan, Papa?" usisa ko sa aking ama.

"Ang tawag dito ay manta ray o pagi."

Malungkot si Papa dahil bawal daw manghuli at kumain niyon. Pero, sabi niya, patay na nang makita niya sa lambat.

Isang gabi, isang buhay na pawikan ang inuwi niya. Siyempre, tuwang-tuwa ako, pero sabi niya, pakakawalan din niya.

Nakahuli rin siya ng maliit na pating. Nalungkot kami dahil patay na iyon nang makita niya sa lambat.

Nalulungkot rin ako kapag nalulungkot si Papa. Masayang-masaya naman ako kapag nakangiti siya. Kaya nga, pinangarap ko ring maging mangingisda.

Malungkot na naman si Papa nang magpaalam siya kay Mama para sumama sa pangingisda. Pero, nang makita niya ako, ngumiti siya at kumaway pa.

"Papa, gusto ko po ng isdang pula," bilin ko sa kanya.

"Sige, ihuhuli kita ng isdang pula," masayang sagot niya.

Habang papalayo si Papa sa bahay, paliit nang paliit naman ang liwanang mula sa bitbit niyang lampara.

"Mama, gusto ko pong sundan si Papa," sabi ko sa aking ina. "Gusto ko pong makita ang mga ilaw sa dagat.

Pinayagan ako ni Mama, kaya tumakbo ako at hinabol si Papa.

"O, Poroy, bakit narito ka?" tanong ni Papa. Nakasampa na siya sa kanyang bangka at handa nang sumagwan.

"Wala po, Papa. Gusto ko lang pong makita ang mga ilaw sa laot. Gusto ko rin pong makita ang ilaw ninyo hanggang makarating sa mga ilaw na iyon." Itinuro ko pa ang mga ilaw sa laot.

"Sige, kapag malayo na ako, umuwi ka na, ha?"

"Opo, Papa. Ingat po!"

Tahimik kong pinagmasdan ang unti-unting paglayo at pagliit ng ilaw sa bangka ni Papa. Gustong-gusto ko talagang makarating sa may mga ilaw, kung saan papunta si Papa.

Masaya akong umuwi. Alam kong dadalhan ako ni Papa ng isdang pula.

Naabutan ko si Mama sa harap ng aming altar. Taimtim siyang nagdarasal, kaya hindi ko siya inabala. Dumiretso na ako sa aking higaan.

Kinabukasan, hindi tinig ni Papa ang gumising sa akin, kundi ang boses ni Mang Joselito. Siya ang kapitbahay namin, na isang ring mangingisda.

Agad akong bumangon, pero hindi ko na nahabol pa sina Mama at Mang Joselito. Ang nakita ko'y ang walang sinding lampara at mga maliliit na isda at isang malaking isdang pula.

Natuwa ako sa pasalubong ni Papa, pero nalungkot ako nang hindi ko siya makita, kaya sa dalampasigan ako pumunta.

"Napansin niyo po ba si Papa?" tanong ko kay Mang Agosto, habang siya ay nag-aayos ng lambat niya.

"Naku! Dinala sa center ang iyong ama. Natagpuan siya ni Mang Joselito kanina sa laot. Nanigas siya sa sobrang lamig. Muntik na ring tumaob ang kaniyang bangka dahil sa malalaking pating"

Humahangos akong tumakbo pauwi.

"Kaya pala laging malungkot si Papa tuwing maglalaot. Ayaw ko ang maging mangingisda." Hindi ko namalayang tumulo ang luha ko.

Isang oras ang lumipas, habang hawak-hawak ko ang pulang isda, dumating sina Mama at Papa. Halos mapalundag ako sa saya nang niyakap ko ang aking ama.

"Papa, akala ko... hindi na kita makikita."

"Anak, mahirap at delikado ang maging mangingisda, pero hindi titigil ang Papa mo dahil sa dagat ay maraming biyaya," sabi ni Mama.

"Gusto mo pa rin bang maging mangingisda paglaki mo?" nakangiting tanong sa akin ni Papa.

"Opo. Gusto ko rin po kasing makahuli ng pulang isda," mabilis kong sagot. Itinaas ko pa ang pasalubong sa akin ni Papa.

Nagtawanan kami. Nagkindatan pa sina Papa at Mama.


Hindi Ako Mahal ni Mama

Hindi Ako Mahal ni Mama


Mahal na mahal ko ang aking ina, pero hindi niya ako minahal.
“Lauro, kunin mo ang isang walis tingting. Tulungan mo akong maglinis sa bakuran natin,” madalas sabi niya tuwing umaga.
“Lauro, hugasan mo ang mga plato,” utos niya tuwing matatapos kaming kumain.
“Lauro, tama na ang laro. Matulog na tayo.” Tuwing hapon, iyan ang sabi ng nanay ko.
“Lauro, tulungan mo ako. Magtiklop tayo ng mga nilabhan ko,” sabi ni Mama sa akin pagkatapos akong patulugin.
“Lauro, halika rito, tumingin ka sa niluluto ko,” yaya niya sa akin.
“Lauro, maghain ka na’t kakain na tayo,” utos na naman niya pagkatapos niyang magluto.
“Lauro, ikaw na ang maghugas ng mga plato. May iuutos kasi ako sa kuya mo.”
Nagtatampo na talaga ako. Lagi na lang kasi ako. Ako. Ako. At, ako!
Minsan pa nga, tinawag niya ako para tulungan siyang maglaba. Mabuti na lang, natuwa ako sa mga bula.
Lalo akong nalungkot nang isinilang si Laura.
“Lauro, bantayan mo ang kapatid mo,” utos ng Mama ko.
“Lauro, ipagtimpla mo nga ng gatas si Laura,” utos pa niya.
“Lauro, palitan mo ang lampin ni Baby,” ang kanyang sabi.
“Lauro, iugoy mo naman ang duyan ni Bunso,” untag pa ng nanay ko.
“Lauro, dahan-dahan naman sa pagbuhat kay Laura. Mahina pa ang kanyang mga buto,” paalala niya sa akin.
Mabilis lumaki ang bunso kong kapatid. Mas lalo ring dumami ang aking mga gawain.
“Lauro, napakain mo na ba ang kapatid mo?” tanong ng ina ko.
“Lauro, huwag mawawala ang tingin mo kay Laura,” aniya, kaya hindi na ako makapaglaro.
Nakakainis talaga. Hindi na ako makapaglaro. Sunod-sunod ang utos niya. Samantalang, hindi naman niya maasahan si Kuya.
“Lauro, paliguan mo na si Bunso.”
“Lauro, palitan mo ang bestida ni Laura.”
“Lauro, suklayan mo naman ang kapatid mo.”
“Lauro, ‘di mo yata nilagyan ng pulbos ang likod ni Laura.”
“Lauro, nasaan ang kapatid mo?”
“Lauro, mahalin mo nang husto ang kapatid mo,” minsang sabi ni Mama sa akin.
Mahal na mahal ko ang bunso kong kapatid. Naramdaman ko rin ang pagmamahal sa akin ni Laura kahit hindi pa siya gaanong makapagsalita. Pero, hindi ko naramdaman ang pagmamahal sa akin ni Mama.
Isang araw, malungkot na nagpaalam si Mama sa amin. Isa-isa niya kaming niyakap.
Lihim akong natuwa dahil sa wakas makakapagpahinga na ako sa mga utos niya. Masaya ako dahil sa palagay ko, makakalaya na ako sa mga gawain sa bahay.
“Lauro, ikaw na ang bahala kay Laura,” bilin pa sa akin ni Mama.
            “Po?” gulat kong tanong sa aking ina.
            “Naturuan na kitang maging responsableng kuya, kaya tiwala akong maaalagaan mo si Laura.” Tinapik pa ako ni Mama, saka tumulo ang aking luha. “Tinuruan ko na kayo ng kuya mo na gampanan ang mga responsibilidad isang ama at ina.”
            Nakita kong malungkot si Kuya.
            “Kailangan mo pa po bang magtrabaho sa ibang bansa?” tanong ko kay Mama.
            Tumango si Mama. Naluluha na rin siya. “Kailangan, anak, para maibigay ko ang mga pangangailangan ninyong magkakapatid, na hindi naibigay ng inyong ama.”

            Noon din, naunawaan ko na si Mama. Mahal na mahal niya pala kaming magkakapatid. Mahal niya pala ako, kaya niya ako tinuruan ng mga gawaing bahay. 

Ang Bahay Naming Pahilis

Ang Bahay Naming Pahilis

Sa buong baryo ng Guruyan, ang bahay namin ang kakaiba, kaya ang mga nagdaraan ay laging nakatingala. Ako naman ay laging natutunaw sa hiya.
“Wow, ang ganda ng bahay nila. Paano kaya sila kung mahiga?” dinig kong puna ng babaeng mataba.
“Ang galing nga ng bahay-kubo nila! Kapag dumaan ang bagyo, baka liparin sila,” sabi ng kasamang bata.
Namumula ako kapag ang bahay namin ay kanilang pinupuna. Gusto kong mainis. Gusto ko ring matuwa. Halos ayaw ko nang lumabas at gumala-gala dahil yayayain lang ako ng aking kalaro. Gusto niya laging pumasok kami sa aming bahay-kubo.
Minsan, nagtatago ako kapag tumatawag si Doro kasi sigurado akong magpapagulong-gulong siya sa aming higaang kawayan. Gustong-gusto niya ang pakiramdam ng parang bolang gumugulong pababa.
Natutunaw ako sa hiya tuwing natutuwa si Doro, na gayahin ang nakapahilig na pintuan hanggang siya ay matumba.
Madalas, sumasama na lang ako kay Doro para hindi na siya pumasok sa aming dampa.
“Ellis, halika sa bahay ninyo. Doon tayo maglaro,” yaya sa akin ni Doro.
“Huwag na. Dito na lang tayo sa puno,” ang sabi ko.
“Gusto kong makapasok sa bahay ninyong nakatagilid. Bakit ayaw mo ba akong papuntahin?”
Parang gusto ko nang yugyugin ang sanga para mahulog siya, subalit napigilan ko ang aking sarili. Dali-dali akong bumaba sa puno ng kamatsile at iniwan ko si Doro.
Dumadagundong ang tawa ni Doro habang tumatakbo ako palayo.
“Ellis, pupunta ako sa bahay ninyong pahilis!” nakakainis pang sigaw ni Doro.
“Subukan mo. Susuntukin kita!” sigaw ko naman sa kanya.
“Ang suwerte niyo nga, ang bahay niyo lang ang hindi nagiba,” parang narinig kong sabi niya.
Mabilis akong nakarating sa bahay-kubo namin upang sikaping unatin ang mga nakatabinging dingding.
Itinulak ko nang buong lakas ang kahoy na haligi, pero walang nangyari. Pagtingin ko, tabingi pa rin ang mga dingding na sawali.
Pumunta ako sa likod at hinatak ang haligi, pero wala ring nangyari. Pahilis pa rin ang tingin ko sa haligi.
Naalala ko ang kawayang kinuha namin ni Papa sa may sapa. Agad kong itinukod iyon sa bahay naming malapit nang magiba. Gusto kong matuwa, pero malapit nang pumatak ang aking luha. Nang sinipat ko kasi ang aming dampa, wala ring nagawa ang kawayan ng aking ama.
Kumuha ako ng lubid na mahaba. Gamit ang hagdang kawayang kagagawa lamang ng aking ama, itinali ko ang bubong. Hawak-hawak ang dulo ng lubid, bumaba ako, saka umakyat sa puno ng mangga.
Naisip kong itali ang dulo ng lubid sa pinakamataas na bahagi ng puno ng mangga upang hindi tangayin ng hangin ang aming bubong. Pero, bago ko iyon nagawa, natanaw ko ang mga bahay sa paligid.
Ang bahay ni Aling Tali, ang natira ay apat na haligi.
Ang bahay ni Mang Damian, nasa kabilang bakod na ang kanilang bubungan.
Ang bahay ni Lolo Tasyo ay para nang nakaupo.
At, ang bahay ni Doro, nakita ko sa malayo. Nakatiwarik!
“Ganoon pala kalakas ang bagyo kagabi,” nasambit ko sa aking sarili. “Tama si Doro, masuwerte talaga ang bahay naming pahilis.”
Noon din ay bumaba na ako sa puno ng malaking mangga.
“O, Ellis, anong ginawa mo sa puno ng mangga?” tanong ng aking ina, nakararating pa lang. “Hawak mo pa ang lubid ng iyong ama.”
“Tinukuran mo pala ang bahay natin, anak,” sabi naman ng aking ama. Inilapag niya ang kawayang dala.
Natawa ako at napakamot pa. “Akala ko po kasi… ang bahay natin ay katawa-tawa.”
Halos magkasabay na napahagalpak sa tawa ang kanyang ina at ama.
“Anak, ang bahay natin ang pinakamatibay sa Baryo Guruyan,” sabi ni Mama.
“Ellis, ang bahay man natin ay pahilis, ito naman ang nagsalba sa buhay natin kagabi.”
“Magandang umaga po!” bati ni Doro sa amin.
Binati namin si Doro.
“Ang tibay talaga ng bahay-kubo ninyo!” sabi ng kaibigan ko.
“Oo naman! Kaya proud ako sa gumawa nito.” Niyakap ko ang tatay ko.
“At para lalong tumibay, nanguha na ako ng mga kawayan sa tabing ilog.”
“Yehey!” magkasabay naming sigaw ni Doro.


Friday, December 1, 2017

Ang Aking Journal -- Disyembre, 2017

Disyembre 1, 2017 Pasado alas-singko nasa Baguio na kami. Nag-arroz caldo muna kami bago pumunta sa transient house namin. Hindi naman kami nakapagpahinga dahil after ng isang oras na pag-entertain sa amin ng landlady, pumunta na kami sa venue ng seminar. Doon na rin kami inabutan ng gutom. Mula roon, nabigo kami sa unang itinerary namin. Hindi kami pumasok sa Tam-awan Village dahil mahal ang entrance fee at mataas. Ayaw umakyat ng mga kasama ko. After niyon, nabugi na naman kami sa Bell Church. Nag-lunch break ang mga empleyado, kaya nagsara muna sila. Sa Strawberry farm kami dumiretso. Kahit paano, nasulit namin ang pasyal. Doon na rin kami kumain. Bumalik kami sa Bell Church. Nakapasok na kami. Nag-enjoy rin kami sa groupies namin. Babalik sana kami sa venue ng seminar, kaya lang nahirapan kaming mag-abang ng taxi. Past 2, napagdesisyunan naming umuwi na lang. Umidlip ako. Kahit paano, nabawi ko ang pagod at puyat ko. Nakakatuwa lang ang landlady dahil ipinagluto kami. Masarap din ang leche flan at relyenong bangus niya. Gusto ko pa sanang mag-night market, kaso kami lang yata ni Ma'am Bel ang willing umalis. Napagod din sila, lalo na't kulang kami sa tulog kagabi. Okay lang naman. Disyembre 2, 2017 Ang lamig sa madaling araw. Sumakit ang likod ko. Pero, thanks God dahil nakatulog ako nang mahaba-mahaba. Ang sarap naman ng almusal namin. Pinaghanda kami ng landlady. Andami kong nakain. Ang saya pa ng kuwentuhan pagkatapos. Inabot kami ng past 10 am, saka kami nakaalis. Ang itineraries namin ngayon: 456 Restaurant, Good Shepherd, Botanical Garden, at Burnham Park. Hindi naman namin nahintay ang night market dahil nilamig na kami at nagutom. Gayunpaman, sulit na ang 2nd day namin. Disyembre 3, 2017 Past 6 nang magising ako. Nakatulog ako kagabi nang maaga at maayos after ng masaganang hapunan. Pagkatapos ng masaya at masaganang almusal, nagpabili kami sa landlady at sa partner niya ng mga pampasalubong, habang inihahanda naman namin ang mga gamit namin. Naiayos ko na rin sa malaking plastic bag ang pine tree, na ibinigay sa akin ni Ate Mackie. Tuwang-tuwa ako dahil ako ang agad na nakasagot nang nagtanong kung sino ang gusto. Nilutuan pa kami ng lunch bago kami bumiyahe. Mapalad kami sa nakuha naming transient house. Masarap na magluto, hindi pa abusado sa presyo. At home talaga kami. Nang nasa bus na kami, pinost na niya ang picture namin. Ang ganda ng caption niya. Natagpuan niya ang real friendship sa amin. Though, alam kong may business side doon, mas malaki pa rin ang portion ng happiness na naramdaman niya habang kasalo namin sila. Extraordrinary experience! Before 10, nasa bahay na ako. Pagod at puyat, pero masaya ako. May naiuwi akong pasalubong sa aking mag-ina. Mayroon ding souvenir ng Baguio. Isa na rito ang pine tree na ibo-bonsai ko. Sulit ang gastos! Disyembre 4, 2017 Excited akong harapin ang pine tree ko, kaya maaga akong nag-gardening. Umaasa akong mabubuhay siya nang matagal. Plano kong bonsai-yin si Piny. Kahit mainit ang panahon, sinikap kong makatulog after lunch. Dalawang oras din akong nakaidlip. Bawi ko na ang puyat ko. Halos kay Piny na sentro ang atensiyon ko maghapon. Nakapag-dish garden din ako sa ilalim niya. At, nakapagbilad ng mga buto ng mga halamang nakuha ko sa botanical garden. Gabi ko na nagawa ang school works ko. Disyembre 5, 2017 Wala pa ring pormal na klase. Kulang ang mga teachers. May absent. May nasa palaro. Kaya naman, hindi kami nakapagpalitan ng klase. Okay lang naman sa akin. Nagturo at nagpa-group work ako sa tatlong subjects ko sa VI-Topaz. Buong araw iyon. Enjoy naman sila. And, I'm sure, natuto sila sa kanilang sariling efforts. Tama ang nabasa ko: "Don't teach the children what to think. Teach them how to think." Pinatawag ako ng principal. Ni-remind ako tungkol sa annual report at school paper. Hindi ko talaga siya kayang hindian. Gusto ko pa rin siyang tulungan, kahit ayaw ng iba. Natulungan ko rin si Chealsey, na kumuha ng Good Moral Certificate. Nag-issue na rin ako ng Form 138 at napa-certify ko na. Chinat kasi ako ng Mommy niya kagabi. Hindi ko rin kayang i-disappoint, lalo na't kailangan na niyang mag-exam sa Manila Science High School. After class, umuwi agad ako. Naghanda ako ng IM's at iba pang ipapasang report. Hindi naman natuloy si Epr. Makikituloy raw siya, kaso sa katrabaho na lang niya siya makikitulog habang naglalakad ng papeles pa-abroad. Natanggap ko na rin pala ang copy ng "Story of Life." Disyembre 6, 2017 Nagpalitan na kami ng klase. Kaya lang, naubos ang oras ng adviser ng Aquamarine sa kanilang recess. Hindi ko sila naturuan. Naipadikit ko lang ang visual aids ko para makopya nila habang nagre-recess. Nainis ako nang nagpa-meeting pa tungkol sa ERP. Bukas na raw ang evaluation. Masyado na akong cramming. Hindi ko na matapos-tapos ang school paper at annual report. Past 3 na ako umuwi. Kahit paano ay may nagawa ako para sa annual report. I doubt na aabot iyon sa due date na December 22. Nainis pa ako kay Emily pag-uwi ko. Rereklamuhan pa ako ng pagod niya. Masyado kasi siyang nagpapaalila sa kapitbahay. Hindi naman niya obligasyong bantayan ang anak. Tapos, sa akin dadaing. Ako nga, never na dumaing sa kanya. Siya kaya ang bumiyahe umaga't hapon nang malaman niya. Siya rin kaya ang mag-handle ng mga klase. Hindi pa nakuntento, pinilit pang magpa-tutor si Bubot. Hindi man lang naisip na ayaw nga, dahil hindi makabayad. Hindi rin ako inisip na baka may ginagawa akong learning materials, na siyang priority ko. Bad trip! Nakaka-bad trip talaga. Disyembre 7, 2017 Wala na namang palitan ng klase dahil absent ang isang adviser. Ni-prorate ang mga estudyante niya. Ako naman, hindi tumanggap ng dahil wala naman akong turo sa kanila. Isa pa, magugulo lang ang klase ko, lalo na't may groupwork na sila. Enjoy na enjoy sila sa pagsusunod-sunod at pagpapangalan sa mga pictures ng mga naging pangulo ng Pilipinas. Hinayaan ko silang mag-isip at magdesisyon. Effective naman kasi talaga. Nakapag-almusal pa ako habang gumagawa sila. Sa Filipino 6, nagbasa ako ng akda ko, bilang springboard sa aralin namin. Natuwa sila. Nakakainis lang dahil apektado sila sa temporary-ng regulations like bawal dumaan sa ganyan, sa ganito; bawal umihi nang sabay ang dalawang lalaki; at iba pa. Nakakainis! May bisita lang, kailangan talagang magpahipokrito. Hindi na lang gawin ang kinagawian. Ano na lang ang iisipin ng mga estudyante? Ayaw ko talaga ng plastik at hypocrite! Kaya, habang naghihintay ng oras ng pag-time out, gumawa-gawa muna ako mg annual report. Tumakas ako nang 1:30 na. Kailangan daw ang mga ERP team, habang may bisita at evaluation ng project. Diyos ko po! Mabuti sana kung may overtime pay! Wala, e! May maririnig pa ako kapag nagpameryenda siya. Sobrang antok at pagod ko nang dumating ako. Umidlip ako. It was past 4:30 nang bumangon ako para magmeryenda at mag-print ng summative test sa AP6. Hindi ko muna pinansin si Emily. Kaya naman, nakapag-print din ako ng certificate para sa mga perfect attendance awardees. Disyembre 8, 2017 Kakaunti lang ang pumasok sa klase ko. Mga 27/44 lang yata. Gayunpaman, itinuloy ko ang pagbibigay ng summative test. Tapos, nagpa-group activities ako. Enjoy na enjoy at game na game sila. Walang palitan ng klase. Tig-kakaunti lang kasi ang estudyante namin. After class, kinausap ko si Ma'am Dang. Sinabi kong tanggalin na nila ako sa CIP team para magawa ko ang annual report at school paper. Or else tatlong tasks ang hindi ko magagawa. Umuwi ako before 2 pm. Pagdating ko, umidlip ako. Sinabayan ako ng mag-ina ko kaya past five na kami nagising at nagmeryenda. In-overtime ko naman ang paggawa ng Form 138. Issuance na kasi bukas. Na-identify ko na rin ang 16 na academic achievers, na ipre-present ko sa HPTA meeting. Disyembre 9, 2017 Mas maaga pang umalis si Emily kaysa sa akin dahil kailangan niyang sunduin sa bus terminal ang biyenan ko, si Nanay Mila. Dahil hindi niya kasama si Zillion, hindi ako agad nakaalis. Pinagluto mo muna siya ng almusal. Sabay kaming kumain. Maliwanag na nang umalis ako. Late ako ng almost 30 minutes. Nakaka-inspire talagang mag-aral. Ang sarap makipagtalakayan. Kaya lang, parang hindi pa ako ready kanina. Before 12, nasa school na ako. Pinaghandaan ko ang HPTA meeting at bigayan ng card. More than half ng klase ko ang dumating na parents at guardians. Gayunpaman, tuloy ang meeting. Successful naman. Nasabi kong lahat ang mga naihanda kong sasabihin. Past five, nasa CUP na ako para sa second at last period ng masteral class ko. Nagbigayan lang ng reports. Nakuwentuhan. Before six, uwian na. Inabot naman ako ng traffic. Past 8 na ako dumating sa bahay. Masaya akong sinalubong ni Zillion. Nagpapakitang-gilas sa lola niya. Disyembre 10, 2017 Natatawa ako sa kapitbahay kong may pagkabading. Nagpaparinig. Obvious na apektado siya sa hindi ko pagpansin sa kanya. Bakit kasi namimilit siyang kaibiganin ko siya? Masama nga raa ang ugali ko. E, siya ano? Gumagawa ng kuwento. Kunwari may kausap sa cellphone. E, halos siya lang naman ang nagsasalita. Monolugue?! Tsismoso kasi siya, kaya ayaw ko siyang kausap at kaibigan. Maglaway siya sa akin. Besides, hindi rin ako apektado kung magalit siya sa akin. Hangga't mayabang siya at hangga't akala niya makukuha niya lahat ng atensiyon ng kapitbahay niya, hindi ako lalapit sa kanya. Masyado akong busy para sa tsismisang gusto niya. Nainis rin ako sa principal. Heto ang chat niya: Pls dont forget GAD, SC Activities, my AP also counts, scouting red cross as well. I hope by Dec 15 the draft is ready na thanks and happy working. Heto naman ang reply ko: Im sorry to say this: Parang hindi aabot. 10% palang po. Hindi ko mabigyan ng 100% focus. Andami ko rin pong responsibilities. Sunday na lang po ang pahinga ko, gawa ng masteral class ko. Paano ako pag Monday-Friday? Ni wala nga akong hawak na mga pictures mula sa mga coordinators. Ako po ba lahat? Parang hahanapin ko pa at idadownload isa-isa ang pictures ng mga activities nila. Ang hawak ko lang po ay ang sa INSET. Need pa ng list ng nga seminars and workshops. Mag-iisip pa po ng mga suitable words. Kahit po si Superman, hindi po kakayanin ang deadline. Dead po talaga ako nito. Sagot niya, Froilan don't be negative it doesn't mean to say na if I gave u the responsibility lahat sa iyo, u gather data fr coors, if anu png di natapos by 15 I will check it, Tomorrow I will call the OIC in charge to meet all the subject coors to provide u all the data u need. Sagot ko naman, That's great, Ma'am. I thought layouting lang ang task ko. It turned out na pati data gathering and documentation pa pala. May task pa po ako daily sa advisory class ko. Hindi po pwede ma-compromise iyon because that is really my task. Now, if they can supply me with the data, I can assure you of an annual report on Dec. 22. Sige. Hihintayin ko ang data, na galing sa mga coordinators. Disyembre 11, 2017 Nagsawa sa groupwork ang mga pupils ko, pero alam kong enjoy na enjoy sila. Pagaling sila nang pagaling. After class, nagpa-meeting ang mga MTs tungkol sa annual accomplishment na ipinagagawa sa akin ng principal. Ipinatawag ang mga coordinators para humingi ng narrative report ng kanilang activities. Nabawasan ako ng pasanin. Naramdaman kong game silang tumulong. Ngayong araw, dalawang problema ang naging bahagi ng buhay ko. Una, ang problema ng mag-aama. Estudyante ko ang isa. Nagpaalam silang lilipat na ng school dahil iniwanan sila ng ilaw ng tahanan. Third party ang dahilan. Naiiyak pa ang ama habang kaharap ako. Nakita ko ang sarili ko sa kanya. Pinayuhan ko siyang maging matatag. Sabi ko pa, mapalad siya sapagkat nasa kanya ang dalawa nilang anak. Pangalawa, ang lola ng estudyante kong nagpakita ng ari sa dalawa niyang kaklase, kaya nakita ng tindera sa kalye. Very cool naman ang lola. Masarap siyang kausap. Very witty kasi siya. Open-minded pa. Past 4, nasa bahay na ako. Umidlip ako after kong magkape. Then, before dinner, hinarap ko ang LET reviewer ni Emily. Na-excite akong sagutan iyon at turuan siya. Kung marami nga lang akong time... Kaso, may seminar na naman ako bukas sa Pansol, Laguna. Disyembre 12, 2017 Maaga naman akong nakarating sa DO, pero nahuli kami ng pagbiyahe patungo sa Blusyl Resort, Pansol, Laguna. Na-late kasi si Ma'am Edith. Hindi agad kami nakasakay sa coaster ng Pasay. Hindi pa puwedeng gamitin ang L300 na isa dahil basag ang windshield. Pinaghintay kami ng two hours bago kami pinag-commute. Past nine na kami nakarating sa venue. Okay lang naman. Hindi naman kaagad sila nagsimula. Naabutan pa namin ang energizer nila. Nag-enjoy naman ako sa servant leadership training. Medyo awkward lang dahil hindi ko halos sila kakilala. Mangilan-ngilan lang ang nakasama ko dati sa mga seminar, training o workshop. Nahiya ako nang nag-groupings na. Namili pa ako ng bilang. Hindi ko kasi narinig na up to 8 lang. Nag-nine pa ako. Nang-ookray pa naman resource speaker. Haist! Gayunpaman, marami akong napulot. Nakaka-enjoy rin naman ang nga activities niya. Maaari kong ma-adapt ang mga iyon para sa aking mga klase. Natulog ako nang maaga. Hindi na ako nag-swimming at sumali sa socialization. Disyembre 13, 2017 Kahit paano naging maayos ang tulog ko, sa kabila ng kawalan ng kumot at aircon sa room naming mga boys. Mabuti na lang ay nakatapat ang higaan ko sa bintana, kaya nabuksan ko iyon para pumasok ang hangin. Medyo maingay lang ang mga kasamahan ko. Labas-masok at patay-sindi ngbilaw. Nakakaistorbo ng tulog. Gayunpaman, okay na iyon kaysa sa wala talagang tulog. Naging maayos din ang ikalawang araw ng seminar-training. Past 4 na kami nakatapos. Nakakapagod, pero masaya akong umuwi. Before 8, nasa bahay na ako. Disyembre 14, 2017 Sinimulan kong tanggapin sa puso ko ang gawaing iniatang sa akin ng principal. Kahit mahirap at kahit hindi na ako magkandaugaga, positibo pa rin akong matatapos ko ito. Kahit hindi pa nagpasa ang iba ng narrative report, okay lang sa akin. Since, sabi niya naman na huwag aking maging negative. Naisingit ko pa rin ang pagtuturo. Past five na ako nakaalis sa school. Marami naman akong na-accomplish ngayong araw. Kasama na rito ang pagsasayos ko ng teacher's table at ang pag-i-install ko ng Office sa desktop. Malaki ang maitutulong niyon sa mga gawain ko. Salamat sa CD ni Sir Joel K! Disyembre 15, 2017 Dumating na ang principal mula sa ilang araw na seminar, pero hindi man lang niya kinumusta ang annual accomplishment report na pinagagawa niya sa akin. Pinalapit niya lang sa akin si Papang. May ikunuwento pa nga. Naisip ko, guilty siya. Anyways, hinarap ko naman ang report niya kahit nagkaklase pa ako. Hindi ko nga lang matapos-tapos dahil kulang sa oras. Isa pa, hindi naman naibigay sa akin ang lahat ng narrative report mula sa mga school coordinators. Nag-overtime pa ako. Pagdating sa bahay, haggard na ako. Hindi ko naman naharap kasi ang inuna ko ay ang mga assignments ko sa masteral. Disyembre 16, 2017 Maaga akong nakarating sa school. Nakain ko pa ang kakaning binili ko sa Tanza at ang ubas na baon ko. Naging makabuluhan ang first period ko. Marami akong natutuhan. After class, pumunta ako sa school. Naglinis ako ng classroom ko. General cleaning iyon, pero hindi ko natapos. Itinabi ko muna ang mga kapapelan. Babawasan ko na kasi. Itatapon ko na ang mga dapat itapon. Past 4, bumalik na ako sa CUP para sa last period ko. Nakinig lang ako sa mga reporters. Wala ako sa mood makipagtalakayan. Napagod ako nang husto sa paglilinis. Na-traffic ako, kaya past 9:30 na ako nakauwi. Nalipasan na ako ng gutom. Hindi ako nakakain nang maayos at sapat. Disyembre 17, 2017 Sobrang lamig ng umaga, kaya halos hindi rin ako nakatulog nang maayos. Gayunpaman, sinimulan ko nang masigla ang araw ko. Nag-almusal akong kasalo sila. Nag-gardening. Nagluto ng pananghalian. Naglinis sa kuwarto. After lunch, saka ko hinarap ang mga tasks ko sa school. Pinagsasabay ko ang annual report at school paper. Before 3, dumating ang mga pinsan ni Emily na sina Ate Jovy at Ate Mercy. May dala silang palabok, cake, at softdrinks. Kahit nahihiya ako, humarap ako sa kanila lalo na't maayos naman silang kaharap. Nagustuhan nga nila ang bahay at garden namin. Past 4 sila umalis. Nagmeryenda uli kami. Blessed din sina Ion, Laly, at Nanay. May mga aguinaldo sila galing sa mga bisita. Pagkatapos, saka ko uli hinarap ang mga trabaho ko. Namalayan ko na lang na gabi na at kailangan nang maghapunan. Haist! Parang ang bilis ng araw. Pasukan na naman. Disyembre 18, 2017 Umaga pa lang, nainis na ako sa ingay ng advisory ko. Malaki talaga ang epekto kapag wala ang student-leader ko. Absent siya. Na-stress talaga ako sa annual accomplishment report ng principal. Andami pang hindi nag-submit ng kanilang narrative reports at photos. Hindi ko matapos-tapos. Natuwa na sana ako dahil may mga nagpapasa pa, kaya lang nainis lalo ako nang malaman kong nakasara ang Learning Resource Center. Kailangan kong mapiktyuran. Kailangan ko ring magamit sa klase ko habang may ginagawa. Ang nangyari... isinauli ko ang mga binayad ng pupils ko para sa pagkain sa Christmas party. Hindi ako nagalit. Gusto kong ma-realize nilang wala silang disiplina. Konektado rin iyon sa isyu ng nakasarang LRC. Sabi ko nga kay Ma'am Anne, "Pang-display lang pala 'yon!" Naisip ko pa, kaya nila tinanggap ang offer ng Jollibee ay dahil kailangan ng tv monitor sa LRC. Tapos, hindi naman nila ipapagamit sa teachers at pupils. Masisira lang dahil nakaistambay. Haist! Utak-ipis. Past 1:30, umuwi na ako. Past 3 ako dumating sa bahay. Natulog ako. Past 5 na ako bumangon. Pagdating iyon ng aking mag-ina mula sa school. Akala ko magkakasakit na ako. Ang bigat kasi ng katawan ko. Thanks, God! Disyembre 19, 2017 Kakaunti na lang ang pumasok sa klase ko. Marahil, apektado sila ng desisyon kong walang Christmas party. Okay lang naman dahil pressured pa rin ako sa annual report ni Ma'am. Kaya lang, mas na-stress ako nang malaman ko mula kay Ma'am Dang na mabi-breach of contract si Ms. Kris dahil hindi nakabuo ng 900 orders sa Jollibee. Siya pala ang nakapirma. Hindi ko alam iyon. Hindi alam ng Grade Six na may ganoong kontrata. Kung alam ko, tiyak susuportahan ko siya at hindi ko isusuli ang mga bayad ng pupils ko. Pipilit kong magkaroon ng party kahit pagod at puyat ako sa kagagawa ng report. Ang kaso, naisuli ko na. Final na ang decision ko. Past 2 na ako umuwi. Nasa bus ako nang tumawag si Ms. Kris. Kinumpirma niya lang ang sinabi sa kanya ni Ma'am Dang at binabaan niya na ako. Well, galit siya, pero may dahilan naman ako. Hahayaan ko muna siyang mag-conclude. Later, I know mare-realize niya na hindi niya dapat ako sinisisi. Ayaw kong mag-away kami dahil sa walang kabuluhang bagay. Isa pa, marami akong bagay na kinonsedera sa desisyon ko. Naging firm lang ako sa sinabi ko sa pupils ko, na "Bigyan niyo ano ng rason para walang party." Right ko iyon. Umidlip ako after meryenda. Bumangon ako mga 8 na yata. Ikinuwento ko kay Emily ang mga nangyari. Convinced na siya kung bakit hindi ako a-attend sa Christmas party ng faculty. Gusto ko lang namang ipaalam at iparamdam sa kanila na napagod ako nang husto sa annual report. Hindi ko gawain iyon, pero akala nila, ako pa ang humihingi ng pabor. Wow, huh! Disyembre 20, 2017 Nakatulog ako nang mahaba-haba kagabi. Kahit paano, nanumbalik ang sigla ko. Kaya naman, marami akong nagawa, lalo na't umalis ang mag-iba ko. Nag-Christmas party sila. Nagkapaglinis sa kuwarto at sa sala. Nakapagbanlaw rin ako ng mga damit. Hinarap ko naman nang pasalit-salit ang report. Umuusad na kahit paano. Kinausap na ako ni Ms. Kris sa chat. Akala ko, galit siya sa akin. Ang hula ko, absuwelto na ang kaso nila sa Jollibee. Thanks, God! Nag-rant, este nag-post ako sa FB. Sabi ko lang naman, "Na-UNSEEN-ZONED ka na ba? Ang sakit, 'no?" Humaba ang mga comments dahil kina Papang at Janelyn. Talagang bubuhayin ko na si Makata O sa January 2018. Hindi na maganda ang ipinapakita ng principal sa mga kasamahan ko. Nakakasakit na siya. Disyembre 21, 2017 Nakakatawa na nakakainis ang nangyari kaninang umaga sa garden. Paggising ko kasi at pagdungaw sa bintana, mga tae ng pusa ang nakita ko. Tumaas agad ang bp ko. Kaya, nang bumangon ako, dinakot ko agad. Tiyempo namang nakita ko ang isa sa mga pusa ng kapitbahay ko, na malamang iyon din ang tumae. Hinagis ko sa pusa. Sapol! Tuwang-tuwa ako kasi kapag gusto mo raw matanggal ang bastos na ugali ng pusa, isubsob mo raw ito sa sarili niyang tae. Hindi ko man naisubsob, naitapal ko naman sa mukha. Kaya lang, nagwala ang may-ari --- si Mr. Bukbok. Hindi man niya ako pinangalanan, alam kong ako ang dinadabugan niya. Bago iyon, nagparinig muna, gaya ng madalas niyang gawin. Bakla yata, e. Great! Nasira ko ang araw niya. Susunod, ihahagis ko na ang tae ng pusa niya sa mukha na niya nang malaman niya kung gaano kabaho. Kami ang nagsa-suffer sa baho at langaw. Another is ang pagkukumahog ng admin ko na makuha ang file ng annual report. I-unseen-zone ko kasi siya. Humingi siya ng sorry. Ang karugtong, hindi ko na nabasa. Mayamaya, chinat na ako ni Papang at ni Ma'am Edith. Ang sumatotal, sinira na lang nila ang kandado ng classroom ko para makuha nila ang draft ng report sa desktop. Nanalo ako! Epektibo rin ang pagkukunwari kong may sakit. Naniwala sila at nakonsensiya. Nakonsensiya? Maybe... Basta, naging matagumpay ako sa laro ko. Gusto kong malaman nilang hindi madali ang panggagamit nila sa akin. Stressful. Hindi naman nila na-compensate ang pagod at time na ginugol ko. Oras na para sa personal needs at family ko, kinain pa ng report. Pati ng pupils ko, apektado. Tama lang marahil ang ginawa ko. Disyembre 22, 2017 Nakahinga na ako nang maluwag. Hindi ko na kailangan pang ma-stress sa annual report ng principal. Naipakita at naiparamdam ko naman sa kanya at sa mga kasamahan ko, na stress ang dahilan ng sakit ko. Effective ang drama. Kaya naman, nakapag-post ako ng aking mga akda, gayundin ng sa mga bata. Naisingit ko rin ang Tambuli, na maaari ring maging sanhi ng pagkaulit ng pangyayari. Kapag nakitaan ko ng kahungkagan ang pinuno ko, malamang ay hindi ko iyon ipa-publish para wala siyang achievement. Naiinis kasi ako sa ugaling mapanggamit at insensitive sa damdamin ng iba. Hindi ako nag-gardening maghapon dahil mayamaya ang ambon. Isa pa, iniwasan ko si Mr. Bukbok. Ayaw kong makita siya sa labas. Ayaw kong pinariringgan niya ako. Disyembre 23, 2017 Nagpaka-busy ako sa pagtapos ng school paper. Kahit paano, marami akong naidagdag. Nakapag-post din ako sa wattpad at blogger. Hindi nga lang ako nakatulog. Ewan ko! Hindi talaga ako takaw-tulog. Gabi, nagdesisyon akong hindi sumama kina Emily sa pagpunta kay Kuya Rudy, ang asawa ng pinsan niya. Wala ako sa mood. Gusto ko lang mag-stay sa bahay. Disyembre 24, 2017 Hindi ako sumama kina Emily sa party sa Bacoor. Mabigat ang katawan ko. Mas pinili ko pa ang maglinis at maglaba. Nakapag-post din ako sa wattpad. Kaya lang, hindi ako nakapag-grocery sa Puregold. Hintay kasi ako nang hintay sa kanila. Wala silang dalang susi. Past 7 na dumating ang mag-ina ko. Saka lang ako nakapag-grocery sa Alfamart. Masaya ako sa ikalawang Pasko namin sa bahay. Hindi ko na kailangang magluto dahil naki-party sila sa mga kapitbahay. May mga parlor games at giveaways pa. Bukod doon, may uwi rin sila mula sa Bacoor. Sinalubong ko naman ang Pasko sa panunuod ng tv at pag-inom ng light beer. Solb na! Disyembre 25, 2017 Past 12:30 na kami natulog kanina. Nagising naman ako bago mag-alas nuwebe. Masigla akong naglinis pagkatapos mag-almusal, kaya lang nainis ako sa mga pronouncement ni Emily. Tuwing Pasko talaga, nauulit ang pag-aaway namin. Kung ano-ano kasi ang sinasabo niya. Hindi pinag-iisipan ang binibitawang salita. Nagrereklamo siya, na akala mo ay ginutom. Samantalang lahat ng kinikita ko ay nakikinabang siya. Pangmatagalan ang bagay na prino-provide ko para sa kanila. Ni hindi ko halos iniisip ang mga pangangailangan ko tulad ng brief, sapatos at iba pa. Siya, lipstick lang, irereklamo pa niya sa akin. Mautusan lang, bibilangin na. Minsan, nakakawala rin ng respeto ang kakitiran ng utak niya. Hindi marunong magpasalamat. Binigyan na lahat-lahat, ang titingnan pa ay ang maliit na bagay na hindi ko naibigay. Samantalang ang ina at mga anak ko sa Antipolo, hindi ko pa nabigyan. Mabuti sana kung may ipinapasok siyang pera sa bahay. Ako naman lahat, e. Sinabi kong lahat 'yan sa kanya. Tumigil din siya dahil binalaan ko sa siya. Mauulit talaga ang nangyari kapag magsalita pa siya. Babalik siya sa mga magulang niya kapag nagpakatimang siya sa paniniwala niyang wala sa hulog. Totoo ngang ang taong walang kakuntentuhan ay hindi kailanman maliligayahan. Umidlip ako pagkatapos maligo para ma rin mawala ang inis ko. Past 4, dumating sina Kuya Rudy at Ate Mercy. Hinatid nila si Nanay. Kaya napabangon ako. Nag-stay sila ng ilang minuto. Pag-alis nila, binati na ako ni Emily. Good thing, na-realize niyang siya ang mali. Disyembre 26, 2017 Dahil napuyat ako kagabi sa kahihintay kay Emily, (Nakipag-videoke siya sa kapitbahay.) past 9:30 na ako bumangon. Bawing-bawi ang puyat. Nag-almusal lang ako't naligo, saka umalis na ako patungong Antipolo para bisitahin si Mama. Past 2 na ako nakarating. Namili pa kasi ako. Disyembre 27, 2017 Namahay ako kagabi sa bahay ni Mama. Pagising-gising ako, lalo na't malamok at malamig dahil nakatutok sa akin ang electric fan. Gayunpaman, may mga panaginip ako. Napanaginip ko nga si Sir Bob. Malaman-laman ko, may patay pala siyang kamag-anak. Nabasa ko sa FB. May pahiwatig talaga ang panaginip... Si Mama naman, imbes na hayaan akong matulog, ginising niya ako ng tawag niya. Akala niya kung may sakit pa rin ako. Kaya, kahit pinilit kong matulog uli, hindi na ako nakatulog. Past nine, bumiyahe na ako pabalik sa bahay. Past two na ako dumating. Nagpahinga ako kaagad pagdating ko. Kahit masakit ang ulo ko, okay lang dahil nakita ko naman ang mabuting kalagayan ni Mama. Nalungkot lang ako sa ubo niya. Isang linggo na raw iyon. Sana gumaling na siya. Disyembre 28, 2017 Nakapagbabad ako sa higaan hanggang alas-otso. Kung hindi lang maingay sa labas si Mr. Bukbok, makakatulog pa sana ako hanggang 9. Okay na rin iyon dahil nakatakda ang pag-grogrocery at pamamalengke ko. Nine-thirty to eleven-thirty, nagawa ko iyon. Pagdating, nagluto naman ako. Nakakatuwang maghanda ng pagkain para sa pamilya lalo na kapag appreciated ang luto mo. Inaabangan at pinaghahandaan ko rin ang pagbisita ng 1000 friends ko. Nakahanda na ang lulutuin at macaroni salad, kung sakaling natuloy sila. Disyembre 29, 2017 Pagkatapos kong mag-almusal, bandang alas-nuwebe, nag-general cleaning ako sa kuwarto ko. Sinabayan ako ni Emily. Naglinis din siya sa kuwarto nila at sa kusina. Pagkatapos, inabangan ko ang chat ng 1000 friends ko. Sabi nila, dadalaw sila ngayon o bukas. Hindi sila nagparamdam. It means, hindi tuloy. Okay lang naman. Nakapagpahinga at nakapagbasa ako sa hapon. Ang sarap talaga kapag walang pasok! Disyembre 30, 2017 Ngayong araw, hinarap ko naman ang journal ko. Nag-encode ako nang nag-encode. Gayunpaman, ako pa rin ang nagluto. Siningit ko rin ang paglilinis sa kuwarto. Nag-chat kaming 1000 group. Hindi sila matutuloy sa pagbisita sa akin dahil masakit ang likod ni Papang. Okay lang naman. Wala pa naman akong na-prepare na pagkain, maliban sa macaroni salad. Si Kuya Emer naman, dito makiki-celebrate ng New Year. May kainuman na ako. After kong umidlip, tinapos ko na ang book 2 ng Moymoy Lulumboy. Kailangan ko nang mabili ang book 3 and 4. Disyembre 31, 2017 Before lunch, dumating si Kuya Emer. Naabutan niya akong nagluluto ng ulam. Hapon, umidlip kami. Paggising, naisipan ng magkapatid na namalengke. Nagpadala na lang ako ng pera. Pagdating nila, sinimulan ko na ang paghahanda. Inspired akong magluto. Inabangan ko talaga ang 12. Hindi man ako ang tipo ng taong ma-ritual, masaya naman akong nakita ang mga kasama ko, na masaya. After mag-ingay ng motor si Kuya Emer at magtorotot si Ion, nagsalu-salo na kami. Second New Year namin dito. Sana tuloy-tuloy ang aming kasaganaan. One pm, natulog na ako. Tinabihan ko si Ion habang nagliligpit pa sila.

Ang Aking Journal -- Hulyo 2026

Hulyo 1, 2026 Muntik na akong ma-late dahil sa bus na nasakyan ko. Panay ang hinto at pick-up niyon ng mga pasahero. Hindi ko na tuloy naa...