Followers

Saturday, September 20, 2014

Redondo: Connected

Maaga akong natulog kagabi kaya maaga ring akong bumangon kanina. 

Pagka-toothbrush ko, kinuha ko kaagad ang gitara at tumugtog ako. Kinanta at tinugtog ko ang "Bleeding Love" ni Leona Lewis. Inulit-ulit ko ang:
But I don't care what they say 
I'm in love with you 
They try to pull me away 
But they don't know the truth 
My heart's crippled by the vein 
That I keep on closing 
You cut me open and I 

Keep bleeding 
I Keep, keep bleeding love 
I keep bleeding 
I keep, keep bleeding love 
Keep bleeding 
Keep, keep bleeding love 
You cut me open and I

Nabulahaw ko si Daddy. 

"Red, bakit ka naggigitara?" tunghayaw sa akin ni Daddy.

"Bakit po?"

"Anong bakit po? Di ba may sugat ka sa tagiliran!"

"Hindi naman po dumidikit, eh! Okay lang po ako."

"Tigas na naman ng ulo mo, a. Sige, pag dumugo 'yan. Bleeding Love ka pa naman." Tumawa pa siya nang tumalikod. Umiling-iling din habang tiuntungo ang lababo.

Ang kulit din ng Daddy ko. Nang-aasar pa. 

Naramdaman kong gising na si Dindee kaya lalo ko pang nilakasan ang pagkanta ko. Pagkatapos, nagpalit ako ng kanta. Tinugtog ko naman ang "Let Her Go" ng Passenger. 

Nagtawanan kami ni Daddy kasi sabi niya: "Kanina, dumudugo ang pag-ibig mo. Ngayon, pinapalaya mo na siya. Si Riz na ba yan?"

Hindi ako nakasagot sa biro ni Daddy. Noon ko lang kasi napansin ang connection ng mga kinanta ko.

Friday, September 19, 2014

Hijo de Puta: Setenta y nuwebe

"d n kta gNcng. duTy q n. almusal kn jn." Text ito ni Lianne. Alas-nuwebe ko na nabasa. Naka-silent kasi.

"thank you, Lianne! tC"

Ang totoo, gising naman ako habang naghahanda siya ng almusal at habang nagbibihis siya. Hindi ko alam kung hindi niya lang talaga alam na gising ako o sadyang inaakit niya ako. 

Wala siyang takot na magpalakad-lakad kanina habang naka-bra at panty lang siya. Nagplantsa pa nga siya nang naka-ganun. 

Kung lagi niyang gagawin iyon, lalo akong mang-iinit sa kanya. Kanina nga ay muntik na akong labasan. Kung hindi nga lang umextra ng paglabas ng nana sa ari ko, baka sumabog na ang katas ko.

Ang tindi! Sobrang ganda ng katawan ni Lianne. Halatang hindi  pa pinagsawaan ng sinuman. Kitang-kita ko kahit nakatalukbong ako ng manipis na puting kumot. 

Bumangon ako para magpalit ng brief. Nilabhan ko na rin iyon. Tapos, nag-almusal na ako ng inihanda ni Lianne. 

Alas-onse, lumabas ako ng bahay upang i-claim ang tseke na ibinayad sa akin ng misteryosang babae. Nag-grocery na rin ako. 

Nang nakauwi ako sa bahay, nasa may pintuan si Mama Sam. 

"San ka ba nagsususuot? Nilamok na ako dito!" Naiinis na wika ng bakla.

"Nag-grocery.'' Tinaas ko pa ang mga plastic bag. "Bakit kasi di ka nag-text muna." Kinabahan akong bigla. Makikita niya ang mga gamit ni Lianne. "Aalis uli ako. Ipapasok ko lang itong mga pinamili ko."

"Saan ka na naman pupunta? Magaling ka na ba?"

"Ipa-process ko ang mga paper ko sa Axis. Di ba alam mo yun?" Binuksan ko na ang pinto. Hinarangan ko para di makapasok si Mama Sam. Tapos, ipinasok ko lang ang mga plastic bag.

"Teka.. teka! papasukin mo muna ako." Tinulak niya ang pinto nang ipa-padlock ko na sana.

"Wag na! Nagmamadali ako.."


Wala akong nagawa. Nakapasok na ang bakla.

Redondo: Baha

Chance ko na sana na kausapin ng masinsinan si Dindee ngayong araw dahil suspended ang klase, kaya lang pinasok naman ng tubig-baha ang bahay namin. Mabuti andito si Daddy. Hindi pa naman ako pwedeng magbuhat o magkikilos. 

Silang dalawa ni Dindee ang nagkandaugaga sa paglimas, pagbuhat at pagtaas ng mga kasangkapan at kagamitan. 

Apat na pulgada lang naman ang baha sa loob ng bahay. Kaya lang, nakakaalarma din. Bwisit na Mario, ngayon pa dumating!

Masaya namang ginagawa ni Dindee ang lahat para matulungan si Daddy.Hindi ko naman siya nakitaan ng pagkapagod o pagkainis sa kanyang ginagawa. Tanging ang issue namin ni Riz ang pinagmamaktol niya. Wala pa rin akong load kaya di ko siya maitext.

Nang pinainom niya ako ng gamot sa kuwarto, agad kong nahawakan ang kanyang braso. Hindi siya nakahulagpos.

"Pwede ba kitang kausapin?" bulong ko.

"Para ano? Para paniwalain ako? Okay na.. No need to explain."

"Sorry.." Pinilit kong palungkutin ang boses ko. Nilamlaman ko rin ang mga mata ko.

"Sorry saan?"

"Sa..sa..nangyari!"

"Di ba ikaw nga ang biktima?! Bakit ikaw ang nagso-sorry."

"Kasi..nagagalit ka, eh."

"Nagagalit ba ako? Hindi nga ako nagsasalita, e."

"Yun nga, e. Mahirap kaya ang ganyan."

"Talagang mahirap! Nahihirapan nga rin akong isipin.."

"Sorry na. Wag ka ng magalit."

"Sorry na naman?! Ibig bang sabihin niyan..may kasalanan ka?"

"Wala! Wala akong kasalanan. Tumulong lang ako."

"So, bakit ka nagso-sorry?"

"Para mapangiti ka.."

"Tigilan mo ako, Redondo!" Umalis na siya. 

Naging mailap na siya maghapon... hanggang ngayon..

Double Trouble 26

DENISE' POV

"Kuya, puwedeng ikaw na lang ang mag-cleaner para sa akin? Masakit kasi ang ulo ko kanina pa." Kinapa ko pa ang sintido ko para kapani-paniwala at iniabot ko na sa kaniya ang tambo. Palabas na sana siya ng classroom para sundan si Krishna.

Tiningnan niya muna ako, bago niya kinuha ang tambo. "Sige, hintayin mo na lang ako sa labas."

"Puwede bang mauna na ako? Gusto ko na kasing makainom ng gamot, e."

"O, sige-sige. Kaya mo ba?"

"Oo naman! Sige, alis na ako. Salamat! Guys, si Kuya na lang ang cleaner, ha?"

Sumagot naman ang mga kasama kong cleaners. At agad akong umariba! Naghihintay na si Krishna sa labas ng school.

Tawa kami nang tawa, habang naghihintay ng masasakyan papunta sa bahay nila.

Hindi ko first time makarating sa bahay ni Kris, pero parang mas komportable ako ngayon. Siguro ay dahil hindi namin naabutan ang Mommy niya, na nag-grocery raw.

Nagmeryenda muna kami, bago niya nilabas ang heels niya at ang gown. Pinasuot niya iyon sa akin.

"Alam mo, Denise, ang ganda mo?! Sobra! Hindi ka dapat naging gan'yan. Kaya tingnan mo, hindi mo kayang ilakad ang heels mo."

"Aminado akong hindi ako marunong mag-heels, pero sana `wag mo nang inulit-ulit ang salitang maganda. Pogi ako... Say pogi."

Tumawa muna si Kris. Lumabas ang dimples niya. "Pogi."

"Iyan! Next time, call me pogi, ha?"

"Sige, I will call you pogi, `pag nakalakad ka... mula dito hanggang doon sa pinto. Go!'

"Ang layo naman! Puwede bang hanggang d'yan lang?"

"Ikaw rin, tatawagin kitang maganda... Ay, sorry!" Sinapo pa niya ang bibig niya. Ang cute niya talaga.

Nilapitan ko siya at kiniliti. "Ikaw, talaga! Sabi ko nang `wag akong tatawaging... ano, e." Nagpupumiglas siya sa pangingiliti ko, nahuli ko kasi siya. Kaya, bumagsak kami sa malambot niyang kama.

"Ayoko na! Ayoko na!"

Nag-ring ang cell phone ko. Bumitaw ako kay Krishna.


Hijo de Puta: Setenta y otso

Sa sala, habang nanunuod kami ng news magazine show sa telebisyon, napansin kong may sinusulat si Lianne sa kanyang planner.

"Naalala ko ang planner na 'yan." Nginitian niya ako. Sinuklian ko muna siya bago ako nagsalita uli. "Anong plano mo pagka-graduate mo?

"Hindi ko pa alam. Kahit mahilig ako sa planner, hindi naman ako mahilig magplano ng future ko. Madalas kasi, nabibigo lang."

"Maganda pa rin ang may plano o nagpaplano para may point of direction ka."

"Oo nga!" Malungkot niyang sagot. Itinabi na ang kanyang planner sa side table. "Maganda naman talaga ang may plano. But in my case, hindi naman magiging applicable. Heto nga.. naaabala pa kita. The fact na hindi naman talaga tayo magkaano-ano."

"Huwag mong isipin yan."

"Hindi ko kayang hindi isipin.. dahil magkasama tayo. We are both different entities. Hindi ko nga alam kung hanggang kailan mo ako kayang tanggapin dito.."

"As long as you like.." I smiled at her. In-assure ko siya na tapat ang intensyon ko sa kanya.

"Salamat!"

Silence comes. Then..

"Kung hindi ako dumating sa buhay mo, magagawa mo bang magbenta ng katawan mo para lang maka-survive sa pag-aaral mo?"

Natigagal si Lianne. Matagal siyang nakatitig sa akin. Tapos, bigla siyang yumuko bago nagsalita. "I'm so thankful may isang kagaya mo ang nakilala ko. Wala naman sigurong rason kung gagawin ko pa iyon."

Hindi ako kuntento sa sagot niya. Parang plastic ang dating.

"I mean, kaya mo bang magbenta ng laman? Yes or no."

Nairita si Lianne. "Anong klaseng tanong 'yan? Siyempre, hindi! Babae ako. And, I treasure my body." Aakma siyang tatayo para umalis pero napigilan ko siya. Nahawakan ko siya sa braso.

"Teka! Wag kang magalit. I'm just asking." sabi ko. Apologetic ako but strong to my question.

"Bakit mo kasi itinatanong ang mga bagay na yan?"

"Wala lang po. Naisip ko lang." Binitawan ko na siya. 

Naupo na rin siya uli sa sofa. Pareho na kaming tumahimik. She's guilty..


Thursday, September 18, 2014

Salamat sa Binhi


Sa iyong paglipat, tiyak may mga nagagalak
Ngunit, mas marami, sa lungkot ay nasadlak
Malalayo na kasi ang isang gurong pantas
Mawawalan na kami ng kasiyahan at lakas.

Alam naming ito’y isang natupad na pangarap
Kaya ang mawalay sa amin ay iyong tanggap
Sige, humayo ka, doon magsaboy din ng ligaya
Gaya namin na iyong napatawa, iyong napasaya.

Di ka namin lilimutin, nag-iisa ka sa puso namin
Sana gayundin ka rin, sa iyong puso GES pa rin
Sapagkat, kami ang totoo mong kaibiga’t kapamilya
Na tunay na sa’yo ay humahanga at nagpapahalaga.

Binabati ka rin naming lahat sa iyong tagumpay
Nagbunga na ng matamis ang iyong pagsiskhay
Dahil sa iyong sipag, husay, galing at dedikasyon
Sa pagtuturo, sa pagseserbisyo at sa propesyon.

Paalam na sa iyo, kaibigan naming gurong-payaso
Umaasa kaming magbabalik ka dito sa Gotamco
Upang sa tawanan at kulitan, makasama kang muli
Salamat na rin sa mga naipunla mong mga binhi.


Redondo: Reseta

Alas-siyete ng gabi kanina, na-discharge na ako.  Nag-taxi kami pauwi ni Daddy. Alas-otso, nasa bahay na kami. Inalalayan ako ni Dindee sa pagpasok sa kuwarto ko.

Mula kahapon, ngayon ko na ang uli siya nakita. Kakaiba siya. Hindi siya kumikibo. Ipinaparamdam naman niya sa akin na nagki-care siya sa akin pero ang mga mata niya ay nangungusap at ang pananahimik niya ay nagsasabing she deserves an explanation from me.

Mag-e-explain naman ako sa kanya, pero not now. Bukas o sa makalawa, kung handa na siyang unawain ako. Sa ngayon, gusto ko munang magpahinga at matulog. 

Ipinalilihim ko na nga kay Daddy na tumawag si Riz sa kanya kanina para kumustahin ako. Baka lalo pang ikaselos o ikatampo ni Dindee. Pareho ko silang nauunawaan, pero sana mas unawain nila ako. Ako kasi ang nag-suffer ng husto.

Bumilib naman ako sa resourcefulness ni Riz. Nakuha niya talaga ang numero ni Daddy. Siguro ay hiningi niya kay Mam Dina kay nagpaabot din siya ng regards.

Sa hapag, tahimik kaming tatlo na kumain. Ang mga plato't kutsara't tinidor lang yata ang maririnig, gayundin ang sound mula sa TV. Nang makapaghapunan na kami, tahimik pa rin akong pinainom ni Dindee ng mg gamot na reseta sa akin ng doktor.

Ibinalik naman ni Daddy sa akin ang cellphone ko. Andaming text messages-- mula sa mga classmates ko ang iba. May text din si Mommy. "Thanks, God" daw dahil na-discharge na ako. Bibisita daw siya sa akin sa Sabado. Di ko na na-reply-an dahil wala ng load.

I just thanked God dahil He bestowed me another life. Hindi na rin ako bitter kay Leandro, Hiniling ko na lang ang pagbabago niya.

Wednesday, September 17, 2014

Redondo: Journal

Umiyak si Mommy kagabi nang dumating siya. Galit na galit rin siya sa taong sumaksak sa akin. Sabi pa niya: "Bakit kasi nagsusumiksik pa sa'yo 'yang Riz na 'yan?!"

Tiningnan ko si Dindee. Medyo, umaliwalas ang mukha niya, parang nag-agree sa sinabi ni Mommy.

"Hindi naman, Mommy.. Humingi lang siya ng tulong. Sadya lang talagang agresibo ang x-boyfriend niya."

"Pinagtatanggol mo pa. Ikaw na nga ang naagrabyado, ikaw pa ang mabait."

Hindi na ako umimik baka kung saan pa mapunta ang usapan.

Hindi pa ako pinayagang umuwi ngayong gabi. Dumugo kasi ang sugat ko, although tinahi naman. Pinagbawalan nga akong magsulat at maggagalaw-galaw. Patago lang akong nagjojournal. 

Hindi pumasok si Mommy para bantayan ako. Sina Dindee at Daddy, pumasok. 

Ngayong gabi, si Daddy ang magbabantay sa akin. Bukas, hopefully, payagan na akong umuwi para pare-pareho kaming makapagpahinga sa bahay.

Nang, dumating si Daddy, ibinalita niyang sumuko na si Leandro. Nakipag-areglo na rin si Daddy sa mga magulang niya. Naawa daw kasi siya sa bata. Humingi na lang ng dispensiya ang mga magulang at nagbigay ng panggastos at pambayad sa hospital. Si Leandro naman ay mamamalagi muna sa kustodiya ng DSWD dahil minor de edad pa.

"Bakit ganun lang?!" Nagagalit si Mommy. Hindi siya kuntento sa ganung set-up.

"Hayaan mo na. Nag-sorry naman na. Ang mahalaga, ligtas na si Red."

"Ganun na lang ba yun?" Paano kung hindi lang ganyan ang nangyari?"

"Kaya nga, masuwerte pa rin ang anak natin.."

"Okay lang naman po. Mommy. Hayaan na natin. Mabuti nga po, kinuha siya ng DSWD. At least po, matuturuan na siya ng tamang pag-uugali doon.'' Dagdag ko pa.

"Ano pa nga ba?" Umismid pa si Mommy. "Pero, sabihin mo dun kay Riz, lumayo siya sa'yo. Hindi siya nakakatulong. Nakakasama pa siya, kamo!"

Hindi ako nag-react. Ayoko naman na sisihin si Riz sa nangyari sa akin. Biktima rin siya.  

"Uuwi na ako. Papasok na ako, bukas. Dadalawin na lang kita sa bahay niyo sa Sabado. Huwag matigas ang ulo. Huwag na muna nagkikilos para madischarge ka na bukas.. Ha!?" Nag-kiss na siya at nag-goodbye.

"Bye, Mommy! Ingat ka po."

"Sige.." Kumaway muna siya kay Daddy bago tumalikod.

"Mommy.."

Lumingon at huminto si Mommy. "Bakit?"

"Kiss ni Daddy?" Ngumiti ako.

Tumawa siya. Tumawa rin si Daddy. 

"Pilyo kang pasyente ka. Bye na!"

Ayan ang mga nangyari kanina.

Nag-journal pa rin ako kahit bawal.. Hindi na nga lang ako pinahawak ng cellphone ni Daddy. Hindi ko tuloy matext si Dindee. I miss her. Bukas ko pa siya makikita.

Tuesday, September 16, 2014

Redondo: Patalim

Naalala ko pa. 

Kaninang uwian, kasama ko si Gio sa paglabas ng school. Nahuli sina Rafael at Nico  sa classroom kaya pinag-cleaners sila ni Mam. 

Masaya kaming naglalakad palayo ng school para sana maghanap ng makakainan ng meryenda. Maya-maya, pasigaw na tinawag ako ni Riz. Ilang hakbang na lang ang layo niya sa amin.

"Red, sama ako sa inyo! Dali, alais na tayo agad!" Humahangos pa siya habang sinasabi ang mga iyon.

Nagtataka ako. "Ha? Bakit? I mean..?"

"Basta lang.. tara na!" Hinatak na niya ang kamay ko. Pero, hindi ako nahatak paalis. 

"Teka nga! Bakit ba? Anong nangyayari sa'yo?"

"Ayan na si Leandro! Dali na, sakay na tayo doon, o!"

Tiningnan ko, si Lenadro nga ang parating. Parang umuusok ang bumbunan sa galit. Hindi na ako nagsalita. Agad kong hinatak palayo si Riz. Tumakbo kami. "Gio, takbo!"

Nakipaghabulan sa amin si Leandro, na panay naman ang tawag kay Riz at panay ang mura sa akin. At, dahil, mabagal ang takbo ni Riz, dahil sa dami ng kanyang dala o dahil sa bigat ng kanyang bag, naabutan kami. Nahatak niya ang bag ni Riz.

"Malandi kang babae ka!" Nahawakan na niya si Riz sa kamay.

 "Bitiwan mo si Riz!"

Nagpumiglas naman si Riz. Ako naman ay agad na binawi siya. 

"Tarantado ka! Ikaw lang ba ang tao sa  mundo!? Bakit lagi na lang ikaw ang bida?" 

"Anong problema mo dun?!"

"Tama na, Leandro! Tapos na tayo!" Pakiusap ni Riz. Halos, mangiyak-ngiyak na siya. "Hindi naman kita mahal. Alam mo 'yan!

"Kaya nga, e!. Ginamit mo lang ako! Kaya hindi ko matanggap na ang demonyong 'yan ang ipapalit mo sa akin!"

"Hoy! Gago ka pala, e! Hindi kami ni Riz! Pero, handa akong bawiin siya sa'yo. Mas demonyo ka pa sa akin!"

Nakita kong umalsa ang dugo ni Leandro sa ulo. Naging si Satanas ang hitsura niya. "Hayop ka, Redondo Canales! Papatayin kita!" Bumunot si Leandro ng balisong mula sa kanyang bulsa sa likod.


Nataranta kaming tatlo. Napaurong si Riz. Naging alerto ako.


"Leandro, pakiusap..wag mong ituloy yan.." si Riz, habang palapit sa amin si Leandro.


"Ipaliwanag niyo ngayon sa talim nito ang mga kagaguhan niyo sa akin!" Nanlilisik na ang mga mata niya.


"Riz, Gio, tumakbo na kayo! Dali!" Sinunod naman ako nga dalawa.


"Red.." Narinig ko pang sabi ni Riz.


Nag-abang ako ng pagsugod ni Leandro. Natatakot ako pero hindi ko ipinahalata.


Nang sumugod siya sa akin, naiwasan ko pa. Tapos, nahawakan ko ang kamay niya na may hawak ng patalim. Pero, nasipa niya ako bayag kaya nabitawan ko at nasaksak niya ako sa tagiliran. Nakita ko pang tumakbo siya palayo bago tuluyang lumabo ang paningin ko.


Bumagsak akong hawak ko at nasa tagiliran ko ang patalim.





Redondo: Hospital

"Kumusta ka na, Red?" tanong sa akin ni Daddy nang magising ako. Nasa hospital ako ngayon. "Anong nararamdaman mo, Nak?"

"Okay lang po ako, Daddy. Medyo, may kirot lang." Hinipo ko ang bandage ko sa tagiliran ko.

"Naka-blotter na nga pala si Leandro. Pinaghahanap na siya ngayon. Nakikipagtulungan na ang mga magulang niya para mahanap siya." Kuwento naman ni Dindee, na halatang nag-aalala ng husto sa akin.

"Mabuti kung ganun.."

"Darating na rin maya-maya ang Mommy mo." dagdag pa ni Dindee. Hawak niya ang cellphone.

"Ano po ang sabi ng doktor, Dad? Gusto ko na po kasing umuwi. Sa bahay na lang po ako magpapahinga." Noon pa, hindi ko na gusto ang amoy ng hospital. Ngayon nga lang ako na-confine. Buwisit na Leandro, sinaksak ako dahil lamang sa pagmamahal niya kay Riz.

"Bukas ka pa pwedeng umuwi. Nakausap ko siya kanina. Okay lang ba? Kailangang ka kasing obserbahan. Marami ang nawalang dugo sa'yo kaya kailangang maibalik sa'yo yun. Hayan nga't sinasalinan ka na."

"O, sige po."

Hindi na ako nagpumilit na umuwi. Hindi na rin kumibo sina Dindee at Daddy. Wala rin kasi akong ganang makipag-usap. Gusto ko kasing alalahanin ang mga nangyari bago ako sinaksak ni Leandro para maipaliwanag ko sa kanila ng malinaw at kapani-paniwala.

"Gusto kong magsulat sa journal ko, Dad! Pwede po ba?"

"Oo, basta ba hindi sasakit ang sugat mo."

"Salamat! Dindee, paabot naman ng journal ko sa bag..at ang ballpen ko. Salamat!" 

Inabot nga ni Dindee ang hinihingi ko. At, agad akong nagsulat. 

Alas-sais na. Binilisan ko ang pagsulat para di na ako maabutan ni Mommy. Hindi naman ako inistorbo nina Dad at Dindee. Nagtext na lang sila ng nagtext. 


Monday, September 15, 2014

Redondo: Hilig

Walang pasok ngayong Lunes dahil sa habagat at Bagyong Luis na nanalasa sa ibang bahagi ng Pilipinas. 

Swerte namin ni Dindee. Nasolo namin ang bahay. May pasok kasi si Daddy.

Okay na sana nang umaga kasi nagkulitan lang kami. Kaya lang nung bandang hapon, nagpasama siya sa akin sa pagpo-photoshoot. Pinagbigyan ko ang hilig niya sa street photography.. Sinamahan ko siya sa kanyang paghahanap ng subject sa mga kalsada na malapit sa bahay namin.

Tatlong oras din yata kaming lumibot-libot para lang piktyuran ang mga nagugustuhan niyang anggulo at eksena. Weird! Pero, nang ipakita niya sa akin ang mga output niya, napahanga ako. Ang galing niya! Hindi ko akalaing may arts sa bawat larawan na kinuhaan niya. 

Nainip lang ako sa kanya dahil seryoso siyang nag-edit at nag-watermark sa mga litrato niya. Tapos, nag-upload pa siya. Antagal kong naghintay!

Para di niya mahalatang nainip at nainis ako sa kahihintay at kakatingin sa ginagawa niya, nagbibiro na lang ako. Sabi ko, next time, ako na lang ang gawin niyang model. Huwag na kaming lumayo. Sabi naman niya, ibang style yun. Darating daw kami dun. 

Haay! Kanya-kanya talagang hilig. Siya, photography ang hilig. Ako naman, music at gitara. Sana, pwede naming ipag-combine para mas maganda at mas masaya.. 

Sabi nga, kapag magmamahal daw, kailangang tanggapin lahat-lahat sa taong mamahalin. Tanggap ko naman lahat kay Dindee. At sa tingin ko, tanggap niya ako ng buong-buo. 

Buwaya sa Gobyerno

Guro: Ano ang gusto ninyong trabaho paglaki ninyo? Maria: Maging guro! Guro: Wow! Gusto mo ring magturo sa mga bata? Maria: Opo! Masay...