Sa iyong paglipat, tiyak may mga nagagalak
Ngunit, mas marami, sa lungkot ay nasadlak
Malalayo na kasi ang isang gurong pantas
Mawawalan na kami ng kasiyahan at lakas.
Alam naming ito’y isang natupad na pangarap
Kaya ang mawalay sa amin ay iyong tanggap
Sige, humayo ka, doon magsaboy din ng ligaya
Gaya namin na iyong napatawa, iyong napasaya.
Di ka namin lilimutin, nag-iisa ka sa puso namin
Sana gayundin ka rin, sa iyong puso GES pa rin
Sapagkat, kami ang totoo mong kaibiga’t kapamilya
Na tunay na sa’yo ay humahanga at nagpapahalaga.
Binabati ka rin naming lahat sa iyong tagumpay
Nagbunga na ng matamis ang iyong pagsiskhay
Dahil sa iyong sipag, husay, galing at dedikasyon
Sa pagtuturo, sa pagseserbisyo at sa propesyon.
Paalam na sa iyo, kaibigan naming gurong-payaso
Umaasa kaming magbabalik ka dito sa Gotamco
Upang sa tawanan at kulitan, makasama kang muli
Salamat na rin sa mga naipunla mong mga binhi.
No comments:
Post a Comment