Followers

Tuesday, September 16, 2014

Redondo: Hospital

"Kumusta ka na, Red?" tanong sa akin ni Daddy nang magising ako. Nasa hospital ako ngayon. "Anong nararamdaman mo, Nak?"

"Okay lang po ako, Daddy. Medyo, may kirot lang." Hinipo ko ang bandage ko sa tagiliran ko.

"Naka-blotter na nga pala si Leandro. Pinaghahanap na siya ngayon. Nakikipagtulungan na ang mga magulang niya para mahanap siya." Kuwento naman ni Dindee, na halatang nag-aalala ng husto sa akin.

"Mabuti kung ganun.."

"Darating na rin maya-maya ang Mommy mo." dagdag pa ni Dindee. Hawak niya ang cellphone.

"Ano po ang sabi ng doktor, Dad? Gusto ko na po kasing umuwi. Sa bahay na lang po ako magpapahinga." Noon pa, hindi ko na gusto ang amoy ng hospital. Ngayon nga lang ako na-confine. Buwisit na Leandro, sinaksak ako dahil lamang sa pagmamahal niya kay Riz.

"Bukas ka pa pwedeng umuwi. Nakausap ko siya kanina. Okay lang ba? Kailangang ka kasing obserbahan. Marami ang nawalang dugo sa'yo kaya kailangang maibalik sa'yo yun. Hayan nga't sinasalinan ka na."

"O, sige po."

Hindi na ako nagpumilit na umuwi. Hindi na rin kumibo sina Dindee at Daddy. Wala rin kasi akong ganang makipag-usap. Gusto ko kasing alalahanin ang mga nangyari bago ako sinaksak ni Leandro para maipaliwanag ko sa kanila ng malinaw at kapani-paniwala.

"Gusto kong magsulat sa journal ko, Dad! Pwede po ba?"

"Oo, basta ba hindi sasakit ang sugat mo."

"Salamat! Dindee, paabot naman ng journal ko sa bag..at ang ballpen ko. Salamat!" 

Inabot nga ni Dindee ang hinihingi ko. At, agad akong nagsulat. 

Alas-sais na. Binilisan ko ang pagsulat para di na ako maabutan ni Mommy. Hindi naman ako inistorbo nina Dad at Dindee. Nagtext na lang sila ng nagtext. 


No comments:

Post a Comment

Ang Pinakamasamang Kuya

  Pinagalitan ni Arnel ang kaniyang nakababatang kapatid na si Carmela dahil sa sinasabi niyang katamaran nito kaya hindi siya nito kinikibo...