Chance ko na sana na kausapin ng masinsinan si Dindee ngayong araw dahil suspended ang klase, kaya lang pinasok naman ng tubig-baha ang bahay namin. Mabuti andito si Daddy. Hindi pa naman ako pwedeng magbuhat o magkikilos.
Silang dalawa ni Dindee ang nagkandaugaga sa paglimas, pagbuhat at pagtaas ng mga kasangkapan at kagamitan.
Apat na pulgada lang naman ang baha sa loob ng bahay. Kaya lang, nakakaalarma din. Bwisit na Mario, ngayon pa dumating!
Masaya namang ginagawa ni Dindee ang lahat para matulungan si Daddy.Hindi ko naman siya nakitaan ng pagkapagod o pagkainis sa kanyang ginagawa. Tanging ang issue namin ni Riz ang pinagmamaktol niya. Wala pa rin akong load kaya di ko siya maitext.
Nang pinainom niya ako ng gamot sa kuwarto, agad kong nahawakan ang kanyang braso. Hindi siya nakahulagpos.
"Pwede ba kitang kausapin?" bulong ko.
"Para ano? Para paniwalain ako? Okay na.. No need to explain."
"Sorry.." Pinilit kong palungkutin ang boses ko. Nilamlaman ko rin ang mga mata ko.
"Sorry saan?"
"Sa..sa..nangyari!"
"Di ba ikaw nga ang biktima?! Bakit ikaw ang nagso-sorry."
"Kasi..nagagalit ka, eh."
"Nagagalit ba ako? Hindi nga ako nagsasalita, e."
"Yun nga, e. Mahirap kaya ang ganyan."
"Talagang mahirap! Nahihirapan nga rin akong isipin.."
"Sorry na. Wag ka ng magalit."
"Sorry na naman?! Ibig bang sabihin niyan..may kasalanan ka?"
"Wala! Wala akong kasalanan. Tumulong lang ako."
"So, bakit ka nagso-sorry?"
"Para mapangiti ka.."
"Tigilan mo ako, Redondo!" Umalis na siya.
Naging mailap na siya maghapon... hanggang ngayon..
No comments:
Post a Comment