Followers

Monday, September 15, 2014

Redondo: Hilig

Walang pasok ngayong Lunes dahil sa habagat at Bagyong Luis na nanalasa sa ibang bahagi ng Pilipinas. 

Swerte namin ni Dindee. Nasolo namin ang bahay. May pasok kasi si Daddy.

Okay na sana nang umaga kasi nagkulitan lang kami. Kaya lang nung bandang hapon, nagpasama siya sa akin sa pagpo-photoshoot. Pinagbigyan ko ang hilig niya sa street photography.. Sinamahan ko siya sa kanyang paghahanap ng subject sa mga kalsada na malapit sa bahay namin.

Tatlong oras din yata kaming lumibot-libot para lang piktyuran ang mga nagugustuhan niyang anggulo at eksena. Weird! Pero, nang ipakita niya sa akin ang mga output niya, napahanga ako. Ang galing niya! Hindi ko akalaing may arts sa bawat larawan na kinuhaan niya. 

Nainip lang ako sa kanya dahil seryoso siyang nag-edit at nag-watermark sa mga litrato niya. Tapos, nag-upload pa siya. Antagal kong naghintay!

Para di niya mahalatang nainip at nainis ako sa kahihintay at kakatingin sa ginagawa niya, nagbibiro na lang ako. Sabi ko, next time, ako na lang ang gawin niyang model. Huwag na kaming lumayo. Sabi naman niya, ibang style yun. Darating daw kami dun. 

Haay! Kanya-kanya talagang hilig. Siya, photography ang hilig. Ako naman, music at gitara. Sana, pwede naming ipag-combine para mas maganda at mas masaya.. 

Sabi nga, kapag magmamahal daw, kailangang tanggapin lahat-lahat sa taong mamahalin. Tanggap ko naman lahat kay Dindee. At sa tingin ko, tanggap niya ako ng buong-buo. 

No comments:

Post a Comment

Ang Pinakamasamang Kuya

  Pinagalitan ni Arnel ang kaniyang nakababatang kapatid na si Carmela dahil sa sinasabi niyang katamaran nito kaya hindi siya nito kinikibo...