Followers

Saturday, September 20, 2014

Redondo: Connected

Maaga akong natulog kagabi kaya maaga ring akong bumangon kanina. 

Pagka-toothbrush ko, kinuha ko kaagad ang gitara at tumugtog ako. Kinanta at tinugtog ko ang "Bleeding Love" ni Leona Lewis. Inulit-ulit ko ang:
But I don't care what they say 
I'm in love with you 
They try to pull me away 
But they don't know the truth 
My heart's crippled by the vein 
That I keep on closing 
You cut me open and I 

Keep bleeding 
I Keep, keep bleeding love 
I keep bleeding 
I keep, keep bleeding love 
Keep bleeding 
Keep, keep bleeding love 
You cut me open and I

Nabulahaw ko si Daddy. 

"Red, bakit ka naggigitara?" tunghayaw sa akin ni Daddy.

"Bakit po?"

"Anong bakit po? Di ba may sugat ka sa tagiliran!"

"Hindi naman po dumidikit, eh! Okay lang po ako."

"Tigas na naman ng ulo mo, a. Sige, pag dumugo 'yan. Bleeding Love ka pa naman." Tumawa pa siya nang tumalikod. Umiling-iling din habang tiuntungo ang lababo.

Ang kulit din ng Daddy ko. Nang-aasar pa. 

Naramdaman kong gising na si Dindee kaya lalo ko pang nilakasan ang pagkanta ko. Pagkatapos, nagpalit ako ng kanta. Tinugtog ko naman ang "Let Her Go" ng Passenger. 

Nagtawanan kami ni Daddy kasi sabi niya: "Kanina, dumudugo ang pag-ibig mo. Ngayon, pinapalaya mo na siya. Si Riz na ba yan?"

Hindi ako nakasagot sa biro ni Daddy. Noon ko lang kasi napansin ang connection ng mga kinanta ko.

No comments:

Post a Comment

Paano Sumulat ng Lathalain? #2

 Madali lang. Para ka lang nagbilang ng isa hanggang siyam.   Una, isulat mo ang unang talata. Ang unang talata ay tinatawag na ‘The Lea...