Followers

Friday, September 19, 2014

Double Trouble 26

DENISE' POV

"Kuya, puwedeng ikaw na lang ang mag-cleaner para sa akin? Masakit kasi ang ulo ko kanina pa." Kinapa ko pa ang sintido ko para kapani-paniwala at iniabot ko na sa kaniya ang tambo. Palabas na sana siya ng classroom para sundan si Krishna.

Tiningnan niya muna ako, bago niya kinuha ang tambo. "Sige, hintayin mo na lang ako sa labas."

"Puwede bang mauna na ako? Gusto ko na kasing makainom ng gamot, e."

"O, sige-sige. Kaya mo ba?"

"Oo naman! Sige, alis na ako. Salamat! Guys, si Kuya na lang ang cleaner, ha?"

Sumagot naman ang mga kasama kong cleaners. At agad akong umariba! Naghihintay na si Krishna sa labas ng school.

Tawa kami nang tawa, habang naghihintay ng masasakyan papunta sa bahay nila.

Hindi ko first time makarating sa bahay ni Kris, pero parang mas komportable ako ngayon. Siguro ay dahil hindi namin naabutan ang Mommy niya, na nag-grocery raw.

Nagmeryenda muna kami, bago niya nilabas ang heels niya at ang gown. Pinasuot niya iyon sa akin.

"Alam mo, Denise, ang ganda mo?! Sobra! Hindi ka dapat naging gan'yan. Kaya tingnan mo, hindi mo kayang ilakad ang heels mo."

"Aminado akong hindi ako marunong mag-heels, pero sana `wag mo nang inulit-ulit ang salitang maganda. Pogi ako... Say pogi."

Tumawa muna si Kris. Lumabas ang dimples niya. "Pogi."

"Iyan! Next time, call me pogi, ha?"

"Sige, I will call you pogi, `pag nakalakad ka... mula dito hanggang doon sa pinto. Go!'

"Ang layo naman! Puwede bang hanggang d'yan lang?"

"Ikaw rin, tatawagin kitang maganda... Ay, sorry!" Sinapo pa niya ang bibig niya. Ang cute niya talaga.

Nilapitan ko siya at kiniliti. "Ikaw, talaga! Sabi ko nang `wag akong tatawaging... ano, e." Nagpupumiglas siya sa pangingiliti ko, nahuli ko kasi siya. Kaya, bumagsak kami sa malambot niyang kama.

"Ayoko na! Ayoko na!"

Nag-ring ang cell phone ko. Bumitaw ako kay Krishna.


No comments:

Post a Comment

Paano Sumulat ng Lathalain? #2

 Madali lang. Para ka lang nagbilang ng isa hanggang siyam.   Una, isulat mo ang unang talata. Ang unang talata ay tinatawag na ‘The Lea...