Followers

Thursday, September 18, 2014

Redondo: Reseta

Alas-siyete ng gabi kanina, na-discharge na ako.  Nag-taxi kami pauwi ni Daddy. Alas-otso, nasa bahay na kami. Inalalayan ako ni Dindee sa pagpasok sa kuwarto ko.

Mula kahapon, ngayon ko na ang uli siya nakita. Kakaiba siya. Hindi siya kumikibo. Ipinaparamdam naman niya sa akin na nagki-care siya sa akin pero ang mga mata niya ay nangungusap at ang pananahimik niya ay nagsasabing she deserves an explanation from me.

Mag-e-explain naman ako sa kanya, pero not now. Bukas o sa makalawa, kung handa na siyang unawain ako. Sa ngayon, gusto ko munang magpahinga at matulog. 

Ipinalilihim ko na nga kay Daddy na tumawag si Riz sa kanya kanina para kumustahin ako. Baka lalo pang ikaselos o ikatampo ni Dindee. Pareho ko silang nauunawaan, pero sana mas unawain nila ako. Ako kasi ang nag-suffer ng husto.

Bumilib naman ako sa resourcefulness ni Riz. Nakuha niya talaga ang numero ni Daddy. Siguro ay hiningi niya kay Mam Dina kay nagpaabot din siya ng regards.

Sa hapag, tahimik kaming tatlo na kumain. Ang mga plato't kutsara't tinidor lang yata ang maririnig, gayundin ang sound mula sa TV. Nang makapaghapunan na kami, tahimik pa rin akong pinainom ni Dindee ng mg gamot na reseta sa akin ng doktor.

Ibinalik naman ni Daddy sa akin ang cellphone ko. Andaming text messages-- mula sa mga classmates ko ang iba. May text din si Mommy. "Thanks, God" daw dahil na-discharge na ako. Bibisita daw siya sa akin sa Sabado. Di ko na na-reply-an dahil wala ng load.

I just thanked God dahil He bestowed me another life. Hindi na rin ako bitter kay Leandro, Hiniling ko na lang ang pagbabago niya.

No comments:

Post a Comment

Ang Pinakamasamang Kuya

  Pinagalitan ni Arnel ang kaniyang nakababatang kapatid na si Carmela dahil sa sinasabi niyang katamaran nito kaya hindi siya nito kinikibo...