Sa sala, habang nanunuod kami ng news magazine show sa telebisyon,
napansin kong may sinusulat si Lianne sa kanyang planner.
"Naalala ko ang planner na 'yan." Nginitian niya
ako. Sinuklian ko muna siya bago ako nagsalita uli. "Anong plano mo
pagka-graduate mo?
"Hindi ko pa alam. Kahit mahilig ako sa planner, hindi naman ako
mahilig magplano ng future ko. Madalas kasi, nabibigo lang."
"Maganda pa rin ang may plano o nagpaplano para may point of
direction ka."
"Oo nga!" Malungkot niyang sagot. Itinabi na
ang kanyang planner sa side table. "Maganda naman talaga ang may
plano. But in my case, hindi naman magiging applicable. Heto nga.. naaabala pa
kita. The fact na hindi naman talaga tayo magkaano-ano."
"Huwag mong isipin yan."
"Hindi ko kayang hindi isipin.. dahil magkasama tayo. We are both
different entities. Hindi ko nga alam kung hanggang kailan mo ako kayang
tanggapin dito.."
"As long as you like.." I smiled at her. In-assure ko siya na
tapat ang intensyon ko sa kanya.
"Salamat!"
Silence comes. Then..
"Kung hindi ako dumating sa buhay mo, magagawa mo bang magbenta ng
katawan mo para lang maka-survive sa pag-aaral mo?"
Natigagal si Lianne. Matagal siyang nakatitig sa akin. Tapos, bigla
siyang yumuko bago nagsalita. "I'm so thankful may isang kagaya mo
ang nakilala ko. Wala naman sigurong rason kung gagawin ko pa iyon."
Hindi ako kuntento sa sagot niya. Parang plastic ang dating.
"I mean, kaya mo bang magbenta ng laman? Yes or no."
Nairita si Lianne. "Anong klaseng tanong 'yan? Siyempre,
hindi! Babae ako. And, I treasure my body." Aakma siyang tatayo
para umalis pero napigilan ko siya. Nahawakan ko siya sa braso.
"Teka! Wag kang magalit. I'm just asking." sabi ko.
Apologetic ako but strong to my question.
"Bakit mo kasi itinatanong ang mga bagay na yan?"
"Wala lang po. Naisip ko lang." Binitawan ko na
siya.
Naupo na rin siya uli sa sofa. Pareho na kaming tumahimik. She's
guilty..
No comments:
Post a Comment