Naalala ko pa.
Kaninang uwian, kasama ko si Gio sa paglabas ng school. Nahuli sina Rafael at Nico sa classroom kaya pinag-cleaners sila ni Mam.
Masaya kaming naglalakad palayo ng school para sana maghanap ng makakainan ng meryenda. Maya-maya, pasigaw na tinawag ako ni Riz. Ilang hakbang na lang ang layo niya sa amin.
"Red, sama ako sa inyo! Dali, alais na tayo agad!" Humahangos pa siya habang sinasabi ang mga iyon.
Nagtataka ako. "Ha? Bakit? I mean..?"
"Basta lang.. tara na!" Hinatak na niya ang kamay ko. Pero, hindi ako nahatak paalis.
"Teka nga! Bakit ba? Anong nangyayari sa'yo?"
"Ayan na si Leandro! Dali na, sakay na tayo doon, o!"
Tiningnan ko, si Lenadro nga ang parating. Parang umuusok ang bumbunan sa galit. Hindi na ako nagsalita. Agad kong hinatak palayo si Riz. Tumakbo kami. "Gio, takbo!"
Nakipaghabulan sa amin si Leandro, na panay naman ang tawag kay Riz at panay ang mura sa akin. At, dahil, mabagal ang takbo ni Riz, dahil sa dami ng kanyang dala o dahil sa bigat ng kanyang bag, naabutan kami. Nahatak niya ang bag ni Riz.
"Malandi kang babae ka!" Nahawakan na niya si Riz sa kamay.
"Bitiwan mo si Riz!"
Nagpumiglas naman si Riz. Ako naman ay agad na binawi siya.
"Tarantado ka! Ikaw lang ba ang tao sa mundo!? Bakit lagi na lang ikaw ang bida?"
"Anong problema mo dun?!"
"Tama na, Leandro! Tapos na tayo!" Pakiusap ni Riz. Halos, mangiyak-ngiyak na siya. "Hindi naman kita mahal. Alam mo 'yan!
"Kaya nga, e!. Ginamit mo lang ako! Kaya hindi ko matanggap na ang demonyong 'yan ang ipapalit mo sa akin!"
"Hoy! Gago ka pala, e! Hindi kami ni Riz! Pero, handa akong bawiin siya sa'yo. Mas demonyo ka pa sa akin!"
Nakita kong umalsa ang dugo ni Leandro sa ulo. Naging si Satanas ang hitsura niya. "Hayop ka, Redondo Canales! Papatayin kita!" Bumunot si Leandro ng balisong mula sa kanyang bulsa sa likod.
Nataranta kaming tatlo. Napaurong si Riz. Naging alerto ako.
"Leandro, pakiusap..wag mong ituloy yan.." si Riz, habang palapit sa amin si Leandro.
"Ipaliwanag niyo ngayon sa talim nito ang mga kagaguhan niyo sa akin!" Nanlilisik na ang mga mata niya.
"Riz, Gio, tumakbo na kayo! Dali!" Sinunod naman ako nga dalawa.
"Red.." Narinig ko pang sabi ni Riz.
Nag-abang ako ng pagsugod ni Leandro. Natatakot ako pero hindi ko ipinahalata.
Nang sumugod siya sa akin, naiwasan ko pa. Tapos, nahawakan ko ang kamay niya na may hawak ng patalim. Pero, nasipa niya ako bayag kaya nabitawan ko at nasaksak niya ako sa tagiliran. Nakita ko pang tumakbo siya palayo bago tuluyang lumabo ang paningin ko.
Bumagsak akong hawak ko at nasa tagiliran ko ang patalim.

No comments:
Post a Comment