Hindi ko gugustuhing maging ako,
lalo na kapag pasan ko ang mundo.
Hindi ko nanaising maging ako,
kung ang lahat ay sisisihin ako.
Hindi ko hahangaring maging ako,
kapag ako'y nakararanas ng ganito.
Hindi ko hihilinging maging ako,
kung pang-unawa ay ipagkakait mo.
Hindi ko ikatutuwang maging ako,
dahil nawala na ang tiwala mo.
Hindi ko ikakagalak maging ako,
habang ibinabagsak mo ako.
Hindi ko na iisipin pang maging ako
kung ang ako'y wala nang puso.
Hindi ko ipagmamalaking maging ako
sapagkat nasaktan ako, kahit natuto.
Hindi ko na mamarapating maging ako...
Masakit... sobrang sakit maging ako.
Followers
Monday, March 13, 2017
Tula ng Uban
Kaya kong itago ang mga uban sa ulo ko,
ngunit 'di ko magagawang dayain ang sarili ko.
Hindi ko mapipigilang kumulubot ang aking balat
at pati na rin ang pagdagdag ng aking edad,
ngunit pipilitin kong namnamin ang realidad,
habang may nalalabi pa akong lakas at hininga,
at habang ang mundo sa akin ay umiikot pa.
Kaya kong ilihim ang mga mapapait na nakaraan,
ngunit hindi ko matatakasan ang kapighatian
ng masasamang nakaraang kinasadlakan.
Sa panahong, kumurba na ang aking likod
at humina at magkarayuma na ang mga tuhod,
hindi ko pagsisisihan ang mga sandaling iyon,
sapagkat mga pasanin ay aking nabuhat noon.
Kahit paano, ang buhay ko naman ay umalwa
at nasilayan ang banaag ng ginhawa.
Darating ang panahong ako na'y makakalimot,
sana'y ang mga tula ko'y manatiling nanunuot,
kahit ang buhay ko ay naging masalimuot.
ngunit 'di ko magagawang dayain ang sarili ko.
Hindi ko mapipigilang kumulubot ang aking balat
at pati na rin ang pagdagdag ng aking edad,
ngunit pipilitin kong namnamin ang realidad,
habang may nalalabi pa akong lakas at hininga,
at habang ang mundo sa akin ay umiikot pa.
Kaya kong ilihim ang mga mapapait na nakaraan,
ngunit hindi ko matatakasan ang kapighatian
ng masasamang nakaraang kinasadlakan.
Sa panahong, kumurba na ang aking likod
at humina at magkarayuma na ang mga tuhod,
hindi ko pagsisisihan ang mga sandaling iyon,
sapagkat mga pasanin ay aking nabuhat noon.
Kahit paano, ang buhay ko naman ay umalwa
at nasilayan ang banaag ng ginhawa.
Darating ang panahong ako na'y makakalimot,
sana'y ang mga tula ko'y manatiling nanunuot,
kahit ang buhay ko ay naging masalimuot.
Sunday, March 12, 2017
Ang Sombrero
Sa gilid ng foot bridge, makikita ang mag-asawa. Nakaupo ang lalaki sa maliit na silya. Kalong-kalong niya ang babaeng nakabalot ng kanang hita at nakatakip ang bibig.
Sa kabila ng paghihirap ng dalawa, kitang-kita sa kanila ang pagmamahal sa isa't isa. Ang pagtitiis ng lalaki sa pagkalong sa asawa at ang pagiging matatag ng babae sa sakit na kanyang dinaramdam ay pinapalitan nila ng matatamis na ngiti para sa mga taong nagdaraan. Umaasa silang ang maliit na lata ay mapuno man lang ng mga baryang ihuhulog ng mga taong may maawaing puso.
Isang oras na silang naroon ngunit kay tumal ng pagkalansing ng latang na may nakasandal na karatula: kidney failure. Ramdam at kitang-kita nila ang mapanuri at mapanghusgang mga mata ng ilang dumaraan.
Matagal silang pinagmasdan ng isang mama. Nilapitan pa niya ang lata upang silipin at tantiyahin ang lamang niyon. Umiling-iling. Pagkuwa'y umalis siya.
Nang bumalik ang lalaki, kinuha niya ang karatula. Napatingin lamang sa kaniya ang mag-asawa.
"Kidney failure... Walang maniniwala sa inyo," wika ng lalaki.
Napamaang ang mag-asawa. Nais kumawala sa bibig nila ang mga salita.
"Gumawa po ako... nito." Ipinakita niya sa mag-asawa ang mas malaking karatula. "No kidney failure can separate two people bound by God."
Muling sumilay ang matatamis na ngiti ng mag-asawa.
Pagkatapos, itinayo ng lalaki ang karatulang kaniyang ginawa sa likod ng lata. Kinuha niya ang kanyang fedora cap at itinabi sa karatula. Nahulog pa ang peluka at tumambad ang kalbo niyang ulo.
Maya-maya, nagdagsaan ang mga tao upang magbigay at mag-abot ng tulong pinansiyal. Halos mapuno ng perang papel ang sombrero. Masaya namang umalis ang lalaki, pagkatapos niyang ibigay ang pinakamatamis na ngiti sa mag-asawa. Alam niya kasing hindi lang siya ang pagagalingin ng Diyos.
Sunday, March 5, 2017
Mana Ako sa Pogi Kong Teacher
"Bakit ba iyak kayo nang iyak?" tanong ni Sir
noong ikalawang araw ng Marso. Ikalawang araw na rin niyang ipinaririnig at
ipinakakanta sa amin ang isa sa mga kantang aawitin namin sa aming graduation.
Sabi ng mga kaklase ko, nakakaiyak daw kasi ang kanta.
Patawa-tawa ako.
"Walang iiyak sa graduation, ha? Ang umiyak,
kikilitiin ko," biro pa ng paborito kong guro.
Hindi ako makahirit. Naunahan ako ng mga paepal kong
kaklase. Sabi ng isa, "Sir, baka umiyak ka rin sa graduation." Hindi
kumibo si Sir, saka pinatugtog niya uli ang nakakaiyak naman talagang awitin ni
Carol Banawa, ang 'Iingatan Ka.' Para raw ito sa mga magulang namin, lalo na sa
mga ina.
Naisip ko noon, maiiyak kaya ako sa araw ng graduation? Si
Sir kaya?
"Paiiyakin ka namin sa graduation, Sir," pabirong
sabi ng kaklase kong babae.
"Paano ako iiyak, e, hindi ako aattend," aniya.
Mas naasar yata kami nang sinabi niya iyon. Pero, hindi ako
naniwala sa kanya. Siya ang pinakasinungaling guro sa school namin. Marami
beses kong napatunayan iyon.
"Thadeus, maingay ka! Ibabagsak kita para hindi ka
maka-graduate," sabi niya sa akin, isang araw. Alam kong mainit ang ulo
niya noon, kaya seryoso siya. "Ipapatawag ko ang ama mo. Bukas, papuntahin
mo siya rito."
Umiyak ako sa upuan ko. Hindi ako kumibo. Hindi na rin ako
tumayo-tayo hanggang uwian.
"Sir, huwag niyo pong papuntahin dito ang Papa
ko..." Nakiusap ako, pagkatapos ng klase. Pinilit ko siyang biruin para
hindi na niya kausapin ang aking ama.
"Hindi! Kailangan ko siyang makausap para malaman
niya."
"Bubugbugin ako ng Papa ko, Sir."
"Kasalanan mo. Bahala ka."
"Sir, sorry na po. Kahit ano pong ipagawa niyo sa akin,
gagawin ko. Huwag niyo na pong kausapin ang tatay ko." Gusto ko nang
umiyak kay Sir, lalo nang tiningnan niya ako sa mata.
Maganda naman ang mga mata niya. Hindi nakakatakot, ngunit
nang tumitig siya sa akin ay para akong natutunaw na yelo.
"Bukas, kakausapin ko siya. Uwi ka na."
Sinungaling talaga si Sir. Hindi naman niya talagang gustong
makausap ang Papa ko. Nag-chat ako sa kanya, pag-uwi ko sa bahay. "Gusto
ko pong maka-graduate. Pagawin niyo na lang po ako ng project," kako.
"Sige. Igawa mo ako ng cabinet? Project, 'di ba?
Mapapakinabangan."
"Huwag po iyon, Sir. Hindi po ako marunong magkarpentero.
Iba na lang po." Medyo nakampante na ang loob ko noon. Ramdam ko na
kumakagat na si Sir sa biro ko.
"Sige. Ano bang gusto mo?"
"Ang wala pong gastos. Ang gagawin lang dito sa
bahay."
"A, gagawin sa bahay? Sige, maglaba ka riyan. With
pictures o kaya video."
"Di po ako marunong maglaba, Sir."
Nag-send ng angry emoji si Sir. "Hindi ka naglalaba?
Kahit panyo at brief mo? Dapat marunong ka. Sino ang naglalaba ng mga damit
mo?”
“Mama ko po.”
“Hala! Hindi lahat ng oras, maipaglalaba ka ng Mama mo. Sige...
Bukas tuturuan kita."
"Sige po, Sir. Salamat po! Hindi ko na po ba
papupuntahin ang Papa ko?"
"Gusto mo ba?"
"Ayaw po."
"Ayaw mo pala, e..."
"Thank you, Sir. Ang pogi mo na nga, ang bait niyo pa.
Bye, Sir."
Sinungaling si Sir. Kinabukasan kasi hindi naman niya ako
tinuruang maglaba. Okay na rin. At least, hindi na niya pinatawag ang Papa ko.
Gayunpaman, favorite teacher ko siya. Dalawang taon ko
siyang naging guro--- noong Grade 5 at 6. Siya lang kasi ang naniniwalang pogi
ako.
Minsan, nagdala ako ng mga class pictures ko.
"Sir, tingnan niyo po. Ang pogi ko, 'di ba po?"
Tiningnan niya ako at pinagalaw niya lang ang mga kilay
niya. Ibig sabihin, agree siya.
Hindi ako mayabang. Pogi talaga ako. Pero, ang totoo, gusto
ko lang talagang purihin si Sir at marinig sa kanya na mana ako sa kapogian
niya. Siya ang orihinal na pogi.
Kenkoy si Sir. Kapag nasa mood siya, ginagawa niyang
pampatawa sa amin ang pagiging pogi niya. Siya lang ang teacher kong lalaki na
malakas ang loob magsabing pogi siya. Well, hindi naman siya nagyayabang. Totoo
naman. Nagtataka lang ako kung bakit sa kabila ng gandang lalaki niya ay
nag-iisa siya sa buhay. Kahit naikukuwento niya sa amin ang tungkol sa anak
niya, hindi niya pa rin sinasabi sa amin ang dahilan ng kanilang paghihiwalay.
Naging palaisipan sa akin ang bagay na iyon.
Sobra ang iyak ko nang grumadweyt ako sa elementarya. Sa
kabila kasi ng pagiging pasaway ko ay isinama ako ni Sir sa graduation.
Nagpupunas ng luha si Sir noon nang lapitan ko siya,
pagkatapos kong makuha ang diploma ko. “Sir, thank you po!” Niyakap ko siya.
Ramdam ko ang pagmamahal niya sa akin bilang guro at bilang ama na rin.
“Binabati kita sa iyong pagtatapos,” maluha-luha niyang sabi
sa akin. “Simula pa lamang ito ng iyong bagong pagsisimula at paglalakbay tungo
sa tagumpay. Goodluck. Tapusin mo ang pag-aaral mo at gawin mong proud ang mga
magulang mo sa 'yo.”
“Opo,” halos pabulong kong sagot. Nais ko kasing itanong sa
kanya ang dahilan ng pagtangis niya.
Tinapik niya ako sa balikat.
“Sir, bakit po kayo iyak nang iyak?”
Kumislap ang mga mata ni Sir, bago niya nailabas ang mga
salitang nasa dulo ng kanyang dila. “Kung naging mabuting ama lang sana ako,
sana naranasan ko rin ang kaligayahang nararamdaman ngayon ng mga magulang
ninyo.”
Hindi ko kaagad naunawaan si Sir. “Po?”
“Kaedad ninyo ang anak kong babae. Limang taon siya nang huli
kaming nagkita. Mahal na mahal ko siya. Hindi ko hinangad na abandunahin siya…
Sige na, Thadeus. Goodluck and congratulations!”
Muli kong niyakap si Sir. Mas ramdam ko ang kanyang pagiging
mabuting ama. Nauunawaan ko na siya kung bakit halos ituring niya kaming mga
anak niya. Hindi ko man alam kung bakit sila nagkawalay, batid ko naman kung
gaano kataba ang puso niya. Hinding-hindi ko siya makakalimutan.
Matagal akong nakayakap kay Sir. Puspos na rin ng luha ang
aking mga mata. “Sir, ano po ang pangalan ng anak niyo?”
“Bridget.”
“Bridget?” untag ko.
Tumango lang si Sir. Naglapitan naman ang iba kong kaklase
upang pasalamatan at yakapin siya. Ako naman ay tahimik na nangakong magiging
konektado pa rin kay Sir kahit ako ay high school o college na. Gusto kong
masuklian ang dalawang taong paghihirap at pagtitiyaga niya sa akin para matuto
ako sa mga aralin, ng kabutihang asal at pagiging praktikal.
Sa oras na iyon,alam kong totoong luha ang tumulo sa kanyang
mga mata. Hindi ko siya bibiguin. Ayaw kong umiyak uli siya kapag nalaman
niyang hindi ako nagtagumpay sa buhay.
Lumipas ang mga araw, buwan, at taon. Hindi ko natupad ang
pangako ko kay Sir na dadalawin ko siya sa school. Palibhasa, lumipat sa ibang
lugar ang pamilya ko, nahirapan akong mabisita siya. Gayunpaman, nakakausap ko
siya sa Facebook. Madalas ko ring nasusundan ang mga activities niya sa school.
Isang araw, tinawagan ko siya. “Sir, good evening. Kumusta
po kayo?” Hinintay ko lang ang kanyang sagot. Aniya, mabuti naman siya.
“Ga-graduate na po ako ngayon.”
“Congratulations, ‘nak! Isa ka na ring guro.” Gumaralgal ang
boses ni Sir.
“Opo, Sir. Salamat po sa inyo. Kayo ang inspirasyon ko.
Dahil po sa inyo, natuto po akong magpahalaga sa edukasyon. Natutuhan ko ring
maging praktikal. At higit po sa lahat, marunong na po akong maglaba.” Pinilit
kong tumawa, ngunit hindi ko narinig ang tawang inaasam ko mula sa aking idolo.
“Sir, hello po? Umiiyak po ba kayo ngayon?”
“Hel… lo, Thadeus? Masaya lang ako sa naabot mo…”
“Really, Sir?”
“Yes! Hindi ka lang pogi, masigasig pa. Bright future is
ahead of you… Your parents, I’m sure, will be very proud of you… Napakapalad
nila.” Tuluyang nabasag ang boses ni Sir. Umiiyak siya. Ramdam ko ang pait sa
kanyang damdamin.
“Naaalala niyo na naman po ba si Bridget?”
“Magtatapos na rin sana siya ngayon… Pero, imposible nang
magkita kami. Matanda na ako. Soon, bibigay na ang katawan ko. Hindi ko man
lamang masasabi sa kanya na mahal na mahal ko siya, na hindi ko tinalikuran ang
aking pagiging ama sa kanya, at inilayo siya ng kanyang ina sa akin, pagkatapos
niyang malaman na may babaeng nagkakagusto sa akin…”
Gusto kong biruin si Sir na ang pogi niya kasi, kaya
maraming babae ang nagkagusto sa kanya, kaya lang wala ako sa lugar at timing.
“Wala na, Thadeus. Wala na,” patuloy ni Sir. “Sayang lahat
ang mga naipundar ko, na dapat siya ang magtatamasa…”
“Sir?” Nawala na ang signal, kaya naputol na ang aming
usapan. Isa pa, magsisimula na ang processional ng graduation.
Habang tinatanggap ko ang aking diploma, isang plano ang
nabuo sa aking isip. Determinado akong gawin iyon para lubusan kong mapaligaya
ang aking paborito at poging guro.
Dahil isinasabuhay ko lahat ng mga payo sa akin o sa amin ni
Sir, naging maayos ang karera ko. Tatlong taon pa lamang ako sa serbisyo,
na-promote na ako. Naalala ko nga ang mga sinabi niya.
“Ang trabaho, gaano man kadali o kahirap, kailangan mong
mahalin dahil ito ang magbibigay sa iyo ng magandang kinabukasan,” minsang sabi
niya sa akin. Tama naman siya.
“Ang kapogian ay kumukupas, pero ang pagmamahal mo sa isang
tao ay dapat panghabambuhay. Hindi rin dapat ito ginagawang bisyo. Huwag mo na
akong gagayahin. Minsan na akong nagkamali at hanggang ngayon ay pinagdurusahan
ko ito.” Hinding-hindi ko iyon makakalimutan, kaya hinding-hindi ko rin siya
binigo. Natagpuan ko nga ang babaeng unang nagpatibok sa puso ko at ang huling
babaeng pag-aalayan ko ng aking pag-ibig.
Dahil napakalaking papel ang ginampanan ni Sir sa buhay ko,
nais kong ipakilala sa kanya ang babaeng pakakasalan ko.
Maaga pa lang ay nagtungo na ako at ang aking kasintahan sa
dati kong paaralan. Itinaon ko iyon sa araw ng kanyang pagreretiro.
Sa paaralan, isang simpleng salusalo ang ibinigay ng mga
guro at pamunuuan para kay Sir. Naabutan naming nagsasalita siya sa entablado.
“Sa inyong lahat, mga bata pang guro at sa mga nakasama ko
nang matagal sa paaralang ito, maraming-maraming salamat…” Nahinto ang kanyang
pagsasalita nang makita niya akong kumaway. Kumaway muna siya. “Salamat dahil
natagpuan ko ang isang tahanan sa inyo. Wala man akong sariling pamilya,
nariyan naman kayo upang punuan ang aking kalungkutan. Salamat, salamat!”
Agad na nagpasalamat ang emcee kay Sir at nagwika, “Sir
Timoteo Landeres, narito po ang inyong dating estudyante upang magbigay ng
mensahe. Please, welcome… Thadeus Moreno!”
Niyakap ko si Sir, bago ako nagsimulang magsalita at
magpasalamat sa pamunuan ng paaralan na tumanggap sa amin.
“Sir, walang tumpak na salita para ilarawan ang halaga mo sa
akin bilang guro.” Nagsimula nang lumabo ang aking mga mata dahil sa mga luhang
nais nang pumatak. “Idolo po kita. Isa kang ulirang guro. Matalik na kaibigan.
At isang mabuting ama…” Niyaya ko ang aking kasintahan upang samahan ako. Wala
siyang ideya na ipahaharap ko siya sa aking paboritong guro. “Lagi kong
sinasabi sa inyo na pogi ako at mana ako sa ’yo. Tinupad ko po ang pangako ko sa
inyo na magmahal ako nang totoo at lubusan… Ikakasal na po kami… Salamat po
dahil tinuruan niyo akong irespeto ang mga kakabaihan. Siya po ang una at
huling babaeng mamahalin ko… Si Bridget po. Si Bridget Landeres. Ang inyong
anak…”
Nagulat ang lahat sa kanilang narinig. Niyakap ko si Bridget,
habang humahagulhol. Hindi ko na rin nakita ang mga mata ni Sir, ngunit alam
kong nalunod siya sa kaligayahan.
Hindi na ako nakapagsalita dahil inilapit ko na si Bridget
sa kanyang ama, kay Sir.
“Patawarin mo ako, Bridget… anak.”
Isang mahigpit na yakap ang iginanti ni Bridget sa ama.
“Inilayo ka ni Carlota sa akin, pero hinanap kita, anak.
Hinanap kita…”
Hindi na nakapagsalita si Bridget. Sapat na ang higpit ng
yakap niya sa kanyang ama upang ipabatid dito na napatawad na niya ito.
“Halika nga rito, Thadeus!” pabirong singhal sa akin ni Sir.
“Sorry po, mana lang po sa inyo,” sabi ko.
“Naku, Thadeus Moreno, ipapakulong kita kapag pinaiyak mo
itong anak ko.”
“Hindi po, Sir… Papa po pala. Pogi lang po ako, pero hindi
po ako babaero,” biro ko, pero seryoso ako.
Nagtawanan kaming tatlo. At, mayamaya, isang malakas na
palakpakan ang narinig ko mula sa mga gurong luhaan nang magyakap-yakap kaming
tatlo.
Wednesday, March 1, 2017
Ang Aking Journal -- Marso 2017
Marso 1, 2017
Hindi man ako ganoon kasigla nang humarap sa klase ko, hindi rin naman ako malungkot. Masaya ako dahil nalalapit na ang graduation. Excited na ang lahat. Tila nagbunyi nga ang mga estudyante ko nang malaman nilang may lyrics na ang mga awit na kakantahin nila sa araw ng pagtatapos. Naiyak naman ang iba nang pinatugtog ko na isa sa mga kanta nila. Pinilit ko nga lang itago ang mga luha ko dahil nagsusulat ako.
Nagkaroon ng fire drill kanina. Maaga ring nag-dismiss ng mga klase dahil kakain kami sa labas. Nag-blowout ang mga bagong master teachers.
Pagkatapos ng kainan, nagkayayaan kaming grade six teachers na mag-home visit para sa IPCRF namin.
Pagbalik namin sa school para mag-time out, naabutan kong naghihintay si Mam Joraelyn, dati kong student teacher. Nagpagawa siya ng recommendation para makapag-enroll siya ng master's degree sa PNU. Very thankful siya pagkatapos.
Past 5:30 na ako nakauwi.
Marso 2, 2017
Masaya kong hinarap ang mga pupils ko. Pinag-practice ko sila ng mga kanta sa graduation, bago ko nabigyan ng tests para sa 4th grading. Nakipagkulitan rin ako sa iba sa kanila. Sobra ang kagustuhan nilang makipag-bonding na lang sa akin. Kung alam lang nila, ganoon din ang gusto ko. Subalit, hindi maaari. Kailangan pa rin naming mag-aral, for formality's sake.
After class, umuwi agad ako. Kailangan ko kasing hanapin ang bahay ni Mareng Janelyn sa subdivision namin. Ipinapatingin niya sa akin kung tapos na. Good thing is nahanap ko naman. Napiktyuran ko pa.
Hindi ko gusto ang location niyon dahil tumbok na tumbok ang kalsada. Mas napabuti pala na nakipagpalit siya sa akin ng unit. Bukod na nasa perimeter ako at nasa end unit, hindi pa ito masyadong daanan ng mga sasakyan.
Naipagpatuloy ko ang pagsusulat ng 'Malamig na Kape'. Sana ay magtuloy-tuloy ang pagka-inspired ko. Bukas, isusulat ko naman ang maikling kuwento na naisip ko habang nasa tricycle ako pauwi kanina. Iyon ang gagamitin ko para sa anthology ng Inspiring Team of Writers.
Dahil sa panunumbalik ng sigla ko sa pagsusulat, bumalik na rin ang kay Gina. Muli na naman siyang na-inspire na magbasa at mag-critique ng mga akda ko, at magsulat ng kanya. Dahil kay Emily, kaya nawalan kami ng gana. Thanks, God dahil nalampasan namin.
Marso 3, 2017
Pumasok na si Papang. Kaming dalawa ang nagsabay mag-almusal, kasi parang ayaw kumain ng mga kasamahan ko sa grade level. Napagplanuhan namin ang pagpunta sa Pangasinan sa Marso 11 dahil binyag at birthday ng anak ni Donya Ineng kinabukasan. Wala pang final decision, lalo na sa service.
Before 9, nakipag-meeting kami sa OIC para sa issuance of cards at sa meeting with the parents ng graduating pupils sa Monday.
Nagkaproblema kanina sa klase, pero solved naman. Nawala ang cellphone ng estudyante ko. Kinuha ng kaklase at ipinatago sa kaibigan na nasa kabilang section. Marami ang nakahalata sa kilos niya. Nakiusap pa na lilipat. Bukod sa may nakakita, iisipin talaga naming siya ang kumuha dahil tumikim na siya ng marijuana.
Noong una ay dini-deny niya. Nang tinakot ko na mapapahamak siya dahil may nakakita at baka hindi siya maka-graduate, inamin na niya.
Dinaan ko sa diplomasya. In-announce ko na kapag palihim niyang isinauli, hindi na malalaman ng mga kaklase niya na siya ang kumuha.
Nagsulat ako sa papel ng OO at HINDI. Pabulong kong sinabi na tsekan niya ang sagot niya sa tanong ko. Oo ang sagot niya. Kaagad-agad, nagkunwari. akong nasa drawer pala ang cellphone. Naggalit-galit ako sa nag-confiscate at naglagay doon nang walang paalam. Gumawa rin ng paraan ang kumuha na maiabot sa akin ang ninakaw niyang unit. Tapos, nagpaalam siyang lumipat sa kabilang section. Pinayagan ko na lang para hindi ma-intimidate ko makaramdam ng hiya. Gusto ko nga sana siyang yakapin. Naawa rin ako. Naisip kong apektado na siya ng kanyang bisyo. Kailangan ko siyang matulungan.
Dahil na-solved ang problema, gumanda ang mood ko. Nag-groupie at nag-selfie-selfie ako with my pupils bago nag-uwian. Kinuhaan ko rin ng larawan ang iba.
Marso 4, 2017
Alas-otso na ako bumangon. Sa wakas, nakabawi na ako sa puyat.
Naglaba naman ako, pagkatapos mag-almusal. Nagsulat din ako. Kailangan ko nang tapusin ang Malamig na Kape. Naapektuhan lang ang konsentrasyon dahil sa panunuod ng telebisyon. Muntik pa nga akong ma-late sa master's class ko dahil alas-tres na ako umalis sa bahay. Idagdag pa ang pagka-flat ng gulong ng bus na sinakyan ko.
Na-stress akong bigla nang in-aannounce ng proffesor na ang final exam namin sa subject ko ang gumawa ng chapters 1 to 3 ng thesis. Yay! Wala nga akong naiisip na research title.
Subalit, bago natapos ang lesson ng prof, nakapaghanda na ako ng title. Mula sa na-research ko. In-enhance ko lang.
Ipina-check ko naman ito sa prof bago kami nag-uwian. Approved naman. Ayos! Makakapagsimula na ako.
Marso 5, 2017
Ngayong Linggo ay isang produktibong araw ang naganap. Nakapagdamo ako sa harap ng bahay. Nakapag-gardening. Nakapaglinis. Nagkaroon ng time para sa sarili at sa pagsusulat. At siyempre, nakain ko ang mga gusto kong kainin.
Gayunpaman, nalulungkot ako sa pagkamatay ni Tito Ben. Although, may nagawa siyang kasalanan sa akin, naawa pa rin sa kanya. Napatawad ko na siya noon pa. Naisip ko lang, hindi niya napaunlad ang kanilang kabuhayan. Ang lupang bigay ng gobyerno sa kanya ay hindi niya nagamit para ipampagamot niya.
Well, this is life. Sana nakahingi siya ng tawad sa Diyos bago siya nawalan ng hininga.
Marso 6, 2017
Ipinagpatuloy namin ang pagbibigay ng tests sa mga bata. Kailangan na namin kasing makapag-compute ng grades dahil malapit na ang graduation.
Naisingit ko rin ang pagbabasa ng kuwento. Halos maluha ako habang binabasa ko iyon, gayundin ang mga basa. May pagka-true-to-life kasi. Tuwang-tuwa ang estudyante ko, na siyang pinaghanguan ko ng istorya.
Past 12, nagpauwi kami ng mga bata dahil may meeting ang mga parents-teachers ng graduating class. Magbibigayan din ng cards.
Naging matagumpay nga ito. Nagkasundo na magkakaroon ng ambagan para mas memorable at special ang graduation day. Ayaw nila ng simple, na ayon sa DepEd Order.
Past 4 na ako nakauwi. Pagod ako, pero nakapagsulat pa. Hindi na nga lang ako nakapagluto. Bumili na lang ako ng fried siomai. Nag-shake na lang ako pipino at nilagyan ko ng katas ng orange, para healthy.
Marso 7, 2017
Dahil nagising ako kaninang hatinggabi at nahirapan akong makatulog uli, wala ako sa mood, nang humarap ako sa klase ko. Mainit ang ulo ko sa kanila, lalo na sa mga pasaway. Mabuti na lang at mayroon pa ring may takot na hindi maka-graduate. Ang iba, porket nakapagpa-graduation picture. Lumakas ang loob. Umaasa.
Umuwi agad ako pagkatapos ng klase. Umidlip naman ako pagdating ko. Kahit paano ay nanumbalik ang aking sigla.
Marso 8, 2017
Maghapon akong tahimik sa klase dahil kahapon pa ako naiinis sa mga estudyante ko. Iniwan kasi nila ang classroom na madumi at magulo. Kaya, kaninang umaga, hindi ko muna sila pinapasok. Sa labas ko sila pinag-practice ng graduation songs. At, bago ko pinapasok, pinasulat ko ng pangako na pipirmahan naman ng mga magulang nila.
Dahil dito, nakatapos ako ng isang proyekto--- ang video presentation na para sa closing party. Somehow, epektibo naman ang pananahimik ko.
Tumawag si Roselyn. Nakapagsabi na ako na hindi ako makakadalo sa binyag at birthday ng anak niya dahil uuwi ako sa Antipolo para makipaglamay sa tiyo ko. Naunawaan niya naman ako.
Marso 9, 2017
Hindi ko pa rin pinapansin ang mga estudyante ko. Maghapon akong tahimik, pero sila, maingay at magulo pa rin. Nakukuha sila sa tingin, subalit pamayamaya rin ang pagpapasaway. May nagpapatawa pa at naghihintay na ngumiti ako. Pinipilit ko namang hindi ngumiti. Effective naman sa iba ang drama ko. Halos ayaw, kumilos at magsalita.
Bukas, isang drama na naman ang gagawin ko. Paiiyakin ko sila.
Dahil sa pananahimik ko maghapon, nagawa ko na ang book cover ng 'Malamig na Kape'. Excited na ako at ang iba kong friends na ma-publish ito. Nagagandahan sila sa istorya nito. Kapupulutan naman talaga ng aral.
Sa bahay, pagdating ko, hinarap ko ang pagsusulat ng huling chapter nito. Natapos ko naman nang maayos. Bukas, sisimulan ko naman ang pag-edit nito upang maisubmit ko na sa WWG Publishing.
Marso 10, 2017
Nakumpirma kong sa Marso 28 na ang graduation, kaya no choice ako kundi ang kausapin na ang mga bata. Kailangan ko kasing i-announce. Dumating pa si Veronica, ang dati nilang kaklase, para kumuha ng form 137.
Gayunpaman, nagawa ko pa rin ang plano ko kagabi. Naramdaman at nakita ko kung paano sila nalungkot nang sabihin kong uuwi ako sa Aklan, kaya hindi ako makakadalo sa kanilang graduation. Effective actor.
Ala-una, nagkaroon uli ng meeting para sa graduation. Ikinasa na an mga bayarin, ambagan, petsa, at oras nito. Dahil mapapaaga ito, kailangan naming mag-double time sa paggawa at pagtapos ng mga paperworks--- cards, forms, reports, etc. Sa kabila nito, naisingit ko pa rin ang pag-edit ng 'Malamig na Kape'.
Marso 11, 2017
Past 3:30, bumiyahe na ako papuntang school. Mag-isa lang ako doon. Wala palang klase dahil nagkaroon ng colloquium. Mabuti nga dahil napaaga ang dating ko sa Bautista. Naabutan ko pa ang mga nakipaglamay kay Tito Ben. Nakakakuwentuhan at nakakakumustahan ko ang mga dati kong katrabaho. Bitin nga lang dahil umuwi na sila.
Marso 12, 2017
Nagiging instant reunion ng pamilya ang lamay. Kapag may namamatay sa kamag-anak, saka lamang nagkikita-kita. Pero, gaya nang dati, mailap pa rin ako. Kahit sanay na ako sa pagharap sa mga tao dahil sa aking propesyon, iba pa rin kapag ang mga kamag-anak ko ang kaharap ko. Hindi ko naman ka-close ang iba. Ang iba naman nakasamaan ko pa ng loob. Pero, bukod tangi si Kuya Alex. Kahit sa FB pa lang kami nagkikita o nagkakilala, tila magaan na ang loob niya sa akin. Nagkuwentuhan kami, mula alas-3:30 ng umaga hanggang alas-5. Sabay na rin kaming umakyat. Noon lamang din ako natulog.
Alas-diyes, inilibing na si Tito Ben. Emosyonal ang lahat. Ako, kahit may nagawa siyang masama sa akin, nalungkot ako sa paglisan niya. Napatawad ko na siya noob pa. Naawa lang ako sa mga naiwan niya, lalo na si Ate Diyang.
Past 1, umuwi na ako. Three-thirty ay nasa bahay na ako. Pagod na pagod at antok na antok ako. Luckily, nakatulog ako kahit dalawang oras. Nabawi ko na ang puyat ko.
Marso 13, 2017
Umagang-umag, na-bad trip ako kanina, hindi dahil late ako ng 15 minutes, kundi dahil may estudyanteng nagpasa ng birth certificate na taliwas sa apelyido na ginamit niya sa pag-enroll noong grade 1 siya. Grabe! Six years siyang pumapasok na walang BC, tapos kung kailan ga-graduate saka lamang magpapasa. Mali pa. Hindi man lang pina-annotate. Nakakainis! Nagbigay ng problema kung kailan patapos na ang klase.
Ang ingay pa ng klase, kaya lalo akong naasar. Hindi ko na naman sila kinibo. In fact, kahit bago mag-recess, maingay sila. Kaya, halos dalawang oras bago ko sila pinag-recess. Gutom na gutom na talaga sila dahil sa kadadaldal at pangungulit.
Nainis ako sa asawa ko. Nag-comment pa sa post ni Tintin. Hindi ko raw siya na-inform. Kung hindi ba naman tanga. Hindi naman big deal kung informed man siya o hindi. Nagpahalata pa. Kailangan pa bang malaman ng madla na huli na niyang malaman at hindi ko pa sinabi sa kanya? Mabuti na lang ay dinepensahan ako ni Auntie Vangie. Baka raw busy ako sa studies ko, which is true.
Marso 14, 2017
Medyo ngumingiti na ako sa harap ng klase ko. Naging kalmado na rin kasi sila. Kaunti lang naman, pero okay na. At least, nabawasan.
Ngayon sana ang 4th periodic test. Kaya lang, hindi dumating ang mga test papers. Kami pang grade 6 ang nahuli. Kung hindi ba naman tanga at kalahati ang division office. Tapos, mamadaliin nila kami sa mga forms. Nakaka-beastmode sila.
Gayunpaman, pinauwi namin sila bandang alas-11:30. Nag-stay naman kami hanggang alas-2.
Marso 16, 2017
Walang practice ngayong araw kasi umalis ang grade leader namin. Sinamahan niya ang dalawang bata sa MTAP oral competition. Pinauwi naman namin ang mga naiwang bata before 12 noon. Ako naman ay hinarap ang mga forms 138 at 137 habang naghihintay ng alas-dos.
Isang good news ang natanggap ko ngayong araw. Natanggap ng WWG Publishing ang nobela kong 'Malamig na Kape'. Ayon sa may-ari na si Mam Che, ready na ang akda ko. Proofreading, formating, at book cover na lang. Then, papipirmahin na niya ako ng kontrata. Ito na siguro ang simula ng katuparan ng pangarap kong makapasok ang mga akda ko sa National Bookstore.
Marso 17, 2017
Wala pa rin ang ibang test. EPP lang ang na-test nila. Nakaka-beast mode ang division office. Grade 6 pa talaga ang hinuli, samantalang kami ang nangangailangan ng maagang preparation para sa graduation at submissions ng forms. Mabuti na lang, natagalan ko ang attitude ng mga estudyante ko kahit nagpakopya lang ako ng lyrics ng 'Thanks To You', na kakantahin nila sa graduation.
Nakapag-practice sila sa loob. Then, nakipagkulitan na lang din ako, pagkatapos kong kuhaan ng video ang behavior nila. Naging katatawanan lang ang iyon dahil gustong-gusto nilang humarap sa camera at magpatawa. Isa na namang moment ang nabuo.
Marso 18, 2017
Maaga akong nagising dahil sa tilaok ng mga manok. Ito ang disadvantage ng nasa probinsiya. Wala ngang maiingay na sasakyan, mga manok naman. Okay lang naman, nakaidlip naman ako after lunch. Then, nakapaglaba ako at nakapag-gardening.
Past 3, bumiyahe naman ako papunta sa CUP para sa aking masteral class. Sa April 8 ang huling araw ng klase namin. Pero, instead na final exam, submission na lamang iyon ng thesis proposal. Kailangan ko nang makagawa ng chapters 1-3.
Kanina sa klase, nagpa-activity si Mam Barbieto. Pinagawa niya kami ng conceptual framework ng aking study. Nagpresenta ako na isulat sa board ang gawa ko. Nice, sabi niya. Mas na-inspire tuloy akong isagawa iyon.
Marso 19, 2017
Gaya kahapon, maaga akong nagising. Hindi ko talaga magawang matulog nang matagal. Okay lang naman dahil marami pala akong gagawin. Naglaba ako. Nag-general cleaning. Atbp.
Maaga ring nag-chat si Jano. Aniya, tuloy ang reunion ng Furaque-Flores. Pinaghahanda niya ako ng t-shirt. Hindi ako nagparamdam ng interes dahil makikita ko lang ang mga Diokno. Hindi bale na.
Mag-aalas-siyete na nang nakausap ko si Kuya Edwin, ang kapitbahay ko. Naikuwento niya na may nakita siyang lalaki noong Miyerkules ng alas-11 ng gabi. Nasa may pinto raw iyon. Ang hula namin ay magnanakaw. Nais niyang umakyat sa bintana sa pamamagitan ng pag-akyat sa grills na pinto. Pinayuhan niya akong maglagay ng ilaw, kaya ginawa ko, since matagal na akong bumili ng ilaw at wire.
Grabe, may mga insidente na pala ng nakawan dito. Mabuti na lang kahit paano ay naka-grills na ang mga entry points sa baba ng bahay. Gayunpaman, kailangan kong mag-ingat. Wala namang mananakaw sa bahay, pero maigi na rin ang walang makapasok. Delikado pa rin.
Marso 20, 2017
Dumating na ang mga test papers mula sa division office. Kaya lang, pasado alas-nuwebe na. Hindi naman namin agad na nasimulan dahil nagkaroon ng practice ang mga graduating pupils.
Nagkaroon ako ng inspirasyon na sumali sa 67th Carlos Palanca Literary Contest. Last year, hindi ko naipasa ang nobela kong 'Lola Kalakal' dahil naubusan ako ng time. Self-published na ito, kaya hindi ko na maaaring isali. Ang 'Apokalipsis' ko na lang ang balak kong ilaban. Isa itong dulang pampelikula. Kaya naman, habang nagte-test ang mga bata, nag-eedit ako niyon. Wala pa ring wakas ang script na iyon. Kaya, kailangan ko ring madugtungan.
After class, nagbayad ako ng internet bill sa HP. Naghanap na rin ako ng maisusuot sa graduation. Wala akong nagustuhan. Baka sa Division o Baclaran pa ako nito makahanap.
Marso 21, 2017
Matagumpay na naidaos ang baccalaraute mass sa Our Lady of Sorrows Parish Church kanina, alas-9 hanggang alas-10 ng umaga. Pagkatapos niyon, tumuloy na kami sa Buffet 101. Nag-blowout ang mga magulang ng class valedictorian. Binigyan kami ng pang-buffet.
First time ko doon. Siyempre, sawang-sawang ang sikmura ko sa napakaraming uri ng pagkain at inumin. Hindi ko natikman lahat, pero nakain ko ang mga gusto ko at bago sa panlasa ko. Sulit! Sinulit namin ang tatlong oras.
Alas-singko na ako nakauwi sa bahay. Masaya sana ako, kaya lang bigla akong na-bad trip dahil ipinaparamdam sa akin ng kasamahan ko sa SP at Basyang na galit siya. Hindi ko lang siya napagbigyan kanina dahil gipit din ako sa pera. Isa pa, hindi lang naman ako ang miyembro ng grupo. Ako na lang ba lagi ang hinihingian niya? Nagbigay na ako ng halos 10 libong piso para sa Basyang-Laguna. Iba pa ang utang niya noong may sakit siya. Iba pa ang bigay noong nga Basyang-Gotamco siya. Plus, ang mga gastos ko sa pagpunta sa Nagcarlan. Sana maunawaan naman niya na hindi naman ako gatasang baka. Pamilyado ako. Tapos, may gana pa siyang magpasaring. Wow! Hanep. Itigil ko na ang pag-i-SP kung ang lahat ng gastusan ay ako ang sasagot. Grabe! Hindi na makatao. Wala naman sanang pilitan. Tumutulong at tutulong ako kapag meron. Kapag wala, pasensiya na.
Sana rin ay nagkakamali lang ako hinuha. Sana hindi ganoon ang ibig niyang ipakahuluga sa kanyang pahayag.
Marso 22, 2017
Naging abala ako maghapon. Patuloy rin ang pagpapasaway ng mga estudyante ko kahit may test sila. Mabuti na lang at naurong ang graduation day. Instead na March 28, sa first week na ng April. Mas makakapaghanda pa kami. May oras pa ako para bumili ng susuotin.
After class, nagpadala ako kay Emily. Nalaman ko rin sa kanya na nasa ospital ang father-in-law dahil sa ubo. Halos isang buwan na rin daw. Akala ko nga si Zillion. Nang binasa ko uli ang text niya, nakumpirma ko.
Ang init kanina. Parang summer na. Ang sarap sanang mag-shake. Kaya lang, kape ang mas pinili kong inumin.
Natuwa ako nang malaman kong tumakas na si Bes sa kanyang mapang-abusong amo. Nasa embassy raw siya ngayon. Nakikigamit ng cellphone. Alam kong mabibigyan ng katarungan ang pang-aabuso sa kanya.
Marso 23, 2017
Before and after recess, nagkaroon ng graduation practice sa covered court. Medyo magulo pa, pero nagiging malinaw sa akin ang magiging flow ng graduation rite. Since first time ko, sumusunod na lang ako sa mga kasama ko.
Ipinaramdam ko sa SP, lalo na sa isang miyembro, na malamig na kape ako sa kanila. Nag-reach out na siya, pero hindi iyon sapat sa akin. Bukas, iaanunsiyo ko na hindi ako makakadalo sa meeting. Idadahilan ko ang masteral class ko at ang thesis proposal, na siya namang totoo.
March 24, 2017
Nagpasukat na ako ng toga sa pupils ko. Nakita at naramdaman ko ang excitement nila na magsuot niyon. Ako, hindi pa rin nakakabili ng isusuot sa graduation.
Natuwa ako sa mga nangyari ngayong araw. Nag-chat kasi sa akin ang dalawang may-ari ng Le Sorelle Publishing tungkol sa ni-raise na issue ni Heaven. Gusto ng kaibigan ko na makilala ako bilang magaling na writer. Nahihinayangan siya sa akin kung ititigil o mawawalan ako ng interes sa writing at publishing. Hindi raw ako dapat na pakawalan ng LSP. Nakikita niya ako as asset ng publishing. Kaya, interesado na sila ngayon na i-market ang 'I Love Red 0.1' ko. Hiningi nila ang manuscript niyon. At, sabi ko ii-edit ko ang book 2 at tatapusan ang book 3.
Umaasa akong mare-reliaze ang mga planong iyon.
Nasabi ko rin sa SP admins na hindi ako makakadalo sa meeting dahil sa masteral class at thesis proposal. Naunawan naman ako nila. Nagtagumpay ako na tikisin sila. Nagtagumpay ako.
Mag-aalas-siyete na ako nakauwi dahil past 4:30 na natapos ang printing ng diploma. Kahit pagod at antok na ako, nakapagsimula na ako sa thesis proposal.
March 25, 2017
Hindi ko talaga magawang magpakasawa ng tulog at magbabad sa higaan. Maingay na ang paligid kapag alas-sais na. Gayunpaman, thankful ako sa isa na namang biyaya sa akin ng Diyos. Every 'waking up' is a blessing.
Sa kabila ng kakulangan sa tulog at pahinga, nagawa ko naman ang ilan sa mga nais kong gawin-- paglalaba, pagdidilig, at pagbili ng isusuot sa graduation. Nakapasok pa ako sa masteral class ko. Naipadala ko rin kay Heaven ang kabayaran sa order kong books at shirt.
Past 7:30 na ako nakauwi. Mas maaga kumpara sa mga nakaraang Sabado.
Marso 26, 2017
Sa wakas, nagawa kong bumangon ng alas-8. Napasarap ang tulog ko. Palibhasa, ilang araw nang puyat.
Napokusan ko ang thesis proposal ko. Nakarami ako. Almost half-done na. Kakayanin ko talagang maipasa ito on time.
Nakapag-edit din ako ng 'I Love Red 0.2' at nakapag-update ng 'Apokalipsis.' Siyempre, naisingit ko rin ang pag-idlip at gardening. It's indeed a productive Sunday!
Marso 27, 2017
Medyo na-stress ako nang nagtanong si Sir Erwin kung kailan kami magkro-cross check ng mga school forms. Hindi pa ako tapos. Pasaway pa ang mga bata. Kaya, nakasimangot ako habang may graduation practice. Hindi ko sila binibiro.
Dumating na ang order kong shirt at books kay Ms. Heaven. Ang bilis lang kahit sa Davao pa galing.
Two-thirty na ako umuwi. May tinapos lang ako sa report cards. Alas-kuwatro naman ako nakarating sa bahay. Hinarap ko ang paggawa ng SF5. Nagawa ko naman iyon kaagad. Ready to print na.
Natatawa ako sa reaksiyon ng pinsan ko sa post ko, kung saan suot-suot ko ang new shirt. Naikomento ko lang na natupad ko na ang pangarap kong maging model, kaya thankful ako sa binilhan ko. Aniya, 'Wow! I'm very proud of you!" Andami kong tawa. Naalala ko tuloy noong nag-post ako two years ago. April Fool's Day noon. Marami akong napaniwala.
Marso 28, 2017
Alas-otso na nakapagsimula ang graduation rehearsal. Mabilis lang dib naming ginawa para bigyang-daan ang practice para sa recognition day.
Dahil dito, naharap ko ang mga school forms. Halos matapos ko na. Name na lang ng OIC ang isusulat ko sa report cards. Nakapag-print na rin ako ng ilang SFs.
Natutuwa talaga ako sa comments sa post ko tungkol sa shirt for a cause. Maagang April Fool's Day, huh!
Natuwa rin ako sa effort ni Luna na i-chat ako. May inihain siyang issue o problem ng friends niya. Nasagot ko naman nang maayos, pero naisingit ko rin ang issue ko sa SP. Nasabi ko ang mga nasa loob ko. Naniniwala akong konektado ang dalawang issue. Sana naunawaan niya ako.
Narito ang palitan ng aming mga mensahe namin:
Siya: Hello, tatay. Pwede ka pong makausap?
Ako: Sige. About what?
Siya: About lang po sa isang situation. Masama bang hangarin na tumulong sa mga bagong manunulat?
Ako: Hindi masama ang tumulong.
Siya: Bakit may mga taong gustong sumira sa ganon? I mean, kung may pagkakamali yung gustong tumulong, maano ba namang i-correct sa maayos na paraan? Pagsabihan, ganon. Kausapin privately. Kailangan bang pahiyain publicly at murahin?
Ako: Mali ang pamamahiya lalo na in public. Hindi maituturing na pagtulong ang ganoon. Kailangang ituwid ang pagkakamali sa mahinahon, sa tamang lugar at panahon.
Ako: Kung nagkamali ang isang tao, kausapin nang masinsinan upang maunawaan at maitama niya ang kanyang pagkakamali. Kapag ginawa iyon ng isang tao, hindi na sila magkaiba. pareho na silang dapat ituwid.
Siya: Mas maigi sigurong wag na lang silang pansinin. Pero ang sakit lang. Ang sakit makita na yung kaibigan mo, gustong tumulong, tapos gaganunin nila.
Ako: Maaari mo rin namang i-confront o kausapin nang personal ang taong gumawa niyon, lalo na kapag pareho mong kaibigan. Siguro, may mga dahilan sila kung bakit nagawa iyon.
Siya: Hindi ko actually kaibigan yung mga yon. Kakilala lang.
Ako: Kung kakilala mo lang, maaaring mapasama ka pa. Kaya, mas maiging hayaan na lang sila. May mga tao sigurong makakapasnin sa problema at sila na lang ang makakatulong.
Siya: Yun nga po yung iniisip ko. Actually may kinausap ako, sinabi ko yung punto ko, ngayon, isa na ako sa pinariringgan? 😅 ang kyoot niya. Gurong naturingan tapos ganoon. 😊🔫
Ako: Tsk.Saklap naman. Kabaro ko pa.
Siya: Nalulungkot ako. Bakit ganon sila? ðŸ˜ðŸ”«
Ako: Hindi natin alam. May mga bagay na ang may katawan lang ang nakakaintindi. Minsan nga, tayo mismo ay hindi rin nakakaunawa sa kapwa natin. Ganoon din sila. May kani-kaniyang saloobin, damdamin, at prinsipyo. Maaaring hindi lang nagtugma. wish lang natin na maging maayos ang lahat.
Siya: Hay. Basta #RoadtoNBDB uuusss!!!! 😋😋😋😊
Ako: Yes! Looking forward...
Siya: Naiksayt na ko mag-status about it. Hnnng. Tagal na nating lowkey ðŸ˜
Siya: Oo nga po pala, ano ano po bang terms ng sponsorship ng Le Sorelle?
Ako: Hindi pa ba pwedeng mga status update about it?
Ako: Naghihintay po sila ng email.
Siya: Opo, ginagawa na po yung invitation but i don't know what to specifically ask for them. :/
Ako: Need nila ng document para mapondohan. Practice kasi nila ang transparency, since pera ang involved.
Ako: Financial, pwedeng irequest. Proper coordination lang with Ms. Heaven Chalice. Siya ang may hawak ng advocacy project ng LSP.
Ako: Manpower pwede rin, since maglalagay sila ng book sa Book Fiesta. Naghahanap sila ngayon ng volunteer.
Siya: Sa financial po ba, kailangang i-specify kung magkano? Hnnng sa totoo lang po nahihiya ako ðŸ˜
Ako: Yung kaya lang nila. Kasi, bago lang din sila. In fact, pati nga ako, nakaktulong sa pangangalap ng pondo. May shirt at kuwentong pambata sila. Iyon ang pinagkukunan nila ng pondo.. which is pwede nating i-adapt sa mga susunod na project and events.
Ako: Nakasama ang book ko sa LSPuso, kung saan, iyon ang ibinebenta para magkapondo.
Siya: Wala pa pong update kay Imma hnnng. Ongoing na ata yung solicitation nila.
Ako: Mahirap kasi ang solicitation tapos wala man lang tayong token... Bihira na lang ang taong magbibigay ng walang kapalit. Siguro, sila ang taong sobra-sobra ang pera.
Siya: Sa barangays po nagsosolicit.
Ako: Maganda rin iyon. Kahit paano may malilikom na pondo.
Siya: Sana po kahit mareach lang yung target budget ðŸ˜
Ako: Ako, gustuhin ko mang magbigay uli... wala na. Hindi na kaya ng finances ko. naghuhulog ako sa housing loan. Nagmamasahe araw-araw. Wala namang trabaho ang wife ko. May nanay pa akong bulag. Kaya, nabigo ko si Imma, lately. Hindi na ako nakapagbigay. Dumating nga sa point na parang gusto ko nang mag-resign sa SULAT. Pakiramdam ko, useless na ako.
Siya: HUUUUY HALA HALA okay lang yun tatay, ano ba youuu, grabiiiii.
Ako: Tulad ng nasabi ko, walang nakakaunawa sa kalagayan ko. Akala lang ng iba, masaya ako, may pera ako. But, nobody knows ng mga pinagdadaanan ko...
Siya: Naintindihan naman po namin yon, tay, kaya okay lang talaga. We'll somehow get by ^^ nabigla lang talaga tayo this year kasi andaming opportunities na kumatok sa'tin at 'di pa masyadong nakapaghanda nyahahaha.
Ako: Isa rin yan sa naikuwento ko sa project manager ng LSP. Kaya, noong isang araw, sabay-sabay silang nag-chat sa akin. Tatlong malalaking tao ng LSP, ang nag-chat sa akin. Inaawitan nila akong 'wag isuko ang writing at publishing. Ang self-pub ko, hindi pa naman nakakatulong sa akin. Pero, hopeful ako na makakaahon din ako, kasabay ng paglago g SULAT Pilipinas. Kahit paano ay napamahal na sa akin ang SP. Gayunpaman, willing akong mawala sa circulation kapag 'di ko na kaya.
Siya: Nako Tay, marami namang ways pa para makatulong sa SP and sa writing. Hindi ka po pamfinancial lang. Any help is appreciated. Simply staying is one. ^^
Ako: Nag-drama lang ako. Somehow, gumaan na ang loob ko. Thanks!
Siya: Ingat po kayo dyan tay. Pasensya na sa istorbo rin po ehehehe 😅
Ako: Okay lang. Salamat!
Marso 29, 2017
Nakakapagod ang graduation practice, pero nakaka-enjoy. May mga nagpapasaway pa rin, pero kayang-kaya.
Hindi natuloy ang cross-checking ng forms namin within the grade level dahil nagkaroon ng deliberation of ranking ng pupils with honors. Naihanda ko na rin ang mga medals na ia-award ko sa mga pupils ko. Mabibigyan ko ang lahat ng mga nakakuha ng 85% up na average at ilang mga hindi pala-absent sa klase. Nakita ko ang excitement ng iba.
Na-excite rin akong pumirma sa kontrata between WWG Publishing and me. Ipa-publish na ang nobela kong 'Malamig na Kape'. First time kong pumirma nito. Iba ito kaysa sa Barubal Pub. Dito ay makakatanggap ako ng 20% royalty fee sa bawat isang copy na maibebenta, based on the retail price.
Nakakatuwa dahil mapapakinabangan ko na ang aking talento. Hindi na lang ako self-published author. Lumevel up na ako. Walang mapagsidlan ang ligaya ko.
Marso 30, 2017
Na-bad trip ako sa mga kasamahan ko kaninang umaga dahil nagpatay sila ng oras sa taas, bago nagsimula ng practice. Nagpapasaway na ang mga bata sa covered court. Ang malala, naglabasan ang iba at nagbilihan sa labas. Hindi kaagad ako nakapag-almusal para lang ma-contain ang mga estudyante sa pilahan. Ayun, naaning ako at naging iritable, kaya bago pa ako makasakit ng damdamin, nag-walk out ako sa ground. Umakyat ako at nag-almusal. Pagkatapos kong makakain, tumulong naman ako sa practice.
Nag-print kami ng program-invitation. Halos hindi pa nangalahati ang nagawa namin, lalo na't may kulang pang page at nag-cross check kami ng mga forms.
Alas-5:30 na kami nakauwi. Past 7 na ako nakarating sa bahay. Grabe, first time kong magdilig ng mga halaman sa gabi. Naawa ako sa mga halaman.
Marso 31, 2017
Naging matagumpay naman ang Gawad Parangal. Hindi nga lang ako ganoong kasaya. Last year, ako ang punong abala. Kahit napagod ako nang husto, masaya naman ako. Kakaiba ngayon. Gayunpaman, masaya pa rin ako dahil natapos na ang cross checking ng forms namin. Nakagawa pa kami ng mga bagay para sa nalalapit na graduation like seal ng diploma, printing of invitation-program. In fact, kahit overtime na kami, masaya pa rin. Siguro'y dala ito ng excitement.
Alas-9 ako umalis sa school. Iniwanan ko sina Mam Gie at Sir Joel. Alas-onse pa raw sila uuwi. Nakarating ako sa bahay, bandang alas-10:45.
Nag-chat si Imma. Humingi siya ng opinyon kung magwo-work siya o magpu-full sa SP. I know it's his way of reaching out and correcting what he has said and done. Binigyan ko naman siya ang oras. Siyempre, ipinayo ko sa kanya ang pagtratrabaho. Ang pagmamahal namin sa SP ay hindi mawawala. Priority lang talaga dapat ang sarili at pamilya.
Monday, February 27, 2017
Classroom Dialogue: Libro
Sir: Malapit nang magsulian ng mga libro. Paki-reair naman ninyo ang mga books. Sira-sira na, e. Tingnan mo itong kay Joshua.
Josh: (Ngumiti lang at itinago ang mukha sa hiya)
Stephenie: Saan po magpapa-repair? (Seryoso)
Sir: Sa Mr. Quickie mo ipa-repair!
Josh: (Ngumiti lang at itinago ang mukha sa hiya)
Stephenie: Saan po magpapa-repair? (Seryoso)
Sir: Sa Mr. Quickie mo ipa-repair!
Friday, February 10, 2017
Classroom Dialogue: Halaman
Juan Paulo: Sir, sabi ni Louie, bakit daw mahilig ka sa halaman?
Sir: Because... it's my life.
Arvin: Di ba po, ang anak mo ang buhay mo?
Sir: Binigyan ko siya ng buhay.
Arvin: O...
Sir: Because... it's my life.
Arvin: Di ba po, ang anak mo ang buhay mo?
Sir: Binigyan ko siya ng buhay.
Arvin: O...
Monday, February 6, 2017
Classroom Dialogue: Marijuana
Sir: Nagtitira ka ba ng pera para pambili mo ng marijuana?
Tristan: Hindi po, Sir.
KC: Ang mura lang ng shongke, e.
Sir: Mura nga, bawal naman. Ikaw, Tristan, kung ayaw mong matokhang, iwasan mo 'yan, ha?
Tristan: Hala! Hindi nga po ako gumagamit niyan, e.
Sir: A, sinungaling pala ako pati ang nagsabi sa akin.
Tristan: Sino po?
Sir: Basta lang. Pero, kilala ko ang mga kasama mo. Sina John at Aubrey... (Tiningnan ang estudyante)
Tristan: (Hindi na nakapagsalita.)
Tristan: Hindi po, Sir.
KC: Ang mura lang ng shongke, e.
Sir: Mura nga, bawal naman. Ikaw, Tristan, kung ayaw mong matokhang, iwasan mo 'yan, ha?
Tristan: Hala! Hindi nga po ako gumagamit niyan, e.
Sir: A, sinungaling pala ako pati ang nagsabi sa akin.
Tristan: Sino po?
Sir: Basta lang. Pero, kilala ko ang mga kasama mo. Sina John at Aubrey... (Tiningnan ang estudyante)
Tristan: (Hindi na nakapagsalita.)
Sunday, February 5, 2017
Classroom Dialogue: Cleaner
Sir: Ikaw, Romulo, maghapon kang nagpasaway. Dahil diyan, cleaner ka. Maiiwan ka.
Romulo: Iwan ako, Sir? Okay lang po. Sanay na po ako ng iniiwan.
Sir: (Speechless)
Saturday, February 4, 2017
Classroom Dialogue: Cellphone
Raymond: Sir, kunin ko na po ang cellphone ko. Promise po, hindi ko na po ilalabas.
Sir: Mam'ya na. Kakausapin pa kita.
(After ten minutes...)
Sir: Bakit ka nagdadala ng cellphone? Kailangan mo ba?
Raymond: Opo. May English-Tagalog dictionary po diyan.
Sir: Sige nga. Open mo. (Ibinigay ang cellphone kay Raymond)
Raymond: (Hinanap ang apps habang nangangatal ang kamay at mga labi)
Sir: Kailangan pang may internet niyan, e.
Raymond: May data po ako.
Sir: Mabuti ka pa may data.
Raymond: (Natahimik)
Sir: Sabi ng mga kaklase mo, may mga porn videos ka raw rito.
Raymond: Wala po.
Sir: Binura mo na, e. Kung maglalagay ka ng bold sa cp mo, karapatan mo 'yan, e, pero make sure na ikaw lang ang gagamit para 'di ito pagkaguluhan. Tapos, nagpapalaki ka raw sa CR.
Raymond: Hindi po. Si Assie lang po ang nagsabi nun.
Sir: Alam mo, hindi naman masama iyon, e. Gawin mo na lang mag-isa, sa private na lugar. Huwag kang magpakita kaninuman para 'di ka isumbong at tuksuhin. Hindi na ito mauulit, ha? Kapag naulit, hindi mo na makukuha ang cellphone mo.
Raymond: Opo.
Sir: Mam'ya na. Kakausapin pa kita.
(After ten minutes...)
Sir: Bakit ka nagdadala ng cellphone? Kailangan mo ba?
Raymond: Opo. May English-Tagalog dictionary po diyan.
Sir: Sige nga. Open mo. (Ibinigay ang cellphone kay Raymond)
Raymond: (Hinanap ang apps habang nangangatal ang kamay at mga labi)
Sir: Kailangan pang may internet niyan, e.
Raymond: May data po ako.
Sir: Mabuti ka pa may data.
Raymond: (Natahimik)
Sir: Sabi ng mga kaklase mo, may mga porn videos ka raw rito.
Raymond: Wala po.
Sir: Binura mo na, e. Kung maglalagay ka ng bold sa cp mo, karapatan mo 'yan, e, pero make sure na ikaw lang ang gagamit para 'di ito pagkaguluhan. Tapos, nagpapalaki ka raw sa CR.
Raymond: Hindi po. Si Assie lang po ang nagsabi nun.
Sir: Alam mo, hindi naman masama iyon, e. Gawin mo na lang mag-isa, sa private na lugar. Huwag kang magpakita kaninuman para 'di ka isumbong at tuksuhin. Hindi na ito mauulit, ha? Kapag naulit, hindi mo na makukuha ang cellphone mo.
Raymond: Opo.
Wednesday, February 1, 2017
Ang Aking Journal -- Pebrero 2017
Pebrero 1, 2017
Hindi natuloy ang pagdating ng district supervisor, na titingin sana ng mga reading corner. Sayang! Hindi niya nakita ang amin. Alam kong matutuwa siya sa kanyang makikita.
Past 3, nagkita-kita kami nina Mama at Taiwan sa Buendia. Agad din kaming bumiyahe papuntang Tanza. Hindi naman kami nahirapan bumiyahe. Nag-van kami at nag-special ng tricycle.
Pagkatapos naming magmeryenda, tinuruan ko si Mama sa pagkilos niya sa kabahayan. Lahat ng parte ng bahay, maliban sa second floor, ay itinuro at ipinahipo ko sa kanya. Alam kong makakaya niyang mag-isa bukas at sa mga susunod pang mga araw.
Bukas, third periodic test na ng mga bata.
Pebrero 2, 2017
Unang araw ngayon ng 3rd periodic test. Himala. Hindi na-delay. Almost complete ang 8 test questionnaires. One is to one pa ang ratio ng test papers at pupils. Kaya lang, gaya nang dati, hindi namin pinasagutan doon. Sa papel sila nagsagot. Dapat nga sana ay sa test bubbles. Wala kaming Grade Six. Naubusan. Lagi naman, e. Pati nga report card, hanggang ngayon ay wala pa.
Agad akong umuwi. Wala pabg alas-dos ay nag-time out na ako. Inaalala ko si Mama.
Natuwa naman ako nang makita kong nasa mabuti siyang kalagayan. Hindi raw siya nakatulog. Namahay siya. Iniisip niya rin kasi ang bahay sa Antipolo. Kaya naman, maglinis pa raw siya. Hindi talaga siya sanay nang nakahiga lang. Haist!
Pebrero 3, 2017
Maaga pa rin akong dumating sa school kahit medyo natagalan ako sa pagluto at paghanda ng mga iiwanan kong pagkain ni Mama. Ang sarap sa pakiramdam na pinagsisilbihan ko ang aking ina. Nakaka-inspired.
Last day ng periodic test. Natapos namin. Kaya lang, kailangan pang ilipat ang mga sagot sa standardized answer sheet. Doble trabaho. Delayed na naman kasi ang dating. Okay lang naman. Patay-oras nga lang.
Past 4 ako nakauwi. Nag-grocery kasi ako ng mga ititinda sa recess bukas sa NAT review.
Nakatulog na si Mama. Tapos na siyang mamahay. Kaya lang, tinanong niya ako kung kailan siya uuwi. Grabe! Nainip na siya kaagad. Iniisip niya kasi ang mga gamit niya. Nalaman noya pa na nandoon sina Flor. Lalo tuloy siyang nagnais na makauwi.
Gusto kong dito siya hangang maoperahan siya at tuluyang makakita. Hindi ako kampante na nandoon siya sa Bautista. Ako naman kasi ang madalas mag-isip at mag-alala. Isa pa, magiging malimit na ang pagdalaw ko sa kanya doon.
Pebrero 4, 2017
Na-late ako. Hindi ko kasi narinig ang alarm. Tapos, nag-prepare pa ako ng almusal at pananghalian ni Mama.
Ayos lang naman. Hindi gaanong matagal na naghintay ang mga estudyante ko. Mabuti may naka-chat ako habang nasa biyahe ako, kaya naghintay sila at nag-behave. May pinaglista ako.
Maayos naman ang review namin. Nag-enjoy din ako sa pakikipagkulitan. At siyempre, hindi nawala ang pangaral at pag-iinspire. Gusto kong matataas ang makuha nilang score sa NAT.
May mga magulang ding dumating dahil ipinatawag ko. Lume-level up kasi ang mga problema nila. Hindi na lang basta nagpapasaway. May nagmamasturbate, nagmamarijuana, nagyoyosi, at nagdadala pa ng patalim.
Past two, pinuntahan ko ang bahay ng estudyante kong hindi na pumapasok. Nakausap ko ang tatay at napag-alaman kong broken family sila. Nakausap ko rin ang bata at hinikayat na pumasok kahit once a week para maka-graduate. Naaawa lang ako sa kanya dahil dapat ay nasa high school na siya. Lalo lang siyang mahuli kapag ibinagsak ko pa.
Pagkatapos nito, nagpadala ko kay Sir Gerard ng P1000. Pampa-checkup niya raw. Hindi ko alam kung utang o ano. Basta ang sabi niya ay "Good am Sir Froi. Sir Froi puwedeng pa-emergency. Medyo mapapalaban sa check-up mamaya. Any amount, malaking bagay. Sorry talaga delayed lang ang sideline ko na modules."
Hindi ko siya mapahindian dahil sakit na ang pinag-uusapan. Napahindian ko na siya dati. Bumawi lang ako. Pero, sana last na niya iyon. Marami na akong naitulong sa kanya. Hindi niya ako masasabihan ng madamot.
Maaga akong pumunta sa CUP. Umidlip ako doon at nag-sound trip, habang naghihintay ng time.
After class, past six iyon, agad akong umuwi. Inaalala ko si Mama. Past 8 na ako nakarating dahil sa traffic. Patulog na si Mama. Kumain na raw siya.
Nalungkot ako nang sabihin niya sa akin na uuwi na siya bukas. Hindi raw siya makatulog dahil nasa isip niya ang bahay doon.
Pebrero 5, 2017
Maaga akong nagising dahil maaga ring bumangon si Mama. Inisip kong baka gusto na niyang mag-almusal. Kaya, nag-hot cake ako, bago naglaba.
First Sunday namin ito ni Mama together. Mabuti nagbago ang isip niya nang sinabi kong andoon pa sa bahay niya si Popoy. Nakampante siya. Ayaw niya kasi na may kukuha o mangingialam ng mga gamit niya doon.
Imbes na makaidlip ako sa hapon, nabigo ako dahil napuno ng galit ang puso ko. Nag-away na naman kami ni Emily. Ibang klase kasi siya. Hindi niya iniisip ang mga sinasabi niya. Lalo niyang pinatindi ang galit ko sa kanya. Hindi pa nga tuluyang naghihilom ang sugat, na gawa niya, dinagdagan pa niya.
Nailabas ko tuloy lahat ng mga nasa isip at puso ko. Pagkatapos, hindi ko na siya ni-rereply-an. At, hindi ko na uli siya papansin. Gusto ko kasing magbago siya. Akala niya, siya ang biktima. Pati ibang tao ay nadadamay at dinadamay niya.
Pebrero 6, 2017
Wala pa ring maayos na klase. May mga estudyante pa nga akong hindi pa nakompleto ang test. Pinag-shade ko lang ang mga bata ng kanilang sagot. Nag-check din kami sa Filipino. Natuwa ako sa resulta niyon. Forty-six (46) ang highest score.
Matigas pa rin si Emily. Hindi niya pa ibinababa ang kanyang sarili. Mas lalo namang akong magmamatigas. Alam kong nasa tama ako. Inilabas ko lang ang sama ng loob ko. Alam ko ring nasaktan ko siya. Iyon ay dahil sa napuno na ako.
Kahit wala siya sa buhay ko, magiging masaya ako. Aanhin ko naman ang asawa kong madalas naman kaming mag-aaway. Hindi bale na. May mga estudyante pa naman ako, mga anak, mga pamangkin, mga kapatid, at nanay.
Sisikapin kong maging mas mabuti sa kanila upang mas lalo akong pagpalain ng Diyos.
Pebrero 7, 2017
Kahit marami akong niluto para sa almusal at pananghalian ni Mama, maaga pa rin akong nakarating sa school. Nakaidlip pa nga ako ng ilang minuto. Masasabi kong nakasanayan ko na ang alas-kuwatrong gising. Para ito sa mahal kong ina. Kahit kailan ay hindi ako mapapagod para sa kanya. Nawa ay laging akong bigyan ng kalakasan at kalusugan ng Panginoon.
Since tapos na ang test, nagturo na ako sa klase. Kaya lang, hindi kami nagpalitan.
Kaya naman, sinolo ko ang klase ko. Nagturo. Nagdisiplina. Nakipagkulitan din ako sa mga estudyante ko. Itinuloy ko rin ang video presentation na ipapalabas ko sa closing program namin. Kahapon ko pa iyon sinimulan. Excited na nga silang makita. Pakiramdam naming lahat ay maiiyak kami sa aming mapapanuod.
Maaga akong nakauwi. Kahit nagmalengke pa ako. Excited akong mag-gardening. Unti-unti ko na kasi naisasagawa ang mga plano ko noon sa aking bahay. Ang sarap mag-landscape. Nakakabata.
Kanina, nagpadala ng mensahe si Emily. Inaalo na niya ako. Huwag na raw kaming mag-away dahil hinihika na naman si Zillion. Hindi ko alam kung paniniwalaan ko siya o hindi. Pero, alam ko naman na laging apektado ang anak namin kapag nag-aaway kami. Gayunpaman, hindi ko pa siya gustong batiin. Kulang pa ang effort niya. Nais kong malaman niya na hindi lahat ng panahon, babae ang nanunuyo. Paminsan-minsan, dapat babae naman, lalo na kapag kasalanan niya.
Pebrero 8, 2017
Hindi pa rin kami nagpalitan, pero nagturo at nagpa-acitivity ako sa advisory class ko. Nagpa-check din ako ng mga papel nila sa periodic test.
Dumating na ang books ko na 'Amalgamation' at 'Mga Kuwentong Pambata.' These are another achievements.
Nakakatamad ang school year na ito. Ramdam naming grade six teachers. Gawa ito ng hindi magandang administration. Sa katunayan, nainis ang grade leader namin dahil imbes na masolusyunan ang problema sa report card, lalo pang magkaroon ng problema. Hanggang ngayon kasi ay hindi pa kami nakakagawa ng card dahil matagal bago dumating ang order. At nang dumating noong last week, mali naman. Kanina ay parang ipinalalabas ng retired at OIC principal na kami pa ang nagkulang sa paalala sa kanila. Miscommunication daw. Litsugas!
Personalan na ang laban. Pati nga ang pagpunta ng SP_BasyangProject ay naging isyu sa kanila. Mabuti naman. Ipinaramdam ko talaga na wala silang kuwentang mga pinuno. Hindi kasi sila marunong magbigay ng kaukulang papuri, motibasyon, at reward. Hindi naman talaga nakaka-inspire ang leadership nila. Idagdag pa ang garapal na korupsiyon. Ginawang dugyot ang paaralan.
Hindi na nga ako halos mapakali kapag oras na ng uwian. Ni ayaw na ayaw kung namamalagi sa school. Mas mabuti pang makauwi ako nang maaga-- mag-asikaso kay Mama at mag-gardening.
Pebrero 9, 2017
Wala pa rin kaming palitan ng klase, pero ayos lang. Nagturo pa rin ako sa klase ko. Nagsermon din. Binigyan ko pa nga sila ng project dahil nainis ko sa kanilang pagsasawalang-bahala sa leksiyon. Sa tingin, epektibo ang style ko. Takot kasi silang magkaproblema sa graduation.
Dahil may NAT review ang mga bata with grade five teachers, kami namang grade six teachers ay naglinis sa designated area kung saan kami gagawa ng garden. Sinimulan naming tanggalin ang amoy panghi at tae ng pusa. Kahit paano ay bumango at nagkaroon ng hitsura, lalo na't nagsabit na kami ng mga hanging plants. Na-enjoy ko ang aming task. I really love gardening and landscaping.
Sa Sabado, itutuloy namin iyon.
Pebrero 10, 2017
Naging effective ang mga pagalit ko kahapon. Nagbigay ako ng assignment sa Hekasi at nakita ko kanina kung sino-sino ang mga nag-comply. Nakakatuwa. Natakot sila sa style ko. Sana tuloy-tuloy na.
Ang sarap umuwi pagkatapos ng klase. May mga halaman kasi na naghihintay sa akin. Isama pa si Mama, na nag-aaabang sa aking pagdating.
Excited na siyang umuwi sa Bautista. Pinayagan ko na siya. Pero, nag-chat kami ni Jano. Ayaw na muna siyang pauwiin dahil ayon sa kanya ay nakapagsalita si Tito Boy. Inaasa na lang daw namin siya sa kanila. Ayaw ko namang ganoon nga ang isipin nila.
Bukas ng gabi, mag-uusap kami tungkol dito.
Pebrero 11, 2017
Ang kulit ko kanina sa NAT review namin. Ang sarap kasing makipagtawanan at makipagbiruan sa mga bata. Gustong-gusto nila ang may tawanan dahil doon sila nai-inspire gumawa, kumilos, at magpursigeng matuto. Iniisip ko pa rin ang kanilang kapakanan, sa kabila ng pagpapahirap ko sa kanila minsan sa assignment, project, at seatworks. Gusto ko lang naman ay maging disiplinado sila.
After ng review, pumunta ako sa Libertad. Nag-stay ako sa Wellcome Mall after lunch. Na-bored ako, kaya naglibot-libot ako sa Cartimar, since 5 pm pa naman ang masteral class ko. Na-enjoy ko ang pagwi-window shopping sa mga pet shops, lalo na sa mga bilihan ng isda. Nagtingin-tingin din ako sa mga bilihan ng halaman bago ako pumunta sa CUP. Thirty-minutes na lang bago mag-start ang klase.
Six-thirty kami pinakawalan ng aming propesora, gaya noong mga nakaraang araw. Past 8 na ako nakauwi.
Kahit labag sa loob ko na ihatid si Mama, nagdesisyon na lang ako sa suwayin si Jano. Gustong-gusto na niyang umuwi. Ayaw kong hadlangan ang kagustuhan niya. Anak lang ako. Ang magagawa ko na lang ay suportahan siya financially. Nauunawaan ko naman siya. Una, ayaw niyang mawala ang bahay. Kapag umalis siya nang tuluyan doon, maraming puwedeng umangkin. Isa pa, nanghihina siya dito kasi hindi siya makapagtrabaho na gaya doon.
Bukas, ihahatid ko siya sa Antipolo. Wala na akong magiging pahinga, pero okay lang.
Pebrero 12, 2017
Past 6 nang bumiyahe kami ni Mama papuntang Antipolo. Medyo Nahirapan ako sa pag-akay sa kanya. Muntik pa ngang maipit ang kamay niya sa pinto ng train. Hindi ko naman kayang makontrol kasi hawak ko ang isang kamay niya at ang bag niya. Mabuti na lang at safe kaming nakauwi. Nakapag-grocery pa nga ako.
Umuwi ako mga past 1:30. Nananghalian lang ako sa Bautista. Past 4 ako dumating. Antok na antok at pagod na pagod ako. Mabuti na lang at nakaidlip ako.
Andami kong hindi nagawa ngayong araw, pero ayos lang. Napasaya ko naman ang aking ina nang maiuwi ko siya sa kanyang tahanan, kung saan siya komportable. Disappointed nga lang si Jano. Hindi bale. Alam kong mauunawaan niya si Mama.
Na-unblock ko na rin si Taiwan. Tama si Mama. Patawarin ko na siya. Tutal matagal na 'yun. Isa pa, ang asawa naman talaga niya ang may kasalanan sa akin, e.
Nag-PM ako sa kanya tungkol sa pag-uwi ni Mama.
Pebrero 13, 2017
Na-late ako kanina ng 6 minutes. Hindi ko alam kung mabagal lang talaga ang takbo ng bus o sadyang ma-traffic lang. Five o'clock naman ako lumabas sa bahay.
Nagturo ako ng 'Bahagi ng Pahayagan' sa klase ko at ang mga sumunod na oras ay bonding lang with my co-teachers sa grade level ko. Hindi na kasi interesado ang mga estudyante na matuto at mag-aral. Excited na ang karamihan sa kanilang nalalapit na graduation.
Nakauwi agad ako pagkatapos ng klase. Excited din akong mag-gardening. Ito lang kasi ang paraan ko ngayon para makahinga at mawala ang stress ko.
Natuwa akong mamitas ng mga talbos ng kamote, petsay, at alugbati para maisahog ko sa pritong galunggong. Kay sarap talagang magtanim at kumain ng sariwang gulay. Tipid na nga, healthy pa.
Hindi ko nga lang alam kung bakit medyo sumisikip ang kanang dibdib ko. Hindi man ito kasingsakit noong dati, hindi pa rin ako mapakali. Nag-aalala ako na baka manumbalik ang dati kong karamdaman, lalo na't may nabasa akong prediction tungkol sa health ko.
Haist! Sana hindi ito sakit. Sana ay bunga lang ito pagda-dumbbell ko at pag-pushup challenge araw-araw.
Pebrero 14, 2017
Late na naman akong mag-time in, pero ayos lang. Minuto lang naman ang late ko.
Sinorpresa ako ng mga estudyante ko. Nagsaboy sila ng confetti pagpasok ko. Naghanda rin sila ng cards, greeetings sa board at cake. Natuwa ako sa effort nila. Hindi ko maisasalarawan ang saya.
Sa Valentine's Day program ng Gotamco, pinakiusapan ako ni Mam Edith aka Emiritus, na maging photographer. Ginawa ko naman nang bukal sa loob. Kailangan kong tumulong, hindi lang dahil close friend ko siya, kundi dahil hindi na nga ako sumali sa Mr. Valentine money contest. Sa ganoong paraan man lang ay maipakita ko ang aking suporta.
After ng klase, kumain kami sa Shakey's Harrsion Plaza at nag-bonding kami nina Papang, Ms. Kris, Emiritus at ako, na mas kilala sa tawag na Tupa at 1000. Ang kulit namin. Humingi ba naman kami ng hot water at nagtinpla ng 3-n-1 coffee.
Dahil dito, alas-sais na ako nakauwi.
Tinikis ko si Emily. Hindi ko talaga siya binati. Gusto kong maramdaman niya ang sakit ng naramdaman ko dahil sa ginawa niya.
Pebrero 15, 2017
Grabe ang pagka-late ko kanina. More than 15 minutes. Ikatlong araw na akong nahuhuli sa pag-time in. I hate this! Ayaw na ayaw ko nang nali-late. Parang kabawasan sa pagkatao ko.
Nag-alala na nga ang mga estudyante ko. Nag-chat na sa akin. Pinaakyat kasi sila at pinaghintay sa tapat ng classroom dahil wala munang flag ceremony.
Tuwang-tuwa sila nang makita ko. Gusto kong matawa dahil naniniwala silang may sakit ako sa puso. Totoong sumasakit ang dibdib ko, pero hindi ito sa puso.
Sinabi ko sa kanila noong isang araw na kapag tatlong araw akong absent, malamang patay na ako. Puntahan na lang nila ako sa bahay. Magdala sila ng mask dahil nangangamoy na ako. Kitang-kita at damang-dama ko ang pag-aalala at pagmamahal nila sa akin.
Masama ang ginawa ko pero hindi naman malabong mangyari ito sa akin lalo na't wala akong kasama sa bahay ngayon.
Kahit tamad na tamad kaming lahat, nagawa ko pa ring ituro ang uri at bahagi ng liham. Pinag-arrange ko sila ng sulat pangangalakal at pinasulat ng anim na liham pangkaibigan. Gusto ko ring ibalik ang kultura ng snailmail. Kaya, bukas ay may dala silang mga sobre. Ipapadala ko sa post office ang mga sulat nila. Gusto ko nga sanang isama sila sa Lawton para ma-experience ang paghuhulog ng sulat. Kailangan ko lang ng parent's permit.
Four o'clock ay nasa bahay na ako. Nagpahinga ako nang isang oras, habang nanunuod ng tv bago nagmeryenda at nagdilig ng mga halaman. Nakakawala ng stress at pagod ang mga tanim kong unti-unti ko nang nakikitaan ng buhay at ganda. Napapakinabangan na rin ang mga gulay gaya ng alugbati.
Pebrero 16, 2017
Hindi na ako late kanina. Akala ko, buong linggo akong mali-late.
Nagturo ako sa mga estudyante ko kung paano magtupi ng sulat at maglagay ng pamuhatan at patunguhan sa sobre. Nagpakopya din ako ng permit para sa dalawa kataong sasama sa akin sa post office sa Lunes.
Lahat halos ay interesadong sumama, pero dalawa lang ang kaya kong isama dahil magastos at maingay kapag marami.
Nagpasulat ako ng sanaysay sa kanila na may pamagat na 'Ang Aking mga Magulang.' Gusto ko kasing mas makilala ko pa sila nang husto. Hindi ko man nabasa lahat, alam kong may matututuhan ako mula sa kanilang mga akda.
Sa wakas, nasimulan na namin ang paggawa ng form 138 o report card. Gumawa na lang kami ng paraan. Bumili kami ng makapal na papel at nag-print. Nasimulan ko na ring mag-input ng grades at comments.
Kanina, nag-PM sa akin si Mam Che, ang founder ng WWG. Sabi niya ay maghanda ako ng manuscript oara gawing books. Nahulaan ko na para iyon sa nalalapit na pagpasok ng publishing sa National Bookstore. Natutuwa ako sa oportunidad na lumalapit sa akin. Kaya naman, kailangan ko nang matapos ang 'Malamig na Kape.' Ito ang gusto kong unang makapasok sa NBS.
Pebrero 17, 2017
Kami lang ni Sir Joel ang pumasok sa grade level namin. Si Mam Milo kasi ay may personal na dahilan. Si Mam Janelyn naman ay muntik nang masunugan ng bahay. Kaninang madaling araw ay nasunog ang mga kabahayan malapit sa kanila.
Nakaya naman ni Sir Joel na i-handle ang dalawang klase. Hindi naman ako nakatulong, since tahimik naman pareho ang mga binabantayan niyang klase. Nagpokus na lang ako sa mga ginagawa at sa advisory class ko.
After class, pumunta kami ni Mam Dang sa division office. May kukunin siyang pera. Ako naman ay may kukuning income tax return document. Nagawa naman agad namin.
Pagkatapos niyon, nag-withdraw ako ng pera. Naghiram si Gina sa akin ng pambili ng stocks sa WWG Publishing. Hindi ko naman iyon naipadala dahil hindi agad nakapag-reply si Mam Rochelle.
Past 4 ay nakauwi na ako. Pagod at antok man, pero satisfied at masaya ako sa mga nangyayari sa buhay ko. Natutuwa rin akong malaman na ang mga inggitera kong kaguro ay patuloy pa ring gumagawa ng paraan para mapabagsak ko. Ikinamamatay nila ang patuloy kong pagkakaroon ng libro. Anila, hindi raw iyon maki-credit sa ranking or promotion dahil hindi accredited ng DepEd. Mamatay sila sa inggit. Hindi ko masyadong pinapangarap ang ma-promote. Iba ang pangarap ko. Huwag nila akong igaya sa kanila ---masyadong mataas ang mga pangarap, wala naman kakayahang abutin ang mga ito. Kundi pa manira, sumipsip, at manggamit ay hindi pa aangat.
Simple lang ang pangarap ko. Isa dito ay makakain lang ng higit tatlong beses sa isang araw. Maligaya na ako kahit paksiw na sapsap ang ulam ko.
Pebrero 18, 2016
Na-late ako nang dating sa school dahil hindi ko narinig ang alarm ko. Dapat ay 5:30 ako bumangon. Six na ako nakamulat. Mabuti na lang at hindi nagsiuwian ang mga earudyante ko.
Pagkatapos ng review, bumiyahe ako papuntang San Pedro. Inimbitahan ako ni Bro Beverly sa kanila. Alas-dos y medya ay nasa kanila na ako. Nagkuwentuhan kami. Nag-inuman naman kami pagdating ni Kuya Buboy, asawa niya, bandang pasado alas-8. Rum ang ininom namin. Ten-thirty, tapos na kami. Umikot ang paningin ko kahit paano.
Pebrero 19, 2017
Past 8 nang umalis ako sa bahay nina Beverly. Gusto ko pa sanang mag-stay, kaya lang naisip ko ang mga labahan ko. Isa pa, ayaw ko na ring makaistorbo sa kaibigan ko. Maglalaba rin siya.
Past 11 ako nakauwi sa bahay. Ginusto kong matulog, pero hindi ako dinalaw ng antok. Okay lang naman. Marami akong na-accomplish ngayong araw. Nakapaglaba. Nakapag-gardening. Kumain. Etc.
Pebrero 20, 2017
Naging masaya ang araw ko sa klase. Una, dahil nakapagturo ako. Pangalawa, natapos ko ang pag-input ng grades sa card. Pangatlo, nakapagpatawa ako. Medyo nainis lang ako sa isang estudyante ko. Masakit siyang magbiro. Akala mo ay perpekto. Kung papatulan ko lang ay baka masabi kong pangit siya. Kaya nga, malayo ang loob ko sa kanya. Hambog. Siya lang ang ayaw ko sa lahat. Gayunpaman, masaya pa rin ako.
Pagkatapos ng klase, natuloy kami sa post office sa Lawton. Naipadala na rin namin ang mga liham nila. Kasama ko sina Alexandra, Jhonalyn, at Wenrish.
Naging matagumpay ang field trip namin. Kahit paano ay may natutuhan ang mga estudyante ko. Naging masaya rin sila. Pambihirang karanasan iyon para sa kanila.
Pasado alas-sais na ako nakauwi.
Pebrero 21, 2017
Wala pa rin kaming palitan ng klase. Okay lang naman. Mas gusto nga namin, lalo na ng mga estudyante. Gayunpaman, nagle-lesson ako sa kanila at nagpapa-activity. Sumusuko nga sila, e.
Dahil dito, naipagpatuloy ko rin ang paggawa ng video para sa closing party namin. Naputol naman ang moment ng panenermon ko sa kanila nang magpatawag na para sa NAT review.
Maaga akong umuwi. Napuyat ako kagabi. Gusto ko sanang matulog, pero nabigo lang ako. Sa halip, naglaba na lang ako ng uniforms ko at nag-gardening.
Kay sayang makita na ang mga pananim ko ay malalago na at ang iba ay namumulaklak na. Sulit ang pagod.
Pebrero 22, 2017
Nagpabigkas ako ng tula sa mga estudyante, pagkatapos kong ituro ang mga sangkap nito. Itinakda ko na kahapon pa ang tulang bibigkasin nila. Natutuwa ako sa eagerness nilang makakuha ng magandang grades. Kahit paano ay nagkaroon sila ng takot, ngayong nalalapit na ang kanilang graduation.
Ang ayaw ko lang sa kanila ay ang kaiklian ng kanilang pokus. Malilibangin sila. Hindi nila kayang magseryoso nang matagalan. Kaya, madalas pa rin akong nagsasaway. Balewala ang tagalista at ang paglilista.
Natanggap ko na ang unang interest ng ipinautang ko kina Sir Joel at Mam Gigi. Nagsimula na rin akong kaltasan ng GSIS. Gayunpaman, may nadagdag pa rin sa net salary ko-- P500. Nakakatuwa. Nakatulong na ako, kumikita pa.
Pag-uwi ko, umidlip ako. Antok na antok ako kaya halos gusto ko nang ituloy ang pagtulog. Naisip ko lang ang pagdidilig ng mga halaman, kaya bumangon ako after one hour. Naisip kong bumawi na lang sa gabi. Gatas na lang ang bahalang magpaantok sa akin.
Pebrero 23, 2017
Napuyat ako kagabi dahil may nag-videokeng kapitbahay. Ang lakas pa naman ng volume nila.
Isa pa sa mga dahilan ng aking pagiging sleepless ay ang pag-alala kay Zillion. Ipina-admit daw ni Emily ang anak namin dahil sa mataas na lagnat. Na-guilty ako kahit paano dahil hindi ko pa sila napadalhan ng pera. Gayunpaman, naibsan ang aking pag-alala nang tumawag sila. Nakausap ko mismo siya. Ang tiyantiya ko ay maayos naman ang kondisyon niya. Matatas na magsalita. Natuwa pa nga nang sabihing kong magpapadala ako ng pera. Nag-I love you pa siya.
After ng klase, agad akong nagpadala ng pera. Pagkatapos niyon, nag-deposito ako ng pera para sa monthly amortization ng bahay. Agad naman akong umuwi para makaidlip ako. Nabigo naman akong makatulog. Sa halip, nag-dilig ako ng mga halaman.
Sa pag-stay ko sa aking hardin, napagtanto kong mapalad ako dahil naging bahagi ako ng SULAT Pilipinas. Kanina nga ay nakatanggap kami ng magandang balita. Naaprubahan ang proposal namin na makasali sa Book Fiesta sa April 23, 2017. National event ito, kaya magiging malaking puntos ito sa aking career. Hindi ko maialis sa isipan ko ang masasamang ginawa sa akin ng mga kasamahan ko sa school. Sila ang dahilan kung bakit ako patuloy na bumabangon, kahit pilit nila akong inilulublob sa putikan at inaapakan.
Pebrero 24, 2017
Maaga kong nakarating sa school kanina. Nakabili pa ako ng almusal. At habang kumakain, nagpasulat ako sa Araling Panlipunan. Tungkol iyon sa gross national product at per capita income. Nang nag-discuss ako, nauwi iyon sa kuwentuhan. Naihalintulad ko ang GNP sa MOOE ng school. Naisiwalat ko rin tuloy ang kalakaran sa paggastos ng pondo ng paaralan. Imulat ko lang sila sa mga nangyayari. Naipagtapat ko rin siyempre ang mga pinagdaanan kong sakit sa nakaraang administrasyon ng dating principal, gayundin sa kamay ng kanyang alagang linta. Hindi ko sila kinuwentuhan dahil nais kong manira, kundi dahil bahagi sila ng paghihirap ko. Apektado sila noong ibinagsak ako ng mga gahaman at inggiterang tao. Tinikis at binalewala nila ang mga achievements namin.
Ibinalita ko sa kanila ang tungkol sa Book Fiesta na dadaluhan ng Sulat Pilipinas sa Abril 23. Si Sir Imma ang nagsusulong na maging bahagi ang aklat ng VI-Topaz (Walang Pamagat) sa event na iyon. Ibig sabihin, isang karangalan para sa amin ang mapabilang sa mga librong maaaring mabili sa book fair.
Ang sarap lang makipagkuwentuhan sa mga bata, sa panahon ngayon. Gusto na lang nilang maki-bonding. Excited na ang lahat sa graduation. Panay na ang tanong nila kung kailan ang practice. Kahit ako ay hindi na rin maitago ang excitement. First time ko kasing makakapa-graduate ng advisory class.
Nakipagpalitan ako ng klase. Nagturo ako sa VI-Garnet. Nagkuwentuhan din kami. Kinausap ko rin si Jonas, estudyanteng may kakayahang sumulat ng akda, na ang medium ay English. Nagpasa nga siya ng flash fiction. Sinabihan ko rin siya na i-encode na niya ang novel niya. Tutulungan ko siyang makapaglathala. Gusto ko rin siyang isali sa Basyang Project dahil may kakayahan siyang mag storytelling. Impromptu pa.
Umuwi ako nang maaga pagkatapos ng klase. Nakakaatat kasi ang gardening. Sarap umuwi sa bahay dahil may mga halamang sumasalubong sa akin.
Pebrero 25, 2017
Bago mag-9 ay umalis na ako bahay para bisitahin si Mama. Dumating ako sa Bautista bago mag-alas dos. Umalis din ako makalipas ang kinse minutos. Inayos ko lang ang mga pinamili ko at iniwanan ng pera si Mama para sa kanyang budget at pa-birthday ko kay Zildjian.
Masaya akong makita si Mama na maayos ang kalagayan kahit nahihirapan siya at wala pa ring paningin. Totoo ngang komportable siya sa sarili niyang bahay.
Mag-aalas-otso ng gabi ako nakauwi sa bahay. Sa sobrang pagod ay hindi na ako nakapagsaing. Nagluto na lang ako ng soup.
Pebrero 26, 2017
Past nine-thirty, bumiyahe kami ni Au papuntang Luneta para sa meet-up at meeting ng SP admins. Nauna na sa amin si Annie May. Sumunod naman si Karla. Pareho silang first time kong nakita. Sina Luna, Gerard, Mhorric at Jann ang mga sumunod. Antagal namin bago nakapagsimula. Nagutuman ako nang husto. Gayunpaman, masaya ako sa bonding at meeting namin tungkol sa Book Fiesta sa April 23. Ang sarap makipagkulitan sa kanila.
Past 9:30 nang makauwi ako.
Pebrero 27, 2017
Sinuspende ang mga klase sa paaralan dahil sa pangmalawakang transport strike. Mabuti na lang at in-announce nila nang maaga.
Nagkaroon ako ng oras para maglinis, maglaba, para sa sarili ko, lalo na't naokupa ang dalawang araw.
Pebrero 28, 2017
Wala ako sa mood nang humarap ako sa klase. Naitago ko lang. Nakapagturo ako at nakapagbigay ng seatwork. Mabuti na lang at dumating ang mga taga-Bethany para sa Values Education class. Gayunpaman, pagkatapos niyon, iritado pa rin ako, lalo na't masakit ang ulo ko. Natuloy ang NAT review ng mga bata with Grade 4 teachers, kaya nakalaya ako sa ingay nila.
Past 2, naipadala ko kay Emily ang form ng PhilHealth, na katatanggap ko lang ngayong araw. Kahit paano ay mababawasan ang gastos sa hospitalization kay Zillion, kapag na-refund.
Past 4, nakauwi ako. Sinuwerte ako dahil may signal ang net ko. Malakas-lakas. Kahit paano ay nanumbalik ang gana ko sa pagsusulat. Sa katunayan, nasimulan ko ang next chapter ng 'Malamig na Kape.'
Subscribe to:
Posts (Atom)
Baon sa Puso
Baon sa Puso Mga guro’t estudyante, uwian na noon, Sa mga gawain sa umaga ay nagutom Pagkapananghali ay babalik sa hapon. ...
-
Ano ang Kolum (Column)? Paano ito isinusulat? Ang kolum o pitak ay regular na lathalain o serye ng mga artikulo sa pahayagan, magasi...
-
Paano nga ba isinusulat ang Lathalaing Pang-agham? Gusto mo ba ng sample ? Walang problema. Talakayin at unawain muna natin ang kahu...