Followers

Friday, September 13, 2019

Ang Kambal

Tuwing nagsisimba ang buong pamilya, parehong-pareho ang suot na bestida nina Fiona at Riona.

"Wow, ang kambal, magkaterno na naman!" bati sa kanila ni Aling Guada.

"Tinahi po ito ni Mama," sagot ni Fiona.

"Ito namang laso namin, binili ni Papa," sabi ni Riona.

"Ay, talaga!? Ang gaganda niyo talaga at ang saya ng inyong pamilya," sabi ng matanda.

Tuwing papasok sina Fiona at Riona sa eskuwela, magkamukhang-magmukha sila.

Parehong mapuputi ang kanilang mga blusa. Magkasinghaba ang kanilang mga palda. Magkasingkintab ang mga sapatos nila. Parehong puting-puti ang mga medyas nila. Pareho ang kulay ng mga laso nila. Pareho rin ang mga bag nila.

"Babay, Mama! Babay, Papa!" paalam ng dalawa. Kakaway pa sila bago pumasok sa paaralan nila.

"Magandang umaga, Kambal!" bati ng guwardiya.

"Magandang umaga, Kuya!" sabay na bati ng dalawa.

"Hindi ko na naman kayo makilala. Ikaw si Fiona? Ikaw si Riona?"

Natawa muna ang dalawa.

"Hindi po," sagot ni Riona.

"Ako po si Fiona."

Araw-araw, hinuhulaan ng guwardiya kung sino si Fiona at kung sino si Riona. Madalas, mali ang hula nito, kaya madalas natatawa na lamang sila.

Sa silid-aralan, madalas ding mapagkamalan si Fiona na si Riona. Minsan, si Riona ay nagiging si Fiona.

"Riona... Fiona, paano ko ba kayo makikilala?" tanong ni Binibining Pamela.

"Ako po si Fiona."

"Ako naman po si Riona."

Tiningnan ni Binibining Pamela ang kambal na magkamukha talaga, pero kumunot lang ang noo niya. "Sige na, upo na. Pagdating ng araw, saka ko kayo makikilala."

Pinagmasdan ng guro sina Fiona at Riona habang may kinokopya. Parehong kanang kamay ang ginagamit sa pagsulat ng dalawa. Magkapareho ang mga kilos nila. Gayunpaman, hindi nawalan ng pag-asa si Binibining Pamela. Sa mga susunod na araw, makikilala rin nito ang dalawa.

Sa bahay, sabay na nag-aaral sina Fiona at Riona. Nagtutulungan silang sagutan ang mga takdang-aralin nila. Pagkatapos, kukuha sila ng tig-isang libro at sila'y magbabasa.

Sa mga gawaing-bahay, ang paghuhugas ng mga plato ang paborito nila. Tuwang-tuwa kasi sila sa bula. Mas hilig ni Fiona ang pagwawalis sa sala. Si Riona naman ay wiling-wili sa pagwawalis sa hardin nila. Minsan, tumutulong sila sa kanilang ina sa paglalaba. Minsan din, nanonood sila sa niluluto ng kanilang ama.

Sa hapag-kainan, pasalit-salit sa pagdarasal sina Fiona at Riona. Hindi rin nila nakalilimutang maghugas ng mga kamay nila.

Bago matulog, sabay silang maghuhugas ng mga katawan nila, magsipilyo ng mga ngipin nila, at magpapalit ng mga pantulog nila. At siyempre, magdarasal muna sila bago mahiga.

"Panginoon, salamat po sa mga natanggap naming biyaya," simula ni Fiona.

"Salamat po sa pagmamahal ng aming ina at ama," pagpapatuloy ni Riona.

"Lagi mo po silang gagabayan."

"Lagi mo po silang iingatan."

"Mahal na mahal namin sila," sabi ni Fiona.

"Patawarin mo kami sa aming mga kasalanan," sabi ni Riona.

"Amen," sabay silang dalawa.

Paggising, hindi nila nakakalimutang magligpit ng mga unan at kumot nila. Sabay silang iinat-iinat. Sabay silang hihikab-hikab. Sabay silang magpapasalamat sa Diyos at sabay na magmumumog.

"Good morning, Mama!" sabay nilang bati sa kanilang ina.

"Good morning, Fiona at Riona!"

"Mama, bakit malungkot ka?" tanong ni Fiona.

"Saan po si Papa?" tanong ni Riona.

Humagulgol ang kanilang ina, pagkatapos ay niyakap silang dalawa.

Linggo ng umaga, tatlo na lang silang nagsimba.

"Wow, ang gaganda naman nitong anak mo, Leona!" bati ni Aling Guada.

"Opo! Salamat po! Magsisimba po kami at magdarasal sa Ama."

"Nasaan si Lino? Bakit hindi ninyo kasama?"

"Umalis po," sagot ni Leona. "Dito na po kami, Aling Guada."

"Babay, Fiona at Riona! Ipagdasal ninyo ako, ha?"

"Opo!" sagot nina Fiona at Riona.

Pagkatapos, mabilis silang hinila palayo ng kanilang ina.

Lumipas ang mga araw, marami ang nakapansin sa hindi madalas na magkasama sina Fiona at Riona.

"O, nasaan ang kapatid mo?" nagtatakang tanong ni Aling Guada nang bumili si Fiona ng mantika.

"Kasama po si Papa."

"Nasaan ba sila?"

"Ewan ko po," sagot ni Fiona.

"Ha?" Nagtataka pa rin si Aling Guada.

Lumipas pa ang mga araw, tuluyan nang hindi lumalabas ng bahay si Fiona. Naaalala niya si Riona. Miss na miss na niya ang kakambal niya. Gusto na niyang maglaro sila ng manika. Gusto na niyang magbasa sila. Gusto na niyang magkasabay sila sa pagligo, sa pagtulog, at sa pagpapakain ng mga alaga nilang isda.

Isang araw, nagkasakit si Fiona. Isinugod siya ng ina sa hospital.

"Mama, pupunta ba rito sina Papa at Riona?" tanong niya.

Kumibit lang ang balikat ng ina.

"Alam kaya ni Riona na may sakit ako?"

Umiling lang ang ina.

"Mama, sabay ba kaming magkasakit ni Riona?"

"Mama, kailan kaya uli tayo magsisimba?

"Mama, mahal mo pa ba si Papa?"

Sunod-sunod ang tanong ni Fiona, pero pagluha lang ang naging sagot ng kaniyang ina.

Bago natulog si Fiona nang gabing iyon, nagdasal siya. "Panginoon, salamat po sa mga natanggap naming biyaya. Salamat po sa pagmamahal ng aking ina, ama, at kapatid. Lagi mo po silang gagabayan. Lagi mo po silang iingatan. Mahal na mahal ko po sila. Sana magkakasama na po uli kaming apat. Patawarin mo kami sa aming mga kasalanan. Amen."

"Good morning po sa inyo!" bati ng nars sa mag-ina. "May bisita po kayong dalawa."

Nang sumungaw sa pinto ang bisita, halos mapalukso si Fiona sa kama. "Papa, Riona!"

Niyakap ng mag-ama si Fiona.

"Kumusta ka na?" tanong ng ama.

"Mabuti na po... Mabuti po, bumalik na po kayo ni Riona."

Tiningnan ng ama sina Riona at Leona. Miss na miss nila ang isa't isa. "Oo, Fiona. Sorry, nagkaproblema lang kami ng Mama mo," sagot ng ama.

"Paano na po kami ni Riona?" 

Saglit na nag-isip si Lino. Tiningnan nito isa-isa ang mga anak at asawa. "Sa Linggo, buong pamilya tayong magsisimba. Fiona at Riona, lagi na kayong magkakasama at hinding-hindi na magkakahiwalay pa."

"Yehey!" sabay na sigaw nina Fiona at Riona.

Naluha sa tuwa si Leona. Lumakas bigla si Fiona.

Hinila naman ni Riona ang ama at ina para magyakap-yakap sila. 



Thursday, September 12, 2019

Hindi Na

Hindi na ako magagalit

Kapag ayaw mong tumahimik.


Hindi na ako sisigaw

Upang patigilan ka sa paghiyaw.


Hindi na lang ako kikibo

Kapag pagdadaldal ang gusto mo.


Hindi na rin ako magtatampo

Kung ayaw mong makinig at matuto.


Hindi na lang ako iimik

Kapag ayaw mong manahimik.


Hindi na ako malulungkot

Kahit ugali mo ay nakayayamot.


Hinding-hindi ako iiyak

Kung ang mga grado mo ay bagsak.


Hindi na ako magmamalasakit

Dahil sa sarili mo nga ito'y ipinagkakait.


Wednesday, September 4, 2019

Ang Aking Journal -- Setyembre 2019

Setyembre 1, 2019 Nag-gardening uli ako pagkatapos mag-almusal. Marami akong nagawa. Nag-transplant. Nagtanim. Nagdagdag ng lupa. Naglipat ng mga paso. Ibinilad ko rin ang mga halaman ko sa kuwarto.Pagkatapos mag-gardening, binalak kong mag-print ng zines. Kaya lang, nagkaproblema ang printer ko. Hindi kinakain ng machine ang bond paper. Nakailang testing ako, pero ayaw talaga. Ngayon pa talaga nag-malfunction. Nakakainis!Nag-color na lang ako sa Mandala book. Pero, naabala rin dahil sa sakit ni Emily. Masakit daw ang dibdib niya at hindi siya makahinga. Inasikaso ko muna. Hinilot. Nilagaan ng luya. At iba pa.Ako ang nangusina ngayong araw. Hindi na naman ako halos nakagawa ng mga gusto ko, like pagsulat. Gayunpaman, nagawa ko pa ring sumulat ng isang sanaysay. Iyon ay nang okay-okay na siya. Nakapag-journaling na rin ako, bandang gabi. Setyembre 2, 2019 Nasa training na naman ako ngayong buong araw. Sa JRES naman kami. Inantok lang ako, pero hindi naman gaanong nakaidlip dahil kinailangan kong tumulong sa pagti-train. Hindi rin ako nakapagsulat. Past 4 na ako nakabalik sa school, kasama ang mga trainees.Past 5, saka lang ako nakapag-workout. Back and shoulder ang tinira ko. Hindi ko masyadong nakagalaw dahil parang andaming tao. Nahihiya ako. Lahat halos may personal trainer. Ako lang ang wala.Past 8:30, nasa bahay na ako. Setyembre 3, 2019 Laban na ng group categories, sports writing, at photojournalism. Walong bata ang dala namin nina Ma'am Irika at Ma'am Karen sa JRES. Napaaga kami roon. Matagal pa bago nagsimula. Pero, okay lang, kahit paano naaliw naman kami sa paghihintay.Nakakainip at nakakapagod lang ang sobrang tagal na paghihintay. Past 4 na natapos ang collab. Saka lamang kami nakauwi. Quarter to five na ako nakapag-gym. Past eight na tuloy ako nakauwi.Masama na naman ang pakiramdam ni Emily, kaya inasikaso ko pa bago ako nakapagplantsa at nakapaghanda ng instructional material. Bumuti-buti naman ang pakiramdam niya pagkatapos kong ipasingaw sa kanya ang usok ng pinakuluang lemon. Setyembre 4, 2019 Nagturo na ako kanina, maliban sa advisory class ko. Naiinis kasi ako sa kanila. Andaming sumbong tungkol sa kanilang pagpapasaway nang wala ako. Hindi ko sila kinibo. Mabuti na lang, nagpalitan kami ng mga klase. After class, nag-lunch agad ako, then umuwi. Naawa kasi ako sa kalagayan ni Emily. Before 4, nakauwi na ako. Okay naman siya. Need niya lang magpa-check up. Nakapag-print na ako ng DLL, IMs, at zines ko. Naayos ko rin sa wakas ang printer. Kaya lang, may dotted lines ng printouts. Gayunpaman, itinuloy ko pa rin ang printing para nakabenta ako ng zine. Dumating si Epr bago mag-five. Setyembre 5, 2019 Sa JRES ginanap ang 40th Pasay City Schools Press Conference and Contests. Before eight, nandoon na kami. Antagal naming naghintay sa pagsisimula. At nang magsimula na ang individual contests, isang mahabang paghihintay na naman ang naganap. Nagutuman na nga ako. Mabuti na lang may burger. Pero, para akong tratrangkasuhin. Masakit ang katawan ko. Past one na kami nakabiyahe pabalik sa school. Wala na akong ganang kumain. Mabuti na lang, nakasabay ko Sina ma'am Vi at Ma'am Madz. Kakain sila. Sumabay na ako. After niyon, kahit masama na ang pakiramdam ko, nag-gym pa rin ako. Binigyan ako ng libreng PT. Biceps at back ang tinira niya sa akin. Kahit paano naibsan ang sakit ng kalamnan ko. Wala na si Epr nang dumating ako. Kumuha lang pala ng barangay clearance. Akala ko titira na uli sa amin, hindi pala. Setyembre 6, 2019 Confirmed, may trangkaso nga ako. Nilamig ako nang makahawak ako nang tubig. Hindi ako naligo, pero pumasok pa rin ako bilang school paper adviser. Kailangan ako sa awarding ceremony ng journalism. Wala ako sa mood makipag-usap. Wala rin akong ganang kumain. Hindi ko nga naubusan ang ikalawang nilagang saging. Then, dahil masakit ang likod ko, nahiga ako. Mabuti, nasa ibang room ang iilang estudyante ko. Napaaga pa kami ng punta ng JRES. antagal bago nagsimula. Kaya naman, anatagal ko ring nag-suffer sa sakit ng katawan. Gustuhin ko mang mahiga, hindi maaari. Past 12 na natapos, ang awarding. Sa Jollibee, after kung kumain ng macaroni soup, nahiga ako. Kahit paano gumaan ang pakiramdam ko. Inasikaso ako ni Ma'am Irika. Binilhan ako ng Biogesic, sterilized milk, at tubig. Pagkatapos, bumiyahe na ako pauwi. Nakauwi naman ako nang ligtas. Mabuti na lang nakauwi ako kaagad kasi nag-diarrhea ako nang twice. Kaya pala humihilab ang tiyan ko kanina pa. Nagpahinga ako. Masakit ang ulo ko. Masakit din ang mga biceps ko. Hindi ko alam kung bahagi ito ng workout o talagang nasobrahan. Ang masaklap, may trankaso rin si Emily. Katatapos lang lagnatin ni Zillion kahapon, tapos kami na naman. Ano ba ito? Setyembre 7, 2019 Kulang ako sa tulog dahil sa trangkaso. Nilamig at nanginig pa nga ako sa kalagitnaan ng madaling araw. Maghapon din akong nag-suffer sa pananakit ng ulo ko. Wala naman akong lagnat, pero ang bigat ng pakiramdam ko. Ginusto ko namang tumayo para makagawa ng mga gawaing-bahay, hindi ko naman nagawa lahat. Naghihintay na sa akin ang mga halaman. Mabuti na lang, medyo gumanda na ang pakiramdam ni Emily. Masakit lang ang kanyang likod. Kailangan niyang magpahilot. Gayunpaman, nangangamba akong baka hindi ako makapasok sa Lunes. Hindi na naman nga ako ngayon nakapasok sa masteral class ko. Naisip ko tuloy na huwag ko na lang ituloy, since wala pa akong budget para sa thesis. Setyembre 8, 2019 Wala akong tulog kagabi, hindi lang dahil sa matinding sakit at kirot ng ulo ko, kundi pati ang ingay ng mga lalaking kapitbahay na nag-iinuman at naghahalakhakan magdamag. Idagdag pa ang tahol ng mga aso dahil sa kanila at sa pabalik-pabalik o pagmomotor nila. Gayunpaman, bumangon ako at natulog uli sa baba. Kahit paano nakaidlip ako. Pagkatapos mag-almusal, naisipan kong kumilos para hindi ko maramdaman ng sakit ng ulo ko. Hindi ko nga naramdaman habang nagga-gardening ako. Naglaba rin ako maghapon dahil hindi pa puwede si Emily. Wala na kaming susuutin ni Ion. Napagod ako pero hindi ko naramdamang bumalik ang trangkaso ko. Tuluyan nang nawala ang bigat ng ulo ko. Unti-unti ko na ring naiuunat ang mga braso ko. Thanks, God! Setyembre 9, 2019 Pumasok ako kahit hindi pa ako gaanong magaling para masamahan ko ang kalahok ko sa 'Iispel Mo,' pansangay na patimpalak sa pagbabaybay. May meeting din ako sa SDO. At ang pinakamahalaga, pinatawag ako at si Ma'am Joann sa LRC para sa revision ng manuscripts namin. Past 8, nagsimula na ang patimpalak. Bumilib ako sa husay ni Bench. Dalawa ang mali niya sa easy round, gayundin sa average round. Kaya lang, humina siya sa difficult round. Magaling siya, pero mas magaling ang nanalo. Halos wala itong mali. Hindi naman kami ang kulilat, kaya masaya pa rin ako. Kumain muna kami bago bumalik sa school. Nagkakagulo ang VI-Love ko at halos lahat ng section dahil naniwala sila sa biruan namin ni Ma'am Vi, na lilipat na ako ng ibang school. Nag-iiyakan na ang iba. Yumayakap na rin ang iba. Nakakatuwa, pero naiinis ako sa ingay at gulo nila. Past 1:30, nasa LRC na kami ni Ma'am Joann. Natutuwa akong malaman, na dumaan sa judging ang aming mga entries. Hindi pala basta pinili lang. At napakasaya ko dahil nakuhang lahat ang mga kuwento namin. Inihanda namin ang iba pang requirements para maipasa na iyon sa regional office bukas. Mabuti, pumayag si Ma'am Laarni na hindi na ako dumalo sa meeting. Nakausap pa namin ang isa sa mga nag-judge-- si Dr. E. Ramos. Hindi matatawaran ang kaalaman niya sa wika. Past 6 na kami natapos sa LRC. Nakakapagod pero feeling fulfilled. Past nine ako nakauwi sa bahay. Setyembre 10, 2019 Umasa akong suspended ang klase dahil sa ulan, pero hindi. Nakarating ako sa school bago ang time. Kakaunti ang estudyante. Kahit disppointed humarap pa rin ako sa lahat ng klase. Nagpasulat ako ng sanaysay tungkol sa mga guro, gamit ang pang-uri. Hindi ko naman masyadong pinapansin ang advisory class ko. Hindi naman nila ipinakikita ng pagbabago nila. Akala ko totoong nalulungkot at naiiyak sila nang malaman nilang lilipat na ako sa ibang school, paimbabaw lang pala. Kagaya rin sila ng mga pupils ko last school year. After lunch, umalis agad ako sa school. Nag-leg workout ako sa AF. Wala pang isang oras, umuwi na ako, para naman magawa ko ang activity proposal ng Teachers' Month, na ipinagagawa sa akin ni Ma'am. Na-traffic lang ako, late na ako nakapagsimula. Hindi ko masyadong pinansin si Emily. Sana na-gets niya ang sinabi ko kanina sa chat. Kako, "Sa susunod kong sahod, ibibigay ko na sa 'yo lahat, ha. Hihingi na lang ako ng allowance ko, araw-araw." Hindi siya nag-reply. Hirap na hirap na ako sa pagba-budget at pabibiyahe araw-araw, pero madalas siya pa ang may sakit. Noong Linggo, kahit may sakit ako, naglaba ako. Kinaya ko naman... Naaawa nga ako kay Mama. Hindi ko na siya mabisita dahil kapos na talaga sa budget. Sa amin palang, ubos na. Setyembre 11, 2019 Iritable ako sa klase ko habang nagtuturo ako, kaya behave ang mga estudyante. Napag-groupwork ko sila. Ang pagiging iritable ko ay sanhi ng kakapusan sa pera. Hindi aabot ang budget ko hanggang sa susunod na sahod. Past 9, pinatawag ako ni Ma'am. Nag-one on one meeting kami. Inisa-isa niya ang nasa minutes of the meeting naming faculty officers. Hindi naman iyon awkward. Sounds like a defense, pero naunawaan ko naman ang ilan niyang punto. Kaya lang, nang ni-relay ko iyon sa mga kasamahan ko, nega sila. Okay lang namn. Hindi ko naman sila masisisi. Basta ang hiling ko lang, hayaan nila akong maging balance. Ako ang kanilang tulay. After class, pinatawag naman ang mga MTs, GLs, at ako para sa meeting with the principal. Napag-usapan namin tungkol sa Teachers' Month celebration. Ako at si Ma'am Vi ang mga in-charge. Past 4 na ako nakapag-workout sa AF. Triceps naman ang tinira ko. Past 7 na ako nakauwi. Antok na antok ako, pero nakapagpabasa pa ako ng mga akda ng estudyante tungkol sa guro. May mga napili na ako para sa zine. Setyembre 12, 2019 Muntik na akong ma-late kanina. Na-lowbat kasi ang cellphone ko. Nagastusan pa tuloy ako dahil sumakay ako sa UV Express. Tahimik pa rin ako sa advisory class ko. Hindi ko talaga sila feel. Sobrang dadaldal nila. Hindi na sila masarap harapin, turuan, at mahalin. Naging abala ako kanina. Una, nagmiting kaming Grade Six advisers tungkol sa nakatokang gawain sa amin--ang selebrasyon ng Teachers' Month. Agad naming pinagplanuhan. Naisip ni Sir Joel na magturo ng folk dance. Ako naman, naisip kong magturo ng sabayang pagbigkas. Nag-draft na ako ng piece. Past nine, miniting ako ng principal at ang GPTA President. Tungkol sa Teachers' Month at sa 'Mr. and Ms.Gotamco' ang agenda. Nagkabit din kami ng tarpaulin pagkatapos ng miting. Then, nagsimula na kaming magturo ng sabayang pagbigkas at spoken prayer. Kahit paano, may natapos na kami. One, miniting na naman kaming AM teachers. Tungkol sa nabukulan kong estudyante. Wala akong reaksiyon. Pasaway kasi talaga. Naglaro ng tubig sa CR, kaya siya nadulas. Karma! Ang masaklap, kasalanan pa ng mga guro. After meeting, ginawa ko ang solicitation letter na pinagagawa ng principal. Nag-type din ako ng ilang akda ng bata, bago ako bumiyahe pauwi. Gabi, ipinagpatuloy ko ang encoding. Then, sinimulan kong isulat ang kuwento tungkol sa kambal. Almost done na iyon. Setyembre 13, 2019 Kahapon, inis na inis ako sa VI-Love lalo na sa isang partikular na estudyante dahil siya ang dahilan kung bakit special mention na naman ako sa meeting ng mga pang-umagang guro at principal. Parang kasalanan ko pa kung bakit nagkabukol siya. Kaya naman, sinermunan ko sila kaninang umaga. Sinabi kong naubos na ang pasensiya ko at ang amor ko sa kanila. Dineklara ko nang walang Christmas party at hindi ako dadalo sa graduation nila. Sinabihan ko sila ng 'manhid.' Maghapon, kahit paano nakita ko ang kaunting pagbabago. Pero, hindi pa ako kumbinsido. Madali silang makalimot. Paulit-ulit nga silang nag-iingay. Kahit pilitin kong maging masaya, hindi ko pa rin magawa sa harapan ng mga estudyante. Gayunpaman, hindi ako high blood sa ibang section. In fact, napasulat ko sila after kung magturo. Wala muna kaming practice ngayong araw. Na-offend kasi kami kahapon sa pamiting ng principal. Andaming may mas mabigat na kasalanan kaysa sa amin, pero kami lagi ang napapansin. May guro ngang hindi nagtuturo at pumasok sa klase, pero hindi man lang niya i-special mention kapag may meeting. Napaka-unfair. Dahil dito, masama rin ang loob ni Ma'am Vi. Nagpabili tuloy siya ng ice cream after class. Umidlip ako after naming mag-bonding sa harapan ng ice cream. Then, pumunta na ako sa AF. Hindi ko talaga alam ang gagawin. Patigil-tigil ako para tingnan sa screeshots ang mga exercises para sa chest. Sana tama ang ginagawa ko. Past seven na ako nakauwi. Sobrang traffic sa Tejero. Antagal ko roon. Setyembre 14, 2019 Maaga akong nakarating sa CUP para sana sa masteral class ko. Nakapag-almusal pa ako. Kaya lang, walanraw si Dr. Ramos. Nag-attendance lang kami. Nagpasa rin ako ng thesis titles. Sayang, matatagalan pa akong makapagsimula. Gayunpaman, hindi nasayang ang pagluwas ko. Tumulong ako kay Papang sa SBM. Nakasalamuha ko roon si Bes. Awkward man, pinilit kong gumawa nang relax. Past two na kami natapos ni Papang. Alas-tres, nasa AF ako. After one hour, umuwi na ako. Maaga pa sana akong nakauwi kundi lang ako na-traffic. Sobra! Nakakaburyong! Naglaba ako after kong magpahinga. May sakit pa rin si Emily. Nakakainis na nga. Antagal niyang gumaling. Naaantala rin ang mga gawain ko dahil sa kanya. Past 11 na ako nakahiga para matulog. Setyembre 15, 2019 Past 8:30 na ako bumangon. Kahit paano, nakabawi ako ng puyat. Kaya lang, malungkot ako. Kagagawan ko naman ang kalungkutan. Hindi ko pa kasi binabati ang asawa kong may sakit. Hindi ko rin maintindihan ang sarili ko. Ayaw na ayaw ko kasi talagang nagkakasakit siya. Feeling ko, pabigat siya sa akin kapag ganoon. Nag-gardening ako pagkatapos mag-almusal. Then, siningit-singit ko ang paglagay ng grades sa card at ang mga gawaing-bahay. Gusto ko nang batiin si Emily. Sa tingin ko kasi, iyon na lang ang kulang para gumaling siya. Kaya lang, hindi ko pa kaya. Naaawa rin ako sa kanya, pero sana kaawaan niya rin ako. Hindi siya dapat nagkakasakit. Hindi ako sanay ng nag-aalaga. Hindi rin ako sanay ng inaalagaan kapag may sakit. Kaya nga nang nagkasakit ako, pinilit kong gumaling. Setyembre 16, 2019 Hindi ako pumasok kasi malakas ng ulan. Alam kong hindi naman magsu-suspend ng klase ang mayor. Gusto ko lang umabsent kasi may sakit si Emily. Natulungan ko naman siyang maibsan ang dinaramdam niya. Nilagaan ko siya ng malunggay, na mainam para sa ubo. Pinag-almusal ko siya ng lugaw. Ako naman siyempre ang gumawa ng mga gawain niya. Hindi nga ako nakaidlip. Ayos lang naman. At least, nakapagpahinga ako sa klase. Hapon. Gumawa ako ng zine. Anthology iyon ng mga salaysay ng mga estudyante ko. Tungkol iyon sa mga paborito nilang guro. Sana walang pasok bukas. Nakakatamad bumiyahe kapag umuulan. Setyembre 17, 2019 Nasa Baclaran na ako nang malaman kong suspended na ang klase sa Pasay. Nainis ko! Late na naman ng announcement ng mayor. Sayang ang effort at pamasahe ko. Gusto ko pa namang matulog na lang. Gayunpaman, nakabalik ako sa bahay bandang alas-otso. Hindi pa rin okay si Emily. Inasikaso ko pa rin siya. Nilutuan ng sabaw. Past 1, nagsisigaw siya dahil hindi yata makahinga. Pero nakatulong yata iyon para umokay siya. Nakapag-gardening pala ako ngayong araw. Kahit paano, nainitan ang mga halaman ko. Ngayong araw, tumaas ang kagustuhan kong mag-vlog. Maraming nakapag-inspire sa akin. Kaya lang, hindi ko pa alam kung paano o anong content ang gagawin ko. Sana makaisip ako. Setyembre 18, 2019 May pasok na. Napakaaga ko ngang dumating sa school. Umidlip muna ako. Hindi na ako nag-flag ceremony. Sa VI-Love, hindi ako nagsalita. Hindi pa rin sila nagbabago. Lugi tuloy sila. Hindi kasi ako nagtuturo. Activity agad. Naaawa ako sa kanila, pero wala naman silang awa sa akin. Prinaktis ko ang sabayang pagbigkas ng mga Grade Six. Nalalapit na kasi ang program. Excited na rin daw ang mga kasali. Panay ang tanong kung kailan ang praktis noong wala ako. Pagkatapos, tinapos ko ang paggawa ng card. Ready na sa distribution. Then, nag-workout ako. Biceps at chest ang tinira ko. Hindi pa rin magaling si Emily. Ako pa rin tuloy ang gumawa ng mga gawaing-bahay. Haist! Hindi ko alam kung ano na ang sakit niya. Lagi raw masakit ang ulo. Inuubo pa. Ang hula ko, may plema lang siya. Hindi makalabas kaya sumasakit ang ulo at dibdib niya. Sana, gumaling na siya. Kapag may pera, ipapatingin ko siya sa doktor. X-ray na siguro, baka may tama rin ang baga. Setyembre 19, 2019 Nagturo na ako sa VI-Love. Binasahan ko sila ng kuwento at pinag-groupwork. Sa ibang sections, masigla rin akong nagturo. Hindi ko lang naturuan ang VI-Peace kasi may meeting kami with the principal. Tungkol sa first quarter recognition day at field trip ang meeting. After class, nag-practice kami ng sabayang pagbigkas sa stage. Tinapos na namin ang buong tula. Pupuliduhin na lang sa mga susubid na araw. Three-forty na ako nakapag-workout. Dahil na naman sa traffic, idagdag pa ang malakas na ulan, past six-thirty na ako nakauwi. Medyo okay na si Emily. Dumating kasi si Kuya Emer kanina. Hinilot daw siya. Sana maging okay na siya bukas. Kinontak ko si Sir Genaro kasi nagpapahanap si Ma'am Mina ng resource person sa pinaplanong story writing workshop. Ang mahal ng PF niya--P13k per day. Kinontak ko rin si Sir Rhandee Garlitos, kaya lang nagtatanong kung kailan. Hindi niya pa na-reply-an ang tanong ko kung magkano ang rate niya. Setyembre 20, 2019 Nagpasulat ako ng kuwento sa VI-Love habang nag-iikot ako ng koleksiyon sa death aid na para sa yumaong ama ni Sir Erwin. Eight, nagsimula na ang 'Parangal sa Unang Markahan.' Ang gulo at ingay ng mga estudyante. Hindi siguro sila maka-relate sa mga pangyayari. Ako pa naman ang nag-closing remarks. Kahit ginandahan ko ang talumpati ko, alam kung hindi lahat nakinig. Haist! Discipline problem sa Pinas. After program, recess naman at kaunting ikot-ikot uli. Isinunod ko naman ang practice ng sabayang pagbigkas. Hindi pa nga tapos, may mga dumating nang parents. Sa HRPTA meeting, nagsumbong ako sa mga magulang tungkol sa mga ugali ng kanilang anak. May mga napuri rin naman ako. Then, hinikayat ko silang tulungan akong magdisiplina. Naging interesado rin sila sa field trip sa November 12. Past 1, dumalo naman ako sa 'Parangal sa Unang Markahan' ng mga panghapong klase. Closing remarks uli ang papel ko at bilang Faculty President, kaya nasa entablado ako kasama ang principal at MT teacher. Past two, tapos na ang programa. Umalis agad ako para makapag-workout ako. Three: twenty-five, nasa AF na ako. Triceps at legs ang tinira ko. Past six-thirty, nasa bahay na ako. Masaya ako dahil mesyo malakas na si Emily. Soon, gagaling na siya nang tuluyan. Kaunting unawa pa. Setyembre 21, 2019 Kasama ko si Ion nang lumabas ako..Inihatid ko siya sa may school nila. Nangamba lang ako kasi parang nanibago siya. Muntik nang masagasaan nang bumalik o sumunod sa akin sa pagtawid para sabihing hindi doon ang school niya. Palibhasa, first time niyang mag-commute. Nasanay na may service. Hindi pa siya nakadaan sa highway, kaya hindi niya alam na naroon nga ang school niya. Chinat ko si Emily. Tama naman ako. Tama ang lugar, kung saan ko ibinaba si Ion. Then, nag-usap kami tungkol sa pangangailangan niya. Kailangan niyang maging street smart habang bata pa. Napaaga ako sa pagpasok sa klase ko. Worth it naman dahil pasado na ang isa sa tatlo kong thesis title. Namublema lang ako kasi nakapagsimula na ang iba sa Chapters 1 to 3, ako, title pa lang. Tapos, hindi ko pa alam kung ano ang gagawin. Anong uri ng research ba iyon at kung may questionnaire pa akong gagamitin, since test results ng Phil-IRI ang gagamitin ko. Past 11, tapos na ang klase. Pinapupunta na ako ni Ms. Krizzy sa kanila para sa house blessings nila. Kaya lang, mas ginusto kong malakad-lakad sa Baclaran para hindi ako ma-out of place sa bahay nila. Gusto kong makasabay sina Ma'am Edith at Ma'am Bel. Tumambay muna ako sa mall doon--mall na may aircon. Nakaidlip pa nga ako. Before one na ako pumunta roon. Nandoon na si Ma'am Edith. Ang sasarap ng pagkain, lalo na ang mga kakainin. Nabusog ako. Late na dumating sina Ma'am Bel at Ma'am Divine, kaya nakisabay uli kami sa pagkain. Inabutan kami roon hanggang past five. Nagkape at cake pa kami roon at nag-salad. Past 7:30 nang nakauwi ako. Hindi ako agad nakakain, kasi kinailangan kong tulungan ang parent ng dati kong estudyante, na na-inspire mag-aral ng Education. Nangako akong gagawan ko siya ng report at ihahanda ang kanyang demo sa Araling Panlipunan. Naglaba rin ako, habang nakikipagtagisan ng tula sa mga kasamahan ko sa ITW. Ang topic ay 'Pabor ka ba o hindi pabor sa No Homework Policy?' Past 11:45 na ako nakaakyat para matulog. Bukas, maglalaba uli ako. Gusto ko ring mag-gardening. At siyempre, sisimulan ko na rin ang SOP ng thesis ko. Setyembre 22, 2019 Naglaba agad ako pagkatapos mag-almusal.. Isiningit ko na rin ang garden works at paglilinis ng dog house. Pagkatapos, tinapos ko na ang lesson plan at lecture ni Mrs. Vibar. After lunch, umidlip ako. Hindi naman yata ako nakatulog. Okay lang naman. Pagkatapos ko namang maligo, gumawa ako sa garden. Iniba ko ang ayos niyon. Tinanggal ko ang tatlong malalaking Agave plants. Umaliwalas ang harapan namin at hindi na straight ang entrance sa pinto namin. Gabi na ako nakapaghanda ng DLL at IMs ko. Hindi rin ako masyadong nakapag-research para sa thesis ko. Gayunpaman, may nasimulan na ako. Setyembre 23, 2019 Balagtasan ang springboard ko kaninang umaga. Nainis lang ako sa VI-Charity kasi nagtuturuan nang magpi-present na. Ang hihina pa ng boses. Nainis din ako sa VI-Peace. Nagpakita sila ng pagiging hindi interesado. Mabuti na lang sinabihan ako ni Ma'am Vi na magpraktis na ng sabayang pagbigkas. So far, gumaganda na ang sabayang pagbigkas. Nadagdagan at napahaba ko pa iyon. Nilagyan ko ng actions ang ibang bahagi. Katatapos lang ng practice nang dumating si Mrs. Vibar. Inabutan kami ng pasadio alas-dos para sa discussion ng report at demo niya. Hindi tuloy ako nakapag-lunch agad. Okay lang naman. It's my pleasure to help. Very thankful nga siya. Sa Baclaran na ako nag-lunch bago ako nag-gym. Shoulders ang tinira ko ngayon. May kaunti ring calf. Past 7 na ako nakauwi. Sobrang traffic sa Tejero. Nakakabuwisit! Nakakatamad pa namang bumaba roon at maglakad. Anyways, nagawa ko namang mag-print ng IMs after dinner, kaya okay lang. Si Emily na ang nagplantsa ng uniform ko. Setyembre 24, 2019 Pagsunod sa Panuto' ang lesson ko ngayong araw. In-integrate ko ang paggawa ng greeting cards para sa Teachers' Day. Kahit hindi announced, nakagawa pa rin sila. Hindi nga lang masyadong magaganda. Gayunpaman, mayroon na akong panglagay sa narrative report. Nagalit ako sa VI-Love dahil mas maingay sila nang pumasok si Ma'am Vi. Nakita na tuloy ng mga VI-Peace, na naki-sit in sa amin, ang pagbasag ko ng mug. Gayunpaman, natahimik ang lahat. Nang lumabas kami ni Ma'am Vi. Tumahimik sila, nagpatay ng ilaw, at, ang iba, tumalungko sa armchair. Nagawa kong magpapraktis ng sabayang pagbigkas pagkatapos niyon. Umalis agad ako sa school after lunch. Umidlip ako sa PITX bago ako nag-workout. Antok na antok kasi ako. Maaga-aga akong nakauwi. Past 5 nasa bahay na ako. Nakapagmeryenda pa ako, nakapaghanda ng learning material, nakapagdagdag sa thesis ko, at nadiskubre ko ang Powtoon bilang kapalit sa powerpoint o bilang video maker. Interesado akong matutuhan ito. Sa tingin ko, maganda itong materyal para sa blog. Sana marami akong time para pag-aralan ito. Setyembre 25, 2019 Hindi na naman ako nakapagturo ng inihanda kong lesson. Andami kasing walang guro. Apat lang kami sa limang klase. Kakaunti rin ang bata dahil nasa Division Palaro. Gayunpaman, naging abala ako sa paggawa ng souvenir items, na ipapamigay sa guro sa October 2. Tinulangan ako ni Sir Joel at Ma'am Vi. Naging maayos naman ang lahat ng klase. Walang anumang negatibong insidente. Nakatulong naman ang pagkaklase ni Sir Hermie. Pinaghalo pa nga niya ang dalawang klase. Siya na lang yata kasi ang eager at inspired magturo. Sana all. After class, nag-lunch agad ako. Umidlip ako pagkatapos niyon. Then, gumawa ako ng visual aids para bukas. Gusto ko pa sanang mag-research para sa thesis, kaya lang mahina ang internet. Umuwi na lang ako. Past 5 nasa bahay na ako. Nakapagdilig pa ako ng mga halaman. Then, gabi, nadugtungan ko ang thesis ko. Kahit paano, nagkaroon na ng laman at direksiyon. Sana makapunta na ako sa National Library para mas marami akong makalap na datos. Setyembre 26, 2019 Grabeng traffic sa Gahak hanggang Zeus, kaya na-late ako. Nainis tuloy ako sa mga estudyante ko. Nagsiuwian sila. Ang iba, saka lang pumasok nang makita ako. Actually, five minutes late lang akong late. Hindi pa rin nila maalalang sinabi kong hindi ako absenero. Hindi rin naman ako laging late. Once in a blue moon nga lang. Dahil sa inis ko, hindi ko sila pinapasok sa classroom. Prinorate ko sila, since ang VI-Peace sang ang ipo-prorate dahil aalis si Ma'am Madz. Sabi ko, ako na lang ang magbabantay sa klase niya. Pumayag naman siya. Nagpaskil at nag-discuss ko ng 'Pokus ng Pandiwa's kanila. Then, tinapos namin ang souvenir items para sa Teachers' Day celebration. Sobrang busy ko kanina. Pati ang pagpapaikot ng memo at paghingi ng abuloy para sa namatay na guro sa BES, ginawa ko. Kaya naman, sa sobrang pagod at gutom, umidlip ako bago pumunta sa AF. Sa AF, triceps at back ang tinira ko. Nababagal na ako sa improvement ko. Hindi ko alam kung tama ng ginagawa ko. Basta nag-download ako ng app sa Playstore--Fitvate ang tawag. Sinusundan ko lang naman. Five o'clock, nasa bahay na ako. Nagdilig ako agad kasi parang nalanta na ang ibang halaman. Pagkatapos niyon, hinarap ko ang paggawa ngn thesis. Nae-enjoy ko na siya. May lumalalim na ang pag-aaral ko. I hope mabuo ko agad ang Chapters 1-3 para maipatsek ko na kay Dr. Ramos. Setyembre 27, 2019 Dahil six to ten lang ang klase, wala siyempreng palitan. Kaya, nag-individual activity lang ako sa klase ko habang may ginagawa ako about sa program sa October 2. Nakaraos naman kaya lang na-highblood ako last one minute na lang bago ang uwian. Pinapasok ko ang VI-Love habang nakapila. Wala kasi silang pakiramdam. Nasa unahan pa ako. Ayaw magsipila. Hayun, nahalungkat ko tuloy kung sino ang mga gumawa. Pinauwi ko na. Naiwan ang 2/3. Buwisit! Andami pala talagang tamad. Kung wala lang meeting, talagang magtatagal sila sa classroom. Na-bad trip din ako sa mga performers ng sabayang pagbigkas. Andaming absent. Hindi ko tuloy ituloy ang practice. Ten-thirty, nagsimula ang meeting. Tungkol iyon sa Workplace by Facebook. Kailangan naming mag-sign up. Then, may other matters na sinabi si Ma'am Laarni. Past 1:30 PM, pumunta kami sa JRES nina Ma'am Laarni, Ma'am Amy, at Ma'am Joan para sa 2019 Loyalty Awards. Naroon ako bilang Faculty President. Sana hindi na rin ako sumama gaya kay Ma'am Vi. Nainitan lang ako sa labas ng venue hall. Crowded sa loob, kaya nasa labas lang ang mga Faculty President. Gayunpaman. Thankful ako dahil nakakuwentuhan ko sina Ma'am Amy at Ma'am Joan nang pauwi na kami. Gamit ang car nina Ma'am Amy, binaba niya kami ni Ma'am Joan sa Imus. Mahaba-haba ring kuwentuhan ang nagawa. Marami akong natutuhan at nalaman. Past 8 ako dumating. Gutom na gutom ako, mabuti na lang may mainit na sabaw na nakahain o naihanda si Emily. After dinner, nanuod kami ng 'Hello, Love, Goodbye.' Maganda ngaang movie. Setyembre 28, 2019 Nakipagkuwentuhan ako sa mga kaklase ko bago dumating si Dr. Ramos. Nagpapasa na siya ng schedule ng colloquim namin. November 23 ang pinili ko. Siya rin ang isinulat ko bilang adviser ko. Pero, ayon sa kanya, ipapa-approve niya pa iyon kay Dr. Estuche. Sana mapili niya ako. Gusto ko siyang maging adviser kasi magaling at istrikta siya. Mapapahiya ka kapag mahina ka, pero at least ikakatuto mo. Nagpauwi si Dr. Ramos bandang alas-diyes. Puwede na rin daw na huwag munang pumasok. Kailangan niya lang ang Chapters 1-3. Nag-workout ako bandang alas-10:41 ng umaga. Kakaunti lang ang clients doon, kaya malaya akong nakagalaw. Past 1:30 na ako nakauwi at nakapag-lunch. Hindi ako kaagad nakapaggawa para sa thesis. Nang namalengke si Emily saka ako nakakilos. Nagdilig muna ako ng mga halaman. Past 9:30 na ako huminto sa pagtapos ng thesis. Marami-rami rin akong naidugtong. Setyembre 29, 2019 Napakaproduktibo ko ngayong araw. Paggising ko pa lang at habang nagpapakulo ng tubig para sa kape, nagsalang na ako ng mga labahin sa washing machine. Pagkatapos maglaba, nag-gardening naman ako at naglinis ng doghouse. Then, hinarap ko ang thesis ko. Nakakaadik na ito. Parang ayaw ko nang umalis sa harapan ng computer. Kundi nga ang ako inantok badang alas-2:30, hindi ako titigil. Pagkatapos kong umidlip, nag-gardening uli ako. Then, hinarap ko na uli ang thesis. Ang hula ko, maaga kong maipapasa ang Chapters 1-3. Sana nga... Maaga pa lang, declared na ni Mayor Rubiano na walang pasok bukas dahil sa transport strike. Natuwa ako at nalungkot. Natuwa, dahil makakapag-thesis writing ako. Nalulungkot kasi inaaalala ko ang Teachers' Day sa October 2. Gagahulin kami sa preparasyon. Wala pang stage decoration. Hindi pa rin kasado ang mga presentations ng mga bata. Before 12 na ako umakyat para matulog, nanuod kasi ako at nagpost ng videos sa youtube. Setyembre 30, 2019 Hindi ako nakatulog nang maayos. Six o' clock, gising na ako. Pinilit kong makatulog uli, pero hindi ko nagawa. Kaya, bumangon na lang ako at naghanda ng almusal. Pagkatapos mag-almusal, nag-gardening ako. Gumawa ng vegetable nurseries, gamit ang sakop ng semento. Nakaubos ko ang sawdust at garden soil. Ayos lang naman. Gusto ko naman kasing makapagpatubo ng mga organic na gulay. Then, nilaan ko ang buong araw ko sa paggawa ng thesis. May mga pahinga naman. Hindi nga lang ako nakatulog, kahit umidlip ako. So far, 40+ pages na ang thesis ko. Lalampas pa ito kasi hindi ko pa naisaayos ang spacing. Excited na akong magpasa!

Sunday, September 1, 2019

Buhayin Natin ang Mundo

Mahigit-kumulang 100 milyong nilalang sa karagatan ang namamatay dahil sa basura, na kagagawan ng mga pinakamatatalinong nilalang sa mundo---ang mga tao.

Alam ba natin na ang bawat basura ay may buhay rin katulad natin? 

Ang mga papel ay tumatagal hanggang 6 na linggo. Ang karton ay nabubulok sa loob ng 2 buwan. Ang damit na koton ay natutunaw sa loob ng 2 hanggang 5 buwan. Ang upos ng sigarilyo ay tumatagal mula 1 hanggang 5 taon. Ang plastic bag ay natutunaw sa loob ng 10 hanggang 20 taon. Ang gomang tsinelas ay nabubulok sa loob ng 50 hanggang 80 taon. Ang styrofoam ay hanggang 50 taon. Ang aluminum ay kayang magtagal hanggang 80-200 taon. Ang plastic na bote ay nagtatagal hanggang 450 taon. Samantalang, ang glass bottle ay hanggang 1 milyong taon. 

Kung alam natin ang mga ito, pahahalagahan natin sila at ang kalikasan dahil sa bawat basurang itanatapon natin, perwisyo sa ang idinudulot nito. Kung sa bawat maling pagtapon ng basura ay libo-libong buhay ang maaapektuhan, ano na lang ang magiging kinabukasan ng mga susunod na salinlahi?

Ang tao ay nilikha na may pinakamataas na antas ng kaisipan. Ako, ikaw... tayo! Tayong lahat ay nararapat na maging matalino. Ang kalikasan ay bahagi ng ating mundo. Ang bawat nilalang dito ay nararapat ding ingatan, pangalagaan, at protektahan.

Ang basura ang numero unong pumapatay sa mga hayop, kapaligiran, at tao. Kung alam lang sana natin kung paano maging responsable, disin sana'y isang paraiso ang mundo.

Tayo, mga tao, ay kawangis ng Manlilikha. Huwag nating kitilin ang Kanyang mga obra. Sa halip, sinupin natin ang ating mga basura. Buhayin nating muli ang ating mundo. 

Friday, August 23, 2019

Graviola: Tsek o Eks?

Nakakatakot ang breast cancer!

Ang breast cancer ay numero unong kanser na kumikitil sa mga Filipino ---babae man o lalaki. Ayon sa Philippine Obstetrical and Gynecelogical Society, tatlo (3) sa bawat isandaang (100) babae ay maaaring tamaan nito. Samantala, bihira ang kaso nito sa mga lalaki. 

Nakamamatay ang breast cancer. Nagagamot naman ito, ngunit suntok sa buwan ang tsansa. Ayon sa statistics, isa (1) sa apat (4) na cancer patients ay namamatay pagkatapos ng limang taon. Ang chemotherapy naman ay 7% lang ang kakayahang pigilan ang paglaganap ng cancer cells. At fifteen percent (15%) ng mga taong may cancer ang nakapapamuhay nang normal pagkatapos ng chemo treatment. Bukod sa may kamahalan ito, may mga side effects pa, gaya ng pagkakalbo, pagkahilo, pagsusuka, pagtatae, at iba pa. Kaya naman, ayaw ng iba ang ganitong paraan ng paglulunas. 

Don't worry. Be happy pa rin... Ang mga eksperto ay patuloy na tinutuklas ang lunas sa breast cancer. Iba't ibang pagsusuri at pag-aaral ang kanilang isinasagawa upang ang nakamamatay na breast cancer ay hindi na katakutan ng mga tao.

Good news! Ang guyabano ay may potensiyal na sugpuin ang ilan sa mga deadly cancer--- isa na ang breast cancer. 

Ang guyabano (Annonamuricata Linn.) ay kilala rin bilang paw paw, soursop, at graviola. Ito ay masustansiyang prutas. Maasim ito, ngunit matamis. Nagtataglay ito ng mahahalagang sangkap: beta-sitosteryl fatty acid ester, beta-sitosterol, alpha-amyrin, beta-amyrin, at squalene. Ang bawat isa ay may kanya-kanyang kakayahang pangmedikal. Ang beta-sitosterol ay may abilidad na puksain ang breast cancer. 

Ang dahon, balat ng puno, ugat, at prutas ng graviola ay mabibisang alternatibong gamot sa iba't ibang karamdaman, na pinaniniwalaan at ginagamit sa iba't ibang panig ng mundo. Ang dahon nito ay nagtataglay ng annohexocin, na nagpakita ng kakayahang wakasan ang problema sa breast cancer. 

Worry no more dahil ang graviola ay nasa capsule na!

Yes, laganap na ngayon ang graviola capsule bilang panlunas sa cancer. Subalit, hindi ito sinasang-ayunan ng mga cancer organizations dahil hindi pa matibay ang ebidensiya, na nakakapagpagaling nga ito ng breast cancer. Ayon nga sa kanila, may mga side effects ang pagkonsumo ng capsule at natural na graviola.

Yay! Kung ang pasyente ay may high blood at diabetes, posibleng maapektuhan ang kanyang kidney. Nagdudulot din ito ng hallucinations at nerve damage. 

Haist! May mainam pa rin ang "prevention is better than cure." Sa mga meron na, consult the doctor. Ang graviola ay maaaring tsek o eks sa breast cancer treatment. Mag-ingat sa paniniwala sa mga impormasyon tungkol dito at sa bisa nito. 



Thursday, August 22, 2019

G na G!

"I believe I can fly... I believe I can touch the sky... I think about it every night and day... Spread my wings and fly away..." Iyan ang paboritong linya sa paboritong kanta ni Gina Lopez. 

Ang kantang iyan ay nagsilbing-gabay niya upang maniwala siya sa kanyang mga kakayahan at hangarin. Sabi nga niya, "If you can see it, then you can do it. If you believe it, then you can do it."

Sa pagsilang ni Gina Lopez, walang nakapagsasabi kung ano ang halaga niya sa mundo at ano ang magagawa niya para sa bansa hanggang sa sumibol sa kanyang puso ang pagmamahal sa kapwa at kalikasan. 

Si Gina Lopez ay isinilang na may gintong kutsara sa bibig, subalit mas pinili niyang mamuhay na malayo sa karangyaan. Namana niya ang pagiging pilontropo sa kanyang ama. Naging misyonaryo siya at naging environmentalist. 

Dahil sa pagpapahalaga sa edukasyon at mga kabataan, sinimulan ni Gina Lopez ang educational TV programs gaya ng 'Math-Tinik' at 'Hiraya Manawari.' Isinalba rin niya ang mga naabuso at inabandonang kabataan sa pamamagitan ng 'Bantay-Bata 163.' Marami ang nakinabang sa mga programa at proyekto niya. Lalo siyang minahal ng mga Filipino.

Dahil din sa pagmamahal sa kalikasan, sinimulan ni Gina Lopez ang mga programang 'Save the La Mesa Water Shed' at 'Kapit-Bisig para sa Ilog Pasig.' Marami ang sumuporta sa kanya. Malaki rin ang naging pagbabago sa kalikasan. Kinilala rin siya sa ibang bansa dahil sa kanyang mga adbokasiya

Tinanggap din ni Gina Lopez ang pagiging DENR Secretary nang italaga siya ni Pangulong Duterte. Agad niyang ipinasara ang mga abusadong mining companies sa bansa. Marami ang natuwa sa radikal niyang pamumuno. Maraming buhay ang naisalba niyap sa sakit at posibleng kamatayan. Libo-libong Filipino ang humanga sa kanyang tapang, dedikasyon, at pagmamahal. May mga iilang umalma rin, lalo ang mga may-ari ng minahan at ang mga nawalan ng trabaho. Hindi man siya nagtagal sa posisyong iyon, nanatiling marubdob ang hangarin niyang makatulong sa sambayanan. Ipinagpatuloy niya ang pagdiskubre sa mga nakatagong likas na yaman ng Filipinas at pagtulong sa mga komunidad, lalo na ang mga katutubo.

G na G si Gina Lopez sa kanyang programang 'G Diaries.' Walang nakapansing may iniinda siyang sakit. Sa kanyang malasakit sa kapwa, walang nag-aakalang may itinatago siyang problema. Sa kanyang ngiti at tawa, walang nakapagsabing siya'y magpapaalam na. 

Ang kanyang pamamaalam ay hindi kawalan, kundi isang inspirasyon. Sa kanyang paglisan, isang kanta ang magpapaalala sa kanyang katatagan at paninindigan at pagmamahal sa kapwa at kalikasan.


Bawas-Kalbaryo, Dagdag-Suweldo

Kay sarap pakinggan ang dagdag-sahod ng mga guro na ipinangako ni Pangulong Rodrigo R. Duterte sa kanyang State of the Nation Address (SONA)! Kung isa na naman itong pangakong mapapako, kaawa-awa ang mga kaguruang tapat kung magserbisyo. 

Matatandaan noong nangangampanya pa lamang si Duterte, ipinangako niyang dodoblehin ang sahod ng mga guro, pero hanggang ngayon umaasa pa rin ang mga edukador ng Filipinas. Nadoble na ang suweldo ng mga pulis at sundalo, ngunit nganga pa rin ang mga guro. Samot-saring panukala na rin mula sa iba't ibang mambabatas ang ipinahayag upang tugunan ang pambansang hinaing ng mga teachers, ngunit wala pa ring pagbabago.

Ninais ni Senator Juan Edgardo 'Sonny' Angara na itaas ang salary grade ng entry level, mula SG 11 patungo sa SG 19 o mula P20,754 patungong 36,409 buwanang sahod. Ano'ng nangyari? Waley!

Ipinanukala naman ni Senator Francis 'Kiko' Pangilinan na dagdagan ng P10,000 kada buwan ang kasalukuyang suweldo ng mga guro. Hanggang ngayon, mainit pa nilang pinagdedebatehan ang panukala sa malamig na plenaryo.

Hangad naman ni Senator Nancy Binay na taasan ang monthly salary ng mga teaching and non-teaching personnel up
ang maging P28,000 at P16,000 ang basic salary ng mga ito. Bukod dito, hinihikayat niyang pondohan din ang educational assistance ng mga maestro at maestra sa mga pampublikong paaralan. Anyare? Heto, umaasa pa rin sila.

Ang lahat ng iyan ay inalmahan ni DepEd Secretary Leonor M. Briones. Para sa kanya, ambisosyong hiling ang pagtaas ng suweldo ng kaguruan dahil ito ay nangangahulugan ng karagdagang P75 bilyong pondo.

Dahil sa kanyang matalim na pahayag, ang mga umaasang guro ay umingit, uminit, nagalit, at lalong iginiit ang tanging hiling--- dagdag-sahod, hindi limos. Ayon sa kanila, hindi makatao at makatarungan ang kanilang natatanggap sa kasalukuyan.

Kung hindi lamang ito naipaliwanag nang husto ng dating Budget Chief Benjamin Diokno, patuloy ang pagsigaw ng mga guro ng 'Briones, Resign!' Dagdag-Sahid. Hindi Limos!' at 'Salary Increase Now!'

Wala na ngang sasarap pa, para sa mga guro, ang matanggap nila ang unang sahod na may dagdag. Kaya, sa mga mambabatas na may puso, sana isa man lamang sa mga panukala nila ang maipatupad. Ang hangad lang naman nila'y bawas-Kalbaryo, dagdag-suweldo.

Tuesday, August 20, 2019

Gusto ni Onik ng Baboy

Gustong bumili ni Onik ng baboy. Sabi ng kanyang ina, kaya niyang bumili niyon mula sa kanyang baon. Daragdagan pa niya ito kung tutulong pa si Onik sa paglilinis ng bahay. Sabado, tinulungan ni Onik ang ina sa pagwawalis at pagpupunas ng sahig hanggang sa ito ay kumintab. Naragdagan ng limang piso ang ipon niya. Pagkatapos ng klase, habang naghihintay ng sundo, bumili si Onik ng mga aalagaang isda. Nakalimutan niya ang tungkol sa baboy. Tuwang-tuwa siyang tingnan ang makukulay na isda sa aquarium. Pagkatapos, binilang niya ang kanyang pera. Halos wala nang natira. Hindi na iyon makakabili ng gusto niya. Dumating ang Sabado. Tumulong si Onik sa ina sa pagluluto. Gustong-gusto niyang mabili ang baboy. Kaya, tumulong uli siya sa paghuhugas ng mga plato. Nakatanggap siya ng sampung piso. Iniwasan ni Onik ang tumingin sa mga paninda sa labas ng eskuwela. Tinatakpan niya ang mga mata kapag dumaraan siya. Isang araw, nakalimutan na naman niya. Bumili siya ng sorbetes na paborito niya. Mura lang naman iyon, pero kulang pa rin ang ipon niya para sa gusto niyang bilhin. Nalungkot si Onik habang binibilang ang pera niya. Hindi pa niya mabibili ang baboy na gusto niya. Nag-isip nang nag-isip si Onik. Nagplano siya nang nagplano Hindi naman siya nagmamadali, kaya ang pagtitipid at pag-iipon ang plano niya. Nagbasa siya ng mga libro sa halip na bumili ng laruan. Tumulong sa kanyang ina upang maragdagan ang ipon niya. Pagkalipas ng tatlong linggo, sapat na ang pera ni Onik. Nabili na niya ang malaking alkansiyang baboy na pangarap niya. Nagtagumpay siya sa kanyang plano. Ipagpapatuloy niya ang pagtitipid at pag-iipon. Sa susunod, alam na niya ang kanyang bibilhin... bisikleta!

Tuesday, August 6, 2019

Ang Aking Journal -- Agosto 2019


Agosto 1, 2019

Hindi ako napakali hanggang hindi ko nakausap si Jul. Nagbulid ako ng sinulid upang ipabatid sa kanya, na mali ang ginagawa niyang pagtitinda sa klase ko at sa ibang klase. Ginawa ko iyon sa mahinahon at propesyunal na paraan. Sa tingin ko, naniwala naman siya sa sinabi kong may tumawag na parent. Nagtatanong ito kung bakit pinagbayad ang anak niya ng P25 at umuwing gutom na gutom. Binigyan ko naman siya ng pagkakataong magpaliwanag. Then, pagpasok niya sa klase ko, kinausap niya ng mahinahon ang mga bata. Kaya lang, napag-alaman ko, nagbenta na naman siya ng gummy bear at Coca-Cola candies. May summative test daw sila sa Lunes at may babayarang P5 kada isang bata. Muli kong hinikayat ang advisory class ko na maging matalino sa mga bayarin. Pinaramdam at sinabi ko sa kanila na ako dapat ang kanilang paniwalaan at pakisamahan dahil ako ang adviser nila. Huwag silang maniwalang ibabagsak o hindi pagragradweytin sila kapag hindi bumili sa kanya.Nainis naman ako kay Papang dahil nang nag-confide ako ng mga issue, ayaw niyang tumulong na ipaabot sa kinauukulan o sa kabilang panig ang aking mga hinaing. Bilang leader, sana tumutulong siya na maging maayos at matiwasay ang samahan ng bawat isa, lalo na't kaibigan niya ang involved. Ang problema, ayaw niyang tumulong. Kaya naman, kay Ms. Kris ako nagsumbong. Pareho pala kami ng sentiments, gayundin si Ma'am Bel. Haist! Nakaka-disappoint...



Agosto 2, 2019

Malakas ang ulan habang nasa biyahe ako, kaya hiniling ko na sana ay i-suspend na ang klase. Kaya lang, nakarating na ako lahat-lahat sa school, wala pa ring suspension. Okay lang naman dahil kakaunti ang mga batang pumasok. Mas magulo at maingay nga lang.
Natuwa ako dahil hindi natuloy ang parada, pero nalungkot ako dahil hindi nalaman at nakita ng kalaban namin ang aming silent protest-- ang pagsuot namin ng itim na damit. Gayunpaman, naisip kong tinulot ng Diyos na mangyari iyon dahil nakakaawa si Karen. Biktima rin pagmamanipula ni Bes. Gusto namin siyang suportahan pero nakikinig siya sa sutsot nito, which is mali.
Dahil sa ginawa nilang hindi pagdalo noong farewell party ni Ma'am Fat. Nahiya si Karen sa akin, ayon kay Ma'am Vi. Hinikayat ng huli na kausapin ako, kahit alam niyang magagalit ako. Ginawa naman niya. Okay lang kahit sa may hagdan niya lang ako kinausap nang makasalubong ako. Sinabi niyang postponed ang parade at next week na lang itutuloy. Okay, ang sabi ko.
Nagpasulat ako sa advisory class ko ng sanaysay, habang nag-aalmusal ako. Pagkatapos, nakipagkulitan ako sa kanila. Iyon na ang pinakamasaya kong bonding sa kanila. Naramdaman ko ang pagmamahal nila sa akin. Lahat sila, gusto nilang mapalapit sa akin, magkuwento sa akin, at kausapin ako nang kausapin. Masaya naman silang kabonding. Hindi ko pinagsisihan kung bakit pumasok pa ako kahit bumabagyo.
Isang libreng tanghalian, mula kay Ma'am Vi, ang bumuo sa aming Grade Six teachers habang naghihintay sa mga sundo ng mga estudyante. Nagplano rin kami tungkol sa farewell party para kay Ma'am Basil, nagaganapin sa Agosto 12.
Before 2:30, nasa PITX na ako. Nag-workout ako. Pagkatapos, umuwi agad ako. Mabuti na lang humina ang ulan nang naglalakad na ako patungo sa bahay. Thanks, God, sa masaya at mapagpalang araw na ito!



Agosto 3, 2019Magdamag ang ulan, kaya halos wala naman akong matinong tulog. Bumangon naman ako nang maaga para mag-gardening, ang kaso, hindi naman makalabas. Umaambon at maya-maya ang ulan.
Ang nangyari pa, lumala ang pilay ni Emily sa braso. Hindi niya maigalaw. Sumatutal, ako ang gumawa ng lahat ng trabaho niya-- hugas, luto, at laba. Maghapon akong magtrabaho. Na-realize kong hindi madali ang ginagawa niya. Idagdag pa ang kulit ni Zillion.
Nagpahilot naman siya kanina, kaya umaasa akong sa Lunes ay makakapagbasa na siya ng kamay. Sana maging okay na ang braso niya.
Dahil sa nangyari, halos wala akong nagawa sa laptop ko. Balak ko pa naman sanang gumawa ng zine. Mabuti nga, naisulat ko ang balagtasang ipinagawa sa akin ni Josie.
Bukas, babawi ako. Kailangang magawa ko na ang lahat ng mga dapat at gusto kong gawin ngayon.


Agosto 4, 2019Gaya kahapon, ako ulit ng gumawa ng mga gawaing-bahay. Gayunpaman, nakaya na niyang mag-grocery. Ako naman, gardening ng pinokusan ko. Nag-dish gardening din ako. Enjoy naman. Kaya ko naman pala. May time pa nga ako para mag-FB. Hindi ko nga lang nagawa ang zine na pinaplano ko. Nasimulan ko lang i-type ang isang story ng estudyante.
Gabi, nagpakapuyat ako para hintayin ang announcement ng suspension ng klase. Nag-suspend na kasi ng ibang division. Sana all.



Agosto 5, 2019Kagabi pa ako nag-aabang ng suspension of classes, pero wala. Uminit naman kasi. Marami ring estudyante ang pumasok, pero wala si Sir Cute, kaya sira ang palitan ng klase. Nahirapan tuloy ako at hindi ko naituro ang naihanda kong lesson. Gayunpaman, natuto sa akin ang VI-Love. Pinasulat ko sila. Kinulit ko at nakipagkulitan din ako sa kanila.
After class, nakipagkuwentuhan ako kina Ma'am Vi at Sir Joel. Inabot kami ng alas-dos.
Past 3, nasa AF na ako. Leg exercise ang pinagawa sa akin ni Coach Renz. Ang hirap! Abot-abot ang aking hininga.
Past 6, nakauwi na ako, bago bumuhos ang malakas na ulan.
Hindi pa rin okay ang kamay ni Emily. Masakit pa rin at hindi niya maigalaw masyado. Sana gumaling na siya. Nakakaapekto sa aking schedule. Ako pa kasi ang gumagawa ng mga gawaing-bahay.



Agosto 6, 2019Wala pa rin kaming palitan ng klase kasi may sakit si Sir Albert. Nahihirapan ako kapag ganito. Maghapong kasasaway at katuturo. Mabuti na lang, may mga katulong akong magsaway. At kahit paano, nadadaan ko sila sa karisma. Hindi na lang ako masyadong naha-high blood. Mas gusto nila ang nagpapatawa ako.
After class, tinapos ko na ang LIS ko. Hundred percent na. Bahala na kung may estudyanteng ka-drop-drop. Ang mahalaga, hindi ako mag-abono sa financial assistance ng mga bata. Ang sabi raw kasi, kung sino lang ang nasa LIS, iyon lang ang bibigyan ng allowance.
Okay!
Past 5 na ako nakauwi. Kahit paano, nakapag-gardening ako. Naabutan ko pa ang pagbili ng isang customer.Agosto 7, 2019Nakapagpalitan na kami ng klase kanina kasi pumasok na si Sir Hermie. Mabuti na lang, always ready ako.
After class, free ang lunch. Nagpakain si Sir Hermie. Isang masagana at masayang salusalo ang naganap. Nakapag-uwi pa ako ng dog food.
Nagpapirma lang ako kay Ma'am Laarni ng invitation para sa retirement party ni Ma'am Basil, then pumunta na ako sa Anytime Fitness. Nalungkot ako kasi tapos na ng free sessions. Sinabihan ako ni Coach Renz na ituloy namin ang session sa Friday. It means, kailangan ko na namang magbayad. Paano ko kaya sasabihin sa kanya na ayaw ko na munang magpa-PT kasi wala na akong budget?
Haist! Sana masabi ko... kahit sa Messenger.

Agosto 8, 2019Nagpalitan uli kami ng klase kanina. Enjoy ko naman ang pagiging guro, maliban sa isang section na may mga papansin. Hindi naman ako masyadong nagalit. Tama lang.
After class, isang free lunch uli ang naganap. Mula naman sa Kinder ang pagkain. Tinulungan naman silang maggupit ng mga learning materials nila. Tapos, nagkuwentuhan pa kami at miniting kami ni Mudra.
Past 5 na ako nakauwi sa bahay. Kahit paano, nakaidlip ako sa bus, kaya nakagawa ako ng mga gawaing-bahay, na hindi nagawa ni Emily dahil bawal pang mabasa.


Agosto 9, 2019Nasa Umboy na ako nang makumpirma kong walang asok sa Pasay. Mabuti, chinat ako ng parent ni Andrea. Past five na nga ako nakaalis sa bahay kasi parang namaligno ako. Alam kong 3:45 ako bumangon. Imposibleng bigla na lang naging 5:00 nang nasa banyo na ako. The same pa rin naman ng kilos at mga ginawa ko. Anyways, mabuti na lang suspended ang klase.
Nakauwi na ako nang bumuhos ng ulan.
Then, naglaba ako after bumangon at mag-almusal ng mag-ina ko. Hindi ko naman iyon ikinapagod. Okay lang. Mabilis ko lang natapos.
Nag-gardening din ako kahit umuulan. Nagkapote lang ako.
Nang hapon na, tumigil na ang ulan. Nakapag-gardening uli ako. Nakaka-miss magtanim. Wala na namang paso. Andami pang garden soil.


Agosto 10, 2019Before 7:30, nasa CUP na ako. Nakapag-almusal pa ako bago dumating ang professor namin sa Thesis Writing, na si Dr. Lurida D. Ramos. Siya pala ng kinatatakutan at sinasabing namamahiya ng estudyante. Gayunpaman, nang nagsimula na siyang mag-orient, parang nagustuhan ko ang estilo niya. Although, may nasampolan agad, hindi pa rin ako natakot o na-intimidate. May point naman kasi siya kung bakit nasasabi niya ang mga iyon.
Tinapos niya ang tatlong oras sa pag-oorient. Pinag-introduce yourself niya pa kami. Kahit paano, nakampante ako sa kanya. Witty naman siya at may laman ang sinasabi. Kaya naman, motivated akong tapusin ang pagti-thesis kahit magastos.
Past 11:30, nasa gym na ako. Wala roon si Coach Renz. Halos ako lang ang customer doon. Nasolo ko ang lugar, kaya hindi ako nahiyang mag-work out mag-isa.
Inalala kong lahat ang mga ipinagawa sa akin ni Coach Renz. Shoulder and back at abs ang winork out ko.
Past 1:30, nasa school na ako, kasama ko sina Papang, Sir Archie, at Ma'am Bel sa paghihintay kay Mj para sa pagpunta namin sa bahay ni Ma'am Basil.
Matagal kaming naghintay. Mga past 3 na kami nakaalis, gamit ang sasakyan ng kapatid ni Mj. Natagalan kami sa biyahe kaya gutom na gutom ako.
Pagdating naman doon, nalula ako sa dami ng pagkain. Bumilib ako sa kakayahan ni Ma'am Vi na mag-solicit.
Isang maingay at masayang selebrasyon ang naganap. Hindi man kami kompleto, pero alam kong napakasaya ni Ma'am Basil. Nakita niya ang aming pagmamahal sa kanya at pagkakaisa.
Nagkainan, nag-inuman, at nagkantahan kami. Nagpalaro pa ng banana-eating si Ma'am Nicka, kaya andaming tawanan. Hindi man nag-stay nang matagal ang iba, sulit naman ang kanilang pagdalo.
Past 12, natapos ang party. Nakapaglinis na kaming Grade Six advisers, except Ma'am Madz at sina Ma'am Anne at Ma'am Cieline.
Napagkasunduan naming mag-stay na lang kasi baka wala nang biyahe, kaya nagkuwentuhan kami hanggang antukin ako. Nakaidlip ako kahit ilang minuto. Almost 5 am na kami umalis sa bahay ni Ma'am Basil.
Past 6:30 na ako nakarating sa bahay. At almost 8 naman nakatulog.



Agosto 11, 2019Past 1 na ako bumangon at nag-lunch. Kahit paano ay nabawi ko ang puyat ko. Kaya naman, nakapag-gardening agad ako.
Dalawang beses akong nag-gardening ngayong araw. Ang ikalawa ay pagkatapos kung umidlip at magmeryenda.
Gabi, nag-encode ako ng mga stories ng pupils ko. Sinumulan ko na rin paggawa ng zine. Tatlong kuwento na ang nailagay ko.
Nanuod din ako ng tv hanngang past 11:30, wala naman kasing pasok bukas.


Agosto 12, 2019Nakatulog ako nang mahaba-haba kahit nagpuyat ako kagabi. Sumapat ng tulog ko, kaya nagawa ko ang gusto kong gawin, like gardening. Naisaayos ko ang bahagi ng hardin namin na nabangga ng motorsiklo kahapon, bago magdilim.
After gardening, humarap naman ako sa laptop para sa printing at editing. In-edit ko ang story ni Ma'am Joann na ipapasa niya sa DepEd. Nag-brainstorm din kami tungkol sa plot development. I hope makasali kami at maipasa ni Ma'am Normina ang mga entries namin. Hindi gaya ng ginawa niya niya last last year.
Hindi naman ako nakasulat ng kuwentong pambata. Pinagbigyan ko kasi ang antok ko. After maligo, natulog ako. Mga five na ng hapon na ako nagising. Ang sarap naman kasi talagang mahiga at matulog. Salamat sa mga Muslim at sa kanilang Ramadan. Kahit paano, nakapagpahinga ako. Sarap ng may long weekend!



Agosto 13, 2019Gusto ko sanang magkaroon ng elimination round para sa Sulkas (Sulat-Bigkas) Tula sa mga kalahok sa Grade Six, kaya lang hindi natuloy. Sa hindi ko alam na dahilan, naurong ang plano. Okay lang naman. Nag-self contained na lang kami.
Nagpa-games ako sa advisory class ko. Ni-relate ko iyon sa aming aralin. Then, nagpasulat ako ng mga natutuhan nila sa Filipino 6.
Nabawasan ang time ko sa kanila nang pumasok ang Bethany, si Sir Jul, at ang OLS. Ayos lang. Nabawasan din ang time ko para magsaway. Ang maganda roon, may naisumbong naman sila sa akin tungkol kay Sir Idol, na nagbebenta ng gummy bear at naniningil ng summative test papers.
After lunch, bumiyahe na ako patungo sa AF. Doon naabutan ko si Coach Renz. Nagkawayan lang kami. Awkward man, pinilit ko pa ring mag-work out mag-isa. I hope, tama ang ginagawa ko. Noon ko nakita ang halaga ng PT.
Past 5, nakauwi na ako. Nakapagpagupit pa ako.



Agosto 14, 2019Ako lang ang hindi nakauniporme sa Grade Six. Gusto ko lang mag-silent protest sa OIC ng school. Kahapon pa siya umupo dahil nasa seminar ang principal. Kahapon, nagpalit lang ako ng civilian clothes. Nang-aasar lang. Effective naman siguro.
Halata rin namang piniliplt lang niyang mag-uniform for leadership's sake. Halos araw-araw kasi hindi siya nakauniporme. Nakakapagtaka kung bakit two days na siyang nagsuot ng uniporme.
Well, talo siya sa amin. Marami ang nag-silent protest.
Idagdag pa ang pagbaba naming Grade Six para sa SulKas Tula Elimination at Quiz Bee tungkol sa kasaysayan ng Filipinas. Wala naman siyang sinabi. Hindi rin siya lumapit. Besides, maganda ang ginawa namin, since testing period naman at napapanahon.
In fact, nagustuhan iyon ni Ma'am Erni, supervisor ng AP. Ipagpatuloy raw namin. Narinig iyon mismo ng feelingerang OIC.
After class, nag-stay muna ako sa room dahil ginawa ko ang attendance sa Profile ng mga bata. Then, hinintay ko ang isang parent para sa submission ng requirement sa financial aid ng city hall.
Past 5:30, nasa bahay na ako. Nakapagdilig at nakapagtanim pa ako kahit paano.


Agosto 15, 2019Na-postponed ang test, kaya dumiskarte na lang ako para ma-entertain ang mga bata. Nagpa-test din kami, gamit ang test papers last year. Nakakainis kasi ang SDO. Lagi na lang nade-delay. Sana hindi nila kami madaliin sa mga reports at grades.
Before 11, pinatawag ako para sumali sa meeting ng Grade 4 at ibang grade leaders. Tungkol sa lipatan ang agenda at nauwi sa iba't ibang issue. Nakakainis lang. Parang sila na naman ang magaling. Pero, at least, nakapagsalita ako. Naipahayag ko ang iba kong nasa puso.
Nagutuman lang ako. Past 1:30 na ako nakakain kasi nakipagkuwentuhan pa ako sa mga kasamahan ko.
Nag-gym ako bandang 3:45. Nag-chat pa kasi ako at umidlip sa waiting area.
Seven-thirty na ako nakauwi.


Agosto 16, 2019Nagpa-film showing at poster-making kami kanina sa mga bata dahil wala pa namang test papers at saka mandated naman ng AP supervisor. Medyo magulo nga lang at maingay. Mas gusto ko pa rin ang nagkaklase at nagpalitan ng klase. Gayunpaman, natiyagaan ko naman. Nakipagkulitan lang ako sa iba. Nang maapit na ang uwian, napa-behave ko pa sila. Pinasulat ko ng sampung bayaning Filipino.
After class, nagpatulong ako kay Joel, estudyante ko, na linisin ng dalawang electric fan. Then, natulog ako. Past 3:30 na ako umalis sa school.


Agosto 17, 2019Hindi na-approve ang thesis title proposals ko. Nakakatakot at nakakakaba pa namang humarap sa prof ko. Haist! Kailangang kong mag-isip ng iba o sundin ang payo niya.
After class, nag-gym ako. Past two na ako natapos. Before 4, nakauwi na ako.
Nagkaroon ako ng oras sa garden. At dahil umalis si Bokbok, nakaakyat ako sa bubong para putulin ang mga nakalaylay na sanga ng aratiles niya.


Agosto 18, 2019Late na ako nagising. Ang sarap kasing matulog. Nakabawi ako ng puyat.
Nag-gardening ako. Mahigit isang oras din akong nag-stay sa garden. Nalulungkot lang ako kasi ilang araw nang hindi kami nakakabenta ng halaman. Ipinabebenta ko na nga rin ang mga bonsai ko. So far, wala pang interesado.
After maligo, natulog ako. Kahit mainit sa kuwarto, natiis ko, para kasing kailangan kong magpahinga nang husto. Mapapasabak na naman ako sa puyatan at trabaho sa mga susunod na araw.


Agosto 19, 2019Nakakatamad ang araw na ito. Hindi ko mawari ang dahilan. Ang hula ko, gawa ito ng mga isyu sa paaralan. Ang kawalang-pagkakaisa at pagkakawatak-watak ay siyang nagko-contribute sa pagiging makasarili ng aming mga interes. Hindi lang ako ang nakaramdam nito, halos lahat kami. Kung naging mabuting lider lamang sana ng mga nakakataas sa amin, disin sana'y masaya at masarap magtrabaho. Gayunpaman, nagturo ako sa bawat klaseng pinasukan ko. Hindi nga lang ako nagpapatawa. Nagawa ko lang iyon sa huling klase.
After class, matagal akong naghintay para sa coop board meeting. Matagal din bago kami natapos. Mga past 4 na iyon. Kaya naman, magpa-five na ako nakarating sa AF. At past 6 na ako nakalabas. Nakakapagod, pero walang pagsisisi.


Agosto 20, 2019Inspired sana akong magturo, saka prepared ako, kaya lang pumasok naman ng Bethany. Isa pa, nagkakatamaran kaming lahat dahil sa delayed examination. Idagdag pa ang kakulangan namin sa guro. May sakit ang isa. Nasa seminar ng isa. At hindi nagpapakita ang isa. Gayunpaman, sinikap kong mapasulat ang VI-Love. Kahit paano na-contain ko sila hanggang eleven.
Bumaba naman kami bandang eleven para sa Division Launching ng "OK sa DepEd." Doon na kami inabutan ng ala-una. Antagal kasing dumating ng mga bisita.
Past 3:30, nakauwi na ako. Sobrang init kaya hindi ko nakatulog kahit antok na antok ako. Gayunpaman, nakapagdilig ako ng mga halaman bago dumilim.
Gabi, nakapagsulat ako ng kuwentong pambata (Kindergarten) na ipapasa ko sa division. Ready to go na ang apat kong entries.


Agosto 21, 2019Maaga rin akong nagising dahil sa paggising nang maaga ni Emily. Magde-deliver siya ng mga paninda sa Caloocan. Naawa ko sa kanya dahil inabutan siya ng ulan pagkatapos lumabas sa bahay. Ang lakas pa naman ng ulan.
Pagkaalis niya, inihanda ko naman ang almusal namin ni Zillion.
At dahil maulan, hindi muna ako lumabas para mag-gardening. Uminit naman, kahit paano, kaya ibinilad ko na lang ang mga indoor plants ko.
Nagbasa, nagsulat, at nag-journalling ako ngayong araw. Napaka-productive ko. Nagawa ko ring mag-start ng FB page. 'Sir Pogi' ang title. Personal blog angncategory niyon at tungkol sa edukasyon, estudyante, teachers, at school ang tema ng posts ko.
Past 10 na dumating si Emily. Saka lang din ako nakahiga.


Agosto 22, 2019Pumasok muna ako sa klase ko, bago kami pumunta ni Ma'am Irika sa BES. Nagbigay muna ako ng test sa mga bata. Nakadalawang subject sila bago ko sila iniwan.
Sa Journalism Clinique, andami kong natutuhang bago. Mainam talaga ang pagdalo sa mga palihan. Plano ko ring ibahagi ang mga learnings ko sa mga kaguro ko, sa pamamagitan ng pag-share ng mga pictures ng slides.
Past 4:30 nang natapos ng workshop. Past 5:20 naman akong nakapag-workout. Past 8:30 ako nakauwi.
Napagod ako, pero masaya ako sa mga nangyari sa buhay ko ngayong araw.



Agosto 23, 2019Na-late ako sa pagdating sa klase ko. ilang minuto lang naman. Nainis pa ako sa kanila kasi maingay habang nagte-test. Kaya, hindi ko sila pinansin nang umalis ako para sa ikalawang araw ng Division Journalism Clinique.
Apat na category uli ang diniscuss ngayong araw. Marami akong natutuhan. Hindi matatawaran ang karanasang ito. Sa tingin ko pa, kayang-kaya ko nang ituro iyon sa mga bata at kayang-kaya ko nang mag-handle ng kahit sports writing.
Nakauwi ako ng past 8:30 dahil sobrang traffic. Mabuti na lang nagmeryenda muna ako sa Pasay bago bumiyahe.



Agosto 24, 2019Nainis ako nang igrupo ako sa radio broadcasting sa breakaway session. Gusto ko sana sa collaborative publishing. Gayunpaman, nagustuhan ko kinalaunan, lalo na nang nagpa-practice na kami. Naunawaan ko na ang feelings ng mga batang RB.
Na-disappoint lang ako sa Filipino supervisor. Hindi siya naghanda ng certificte para sa best outputs. Inaasahan ko pa namang makatanggap ng sertipiko dahil ginalingan ko ang mga pagsusulat. Mabuti pa ang English, nagbigay.
Past 3, natapos ang closing ceremony.
Past 4, nasa Anytime Fitness na ako. Kanina lang ako nagtagal doon. Gusto ko pa nga sana, kaya lang ayaw kong mabansot ang muscles ko kapag nasobrahan ako sa workout.
Past 8 na ako nakauwi. Gutom na gutom ako, kaya agad akong kumain. Marami akong nakain. Sinabawang isda kasi ang ulam.


Agosto 25, 2019Nagpakasawa ako sa tulog bago ako bumangon. Ang lamig kasi ng panahon. Kahit paano nabawi ko ang ilang araw na puyat.
Nakapag-gardening ako after breakfast dahil tumila ang ulan.
Then, ako naman ang nangusina at nagbanlaw ng mga nilabhan ni Emily. Hindi na naman maganda ang timpla ng katawan niya.
Nakapag-edit ako ng entry ko sa DepEd children storybook writing contest. Hinihintay ko na lang ang entry ni Ma'am Joann. Sabay kaming magpapasa.
Hapon, natulog uli ako. Mahigit dalawang oras din akong nakatulog
Gabi, nagsimula akong gumawa ng zine. Walang internet ang laptop, kaya hindi ko natapos. Kailangan kong maglagay ng picture para mas interesting basahin.



Agosto 26, 2019Nag-gardening ako after breakfast. Nakagawa ako ng cactus and succulent dish garden.
Then, nine o' clock, nagpaalam ako kay Emily na aalis. May get-together kaming #1000 Group sa bahay ni Miss Krizzy.
Dahil matagal akong nakasakay ng bus, twelve na ako nakarating sa venue. Naroon na sina Papang at Mj. Wala si Belinda. Kainan kaagad ang nangyari. Sobrang busog ko sa adidas, chicken inasal, at liempo. May dessert pang cassava cake. Idagdag pa ang masayang kuwentuhan.
Nanuod kami ng tv habang nagpapatunaw. May mga napagkuwentuhan din kami. Then, meryenda na naman. Spaghetti ng inihanda ni Ms. Krizzy.
Past five, nagpaalam na kami. Sobrang busog ko pa. Kaya nga, hindi muna ako nag-workout. Nagpatunaw-tunaw muna ako.
Past 7 na ako natapos. Nine na ako nakauwi. Hindi na ako nakakain. Busog pa rin kasi ako.


Agosto 27, 2019Walang pasok. Late na ang deklarasyon. Nakasalubong ko ang ilang estudyanteng pauwi na. Hindi naman ako nainis dahil kailangan ko talagang matapos ang editing ng entries ko sa storybook writing contest. In fact, papasok rin si Ma'am Joann para tapusin namin iyon.
Tiyempo namang pumasok si Ma'am Madz. Malakas ng wifi roon. Nakagamit kami. Nakahiram din siya ng printer para makapag-print ng Science articles para sa trainees niya.
Past 1:30 na kami natapos ni Ma'am Ann. Nakapagpapirma na rin kami kay Ma'am Laarni ng entry form namin. Then, bumili kami ng CD sa HP. Nag-lunch muna kami bago namin pinasa ng entries namin sa SDO.
Past 4 na ako nakauwi.


Agosto 28, 2019Hindi ako natuloy sa pagsama sa training ng collaborative publishing. Absent kasi ang dalawang bata. Nagpa-check at nagpa-shade na lang ako sa bubble sheets.
Akala ko nga rin, suspended ang klase. Kakaunti nga ang estudyante kong pumasok. Nakakainis pa, ganoon pa rin ang level ng ingay nila.
Pati si Ma'am Laarni, naabala sa pagkontak sa dalawang collab pub trainees. Pinasundo pa, pero hindi nakahagilap. Binalak ding palitan, pero hindi napalitan, wala na kasing batang maipapalit. Isa pa, alanganin na. Sa September 3 na ang laban.
After ng klase, inayos ko pa ng bubble sheets. Ako na ang nag-fill out ng mga para sa absent. Then, nag-enter ako sa LIS ng height and weight ng mga estudyante. Kailangan na yata kasi sa housekeeping. Napaikot pa ng notice ang principal. Isa ang pangalan ko sa mga nakabilog.
Past 4, mag-workout ako. Legs naman ang tinira ko. Hindi ko na kailangan ng trainer actually. Nag-google na lang ako. Ang mahal kasi. Namulubi ako.
Before 8, nakauwi na ako.



Agosto 29, 2019Labag man sa loob ko na iwanan ang VI-Love sa ibang advisers, ginawa ko pa rin ang mandato sa akin ng principal na sumama sa ABES para sa training ng collaborative publishing. Ramdam kong ayaw ng mga estudyante ko na iwanan ko sila at i-prorate.
Sa ABES, para akong bagong salta. Hindi ko agad nagampanan ang aking tungkulin bilang trainer. Ayaw ko namang magbida-bidahan. Gayunpaman, nakatulong ako kahit paano. May mga natutuhan din ako mula sa co-trainers ko at sa mga bata. Nainis lang ako nang malaman kong ipinagdadamot ng ICT2 bg GES ang mga laptop, na dapat ipinapagamit sa teachers at pupils sa gaya nitong gawain.
Past two, sinamahan ko ang dalawang young radio broadcasters pabalik sa school. Pinalitan ako ni Ma'am Irika sa collab. Tamang-tama naman dahil natulungan ko si Sir Erwin sa paggawa sa SBM. Hanggang 4:30 kami roon.
Then, pumunta ako sa HP at bumili ng panregalo kay Jasleen. Sa Booksale ako bumili. Ibinili ko siya ng Mandala coloring book.
Past 6, nasa kina Kuya Jape na ako. Nagkuwentuhan muna kami bago nagkainan. Lima lang kaming bisita niya.
Nagulat lang ako dahil 18 years na pala siya. Kay bilis ng panahon.
Naroon din si Boboy. Kahit paano, nakapagkuwentuhan kami bago ako umuwi. Past 8:30 na iyon. Past 11 naman ako nakarating sa bahay.



Agosto 30, 2019Dumalo muna ako sa closing program bago kami pumunta sa ABES para sa collab training. Past eight na iyon.
Sa training, nakapag-adjust na ako kahit paano. Nakakuwentuhan ko rin doon ang isa sa mga trainers. Marami akong natutuhan sa kanya, since mas matagal siyang naging guro at naging experience sa journalism.
Past 2, naihatid ko na sa school ang printer at ang mga journalists. Umidlip ako hanggang alas-tres bago ako bumiyahe patungo sa PITX.
Past eight na ako nakauwi. Sabi ni Emily, sana raw lagi akong masaya kapag umuuwi, tulad kanina.


Agosto 31, 2019Nag-gardening ako kasi maganda naman ang panahon. Nalulungkot lang ako kasi hindi na nakakabenta si Emily ng mga halaman. Parami na nang parami ang potted plants ko, na for sale. Gayunpaman, inisip ko na lang na hobbyist lang ako. Umaasa akong makakabenta uli kami.
Pagkatapos niyon, hinarap ko naman ang laptop ko. Ginawa ko ang e-class record. Nag-input na rin ako ng mga scores sa periodic test.
Nagsulat din ako at nagbasa ngayong araw. At, gabi, itinuloy ko ang paggawa ng zine. Natapos ako ang una at nasimulan ko ang pangalawa.














Sunday, July 21, 2019

Wampipti

"Para kang tanga, John! Sumakay ka na kasi," singhal ni Gilbert. Kanina pa niya ito sinusundan habang nakasakay siya sa motorsiklo at mabilis namang lumalakad-takbo ang kaibigan. "Ano ba'ng problema mo?"

Tumigil si John at hinarap si Gilbert. "King ina! Lubayan mo na ako! Sinabi ko bang buntutan mo ako?" Mas malakas ang boses niya.

Luminga-linga si Gilbert. Sinigurado niyang walang nakaririnig at nakakakita sa kanila. "Mag-usap tayo, pero huwag dito. Hindi ako sanay nang dinidedma at iniiwasan mo. Tara, sakay na. Gusto mo, buhatin pa kita?"

Pinilit itinago ni John ang kilig at ngiti. Isang taon na rin niyang ikinukubli ang kanyang nararamdaman para sa matalik na kaibigan. Sa mga oras na iyon. Desidido na siyang tuluyang lumayo at umiwas upang hindi iyon mabunyag at hindi masira ang kanilang pagkakaibigan.

Bumaba si Gilbert at mabilis niyang nahila ang kamay ni John. "Halika na. Uulan na, o!" Kinabig niya ang kaibigan, ngunit isang malakas na sampal ang dumapo sa kanyang pisngi, kaya nabitawan niya ito at tuluyang nakalayo. Tinanaw niya na lamang ito hanggang sa makasakay sa dyip.

Umuwi na lamang siya dahil hindi niya maaaring sundan ang kaibigan. Minsan na silang napagkamalang mag-jowa, kaya hindi na siya nakakapunta sa bahay nina John. Nagagalit ang nanay nito. Nakuntento na lamang siya sa pag-send ng mensahe sa Messenger nito.

"Sabihin mo sa akin kung ano ang kasalanan ko. Sorry na kung may nagawa ako," sabi niya sa chat.

Matagal siyang naghintay ng reply. Wala. Nag-send uli siya ng message.

"Ano ba'ng gusto mong gawin ko?"

"Mag-reply ka naman please..."

Maghahatinggabi na nang nag-reply si John sa chat ni Gilbert. "Matagal na kitang gustong tsupain. Oo, bakla ako at gusto kita noon pa... Layuan mo na ako, baka masira ang image mo."

Nagta-type si Gilbert ng sagot niya. Aniya, "Hala siya! Bakit ganyan ka. Umayos ka nga!"

Muli siyang naghintay ng reply ni John habang inaalala niya ang mga pangyayari sa school kanina. Wala siyang matandaang ginawa niya upang ikagalit nito. Naisip niya

Pagkatapos, nalaman niyang blocked na siya ni John. Hindi na niya ma-send ang kanyang mensahe.

Nang gabing iyon, nagpabaling-baling siya sa higaan. Bumalik sa kanyang alaala ang masasayang sandali, na kasama niya si John. Napangiti siya.

"Puta! Hindi ka mo siyang puwedeng ligawan. Hindi ka niya gusto," sabi ni John nang minsang nagtapat siya na gusto niya si Famela, ang pinakamagandang babae sa klase nila.

"Unfair ka naman. Ikaw nga, nagpapatulong kay Crissa," nagtatampong sagot niya.

"Ako 'yon. Ikaw, hindi ka puwedeng magka-girlfriend."

"Hindi? Bakit?"

Nagtinginan muna sila.

"Ako ang gumagawa ng mga assignments at projects mo, ̀di ba?"

"Oo."

"O, ̀di... sumunod ka. Atat ka masyadong magkasyota, e. Aral muna."

Napangiti na lang si Gilbert at tahimik niyang pinagmasdan ang kaibigan habang tumutugtog ito ng violin. Kahit paano ay napuno ang kaligayahan ang puso niya nang marinig niya ang paborito niyang piyesa. Para siyang hinaharana at idinuduyan ng magandang musikang nagagawa ni John sa pamamagitan lamang ng pagkaskas ng instrumento. Lalo siyang humanga sa kaibigan.

Nang matapos ni John ang pagtugtog, hinarap niya si Gilbert. "Puwede ko na bang haranahin si Crissa?"

Nagitla si Gilbert sa tanong na iyon. "Ha? A, e... Hindi pa. More practice pa... Ulitin mo." Sumandal siya puno ng mangga at tiningnan si John.

Napangiti si Gilbert sa alaalang iyon. Isa iyon sa mga moments na laging binabalikan dahil iyon ang nakapagpapasaya sa kanya tuwing nag-aaway sila ni John.

Kinabukasan, sa school, inabangan ni Gilbert si John sa may hagdanan.

"John, usap tayo." Sinalubong ni Gilbert ang kaibigan nang hindi niya ito hinahawakan.

Umiwas lang si John at mabilis na naglakad patungo sa kanilang classroom.

Malayo pa ang kanilang silid-aralan, kaya nagmadali si Gilbert upang makausap niya si John kahit naglalakad sila o kahit bumubuntot siya.

"Sorry na, John! Hindi ko mean iyon." Sa sandaling iyon, wala pa rin siyang ideya kung ano talaga ang kasalanan niya rito. Gusto lang niyang matapos na ang pagtatampo nito sa kanya. Madali lang namang mag-sorry, naisip niya.

Hindi nagsalita si John. Hindi rin siya mahablot ni Gilbert dahil may mga estudyante sa pasilyo.

Nang makakita si John ng mga kakilalang babae, huminto siya at nakipagkuwentuhan.

Wala namang nagawa si Gilbert kundi ang dumiretso sa classroom. Limang minuto rin siyang naghintay sa kanyang upuan nang pumasok si John, pero hindi tumabi sa kanya si John, gaya ng dati. Naiinis na siya. Buong taong ng pagkakaibigan nila ay inunawa at pinakisamahan niya ito nang mabuti. Lahat ng maitutulong niya ay ginawa na niya.

Hindi na niya napigilan ang sarili. Nilapitan niya si John. "Halika ka na kasi." Hinila niya ang kamay nito.

Nakaagaw iyon ng atensiyon ng mga kaklase nila.

"Oooy! May LQ," tudyo ng isa nilang kaklaseng lalaki.

Dahil pareho silang napahiya, naramdaman nilang magkatabi na sila sa dati nilang upuan.

"Bakit ba kasi? Sabi ko sa ̀yo, bakla ako, e," bulong ni John.

Sinawata niya ang kaibigan. "Tama na. Tanggap kita." Mabilis niyang pinisil ang kamay ni John. Walang nakakita niyong iba, kundi sila lamang. Alam din niyang naramdaman ng kaibigan ang sinseridad niyon, kaya tumahimik na ito.

Dahil bati na sila, kinulit ni Gilbert si John. Then, nagpalitan sila ng cellphone. Gaya ng dati, malaya silang buksan ang files, ang facebook, at Messenger ng isa't isa.

Ibinalik agad ni Gilbert ang cellphone ni John nang may nagpalungkot sa kanya. Nakita niyang may bago itong FB friend.

"O, bakit?" nagtatakang tanong ni John.

"Wala... Baka dumating na si Ma'am Castro."

"Hindi ̀yan."

"O, sige... akin na uli." Ngumisi si Gilbert nang nasa kamay na niya uli ang cellphone.

Dahil busy si John sa pag-scroll sa cellphone, nagawa ni Gilbert na mag-send ng mensahe sa madalas ka-chat ng kanyang kaibigan. Aniya, "Hoy! Tigilan mo ang bestfriend ko. Huwag mo kaming paghiwalayin. Matagal na kaming magkaibigan. Huwag mo siyang agawin sa akin." Nang maipadala niya iyon, agad din niyang binura para hindi na mabasa pa ni John.

Lumipas ang mga araw, naging masaya uli ang magkaibigan. Hindi na rin umiiwas si Gilbert na masagi-sagi ni John ang harap niya. Minsan pa nga, nagpatay malisya na lamang siya nang mahawakan nito ang ari niya dahil sa pag-aagawan nila ng libro. Gusto rin naman kasi niyang iparamdam sa kaibigan na tanggap niya ang pagkatao nito.

Isang araw, nagpalitan uli sila ng cellphone.

Sinamantala ni Gilbert na i-stalk ang bagong Fb friend ni John.

"Bert, palit muna tayo ng cellphone. Magbabanyo lang ako," paalam ni John.

"Ah, sige, sige." Tuwang-tuwa pa rin siya dahil mas matitingnan niya ang timeline ni Jordan.

Nang makalabas si John, hinanap niya sa FB si Jordan Orlando. Nang mahanap niya, tinawag niya ang dalawang kaklaseng lalaki. "Ano sa tingin n'yo? Straight o bakla?" tanong niya sa dalawa.

"Satright," sabi ng isa.

"Mukha siyang bakla," sabi naman ng isa.

"Oo nga. Pareho tayo ng tingin. Baklain siya. Wampipti!" sagot ni Gilbert.

Nagtawanan ang tatlo at inulit-ulit pa nila ang 'Wampipti.'

Parang natuka ng ahas sina Gilbert nang mapalingon sila kay John, na nakatiim-bagang sa galit.

Naagaw ni John sa kanya ang cellphone. "King ina! Ayaw kong pinagtatawanan ninyo ang FB friend ko. Mabuti siyang tao at hindi niya kayo inaano. Mga gago kayo!"

Nang inihagis ni John ang cellphone sa dibdib ni Gilbert ang cellphone, alam niyang blinock nito si Jordan sa account niya. Hindi na siya kumibo. Hindi na rin niya tinangka pang i-unblock.

Dahil sa ginawa niya, tuluyan na ngang umiwas sa kanya si John. Hindi na niya ito nakakatabi sa upuan. Hindi na sila sabay mag-recess. Hindi na sila nagsasabay pumasok at umuwi. Hindi na rin sila makapag-chat.

Nawalan na ng pag-asa si Gilbert. Gusto na niyang tumigil sa pag-aaral. Para sa kanya, balewala ang pagpasok niya kung hindi rin lang sila magkakaayos ni John. Ginawa na niyang lahat ng paghingi ng tawad, pero ni isa ay walang naging epektibo.

Lunes, hindi pumasok si Gilbert. Gaya ng dati, kapag nag-aaway sila, iinom siya sa suki niyang tindahan sa may daranaan ni John. Iyon ang madalas na nagiging dahilan ng pagkakabati nila. Ayaw na ayaw nitong umiinom siya, kaya no choice ito kundi ang yayain na siyang umuwi. Subalit sa mga oras na iyon, hindi na niya inaasahan pang gagawin uli iyon sa kanya. Sobra niyang nabastos ang kaibigan.

Nakatatlong bote ng beer si Gilbert nang dumaan si John. Nagkatinginan sila at mabilis din namang nagbaba ng tingin.

Kahit lumampas na si John sa tindahan, hindi pa rin nagtaas ng tingin si Gilbert. Alam niyang hindi na nga siya nito mapapatawad.

"Isa pa nga pong beer, Ate," order ni Gilbert sa tindera. Lasing na siya, pero alam niyang kaya pa niya.

Wala pang limang minute, ubos na niya ang pang-apat na bote ng serbesa. Nahihilo na siya, pero kaya pa niyang maglakad patungo sa bahay ni John.

Limang buwan na rin ang nakalipas nang huli siyang pumunta kina John dahil natatakot siya sa ina nito.

"Bad influence daw ka sa anak ko. Layuan mo siya. Mataas ang pangarap ko para sa kanya," naalalang niyang sabi ng ina ni John.

Sa mga sandaling iyon, malakas na ang loob niyang muling humarap sa ina ni John.

"John?! John!?" tawag niya nang nasa tapat na siya ng bahay ng kaibigan. "Tao po?" Nakita niyang pumasok ang ina ni John, pero hindi siya natinag. "Nandiyan po ba si John?"

Matagal na naghintay si Gilbert sa paglabas ng kahit sino, pero wala. Kung hindi lang siya nakararamdam ng pagkasuka at pagkahilo, hindi pa sana siya aalis.

Nakalayo na siya sa bahay ni John nang tuluyan na siyang sumuka. Halos mailabas niyang lahat ang huli niyang kinain at ang alak sa kanyang katawan.

"Ano ba kasi ang ginagawa mo sa sarili mo?"

Tila lumakas ang katawan ni Gilbert nang marinig niya ang boses ni John at maramdaman niya ang paghaplos ng kamay nito sa kanyang likod.

"Ihahatid na kita sa inyo."

"H-huwag na... Hin...di naman na ako mahalaga sa ̀yo," ani Gilbert.

"Tumahimik ka nga!" singhal ni John. Itinayo na niya ang kaibigan at inilagay ang braso sa kanyang balikat. "Tara na. Lakad na..."

Parang nalunod sa kaligayahan si Gilbert sa sandaling iyon. Gusto na lamang niyang matumba para buhatin na lamang siya ng kaibigang matagal na rin niyang itinatangi.

"Umayos ka! Maglakad ka ng maayos. Ang bigat mo kaya," pagalit pa ni John sa kanya.

Lalo naman siyang natuwa. Ninamnam niya rin ang pagdikit ng braso niya sa leeg ni John, gayundin ang pagkakahawak nito sa kanyang kamay at baywang. Nahiling niya na sana malayo pa ang bahay niya para mas matagal silang magkadikit.

Mas binagalan niya ang paglalakad. Mas bumibilis naman ang tibok ng puso niya.

Sa lugar kung saan walang kabahayan, tumigil si Gilbert sa paglakad.

"Ano? Kaya mo pa ba?" nag-aalalang tanong ni John.

Niyakap niya ito. "Hindi ko na kaya, John... Sorry... Hindi ko na kaya."

"Bert?" Naramdaman nitong yumugyog ang balikat ng kaibigan. "Okay ka lang ba?"

"John, handa akong magbayad sa ̀yo ng wampipti, mapasaakin ka lang."

Itinulak siya ni John. "King ina! Hanggang ngayon ba iinsultuhin mo pa rin ako?!"

"Wait... wait... Makinig ka... Oo, John, handa akong magbayad para matikman kita. Akala ko noong una, kaya kong itago at pigilan ang sarili ko... hindi pala."

"Bert, ano'ng ibig mong sabihin?"

"Nagseselos ako kay Jordan... Sana ako na lang siya... John, mas matagal mo akong naging kaibigan... Ako na lang... Ako na lang, John." Napaupo siya sa lupa at sumubsob sa pagitang ng kanyang mga hita, saka siya umiyak. "John, John naman... Huwag mo naman akong iiwan. Higit pa sa wampipti ang kaya kong ibigay sa ̀yo." Hindi niya nakita ang matamis na ngiti ni John, bago niya naramdamang itinayo uli siya nito.

"Halika ka na, Bert. Ihahatid na kita... Bukas, kapag matino na ang isip mo, mag-usap tayo. Tandaan mo, hindi ko kailangan ang wampipti mo..."

"Sorry... Sorry... Tayo na ba?" seryosong tanong ni Gilbert.

Tinawanan siya ni John. "Gago, ligawan mo muna ako."

"Iyon lang pala, e... Kayang-kaya! Kinaya ko nang itago sa ̀yo nang napakatagal, ngayon ko pa ba hindi magagawa iyon?" Nawala ang pagkalasing ni Gilbert nang pumayag si John na halikan niya ang tainga nito. "Mahal kita kaya hindi ka halagang wampipti."


Ang Aking Journal -- Hulyo 2026

Hulyo 1, 2026 Muntik na akong ma-late dahil sa bus na nasakyan ko. Panay ang hinto at pick-up niyon ng mga pasahero. Hindi ko na tuloy naa...