Followers

Friday, October 30, 2015

Ma-Instant Ka Ba?

Instant na halos lahat ng ating pagkain at inumin, na mabibili sa tindahan, palengke, grocery o supermarket. Nariyan ang instant noddles, instant coffee at maraming pang ready-to-eat at ready-to-drink. Basta may pera ka lang, agad-agad makakain mo ang gusto mo sa mga fast food chains o convenience stores at kahit sa vendo machine. Walang hassle.
Malalaman mo na lang ang epekto nito sa health. Instant din ang buhay. Mabilis ang pagkakasakit, or worst, ang kamatayan.
So, lahat ng instant ay nakakasama.
Oo! Nakakasama! Ikaw ba naman ang instant na ma-promote. Ni hindi ka naghirap para makuha ang mataas na posisyon. Parang magic.
Maganda at masarap para sa promoted pero sa una lang. Masarap tumanggap ng mataas na sahod sa kapiranggot na effort. Instant ang pag-asenso. Tandaan: instant din ang karma.
Hindi masama ang instant. Maging handa ka lang sa resulta nito... sa tamang panahon.


Ang Undas para sa Kaibigang Plastik

Ang undas ay araw kung kailan inaalala ang mga namayapang pamilya, kamag-anak at kaibigan sa pamamagitan ng pagpunta sa sementeryo, pagdarasal, pag-alay ng mga pagkain at bulaklak at pagtirik ng kandila. Para sa karamihan, isa itong pista at reunion dahil dito lamang sila nagkakasama-sama at nagkikita-kita.

Pero hindi lang ganyan ang essence ng undas. Minsan, hindi mo na kailangan pang pumunta sa sementeryo. Sa bahay lang, maaari mo nang ipagtirik ng kandila ang kaibigang mong plastik sa'yo. Kung hindi mo pa naisuli ang kandila na ginamit mo sa binyag ng anak niya, sindihan mo ngayong undas. Tapos, ipagdasal mo na matauhan siya't magbago. Kung talagang hindi na siya nagbago after a year, 'rest in peace' na ang iusal mong dasal. Hehe

Huwag mo na siyang pag-alayan ng pagkain at prutas. Gagastos ka pa. Pwede mo namang lasunin mo na lang siya. Hehe

Lalo't huwag mo na siyang bigyan ng bulaklak na bouquet. Bagkus, koronang bulaklak ang ibigay mo. Tamang-tama! Sulatan mo ng caption ang ribbon ng 'In Memory of Our Friendship'.


Ang undas ay napakagandang araw talaga para magdasal, magbigay, mag-alay, magpatawad, umalala at makalimot.

Thursday, October 29, 2015

To see is to believe

"To see is to believe."

Hindi rin!

Meron akong kilala. Mahilig siyang gumawa at magpakita ng report o dokumentong peke. In short, mandaraya siya.

Oo. Nagpakita siya kaya naniwala ang iba. Na-promote siya dahil sa mga ipinakita niya. Pero, ako? Never akong naniwala sa kanya. Alam kong peke ang mga papeles niya.

Kaya kahit sabihing pang 'Too see is to believe', hindi pa rin ako bibilib sa kasabihang ito. 

Wednesday, October 28, 2015

Ang Pasalubong

Si Hannah ay nag-iisang anak ng mayamang mag-asawang sina Donya Ineng at Don Facundo. Mahal na mahal siya ng kanyang mga magulang, lalo na ng kanyang ama.
Araw-araw, pinasasalubungan ni Don Facundo si Hannah ng mga pagkain, laruan o anumang hilingin ng bata sa ama.
“Anong gusto mong pasalubong pagbalik ko, anak?” tanong ng don kay Hannah.
Saglit na nag-isip ang siyam na taong gulang na bata. Nakapamaywang naman sa likuran ang ina.
“Pulang lobo? Gusto mo ‘yun, hindi ba?” suhestiyon ng ama.
“Hay, naku, Facundo! Bakit hindi ka na magmadali? Gusto mo bang maiwanan ka ng barko?” litanya ng ina. Nakalapit na siya sa anak.
“Mama, Papa…? Barko? Aalis ka po, Papa?” nagugulumihanang tanong ni Hannah sa mga magulang. At gaya ng dati, yumakap siya sa ama ngunit ibang-iba ang higpit ng yakap na iginawad niya kay Don Facundo. Halos ayaw niyang kumawala kahit pilit na siyang inihihiwalay ng ina sa ama.
“Huwag matigas ang ulo, Hannah! Halika na! Mahuhuli ang Papa mo.”
“Sige na, anak. Paalam na.” malambing na wika ng ama. Kumawala na rin si Hannah
“Sabi niyo po noong isang araw, hindi tayo maghihiwalay.” Nangingilid na ang mga luha ni Hannah.
“Pasensiya ka na, anak. Kailangan ko lang lumuwas ng Maynila. Trabaho, anak.”
“Trabaho po?”
“Andami mong tanong, bata ka. Halika na nga.” Kinuha ng ina ang kamay ni Hannah at hinila papasok sa bahay.
“Papa.. Papa, wag ka pong umalis!”
Awang-awa si Don Facundo sa anak lalo na’t naririnig pa rin niya ang iyak nito habang pumapanaog ang mag-ina. Wala siyang nagawa kundi ang lumisan. Hindi man lang nalaman ang hiling na pasalubong ng anak.
Halos ayaw niyang ihakbang ang kanyang mga paa, palayo sa kanilang bahay. Hindi man niya gustong iwanan ang mag-ina ay makakabuti naman ito upang maitama nilang mag-asawa ang isang pagkakamali.
Tahimik na ang kabahayan nang makalabas ang ama sa gate ng mansiyon.
Sa di kalayuan, tanaw niya sa bintana ang kumakaway na anak. Hindi na niya napigilan ang pagtulo ng kanyang mga luha. Nais niyang bumalik upang mayakap muli si Hannah, ngunit hindi na niya ginawa. Mahuhuli na nga talaga siya sa biyahe.
“Papa! Papa!” Dinig pa rin niya ang tawag ng anak. “Bumalik ka kaagad, ha?!”
Huminto ang ama at nilingon ang anak. “Oo, anak, babalik ako kaagad!” Alam niyang hindi siya narinig ng anak kaya kumaway na lamang siya bago tuluyang lumayo.
Labis na nalungkot si Hannah sa pag-alis ng ama. Anuman ang gawing pag-alo ng ina sa kanya ay balewala ito. Hindi rin naman kasi niya masabing ang pagluwas sa Maynila ng ama ay away-mag-asawa.
“Kumain ka na, Hannah. Darating na ang Papa mo, kung hindi bukas, sa makalawa,” masuyong pakiusap ng ina. Hindi na niya magawang magalit sa anak dahil lalo lamang itong nagmamatigas.
“Maraming beses niyo na pong sinabi ‘yan sa akin…” mahinahong wika ni Hannah habang hinahawi-hawi ang mga kanin sa plato. “Hindi ko po alam kung sino sa inyo ni Papa ang sinungaling.”
Nanlaki ang mata ni Donya Ineng. Nangangatal na rin ang kanyang baba. “Hay, naku! Pagod na pagod na ako sa’yo!” Tumayo siya tinawag ang serbedora upang tulungan siyang hikayating kumain ang anak.
Nagagawa namang mapakain ng katulong si Hannah.
Minsan, ayaw na ring pumasok sa eskuwela ni Hannah kaya napalo siya ng ina.
“Ang tigas ng ulo mo! Ilang beses ko bang sasabihin sa’yo na wala kang mapapala sa paghihintay mo salawahan mong ama!”
Umiiyak na tumakbo paakyat sa kuwarto si Hannah.
“Constancia!”
Alam na ni Constancia ang gagawin niya.
Sa kuwarto, nakasubsob sa kama si Hannah habang umiiyak.
“Hannah…’’ tawag ng yaya .Marahang nilapitan ang alaga. “Gusto mo bang magduyan na lang tayo sa baba?”
“A-ayaw ko po.” Humikbi pa siya.
“E, anong gusto mong gawin natin ngayong araw?”
“Yaya Constancia, ano po ang ibig sabihin ng salawahan?’’ Nakaupo na siya. Hinarap niya ang yaya, na napalunok sa tanong ng alaga.
“Naku, hindi mo pa mauunawaan ‘yun, Hannah. Halika nga rito at susuklayin ko ang buhok mo.”
Tinabig ni Hannah ang mga kamay ng katulong nang hahawakan nito ang buhok niya. Kaya napilitang magpaliwanag ni Constancia kung ano ang ibig sabihin ng salawahan.
“Napakabait ng Papa mo, Hannah. Naniniwala ka, di ba? Hindi niya magagawa ang ibinibintang sa kanya ng Mama mo.”
“Opo. Tama po kayo..” halos pabulong na sambit ni Hannah.
              Lalong lumayo ang loob ni Hannah kay Donya Ineng. Naramdaman niya ito. Kaya, pinaghandaan niya ang nalalapit na ikasampung kaarawan ng anak. Isang malaking piging ang kanyang plinano upang kahit paano ay masilayan niyang muli ang ngiti sa mga labi ng anak. Kasabay ng pag-asang mapapaligaya niya ang anak ang pag-asam na sana ay bumalik na si Don Facundo. Handa na siyang patawarin ang asawa.
            Dumating ang kaarawan ni Hannah. Isang engrandeng handaan ang naganap sa hardin ng mansiyon nina Donya Ineng at Don Facundo. Maligayang-maligaya ang mga batang bisita ni Hannah. Hindi man lamang siya natawa sa mga akto ng payaso. Para lamang siyang tuod na nakatingin sa malayo na tila inaabangan ang pagbabalik ng ama.
            Matapos ang piging, natanaw ni Donya Ineng ang anak sa duyan. Bigo siyang mapanumbalik ang sigla ng anak.
            Hawak ni Hannah ang pulang lobo na binigay ng payaso sa kalagitnaan ng salusalo. Gusto niyang lapitan ang anak pero isang lalaki ang natanaw niya na pumanhik sa hagdan.
            “Hoy, payaso! Anong pakay mo rito sa tahanan ko?”
Huminto naman ang payaso at agad na nilapitan ng donya ang lalaki.
“Humarap ka’t sumagot ka! Bakit ka pa narito? Anong gagawin mo sa taas, aber?” Dinuro pa ng donya ang likod ng lalaki gamit ang kanyang abaniko.
Humarap naman ang lalaki. “Patawad…”
“Facundo?!” Niyakap niya ng mahigpit ang asawa. “O, Diyos ko, salamat! Salamat at umuwi ka na. Patawad! Patawad dahil akala ko’y.. akala ko’y…”
“Papa?!” tuwang-tuwang tawag ni Hannah sa ama. “Bumalik ka na. Ikaw pala ang payaso.”
Niyakap ni Don Facundo ang anak. “Oo, anak… maligayang kaarawan!”

“Salamat po, Papa… Mama!” Niyakap niya rin ang kanyang ina.

Sunday, October 25, 2015

Ang History ng Hideout

Sa isang munting tahanan,
nabuo ang grupong 3some.
Kung anuman ang dahilan,
iyan ay ating pag-uusapan.

Hideout, kanilang ipinangalan
sa tirahang puno ng tawanan.
Mula sa simpleng kapehan,
nauwi sa pagkakaibigan.

Minsan, si Mamu ay sinundan
sa kanyang malayong tirahan--
tila masamang-loob na tiniktikan
upang ang lugar ay mapuntahan.

Nagulat siya nang nasulyapan,
doon sa labas ay nagtatawanan.
Mga kaibigan ay di niya nahindian,
pinapasok at inistima sa tahanan.

Si Gloria na lagi nilang naaabutan
ay minsang naging usap-usapan,
hinusgahan at pinagbintangan
ng mga katrabahong walang pitagan.

Pagdalaw nila ay muling nasundan,
Inaraw-araw yata ng dalawang 'igan.
Kaya ang hideout, napuno ng kulitan
Matitinong usapan, meron din naman.

Nang lumaon, 3some ay nadagdagan.
Napabilang sina Mamah at Plus One.
Si Mama L., ipinatago ang katauhan
Dahil sa kontrobersyang kinasangkutan.

Si Gloria ay nag-iba ng pangalan,
kasabay ng kanyang pagyaman.
Donya Ineng, siya ay binansagan
dahil sa dami ng pinag-tutor-an.

Si Don Facade, nawili rin sa samahan
Nakita niyang grupo ito ng katalinuhan
kaya umanib siya at nakipagkaibigan.
Sa hideout, siya ay naliligayahan.

Kanilang samahan, di matatawaran.
Marami ang natutuwa, nasisiyahan
kasi ito'y pambihirang pagkakaibigan,
at bawat isa kasi ay may natutunan.

Ngunit, sa kabila nito'y kinainggitan
ng mga taong hindi sila maunawaan.
Di nila alam, grupo ay makabuluhan,
hatid ay inspirasyon, di lang katuwaan.

Gayunpaman, sila ay hinahangaan
ng mga kaibigan at mga kabataan
dahil sa sila'y may kasimplehan
pagdating sa mga pagkain o kainan.

Anuman ang nasa hapag-kainan,
lubos na silang naliligayahan
at kanila itong pinasasalamatan,
maging tuyo o tinapa man ang ulam.

Sila'y sama-sama rin sa mga galaan,
seminar man 'yan o lakwatsahan
kaya laging maingay ang usapan
dahil buong-buo ang tawanan.

Bumilang pa ng mga buwan
ang hideout, lumaki na naman
kahit si Mamu ay lumisan
at lumipat ng pinagtratrabahuan.

Hindi naman ito naging hadlang
lalo na si Intruder ay nanirahan.
Sumunod si Mumu, na baguhan
Si Mamu'y kanyang kabaligtaran.

Si Mucha ay nakasama, nautusan,
naghugas ng mga pinagkainan.
Siya'y game na game naman
Kaya ngayon, Mocha ang pangalan.

Napasama rin ang isang kaibigan
na may pagkagalante pa naman.
Napaamo siya doon sa tipanan
Samahan, kanyang nagustuhan.

Modesto, ang pagkakakilanlan,
may kuwento kasi sa likod n'yan.
Kung anuman 'yun, secret na lang.
Hideouters lang ang nakakaalam.

Kahit bata, ito'y kinawiwilihan.
Isang zilyonaryo lang naman
ang napabilang sa samahan.
Si Bebe, kanya pang naunahan.

Dahil bawal doon ang plastikan
miyembro, dumarami lang naman.
Kaya, pinto ng hideout, binuksan
para sa mga totoong kaibigan.

May mga dapat lang tandaan:
Sa hideout, walang trayduran
walang iwanan at laglagan.
Hideout etiquette, wag kalimutan. 

Monday, October 19, 2015

Tulay ng Pag-asa

Ang edukasyon ay pagtawid sa sirang tulay
Dapat maging matatag  at maingat sa pagsikhay
Dapat mo ring ialay ang iyong sariling buhay
Makamit lamang ang minimithing tagumpay.

Dumaan man ang unos at rumagasa ang baha
Hindi ka malulunod at matatangay  sa lawa
Mananatili kang nakakapit sa kalawanging tanikala
Habang ang mga paa’y nakaapak sa pag-asa.


My Wattpad Lover: Order

Sa pambatang food chain kami dinala ni Lanie. Okay lang sa akin, lalo na kay Arla. Halatang ayaw niya ang ideyang magkakasama kaming tatlo.

"Ikaw na ang umorder, Zillion. 'Eto ang pera." Inaabot niya sa akin ang isanglibo, pagkatapos naming umupo sa pang-apatang dining set. 

"Ikaw na, may pag-uusapan kasi kami ni Arla.'' Isang matamis na sulyap at ngiti ang iginawad ko sa katabi ko. Bahagya namang tumaas ang isang kilay ni Lanie, bago siya mabilis na lumayo sa amin nang walang lingon-likod.

Nagkatawanan kami ni Arla. Muntik pa kaming mahuli nang bumalik siya mula sa mahabang pila para tanungin ako kung anong order ko.

"Two-piece chicken, macaroni soup, apple pie, burger, fries at float. Yun lang," seryoso kong sagot. Naka-two points na ako. Alam kong nagsisisi na siya sa pagyaya sa akin ng lunch.

"E, siya?" Hindi nya tiningnan si Arla pero siya ang tinutukoy. 

"Si Arla? Ah.. Ano lang..." Tiningnan ko muna siya at nginitian. "..'yung dati mong order. Nung nag-date tayo? Di ba, ano nga yun?"

"How will I know? Andun ba ako sa date n'yo?" mataray na tanong ni Lanie. Pinaikot niya pa ang eyeballs niya. 

"Pareho na lang kami." Cool pa rin ako.

"Yun lang pala, e. Pinatagal pa." Nagdadabog siyang umalis. Lalo kaming natawa ni Arla. 

Antagal niyang nakapila. Patingin-tingin siya sa amin. Pero, hindi niya naririnig ang usapan namin ni Arla. 

Na-miss ko si Arla. Ang kulit pa rin niya. Wala pa rin daw siyang boyfriend. Ang maganda sa kanya, hindi niya ako nilandi. Matagal ko nang naramdaman na hindi siya ganun, dahil may pagka-boyish siya. Ang suot pa lang niyang v-neck white shirt na nakatiklop ang magkabilang manggas ay isa ng patunay. Idagdag pa ang jogger pants niya na pinartneran ng panlalaking rubber shoes at ang mga burloloy na nakikita ko sa mga rockers. 

Malayong-malayo na si Arla kay Angela. Babaeng-babae ang mahal ko, samantalang siya, babae na yata ang mahal. Gayunpaman, pasalamat ako dahil nagkita kami. Nakasama siya sa laro ko with Lanie. 

Nang kinumusta niya ang pagsusulat ko, saka ko rin nalaman sa kanya na may nakakachat siya sa wattpad. Feeling close daw. Babae. Ang duda niya ay kilala siya. Hindi ko sinabi na maaaring si Angela iyon. 

"Ano'ng username niya?" tanong ko, saka naman ang pagdating ni Lanie at ang isang crew-- parehong may hawak na tray.

Hindi tuloy agad nasagot ni Arla ang tanong ko. Naging tahimik na rin kami habang kumakain, lalo na si Lanie. Out-of-place talaga siya dahil kahit paano ay nag-uusap kami ni Arla tungkol sa wattpad.  Three points!

"Salamat nga pala sa lunch.'' ani Arla kay Lanie. Tiningnan lang siya ng huli. "Thanks din, Zil. Sa uulitin. Bye!''

Nakalayo na si Arla sa amin nang maalala kong itanong uli ang username ng babae sa wattpad na nakikipagchat sa kanya.

"gellion.'' 

"Ah, okay.. Bye!" Natigilan ako. Ang lakas ng kutob ko. Si Gelay nga 'yun..


Saturday, October 17, 2015

Usok Kadiri

"Cigarette smoking is dangerous to your health." Ito ang warning sign sa lahat ng pakete ng sigarilyong ibinebenta sa mga tindahan.
Mali ito. Maling-mali!
Ang dapat ay "Cigarette smoking is dangerous to our health." Take note, 'our'. Ito ay dahil lahat tayo ay biktima ng nakakamatay na usok mula sa sigarilyo, na binubuga ng mga walang utak na adik sa yosi. Lahat ng makalanghap ng nikotinang galing pa sa maysakit nilang baga ay nakakaipon ng mas matinding nikotina.
Yosi Kadiri!
Bakit ganun!? Sila na nga ang humihithit, ang mga nakakalanghap pa ang mas apektado. Mas delikado rae kasi ang secondhand smoke. Anak ng tabako naman, o! Bakit di na lang kasi nila lunukin ang usok ng sigarilyo nila? Bakit kailangan pang ibuga? Katangahan yatang masasabi na silang nagyoyosi ay nag-aaksaya ng pera palang lang bumuga ng usok. Sana naging tambutso na lang sila. O kaya, usok sa mga pabrika ang tirahin nila para may magandang epekto para sa kanila. Kakatwa ring isipin na mas matagal pa silang nabubuhay kesa sa mga hindi nagsisigarilyo.
Sana naman kasi, itong gobyerno ay gawing batas ang tuluyang pagbawal sa paggamit, paggawa at pagbenta ng sigarilyo sa Pilipinas. At sana ang lumabag nito ay may kaparuhasang death penalty, sa pamamagitan ng pagsindi sa kanya hanggang maupos siya, gaya ng yosi. --Makata O.

Thursday, October 15, 2015

Homophobia Conversation

Siya: Homophobic po ba kayo?
Ako: Hindi po. I respect LGBT.
Siya: Eh bakit po ganun yung isa nyong tula?
Ako: Hindi kasi ako pabor sa same sex marriage. Magkaibang bagay naman kasi yun sa pagrerespeto ko sa mga third sex. Pag nagpakasal na ang dalawang tao na may same sex, against na kasi yun sa batas ng Diyos.
Siya: Ahh.. Ok po. Medyo na-offend lang po kasi ako dun sa tulang yun as a queer person. Pero nagegets ko naman po kayo.
Ako: Sorry. No offense meant. Malapit ako sa mga gay people. Marami akong stories about them. So, hindi ko sila pwedeng i-down o i-disrespect. Only the same sex marriage.. In fact, ang "Hijo de Puta" ko ay may mga gay characters. Thank you for understanding!
Siya: Ok lang po. Di din naman po kasi ako pabor sa same sex marriage kahit na queer ako

Ako: Ah. Thank you! But don't consider yourself as queer. You call yourself UNIQUE, instead. Nice chatting with you! Be happy.

Pangarap Conversation

Guro: "Alam niyo ba kung bakit pati ang mga pangarap niyo ay ipinasusulat ko sa inyo at ipino-post ko sa Facebook?"
Mga Mag-aaral: "Bakit po?"
Guro: "Upang pagtanda ko at hindi na ako guro, maalala ko at malaman ko kung natupad ninyo ang inyong mga pangarap."
Mga Mag-aaral: "Ayy.." (Na-touched)
Guro: "Ang sarap din kayang ilibre ka ng dati mong estudyante ng kahit tiglilimang pisong ice cream kapag nagkita kayo dahil doktor na siya.
Mga Mag-aaral: (Tawanan)

Tuesday, October 13, 2015

Keep Calm and Live Longer

Getting angry is dangerous to our health. It will ruin of life.
Hypertension. If you are angry, there is a chance of raise of blood pressure from 30 to 50 points. So, the normal 130/80 might become 180/100, which is a high blood pressure.
Stroke. If the pressure of the blood goes up, the possibility of stroke is prevalent. The nerves of the brain might explode. It is termed as brain hemorrhage. It is deadly.
Heart Attack. I'm sure, you have seen or heard someone had a heart attack after got angry. Too much stress is the cause.
Eye Bleeding. It is known as hypema. Though it is a rare case but it might happen when the anger gets into your senses. And, it can cause blindness.
Aside from these, anger can lead us to asthma, diabetes, back pain, cancer, etc.
Then, how can we avoid anger?
Exercise. It is funny but it can help us eradicate the negative feeling towards someone.
Rest. Work is a stressor. So, don't overwork. Take a rest. It will lessen the stress, which makes you angry.
Be patient. Time is gold but don't be a gold-digger. You don't need to rush things especially if it gives you a tension.
Organize your thought. Make your mind in order. Avoid negative thinking. Cast away the thoughts that burst you into anger. Instead, envision solution and positive actions.
Wait. Relax. If you're mad with someone, wait for the right time before you have a confrontation or argument with him. The right time is when your breath or heart beat is already normal. So, breath exercise first.
Soliloquy. It is talking to own self. Ask yourself why you have to get mad or why you are angry. If it is baseless, don't react.
Do things worthwhile. Instead of embracing yourself with anger, why not create or innovate things that will make you smile. If your busy doing things or crafts, you have no time to be angry.
Smile. It only takes few muscles to smile while it will just upset you when you get angry. Better yet, laugh.
Always remember: There's no harm in always being calm. Keep calm and live healthier and longer.

Saturday, October 10, 2015

Student and Teacher's Conversation

Student: Sir? May i ask you something?

Teacher: Yes! What is it?

Student: Last month po kasi, may umano po sa akin sa skul mga badjao . Sinabi po sa akin, Wag daw po akong mag papakita sa Kanila? Hindi ko naman po sila kilala. Sabi ko po, bakit? Sabi nila matapang kaba dito? Tas umalis na po ako. tas sumigaw po sila ng humanda ka sa amin pag nakita ka namin ulit. natakot po ako. ngayon po 1 month po akong dinaka pasok . pero pinapapasok po ako. tas 1 week nakapasok ulit ako. tas nakita ko ulit yung mga badjao. mas lalong natakot po ulit ako kaya di nanaman po ako nakapasok ng 1 week. Tas tinext po ng teacher ko papa ko. pinapapunta po sa skul. e di naman po ako pumapasok. ano pong gagawin ko?

Teacher: Pumasok ka. Isama mo ang parents mo. Sila ang dapat unang makaalam ng problemang ito.

Student: Natatakot po ako pag nalaman ng papa ko, sasaktan po ako nun. bubugbugin. tas papahiyain. gusto ko pong mag paliwanag kaso huli na po ang lahat.

Teacher: Ipa-blotter niyo kung kinakailangaan.        

Teacher: Dapat alam din ito ng teacher at principal ninyo.

Student: Yun na nga po eh. Kaso natatakot po ako sa papa ko:(

Teacher: Hindi ka dpat matakot sa Papa mo. Walang magulang na gugustuhin kang mapahamak.

Student: Bubugbugin po ako ng papa ko. Pinapa punta po si papa sa school ngayong 3:00 pero hindi ko pa po napapaliwanag kay papa ang lahat. Baka po bugbugin ako mamaya pag uwi ko.

Student: Pero po, hindi po nila ako gusto:( ayaw po nila sa akin.

Teacher: Wala ka namang kasalanan sa kanila di ba? E bakit natatakot ka sa Papa mo?

Teacher: Hindi yan. Maniwala ka sa akin. Hindi un gagawin ng Papa mo. Nasa isip mo lang iyon. Kaw ang anak niya.

Teacher: Pag binugbog ka, lapit ka sa akin. Tutulungan kta

Student: Ayun na nga po yung problema ey. Hindi po ako pumapasok dahil sa takot ko.

Student: Natatakot po akong tumungtong sa school namin. Gusto ko po sanang aminin pero huli na po. Kung pwede lang po sana mag HOME STUDY na lang po ako.
Student: Gusto ko po sanang umalis sa bahay-_- pero pamilya ko pa din po sila atsaka ayaw ko pong sinasaktan ako.

Student: Kapag may nagagawa po akong mali-_- dinadala po nya sa bugbog. Natatakot na nga po akong umuwi em

Teacher: Humingi ka na ng tulong sa DSWD. Kelan pa ito nangyayari?

Teacher: Wala ka bang kamag-anak na pwede mong malapitan at masumbungan?

Teacher: Anong school mo?

Teacher: Gusto kitang tulungan...

Teacher: Pero di ko rin alam ang gagawin ko.. Kasi pamilya mo naman ang kalaban ko pg ginawa ko un

Student: Dati pa naman po yun. Pero minsan na lang po mang yari yun. Meron po akong pamilyang malalapitan. Pero humahanap pa po sila ng bahay.

Student: Ayaw ko pong humingi ng tulong sa DSWD. Ang gusto ko lang po ang may mauuwian.

Teacher:Mag-iingat ka na lang lagi at kausapin mo ang bawat isa na nasaktan mo. Baka dahil may nagawa kang mali sa kanila kaya ka nakakaranas ng ganyan. Tandaan mo rin na walang pamilya na hindi tutulong sa kapamilya.

Student: Atsaka! Dati pa naman po yun. Ang akin lang po baka po bugbugin ako mamaya pag uwi.

Teacher: Hindi ka niya bubugbugin dhil wala ka namang kasalanan. Ikaw nga ang biktima ng bullying

Student: Pero po natatakot po ako sa kanya. Iba po kasi ang kutob ko e.

Student: Lowbat na din po ako:/ Tas Ayoko pa pong umuwi sa bahay.

Teacher: Mag-pray ka na. Kung may recorder ka, i-record mo na para may panghawakan ka. Mali ang ganyang disiplina

Student: Sige po.

Teacher: God bless.

Student: Thank you po. Sasabihan ko na lang po kayo pag sinaktan ako.

Teacher: Sige. Saka na lang ako tutulong pag nasaktan ka na. Ingat!

Student: Thank you po ulit


(Kinabukasan.....)

Student: Sir. Naka uwi na po ako kaninang 5. Nung pag uwi ko po, Pinalo po ako sa batok. Tas Pinalo ako ng Hanger mga 3-4 Na beses po ata. Tas nag paliwanag po ako ng maayos. Tas pinapapasok po ako bukas. Problema ko na lang po yung kakausapin ko po mga teachers ko. Hindi nga po ako sasaktan pero papahiyain po ako. Haha:) Pero ok lang po. Basta po maayos ang lahat at matapos ko po high school ko:). Maraming maraming salamat po ulit sa mga advice mo po. Malaking Tulong po ang lahat ng advice mo po sa akin. Sige po, Ingat po kayo:)

Teacher: Thats great! I hope maging maayos na ang lahat. Mahalaga talaga ang edukasyon. Lagi ka lang maging mapagkumbaba pra di sila magdalawang isip na mahalin at irespeto ka. Masaya ako sa naging resulta. God bless. Saka lagi mong sundin ang mga payo ng parents at teachers mo.

Student: Thank you po:)

Teacher: (Y)


(After 5 days.....)

Student: Sir may i tell you something again?

Teacher: Yes.

Student: Kung anak niyo po ako? Masamang anak po ba ako?

Teacher: Hindi. Siguro di k lang nauunawaan ng mgs magulang mo

Student: Pero sinabihan na po ako ni papa ng harap harap na hindi niya ako gusto. Pina tigil niya na ren ako sa pag-aaral.

Teacher: Hindi ka niys gusto? Bkit ganun? Anak k nman niyang tunay di ba?

Student: Idk po. Pakiramdam ko po hindi. Pakiramdam lang po kasi bakit ganun po ang nangyayare?

Teacher: Nagpapabaya ka ba sa pag-aaral mo?

Student: Hindi po. Yung time po na binubully ako ng mga badjao. Yun lang po.

Teacher: Kasi ang nakikita kong dahilan kya di k niya gusto ay dhil di ka nya tunay na anak.

Teacher: Gusto niya sguro maging matapang k sa mga nambubully sa'yo. Gusto nya na labanan mo sila

Student: Kasi po sa birth certificate ko wala pong nakalagay na pangalan ng tatay. Pero po kay ate meron.

Teacher: Itanong mo sa mama mo kung anak k b ng Papa mo

Student: Pero ang gusto ko po ang hindi mapahamak ang kalagayan ko kaya ayun po yung nagawa ko

Teacher: Tama naman ang ginawa mo na di ka lumaban. Hindi un karuwagan. Pero pra sa papa mo, gusto niyang maging astigin ka.

Student: Bat niya po ako pinatigil sa pag-aaral? Naka pasok na po ako nung teachers day tas pinatigil niya na ako tas pinapaalis na den niya ako

Teacher: Pinapalayas ka n niya?

Student: Opo nung pag-uwe ko po galing school. Nung teachers day. Sabi po saken mag pa sundo na daw ako sa tita ko.

Teacher: Taga-saan ang Tita mo?

Student: Pateros po.

Teacher: Anong plano mo?

Student: Hindi ko po alam. Mag work po sana muna. Mag ka pera lang po. Pamasahe papuntang pateros.

Teacher: Sayang ang pag-aaral mo. Tapusin mo muna ang second grading, ska k lumipat.

Student: Wala na po. Magi stop daw ako.

Teacher: Mag-exam k muna para pwde k png magtransfer sa pateros.

Student: Hindi ko po alam sa kanila.

Teacher: Grabe naman ang Papa mo. Maliit n bagay, pinalaki at ginawa niyang problema.

Student: Kaya nga po.

Teacher: Siguro, gusto niya na talgang lumayo ka na sa piling nila.

Teacher: Pagbigyan mo na. Magpakatatag ka n lng. Gawing mong inspirasyon ang mga pangyyaring ito sa buhay mo.

Student: Pakiramdam ko din po. Lagi ko nga pong nasasabi sa sarili ko na magpakamatay na lang ako.

Teacher: Marami ang nagiging matagumpay dahil sa mga pinagdaanan nila sa buhay. I know, isa ka sa mga iyon.

Student: Hirap na din po kasi ako. Pati kaligayahan ko po ayaw nilang iparamdam sa akin.

Teacher: Hindi mo man maramdaman un sa pamilyang kinagisnan mo, mahahanap mo yan sa ibang tao. Kaya wag kang susuko.

Student: Hirap na po kasi ako. Hindi ko po alam gagawin ko sa mga oras na tumatakbo.

Teacher: Sige lang. Kalmahin mo ang utak mo. Isipin mo na lang ang mga bagay n gusto mo pang makamit, ang mga lugar na gusto mong marating

Student: Pagod na den po akong mag-isip sa lahat. Gusto ko lang pong ipatating na mahal ako ng tatay ko.

Teacher: Naku! Paluin kita dyan, Ryan! Tumigil ka. Wag mong gawin yan. Kundi hindi ka makkarting sa langit


Paano Sumulat ng Lathalain? #2

 Madali lang. Para ka lang nagbilang ng isa hanggang siyam.   Una, isulat mo ang unang talata. Ang unang talata ay tinatawag na ‘The Lea...